Page 1
Copyright © 2018 Quipper Limited
1
FILIPINO
Baitang 7 Yunit 4
Ang Vinta nina Vina
Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 5
Aralin 1: Ang Maikling Kuwento 6
Layunin Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natins
Pag-isipan Natin Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kawastuhan
at Kamalian ng Pangungusap 13
Layunin Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin
Aralin 3: Mga Retorikal na Pang-ugnay 16
Layunin Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin
Aralin 4: Pagsulat ng Buod 21
Layunin Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Page 2
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
Gawin Natin 26
Paglalagom 27
Dapat Tandaan 28
Payamanin Natin 28
Susi sa Pagwawasto 29
Sanggunian 30
Page 3
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
BAITANG 7 | YUNIT 4
Ang Vinta nina Vina ng maikling kuwento ay isa sa mga uri ng
panitikang tuluyan. Ayon kay Genoveva
Matute, isang manunulat, ang maikling
kuwento ay hindi pinaikling nobela, at hindi
rin buod ng isang nobela. Magkaibang uri ng panitikan
ang nobela at maikling kuwento. Sa kabila ng kaiklian,
nito kumpara sa nobela, kompleto nitong nailalarawan
ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa
mambabasa.
Marami ka na bang nabasang maikling kuwento? Ano-
anong maikling kuwento na mula sa Mindanao ang
nabasa mo na? Mayaman sa mga kuwento ang ating
bansa. Ito ay nagmula sa pasalindilang tradisyon ng
ating mga ninuno hanggang naisulat na ito at kabilang
sa panitikan.
Kilala ang Zamboanga sa kanilang wika na Chavacao. Ito ang dahilan kung bakit ang naturang lugar
ay tinawag na “Asia’s Latin City.” Maliban pa rito, kilala rin ang Zamboanga sa makukulay na
vinta—ito ang kanilang bangkang may makukulay na layag. Tuwing sumasapit ang buwan ng
Oktubre ay inaabangan ng mga tao ang Regatta de Zamboanga, ang karera ng pinakamabibilis na
vinta. May ipinagmamalaking kuwento ang bawat lugar sa ating bansa. Isa sa maikling kuwentong
mula sa Mindanao ay “Ang Vinta nina Vina.” Sa pamagat pa lamang ay masasalamin na ang
ipinagmamalaking vinta ng mga taga-Mindanao.
A
Pindutin ang Home icon para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Page 4
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Basahin Natin
Ang Vinta nina Vina
Ipinagmamalaki ni Vina ang kaniyang ama na isang mangingisda. Sa taon-taon kasing karera ng mga
vinta ay itinuring nang pinakamagaling at pinakamabilis na maglayag ng vinta ang kaniyang ama.
Ngayong umaga ay tila kasinliwanag ng araw ang ningning ng mga mata ni Vina. Maaga siyang
gumayak para sa karera ng mga vinta. Lagi kasing pinananabikan ni Vina ang pagsapit ng karerang
ito sa lugar nila sa Zamboanga, dahil muli na namang makikita ng lahat ang husay ng kaniyang ama
sa paglalayag.
“Inay, nasaan na po si Tatay?”
“Anak, maaga siyang umalis para maghanda sa karera ng mga vinta.”
Page 5
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
Pagkatapos kumain nang agahan, agad na pumunta ang mag-ina sa tabing dagat upang mapanood ang
karera.
Iba-ibang kulay ng vinta ang matatagpuan sa karera, may kulay bahaghari, may kulay asul na may
disenyong ulap, may kulay dilaw na disenyong araw, may kulay berde na disenyong puno, at marami
pang disenyo at iba-ibang kulay.
Pero para kay Vina, ang vinta na gawa at nilalayag ng kaniyang ama ang pinakamagandang vinta sa
lahat. Ang vinta na ito ay may disenyong buwan at mga bituin. Para kay Vina, ito ay simbolo ng pag-
asa. Ito ay dahil tuwing gabi sa kanilang bayan sa Zamboanga ay walang ilaw. Tanging bituin at
buwan ang nagsisilbing liwanag sa dilim ng kanilang lugar. Mas gusto ni Vina ang liwanag ng buwan
at mga bituin kaysa gasera para makapag-aral siyang mabuti.
Todo ang suporta at panalangin ni Vina kay Allah na manalo sanang muli ang kaniyang ama para
makabili nang dagdag na gamit sa paaralan. Ito kasi ang pangako sa kaniya ng ama.
Nagsimula na nga ang karera. Sumigaw nang sumigaw si Vina para purihin at suportahan ang
kaniyang ama. Isa sa mga nangunguna ang vinta ng kaniyang ama. Nagsusumamo si Vina na manalo
sila. Bandang kalagitnaan ay isa pa rin sa mga nangunguna ang kanilang vinta.
Ngunit bandang huli ay naungusan ang kaniyang ama. Malungkot na malungkot si Vina. Napaluha pa
nga siya, ngunit inamo siya ng kaniyang ina. Nakita rin siya ng kaniyang ama.
“Anak, tahan ka na. Gagawa tayo ng paraan para sa mga karagdagang gamit mo sa paaralan. Bibilhan
din kita ng mga aklat. Tahan ka na.”
“Talaga po, Itay? Pero kahit hindi na po.
Basta para po sa amin ni Inay, kayo ang
pinakamagaling sa paglalayag ng vinta.”
Nang dumating na ang pagbibigay ng premyo
sa nanalo, laging gulat ng lahat nang
binigyan ng parangal ang ama ni Vina bilang
pinakamatagal na kampeyon sa karera ng
vinta. Maliban sa premyong salapi ay
binigyan din ng mga aklat na magagamit ni
Vina. Masayang-masaya si Vina sa mga
naganap, at siya ay nagpasalamat kay Allah.
Sagutin Natin
1. Ano ang hanapbuhay ng ama ni Vina?
2. Sa aling paligsahan nagkakampeon ang
ama ni Vina?
3. Ano ang disenyo ng vinta nina Vina?
Page 6
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Aralin 1
Ang Maikling Kuwento
Pag-aralan Natin
Ang maikling kuwento ay isa sa mga uri ng panitikang tuluyan. Ayon kay Genoveva E. Matute, isang
manunulat, ang maikling kuwento ay hindi pinaikling nobela, at hindi rin buod ng isang nobela.
Magkaibang uri ng panitikan ang nobela at maikling kuwento. Sa kabila ng kaiklian nito, kumpara sa
nobela, ay kompleto nitong nailalarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa. Ang mga sinaunang panitikang gaya ng kuwentong-
bayan at alamat ang naging inspirasyon sa paglinang ng maikling kuwento.
Mga Katangian ng Maikling Kuwento Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang maikling kuwento ay mayroon ding mga katangiang dapat
malaman at tandaan. Isa-isahin natin kung ano ang mga ito.
1. May mahalagang bahagi ng buhay na tinatalakay
• Makulay ang buhay. Bawat kulay ay sumisimbolo sa mga pinagdadaanan ng tao, na
pinagbabatayan ng mga manunulat sa pagkatha ng maikling kuwento.
2. May mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan
• Ang suliraning pinagdaraanan ng tauhan ang isa sa mga nagbihis sa maikling kuwento upang
makahikayat ito ng mga mambabasa.
3. May mahalagang tagpuan
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang mga elemento ng maikling
kuwento mula sa Mindanao.
Page 7
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
• Malaki ang ginagampanan ng tagpuan upang mas mapatingkad ang pagtalakay sa mahalagang
bahagi ng buhay ng tauhan.
4. May mabilis na pagtaas ng kawilihan
• Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa maikling kuwento, kaya madaling masundan ng mga
mambabasa ang mahahalagang bahagi ng kuwento.
5. May maigting na kasukdulang agad na sinusundan ng wakas
• Isa sa kagandahan ng maikling kuwento ay agad na isinusunod ang kasukdulan o
pinakamaigting na pangyayaring pinakaaabangan ng mga mambabasa.
6. May kakintalang iniiwan sa mga mambabasa
• Kailangang makapag-iwan ang kuwento ng damdaming aantig sa mambabasa upang hindi agad
makalimutan ng kuwentong binasa.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
Ang maikling kuwento ay kailangang nagtataglay ng kompletong elemento, sapagkat ang mga ito ay
sama-samang nagbibigay-kulay sa akda. Isa-isahin natin ang mga ito.
1. Tauhan – Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa kuwento. Ang pangunahing tauhan ang may
pinakamalaking bahagi sa kuwento na lumulutas sa suliraning kaniyang kinakaharap.
2. Tagpuan – Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahon at lugar na pinangyarihan ng kuwento. Sakop
nito ang kaligiran ng pagkilos ng mga tauhan.
3. Banghay – Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento. Maaari itong
ilarawan bilang hugis na baligtad na tsek o tatsulok, sapagkat simula sa ibaba ay unti-unting
tumataas ang kawilihan ng mga mambabasa. Binubuo ito ng sumusunod:
Mga Elemento ng
Maikling Kuwento
Tauhan Tagpuan Banghay Paksang diwa Katimpian Paningin
Page 8
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
• Simula
- Pagbubukas ng kuwento ng buhay ng pangunahing tauhan.
• Saglit na kasiglahan
- Ito ang bahagi kung saan unti-unting lumilitaw ang suliraning kakaharapin ng tauhan at
ang pagdagdag ng kumplikasyon sa mga pangyayari.
• Suliranin at Tunggalian
- Ang pagsubok na pinagdaraanan ng pangunahing tauhan o ang balakid sa kaniyang
layunin o mithi. Dito iikot ang mga pangyayari sa kuwento tungo sa tunggalian. Sa
tunggalian nagaganap ang pagharap ng tauhan sa kaniyang suliranin. Maaaring ito ay:
➢ Tao laban sa tao
Pangunahing tauhan laban sa ibang tauhan, maaaring paglalabang pisikal, talino,
kapangyarihan, espiritwal, at iba pang maaaring laban ng tao sa kaniyang kapwa.
➢ Tao laban sa kapaligiran
Pangunahing tauhan laban sa mga pangyayaring nagaganap sa kaniyang paligid.
Maaaring ito ay kahirapan, diskriminasyon, at iba pang isyung panlipunan na
susukat sa pagkatao at kakayahan ng pangunahing tauhan.
➢ Tao laban sa sarili
Pangunahing tauhan laban mismo sa kaniyang sarili. Maaaring mayroong
pagtatalo sa desisyong kaniyang gagawin, paniniwala, damdamin, at iba pang
maaaring maghatid ng pagtatalo mismo sa kaniyang sarili.
Mga Elemento ng
Banghay
Simula Saglit na
KasiglahanSuliranin
Tao laban sa tao
Tao laban sa
kapaligiran
Tao laban sa sarili
Tunggalian Kasukdulan Kakalasan Wakas
Page 9
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
• Kasukdulan
- Pinakamasidhing pangyayari sa kuwento, kung kaya ito ang may pinakamataas na
kawilihan. Sa bahaging ito ng banghay madalas nagaganap ang tunggalian. Unti-unting
wawakasan ang tunggalian hanggang sa makarating sa bahaging kakalasan.
• Kakalasan
- Pagkalas o paglutas sa suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan.
• Wakas
- Ang katapusan ng kuwento. May mga wakas kung saan pinag-iisip ng may-akda ang
mga mambabasa tungkol sa kahihinatnan ng mga tauhan matapos masolusyunan ang
suliranin.
4. Paksang diwa - Pangunahing kaisipan ng kuwento na inihahatid ng kuwento sa mga mambabasa.
5. Katimpian – Masining na paglalarawan sa damdamin. Maaaring higit na madama ang labis na galit
ng pangunahing tauhan kung ilalarawan ito sa paraang nagtitiim bagang, kuyom na palad, at habol
na paghinga kaysa sa pagpapalahaw. 6. Paningin (Point of View) – Ang perspektibang ginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayari ng
kuwento. Maaari itong sa unang panauhan kung saan isinasalaysay ng isang tauhan o mananalaysay
(narrator) ang mga pangyayari ayon sa kaniyang pananaw. Maaaring nasa ikalawang panauhan
kung saan tila kinakausap ang mambabasa, o ang ikatlong panauhan kung saan isinasalaysay ito sa
paraang tila nagmamasid sa mga pangyayari. Maaaring magkaroon ng baryasiyon ang mga ito batay
sa limitasyon ng pagsasalaysay ng ginamit na panauhan.
Pagtalakay sa Akda
Mga Katangiang Taglay ng Akdang Binasa:
Katangian ng Maikling Kuwento Ang Vinta nina Vina
May mahalagang bahagi ng
buhay na tinatalakay
Ginamit ang karera ng mga vinta upang ipakita ang
pagpapahalaga ng anak sa kaniyang magulang.
May mahalagang suliranin ang
pangunahing tauhan
Ipinakita ang katotohanang kaalinsabay ng pagtanda ang
paghina rin ng pangangatawan.
May mahalagang tagpuan
Inilarawan ang makulay na kultura at tradisyon ng
Zamboanga sa pamamagitan ng karera ng mga vinta.
May mabilis na pagtaas ng
kawilihan
Mabilis ang naging daloy ng kuwento, magmula sa
paghahantad ng suliranin, kasukdulan, hanggang sa wakas.
May maigting na kasukdulang
agad na sinusundan ng wakas
Labis na ikinalungkot ng pangunahing tauhan ang pagkatalo
ng ama sa karera, na agad namang inalo ng ama. Masayang
winakasan ang kuwento.
Page 10
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
May kakintalang iniiwan sa mga
mambabasa
Naikintal sa isipan ng mga mambabasa ang pagmamahal ng
anak sa magulang at ang pagsisikap ng magulang para sa
anak.
Mga Elemento ng Kuwentong Tinataglay ng Akadang Binasa
Mga Elemento Ang Vinta nina Vina
Tauhan Si Vina, ang kaniyang ama, at ina
Tagpuan Sa tabing dagat; sa probinsya ng Zamboanga; panahon ng pagsasagawa ng
karera ng mga mabibilis at makukulay na vinta
Banghay Sa simula pa lamang ay ipinabatid sa kuwento na ipinagmamalaki ni Vina ang
kaniyang ama bilang isang mahusay na manlalayag ng vinta. Ipinakita na rin
dito ang pagpapakilala ng suliraning kahaharapin ng pangunahing tauhan. Ito
ay ang pagiging may edad na ng ama. Nahirapan na ang ama sa pakikipagkarera
ng vinta kumpara sa mga nakanang karerang kaniyang sinalihan. Maaaring ang
hantad na tunggalian ay ang pakikipaagtunggali ng ama sa ibang kalahok ng
karera ng mga vinta. Ngunit kung susuriin, maaaring ang totoong tunggalian
ay na kay Vina. Bagaman alam niyang mahusay na manlalayag ang ama, dama
ng mga mambabasa ang labis niyang kaba sa dibdib. Alam niyang may edad
na ang kaniyang ama at may posibilidad na hindi na kasinlakas tulad ng dati.
Nagtatalo sa kaniyang kalooban kung mananalo o matatalo ang kaniyang ama.
Ang kasukdulan ng kuwento ay natalo sa karera ang kaniyang ama. Labis na
nalungkot si Vina, na naging kumpirmasyon sa suliranin at tunggalian niya sa
kaniyang sarili. Ngunit agad din itong kinalas nang tanggapin ng ama ni Vina
ang pagkatalo at pinalubag ang loob ng anak. Nagkaroon ng magandang wakas
ang kuwento, nang kilalanin bilang matagal na pagiging kampeon ng nasabing
karera. Ang pagkilalang ito ang nagbigay rin ng kumpirmasyon sa di-lantad na
suliranin ng pagiging may edad na ng ama ni Vina.
Paksang diwa Pagmamahal at pagpapahalaga sa magulang.
Katimpian Pigil ang emosyon ni Vina nang puntong inaalo siya ng ama
Paningin Isinasalaysay ng may akda ang mga pangyayari sa kuwento, hindi siya
pumasok sa katauhan ng sinuman sa mga tauhan.
Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang maikling kuwento ay sumasalamin sa buhay ng tao. Ang mga
katangian at elemento nito ay nagsama-sama upang mapatingkad ang iba-ibang kulay ng buhay na
inilalarawan at tinatalakay ng mga may-akda.
Page 11
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sa aling katangian ng maikling kuwento kabilang ang impresyong maiiwan sa mambabasa
tungkol sa pagmamahalan sa pagitan ng magulang at anak?
2. Anong uri ng paningin o panauhan ang ginamit bilang perspektiba sa pagsasalaysay ng
kuwentong “Ang Vinta nina Vina”?
Isaisip Natin
Bakit mahalagang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento?
Sagutin Natin
1. Ano ang maikling kuwento?
2. Ano ang mga katangian ng maikling kuwento?
3. Ano ang mga elemento ng maikling kuwento?
Page 12
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
Pag-isipan Natin
Piliin sa kahon ang tinutukoy na element ng maikling kuwento sa bawat bilang.
1. Pinakamasidhing pangyayari sa kuwento, kung kaya ito ang may pinakamataas na
kawilihan.
2. Pinangyarihan ng kuwento. Sakop nito ang panahon, oras, at kapaligiran.
3. Mahalagang bahagi sa buhay ng pangunahing tauhan. Dito iikot ang kabuuan ng kuwento.
4. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento.
5. Pangunahing kaisipan ng kuwento na nais ihatid ng may akda sa mga mambabasa.
TAGPUAN BANGHAY SULIRANIN
PAKSANG DIWA PANINGIN KASUKDULAN
Page 13
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Aralin 2
Kahulugan ng Salita: Kawastuhan at
Kamalian ng Pangungusap
Pag-aralan Natin
May mga pagkakataong dahil sa kakapusan ng bokabularyo ay namamali sa pagpili ng salitang
gagamitin para sa pangungusap na ipahahayag. Nagbubunsod tuloy ito ng pagiging mali rin ng
pangungusap. Ang sitwasyong ito ay isang pagpapatunay lamang na sadyang mahalagang pagyamanin
ang talasalitaan. Makatutulong ito upang maiwasan ang kamalian sa pangungusap, at maging malinaw
sa nais ipahayag.
Ang mga salitang kilala, bantog, at sikat ay magkakapareho ang kahulugan. Alinman sa mga salitang
ito ay maaaring gamitin sa mensaheng nais ihatid ng pangungusap. Samakatuwid, wasto ang diwa ng
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at naipaliliwanag ang
kawastuhan/kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita
Kawastuhan ng Pangungusap Batay sa Kahulugan ng Salita Dahil napakayaman sa salita ng ating wika, marami tayong salitang maaaring pagpiliang magamit
sa pangungusap.
Halimbawa:
• Kilala sa pagiging kampeon ng karera ng mga vinta ang ama ni Vina.
• Bantog sapagigingkampeon ng karera ng mga vinta ang ama ni Vina.
• Sikat sa pagiging kampeon ng karera ng mga vinta ang ama ni Vina.
Page 14
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
Alinman sa tatlong pangungusap ayon sa kahulugan ng salitang ginamit.
Batay sa pangungusap na, "Sa bandang huli ay naungusan ang ama ni Vina,” malinaw na ang diwa ay
nalagpasan na ng isang kalaban sa karera ang ama ni Vina. Mali ang ginamit na salitang naisahan,
sapagkat nagkaroon ng kahulugang niloko o napaglalangan ang ama ni Vina. Mali rin ang gamit ng
salitang natapatan, dahil nangangahulugan itong hindi nalagpasan ang vinta nina Vina. Hindi rin
tama na gamitin ang salitang nahuli, sapagkat nangangahulugan itong pinakahuli sa karera ng mga
vinta ang vinta nina Vina. Ito mismo ang kasalungat ng diwang nais ipahayag.
Napatunayan nating malaki ang nagagawa ng isang salita upang maging tama o mali ang diwa ng
isang pangungusap. Ang isang salita ay sapat na upang makapagpabago ng mensaheng maihahatid sa
iba. Samakatuwid, mahalagang maging maingat sa pagpili ng salitang gagamitin sa
pakikipagtalastasan, pasulat man ito o pasalita.
Kamalian ng Pangungusap Batay sa Kahulugan ng Salita Mahalagang alamin muna ang kahulugan ng isang salita bago ito gamitin sa pangungusap.
Mahalaga ring bigyang-pansin ang nabuong pangungusap, sapagkat may mga posibilidad na tama
ang napiling salita ngunit mali ang pagkakabuo ng pangungusap.
Halimbawa:
Batayang pangungusap: Sa bandang huli ay naungusan ang ama ni Vina.
• Sa bandang huli ay naisahan ang ama ni Vina.
• Sa bandang huli ay natapatan ang ama ni Vina.
• Sa bandang huli ay nahuli ang ama ni Vina.
Sagutin Natin
1. Bakit mahalagang pagyamanin ang talasalitaan?
2. Paano makasisigurong tama ang salitang ginamit sa pagbuo ng pangungusap?
3. Bakit nagiging mali ang diwa ng pangungusap?
Page 15
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Paano nakaaapekto ang lawak ng talasalitaan ng isang tao sa paraan niya ng paghahayag?
2. Ano ang naidudulot ng maingat at wastong pagpili ng salitang gagamitin sa paghahayag?
Isaisip Natin
Paano maiiwasan ang kamalian sa pangungusap?
Pag-isipan Natin
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Palitan ng wastong salita ang mga nakasalungguhit na
salitang hindi angkop sa pangungusap.
1. Matangkad ang gusali na kanyang pinagtatrabahuhan.
2. Ang daan patungo sa bayan ay manipis.
3. Pahiran mo ang iyong uling sa mukha.
Page 16
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
Aralin 3
Mga Retorikal na Pang-ugnay
Pag-aralan Natin
Ang retorika ay tumutukoy sa masining na
pagpapahayag. Isa sa mga dapat tandaan at isagawa
upang mapaghusay ang ating retorika ang paggamit ng
mga retorikal na pang-ugnay.
Binubuo ng tatlong uri ang retorikal na pang-ugnay—
pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig. Isa-isa nating
talakayin.
Marahil ay walang sinuman ang nag-
isip o naghangad na sana ay hindi siya
mahusay o maayos magpahayag, dahil
ang laging layunin natin sa ating
pakikipag-usap ay maunawaan ng lahat
ang ating sinasabi. Ngunit paano nga
ba mapahuhusay ang ating
pagpapahayag? Dito makatutulong ang
pagpapahusay ng ating retorika.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nagagamit nang wasto ang mga
retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa).
Page 17
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
Ang Pang-angkop Ang mga katagang nag-uuugnay sa panuring at tinuturingan ay tinatawag na pang-angkop. Higit
nitong pinagaganda ang mga salitang pinagsasama, sapagkat nagiging mas madulas bigkasin ang mga
pinagsamang salita. Alamin natin kung ano ang mga uri ng pang-angkop.
1. Pang-akop na “na” – Ginagamit ito kung sa katinig nagtapos ang salitang panuring, maliban
sa titik na n.
Halimbawa:
• Pinakamatagal na kampeyon
• Mabait na anak
2. Pang-angkop na “-g” – Ginagamit tuwing ang salitang panuring ay nagtatapos sa katinig na
n.
Halimbawa:
• Huwarang ama
• Maaawaing anak
3. Pang-angkop na “ng” – Ginagamit ito kapag sa patinig nagtapos ang salitang panuring.
Halimbawa:
• Pinakamagandang vinta
• Tabing dagat
Ang Pang-ukol Ang pang-ukol ay salita o kataga na nag-uugnay sa pangngalan at sa iba pang salita sa loob ng
pangungusap. Ginagamit ito upang mas umayos ang ugnayan ng mga salita.
Ilan sa mga pang-ukol na ating ginagamit: sa, kay, ng, ukol sa/ kay, para sa/ kay, ayon sa / kay,
hinggil sa/ kay, tungkol sa/ kay, at alinsunod sa/ kay.
Halimbawa:
• Inilalaan kay Vina ang inaasahang premyong matatanggap sa karera ng mga vinta.
• Hinggil sa nalalapit na karera ng mga vinta ang pinag-uusapan ng mga kalalakihan.
Mga Pangatnig Ito ay mga kataga o salita na na nag-uuugnay sa dalawang kataga, parirala, o sugnay. Ginagamit ito
bilang pantulong o pantuwang.
• Ang mga pangatnig na at at pati ay ginagamit sa pagdaragdag ng impormasyon.
Page 18
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
• Ang mga pangatnig na ngunit, bagaman, subalit, at datapwat ay ginagamit sa pagsasaad ng
pagsalungat o pagtutol.
• Ang mga pangatnig na o, ni, at maging ay ginagamit sa tuwing may ibinubukod o
inihihiwalay.
• Sa pagbibigay naman ng kondisyon ay ginagamit ang mga pangatnig na kung, kapag, at
basta.
• Naghahatid naman ng diwang kinahinatnan ng pangyayari ang mga pangatnig na bunga ng,
kung kaya, at kaya naman.
• Sa tuwing magsasaad naman ng kadahilanan ay ginagamit ang mga pangatnig na sapagkat,
dahil sa, at palibahasa.
Halimbawa: • Labis ang pag-asam ni Vina na muling manalo sa karera ng mga vinta ang kaniyang ama, ngunit
hindi nangyari ang kaniyang inaasam-asam.
- Ginamit ang pangatnig na ngunit upang salungatin ang unang diwa ng pangungusap.
• Mabibili ang halos lahat ng kailangan ni Vina para sa pasukan kapag nagwagi sa karera ng mga
vinta ang kaniyang ama.
- Ginamit ang pangatnig na kapag upang magbigay ng kondisyon.
Malaki ang ginagampanan ng mga retorikal na pang-ugnay sa pagpapaganda ng ating mga pahayag.
Higit kasing nagiging mas madulas ang pagbigkas ng pinagsamang mga salita, at mas mauunawaan
ang mensahe ng pahayag. Samakatuwid, sadyang ang mga retorikal na pang-ugnay ay kailangan upang
makamit ang mahusay na retorika.
Sagutin Natin
1. Ano ang retorika?
2. Ano ang mga retorikal na pang-ugnay?
3. Bakit mahalagang gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay?
Page 19
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang pinag-uugnay ng mga pang-angkop?
2. Ano ang kaibahan ng pang-ukol sa pangatnig?
Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang mga retorikal na pang-ugnay sa isang pangungusap?
Pag-isipan Natin
A. Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, o na).
1. May mga bahay _____ bato na nakatayo pa sa Vigan.
2. Ang Qatar ang isa sa pinakamayaman ____ bansa sa buong mundo
3. Limandaan ____ piso ang sinukli ng kahera.
4. Si Nico ay takot pumasok sa madilim _____ silid.
5. Nauuna ang pula_____ kotse sa karera
B. Ikahon ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap
1. May balita k aba tungkol kay Rosa?
2. Ang patalastas ay ukol sa paglikas nila sa bayan
3. Ang mga kapote at bota ay para kina Roberto at Lino.
4. Ayon kay tatay, mas mabuting hintayin natin ang tamang panahon.
5. Ang paghahanda natin ay alinsunod s autos ni kapitan.
C. Sumulat ng limang pangungusap na kinapapalooban ng pangatnig.
1. ______________________________________________________________
Page 20
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________
Aralin 4
Pagsulat ng Buod
Pag-aralan Natin
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naisusulat ang buod ng binasang
kuwento nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap.
Kapag nagkukuwento ng ating nabasa o
napanood, hindi natin ito inilalahad nang buong-
buo sapagkat magiging napakahabang
pagkukuwento ang ating gagawin. Nararapat
natin itong ibuod upang hindi mabagot ang
makikinig.
Ang buod ay muling pagsulat o paglalahad ng
binasa o napakinggan, sa paraang mas maikli at
payak na pagkakabuo ng mga pangungusap
upang mas madaling maunawaan. Mayroong
mga hakbang na dapat tandaan sa pagsulat ng
buod.
Page 21
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod
Isa ring kasanayan ang pagsulat ng buod. Sa pagpapaikli ng isang teksto ay kailangang maihatid pa rin
ang buong diwa ng kuwentong nabasa o napakinggan bagama’t wala n ang mga espesipikong detalye.
Pag-aralan kung paano magagawa nang tama ang pagbubuod.
Basahin o pakinggan munang mabuti ang ibubuod upang maunawaan ang kabuuang
mensahe nito.
Tukuyin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan, nang sa gayon ay
makuha ang diwa ng mga ito at maisama sa pagbubuod.
Itala ang natukoy na pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan.
Pag-aralan kung paano paiikliin ang mahahalagang kaisipan na hindi naisasakripisyo
ang diwa.
Simulan nang isulat ang buod sa sariling pangungusap. Makabubuting payak lamang na
pagkakabuo ng pangungusap ang gamitin, upang mas madaling maintindihan. Siguraduhin
ding wala itong bahid ng sariling opinyon.
Tiyaking hindi lumayo sa diwa ng orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
Basahin ang binuong buod. Kung mahaba pa rin ay subukan pa rin itong iklian na hindi
maisasakripisyo ang mahahalagang kaisipan.
Page 22
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
Pagbubuod
Balikan natin ang kuwentong ating binasa sa pagsisimula ng yunit na ito. Subukin nating ibuod ang
naturang kuwento.
Ano ang napansin ninyo sa buod ng kuwento? Maikli lamang ito, hindi ba? Nagawa rin nating isalaysay
nang kompleto pa rin ang mahahalagang kaisipan, sa kabila ng kaiklian nito.
Mahalagang taglay ng mga mag-aaral ang kasanayan sa pagbubuod, sapagkat lagi itong nagagamit sa
mga gawain sa klase. Lagi lamang tandaan na hindi dapat lumayo sa nilalaman ng orihinal, kailangang
ang mahahalagang kaisipan ay taglay pa rin ng ginawang buod.
Sagutin Natin
1. Ano ang buod?
2. Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng buod?
Ang Vinta nina Vina
Maagang bumangon si Vina sa araw ng karera ng mga vinta kung saan kasali ang
kaniyang ama, ang kampeon ng nasabing karera. Ipinagdarasal ni Vina na sana ay muling
manalo ang kaniyang ama, dahil ang premyo ay maibibili nila ng mga gamit niya sa paaralan.
Nagsimula na ang karera. Noong mga una ay kabilang ang ama ni Vina sa mga
nangunguna. Ngunit nang kalaunan ay naungusan ang kaniyang ng mga kalaban. Nalungkot si
Vina, sapagkat natalo ang kaniyang ama.
Ngunit nagulat sina Vina nang bigyan ng premyo ang kaniyang ama bilang pagkilala sa
pagiging matagal na kampeon ng karera ng mga vinta. Masayang silang umuwi, sapagkat
maliban sa premyo ay binigyan din sila ng mga aklat na kakailanganin ni Vina sa paaralan.
Page 23
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbubuod?
2. Bakit mahalaga ang pagtataglay ng kasanayan sa pagsulat ng buod?
Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang pagbuo ng buod sa isang maikling kuwento?
Pag-isipan Natin
Isulat sa patlang ang tatsulok () kung ang sumusunod na pangungusap ay kabilang sa mga
hakbang sa pagbubuod.
______ 1. Tukuyin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan.
______ 2. Kopyahin ang unang pangungusap ng orihinal na kuwento bilang panimula ng buod.
______ 3. Ilagay rin sa buod ang nabasang kuwento na katulad ng tema ng kuwentong binubuod.
______ 4. Tukuyin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan
______ 5. Pahabain ang mahahalagang kaisipan upang maging mahaba ang buod.
Page 24
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Gawin Natin
Rubrik sa Pagtataya
Itiman ang angkop na bilog. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)
Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5
1. Wasto ang pagkakagamit ng mga piniling salita.
2. Napanatili ang diwa ng orihinal ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideya. Hindi nawala ang mga mahahalagang kaisipan mula
sa orihinal na teksto.
3. Organisado ang pagkakabuo ng mga pangungusap at
paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay Wasto ang mga
bantas na ginamit.
4. Gumamit ng wastong bantas at sumunod sa wastong
gramatika.
Kabuuang puntos:
Interpretasyon:
16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1 – 5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay
Magsaliksik ng isang maikling kuwento mula sa Mindanao at suriin. Ibuod ang kuwento at
sikaping mailapat ang mga hakbang sa wastong pagbubuod.
Page 25
Copyright © 2018 Quipper Limited
25
Paglalagom
Maikling
Kuwento
Mga Katangian
-Tumatalakay sa mahalagang bahagi ng buhay
- Tinatalakay ang mahalagang suliranin ng tauhan
- May mahalagang tagpuan
- Mabilis ang pagtaas ng kawilihan
- Maigting ang kasukdulan na agad sinusundan ng
wakas
- May kakintalan
Mga Elemento
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Paksang-diwa
- Katimpian
- Paningin
Kahulugan ng Salita:
Kawastuhan at Kamalian ng
Pangungusap
Kawastuhan ng pangungusap batay sa
kahulugan ng salita
Kamalian ng pangungusap batay sa
kahulugan ng salita
Page 26
Copyright © 2018 Quipper Limited
26
Pagsulat ng Buod
Mga Retorikal na
Pang-ugnay
Pang-angkop
Pang-ukol
Pangatnig
1. Basahin o
pakinggang mabuti ang
ibubuod
2. Tukuyin ang
pangunahin at
pantulong na kaisipan
3. Itala ang natukoy na
pangunahin at
pantulong na kaisipan
4. Pag-aralan kung
paano paiikliin ang
mahahalagang kaisipan
5. Simulan nang isulat
ang buod
6. Tiyaking hindi lumayo
sa diwa ng orihinal ang
pagkakabuo ng buod
7. Basahin ang binuong
buod
Page 27
Copyright © 2018 Quipper Limited
27
Pagyamanin Natin
Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang impormasyon
at malalim na talakayan.
• Pagbubuod
https://www.youtube.com/watch?v=GZhPpUPEPuU
• Maikling Kuwento
https://www.youtube.com/watch?v=sgHysto_FMk
Dapat Tandaan
• Ang maikling kuwento ay isa sa mga uri ng panitikang tuluyan. Ito ay
tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at
nag-iiwan ng kakintalan.
• Malaki ang nagagawa ng isang salita upang maging tama o mali ang diwa ng
isang pangungusap. Ang isang salita ay sapat na upang makapagpabago ng
mensaheng maihahatid sa iba. Samakatuwid, mahalagang maging maingat sa
pagpili ng salitang gagamitin sa pakikipagtalastasan, pasulat man ito o pasalita.
• Ang retorika ay masining na pagpapahayag. Maraming dapat tandaan at isagawa
upang mapaghusay natin ang ating retorika. Isa na rito ang paggamit ng mga
retorikal na pang-ugnay. Binubuo ng tatlong uri ang retorikal na pang-ugnay, ang
pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
• Ang buod ay muling pagsulat o paglalahad ng binasa o napakinggan, sa paraang
mas maikli at payak na pagkakabuo ng mga pangungusap upang mas madaling
maunawaan.
Page 28
Copyright © 2018 Quipper Limited
28
Susi sa Pagwawasto Aralin 1: Ang Maikling Kuwento (Katangian at mga Elemento)
Subukan Natin
1. Kabilang sa katangian ng pagkakaroon ng kakintalan sa mambabasa ang impresyong maiiwan
sa mambabasa tungkol sa pagmamahalan ng mga tauhan.
2. Gumamit ang kuwentong "Ang Vinta ni Vina" ng ikatlong panauhan kung saan tila
nagmamasid o nakahiwalay sa mga pangyayari ang paraan ng pagsasalaysay ng maikling
kuwento.
Isaisip Natin
Mahalagang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento sapagkat higit na magiging maganda at
mabisa ang mabubuong kuwento.
Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Kawastuhan at Kamalian ng Pangungusap
Subukan Natin
1. Sa tulong ng malawak na talasalitaan, mas makapipili ng wasto o angkop na salitang
gagamitin sa paghahayag.
2. Ang maingat at wastong pagpili ng salitang gagamitin sa paghahayag ay mas makatutulong na
maiparating nang malinaw ang ipinapahayag upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at
pagkakamali.
Isaisip Natin
Napatunayan nating malaki ang nagagawa ng isang salita upang maging tama o mali ang diwa ng isang
pangungusap. Ang isang salita ay sapat na upang makapagpabago ng mensaheng maihahatid sa iba.
Maiiwasan ang kamalian ng paggamit ng salita sa pangungusap kung maalam tayo sa talasalitaan at
wastong gamit nito.
Aralin 3: Mga Retorikal na Pang-ugnay
Subukan Natin
1. Pinag-uugnay ng pang-angkop ang panuring at tinuturingan upang maging mas madulas
bigkasin ang mga pinagsamang salita.
Page 29
Copyright © 2018 Quipper Limited
29
2. Ang pang-ukol ay salita o kataga na nag-uugnay sa pangngalan at sa iba pang salita sa loob ng
pangungusap; habang ang pangatnig ay mga kataga o salita na na nag-uuugnay sa dalawang
kataga, parirala, o sugnay, at ginagamit bilang pantulong o pantuwang.
Isaisip Natin
Malaki ang ginagampanan ng mga retorikal na pang-ugnay sa pagpapaganda ng ating mga pahayag.
Higit kasing nagiging mas madulas ang pagbigkas ng pinagsamang mga salita, at mas mauunawaan
ang mensahe ng pahayag. Samakatuwid, sadyang ang mga retorikal na pang-ugnay ay kailangan upang
makamit ang mahusay na retorika.
Aralin 4: Pagsulat ng Buod
Subukan Natin
1. Palaging dapat isaalang-alang sa pagbubuod na sa kabila ng pagpapaikli sa isang orihinal na
teksto ay dapat pa ring mapanatili ang pangunahing ideya nito.
2. Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng buod, sapagkat ito ay pangangailangan sa mga mag-
aaral para sa mga gawain sa klase. Hindi rin magiging kabagot-bagot para sa mga nakikinig
ang pagkukuwento ng anumang nabasa o napakinggan dahil ito ay maisasalaysay sa paraang
pabuod lamang.
Isaisip Natin
Nakatutulong ang pagbubuod upang higit na maintindihan at mabilis na maunawaan ang paksa at mga
pangyayari ng kuwento.
Sanggunian
Arrogante, Jose A., Retorika sa Mabisang Pagpapahayag. Navotas: Navotas Press. 2000
Bondame, Ferdinand, Camba, Arlan, at Castillo, Mary Joy A., Pagbasa at Pagsulat tungo
sa Pananaliksik. Malabon: JIMCYZVILLE Publications. 2012
Espique, Felina P., Mayos, Norma S., Tanawan, Dolores S., Maikling Kuwento At Nobela.
Cabanatuan City: Anahaw Enterprises. 2007
Gonzales-Garcia, Lydia. Makabagong Gramar ng Filipino. Sampaloc, Maynila: Rex
Book Store, Inc.2000
Page 30
Copyright © 2018 Quipper Limited
30
Jocson, Magdalena O., et al. Hiyas ng Lahi 7. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.
2013