-
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga
Peninsula
Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang
Kanluranin-Nobela
Zest for Progress Zeal of Partnership
10
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
0
Filipino 10 – Ikasampung Baitang Support Material for
Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan– Modyul 6:
Mga Akdang Pampanitikan ng South Amerika at ng mga Bansang
Kanluranin Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela) Unang Edisyon,
2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin
o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX –
Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Meralyn B. Sangual
Editor: Arnie P. Taclap
Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez
Tagalapat: Wilvin H. Inding
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division
Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor-
Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
-
1
Mula sa iyong matagumpay na paglalakbay mula sa mga Kuwento
ng
Estados Unidos, dadako ka naman sa United States of Amerika
upang
pag-aralan ang nakaaaliw na estorya ng nobelang Ang Matanda at
ang
Dagat.Ikaw ay inaasahang:
Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa o panunuring pampanitikan
(F10WG-IIf-69)
Nagagamit ang ibat ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa teoryang pampanitikan (F10WG-IIf-69)
Modyul 6
Mga Akdang Pampanitikan ng United States of Amerika
Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela)
Balikan
Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang hinggil sa
Maikling Kuwento.
Gawain 1. Balikan ang nakaraang aralin. Ngayon ay subukin
mong
sagutin ang hinihingi gamit ang concept map? Ibigay ang
kahulugan ng
nobela at mga katangian nito.
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng mga
bansang kanluranin.
Ang mag-aaral ay
nakapaglalathala ng sariling akda
sa hatirang pangmadla ( social
media)
-
2
Matapos ang naunang aralin, halina't tuklasin ang mga bagong
kaalaman na
matutunan sa bagong aralin.
Gawain 2: Basahin Mo!
Ang Matanda at Ang Dagat Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni
Jesus Manuel Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway (bahagi
lamang)
Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga
kamay sa tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang isip. Mataas
ang cumulus
clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda
(Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging
tinitingnan ng matanda ang
isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang
dinunggol ng pating.
Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa
kalaliman
ng tubig habang tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng
dugo sa dagat na isang milya ang lalim. Napakabilis niyang
pumaimbabaw at walang kaingat-
ingat na binasag ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng
araw.
Tuklasin
Nobela
-
3
Pagkaraa‟y bumalik siya sa tubig at sinundan ang amoy at
nagsimulang
lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda. Kung
minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya
itong muli, o kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at
mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito. Isa siyang
napakalaking pating na Mako, ang
katawan ay sadyang para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis
na isda sa dagat at napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa
kaniyang panga.
Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang likod, at pilak ang
tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng
espada maliban sa
kaniyang dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin
siyang
lumalangoy, halos nasa rabaw, parang kutsilyong humihiwa sa
tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang
panga, nakahilig
paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad
ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis
sila ng
mga daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba
sila halos ng mga daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang talim
sa magkabilang gilid. Ito
ang isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng dagat,
napakabilis at
napakalakas at armadong-armado kaya wala silang sinumang kaaway.
Binilisan pa niya ngayon nang malanghap ang mas sariwang amoy at
humiwa
sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod. Nang makita ng
matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating
na walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin.
Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid habang
pinagmamasdan niya ang paglapit ng
pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali
sa isda. Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo
ang
pasiya pero halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal
sana ang
katinuang ito. Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang
pinanonood ang paglapit nito.Mas mabuti pang naging isang panaginip
lang ito,
sa loob-loob niya. Hindi ko siya mapipigil sa pag-atake sa akin
pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana
ang nanay mo.
Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito
ang isda, nakita ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa
nitong mata
at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang
nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig
ang ulo ng pating at
lumilitaw ang likod at naririnig ng matanda ang ingay ng balat
at lamang
nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang salapang sa
ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang
guhit ng ilong. Walang
gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na
ulong asul at ang malalaking mata at ang lumalagutok, umuulos,
nanlalamong mga
panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda.
Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol ng
kaniyang kamay na
nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero
may katatagan
ng pasiya at lubos na hangaring maminsala. Kumampay ang pating
at nakita ng matanda na walang buhay ang
mga mata nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng
dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito
matanggap ng pating.
Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok
ang mga panga, sinuyod ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng
isang speed-boat.
Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at tatlong
sangkapat ng katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid,
kuminig at saka
nalagot. Saglit na humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang
pating at pinanood
siya ng matanda. Pagkaraa‟y dahan-dahan itong lumubog.
-
4
“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng
matanda.
Tinangay nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob
niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.
Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito.
Nang sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang.
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya.
At siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos
na nakakita
na ako ng malalaki. Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya,
naisip niya. Sana‟y isa
lang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda
at nag-iisa
akong nakahiga sa mga diyaryo. “Pero hindi nilikha ang tao para
magapi,” sabi niya. “Maaaring
wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako
na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang
masamang panahon at
wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may
kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa
kaniya. Siguro‟y hindi, sa
loob-loob niya. Siguro‟y mas armado lang ako.
“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy
ka sa
paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Pero dapat akong
mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang
natitira sa akin. Iyon at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan
ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang
bagay „yon, sa loob-
loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo
ba‟y malaking partida ang mga kamay ko kaysa mga taring buto? Hindi
ko malalaman. Hindi
ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong maliban
noong minsan
na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at
naparalisa ang ibabang binti at kumirot nang napakatindi.
“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat
sandali‟y papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang
paglalayag mo
dahil sa pagkawala ng kuwarenta libras.” Alam na alam niya kung
ano ang maaaring mangyari pagsapit niya
sa panloob na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.
“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang
aking
lanseta sa puluhan ng isang sagwan.”
Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng
layag.
“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong
armas.”
Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan
niya ang bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang
kaniyang pag-asa.
Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa‟y
naniniwala akong kasalanan „yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa
kasalanan, naisip niya. Marami nang problema ngayon kahit walang
kasalanan. T‟saka
hindi ko ito naiintindihan. Hindi ko iyon naiintindihan at hindi
ko sigurado kung naniniwala
ako roon. Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay
ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhay at mapakain ang
maraming tao. Pero lahat
naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan.
Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para
gawin iyon. Hayaan
mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging
isang
mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda.
Mangingisda si San Pedro at gayundin ang ama ng dakilang
DiMaggio.
-
5
Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na
kinasasangkutan
niya at nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa
kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para
ibenta bilang pagkain, sa
loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil
isa kang mangingisda. Minahal mo siya noong siya‟y buhay pa at
minahal mo siya
pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin mo
siya. O mas malaking kasalanan „yon?
“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Pero
tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya.
Nabubuhay siya sa buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang
tagahalungkat ng
basura o isa lamang gumagalang gutom tulad ng ilang pating.
Maganda siya at marangal at walang kinakatakutan.
“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi
ng matanda.
“At pinatay ko siyang mahusay.” Bukod pa, naisip niya, pinapatay
naman ng lahat ang isa‟t isa, kahit
paano. Kung paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya
ako
binubuhay. Binubuhay ako ng bata, sa loob-loob niya. Hindi ko
dapat masyadong linlangin ang aking sarili.
Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa
pinagkagatan ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang
kalidad at sarap
ng lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi
ito pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging
presyo nito sa palengke. Pero
hindi matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na
may dumating na malaking kamalasan.Panatag ang simoy. Medyo umatras
ito sa
may hilagang silangan at alam niya
ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo
ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin
siyang makitang ni
balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang
isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang
prowa at ang mga dilaw na
kumpol ng damong Gulpo. Ni wala siyang makitang isa mang
ibon.Dalawang oras na siyang
naglalayag, nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa‟y ngumunguya
ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at
magpalakas, nang
makita niya ang una sa dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at
marahil ay isa lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi
sinasadya, na
nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos
nito sa kahoy.
“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang
pag-angat ng pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya
na ang mga ito ay
pating na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi,
hugis-tatsulok na
palikpik at sa pahalihaw na galaw ng buntot. Naamoy nila at
tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan ng kanilang matinding gutom,
naiwawaglit nila at
natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan. Pero palapit sila
nang palapit.Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at
isinisiksik ang timon. Pagkaraa‟y kinuha niya ang sagwang
tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito
dahil nagpupuyos sa sakit ang
kaniyang mga kamay. Pagkaraa‟y ibinukas-sara niya ang mga ito
roon upang lumuwag sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang
sakit at huwag
mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng mga pating.
Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang
mga ulo at ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa
dibdib. Sila ay mga
kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura
at
-
6
mamamatay, at kapag sila‟y gutom, kinakagat nila ang sagwan o
katig ng isang
bangka. Ang mga pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng
mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at nanagpang
sila ng
taong nasa tubig, kung sila‟y gutom, kahit hindi amoy dugo ng
isda o malansan ang tao.
“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.” Dumating sila.
Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa
at naglaho sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng
matanda na naalog ang bangka habang kumikislot siya at hinihila ang
isda. Pinanood ng isa
ang matanda, naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng
kaniyang
panga ang isda sa dakong nakagat na. Kitang-kita ang guhit sa
ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng utak
at gulugod at
inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot
ito, at muling iniulos sa dilaw, tila sa pusang mata ng pating.
Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang
kaniyang nakagat habang siya‟y namamatay.
Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa
pang
pating at binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang
bangka at mapalitaw ang pating mula sa ilalim. Pagkakita niya sa
pating, dumukwang
siya sa gilid at hinambalos ito. Laman lamang ang tinamaan niya
at matigas ang balat at hindi niya halos naibaon ang lanseta. Hindi
lamang ang kaniyang
mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi pati ang
kaniyang mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una
ang ulo, at tinamaan ito
ng matanda sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa
tubig ang nguso at inginasab sa isda. Hinugot ng matanda ang talim
at muling inulos sa
dating lugar ang isda. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang
panga, at
sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit
pa rin doon ang pating.
“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa
pagitan ng gulugod at utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at
naramdaman niyang
napatid ang litid. Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit
ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang
talim sa panga ng pating
para buksan ito. Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos
ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang
milya ang lalim. Sumige ka
at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”
Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag
ang sagwan. Pagkaraa‟y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at
ibinalik niya
ang bangka sa dating paglalayag. “May sangkapat niya siguro ang
natangay nila at ang pinakamahusay na
laman,” malakas niyang sabi. “Sana‟y panaginip lang ito at hindi
ko sana siya nabingwit kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil
doo‟y mali ang lahat.
Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na
ang
dugo at lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng
salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga paha.
“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para
sa iyo o para sa akin. Ikinalulungkot ko, isda.
”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng
lanseta at tingnan mo kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang
iyong kamay dahil
marami pang darating. “Nakapagdala sana ako ng bato para sa
lanseta,” sabi ng matanda
matapos tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong
nagdala ng
bato.” Marami kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi
mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang
wala ka. Isipin mo kung
ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.
-
7
“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na
ko
r‟on.” Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa
tubig habang
umuusad ang bangka. “Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng
huling iyon,” sabi niya. “Pero
hamak na mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang
nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam niyang sa bawat pakislot na
bunggo ng pating ay
napipilas angkarne at ngayo‟y sinlapad ng haywey sa dagat ang
nalilikhang bakas ng isda na pagsusumundan ng lahat ng pating.
Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa
loob-loob
niya. Huwag mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang
mga kamay mo para sa ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala
na ang amoy ng dugo
sa mga kamay ko ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa‟y
hindi na sila gaanong nagdurugo. Walang anumang sugat na dapat
ikabahala. Baka
makatulong pa ang pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa. Ano
pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala
akong dapat isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga‟y
panaginip lang
iyon, sa loob-loob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman
mapaigi pa „yon.
Ipinaskil ni Unknown sa 1:59 AM I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa
TwitterIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
Mga Tanong:
1. Isalaysay ang naging pakikipagsapalaran ng tauhan, uri ng
tunggalian, sanhi at bunga.
Sanhi
Pakikipagsapalaran
Bunga
2. Ihanay ang mga pangyayari sa nobela gamit ang Story Ladder.
Isulat
sa sagutang papel.
Wakas
Kakalasan
Kasukdulan
Tunggalian
Papataas na pangayayari
Suliranin
Simula
https://www.blogger.com/profile/15014867930470296729http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ang-matanda-at-ang-dagat.htmlhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=pinteresthttps://www.blogger.com/post-edit.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&from=pencil
-
8
3. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang "Ang Matanda at ang
Dagat "
ang nobela?
4. Paano napatunayan ni Santiago na maaring mapagtagumpayan
ng
isang tao ang anumang balakid sa buhay?
Suriin Ang nobelang "Ang Matanda ang Dagat" ay isang halimbawa
ng Teoryang
Realismo.Ayon kay Henri de Latouchi at Auguste Comte (Ama ng
Sosyolohiya) ang pananaw Realismo ay ipinakita ang mga karanasan
at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan sa makatotohanang
pamamaraan. Miuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng
buhay;
na ang likhang isip ay may aktwal na batayan sa kasaysayan at
lipunan.
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalayan na nangyayari sa
lipunan
tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan, at
diskriminasyon.
Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito: Mga teoryang
pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba‟t
ibang paliwanag ang iba‟t ibang mga kritiko at makata patungkol
sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin
ko baka
magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan patungkol sa
mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag sa mga teorya
ng
panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang
pampantikan.
1. Klasismo– Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak,ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-
pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may
kaayusan.
2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng
Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay
kaya‟t kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.Naniniwala ang mga humanista
na sibilisado
ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.Ang
humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga
tao.
3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng
biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga
ideya.
-
9
4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan
kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon
sa
mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang
sosyo-pulitikal
kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
5. Feminismo–Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga
kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan
sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan
ay
ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi bastabasta masusuri ang mga simbolismo sa
akda.
Pinakamainam… 7. Formalismo – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda
ang tanging
layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. Ang tunguhin ng
teoryang ito ay
matukoy ang:nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng
pagkakasulat ng akda..
8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang
nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda
rin
siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.
Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal
na
pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.
9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyan halaga ang
kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong
baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga
tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa
akda! 11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa
Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.
Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na
pinahahalagahan
ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang
romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay
sa
lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao,
paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal,
pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw
na
kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng
kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.
-
10
12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.
Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas
sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at
matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida
at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay
ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan,
babalikwas
ito upang madapi ang nangaaping lakas. 13. Historical– ang
teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at
pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan.
Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga
salitang naaayon
sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong
nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at
higit sa lahat ang ating pananampalataya 14. Bayograpikal– ang
teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng
mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga
akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon.
Ang
teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang
sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring
nangyari
sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang
paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng
pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang
pananaw
patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga
mambabasa.
15. Kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang
kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.
Gawain 3
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot
sa papel.
1. Ano-ano ang iba't ibang Pagdulog o Pananaw/Teoryana ginagamit
sa pagsusuring pampanitikan?
2. Bakit higit na kailangan na magkaroon ng kaalaman ang isang
mag-aaral na tulad sa mga Teorayang ito?
3. Kung ikaw ang susuri sa nobelang "Ang Matanda at ang Dagat "
aling Teorya o Pagdulog ng Panitikan ang pinakaangkop na gamitin?
Ipaliwanag.
B. Suriin ang akdang " Ang Matanda at ang Dagat" gamit ang
Pananaw / Teoryang Realismo. Sagutin ang mga gabay na tanong
sa
pagsusuri.
1. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa nobela batay
sa
ipinapakitang pakikipagsapalaran ni Santiago sa dagat?
-
11
2. Paano pinanghahawakan ng tauhan ang pagpapahalaga sa
buhay
ayon sa sitwasyong nakapaloob sa akda?
3. Ilahad ang tagpo na nagpapakita ng pananaw Realismo at iba
pang
angkop na teoryang pampanitikan batay sa nilalaman ng
nobela?
4. Patunayang may positibong pananaw ang pangunahing tauhan
sa
pagaharap ng sa suliranin na kanyang naranasan?
5. Bakit sinasabing ang nobelang "Ang matanda at ang Dagat"
ay
pananaw Realismo?
Pagyamanin May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri.
Ang una ay sa
payak na pagkakabuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa
ay sa paraang pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo
sa pagsulat ng
isang manunuri upang mapalutang ang layunin sa pagsusuri sa
akda. Ito ay kailangang kumilala sa taglay na sining at
magpapanatili sa sining ng
pagsusuri. Sa simpleng pagpapakahulugan, ipinaliliwanag ng isang
panunuring pampanitikan kung bakit dapat basahin ang isang akda o
kung ano ang
katangian ng akda na dahilan upang ito‟y pag-ukulan ng panahong
basahin.
Tingnan kung anu-ano ang mga salik o elementng napapaloob sa
isang suring-basa.
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng
pagsusuri sa
pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang
likhain ang isang akda.
2. URI NG PANITIKAN – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat
sa himig o
damdaming taglay nito.
3. LAYUNIN NG MAY-AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung
bakit
sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa,
magprotesta at iba pa.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA – Ito ba‟y makabuluhan, napapanahon,
makaotohanan, at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng
mambabasa?
5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba‟y anyo ng
mga
taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa
nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha,
nagwawasak, nabubuhay o
namamatay.
6. TAGPUAN / PANAHON – Binibigyang-pansin sa panuring
pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng
isang akda bilang mga saksi at
sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang
kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.
-
12
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas
na
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba bas a nilalamang
taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis,
anyo, anggulo, o pananaw?
Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang
pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang
mensaheng ipinapahiwatig
ng kabuuan ng akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng
akda?
8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang
pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang
umiiral,
tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari
ding tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay sasalungatin,
pabulaanan, mabago, o
palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at
lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o
paniniwalang kumokontrol sa
buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na
batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan
ng
paggamit ng mga salita? Angkop bas a antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa
ng akda? Ito ba‟y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa
at sa katangian
ng isang mahusay na akda?
10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng
akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat
na
kaalaman, kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri.
Kailangang makita ang pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa
akdang sinusuri. Ang
pagiging obhetibo sa pagsusuri ay kailangang isaalang-alang.
Mula sa aklat ng Filipino 10 PAnitikang Pandaigdig
Gawain 3
Gumawa ng isang suring - basa sa nobelang "Ang Matanda at ang
Dagat".
Gumamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagbuo ng
suring-basa
upang lalong maunawaan ng mga mambabasa. Gamitin ang balangkas
ng
suring-basa na nasa ibaba sa pagbuo nito.
I. PAGKILALA SA MAY-AKDA:
II. URI NG PANITIKAN:
III. LAYUNIN NG MAY-AKDA:
IV. TEMA O PAKSA NG AKDA:
V. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA:
VI. TAGPUAN / PANAHON:
VII. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
VIII. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:
-
13
X. BUOD:
Pamantayan sa Pagsusuri ng Suring- basa
DIMENSYON MAHUSAY 8-10 PUNTOS
KATAMTAMAN 5-7 PUNTOS
MAHINA 1-4 PUNTOS
PUNTOS
PAGSULAT Walang maling
pang-gramatika at mahusay at
malikhain ang paggamit ng mga
salita
Walang maling
pangramatika
Hindi
nakikitaan ng kalinawan sa
pagpapahayag ng kaisipan
NILALAMAN Nakikitaan ng
mahusay na pagka-unawa sa
nobelang binasa batay sa
panunuring ginawa na
nakapupukaw ng interea ng
mambabasa
Kompleto ang
mga impormasyong
ipinahayag.
Iilan lamang
ang mga impormasyong
ibinigay
ORGANISASYON Mahusay at
mabisa ang pagkakasunud-
sunod ng mga detalyeng
inalahad sa panunuri.
Maayos na
nasunud-sunod ang mga
pangyayari
Hindi malinaw
at walang kaugnayan ang
mga detalyeng inilahad sa
panunuri
PA-UNAWA SA TEORYANG
REALISMO
Mahusay at malinaw na naisa-
isa ang mga bahagi ng nobela
na nagpapakita ng paggamit ng
Realismo.
Naipaliwanag ang paggamit ng
teoryang realismo sa
malawakang panunuri
Hindi malinaw ang pag-unawa
KALINISAN Mahusay ang
malinis ang pagkasulat ng
panunuri.
Malinis ang
pagkasulat ng panunuri
Marumi at
nakikitaan ng pagmamadali
sa ginawang panunuri.
KABUUAN
-
14
Isaisip
Ngayong batid mo na ang mga balangkas at mahahalagang kaalaman
sa
pagbuo ng isang maayos na suring-basa. Maari mo nang sagutin ang
mga
sumususnod na tanong.
1. Paano ipinakita ng may-akda ang pagiging malikhain sa pagbuo
ng nobela?
2. Naging makatwiran ba ang ginawang pagsusuri sa akda?
Mungkahing Estratehiya: POST IT
Natutunan ko sa pagsusuri ng isang nobela :
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Tayahin Panuto: Suriing mabuti ang bawat pangungusap at piliin
ang titik ng tamang
sagot. Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.
1. "Naglayag sa dagat ang matandang si Santiago upang manghuli
ng isda na
maaari niyang ibenta at kanyang kainin.” Aling bahagi ng nobela
makikita ang pahayag na ito?
a. simula c. gitna b. wakas d. Kasukdulan
2. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay- aliw ay nagpapakilos
at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mambabasa? a. maikling
kuwento c. Talumpati
b. nobela d. Dula
3. Ang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin maliban sa
________? a. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at
kaisipan
b. kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
c. nag-iiwan ng di mabuting aral sa mga mambabasa. d. malikhain
at may dapat maging maguniguning paglalahad
-
15
4. Ano ang tawag sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari?
a. tagpuan c. pamamaraan b. pananalita d. Banghay
5. Ito ang kahulihulihang nobelang nailimbag ni Ernest
Hemingway?
a. Banaag at Sikat c. Sa mga Kuko ng Liwanag b. Ang matanda at
ang Dagat d. Dekada 70
6. Ipinakikita ng pananaw na ito ang katotohanan ng buhay maging
ito man ay
hindi maganda.
a. Klasisismo c. Formalismo b. Realismo d. Imahismo
7. Ang nobelang pinamagatang "Si Anne ng Green Gables" o ang
mag-aaning
tinatawag na kamatayan ay isang halimbawa ng Teoryang
___________? a. romanstisismo c. Feminismo
d. realismo d. Sosyolohikal
8. Binibigyang pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at
ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o
panahon .
a. imahismo c. humanismo b. Formalismo d. Klasisismo
9. Isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa
isang likhang
sining. a. panunuri c. pananaw
b. paglalahad d. Pagsisiyasat
10. Ito ay isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto o akda. a.
pasulat ng script c. suring-basa
b. suring-pananaw d. Pagbabasa
11. Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng
may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang
isang akda.
a. pagkilala sa may akda c. layunin ng may akda b. buod d.
Mensahe
12. Balangkas ng suring-basa na nagtataglay at nagpapaliwanag sa
mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o
karanasan. a. mga kaisipan c. layunin ng may akda
b. pagkilala sa may akda d. Mensahe
13. Aling pahayag ang nagpapatunay na ang nobelang "Ang Matanda
at ang
Dagat ay isang Realismo? a. inilalarawan ang karanasan at
lipunan na parang sa tunay na buhay.
b. nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan. c. pinapahalagahan
higit ang tao kaysa sa anumang bagay.
d. pinahalagahan ang katwiran ng tauhan.
-
16
14. Ano ang mahahalagang aral sa nobelang " Ang Matanda at ang
Dagat"?
a. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng
magandang buhay sa hinaharap.
b. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang
tao. c. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay malalampasan basta't may
tiwala
at determinasyon. d. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi
nagbabago hanggang sa
pagtanda.
15. Ito ay nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay
at
pangyayari. a. simbolismo b. pananaw c. damdamin d. Tema
. Karagdagang Gawain Gawain 4 Bilang karagdagan sa iyong
kaalaman at higit mong maunawaan ang paksa. Gumawa ng isang suring
-basa sa isa sa mga akdang isinulat ng ating batikang
manunulat na si Luwalhati Bautista. Suriing maige ang mga bahagi
ng nobela gumamit ng balangkas sa sa suring -basa bilang gabay para
maging makabuluhan
ang pagsusuri. Gumamit ng iba't ibang batis ng impormasyon tulad
ng aklat at enternet upang magsaliksik o magbasa pa patungkol sa
gawaing ito. Gawing gabay
ang pamantayang ito :a. Kabuluhan ng nilalaman at lalim ng panaw
b. Pagsasalang ng mga elemento ng panunuring pampanitikan at d.
Makabuluhang presentasyon.
Tatayahin ang iyong ginawa ayon sa sumusunod:
10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 8 puntos -
tatlo sa mga pamantayan ang naisakatuparan
6 puntos - dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan 4 puntos
- isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan
-
17
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa TwitterIbahagi sa
FacebookIbahagi sa Pinterest
Modyul para sa Mga-aaral FILIPINO 10
Tayahin
1) A 2) B 3) C 4) D 5) B 6) B 7) C 8) B 9) A 10)C 11) A 12 )A
13) A 14) C 15) A
https://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=emailhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=twitterhttps://www.blogger.com/share-post.g?blogID=3886138643074748432&postID=8106829021782741732&target=pinterest