-
Republic of the Philippines Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul1:
Ang Konsepto ng Demand
Zest for Progress Zeal of Partnership
9
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Rocel S. Baroy Editor:Florence S. Gallemit,Lydia I.
Kilapkilap Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr.
JephoneYorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of
illustrator/Photographer Tagalapat:Peter Alavanza Tagapamahala:
Dr. Ella Grace M. Tagupa Dr. Jephone P. Yorong Florence S.
Gallemit Name of District Supervisor/PICD Wevina Quizo
-
Alamin Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong matatalakay ang
konsepto na nakaapekto sa demand sa pang-araw araw na
pamumuhay.
Balikan Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong ,Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1.Kailan mo masasabing matalino kang mamimili? A. Kapag bumibili
ng segunda mano upang makamura at makatipid sa pamimili B. Kapag
gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale. C. Kapag bumibili nang labis sa
pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan. D.
Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo,sangkap,dami at
komposisyon ng produkto.
2. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaring itaguyod sa
pamamagitan ng; A .Pagpapahalaga sa kalidad at hindi ang tatak ng
produkto o serbisyong bibilhin B. Palagiang paggamit ng recycled na
produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran C.Pag-aaral sa
nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng
produkto D. Palagiang pumunta sa timbangang bayan upang matiyak na
husto ang biniling produkto
3. Naglabas ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng mga
karapatan ng mamimili. Alin sa sumusunod na karapatan ang tumutukoy
sa sapat na pagkain,pananamit,masisilungan,pangangaialngang
pangkalusugan,edukasyon at kalinisan upang mabuhay? A.Karapatang
pumili C. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran B.Karapatan sa
kaligtasan D.Karapatan sa mga pangunahingpangangailangan
4. Bukod sa mga karapatan,ang mga mamimili ay may mga
pananagutan na binabanggit ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tungkuling maging
listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit,halaga at kalidad ng
mga paninda at paglilingkod na ating ginamit?
A. Pagkakaisa at pagkilos C. Kamalayan at kapaligiran B.
Mapanuring kamalayan D. Pagmamalasakit na panlipunan
-
5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng
karapatan o tungkulin ng isang matalinong mamimili?
A. Paborito ni Nathaniel ang hotdog noong dalawang taong gulang
pa lamang siya B. Nagmamadaling umuwi si Rewelyn kaya hindi na niya
nasuri ang expiry date ng biniling sardinas sa tindahan C. Ang mga
resibo ay walang kinalaman uppang mapalitan ang may sira o
depektong produkto na binili. D. Nakabubuting itago ang resibo ng
mga produkto at gamit na binili dahil nagsisilbi itong patunay na
binili ko ang produkto sa tindahan
-
Tuklasin
ANG KONSEPTO NG DEMAND May mga pangangailangan ang tao na dapat
matugunan upang mabuhay.
Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto
at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.
Batas ng Demand Isinasaad sa batas ng demand na mayroong inverse
o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang
produkto.Kapag tumaas ang presyo,bumaba ang dami ng gusto at kayang
bilhin;at kapag bumaba ang presyo,tumaas naman ang dami ng gusto at
kayang bilhin(ceteris paribus).Ang ceteris paribus ay
nangangahulugang ipinipapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may
magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity
demanded.Ang una ay ang substitution effect.Ipinahayag nito na
kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,ang mga mamimili ay
hahanap ng pamalit na mas mura. Kung kaya, mababawasan ang dami ng
mamimiling gusting bumili ng produktong may mataas na presyo dahil
maghahanap sila ng mas mura.Ang ikalawa ay ang income effect.Ito ay
nagpapahayag na kapag mababa ang presyo ng bilihin,mas mataas ang
kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.Kapag
tumaas naman ang presyo ,lumiit ang kakayahan ng kita na makabili
ng mga produkto o serbisyo kaya mabawasan ang dami ng mabibiling
produkto.
Tatlong Paraan sa Pagpapakita ng Konsepto ng Demand 1.Demand
Schedule Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami
na kaya at gusting bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.Sa
madaling salita,ito ay talaan na nagpapakita ng dami ng demand sa
iba’t ibang presyo.Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng demand
schedule.
Demand Schedule Para Facemask
Presyo bawat piraso Quantity Demanded
Php 5 10
4 20
Aralin 1 Ang Konsepto ng Demand
-
3 30
2 40
1 50
0 60
Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity
demanded para sa facemask sa iba’t ibang presyo.Halimbawa,sa
halagang isang piso(Php1.00) bawat piraso ng facemask,limampu(50)
ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.Sa presyong dalawang
piso(Php20.00) bawat piraso,apatnapung(40) piraso naman ang gusto
at kayang bilhin ng mamimili.Kung tataas pa ang presyo at maging
limang piso(Php50.00) ang bawat piraso,magiging sampu(10) na lamang
ang magiging demand sa facemask.Malinaw na ipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng facemask
para sa mamimili.
2.Demand Curve Ang demand curve ay grapikong paglalarawan na
nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo ng
produkto at quantity demanded.
P R E S Y O
QUANTITY DEMAND
Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa
talahanayan.Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng
mga presyo at quatity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa
facemask.Halimbawa sa punto A na ang presyo ay limang
piso(Php5),sampu (10) ang dami ng facemask na gusto at kayang
bilhin ng mamimili ; sa punto B na ang presyo ay (Php4),dalawampu
ang dami ng facemask na gusto at kayang bilhin ng mamimili.Kung
pagdugtungin ang mga puntong ito mula punto A hanggang punto F ay
makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping.Ang kurbang
ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at
sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.Halimbawa,ang
paggalaw sa kurba mula punto A papuntang punto B,makikita na sa
0
1
2
3
4
5
6
0 10 20 30 40 50 60 70
demand curve
-
pagbaba ng presyo mula (Php5) pababa ng (Php4),ang demand sa
facemask ay tataas ng (10) piraso.Kapag ang presyo naman ay tumaas
ng (Php1) makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa
(10) piraso.
Ipinapakita din sa graph na nagbabago ang demand dahil sa
pagbabago ng presyo.
3.Demand Function Ang demand function ay matimatikong
pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.Maaari itong
ipapakita sa equation sa ibaba:
Qd=f(P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable,at
ang presyo(P) naman ang independent variable.Ibig sabihin,nakabatay
ang Qd sa pagbabago ng presyo.Ang presyo ang nakapagpapabago sa
demand.Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa
equation na:
Qd=a-bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope = Qd p
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat
pisong pagbabago sa presyo.
Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at
ang demand function ay iisa,suriin at pag-aralan ang kompyutasyon
sa ibaba.
Demand Function mula sa Demand Schedule para sa facemask: Qd =
60-10P
Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?
Qd=60-10P Qd = 60 – 10(P)
Qd=60-10(1) Qd = 60 – 10(5)
Qd = 60-10 Qd = 60 - 50
Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso
Gamit ang demand function ay maaring makuha ang dami ng quantity
demanded kung may given na presyo.I-substitute ang presyo na piso
sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang
sagot ay ibabawas sa 60.Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na
quantity demanded.Sa ikalawang halimbawa naman ay Phph5 ang presyo
kaya ang nagging quantity demanded ay 10.
-
Suriin Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng
susumusunod na pahayag. Isulat ang tamang letra sa patlang upang
mabuo ang salita.Ilagay mo
sa papel ang iyong sagot. 1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng
produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
2. B_ _ _ _ _ _ D_ _ _ _ D nagsasad na mayroong magkataliwas na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.
3.D_ _ _ _ _ _ _ _v_ grapikong paglalarawan ng magkasalungat na
ugnayan ng presyo at ng quantity demanded.
4._ _ _ _ _d _ ch_ _ _ _ _ talaan na nagpapakita sad mi ng
demand sa iba’t ibang presyo.
5.D _ _ A _ D F_ _ _ T _ _ _ matimatikong pagpapakita sa ugnayan
ng presyo at quantity demanded
Pagyamanin Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang COVID
FREE kung ang pangungusap ay tama at kung mali,palitan ang salitang
nakasalungguhit upang ito ay maging tama.
1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon.
2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring
ipakita gamit ang demand schedule,demand curve ,at demand
function.
3.Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaaas ang presyo
ng isang produkto ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit
dito.
4. Ayon sa batas ng demand,ang presyo at quantity demanded ay
mayroong magkasalungat na relasyon.
5.Ang substitution effect ay nagpapahayag na mas malaki ang
halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
-
Gawain Kumpletuhin ang demand schedule para sa face shield at
gumawa ng
demand curve.Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong
.Isulat ang mga ito sa inyong sagutang papel.
Dahil sa kaso ng COVID19 sa bansa,ipinag-utos ng pamahalaan na
lahat ng taong lumabas ng bahay ay kailangang magsoot ng face
shield. Nagkataong may tinda ang iyong kapitbahay na face shield
.Ilang piraso ng face shield ang handa at kayang bilhin ng iyong
pamilya sa presyong Php20,Php40,Php60 hanggang Php100 kada
piraso?Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat
presyo upang mabuo ang demand schedule.
Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 240 –
2P.Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng
demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Demand Schedule para sa Faceshield Demand Curve
P
R
E
S
Y
O
QUANTITY DEMANDED
Pamprosesong Tanong:
1.Ilan ang quantity demanded sa presyong Php20?
2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang
presyo mula Php40 papuntang Php100?
3.Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinisaad ng batas ng
demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve.
4.Batay sa iyong natutunang ugnayan ng presyo at demand,paano ka
makakatulong sa iyong mga magulang upang hindi masyadong
mahihirapan sa usaping pinansyal lalo na sa panahon ng krisis?
Presyo Bawat Piraso(Php)
Quantity Demanded
Php 100
80
60
40
20
-
Isaisip
1.Ano ang demand?
2.Ano ang batas ng demand?
3. Ibigay ang dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may
magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity
demanded.Paano ito nakakaapekto sa demand ng mga mamimili?
Tayahin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo sa sagutang papel 1.
Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng ekonomiks ay
ang konsepto ng
demand na idinidikta o nagmula sa mga konsyumer.Alin sa
sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang
bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo. B. Ito ay tumutukoy sa
dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan. C. Ito ay
tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga
konsyumer sa iba’t ibang presyo D. Ito ay tumutukoy sa mga
produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
2. Ayon sa batas ng demand,alin sa sumusunod na pahayag ang
malinaw na magpapaliwanag
tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer? A.
Kaunti ang mabibili ng konsyumer kapag mataas ang presyo. B.
Maraming mabibili ang konsyumer kapag mataas ang presyo. C. Habang
tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga
konsyumer. D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang quantity
demanded ng mga konsyumer
3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas,pababa,at
pakanan o downward sloping,Ano ang ipinahiwatig nito? A. walang
kaugnayan ang demand sa presyo B. magkasalungat na ugnayan ng
presyo at dami ng demand C. hindi nagbabago ang presyo ayon sa
demand D. tuwiran ang ugnayan ng presyo at dami ng demand
4. May tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand.
Alin sa mga ito ang tumutukoy sa grapikong paglalarawan ng ugnayan
ng presyo at quantitydemanded? A. demand B. demand schedule C.
demand curve D. demand function
-
5. Batay sa iyong natutunang ugnayan ng presyo at demand,paano
ka makakatulong sa iyong mga magulang upang hindi masyadong
mahihirapan sa usaping pinansyal lalo na sa panahon ng krisis?
A. Huwag muna bumili ng mga bagay kung mataas pa ang presyo lalo
na kung hindi naman masyadong importante at iingatan kung ano ang
mayroon upang hindi ito masisira at nang sa ganun hindi na
kailangang bumili ulit.
B. Huwag na bumili ng anumang bagay ,magtago na lang sa
bahay,itigil muna lahat ng gawain dahil may pandemya,ipagpaliban na
lahat nang sa ganun ay walang gastos.
C. Huwag na masyado mag-isip at ito ay nakaka stress lang,hayaan
na lang ang mga magulang sapagkat responsibilidad din naman nila na
itaguyod ang pamilya .
D. Huwag na isipin ang presyo dahil may pera pa naman ang mga
magulang,ang mahalaga nabibili kung ano ang gustong bilhin.
6. Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ang presyo lamang ang
nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.Ano ang dalawang
konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o di-tuwiran
na ugnayan ang presyo at quantity demanded? A. demand function at
substitution effect B. demand schedule at income effect
C. demand curve at substitution effect
D. substitution at income effect
7. Sa konseptong substitution effect,ipinahayag na kapag tumaas
ang presyo ng isang produkto,ang mamimili ay hahanap ng pamalit na
mas mura ,sa ganitong sitwasyon paano naaapektuhan ang demand ng
mga produkto?
A. Sa pagtaas ng presyo sa isang produkto bumaba ang demand nito
habang tumaas naman ang demand ng pamalit na produkto .
B. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto, ang halaga ng kita ng
mamimili ay bumababa at kapag tumataas naman ang presyo ang
kakayahan ng kita ng tao na makabili ng produkto ay bumababa.
C. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto bumaba ang demand
kasabay sa pagbaba ng demand sa presyo ng pamalit na produkto.
D. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto,bumaba ang demand nito
habang walang pagbabago sa demand ng pamalit na produkto.
8. Ang income effect ay isa sa konseptong nagpapaliwanag kung
bakit may magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity
demanded,paano nakakapekto sa demand ang pagbabago ng presyo?
A. Sa pagbaba ng presyo ng bilihin,mas mataas ang kakayahan ng
kita na makabili ng mas maraming produkto kaya tataas ang demand,at
kapag tumaas naman ang presyo,lumiit naman ang kakayahan ng kita na
makabili ng produkto kaya bababa ang demand.
B. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto bumaba ang demand
kasabay sa pagbaba ng demand sa presyo ng pamalit na produkto
-
C. Sa pagtaas ng presyo ng isang produkto,bumaba ang demand nito
habang walang pagbabago sa demand ng pamalit na produkto.
D. Sa pagtaas ng presyo sa isang produkto bumaba ang demand nito
habang tumaas naman ang demand ng pamalit na produkto .
9.Tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting
bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo.
A.demand B.demand function C. demand curve D. demand
schedule
10.Tumutukoy sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded.
A.demand B.demand function C. demand curve D. demand
schedule
Karagdagang Gawain Mula sa datos na nasa ibaba,kompletuhin ang
talahanayan upang maipakita ang demand schedule. A. Demand
Function: Qd=300-20P
P Qd 1 200
6 100
15
B.Demand Function: Qd=750-10p
P Qd 600
30 300
60 0
-
Susi sa Pagwawasto
Gawain Demand Schedule para sa Faceshield
Demand Curve
Demand
P R E S Y O
Quantity Demanded
Presyo Bawat Piraso(Php)
Quantity Demanded
Php 100 40
80 80
60 120
40 160
20 200
Balikan 1.D 2.C 3.D 4.B 5.D
Suriin
1.Demand 2. Batas ng demand 3.Demand curve 4.Demand schedule 5.
Demand function Pagyamanin 1.COVID FREE 2.COVID FREE 3.SUBSTITUTION
4.COVID FREE 5.INCOME
Isaisip 1.Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na gusto at
kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo. 2.Nagsasaad na may
salungat na relasyon o ugnayan ang presyo ng produkto . 3.
A. substitution effect. kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto,ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.
B. income effect.Ito ay nagpapahayag na kapag mababa ang presyo
ng bilihin,mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng
mas maraming produkto. Tayahin 1.A 6.D
2.C 7.A
3.B 8.A
4.C 9.D
5.A 10.B
0
20
40
60
80
100
120
0 50 100 150 200 250
-
Karagdagang Gawain A. Demand Function: Qd=300-20P
P Qd 1 280
5 200 6 180 10 100 15 0
B.Demand Function: Qd=750-10p P Qd
15 600 30 450 45 300 60 150 75 0
Sanggunian: Ekonomiks Araling Panlipunan ,Modyul para sa
Mag-aaral,pp112-120 Ekonomiks Araling Panlipunan,Gabay sa
Pagtuturo,pp79-84
-
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the
Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the
Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden
beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh!
That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños,
Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a
dream. I dreamed that I was walking along the beach with the
LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong
to me and the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed only one set of
footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am
sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you.
There was only one (1) set of footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree
whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing
breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms
to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her
hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with
rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a
tree.