4 RONDA BALITA Hulyo 16 - 22, 2018 3 3 Hulyo 16 - 22, 2018 RONDA OPINYON EDITORIAL STAFF Christine Samson Villanueva Publisher Manny Dineros Balbin Editor-in-Chief Rosette Reyes aka RR Eleogo Account Manager/Columnist Fe Camantang Circulation Manager Atty. Julius Victor Degala Legal Counsel Ynnam Niblab Chief Photographer email address: [email protected] Ang RONDA Balita ay inilalathala tuwing Lunes na may tanggapan sa Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan at tel. no. 044-769-1092. May DTI Certificate No. 0353343 at Business Permit No. 15-01172. Ang lahat ng nilalaman ng pahaya- gang ito ay pag-aari ng RONDA Balita at hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anumang anyo at porma kung walang pahintulot sa tagapaglathala. Ang opinyon ng mga kolumnista ay personal nilang pananaw at walang kinalaman ang pamunuan ng pahayagang ito. Halaga ng subskrispyon ay P520 isang taon o 52 isyu at P260 sa kala- hating taon. Advertising rate: P150 col/cm / Legal notices: P150 col/cm Contributing writers: Emil G. Gamos, Thony Arcenal, Vic Billones, Efren Alcantara, Daisy Medina, Jhun Sese, Neneth T. Hirano, JC Reyes, & Archie Jimenez, Vhioly Rosatazo-Arizala Bulakenyo, patuloy na nakikinabang sa mga programa ng administrasyon ni Gob. Willy Pangulong Duterte nakipagkasundo na sa pamunuan ng CBCP 19M ng DOT winaldas ni Wanda Teo, atbp. Bulacan, isinusulong ang food gardening Education system sa Australia, dapat gayahin ng ating bansa Leptospirosis, hindi lang sa ihi ng daga Hindi hanapbuhay ang maglingkod sa barangay EDITORYAL Sundan sa Pahina 4 Hebrews 4:9 THERE remains therefore a rest for the people of God. Prayer Jesus struggling to get up or striving to be better on my own can be frustrating & disappointing. But I accept & believe in Your transforming power. I cease from my own striving & rest in Your finished work on the cross. Amen. I NIHAYAG kama- kailan ni Depart- ment of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi lamang pala sa sa ihi ng daga maaaring makuha ang leptospirosis kun- di maging sa ihi rin ng iba pang hayop kat- ulad ng pusa, baboy, kambing at sa kon- taminadong putik. Itong mikrobyong sanhi ng sakit na lepto- spirosis ay matagal na dito sa mundo. Hindi pa ako ipinapanganak ay nariyan na iyang lepto- spirosis. Nakagisnan ko na ang sakit na iyan pero awa ng Diyos ay hindi pa ako dinapuan ng sakit na iyan. Noong araw, ang mga bata ay lumulusong din sa tubig-baha. Dahil mga bata pa kami noon, gustong gusto nam- ing magtampisaw sa tubig-baha, pero wala akong matandaan na may mga kalaro ako na nagka- sakit ng leptospirosis. Kung ang mikrobyong leptospira, na nagiging sanhi ng leptospirosis ay unang naobserbah- an noong taong 1907 sa mga taong nagkasakit ng paninilaw at pamama- ga ng internal organ na splene o pali hanggang sa pagdaan ng mga dekada ay tinawag nang leptospi- rosis ang karamdamang nakuha sa mikrobyong leptospira. Ayon kay Sec Duque, maaari daw na makuha ang naturang sakit sa tubig na kontaminado ng ihi na galing sa mga ha- yop na impektado ng na- turang mikrobyo kaya kahit mawisik lang sa mata ninumang tao ang ang kontaminadong tubig ay maaari silang magkasakit ng leptospi- rosis. Samakatuwid mas mabagsik ang leptospira ngayon kaysa leptospira noon? Hindi tayo bac- teriologist kaya hindi masasagot ang kata- nungang iyan. Ang im- portante ay ang pag-iin- gat kung panahon ng tag-ulan at may baha. Ang sugat daw ang siyang pinapasok ng mikrobyo kaya ipinapa- yo ng DOH na huwag lulusong sa tubig baha ang mga taong may sugat sa kanilang mga paa, binti o sa mga parte ng katawan na maaabot ng tubig-baha. Doon naman sa mga bata na mahilig maligo sa tubig baha, pag-in- gatan huwag makainom ng kontaminadong tubig dahil mahirap magka- sakit sa panahon ito. NITONG buwan ng Hulyo ay nanungku- lan na ako bilang ka- lihim ng aming baran- gay. Bago ako maupo bilang barangay sec- retary ay inisip kong madali lang ang tra- baho sa barangay pero nagkamali ako ng aka- la. Hindi pala biro ang magsilbi sa barangay lalo na kung ang po- sisyon mo ay kalihim. Malayung malayo ang trabaho ng barangay sec- retary sa editor ng paha- yagan. Sa unang araw ko sa barangay bilang kalihim, kailangang ku- hanan ng tala o minutes ang unang sesyon ng mga kauupong kagawad ang kapitan ng barangay. Pagtapos niyon ay gaga- wa naman ng katitikan al- insunod sa mga agendang tinalakay at napagtibay ng konseho. Kailangang ang tekstong susulatin sa computer ay nakabase sa libro ng Local Government Code of the Philippine, ang biblia ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at ng barangay. Kasunod niyon ang paggawa ng resolusyon tungkol sa mga bagay- bagay na pinagtibay sa sesyon tulad ng pagtata- laga ng barangay secre- tary, barangay treasurer, barangay tanod chief. Kalakip ng resolusyon ng pagtatalaga ang ka- sulatan ng paghirang sa mga itatalagang opisyales ng barangay na lalag- daan ng barangay chair- man. Padadalhan naman ng kopya ng resolusyon at ng sertipiko ng paghirang ang municipal officer ng DILG para naman mai- handa ang panunumpa ng kalihim, ingat-ya- man at iba pa. Matapos na maihanda ang naturang mga do- kumento ay balik ulit sa mesa ang kalihim upang mag-isyu naman ng ba- rangay clearance, indi- gency certificate, business permit, endorsement let- ter at pag-issue ng cedula ang kalihim ng barangay. Sa buong maghapon ay gayon ang kanyang ga- wain. May nakakatulong namang clerk ang baran- gay secretary. K WESTYU- NABLE pa rin daw sa maraming mga magulang ang ipinatong na taon sa pag-aaral ng kanil- ang mga anak… ang K-to-12 program sa High School level, na kailangang tapusin muna bago makatun- tong ng kolehiyo ang isang estudyante. Pero aminin na natin na sa kabila ng pag- sisikap ng ating gobyer- no na maitaas ang antas ng edukasyon sa ating bansa ay parang kulan na kulang pa rin ang mga taong idinagdag upang makakuha ng sapat na edukasyon ang mga kabataang Pilipino. Isinabatas ang K-to- 12 program upang mag- ing competitive daw ang ating mga kabataang nakatapos ng high school sa kasalukuyang pana- hon ng sinasabing glo- balisasyon, pero parang wala pa rin tayong naki- kitang positibong epekto ng programang ito. Mayroon nga tayong mga programa na katu- lad ng libreng edukasyon upang maingganyo ang mga kabataan na maka- pag-aral, pero hindi yata ito tumatalab sa kanila dahil patuloy na tumata- as ang bilang ng mga dropout sa elementarya at mataas na paaralan, na sinasabing umabot na raw sa apat punto walong milyon ang bilang na ka- tumbas ng labing-isang porsyento mula pa noong taong 2012. Maraming mga mam- amayang Pinoy ang nagsasabi, na ang isa raw sa nakakaapekto sa ating mga kabataan ay ang hindi magandang impluwensiya ng ating kapaligiran, na kadala- san ay nauuwi sa hindi magandang kalagayan, lalo na ang pagkahumal- ing nila sa ibat-ibang mga bisyo na nagpapabago sa kanilang mga pag-uugali. Ikinakatuwiran ng marami na may kahi- rapan daw na sugpuin ang mga ganitong prob- lema, pero d’yan na siguro dapat na maki- pagtulungan ang mga magulang, dahil hang- ga’t hindi nagbabago ang pag-uugali ng ating mga kabataan ay hindi rin natin mai-aaplay sa kanila ang kagandahan sa pagkakaroon ng ta- mang edukasyon. Sinasabing ng ilang mga nakatapos ng pag- aaral, na kilala daw ang Australia sa pagka- karon ng isang de-kali- dad na edukasyon, at kung mayroon man ta- yong dapat na gayahin ay walang iba kundi ang sistema ng edukasyon sa naturang bansang upang higit na mapabu- ti ang pag-aaral ng ating mga kabataan. U MABOT ng may 12 mga kalabaw ang ipinamigay ng Pa-mahalaang Panlalawigan ng Bu- lacan sa mga mag- sasaka ng lalawigan sa unang distrito sa pamamagitan ng Pro- vincial Veterinary Office (PVO) para sa taunang “Animal Distri- bution Project” (ADP) sa okasyong ginanap sa harap ng Provincial Ag- riculture Office. Nag-courtesy call naman ang mga magsa- saka kay Governor Wil- helmino M. Sy-Alvarado, at ipinaliwanag naman ng gobernador, ang layunin ng proyekto na maitaas ang kita ng mga lokal na magsasaka at matiyak na patuloy ang kanilang kon- tribusyon upang masiguro na may sapat na suplay ng bigas ang Bulacan. Ang mga tumanggap ng kalabaw ay ang mga magsasaka mula sa un- ang distrito ng Bulacan na kinabibilangan ng mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Bulakan, Pulil- an, at Lungsod ng Malolos. Upang maging bene- pisyaryo ng programang ito, kinakailangan na ang isang magsasaka ay may pagnanais na sumailalim sa seminar tungkol sa tamang pag-aalaga at pamamahala ng mga ha- yop; gayundin ang pag- susumite ng isang sulat kahilingan sa tanggapan ng gobernador. Kapag ang isang mag- sasaka ay pasado at nais na mag-alaga ng hindi mapababayaan, ia-assist ito PVO upang maging leg- ible ito dispersal project. Bukod dito ay patuloy ang PVO sa pagsasagawa ng mga orientation semi- nars para sa mga benepis- yaryo upang sa gayon ay maalagaan nila ng husto at maisaayos ang mga ha- yop at magamit sa mabut- ing paraan. Sa kasalukuyan, nagbibigay ng seminar ang PVO para naman sa Organic Layer Man- agement, kung saan tinuturuan ang mga magsasaka ng maayos na pag-aalaga ng mga hayop upang sila kung maaari ay mapabilang sa mga karapat-dapat na benepisyaryo ng 10 organic layered na ma- nok o itik. Nagpapamahagi rin ang nasabing tanggapan sa mga magsasaka na nagnanais naman na mag-alaga ng kam-bing. Kung saan ay tuturuan sila ng tamang pag-aala- ga upang maparami ang kanilang mga alaga. Iba talaga ang pam- amahala ni Gob Willy sa Bulacan. Lahat ng kanyang mga programa ay patuloy na pinaki- kinabangan ng maram- ing mga Bulakenyo. We are very proud of having a Lingkod Bu- lakenyo like Governor Willy. GOD Bless po sa inyo at more power. Wishing you all the very best. N AKIPAG- KASUN- DO na ang Pangu long Rodrigo Roa Duter- te sa pamunuan ng CBCP kamakailan para wakasan na ang walang puknat nilang bangayan. Ipinangako ng Pan- gulo na ititigil na niya ang mga pagpatol sa mga bumabatikos sa kanya na ilang miyem- bro ng Catholic Bishops Conference of the Phil- ippines o CBCP. Na siya rin namang naging pangako ng pangulo ng CBCP na naging daan nga para sila magkasundo. Na matapos ang nag- ing magandang resulta ng kasunduan ay ipinaki- ta at ipinadama pa ng Pangulong Duterte ang sinseridad ng kanyang naging pangako sa pam- amagitan ng paghalik pa sa kamay ng CBCP pres- ident na siyang personal na kumatawan sa kanil- ang samahan. Kaya naman mara- mi ang natuwa sa ma- gandang kinalabasan ng nangyaring kasun- duan ng ito'y kanilang mabalitaan. Ang problema ay itong mga rebeldeng pari na talagang mga pasawa. Kinontra at hindi kinilala ang ginawang pakikipag-usap ng ka- nilang pinuno kay Pan- gulong Duterte. Dahil sa hindi daw naman sila nakasa- mang naimbitahan at hindi raw sila nanini- walang tutuparin ni Duterte ang kanyang mga naipangako sa nangyaring kasunduan. Kasi kung may mali- naw pang mga pag-iisip ang mga rebeldeng pari ay hindi nila kukuwestiyunin ang ginawang pagkatawan sa kanilang lahat na mga miyembro ng CBCP ng kanilang kasalukuyang mismong pinuno. Dahil sa siguradong may isinagawa muna ang kanilang pamunuan ng paghaharap para pag- pasyahan kung dapat ba silang makipagkasundo o hindi sa Pangulo at kung sinu-sino ang magiging kinatawan nila. Kaya nga naganap ang pakikipag dayalogo ng kanilang grupo sa Pan- gulong Duterte ay dahil sa sinunod nila ang nag- ing kapasiyahan ng na- kararami. Matalino na ang mam- amayang Pilipino! Hindi n'yo na pwede pang iligaw sa katotohan- an ang mga tao. Kaya ang panawagan ng inyong abang lingkod dito sa mga rebeldeng pari at mga madre ay magsipagbago na kayo. Dahil kung talagang kayo ay totoong mga man- gangaral ng Dios at ta- ga-akay ng mga manana- mpalataya para sa aming mga kaligtasan titigilan n'yo na pakikipagbangayan sa Pangulo ng ating bansa. Na siyang utos ng ating Panginoong Diyos sa kanyang mga taga-su- nod na nakasulat naman sa Biblia "Lahat ng tao ay mangagpasakop sa pam- amahala ng gobyerno ng tao!” Iyan ang maliwanag na utos ng Dios sa lahat ng tao na magpasakop at hindi sinabing kalabanin ang mga namiminuno sa gobyerno. Kaya maiaalis n'yo ba sa aming mga manana- mpalataya na isiping kay- ong mga nagrerebeldeng mga pari at madre ay nagpapagamit at nagpa- padikta. Na kung tutuusin ay nasa sa inyo na ang lahat ng yamang materyal! At ang mga materyal na kayamang pilit nin- yong pinoprotektahan, minamahal at dini-diyos ang siyang magbubulid sa inyo sa impiyerno! Sa totoo lang kasi ang aral ng Diyos na inyong binabasa mula sa banal na kasulatan o Bibliya ay kakarampot lang at sigurado pang pumapa- bor sa inyo. Hindi ninyo ipinaaa- lam ang tunay na mga utos ng Diyos na naka- sulat sa Bibliya na kung inyong maiaaral ng buo, tinanggap o sinampala- tayanan ng makaririnig at isinabuhay ay naka- sisiguro ng maliligtas ang kanilang mga kalu- luwa at makakamana na ng buhay na walang hanggang! Na siyang unang da- hilan kung bakit mara- mi sa ating mga tao ang nagrerelihiyon at ku- mikilala sa mga manga- ngaral o alagad ng Diyos mapa-totoo o hindi! Ang masakit na ka- totohanan nga lang na dapat nating tanggapin ay matagal na po tayong naloloko ng mga nak- agisnan at kinilalang mga alagad kuno ng Dios na mag-aakay sa atin patungo sa ikaliligtas ng ating mga kaluluwa. Eh ayon sa nasusu- lat sa Bibliya na aking nabasa ay "Ang bulag na inaakay ng bulag na taga-akay ay kapwa ma- huhulog sa hukay!" Na ang ibig sabihin ay pagkapahamak ang iyong mapapala sa ka- may ng iyong bulag na taga-akay. Na ang ginagawa mo palang mga pagsa- sakripisyo na katulad ng pagpapapako sa krus tuwing mahal na araw, paghagupit sa sugatan mong likod bil- ang panata,paglalakad ng paluhod papuntang altar, pagdarasal araw- araw ng paulit-ulit at pagbibigay ng abuloy, ang lahat pala ng ito ay walang kabuluhan at hindi makakapagligtas ng ating mga kaluluwa. In short hindi rin pala tayo magmamana ng pinapangararap na- ting buhay na walang hanggang sa piling ng ating tunay na Amang Diyos na makapangyar- ihan na may lalang sa ating lahat! (kalungkot naman!) HOY GISING! W ALA umanong malinaw na alituntun- in ang ilang foreign trips ng mga opisyal ng Department of Tour- ism (DOT) na maaaring magresul- ta sa “excessive and extravagant” na biyahe gamit ang pondo ng taumbayan, ayon sa Com- mission on Audit (COA). Sa ulat ng COA, inilabas nito ang listahan ng 94 mga opisyal at kawani ng DOT ng iba’t ibang ‘tourism-related’ na mga aktibidad sa ibang bansa noong 2017 kung saan mahigit P19 milyon ang na- gastos para sa kanilang travel allowance. Kasama sa listahan ng COA si dating Tour- ism Secretary Wanda Teo, na nakatanggap ng cash advance na nagkakahalagang P863,961.95 sa kanyang biyahe sa Berlin, Bangkok, Istanbul, Singapore at South Korea noong nagdaang taon. Kasama din sa listahan sina dating DOT spokes- person Frederick Alegre at DOT Undersecretary Katherine Chloe de Castro. “Due to the considerable number of trav- els abroad of the DOT-central office person- nel, we consider it necessary for the DOT to issue specific guidelines for foreign travels to exercise prudence and prevent any excessive and extravagant travels,” ayon sa COA. “We recommended and [the DOT] manage- ment agreed to create a committee that will study and formulate the specific guidelines for foreign travels,” saad pa sa report. Source: abante.com.ph PAGKAIN, DAMIT AT LARUAN PARA SA MGA BATANG LANSANGAN -- Pinangunahan nina Bulacan Vice Governor Daniel R. Fernando at P/ Sr. Supt. Chito Bersaluna (kaliwa), acting Provincial Director ang feeding program at pamamahagi ng iba’t ibang regalo tulad ng damit at laruan sa mga batang lansangan kasama ang Bulacan PPO Ladies Club na ginanap kamakailan sa Camp Alejo Santos, City of Malolos. RR Eleogo/RONDA Balita 3 killed, 11 arrested in Bulacan police drug sting By MANNY D. BALBIN CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Ma- lolos, -- Three were killed, while eleven oth- er drug suspects were arrested during an intensified anti-illegal drug operations of Bu- lacan police recently. Based on the report dif- ferent armed encounters ensued in Viola Highway, Brgy Maronquillo, San Rafael on Friday about 1 am, along NIA Road, Pu- long Tisya, Barangay Po- blacion, Pulilan on July 5, 2018 about 10:45 pm; and in Purok Maligaya, Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Thursday about 5:45 in the evening. P/Supt. Chito G. Ber- saluna, acting Bulacan provincial director, iden- tified the fatalities as certain alias “Bino,” other data unknown, in San Ra- fael; alias “Jessie”, other data unknown in Pulilan; and in City of Meycauay- an as Sonny Boy Gabag- at also known as “Sonny Boy Rufino” (included in Drug watchlist), male, 32 years old, single, a resi- dent of Purok Maligaya, Brgy Malhacan. Investigation revealed that the suspects fired their guns towards the drug operatives when they sensed that they were dealing with an undercover agent leav- ing the police officers no choice but to defend them- selves which resulted in the suspects’ death. Recovered from alias “Bino” were heat-sealed plastic sachet of suspected “shabu”; a caliber .45 colt pistol without serial num- ber; three (3) empty shells for caliber 9mm, 2 empty shells for caliber 45 and 1 Honda wave skeleton type without plate number; and buy-bust money. From Alias “Jessie,” 5 pieces of small heat- sealed plastic sachets of suspected “shabu”; one (1) Cal. 38 revolver (Smith & Wesson) without serial number and loaded with 4 live cartridges case and 2 fired cartridge cases; 5 pcs of cal. 9mm fired car- tridge cases, 1 Kawasaki Bajaj, plate no. 3832 RX with sidecar, and with markings of Sta. Barba- ra Toda, Body no. 01603; and buy-bust money were recovered. While from alias “Son- ny Boy”, seized was 3 heat- sealed transparent plastic sachets of suspected “sha- bu”; 1 caliber .38 with SN 54777 loaded with 4 cal.38 live ammo and 2 fired car- tridge cases; 4 .9mm fired cartridge cases; and buy- bust money. Furthermore, Bersalu- na added that 11 other sus- pects were arrested in the towns of Pandi, Paombong, Calumpit, Sta Maria, Nor- zagaray, and Guiguinto. The arrested suspects were identified as Wil- bert Jimenez alias Willy; Arwin Kier Siapco alias Kengkeng; Jessie Perez alias Jess; Gereneo Mari- ano alias Daga; Paul Alex- ander Albo alias Polex; Je- rome Evangelista alias Rj; Alejandro Lee; Alvin Uy; Michael Granada; Michael Carating alias Mako and a 17-year-old child in conflict with the Law. Fifteen pieces of heat sealed transparent plas- tic sachets of suspected “shabu”; four heat sealed plastic sachets of suspect- ed “marijuana” leaves; as- sorted drug parapherna- lia; and buy-bust money. The arrested suspects and seized pieces of ev- idence were brought to Bulacan Crime Laborato- ry Office for appropriate examination. While ap- propriate criminal com- plaints against them are now being prepared for filing in court. ‘Farm School’ ni Marcelo H. Del Pilar, isinulong na buhayin Iprinisinta ng historyador na si Propesor Crisanto 'King' Cortez ang primyadong dokumentong nasa- liksik na nagpapakita ng isang planong Escuela De Agricultura o Farm School na itinatag ni Marcelo H. Del Pilar. BULAKAN, Bulacan - Ginunita ng mga Bu- lakenyo ang Ika-122 Kamatayan ni Marcelo H. Del Pilar sa pamam- agitan ng pagsusulong na buhayin ang Es- cuela De Agricultura na kanyang itinatag noong 1889. Ito’y upa- ng magkaroon ng ka- tiyakan ang seguridad sa pagkain ng bansa. Ayon sa historyador na si Propesor Crisanto ‘King’ Cortez, matagal nang ibinabandera sa mga pahina ng mga aklat sa mga paaralan, aklatan at batayang pangkasay- sayan, na si Marcelo ay isang propagandista, re- porter at abogado. Ngunit hindi aniya napag-uusa- pan na siya rin ang nag- balangkas sa pagsasaban- sa ng Pilipinas. Kabilang dito ang pagtatatag ng nasabing Farm School. “yung mga naririnig nat- ing farm school ngayon, iyong proyekto ng Depart- ment of Agriculture, ni Senator Cynthia Villar, ito po ay matagal nang binuo at pinilit maitayo ni Marcelo H. Del Pilar noong 1889. Nagkaroon po ng proyektong magtayo ng pamantasan ng Saka- han o Agricultural Uni- versity noong 1872 napigil lang ng mga Kristiyano. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon si Plar- idel na maging kaibigan ang ibang mga pulitikong Kastila, nagkaroon ito ng katuparan na magkaroon ng Escuela De Agricultu- ra noong Enero 1889. Ito ay naglalayon ng paun- larin at magkaroon pa ng maraming kaalaman tungkol sa agrikultura.” Batid ng historyador na sa kasalukuyang pana- hon, ang sektor na ito ay hindi masyadong nabibi- gyan ng pansin. Patunay aniya rito ang pag-angkat ng iba pang produktong agrikultural sa kabila nang mataba ang lupa sa Pilipinas. Ipinunto ni Propesor Cortez, “sabi nga ni Plaridel, dito sa ating bansa, kahit na ano ang itanim mo ay tutubo. Sa- mantalang sa Espanya, nahihirapan silang mag- patubo doon ng kanilang mga pananim. Nagbilin si Plaridel sa mga magsasa- ka na dating nagsasakate ng damo (nagtatabas), ang sabi niya ay sa susunod na pagkakataon ay matuto ka nang magtanim ng Palay.” Sa puntong ito, naging pagkakataon ang paggu- nita sa kamatayan nitong bayani sa pamamagitan ng lalong pagdalumat sa kaisi- pan na mayroon si Marcelo na noong panahon niya, pinilit niyang magkaroon ng katuparan. PIA S A layunin na itaguy- od ang food gardening, inilunsad ng Pama- halaang Panlalaw- igan ng Bulacan, sa pangunguna nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Bise Gob. Daniel R. Fer- nando, sa pamam- agitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang ika-44 Buwan ng Nutrisyon sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lung- sod na ito kamakailan. Naka-angkla sa tema na “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aan- ihin,” layunin ng buwan ng nutrisyon sa taong ito na makatulong sa pag- papabuti ng nutrisyon sa pamamagitan ng pagda- ragdag ng bilang ng mga kabahayan, paaralan, at komunidad na may food gardens. Sa diwang ito, hinikayat ng gobernador ang mga Bulakenyo na suportahan ang adboka- siya ng pamahalaan na matustusan at panatilih- ing sapat ang pagkain ng mga Pilipino. “Ang pagtatanim sa ating mga sariling baku- ran ng mga prutas o gulay na maaari nating makain ay hindi lamang isang paraan upang tayo’y makatipid kundi isa ring daan upang ating masig- uro na masustansya ang pagkaing inihahain na- tin sa ating mga pamilya. Bukod dito, maaari rin itong magbigay sa atin ng karagdagang kita na maaari nating maipambi- li ng ibang bagay na ating kailangan,” anang gober- nador. Bilang bahagi ng pag- diriwang, kikilalanin ng Pamahalaang Pan- lalawigan ang mga Out- standing Municipalities, Barangays and Volunteer Worker in Nutrition; mga boluntaryo na matagal ng naglilingkod at action officers; mga nagwagi sa Malunggay Kahit Saan, JR. Master Chef Cooking Contest; at 2018 Mutya ng Buntis Season 2 sa Agosto 1, 2018 sa The Pavilion, Hiyas ng Bula- can Convention Center sa lungsod na ito. Nakatakda ring ipag- diwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang ika- 40 National Disability Prevention and Rehabil- itation (NDPR) Week sa pamamagitan ng isang forum tungkol sa psoria- sis sa Hulyo 17, 2018 sa Francisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Con- vention Center sa lungsod na ito; pagsali sa pang-re- hiyon na pagdiriwang ng Linggo ng NDPR sa Hulyo 20, 2018 sa Mar- quee Mall, Angeles City, Pampanga; pagkakaroon ng isang cultural at va- riety show na pinamaga- tang “Basta Bulakenyo, Kahit may K, OK” sa Hulyo 21, 2018 sa SM City Baliwag; at pagkakaroon ng dalawang pangkat ng operasyon para sa mga pasyente na may bingot at cleft palate sa Hulyo 24-25 sa Baliwag Dis- trict Hospital. Ang Linggo ng NDPR na may temang “Ka- kayahan at Kasanayan Para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaraan” ay alinsunod sa Prokla- masyon Blg. 1870, s. 1979 na idinedeklara ang ikatlong linggo ng Hulyo ng bawat taon bil- ang National Disability Prevention and Rehabil- itation Week. RONDA Balita vol4 #20.indd 6-7 RONDA Balita vol4 #20.indd 6-7 7/16/2018 12:15:14 PM 7/16/2018 12:15:14 PM