Aralin 11 negosyo at pag-aanunsiyo
Post on 31-Jan-2015
2398 Views
Preview:
DESCRIPTION
Transcript
Aralin 11
Negosyo at Pag-aanunsiyoInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ano ang Negosyo? Anumang gawaing
pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
Mga gawaing nakakalikha at nagbebenta ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.
Uri ng Negosyo
Manufacturing – pagbuo o paggawa ng kalakal Service – pag-alok ng serbisyo sa mga mamimili Sales – pagbebenta ng kalakal
• Wholesale• Retail
Organisasyon ng Negosyo
Solong pagmamay-ari
Korporasyon
Kooperatiba
Sosyohan
Solong Pagmamay-ari Negosyong pagmamay-ari at
pinamamahalaan ng iisang tao lamang.
Kabutihan Di-Kabutihan
• May kalayaan sa pagpapatakbo
• Simple• Mababang panimulang
puhunan• May benepisyo sa
buwis
• Walang limitasyon sa pananagutan
• Kakulangan ng magpapatuloy
• Mahirap kumuha ng pondo
• Pagdepende sa iisang tao
Sosyohan Negosyong pagmamay-ari ng dalawa o higit
pang tao.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Mas maraming pinagsamang talento.
• Dagdag na pondo• Madaling buuin• Kaunting
pangangailangang legal
• Walang limitasyon sa pananagutan
• Kakulangan ng magpapatuloy
• Kahirapan ng paglilipat ng pagmamay-ari
• Posibilidad ng tunggalian
Korporasyon Negosyong nilikha ng Estado. Hiwalay ang nagmamay-ari, komokontrol at
nagpapatakbo sa negosyo na may legal na pananagutan.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Limitadong Pananagutan• Tiyak ang pagpapatuloy• May propesyunal na
pamamahala• Madaling lumaki ang
pondo.
• Posibilidad ng tunggalian sa pamamahala
• Malaking halaga sa pagsisimula.
• Maraming regulasyon• Dobleng pagbubuwis
Kooperatiba Isang uri ng samahan na ang pangunahing
layunin ay matulungan ang mga kasapi nito.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Maliit ang panimulang puhunan
• Layunin ang kagalingan ng mga kasapi.
• Makatarungan ang pamamahagi ng kinikita at yaman.
• Maliit ang interest sa mga pautang.
• Mahirap ang pamamahala.
• Kawalan ng mga propesyunal na tagapamahala.
• Malaki ang posibilidad ng pagkalugi
• Mararing maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan
• Ano ang dapat na katangian mayroon ang
isang entreprenyur upang maging matagumpay
sa negosyo?
PAGPAPAHALAGA
UPANG MAGING MABENTA ANG ISANG PRODUKTO, KAILANGAN NA ITO AY MAIPAKILALA SA MGA MAMIMILI.
Ano ang Anunsiyo?
Ano mang gawaing pang-ekonomiya na may layuning hikayatin ang mga konsumer na bumili ng kalakal o paglilingkod.
Paraan ng Pag-aanunsiyo
Tuwiran – ang kalakal ay tuwirang inaanalok sa mga mamimili.
Di-Tuwiran – gumagamit ng media upang ipaalam sa mga mamimili ang produkto.Poster at BillboardsRadio, TV, internetPrint Media
Mga Uri ng Pag-aanunsiyo
Brand Scary Testimonials
Bandwagon Slogan
Brand Ang tatak ng isang produktong kilala na o
matagal nang pinagkakatiwalaan ay ginagamit sapagkat madali itong makaakit ng atensiyon sa mga mamimili.
Testimonials Binabayaran ang sikat na tao tulad ng artista,
pulitiko o manlalaro upang mag-endorso ng produkto. Malaki ang impluwensiya nila maging sa pagkonsumo ng kanilang mga tagahanga o tagasunod.
Scary Ipinapakita nito ang negatibong bagay na
maaring mangyari kung hindi tatangkilikin ang produktong inaanunsiyo. Layunin nito na mahikayat ang mga mamimili sa pamamagitan ng paghahasik ng takot.
Bandwagon Ipinapakita sa anunsiyong ito na marami nang
tao ang gumagamit at nagtitiwala sa produkto upang mahikayat ang iba na tangkilikin na din ang produkto.
Slogan Ginagamit ang mga katagang madaling
tandaan upang mahikayat ang mga mamimili.
• Sa iyong palagay, anong uri ng pag-aanunsiyo
ang pinaka-epektibo sa mga mamimili?
PAGPAPAHALAGA
REFERENCES: Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
top related