Top Banner
Ano ang Pagtatalo?
23

Debate ppt

Jun 12, 2015

Download

Education

Evelyn Manahan

Aralin2 Para sa Ikalawang Markahan
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Debate ppt

Ano ang Pagtatalo?

Page 2: Debate ppt

- ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang pagtatalunan. 

Ang Pagtatalo o Debate

Maaaring nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.

Page 3: Debate ppt

Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon .

Ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento .

Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan .

Ano ang Proposisyon?

Page 4: Debate ppt

•Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.

•Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang suliraning patutunayan.

•Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.

•Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.

Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:

Page 5: Debate ppt

Tatlong Uri ng Proposisyon

1.Pangyayari: Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na makatotohanan.

Hal :”Maraming namatay sa nasunog na Superferry“.

Masusukat ang katotohanan o kabulaanan nito sa pamamagitan ng pag-alam sa tunay na mga pangyayari,

Page 6: Debate ppt

Tatlong Uri ng Proposisyon

2. Kahalagahan: Ito ay isang paninindigan sa kahalagahan ng isang bagay.

Hal: ”Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sa pagbuwag sa makaaliping diwa”.

Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento na nagtatanggol sa kabulaanan ng isang bagay, isang palakad o isang pagkilos.

Page 7: Debate ppt

Tatlong Uri ng Proposisyon

1.Patakaran: Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak na solusyon sa isang suliranin.

Hal :”Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas“.

Page 8: Debate ppt

•Walang kinikilingan .Magkasinlakas ang magkabilang panig na na nagkakasalungatan ng palagay.

•Ka wili –wili sa sumusulat at makikinig ang proposisyon .

• Napapanahon ang paksa .

Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon .

Page 9: Debate ppt

•Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.

•Malinaw at tiyak ang proposisyon .

•Maaaring patunayang ng mga ebidensya

•May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid .

•Karapat –dapat na pagtalunan.

Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon .

Page 10: Debate ppt

Paghahanda sa isang Pagtatalo

Tatlong hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo (1) Pangangalap ng datos; (2) Paggawa ng dagli o balangkas (3) Pagpapatunay ng Katwiran.

  Pangangalap ng datos-  Ang pagtitipon ng mga nakalap na datos ay kinakailangang gagamitin sa pagmamatuwid ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa paniniwalaan napapanahong aklat sanggunian o magasin. 

Page 11: Debate ppt

Paghahanda sa isang Pagtatalo

  

 Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng ng mga datos:

Ang ating pagmamasid at ang pagmamasasid ng iba na awtoridad sa paksang pagtatalunan.

- Awtoridad kapag dalubhasa ang nagpapahayag o pahayag ng isang tao o pangkat ng mga taong may mataas na katangian o malaking kakayahan tungkol sa isang sangay ng karungingan o gawain at ginagalang at kinikilala ang kanilang kuru-kuro at pahayag. 

Page 12: Debate ppt

Paghahanda sa isang Pagtatalo

 Ang dagli o balangkas- ay ang paghaahnay ng mga katuwiran. Sa makatuwid, ito’y pakikipagtalong pinaikli. Ang mga bahagi ng dagli ay panimula, katawan at wakas.         Sa panimula, ipahayag ang paksa ng pagtatalo, ang kalahagahan sa kasalukuyan ng paksa, mga kinakailngang pagbibigay – katuturan ng mga talakay at ang pagpapahag ng isyu, 

Page 13: Debate ppt

Paghahanda sa isang Pagtatalo

 Ang katawan ng dagli - ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili ng mga tatlo o apat na mga isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga katuwirang siyang magpapatotoo sa patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.         Ang pangwakas - na mga pangungusap ay siyang buod ng mga isyung siyang binibigyan ng mga patunay. 

Page 14: Debate ppt

3.Necessity/ Pangangailangan– ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon. 

Ang Tagapagsalita

1. Beneficiallity / Kapakinabangan– ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan.

2. Practicability/ Praktikalidad – ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible ba o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.

Page 15: Debate ppt

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-Oxford

•Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa, tatlo o apat na kasapi. Ang tagapagsalita at ang isa rito ay ang tagalata o scribe.•Ang oras ng talumpati ay pito –walong minuto.•Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minutong pagtatanungan

Page 16: Debate ppt

Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-Oxford

•Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi ngunit limang minuto naman ang pagtuligsa at pagbubukod ng puno ng bawat koponan o ang nagbigay ng unang talumpati. 

Page 17: Debate ppt

1.Unang-tagapagsalita(benificilaity-sang-ayon) pagtatanggol ng panig.

2.Unang-tagapagsalita(benificiality-salungat) pagtatanong o interpellation

3.Unang-tagapagsalita(benificilality-salungat) pagtatanggol ng panig

4.Unang-tagapagsalita(benificiality-sang-ayon) pagtatanong o interpellation 

Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:

Page 18: Debate ppt

Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:

5.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanggol ng panig6.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtatanong o interpellation7.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat) pagtangggol ng panig8.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon) pagtatanong o interpellation9.Ikaltlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtanggol ng panig10.Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtatanong o interpellation

Page 19: Debate ppt

Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:

11.  Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat) pagtanggol ng panig12. Ikatlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon) pagtatanong13.   Pagitan14.  Rebuttal na talumpati ng salungat na ibibigay ng unang tagapagsalita15. Rebuttal na talumpati ng sang-ayon na ibibigay ng unang tagapagsalita. 

Page 20: Debate ppt

Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong.

1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo at hindi.2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras

sa pagtatanong.4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati

ng tinatanong niya.5. Kung lumalabag sa laituntunin ng pagtatanong ang isa sa

kanila, dapat itong ipaalam sa Tagapangasiwa ng pagtatalo.

Page 21: Debate ppt

Mga Dapat Banggitin sa Pagtuligsa (Rebuttal)

1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban na nakita.

2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.

3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.

 

Page 22: Debate ppt

Pamantayan sa Pagtatalo:

PANIG NG SANG_AYONMga Nagtatalo

Katibayan (30%)

Pagbigkas (10%)

Pagbigkas sa entablado (10%)

Pagtatanungan T (10%)S (10%)

Pagtuligsa (30%)

Pangkalahatang Bilang

PANIG NG SALUNGAT

Ngalan: ______________________________________ Petsa: ______________Kapasiyahan: __________________________________

Tagapangasiwa:_____________________________ Koponang Nagwagi___________ Pinakamagaling na Nakipagtalo: ____________________________________________ Ikalawang Magaling na Nakipagtalo: _________________________________________

Page 23: Debate ppt

Mga Pinagkukunan:

Sining ng Pakikipagtalastasan 1Tumangan Sr. et. al

Kakayahan sa Pakikipagtalastasang PangkolehiyoArrogante et. al