EPIKO Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani- paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
EPIKOAng epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Mga halimbawa ng Epiko sa Pilipinas
• LUZON
–Hudhud (Ifugao)
–Biag ni Lam-ang (Ilokano)
–Ullalim (Kalinga)
–Ibalon (Bicolano)
• VISAYAS
– Hinilawod (Hiligaynon)
– Humadapnon (Panay)
– Labaw Donggon
– Maragtas
• MINDANAO
– Bidasari
– Darangan
– Indarapatra at Sulayman
– Tulalang
– Tuwaang
• nagulumihanan
• bulwagan
•mabunyi
• kinikimkim
• katipan
•mabagsik
• pumailanlang
PANGNGALAN
salita o bahagi
ng pangungusap na
tumutukoy sa ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop, at
pangyayari
PANGNGALANG PANTANGI
• mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari
• Tinitiyak na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba
Hal.
Jose Rizal, Luneta, Bathala, Pasko
PANGNGALANG PAMBALANA
• mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa
Hal.
bayani, parke, bundok, relo
BASAL
• pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian
• Tumutukoy sa hindi materyal na bagay kundi sa diwa o kaisipan
Hal.
yaman, buhay, lakas, tapang
TAHAS
• pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal
• Tumutukoy sa mga materyal na bagay
Hal.
tubig, bundok, pagkain, tunog
HANGO
• pangngalang nakabatay sa isang salitang basal
• Maylapi
Hal.
kaisipan, kalungkutan, salawikain,
katapangan
PATALINGHAGA
• pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang
Hal.
buwaya (imbis na kurakot)
langit (imbis na ligaya)
PALANSAK
• Pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan
Hal.
hukbo, kumpol, madla, kapuluan
DI-PALANSAK
• Pangngalang tumutukoy sa bagay na isinasaalang-alang nang nag-iisa
Hal.
tao, bulaklak, diwata, aso
PANLALAKI
• tumutukoy sa tao o hayop na lalaki
Hal.
sastre, hari, tatay, ginoo, pari
PAMBABAE
• tumutukoy sa tao o hayop na babae
Hal.
reyna, nanay, binibini, madre
DI-TIYAK
•maaaring tumutukoy sa lalaki o babae man.
Halimbawa:
magkaibigan, guro, magulang, bata
WALANG KASARIAN
• tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari, at iba pang walang kasarian.
Halimbawa: damit, telepono, parke, kaarawan
PAHALANG5. nakabatay sa salitang basal na may panlapi6. tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan8. hindi materyal na bagay kundi mga diwa at kaisipan9. mga tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook at pangyayari10. lalaking mananahi12. tawag sa babaing wala pang asawa13. asawa ng hari
PABABA1. babaing mananahi2. malaking hayop na may mahabang ilong3. Pilipinas, India, Thailand, Malaysia, Singapore4. ang asawa ng iyong ina5. kalipunan ng mga sundalo7. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Lapu-Lapu, Marcelo H. Del Pilar9. pook pasyalan11. Philippine Normal University, University of the Philippines, De La Salle University