Transcript
KAGAWARAN NG FILIPINOAntas Sekondarya-Panuruang Ingles
Chiang Kai Shek College1274 Padre Algue St. Tondo. Manila
Panuruang Taon 2013-2014
BILANG BAHAGI NG KATUPARAN NG MGA PANGANGAILANGAN PANG-AKADEMIKOSA ASIGNATURA FILIPINO IV
PAGKILALA SA PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSAUPANG MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA
SA PATALASTAS NA “OPEN HAPPINESS” NG COCA-COLA: ISANG PAG-AARAL
Sinakiksik para kay
G. JHOVEN JACOB SYGuro sa Filipino IV
Sinaliksik nina
(4) Dale Aldrich Dy(16) Rendell Aviel Tiu
IV-2
Marso 3, 2014A. PANIMULA:
Kapag ang pag-uusapan ay pangingibang bayan, ang unang naiisip ng
mga tao ay Pilipino. Ito marahil ay dahil sa dami ng OFW na nakakalat
ngayon sa buong mundo. Ayon sa tala ng sarvey ng IBON Foundation halos
dalawang milyong Pilipino ngayon ang nasalabas ng Pilipinas na
nakarehistro. Kaya naman, hindi nakapagtataka na sa bawat malalaking
bansa sa anim nakontinente ng Pilipinas ay may matatagpuang komunidad
ng mga Pilipino. Ayon rin sa nasabing sarvey, iba-iba ang dahilan ng
mga OWF kaya nangingibambayan ang mga ito. ang iba sa kanila ay
nangibambayan dahil sa matinding kawalan ng hanapbuhay sa Pilipinas,
samantalang ang marami sa kanila ay nangibambayan upang hanapin ang
kanilang kapalaran sa ibang bayan nang walang kasiguraduhan kung may
mapapasukan ba silang trabaho o wala. Hindi rin nakapagtataka kung
bakit dumarami ang bilang ng mga napagsasamantalahang OFW sapagkat ang
marami sa mga ito ay hindi naman nakapag-aral at marami rin sa kanila
ay hindi marunong magbasa o magsulat.
Dahil sa usaping ito, ang Kumpanya ng Coca Cola Corp. at ng San
Mig Incorporated ay lumikha ng isang patalastas na tumatalakay sa
ilang usapin ng mga OFW’s na Pilipino. Kilala ang Coca Cola bilang
isang kompanya na nagbebenta ng inuming pampalamig. Itinatag ito noong
Marso 27, 1944 sa pangunguna ni John Pemberton at inirehistro sa
Amerika. Nagsimula ito sa Atlanta Georga bilang isang tindahan ng
carbonated na inumin at napalawak ang negosyong ito hanggang sa
tumawid ng dagat at magbenta ng iba’t ibang flavor ng inumin.
Sa Pilipinas, ang Coke ay dinala ng Coca-Cola Bottlers
Philippines, Inc. (CCBPI) noong 1981. Ngunit noong 1997, ang Coke ay
binili ng San Miguel Corp. at isinama ito sa Australia-based Coca-Cola
Amatil Limited (CCA) kaya’t lalong lumakas ang kompanyan at nasama sa
top 100 corp. ng bansa.
Bilang isa sa primyadong kompanya sa panahong ito, ang Coke ay
lumilikha rin ng mga patalastas na dekalidad at tumaalakay sa mga
usaping panlipunan. Ang isa sa mga patalasta na ito ay “Open Happinest
Coca cola-OFW’S” na tumatalakay sa tatlong OFW na hindi makauwi ng
Pilipinas dahil sa kawalan ng perang ipapamasahe pauwi o di naman kaya
ay dahil sa pagtitipid bunga ng mga nakaambang babayarin gaya ng
bahay, matrikula, at gamot ng amang may sakit sa mata. Ipinakita sa
patalastas ang halaga ng kulturang Pilipino tungkol sa matibay na
pagsasama-sama ng pamilya gaano man kalayo ang isang miyembro nito.
Pinatingkad rin sa patalastas na ito ang pagsasakripisyo ng mga OFW’s
na hindi kumakain o namamasyal para makapagpadala lamang ng salapi sa
mga pamilyang nasa Pilipinas. Ang iba sa mga ito ay hindi umuuwi ng
bansa sapagkat tinitipid ang salapi sa halip na ipamasahe pauwi ay
ipadadala na lamang sa mga kapamilya.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN:
Mula sa patalastas na “OPEN HAPPINESS” NG Coca-Cola Corp.
minabuti ng mananaliksik na bigyan ng malaking pansin ng mga suliranin
ng mga OFW’s na mapapanuod sa sinasabing patalastas. Namasid sa
patalastas na itu ang suliranin hinggil sa kahirapan ng mga OFW’s sa
paghahanap buhay at pagtitiis sa kalungkutan laban sa dolyar na
kikitain upang maipanggastos sa pamilya. Ang ilan sa kanila ay hindi
umuuwi ng Pilipinas ng may mahigit walong taon na sa pagkat ang
kanyang mga anak at asawa ay sakanya lamang umaasa. Bamagat hindi
ipinakita ang pagkasira ng pamilya sa patalastas ay hindi maitatanggi
na maaring bumangon ang suliraning moral sa pagitan ng mag-asawa.
Gayunpaman, ipinakita sa patalastas ang katatagal ng pamilya na
nanatiling magkakasama bunga ng paguwi ng isang miyembro ng pamilya
mula sa ibang bansa. Kapansin pansin din ang labis na init na
pagmamahal na ipinakita ng pamilya sa pagsalubong sa kanilang kamag-
anak na dumating mula sa ibang bansa. Natanong ang isang miyembro ng
pamilya kung namimiss ba niya ang kaniyang na OFW at sumagot ang anak
nang oo ngunit hindi nabakas ang kasiguruhan ng sagot ng bata.
Makikita ang ganitong suliranin sa mga kwento ng mga OFW’s na sila ay
hindi nakikilala ng sarili nilang anak o asawa.
Dahil dito ang mananaliksik ay minabuting bigyan ng isang pag-
aaral ang suliranin bumangon.
C.LAYUNIN NG PAGAARAL:
Ang pangkahalatang layunin ng pagaaral na ito ay suriin ang
patalastas na “OPEN HAPPINESS-OFW’s” ng Coca-Cola Corp. na nagpapakita
ng nagpapahalaga sa sakripisyo ng mga OFW’s na nagtratrabaho sa ibang
bansa upang mabuhay ang pamilya at masigurado ang kinabukasan ng
kanyang mga kamag-anak.
Sasagutin ng pagaaral na ito ang mga sumusunod na tanong:
1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW’s sa ibang
bansa
A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at
pagsasakripisyo ng mga OFW?
B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng
miyembro na nagtratrabho sa ibang bansa?
2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang
nangingibang bansa
A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa
ibang bansa?
B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at
sa bansa ng pagkakaroon ng OFW?
3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas
A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?
B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili
ng produkto?
D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral na makita ang
mga paghihirap na dinaranas ng kanilang mga magulang na nangingibbang
bansa nang sa ganoon ay mas pagsikapan pa nila ang kanilang pag-aaral.
Ito din ay mahalaga sa mga guro sapagkaat ito ay maari nilang maituro
sa kanilang mag-aaral bilang isang magandang paksa tungkol sa mga
nangingibang bansa.
Mahalaga rin ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik
sapagkat nakapgmumulat ang pag-aaral na ito na mga usapin hinggil sa
kahirapan, relasyon ng pamilya, suliraning pangkabuhayan at relasyong
moral sa kasapi ng mga pamilya. Mahalaga rin ang sistema ng pagbuo ng
pag-aaral na ito bilang huwaran ng susunod na magsasaliksik tungkol sa
paksang ito.
Pagpili ngkomersyal ng mga
mag-aaral
Pag-iisa-isa sa mgapagpapahalagang
makikita sa
Pagbuo ng mgatanong hinggil sasuliraning nakita
Samantala mahalaga rin sa guro ang pag-aaral nito sapagkat
madaling makikita ang mga kahinaan at kalaksan ng mga mag-aaral na
kumukuha ngayon ng pananaliksik. Mabibigyang pansin rin ang mga
kahinaan sa pagaanalisa ng mga mag-aaral kaya makakatulong ito sa mga
guro na bumuo ng bagong estilo sa pagtuturo.
E. BATAYANG KONSEPTWAL
Pagbuo ng Pamagat Pagpapasagot ngisangh sarvey
Pagbabalida sasarvey
Paghahanap ngimpormasyon
Pagtatala ng mgadatos
Pagaanalisa ng mgadatos
Pagbuo ngkonklusyon
Pagbuo ngRekomendasyon
F.SAKLAW AT LIMITASYON:
Ang lawak at limitasyon ng pananaliksik na ito ay pagpapahlaga sa
kalayaan ng OFW. Saklaw din nito ang mga mag-aaral ng Visendos na
siyang pagkukuha ng servey ukol sa mga tatanungin ng mga mananalikssik
sa kanilang pag-aaral. Sakop din nito ang internet na siyang
pinagkuhaan ng patalastas mula sa Coca-Cola.
G.KAHULUGAN NG MGA TERMENOLOHIYA:
Ang mga sumusunod na katawagan ay ipaliliwanag ng mga
mananaliksik nito upang higit na makatulong sa mga mambabasa.
1. Australia-based Coca-Cola Amatil Limited (CCA)
Branch ng Coca Cola sa Australia na nagdala
ng produktong Coke sa Pilipinas
2. Coca Cola Corp. Isang Kompanyang itinitag noong
1941 ni John Pemberton na nagbebenta ng mga
inumin pangpalamig
3. IBON Foundation Isang organisation na nagsasagwa
ng sarbey hinggil sa mga paksang napapanahon at
panlipunan.
4. OFW (Overseas Filipino Workers) ang mga
pilipinong nagtratrabaho sa iba’t ibang bansa
para buhayin ang kanilang pamilya
5. Patalastas Ang patalastas ay isang pananaliksik
upang higit pang mahikayat ang mga tao
6. San Miguel Incorporated Isang kompanyang
nagbebenta ng mga bote sa iba pang kompanyang
pang inumin sa Pilipinas
Kabanatang II
Kaugnay na pagaaral at literatura
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at
literatura hinggil sa paksang pagpapahalaga sa mga OFW’s
A. Kaugnay na Pag-aaral:
Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson
Philippines,"Portrait of the Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500
kabataan mula sapamilya sa Metro Manila na nakapanayam ay wala ang isa
(nanay o tatay) odalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa
58% ng mga kabataangmay nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay
na may trabaho sa labasng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay
overseas workers. (Dy, 1994)Nagdaos ng isang pag-aaral ang Scalabrini
Migration Center noong 2003,ang
2003 Children and Families Studies.
Mula sa nabanggit na pag-aaral, lumalabas ang mga datos, batay sa
mga batang may edad 10 -12. Ang mgabatang ito ay kabilang sa mga
sumusunod na pamilya:
NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang
MM -mga batang OFW ang ina
FL – mga batang sa OFW ang mga ama
FS –mga batangseafarers o nagtatrabaho sa barko ang mga ama
BP- mga batang nagtatrabaho pareho ang mga magulang.
(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na
may pamagat na “The Relationship of Single Parent Familyhood and Two
ParentFamilyhood on School Discipline and Academic Performance”,
lumalabas namas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang buo ang
pamilya kaysa samga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang
makabuluhangpagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa
perpormans ng mga mag-aaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng
mga sirang tahanan sa kanilangpag-aaral. Isinasaad din na ang mga
parehong magulang ay hindi nagkukulang olumiliban sa mga obligasyon sa
eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaralna ito ay ginawa sa 400
mag-aaral ng Saint Louis University Laboratory HighSchool sa 1994-
1995.
(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)
B. kaugnay na Literatura:
1. Lokal:
Marami Pilipino ay nagtratrabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa
kakulangan ng pera sa kanilang pamilya, upang masolusyon ang suliranin
sila’y magtratrabho sa ibang bansa.
Ayon sa MabuhayCity.Com noong nakaraang taon, ang opisyal na dami
ng OFW remittances umabot sa US $ 14400000000, Higit sa 10 porsyento
ng GDP ng bansa. Ang Pilipinas ngayon ang ikatlo sa mundo pinakamtaas
ng pagpadala ng bayad-tatanggap bansa pagkatapos Indya at Mexico.
Ayon kay Nathalie Blanco sa kanyang Artikulong 2013 Artikulong
Krusada: Bayani ng Pamilya(2012). Kung tatanungin ang mga Overseas
Filipino Workers matatag tayong mga Pilipino. Maaring may mga kwento
ng kalungkutan, Pero sa kabila nito, Marami rin namn ang mga kwento ng
tagumpay. “Mpapanood ang Krusada: “Bayani ng Pamilya”, Ulat ni Henry
Omaga-Diaz sa ika-13 ng Setyembre, 9:15pm ng gabi sa DZMM Teleradyo
(Sky Cable Channel 26) at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2.
Mapapanuod namn ang replay nito sa Setyembre 15 (Sabado), 1:30pm ng
Ha[pn sa ANC.
Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki
ngsolong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran.
Maaaringmagkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang
naninirahankasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan
sa mga batangnaghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa
kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong
nahuhubog ng maayos,nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may
mabuting relasyon sa kapwa sakabila ng mga pagsubok na dinaranas sa
pagkakaroon ng single-parentfamilies.
2 Global:
Ayon kay Campbell, 1932,ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang
anumang tahanan na kung saanang isa o parehong mga magulang ay hindi
nakatira kasama ang bata sa isangnormal na relasyon ng pamilya. Ang
paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan, diborsiyo, desersyon, o
anumang iba pang mga dahilan. kung angisang abnormal na bahay ay isang
permanenteng epekto sa mga bata, angkakayahan ng gawin ang kanyang mga
gawain sa paaralan, ito ay dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga
bata mula sa naturang isang kapaligirankumpara sa tagumpay ng mga bata
na nanggagaling mula sa isang normal napamilya. (Campbell, 1932)
Ayon naman kay Mc Linn 1985, mayroon ding mga negatibong epekto
sa mga bata ang pagkamulat sahiwalay na pamilya o broken family.
Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga nagiging
suliranin sa mga batang pinalaki ng single parentskaysa sa mga batang
ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindimabubuting bunga ay ang
pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mgasumusunod: hindi pagtatapos
ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral,pakikipagtalo sa
magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulongsa droga
at alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa
mgaproblemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay
at sahinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila ang mga
ito dahil angitinatatak nila sa isipan nila ay wala nang nagmamahal sa
kanila at wala nanghalaga ang kanilang buhay.
Ayon kay Will, 2003, maraming negatibo at positibong epekto ang
mga OFW. Ayon kay Lara Angela Magulta ang mga positibong epekto ay
nagbigay ng tao sa Pilipinas na magkaroon ng pagkakataon upang
magtrabaho sa ibang bansa. May problema sa kakulangan ng mga trabho sa
Pilipinas ngayon, At sa pamamagitan ng globalization, Higit pa at
higit pang mga Pilipino Nakakuha ng pagkakataon na magkaroon ng
kanilang sariling mga trabaho. (OFW) kung bakit nila pinipiling umalis
ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa abroad, Halos iisa lamang ang
isasagot nila, Para matulungan ang pamilya at makapagpundar ng pera
para sa kanilang pangangailangan. Sa kasalukuyan, Halos 15 milyon na
angg mga OFW na nagsisikap upang makamit ang kanilang mga pangarap.
Ngunit marami sa kanila, Sa kabila ng matagal na pagkakawalay sa
pamilya para kumita ng malaki, Umuuwi pa rin sa Pilipinas na walang
nakakamit na pag-asenso.
Ayon sa ATKHA, Isang non-government organization na nagbibigay-
serbisyo sa mga pangangailangan ng mga OFW, 30% lang sakanila ang
talagang naiaahon ang pamilya. Hindi kasi sapat na malaki lang ang
sweldo kailangan matuto rin kung paano hahawakan ang pera. Kamakailan
lang, Binisita ni Henry Omaga-Diaz ang mga OFW sa Iqaluit, Northern
Canada. Personal niyang dinokumento ang kanilang mga kwento at pati na
rin ang kanilang mga kwento at pati na rin ang kanilang pamumuhay sa
Arctic Region. Isa sa mga OFW doon si Boonie Berzamina, Dating
caregiver at ngayon ay staff sa isang pharmacy. Dahil sa kanyang
pagpupursige sa buhay, Napagtapos niya ang kanyang mga kapatid at
nakabili na din ng bahay sa Pilipinas. Magkakaroon na rin ng sariling
negosyo sa Canada. Pinuntahan din ng Krusada ang pamilya ni Bonnie sa
Davao. Para sa mga magulang niya, Mahirap ang mawalay sa kanilang anak
pero malaki ang pagsasalamat nila sa sakripisyo ni Boonie. Kaya naman
sinusuklian nila siya ng matinding suporta. Paano kaya ito nagawa ni
Boonie? Ano nga ba ang dapat gawin sa isang OFW at ng kanyang pamilya
upang hindi mappunta sa wala ang kanyang mga sakripisyo? Ano nga ba
ang tunay na kahulugan ng tagumpay? Para kay Henry, Mahalaga ang
maipakita ang mga kwenatong tulad ng kay boonie upang kapulutan ng
aral at upang magsilbing inspirasyon din sa iba pang mga OFW. “Kahit
saan mang sulok ng mundo, Kilala sa pagiging masipag.
KABANATA III
PAMARAAN NG PAG-AARAL AT PAGSUSURI NG DATOS
I. PAMARAAN NG PAG-AARAL
A. PAGPILI NG PAKSA
Nagsimula ang proseso ng pananaliksik na ito sa
paghahanap ng mga mag-aaral ng patalastas na susuriin.
Pinagtuunan ng pansin ng mga mananaliksik ang pagpili
ng paksa. Naghanap ang mga mananaliksik ng paksa na
maaring gamitin sa pananaliksik na ito sa pamamagitan
ng panonood ng iba’t ibang patalastas na hindi
masyadong nabibigyang pansin ngunit kapupulutan ng mga
mensaheng nagtuturo ng kabutihan asal. Sapagkat ang
napili ng mga mananaliksik na patalastas ay Open
Happiness – OFW’s ng Coca cola Corp. , binigyang tuon
sa pag-aaral na ito ang mga pagsasakripisyo ng mga
OFW’s.
B. PAGPAPATIBAY NG PAKSA
Pangunahing sangkap ng pagpapatibay ng paksa ang
pagkalap ng mga impormasyon at pagsang-ayon ng gurong
tagapayo. Upang mapatibay ang paksang napili, lumikom
ang mananaliksik ng iba’t ibang esensyal na datos na
nagmula sa mga pahayagan, aklat, magazine at internet.
Ang mga impormasyong ito ay nakatulong sa pananaliksik
na isinagawa ng mga mananaliksik. Nagawa ng sarbey ang
mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng ikaapat na taon
pangkat dalawa ng Chiang Kai Shek College upang
makakuha ng mga impormasyon ukol sa paksa.
C. PAGBUO NG LAYUNIN
Bumuo ang mga mananaliksik ng mga tanong na
gagabay sa pag-aaral na ito at sa mga mambabasa tungkol
sa lalamanin ng paksang tatalakayin. Ang mga layunin ay
ginabayan ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik.
D. PAGSASAAYOS NG MGA NAKALAP NA DATOS
Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay
isinaayos sa paraang pagbubukod ng mga impormasyon
batay sa pinagkuhaang source. Ang mga panglokal at
pangglobal ay binukod ng mga mananaliksik upang maging
malinaw ang mga idea.
E. PAGBUO NG PAMAGAT
Ang mga mananaliksik nito ay bumuo ng pamagat sa
pamamgitan ng resulta ng pagsusuri at pag-aapruba ng
gurong tagapayo sa patalastas na inihain ng mga
mananaliksik. Ang layunin rin ay naging batayan sa
pagpili ng pamagat. Ang kinalabasan ng pamagat ay
“PAGKILALA SA PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSA
UPANG MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA SA
PATALASTAS NA “OPEN HAPPINESS” NG COCA-COLA: ISANG PAG-
AARAL”
F. PAGBUO NG KABANATA I
1. PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay sinimulan sa pagtalakay
sa suliraning panlipunan ng mga OFW’s at paglilinaw sa
mga kahirapang nararanasan ng mga ito. Binigyang pansin
rin sa panimula ang kompanya ng Coca cola at kasaysayan
nito kung paano nagsimula sa Pilipinas. Pagkatapos ay
nilinaw ang mga susuriin sa patalastas at ipinakilala
ang suliranin
2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sapagkat ang napiling patalastas ay nagpapakita ng
mga suliraning panlipunan, inisa-isa ang mga problemang
ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong hinggil
sa suliraning binibigyang diin sa pananaliksik na ito.
3. LAWAK AT LIMITASYON
Tinitiyak sa pag-aaral na ito ang tanging lawak
lamang ng pananaliksik at sasaklawin ng mga
impormasyong nakalap ng mga mananaliksik. Inalis ang
mga bahaging hindi tatalakayin at nagtanggi ang mga
mananaliksik sa mga bahaging hindi bibigyang tuon ng
pananaliksik.
4. KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL
Inilahad sa bahaging ito ang kahalagahan ng
pananaliksik sa mga mambabasa tulad ng guro,estudyante
at mamayaman. Nilinaw sa bahaging ito ang makikinabang
sa pag-aaral na ito.
5. KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN
Upang ang pananaliksik na ito ay maging madali sa
mga mambabasa, inisa-isa ang mga terminolohiyang
mahirap maunawaan sa bahaging ito.
G. PAGBUO NG TSAPTER II
Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga datos sa
aklatan upang mapunan ang mga impormasyong hinahanap at
kakailanganin sa pananaliksik na ito. Kumalap ang mga
mananaliksik ng mga impormasyon sa pahayagan, aklat,
magasin at internet. Inisa-isa rin ng mga mananaliksik
ang iba pang pag-aaral na isinagawa na kapareho ring
paksa.
H. PAGBUO NG TSAPTER III
Inisa-isa ang prosesong isinagawa ng pananaliksik
sa bahaging ito. Ang pagsasagawa ng sarbey at pagbuo ng
mga tanong at pagpili ng paksa ay nilinaw sa bahaging
ito kung paano binuo ng mga mananaliksik.
I. PAGSUSURI NG DATOS
Sa tulong ng mga datos na kinalap ng mga
mananaliksik, ang mga tanong na binuo ay masasagot
upang mapaglinaw ang kalalabasan ng pag-aaral na ito.
II. PAGSUSURI NG DATOS
1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW’s sa
ibang bansa
A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at
pagsasakripisyo ng mga OFW?
Ang patalasta ng Coke ay nagpakita ng bahaging pagpapasaya
sa mga OFW’s sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa
mga ito na makasamang muli ang mga mahal sa buhay ng mga
nabanggit na OFW’s. Inisa-isa ang mga suliraning kinaharap ng
mga ito at tinukoy ang mga naging sanhi ng pagbangon ng mga
suliranin.
B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng
miyembro na nagtratrabho sa ibang bansa?
Ayon kay Brillantes, ang mabuting epekto ng
pangingibangbansa ay: uunlad ang pangpinansyal na stado ng
pamilya. Makakapag-aral ang mga anak sa isang pribadong
eskwelahan. Makakakain nang tama at masustansya ang pamilya.
May kontribusyon ang OFW sa kita ng dolyar ng bansa.
Samantala, may mga di mabuting epekto ang pangingibangbansa
dahil sa iisa lang ang gumagabay sa mga bata at maaaring
mapariwara ang buhay ng mga bata. Puwdeng mauwi sa broken
family ang pamilya dahil sa tukso ng pangungulila ng mag
asawa.
Gayunman, maaaring maiwasan ang masamang epekto ng pagiging
OFW kung pagkatapos pa lang sa kolehiyo ay aasikasuhin na ang
mga papeles upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Minsan lang
tayo magiging binata o dalaga kaya dapat itong samantalahin.
Mag-ipon ng kalahati ng iyong kinikita para pagkatapos ng 10 o
higit pang taon, pwede nang umuwi sa Pinas, mag-asawa, at
magsimula ng bagong buhay. May matatag na trabaho si mister,
may negosyo naman si misis, sa gayon, buo ang pamilya na hindi
kinakapos sa pera.
2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang
nangingibang bansa
A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa
ibang bansa?
Maraming sanhi ng paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa
bayang sinilangan. Batay sa teorya ni David Ricardo, ang
‘labor theory of value’, ang halaga ay nagmumula sa paggawa,
ngunit paano nga ba gagawa kung wala rin namang posisyong
nakalaan para sa mga manggagawa? Isa sa mga pangunahinng salik
nito ay ang “malala” nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis
pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa.
Ayon kay Susan Ople, isang undersecretary sa ‘tulay’ program
at ng Ople Center, totoo nga marahil na kulang pa rin sa pondo
ang inaalok ng gobyerno sa sektor ng serbisyo, industriya at
paggawa. Dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa, natutulak na
mangibang-bayan ang mahigit sa 8.3 milyong Pilipinong
migranteng manggagawa o ang mga Overseas Filipino Workers
(OFWs). Araw-araw 3,400 OFWs ang naipapadala sa ibang bansa
para magtrabaho, at nakabatay naman ito sa 2009 estatistika ng
DOLE ukol sa bilang ng mga umaalis na OFW sa bansa. Patunay
ito na paparami pa ring manggagawa ang naghahanap ng trabaho
sa ibang bansa dahil sa kawalan ng sapat na trabahong lokal.
Ayon kay Romeo Lagman, kasalukuyang undersecretary for
employment and manpower development ng DOLE, napakalaking
kawalan ito sa parte ng Pilipinas dahil karamihan ng mga
umaalis ay mga bagong tapos pa lamang sa kolehiyo at
napipilitang magtrabaho sa ibang bansa sa pag-asang doon
matatamasa ang seguridad sa trabaho. Itinuturing namang “brain
waste” para sa mga bansang pinupuntahan nila dahil ang mga OFW
ay pumapasok sa mga trabahong mas mababa sa antas ng kanilang
kasanayan. Ilang halimbawa nito ay mga doktor na namamasukan
bilang nars, at mga guro na ngayon ay mga caregiver at
domestic helper. Ito ang masalimuot na katotohanan: hindi
isinasama ng lokal na pamahalaan ang mga OFW sa pagtataya ng
bilang ng empleyo at disempleyo kahit na ang penomenon ng
migrasyon ng paggawa ay bunga ng kawalan ng trabaho sa bansa.
Pero kung talagang susukatin ang lawak ng kawalan ng trabaho
sa lokal na ekonomiya, dapat isaalang-alang na kung sana’y may
mapagkukunang hanapbuhay na sumasapat sa kanilang
pangangailangan ay hindi gugustuhin ng mga migranteng
manggagawa na iwan ang kanilang pamilya para lang mamasukan sa
ibang bansa.
Isa pang salik ng pagdami ng mga Pilipinong migranteng
manggagawa ay ang mababang pasahod. Paulit-ulit na nababanggit
ang realidad na kulang ang sweldo para tugunan ang
pangangailangan ng mga manggagawa at pamilya nito at ito na
lang ang laging idinaraing ng mga miyembro ng Federation of
Migrant Workers sa pangunguna ng kanilang Pangulong si
Francisco Aguliar Jr. Inililinaw na hindi ito pangunahing
bunga ng kagustuhan ng indibidwal na maghanap ng iba pang
trabaho, kundi dahil itinutulak siya ng pangyayaring mababa
ang sweldo at ‘di sapat ang kinikita para mabuhay ang pamilya.
Mahalagang talakayin kung bakit sa kabila ng mga batayan
para sa makatwirang pagtataas ng sahod ay higit na mababa ang
pinagkaloob ng pamahalaan. Sa totoo lang, sadyang pinabababa
ang halaga ng paggawa sa bansa dahil ito ang esensya ng “cheap
labor policy” ng gobyerno.
B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at
sa bansa ng pagkakaroon ng OFW?
Marami nang masasamang epekto ang naidudulot sa mga OFW sa
paglisan nila sa kanilang bayang sinilangan. Sa katunayan, sa
nakalipas na anim na taon, 537 kaso na ang dumaan sa
mabusising kamay ng mga opisyales ng Kagawaran ng Ugnayang
Panlabas. Dahil sa mga nakaaalertong pangyayaring ito, ilan sa
mga tulong na ginagawa ng ahensiya ay ang pagtatalaga ng mga
lokal na konsul at embahada ng Pilipinas na susuporta at
handang umagapay sa mga kasalukuyang kondisyon ng mga OFW sa
bansang pinagtatrabahuhan. May ibang nabigyan ng ‘pardon’ ukol
sa ipinataw na death penalty at may ibang umuwi na lamang sa
bansa na ‘tuwid na ang paa.’
Ayon kay Raymark Altrejo, isa sa mga propesor ng Ekonomiks
sa isang paaralan, ilan sa mga kasaklap-saklap na kasong lagi
na lang kinakaharap ng mga OFW ay ang tulad ng mga
pangingidnap, hindi makatwirang pagmaltrato sa kanila ng amo,
iba’t ibang uri ng pang-aabuso at ang matindi ay ang
pamamaslang dahil sa ipinagtanggol lamang nila ang kanilang
karapatan. Isa pa sa tila ‘kaaway’ na ng mga nangagarap na
maging OFW ay ang mga tinatawag na ‘illegal recruiters.’ Ayon
sa librong Gabay Bago ka umalis ng Bansa, ang mga ito ay
nangagako ng mga bigating trabaho at kahina-hinalang mabilis
ka kaagad matatanggap gawa na rin ng mabilis na pagproseso ng
iyong mga papeles, partikular na sa kontrata upang makaalis ka
kaagad ng bansa. Magagawa ka pa nilang maglabas sa bulsa ng
mga katakot-takot na malalaking pera na lagpas na sa itinalaga
ng labor and employment bilang paunang bayad o loan.
Kapag napawalang bisa ang kaso o di naman kaya ay peke ang
Visang ibinigay sa mga OFW ay uuwi na lamang sila sa bansang
sinilangan ng luhaan. Ito ay dahil sa mahihirapan nang
makabalik ang mga manggagawa dahil may rekord na ito sa
kanilang pinirmhang kontrata pati na rin sa bansa kung saan
nagawa krimen. Maaaring sabihin na kung lagi na lang ganito
ang kahihinatnan ng mga OFW, bababa ang perang naipadadala na
sumusuporta sa pagiging matatag ng ekonomiya at lubusan itong
manghihina.
Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi
kailanmanmababago sa mundo Tunay ngang napakalaking
impluwensya ng pamilya sapaghubog ng pagkatao ninuman.
Sinasabi ng marami na ang isang mapayapa atmatatag na pamilya
ay isang hakbang tungo sa matagumpay na buhay ngsinuman.
Ngunit sa pagkakataong ito na ibang klase ng pamilya ang
pinagmulanng mga respondente, masusong nasuri ang mga
sumusunod na konklusyon:Halos kalahati ng mga magulang na
maagang nagpakasal ay nauwi sapagkakawatak-watak ng pamilya.
At ang nangungunang dahilan ng paghihiwalayng mga mag-asawa ay
ang pagkakaroon nila ng ibang karelasyon. Sa kabila
ngpagkakawatak-watak ng pamilya, lumalabas na hindi naman nito
naaapektuhanang pag-aaral ng mga respondente.
May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad,
kabuuanng pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho
ng ama at ina,gulang ng pag-aasawa ng mga magulang, at
tirahang tinutuluyan ng mgarespondente at ang mga malayang
baryable na may mahalagang naiambag sa mga sikolohikal at
sosyal na paniniwala, gawi at perpormans sa pag-aaral ngmga
respondente.
3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas
A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?
Ang mga mananaliksik nito ay sumasang-ayon na ang patalastas
ng Coke “Open Happiness” ay naging epektibo sapagkat umani ito
ng maraming mabubuting komento sa opisya na website ng Coca
Cola. Kawili-wili rin ang patalastas sapagkat inaantig nito
ang damdamin ng mga manonood lalo na noong nagkasama-samang
muli ang pamilya mula sa matagal na pagkakawalay.
B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili
ng produkto?
sumasang-ayon rin ang mga mananaliksik na ang
patalastas na ito ay nakaapekto sa pagtaas ng pursyento
ng kita ng Coca cola sapagkat ang isinusulong nito ay
tungkol sa pagkakabuklod-buklod ng pamilya.
Ani Roland Tolentino,isang mamamahayag, wala
namang di matitinag sa bagong viral video ng Coke
(Coca-cola ang formal nitong pangalan) . Nagsisimula sa
opening title na may 11 milyong overseas Filipino
workers. At may tatlo itong tutukan: si Joe Marie
Ballon, isang X-ray technologist, limang taon nang
hindi nakauwi nang matagal at may amang maysakit, halos
bulag na; si Leonie Villanueva, caregiver, siyam na
taon nang hindi umuuwi, may binabayarang bahay at lahat
ng anak ay umaasa sa kanya; at Joey Doble, isang baby
sitter, 11 nang taong hindi nakakauwi, at ang
pangunahing pasakit ay ang pag-iwan sa bunsong anak
noong ito ay edad isa pa lamang.
Matapos, ang mungkahing proyekto ng Coke: paano
kung mangyayari ang pinakakaasam ng tatlo? Pinadalhan
sila ng e-mail, at halos by magic, nakaimpake na’t
pauwi na. Isa-isa nga silang pinalipad at ibiniyahe ng
Coke vans sa kani-kanilang bayan sa bansa. Sorpresa
dapat ang pag-uwi kaya tiyak ang galak at luha ng
reunion.
Walang Filipino na hindi maaantig sa video. Sa
katunayan, pati ako ay naiyak bago ko narealisa ang
manipulasyong nagaganap: isang multinasyonal na
kompanya sa bansa at ang “collateral damage” kung bakit
at paano sila namamayagpag.
Ang idea ay nakabatay sa ekstrasyon o paghugot ng
pinakamalaking kita sa negosyo. Ang Coke at anumang
multinasyonal na kompanya ay kumikita sa pamamagitan ng
ekstrasyon ng yaman ng bansa, na napapabili ang
mamamayan ng mga produkto ng Coke at ang Coke naman ay
nireremita ang bahagi ng kita sa kanyang mother unit o
headquarters.
Para mayroon kapasidad na bumili ng konsumeristang
produkto ang mamamayan, marami ay kailangan magtrabaho
sa ibang bansa. Sila naman ay mga katawang ine-extrak
ng kita ng dayuhang kapital, lalo na sa domestikong
sityo nito tulad ng tahanan, ospital, at serbisyong
sektor.
Ang kinita ng OCWs (overseas contract workers
dahil mas tampok ang katangian at hindi nasyonalidad sa
paggawa) ay ibabalik sa bansa para ang mga mahal sa
buhay—ang surrogates ng sila (OCWs)—ay makatamasa ng
gitnang uring buhay. Ang isinasaad nito, ang surrogates
ay nagiging gitnang uring mamamayan dahil nakakabili ng
gitnang uring produkto at serbisyo, tulad ng Coke.
Pero ang Coke at iba pang multinasyonal na
kompanya ay bahagi ng “suliranin,” na nga may proyekto
ito ng happiness ay para maibsan ang tatlong
natatanging katawan ng OCWs bilang pinakarepresentate
ng ethos ng multinasyonal na kapital: matagal nang di
nakakauwi, matagal nang miss ang pamilya, at
pinakamorally upright para sa charity project ng Coke.
Samakatuwid, ang isang komponent ng
multinasyonalistang kapitalismo ay nagiging tagasalba
sa proyekto ng philanthropy nito. At ito ang panganib
na nagpapatingkad na nananatili pa rin (at mapanganib)
ang kultural na imperialismo kaysa sa postmodern
joissance ng kay daming pagpipilian at mabibiling
produkto’t serbisyo: na kaya nitong hapisin ang ating
kaisipan para sa pagpabor at aproba ng katiwaliang
kabahagi naman sila.
Hindi ito hiwalay sa corporate mission: “To
refresh the world…, To inspire moments of optimism and
happiness… To create value and make a difference.”
Hindi nabago ang kwento ng 11 milyong OCWs pero naantig
tayo ng komersyal, napaluha sa ligaya ng muling
pagtatagpo at sa generosity ng Coke, at lumikha ito ng
literal na pagbabago sa buhay ng tatlo sa 11 milyong
OCWs.
Nang maagang bahagi ng 2011, nauna na ang
komersyal ng Coke na ang trak nito ay ipinaparada sa
mataong lugar. May push button sa likod at bigla na
lang maglalabas ng regalo sa paisa-isa’t liga-ligang
nakapila: simula ay botelya ng Coke, magiging stuffed
toy, foldable chair, lechon, skateboard, robot at
remote controlled na racing car na mga laruan. Lahat ay
depende sa pumipindot. Matapos ay aalis na’t magkakalat
ng happiness sa iba pang lugar.
Sa U.S., ito ay Coke machine dispenser, na sa
isang cafeteria ng mga estudyante ay bigla itong
namimigay ng higanteng submarine sandwich, pizza,
lobong binuhol para maging aso, bulaklak, at iba pa. Sa
U.S., everyday objects ang pinamimigay ng dispenser. Sa
Pilipinas, ito ay mga Christmas gift-type na siyang mas
nagpapaigting ng happiness, dahil napaka-rare ng
pagkakataon ng dating.
KABANATA IV
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito lilinawin ang konlusyon at rekomendasyon
ng mga mananaliksik tungkol sa patalastas na sinuri at tinalakay
kasama na rin ang mga suliraning panlipunan na nakapaloob dito.
A. KONKLUSYON
Matapos ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik
lumabas sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na konklusyon:
1. Ang mga OFW’s na naghahanap buhay ay nakatutulong sa
bansa dahil sa malaking bahagi ng dolyar na
naipapasok nila sa kita ng gobyerno.
2. Ang mga OFW’s ay nakatutulong rin sa pagpapalaganap
ng kulturang Pilipino sa labas ng bansa.
3. Ang marami sa mga OFW’s ay nakararanas ng
pangmamaltrato sa kanilang mga amo dahil sa mga
bagay na pinagmumulan ng gap gaya ng wika at
kultura.
4. Ang pamilya ng mga OFW’S ay nakararanas ng malaking
kaluwagan sa usaping pinansyal samantalang humaharap
sa malaking suliraning pangrelasyon ng pamilya.
5. Ang mga OFW’S ay madalas na niloloko sa ibang bansa
sanhi ng kawalan o kakulangan ng kaalamang legal.
6. Ang marami sa mga OFW’S ay nakararanas ng matinding
hirap sa trabaho ngunit napipilitang huwag
magreklamo dahil sa tindi ng pangangailangang
makapagtrabaho.
7. Napatunayan rin sa pag-aaral na ito na ang sweldo sa
Pilipinas ay napakababa kung ikukumpara sa sweldo sa
ibang bansa.
8. Mas madaling humanap ng trabaho sa Ibang bansa
kumpara sa Pilipinas at mas maraming bakanteng
trabaho sa labas ng Pilipinas
9. Malaki ang posibilidad na masira ang pamilya kapag
ang isang OFW ay hindi umuwi sa pamilya nito sa loob
ng dalawang taon.
10. Kawalan ng maayos na gobyerno at planong sosyo
ekonomikal ang pangunahing dahilan kung bakit
napipilitang mangibang bansa ang mga Pilipino.
B. REKOMENDASYON
Ang Pananaliksik na ito ay naghahain ng mga
rekomendasyon para sa mga sumusunod:
1. Para sa mga mag-aaral, iminumungkahi ng mga
mananaliksik na ipagpatuloy ang pag-aaral sa paksang
ito at pagtuunan ng pansin ang mga paksang
nagpapahirap at solusyon sa mga suliranin ng OWF’s.
2. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik nito na
lumikha ng masmalawak na pag-aaral sa pagbuo ng
programang makatutulong sa mga OFW’s na makauwi agad
sa bansa tuwing sasapit ang ikalawang taon nito sa
agtatrabaho sa labas ng Pilipinas upang manatili ang
tibay ng pamilya.
3. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga
mambabasa nito na bigyang pansin ang mga suliraning
kinakaharap ng mga OFW’s upang makabuo ng mga
panibagong paksa ng pananaliksik na makatutulong sa
pagpapaganda ng kabuhayan ng mga kababayang
nangingibambayan.
4. Ang mga mananaliksik nito ay nagmumungkahi rin na
bumuo ng isang patalastas o infomercial na
makatutulong sa pag-unawa ng solusyon sa mga
suliranin ng mga OFW’s
5. Para sa paaralan, iminumungkahi ng mga mananaliksik
nito na bumuo ng isang seminar hingiil sa
pagpapakilala ng mga sakripisyo ng mga OFW’s sa
labas ng Pilipinas upang lalong mabuo ang pagtingin
at pagkilala sa mga ito ng mga mag-aaral
6. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa
pamahalaan na bumuo ng isang matibay sa batas na
pumop[rotekta sa mga kababayang gustong maging OFW
laban sa mga manloloko upang maiwasan ang
pagkapahamak.
7. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa
Kompanya ng Coca cola corp. na lumikha pa ng mas
maraming patalastas na tumatalakay sa mga usaping
panlipunan upang magkaroon pa ng mga kaalaman ang
mga makapapanood nito.
TALASANGGUNIAN
Anonymous. Philippine Star. “Isalba ang kabataan”. Hunyo 27, 2011.
Philippines
Anonymous.Mapanggulong Pagkilos Sa Mga Bata. Mayo 21, 2013. Tl.
Wikipedia.org/wiki/mapanggulong_pagkilos_sa_mga_bata.
Agoncillo, Ryan. Smart Parenting. “The 10 Life Lesson of Parenthood”.
2013.pp. 54-57.
Aria,Delemar. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013 p. 12.
Austin & Braeger. (http://en.wikipedia.org/wioki/Mother). “Social
Role” 1990.
Brown. Smith. (Http://en.wikipedia.org/weiki/Mother).”Social Role”.
1996.
Berang.Mga Suliranin ng Mga Kbataan at mga karanasan Namin. Enero 12,
2012. Vampiresucks08. Blogspot.com.
Campbell, Ross. How to Really love your Children. Manila: Lighthouse
Inpirational Books and Gifts. Inc.
Crossway Bibles.(http://www.openbible.info/topic/mothers).2001.
Conniejosh. Kasamaang Idinudulot sa Kalsugan ang Masamang Bisyo. Enero
23, 2012.conniejosh-myblogspot.blogspot.com/2012/01/kasamaang-
idinudulot-sa kalusugang.html.
Craig,Sideny D. “Rising Your Child, Not by Force But by Love”.
Westmintser John Knox Press. 1981.
Darlin, Tammy.
(http://todayschristianwoman.com/articles/2012/december/learning-
from-mother-of-bible.html).2012.
De Castro , Bhaby. Philippine Information Agency. “Barakda Kontra
Droga, Inilunsad PNP sa Balete National High School”. Set
20,2013. Quezon City, Philippines.
Dr,Love Philippine Star. “Ikalawang Pagkakataon”. Mayo 27, 2008.
Philippines
Emmanaller. Tamang gabay at pagsubaybay sa anak. Okt 30, 2013.
Angkasanag.journ.ph/2013/10/30/tamang-gabay-at-pagsubaybay-sa-
anak/.
Fleischer,Barbar J. “Facilitating for Growth: A guide for Scriputre
Study Groups and Small Christian Communities. Liturgical Press.
1993
Franche, Barbara J. “Facilitating for Growth: A guide for Scripture
Study Groups and Small Chrsitian Communities. Liturgical Press.
1993.
Franche, Doris M. Philippine Star. “3-taong gulang na Bata Hinalay ng
12 anyos. “Set 24,2011.
Ginott, Haim. Between Parent and teenager. “They and Us”. New York:
Avon Books. 1971
Gould, Helen at Harmon White. “Child Guidance”. Review and Herald
Publishing Association.2012.
Herst, Charney. For mother of Difficult Daughters. “So What is My
Daughter’s Problem?”. United States: Villard. 1999.
In Direct Essays.com.
(http://directessays.com/viewpaper/103682.html) . “The Important
Role of a Mother” . 1969.
IslamHouse. Ang pagpapalaki ng mga Bata. Mar. 26 2007.
www.islamhouse.com/6273/tl/tl/articles/ang_pagpapalki
ng_mga_bata.
Longlois,Christine.(htttp://www.canadianliving.com/moms/family_life/
two_parent_families_3.php).21013.
Kay. Ang kabataang Pilipino Sa Makabagong Panahon. 2013. Kkk.
Wave.net.ph/blogs/19-ang kabataang-pilipino-sa-makabagong-
panahon.html.
KonseptongPapel. Masamang Epekto ng Bisyo . Enero 5, 2007.
Konseptongpapel.blogspot.com/2007/01/masamang-epekto-ng-
bisyo.html.
KuyaRom. Ang Tamang Paggabay Sa Anak 2.Peb. 20, 2013.
www.abunate.com.ph/opinion/index.php/payong-kapatid/655-ang-
tamang-paggabay-sa-anak-2.
Miller,Darla Ferris “ Positive Child Guidance”. 6th Edisyon. Woodsworth
Pub. Co. 2009.
Lee, Irven. Truth Magazine. “A Mother’s Contribution to the Society”.
(http://www.truthmagazine.com/archives/volume27/GOT027274.html).1
983.
Quennie. Ang Bawal Na Gamot, Sa buhay Ng Isang Kabataan. Peb. 19,
2010. www.scribd.com/doc/27091887/ang -bawal-na-gamot-sa-buhay-
ng-isang-kabtaan.
Romana. Dimples. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. Pp. 15.
Seriols, Mickey. Yes Magazine.2008
Sta.Maria, Jodi. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. P. 14.
Stoddard, AlEXANDRA. Mothers A Celebration. “What Does a Mother Do for
her Children?”. New York: Avon Books. 1996.
Teodero, Henry S. Manila Bulletin. Breakthrough Education:
“Recognizing Your Child’s Unique Strenght”.
Teody23. Ang Pagtaas Ng Bilang Ng mga Kabataan Na nalulubong sa Alak,
Peb.2011. www.studymode.com/essays/paksa-ang-pagtaas-ng-bilang-
ng-576190.html?topic.
Villaroel, Carmina. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. p. 13.
Walters, Tongi. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. P. 12.
Zigler,Zig. “Raising Postive Kids In A Negative World.” REV. Thomas
Nelson Inc. 2002
http://ibon.org/ibon_surveys.php
http://en.wikipedia.org/wiki/Coca-Cola_Bottlers_Philippines,_Inc.
http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-
dynamicsga4.htm
http://www.census.gov.ph/statistics/survey/labor-force/sof-index
http://www.youtube.com/watch?v=x_9fQEqZCWs
http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-
dynamicsga4.htm
top related