Top Banner
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: MGA ISYU SA PAGGAWA Part 2 Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
14

Z P Araling Panlipunan...Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: MGA ISYU SA PAGGAWA Part 2 Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Name of Bumuo

Feb 02, 2021

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 4: MGA ISYU SA PAGGAWA Part 2

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Rhodora Acoymo Cabalan Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Rhodora A. Cabalan Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Alamin Sa nakaraang aralin natutunan ninyo ang iba’t ibang

    isyu na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Kaakibat ng mga isyung ito ay ang hamon kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga isyu ukol dito

    Sa pamamagitan ng modyul na ito, makapagbibigay kayo ng paraan o plano kung ano ang mga dapat gawin upang makatulong sa paglutas sa mga isyung ito.

    Inaasahan ang mga sumusunod pagkatapos ng aralin:

    Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

  • • Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa paggawa.

    • Naipaliliwanag ang mga paraan at plano na makatutulong sa paglutas sa mga isyu sa paggawa.

  • Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa inyong kwaderno. (2 puntos bawat bilang)

    1. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

    A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa

    B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

    C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

    D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng produkto, impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

    2. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at dimakatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?

    A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista

    B. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

    C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.

    D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang

    Collective Bargaining Agreement (CBA).

    3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may kakayahan at sapat na edukasyon?

    A. Unemployed B. Underemployed C. Employed D. Employment

    4. Paano makikita ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa?

    A. Hindi pinapasweldo ng amo at inaabuso

    B. Hindi binibigyan ng araw ng pahinga o day-off

    C. May malinis na workplace, seguridad at proteksiyon

    D. May marumi at walang seguridad na pagawaan kung saan sila nagtatrabaho

    5. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi mabuting epekto sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Dahil dito ang pamahalaan ay

    nagnanais na makamit ang pambansangkaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang isa sa tagapayo ng pangulo, Anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?

    A. Programang Pang-agraryo

    B. Programa sa Pagbubuwis

  • C. Programang Pang-ekonomiya

    D. Programang Pangkalikasan

    Tuklasin

    Gawain: Simpleng Mapa

    Panuto: Narito ang simpleng mapa ng paksang tatalakayin. Punan ang mga kahon upang mabuo ang konsepto.

    ISYU sa PAGGAWA dulot ng GLOBALISASYON

    Implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at

    ekonomiya

    Dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang Suliranin sa paggawa dulot ng

    Globalisasyon

    Mga mungkahi upang malutas ang mga Suliranin sa paggawa

  • Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ang mga mag-aaral ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan silang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

    MGA ISYU SA PAGGAWA Iskemang Subcontracting

    Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang:

    � Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya;

    � Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala

    silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.

    Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas

    ng bansa taon-taon. Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong

    nangingibang bayan para magtrabaho. Sa katunayan, ang OFW na ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa na dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa matitinding krisis pampolitika’t pang-

  • ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang indicator ng papalaking pag-asa ng bansa sa panlabas na salik sa halip na sa panloob na mga kondisyon ng patuloy na paggulong ng ekonomiya. Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa 687,000 ayon sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa

    paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.

    Pinapahiwatig ng ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016), ang underemployment sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na angpangunahing hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya na maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang manggagawa na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay o

    bagong hanapbuhay na may mahabang oras ng pagtatrabaho.

    Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang maging katanggap-tangap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase

    enterpreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de signature, damit, food

    supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus (imported) mula sa mga kapitalistang bansa. Pinalakas at inorganisa rin ang mga chain ng

    barbecue stand, fish ball, kikiam, ice cream at iba pa.

    Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at

    salik sa produksiyon. Iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng globally standard na paggawa.

    Pigura 1

    Mga Karapatan ng mga Manggagawa Ayon sa International Labor Organization (ILO)

    Halaw mula sa ILO, teksbuk sa Ekonomiks, DepED

    - ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

    - ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.

    - bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.

    - bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.

    - bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.

    - ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.

    - ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

  • Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan paksa ng mga mag-aaral.

    Gawain

    Imbentaryo ng mga Manggagawa

    Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbertaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya.

    Pangalan:________________________________________________________Pangkat:_____________________________

    Tirahan:__________________________________________________________________________________________________

    Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.

    A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan:

    Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos na

    Kurso

    Hanapbuhay Status: Kontra

    Ktuwal/ regular

    B. Benipisyong Natatanggap:

    SSS ¨ Philhealth ¨ Pag-ibig ¨ GSIS ¨

    Iba pang benipisyo

    _________________

  • ________________________________

    C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong hanapbuhay ang nais mong pasukan?

    _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Gawain 7. K-P-G Tsart

    Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggawa na iyong nalaman, sa ikalawang bahagi naman na “P” ay ilahad ang mga programa ng pamahalaan para bigyan solusyon ang mga isyung ito. Sa panghuling hanay na “G” naman ay magbigay ka

    ng iyong mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa

    paggawa.

    Sagutin ang mga tanong.

    1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga isyu, o mga suliranin ng mga manggagawa?

    K

    kinakaharap na isyu

    P

    programa ng pamahalaan

    G

    mungkahing solusyon

  • 2. Paano makatutulong ang binuo mong mga mungkahing solusyon sa pangangalaga sa karapatan at pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga Pilipino?

    Isaisip

    Gawain. Pangako sa iyo...

    Panuto: Ikaw ay gagawa ng liham ng pangako para sa iyong mga magulang, kapatid o kamag-anak na isang manggawa, sa mga bagay na gagawin mo upang mapagaan ang kanilang mga kalooban para sa mga nararanasang nilang mga isyu o suliranin sa paggawa dito sa Pilipinas o sa ibang bansa.

    ______________________

    ______________________

    ______________________

    Mahal kong ____________________,

    ________________________________________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________________________________.

    _________________________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________________________________________.

  • Nagmamahal,

    _________________________________

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat sa inyong kwaderno ang letra na inyong napiling sagot. (2 puntos bawat bilang)

    1. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?

    A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.

    B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.

    C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.

    D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.

    2. Ang globalisasyon ay may mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng globalisasyon?

    A. Pagpapalala sa problemang pang-ekonomiya

    B. Lumalala ang pagitan sa mahihirap at mayayaman

    C. Nakapaglilikha ng maraming trabaho at mga opurtunidad

    D. Higit na pinalalaki ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa mundo

    3. Bakit maraming sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?

    A. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay

    B. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at magliwaliw

    C. Dahil nais nilang makakakita ng dayuhang magaganda at gwapo

    D. Dahil nais nilang mabisita ang mga kamag-anak nila sa ibang bansa

  • 4. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas paggawa ay mga kababaihan. Kung ikaw ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), Paano ka makakatulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan?

    A. Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga kababaihan

    B. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa ibang sektor ng lipunan

    C. Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakihang manggagawa upang maalagaan silang mabuti

    D. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang magpoprotekta at mag-aalaga sa mga sa kababaihan

    5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?

    A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.

    B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

    C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

    D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggawa

    Susi sa Pagwawasto

    Balikan Tayahin

    1. D 1. C

    2.D 2. C

    3. B 3. A

    4. C 4.D

    5.A 5. C

  • Sanggunian:

    Note: Idagdag lang ito para sa pansangay na gamit (hindi ito itinala ng pang-rehiyong template)

    Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

    Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.