EPP V Date: ____________ I. Layunin: Natutukoy ang mga kabutihang naidudulot ng paghahanda at pagdudulot ng pagkain Pagpapahalaga: Pagkamalusog, Pagkamatipid II. Paksang Aralin: Mga Kabutihang Naidudulot ng Paghahanda at Pagdudulot ng Pagkain Sanggunian: PELC 9.1,1, p. 67 MGPP 6, pp. 166-168; MG, pp. 105-107 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Pagsasanay: Ipaliwanag sa sarili ninyong pangungusap kung paano isinasagawa ang mga sumusunod na paghahanda ng pagkain. paghihihiwa paghihimay pagbabalat paggagadgad pagtatalop 2. Balik-Aral: Tukuyin kung anong uri ng pagdudulot ng pagkain ang inilalarawan sa bawat bilang. a. Nakalagay sa mesa ang lahat ng pagkain. Ang bisita ang siyang bahalang kumuha ng uh at dami ng pagkaing nais niyang kainin. Ang pagdudulot na ito ay _________. b. Ang pamilya ay nakaupo habang sinisilbihan ng isang tagasilbi. Ang pagdudulot na ito ay _________. c. Nakaupo ang ama at ina sa magkabilang mesa. Pangungunahan ng ama at ina ang pagkain ng maganak. Ang pagdudulot na ito ay _______. di-pormal pormal buffet B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak: Itanong: "Paano inihahanda at idinudulot ang pagkain sa inyong tahanan?