Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral
Epektong Dulot ng Wattpad 1Epektong Dulot ng Wattpad 30
Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral
Aiko E. Roa
Charmaine S. Sarmiento
Ma.Angelica M. Olivete
Jennylyn Alinsod
Daniel F. Barles
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Fer. Reyes Jr.Trimex
Colleges
Bian,LagunaMarso, 2014
PAKSAPanimula
Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon
ngayon. Maraming bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao
dahilan para masabi kong tunay na nasa modernong panahon na tayo.
Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati,
lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng
mga babasahin, ngayon dulot na rin ng teknolohiya ang mga imposible
noon ay naging posible sa kasalukuyang panahon nakapagbabasa na
tayo ng maraming kwentong mula sa magkakaibang genre gamit ang
ating mga computer, laptop at maging sa ating mga cellphone.
At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang
tinatangkilik ng maraming kabataan sa kasalukuyang panahon ay ang
Wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social networking site at isa
ring online community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan
Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Ang
aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa
mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko
partikular na ang mga kabataang Pilipino. Kaya naman habang
tumatagal lalong dumarami ang mga taong nakakikilala at sumusuporta
dito.
A. Layunin ng Pag-aaral
Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-alaman at
mailahad ang ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang
mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng
Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa kanila
maging ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad.
B. Suliranin ng Pag-aaral
Layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan
ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano ang ibat ibang patunay ng
pagiging isang Wattpader?
2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng
Wattpad?
3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-aaral sa
pagbabasa ng Wattpad?
4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral sa
pagbabasa ng Wattpad?
5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad?C. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad
ng mga patunay ng pagiging isang wattpadder maging ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad. Sa
pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovins formula upang
tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.
Pormula: n = N / (1 + Ne)
Aplikasyon:
n= Kabuuang Bilang ng Sampol
n = N / (1 + Ne)
N= Kabuuang Populasyon
= 1440 / (1 + 1440 * .10)
e= Inaasahang Kamalian
= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94 Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang
na 94 ay ang mga mag-aaral at maituturing na wattpader sa ibat
ibang kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon
sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang
panahon. Isinaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang kahigpitan ng
kurikulum sa mga mag-aaral dahilan upang alamin at ilahad din ng
mananaliksik ang mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa
kanila maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad.
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Pebrero, 2015 hanggang
Marso, 2015 sa Trimex Colleges, Bian Laguna.
D. Teoretikal na Balangkas
Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong
magbigay ng liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag.
Produkto ito ng mga kuro-kuro o haka-haka ng mga taong nagsagawa ng
mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa pananaliksik na ito,
isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng mananaliksik na
may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas
malalim na pag-unawa sa pag-aaral.
Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang
lipunan ay unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa
pinakakomplikadong bagay, mula sa iisang porma hanggang sa
magkakaiba, mula sa pagiging primitibo hanggang sa mapalitan na ng
modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang urban. Angkop ang
teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa sa
pag-usbong ng Wattpad. Kaalinsunod nito, ang Lazarus Theory ni
Richard Lazarus na tumutukoy sa stress na bunga ng paglampas ng
demand sa kapasidad o kakayahan ng isang taong maisagawa ang isang
bagay. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng mataas na pamantayan ng
isang paaralan na kung minsan hindi na umaangkop sa abilidad at
kapasidad ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagpili
ng mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang naturang
kurikulum ng mga mag-aaral ay maituturing na may kahigpitan at
kahirapan dahilan upang umusbong ang presyur sa mga mag-aaral na
siyang nakapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng
pagbabasa ng Wattpad sa katulad nilang nakararanas ng kahigpitang
pang-akademiko. Ayon naman sa Labeling Theory ni Howard Becker ang
gawi ng bawat tao ay binibigyan ng label o antas batay sa sariling
opinyon o pananaw ng komunidad. Dito papasok ang ibat ibang
pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili bilang mga
wattpadder. Sumunod ang Rational Decision Making Theory ni Neil
Smelser na nagsasabing ang desisyon ng mga tao ay nakabatay sa
sariling gawi at kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng
isang sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan ng mga
respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Ang
Psychological Exchange Theory ni George Homans naman na
naglalarawan sa interaksyon ng mga tao bilang interaksyon na
binubuo ng mga pabuya at parusa iniugnay ng mananaliksik ang
mabutit masamang epektong nadudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga
mag-aaral na nakabatay sa mismong interaksyon nila. Kaalinsunod
nito ang isa pang teorya ni George Homans, ang Rational Choice
Theory kung saan ang bawat indibidwal ay hinihikayat ng
kani-kanilang sarilang mga mithiin maging ang mga magagandang bagay
na nakuha at nakukuha nila sa iba. Isinasaad ng teoryang ito na
nakabatay ang kanilang desisyon ukol sa kanilang sariling pananaw.
Inilahad ng mananaliksik ang teoryang ito bilang tugma sa personal
na persepyon, opinion o pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng
Wattpad dahil sa ibat ibang bagay na maaring makuha nila rito.
Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang naging
batayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalaan din na
ang teoretikal na balangkas na ito ang magiging daan sa maaayos na
daloy ng pag-aaral at sa mas malinaw na mga impormasyon.E.
Konseptwal na Balangkas
Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa
teoretikal na balangkas na nauna nang nailahad.
Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang
Wattpad. Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral at
magpapatuloy sa ibat ibang patunay ng mga mag-aaral ng pagiging
wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng pagkahumaling ng mga
mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng
deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at
impormasyon. At mula sa metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon
din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga respondente, ang mabutit
masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga respondete ukol sa
pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.
Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng
konseptwal na balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na
balangkas.Dayagram 1.F. Paglalahad ng Metodolohiyang Ginamit
a. Metodong Ginamit
Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-sarbey
metod na angkop sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa pagbabasa ng
Wattpad. Tinangkang suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang
damdamin, kaalaman at pananaw ng mga respondente sa ibat ibang
patunay ng pagiging wattpadder, dahilan ng kanilang pagkahumaling
nila rito maging sa mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad
sa kanila at ang kanilang mga tugon sa pagtangkilik sa Wattpad.b.
Mga Respondente ng Pag-aaral
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula sa
ibat ibang antas at kurso. Ang mga naturang mag-aaral ay pinili
ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa
magkakaibang panahon ay mga Wattpadder sa ibat ibang kadahilanan.c.
Instrumento sa Pangangalap ng Datos
Talatanungan o kwestyoner ang instrumentong ginamit sa
pananaliksik na ito. Binubuo ang talatanungan ng 5 bilang na
nagtataglay ng dikotomus at maraming pagpipiliang mga tanong na
ipinamahagit ipinasagot sa mga respondente. Sinagot ng mga kalahok
na respondente ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng
tsek () sa talatanungan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay
siyang naging daan para makakuha ng mga datos na susuporta sa
pag-aaral ng mananaliksik.*Ang liham na kalakip ng sampol ng
talatanungan ay nasa susunod na pahina.
Pebrero , 2015
Sa mga kagalang-galang na respondente,
Isang mapagpalang-araw ang bati namin sa inyo!Kalakip ng liham
na ito ang talatanungan sa pag-aaral na aming isinasagawa bilang
pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na pinamagatang Epektong
dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral. Ang nasabing pag-aaral ay may
pangkalahatang layunin na mapag-alaman at mailahad ang ibat ibang
patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng
pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod
ng mabutit masamang epekto nito sa mga nasabing respondente at ang
pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Makaaasa
na ang mga impormasyong makukuha ay gagamitin lamang sa pag-aaral
na ito at hindi sa iba pang bagay.
Lubos na pagpapasalamat ang aming iniaabot sa oras na inyong
inilaan, kooperasyong ibinigay at tapat ninyong mga kasagutan.
Maraming salamat at pagpalain tayong lahat!
Lubos na gumagalang,
Mga mananaliksikMaituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang
Wattpadder dahil sa mga I. Profayl ng Respondente
Pangalan(Opsyonal): ______________________________
Petsa: __________Kurso, Taon at Pangkat:
_____________________________Kasarian: Lalaki [ ]
Babae
[ ]
II. TalatanunganPanuto: Lagyan ng tsek () ang kasagutang umaayon
sa inyong paniniwala o opinyon. Isa
lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay
ipinagpapasalamat ng
mananaliksik.)
1. sumusunod na kondisyon:
1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib
mo sa
tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito
mong
kwento.
OoFORMCHECKBOX
HindiFORMCHECKBOX
1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para
magmuni-muni at
magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.
OoFORMCHECKBOX
HindiFORMCHECKBOX
1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga
karakter sa kwento.
OoFORMCHECKBOX
HindiFORMCHECKBOX
1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga
pangyayari na para bang ikaw iyong karakter sa mismong kwento.
OoFORMCHECKBOX
HindiFORMCHECKBOX
2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?
FORMCHECKBOX Libangan o pampalipas-oras
FORMCHECKBOX Nakapagbibigay ng kasiyahan
FORMCHECKBOX Nakapagbibigay ng satispaksyon
FORMCHECKBOX Nakapagtuturo ng aral
FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat)
______________________________
3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng
Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral?
FORMCHECKBOX Napapabayaan ang pag-aaral
FORMCHECKBOX Nawawalan ng disiplina sa sarili
FORMCHECKBOX Nalilipasan ng gutom
FORMCHECKBOX Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang
mahahalagang tao
FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat)
______________________________
4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng
pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral?
FORMCHECKBOX Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad
FORMCHECKBOX Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal
(Pisikal, Mental, Emosyonal,
Sosyal at Espiritwal)
FORMCHECKBOX Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa
sarili
FORMCHECKBOX Nakakalimutan ang mga problema
FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat)
5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga
mag-aaral ang Wattpad?
FORMCHECKBOX Oo, dahil maraming benepisyo ang makukuha sa
pagababasa nito.
FORMCHECKBOX Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin
kaysa sa pagababasa ng Wattpad
FORMCHECKBOX Neutral
FORMCHECKBOX Di-masabi
*** MARAMING SALAMAT PO SA KOOPERASYON! :) ***d. Paraan ng
Pagkalap ng Datos
Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paggawa ng
instrumentong ginamit sa pananaliksik - ang talatanungan o
kwestyoner na nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng
pag-aaral. Sumunod na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa mga
respondente ng pag-aaral. At huli, ang pagbibigay ng interpretasyon
sa mga nakalap na datos.
e. Istatistikal na Tritment
Dalawang istatiskal na tritment ang ginamit ng mananaliksik sa
pag-aaral na ito. Una, ang paglapat ng Slovins formula sa pagkuha
ng kabuuang bilang ng respondenteng sasalamin sa buong
populasyon.
Pormula: n = N / (1 + Ne)
Aplikasyon:
n= Kabuuang Bilang ng Sampol
n = N / (1 + Ne)
N= Kabuuang Populasyon
= 1440 / (1 + 1440 * .10)
e= Inaasahang Kamalian
= 1440/ 15.4
= 93.506 o 94Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos
kinuha ang porsyento o bahagdan gamit ang pormula sa ibaba:
Bahagdan =Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100Aplikasyon:
Bahagdan =Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong
Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100 = 12/94 X 100 = 12.7
% o 13%Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal at internasyonal
na babasahin at pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik
na ito.
A. Kaugnay na Literatura
Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang
nagbabago. Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay
natin isang malawakan at demokratikong kulturang pagbabago ang
nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isat-isa, pagbabahagi ng
karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang
publiko, paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga
social media ngayon. Ang pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao
dito ay ang kakayahang pamamahayag nito na nagagamit ng maraming
tao sa buong mundo.B. Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global City na
pinamagatang Epekto ng Oplayn na Laro sa mga Piling Estudyante ng
Colegio de Sta. Ana na naglalayong alamin ang epekto ng Oplayn na
laro sa pag-aaral ng mga estudyante ng Colegio de Sta. Ana, ang mga
Oplayn na Laro na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng Colegio De Sta.
Ana, mga masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante, magiging
epekto ng Oplayn na laro sa kaalaman ng mga estudyante at sa iba
pang asignaturang inaaral nila kasabay ng kanilang paglalaro at mga
positibong epekto ng oplayn na laro sa mga estudyante. Ang mga
mananaliksik ay humantong sa mga konklusyon na ito:
1. Isa sa mga konklusyon ng mga mananaliksik ay, ang Text Twist
ang paboritong laruin ng mga estudyante. 2. Ang pagtaas ng memorya
ang isa sa konklusyon ng mga mananaliksik, sapagkat ayon sa mga
nakalap naming mga impormasyon na ang pagtaas ng memorya ng mga
estudyante ang dahilan kung bakit nila ito kinagigiliwan.3. Kung
ang positibong epekto ng paglalaro ng Oplayn na laro ay ang pagtaas
ng memorya, ang negatibo epekto naman ay ang pagpapabaya sa
pag-aaral.4. Ayon sa nakalap ng mga mananliksik na impormasyon na
ang Oplayn na Laro ang kadahilanan sa pagpapabaya sa pag-aaral ng
mga estudyante. 5. Napag-alaman ng mga mananaliksik na araw-araw
naglalaro ng Oplayn na Laro ang mga estudyante, ngunit kailangang
limitahan nila ito upang hindi mapabayaan ang pag-aaral. 6.
Kinagigiliwan nila ang Oplayn na Laro dahil narerelax sila sa
paglalaro nito, bukod dito ay nahahasa din ang kanilang
memorya.
Ayon naman sa pag-aaral ni Sanzhar Naizabekov sa kanyang
pananaliksik na pinamagatang Negative Impact of Social Networking
Sites on Academic Performance of Students na naglalayong alamin ang
mga epektong nadudulot ng social media sa mga mag-aaral at ang mga
posibleng solusyon dito lumilitaw na ang mga mababang marka ng mga
mag-aaral ay bunga ng multi-tasking iniaaplay sa pang-araw-araw na
buhay. Ayon sa kanya, ang sabay na gawaing ipinipilit ng mga
mag-aaral ay nagdudulot ng hindi magagandang resulta lalo na sa
kanilang pag-aaral.Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na
Datos
Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang mga datos na nakalap
mula sa talatanungang ipinamahagi sa mga respondente.
Interpretasyon:Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnaput
apat (94) na respondenteng tumugon sa talatanungan dalawamput
pitong porsyento (27%) na katumbas ng dalawamput limang (25)
respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder dahil lang sa
kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog ng kanilang dibdib
sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor
samantalang pitumput tatlong porsyento (73%) naman na katumbas ng
animnaput siyam (69) na respodente ang sumang-ayon na maituturing
nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog
ang kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito
nilang awtor.Analisis:
Malaking porsyento ng respondente ang naniniwalang sila ay mga
Wattpadder dahil mas nananig ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing
ang paborito nilang awtor ay nag-aapdeyt ng mga detalye sa kwentong
kanilang binabasa samantalang maliit na porsyento ng mga
respondente ang naniniwalang Wattpadder sila ngunit hindi sa
kondisyong inilahad ng mananaliksik marahil ang resultang ito ay
bunga ng pagkakaiba ng damdamin at estado ng emosyonal na aspeto ng
mga respondente sa tuwing magbabasa ng wattpad.
Interpretasyon:
Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%) na
katumbas ng pitong (7) respondente ang hindi sumang-ayon sa
kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang naglalaan sila ng
ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari
sa kwento at siyamnaput tatlong porsyento (93%) naman o walumput
pitong (87) respondente ang umaming sila ay Wattpadder dahil
naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw
sa mga pangyayari ng kwento.
Analisis:
Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw na
karamihan sa mga respondente ay naglalaan ng oras sa pagmumuni-muni
at pagbabalik- tanaw sa bawat detalye ng kwento ngunit may
mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa kondisyong inilahad na
marahil ang mga sumagot ng hindi ay mga respondenteng may iba pang
pakahulugan ng pagiging Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na
talahanayan.
Interpretasyon:
Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng kondisyon
na nakatuon sa pagiging Wattpader ng mga respondente sa kadahilang
hanggang sa panaginip nakikita nila ang karakter sa kwento,
apatnaput isang porsyento (41%) ang sumagot ng oo, ito ay katumbas
ng tatlumput siyam (39) na respondente samantalang limamput siyam
na porsyento (59%) naman na katumbas ng limamput limang (55)
respondente and sumagot ng hindi.Analisis:
Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng hindi
nakikita ang mga karakter sa kwentong kanilang binabasa sa kanilang
panginip ngunit hindi naman nalalayo ang bilang ng mga
respondenteng maiuturing ang kanilang mga sarili bilang mga
Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong inilahad ng mananaliksik.
Isang maaaring nagbunsod upang lumitaw ang resultang ito ang
pagkakaiba ng mga ibat ibang aspeto ng pagkatao ng mga
respondente.
Interpretasyon:
Inilalarawan ng talahanayan 1.4 ang ika-apat at huling kondisyon
ng mananaliksik sa kung anong mga pagkakalarawan ng mga respondente
sa kanilang pagiging Wattpadder lumabas na labinglimang porsyento
(15%) o labing-apat (14) na respondente ang sumagot ng hindi sa
kondisyong maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga
Wattpadder dahil naapektuhan sila ng sobra sa mga pangyayari na
para bang sila ang karakter ng mismong kwento samantalang walumput
limang porsyento (85%) o walumpung (80) respondente ang sumagot ng
oo.Analisis:
Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan ang
kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil naaapektuhan sila
ng sobra sa kwentong kanilang binabasa na para bang sila iyong
mismong gumaganap sa kwento. Ngunit kaalinsunod parin nito ang
bahagdan ng mga respondenteng hindi itinuturing ang kanilang mga
sarili na Wattpadder dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang
magkakaibang estado ng emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga
tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol sa resultang lumitaw.
Interpretasyon:
Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa ibat ibang kadahilanan
ng mga respondente kung bakit nila kinahuhumalingan ang pagbabasa
ng Wattpad. Kapwa walang sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay
nakapagbibigay ng satispaksyon at nakapagtuturo ng aral, dalawang
(2) respondente naman na katumbas din ng dalawang porsyento (2%) ng
kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng respondente.
Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng sumagot ng iba pa ay
nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang pagbabasa ng Wattpad kaya
sila nahuhumaling dito at ang natitirang limampung porsyento (50%)
ay nagbigay ng dahilan na habit na raw kasi ang pagbabasa ng
Wattpad. Anim na poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon na
sumasalamin sa anim na respondente (6) ang sumang-ayon na
nakapagbibigay ng kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnaput
dalawang poryento (92%) ang sumagot na libangan o pampalipas-oras
na nila ang pagbabasa ng Wattpad kaya nila ito
kinahuhumalingan.Analisis:
Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang nahuhumaling
sa Wattpad dahil nagsisilbi na itong libangan o pampalipa-oras ng
mga naturang mag-aaral. Hindi rin maikakaila ayon sa datos na
nakalap na may iilan ang naniniwala na ang pagbabasa ng Wattpad ay
nakapagbibigay ng kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan
ng pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman ang
sumang-ayon na nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad dahil
nakapagbibigay ito ng satispaksyon at nakapagtuturo ng aral. Ang
ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng mananaliksik na nakadepende
sa dalas ng panahong ginugugol nila sa pagbabasa ng Wattpad.
Interpretasyon:
Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng respondente
ukol sa mga masamang epektong dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa
kanila. Tatlong porsyento (3%) na tumutukoy sa tatlong (3)
respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot ng iba pa kung saan
ang isa (1) rito ay may pananaw na ang pagbabasa ng Wattpad ay
nagiging dahilan ng pagkukulang niya ng oras na makapag-aral, ang
isa (1) naman ay nagsabing napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad
at ang natitirang isa (1) ay nagsawalat na dahil sa pagbabasa ng
Wattpad nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang
porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng limang
(5) respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng gutom sa
pagbabasa ng Wattpad, labingdalawang (12) respondente naman o
katumbas ng labingtatlong porsyento (13%) ang sumagot na nawawalan
sila ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao dahil sa
pagbabasa ng Wattpad. Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang
tugon ng dalawamput siyam (29) na respondenteng katumbas ng
tatlumput isang porsyento (31%) ng kabuuang populasyon. At
apatnaput limang respondente (45) naman ang nagsabing napapabayaan
nila ang kanilang pag-aaral dahil sa pagbabasa ng
Wattpad.Analisis:
Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik na ang
pagpapabaya ng mga respondente sa pag-aaral na lumitaw bilang
pinakamasamang epekto ng wattpad sa kanila ay bunga ng ibat ibang
dahilan ng pagkahumaling ng mga naturang respondente sa Wattpad na
ipinakita sa nauna ng talahanayan, ang talahanayan 2.
Interpretasyon:
Ipinapakita ng talahanayan 4 ang daloy ng mga tumugon ukol sa
mabuting epektong dulot pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Sa
pagkakataong ito walang respondente ang nagbigay ng iba pang
kasagutan samantalang siyam (9) na respondente o sampung poryento
(10%) ng kabuuang populasyon naman ang sumang-ayon na nakatutulong
ang pagbabasa nila ng wattpad sa pagdebelop ng 5 aspeto ng isang
indibidwal, ang pisikal, mental, emosyonal, sosyal at espiritwal.
Sa kabilang banda dalawamput tatlong (23) respondenteng katumbas ng
dalawaput apat na porsyento (24%) ang naniniwala na nakalilimutan
nila ang kanilang problema dahil sa pagbabasa ng Wattpad,
dalawamput siyam (29) o tatlumput isang porsyento (31%) naman ng
mga respondente ang nagsabing lumalawak ang kanilang kaisipan ukol
sa realidad sa tulong ng Wattpad at tatlumput tatlo (33) na
katumbas ng tatlumput limang porsyento (35%) ng mga respondente ang
sumagot na ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila
ay ang pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa
sarili.Analisis:
Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging sa
pangingibabaw ng pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili
bilang pinakamabuting epektong dulot ng Wattpad sa mga respondente
ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na maaaring bunga ng ibat ibang
ingay-panloob ng bawat respondente.Interpretasyon:
Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng mga
respondente kung dapat lang bang tangkilikin ang pagbabasa ng
Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey may parehong bilang ng
respondente ang sumagot ng oo dahil maraming benepisyo ang makukuha
sa pagbabasa nito at ang mga respondenteng sumagot na di-masabi
kung dapat o hindi ba dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad.
Ang mga respondenteng ito ay may eksaktong bilang na lima (5) na
katumbas din ng limang porsyento (5%) ng kabuuang populasyon.
Sinusundan ito ng dalawamput apat na porsyento (24%) o dalawamput
tatlong (23) respondente na nagsabing hindi na dapat tangkilikin pa
ang pagbabasa ng Wattpad dahil mas maraming bagay ang dapat
pagtuunan ng pansin kaysa sa pagbabasa nito. Nangibabaw naman ang
mga respondenteng sumagot ng neutral na may bilang na animnaput
isang (61) katumbas ng animnaput limang porsyentong (65%) ng
kabuuang populasyon.Analisis:
Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos kung
saan lubos na nangibabaw ang mga respondenteng hati ang opinyon
kung dapat bang tangkilikin pa ang Wattpad o hindi na ay bunga ng
parehong masama at mabuting epektong naidudulot ng wattpad sa mga
respondente na naunang nasuri sa ikatlo at ikaapat na
talahanayan.Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at
Rekomendasyon
Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga
natuklasan, napatunayan at mga mungkahi para sa kalutasan at
kabutihan ng pag-aaral na ito.Natuklasan
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-alaman at
mailahad ang ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang
mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral ng mga respondente sa
pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa
kanila at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa
Wattpad. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot
ng siyamnaput apat (94) na mag-aaral na. Ginamitan ito ng
deskriptib-sarbey metod samantalang dikotomus at maraming
pagpipiliang tanong naman ang uri ng sarbey na ginamit sa
pangangalap ng datos at impormasyon. Natuklasan na sa siyamnaput
apat (94) na kabuuang populasyon, animnaput siyam (69 o 73%) ang
nagpapatunay ng pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib
sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumput
lima (85 o 93%) ang naglalaan ng ilang minuto para magmuni-muni at
magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu (80 o 85%) naman ang
naapektuhan ng sobra na para bang sila ang karakter sa mismong
kwento. Dagdag pa rito, walumput anim (86 o 91%) ang nagsabing
libangan at pampalipas oras na nila ang Wattpad kaya nila ito
kinahuhumalingan, kapabayaan naman sa pag-aaral ang tugon ng
apatnaput limang (45 o 48%) mag-aaral ukol sa masamang dulot nito
sa kanila at tatlumput tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang
kabutihang dulot nito sa kanila ay satispaksyon at kasiyahang
ibinibigay ng wattpad. Nangibabaw din ang neutral na pananaw ng mga
respondente sa pagtangkilik ng Wattpad kung saan animnaput isa (61
o 65%) ang tumugon sa nasabing sagot. Bawat datos na ito ay
pinatototohanan ng mga talahanayang nauna nang inilahad.
Konklusyon Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at
kaalinsunod ng pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito, buong
tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga sumusunod na
konklusyon:1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay
tumutukoy sa kabog ng dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang
awtor ng paboritong kwento, sa paglalaan ng ilang minutong
pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari nito at sa
pagiging sobrang apektado na para bang mga karakter sa kwento.2.
Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil
nagsilbi na itong libangan o pampalipas-oras nila.3. Napatunayan na
ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang mapabayaan ng
mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.4. Nakabubuti ang pagbabasa ng
Wattpad sa aspetong nabibigyan nito ang mga mag-aaral ng
satispaksyon at kasiyahan.5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral
sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa parehong mabutit masamang
epekto nito sa kanila.Rekomendasyon
Kaugnay ngisinagawang pag-aaral at ng mga konklusyong inilahad
iminumungkahi ng mga mananaliksik nang may buong giliw at
pagpapakumbaba ang mga sumusunod na rekomendasyon:1. Para sa mga
respondente at maging sa iba pang Wattpadder, ipagpatuloy lamang
ang pagbabasa ng Wattpad kasabay ng pag-aplay ng time management o
tamang paggugugol ng oras at prioritization o pagtimbang sa kung
ano ang mas mahalagang gawin. Sa ganitong paraan mababalanse ang
oras sa pagbabasa ng Wattpad at sa iba pang bagay.
2. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay hindi na
nakatutulong ang pagbabasa ng Wattpad sa inyong pag-aaral na kung
minsan pay nagiging produkto na nito ang mga mababat bagsak na
marka hinihikayat ng mga mananaliksik na itigil pansamantala ang
pagbabasa nito hanggang sa maaplay ang mga bagay na nauna nang
iminungkahi.3. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat
ng mga mananaliksik na palawakin pa ang pag-aaral na ito upang
makabuo ng mga bagong tuklas ukol sa pagbabasa ng Wattpad.
4. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang mabutit
masamang epektong maari nating maranasan o matamo ay nakadepende sa
kung paano natin ito isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang
gumuguhit sa sarili nating kapalaran ay hindi na maikaiila
pa.REFERENSYASan Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology,
Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad
Publishing HouseSincero, S.M. (2011).
http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisalZandt, D.W.
(2010) dp/1605094161"
http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/
dp/1605094161
Flores, J.C. (2013).
http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laroNayzabekov,
S. (2009).
https://www.academia.edu/1810511//Negative_impact_of_social
_networking_sites_on_academic_performance_of_students
San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture
and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing
HouseWattpad
(Evolutionary Theory)
Mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Kursong
Pagtutuos
(Lazarus Theory)
Pananaw ng Respondente ukol sa pagtangkilik sa Pagbabasa ng
Wattpad
(Rational Choice Theory)
Dahilan ng Pagkahumaling sa Pagbabasa ng Wattpad
(Rational Decision Making theory)
Wattpadder
(Labeling Theory)
Deskriptib-
Sarbey Metod
Epekto
(Psychological Exchange Theory)
Masama
Mabuti
Mga mag-aaral