Top Banner
Ito ang Brgy. Socorro, Murphy Cubao Quezon City Dito ako nakatira…
10

AP Project 1st Quarter

Jun 19, 2015

Download

Health & Medicine

aarondhardy

Malinis at Maayos na Kapaligiran Tungo sa Magandang Kinabukasan
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: AP Project 1st Quarter

Ito ang Brgy. Socorro, Murphy Cubao Quezon CityDito ako nakatira…

Page 2: AP Project 1st Quarter

Sa panayam na ito aking nakausap si Dr. Teddy Santos na isa ring kagawad sa aming Barangay, pinamunuan niya ang Health at Environment dito. Madalas din siyang magsagawa ng mga Free Medical Missions upang makatulong na mapanatiling maganda ang kalusugan ng mga mamamayan.

Page 3: AP Project 1st Quarter

Ang Barangay Socorro ay mayroong humigit kumulang sa 25,000 na populasyon at dahilan dito hindi maiiwasan na kahit papaano ay magkaroon ng mga suliraning pang barangay sa aming lugar.

Page 4: AP Project 1st Quarter

Masaya at maayos ang pamumuhay sa ating barangay ngunit hindi rin maiiwasan na kahit papaano ay mayroong mumunting problema at pangangailangan na dapat pagtuunan ng pansin ng pamunuan.

Ano po ang pananaw ninyo tungkol sa isang malinis, mapayapa at kaaya-ayang kapaligiran?

Ang isang barangay at ang kapaligiran nito ay dapat malinis at maayos. Ang mga mamamayan, magkakapitbahay ay mayroong mabuting samahan at pakikitungo sa isa’t-isa.

Page 5: AP Project 1st Quarter

PEACE & ORDERHindi maiiwasan na kung minsan ay mayroong munting di pagkakaunawaan at mga lumalabag sa alituntunin ng barangay ngunit ito ay naayos din naman, kung kaya’t mayroong tinatawag na mga barangay tanod sa ating lugar na tagaayos at tagapamagitan at kung hind nila kaya ay iaakyat sa punong barangay.

Page 6: AP Project 1st Quarter

Ano po ang ginagawa ng ating barangay upang mapanatili ang Kalinisan at kaayusan ng ating paligid?

Tayo ay mayroon 23 na nakatalagang EPSU (Environmental Protection andSanitary Unit) na ang layunin ay magpanatili ng kalinisan ng paligid at ng buong barangay ngunit dapat ang mga maybahay ay mayroon ding kusa upang panatilihing malinis di lamang ang loob ng bahay kundi pati ang labas din.

Mayroon na din tayong sistema sa koleksiyon ng basura, Lunes at Biyernes ang Nabubulok at Biyernes para sa hindi nabubulok.

BASURA

Page 7: AP Project 1st Quarter

TRAPIK(TRAFFIC)

Tayo ay mayroong mga barangay police na tinatawag upang magsaayos ng batas trapiko sa ating barangay, sa tulong ng pamunuan, napapanatili natin ang kaayusan dito. Sinisiguro nating maayos at upang maiwasan ang mga hindi magandang pangyayari.

Page 8: AP Project 1st Quarter

Bilang isang doktor anu-ano ang inyong kontribusyon sa pagpapanatili ng kalusugan, kalinisan at kapayapaan sa ating barangay?

Regular ang ating mga medical missions at pagbibigay ng libreng gamot di lamang para sa ating mga kabarangay kundi sa iba pang lugar, madalas it ay libre upang mapunan ang kakulangan at pangangailangang pang kalusugan ng mga tao. Mayroon tayong iba’t-ibang programang pangkalusugan para sa mga bata at matatanda. Nakatutok tayo sa mga sakit tulad ng High Blood, Sakit sa Puso, Tigdas, TB,at Diabetes.

Bukas ang aking opisina at ang aking klinika sa mga gustong sumangguni ukol sa kalusugan. Kapag ang isang tao ay malusog, nakakapag-isip ito ng tama at siya ay nakakapamuhay ng mapayapa.

Page 9: AP Project 1st Quarter

Ano po ang maipapayo ninyo sa mga tao tungkol sa kalusugan at kalinisan?

Gaya ng aking naunang sinabi, ang isang malusog na tao o mamamayan ay may malinaw na pag-iisip at payapang nakakapamuhay, alamin natin ang mga programa sa ating barangay lalo na yung pangkalusugan at ang sa kalinisan aktibong sumali sa mga ito. Kumain ng wasto at iwasan ang mga hindi magagandang bagay na magdudulot ng sakit tulad ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak at iba pa. Makialam. Panatilihin ang kalinisan ng paligid. Ang kalinisan at kalusugan ay nagmumula sa loob sa ating katawan at tahanan. Tayo ay magkaroon ng disiplina.

Page 10: AP Project 1st Quarter

MALINIS AT MAAYOS NA

KAPALIGIRANTUNGO SA

MAGANDANG KINABUKASAN

Proyekto Ni: Aaron Homer P. DioquinoI-Majestic

Araling PanlipunanMs. Marife Jagto