Ang Epekto ng Sublimial Message sa mga Bata Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Filipino II Sa Kolehiyo ng MSU-IIT Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Sabjek sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Nina: Settie Jasmin Rakim Precy SingSing Marso 2014
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Ang Epekto ng Sublimial Message sa mga Bata
Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Filipino II
Sa Kolehiyo ng MSU-IIT
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Sabjek sa Filipino 2, Pagbasa
at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
Nina:
Settie Jasmin Rakim
Precy SingSing
Marso 2014
Dedikasyon
Ito ay aking hinahandog sa mga taong hindi pa alam kung ano ang kanilang
pinapanood. Na dapat buksan na ang mga mata para sa mga realidad na pumapasok
sa ating utak. At sa mga taong hindi pa nakakaalam nito.
Pasasalamat
Nagpapasalamat kami sa aming Ina na hindi nagkulang sa pagsuporta upang
magawa namin ang salitang ito. Salamat din sa mga taong tumulong sa amin na gawin
itong sulating pananaliksik. Sa mga kaibigan namin na hindi kami iniwan sa pag-
encode mula simula at hanggang huli. Kay Daphne Sarsona para sa ginamit naming
Laptop, kay Desiree Cellan na walang tigil sa pagtabuy ng ipis si Jessa Mejares na
may nakakahawang kaseryosan at kay Cindy Acompanado para sa Wifi. At sa mahal
na Panginoon na wala tigil ang pagbibigay ng lakas at talino.
Maraming Salamat!!
Talaan Ng Nilalaman
Kabanata I
Introduksyon
Sa kasalukuyan, ang mass media tulad ng dyaryo, pelikulang pambata, radio at
Internet ang pangunahing paraan makakalap ng impormasyon. Ang telebisyon ang
pinakatanyag na paraan kung saan ang mga bata ay nalalantad. Ito ay may
kakayahang manlibang at magbigay-kaalaman.
Ayon kay (Genthalz,2003) ang mga bata edad 6 hanggang 12 na gumugugol ng
28 na oras sa isang lingo sa panonood ng telebisyon, ay nakakaranas ng masamang
epekto ng telebisyon sa iba’t- ibang aspekto tulad ng pisikal, mental, emosyonal at
sosyal.
Ang sobrang panonood ng telebisyon ay nakaka apekto sa pisikal na anyo ng
bata ditto nagsisimula ang obesity ng bata dahil ayaw na nitong lumabas para maglaro
datapwat, maglalagi nalang ito sa bahay at nmanood ng pelikula sa telebisyon.
Naapektohan din ditto ang emosyonal, mental at sosyal ng bata.
Mahalaga ang TV ads at mga pelikula para sa mga istasyon dahil ditto sila
kumikita, at madalas ditto rin nakasalalay ang itatagal ng tv shows. Mula din rito
nakakabuo tayo ng pansamantalang libangan habang na nonood kasama ang kalaro,
kamag-anak o mga kapitbahay. Pero sandal, ano nga ba ang Subliminal?
Ayon kay (Genthalz 2003) ang subliminal na mensahe ay napi-picked up ng ating
subconscious mind, malimit itong ipadala sa mga panoorin at mga music ng nalalaman
dahil nga hindi conscious rito ang ating conscious mind. Pero hindi lahat ng Subliminal
na Mensahe madaling ma-detect kahit na aware ka pa nito, iba-iba din kasi ang
kanilang teknik sa pagdadala nito. Meron lang din talagang sobrang obvious lalo na
kung obvious lalo na kung may ideya kana sa mga simbolo. At kung ano ang kanilang
intension kung bakit nila ito nila ginagawa, ay hindi naming alam. Depinde talaga ito sa
sender at kung ano ang motibo nila.
Ang mga sampol na mga pilikolang mga pambata. Isa na ditto ang Disney
movies ay may natatagong sexual na mga imahe. Gaya ng “The Looney Rabbit” ,
“Alladin”, “Little Mermaid” at marami pang iba. Makikita sa mga pahina ang mga Disney
Movies na may Subliminal na mensahe, may mga Subliminal na mensahe na hindi lang