-
Republic of the Philippines Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 6:
Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya
Zest for Progress Zeal of Partnership
7
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
-
Manunulat: Shayne Everett U. Eldian
Editor: Luzviminda O. Bahin
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone P. Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Luzviminda O. Bahin
Tagalapat: Peter A. Alavanza
Tagapamahala: Dr. Isabela M. Briones, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
-
Alamin
Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula
sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.
a. Naiisa-isa ang mga diyosa sa Asya b. Nasusuri ang probisyon
ng may kinalaman sa kababaihan sa Code of Hammurabi at Code of Manu
c. Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at
pilosopiya sa Asya
Balikan
Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang
sagot. 1. Ito ay isang pilosopiya na nakatuon sa pakikiayon at
pakikipag-isa ng tao sa kalikasan. a. Legalism b. Taoism c.
Confucianism d. Buddhism 2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “kami”
sa relihiyong Shinto ng mga Hapones? a. espiritu ng kalikasan at
kanilang mga ninuno. b. espiritu ng kalangitan at kanilang mga
ninuno. c. espiritu ng kalangitan at ng kalawakan. d. lahat ng
nabanggit 3. Anong dinastiya ng Tsina umusbong ang Confucianism at
Taoism? a. Sung b. Yuan c. Zhou d. Tang 4. Sino ang nagtatag ng
pilosopiyang Confucianism? a. Shang Yang b. Monghe c. Lao Zi d.
Confucius 5. Pinahalagahan ni Confucius ang pamilya. Isa sa
pinakadakilang virtue ay ang xiao. Ano ang ibig sabihin ng salitang
xiao? a. pakikipagkapwa-tao b. paggalang sa magulang. c.
pagkamakatwiran at tamang pag-uugali d. ritwal at pagkamagalang
-
Tuklasin
Naniniwala ang ating mga ninunong Asyano sa papel ng
kababaihan bilang mga diyosa.
Babylonia
Tiamat – isang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng
mga diyosa ayon sa mga Babylonian
- Nagmula kay Tiamat ang iba pang diyos tulad ni Marduk. Marduk
– pumatay kay Tiamat at ang kanyang itinapong mga labi ay
siyang pinaniniwalaang naging langit. - Pinaniniwalaang nagmula
kay Tiamat.
Mesopotamia
Nammu – ang diyosa ng tubig. Naging mahalaga sa paglikha ng
tao
dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad
sa paglikha ng tao.
Inanna – diyosa ng pag-ibig at digmaan -- May mabait at malupit
na katangian -- Marami siyang naging anyo ngunit ang pinakamahalaga
ay
ang pagiging diyosa ng lupa. Bilang diyosa ng lupa, sa kanya
nagmula ang lahat. Sa hanay ng mga Semitic, si Inanna ay binansagan
na Ishtar
Dravidian
Ang grupong Dravidian sa Timog Asya ay naniniwala sa mga diyosa
at isa rito ang diyosa ng Buwan.
Ngunit noong dumating ang Indo-Aryan, naging lalaki ang
kanilang
diyos. Pangunahing diyos ay si Indra, ang diyos ng panahon.
Aralin 1 Mga Diyosa sa Asya
-
Japan
Amaterasu O-mi-ka-mi - diyosa ng araw ng mga Hapones -
Pinaniniwalaang sa kanya nagmula ang mga emperador ng Japan. -
Pinahahalagahan siya ng mga Hapones. Makikita ito sa bandila ng
Japan kung saan prominente ang sagisag ng araw.
Ang Kababaihan Ayon sa Batas ni Hammurabi Noong panahon ng mga
Babylonian sa Kanlurang Asya, isinabatas ni
Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar.
Sinalamin ng ilang probisyon ng Batas ni Hammurabi ang mababang
pagturing sa kababaihan. Ilan ay ang mga sumusunod: • Ang mga
babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal.
Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong
pananalapi.
• Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at
dote. Madalas na sa pagkabata pa lamang ay inaayos na ang
pagkakasundong magpakasal ang isang babae at lalaki.
• Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng
kamatayan. Sa oras na mahuli ang babaing nagtaksil sa kanyang
asawa, pareho silang ihahagis sa malalim na bahagi ng ilog o
dagat.
• May lubos na kapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan at maaari
niyang ipagbili ang kanyang asawa at mga anak.
• Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan.
Ang Kababaihan Ayon sa Code of Manu Kung may Batas ni Hammurabi
ang Kanlurang Asya, ang Timog Asya
ay may katumbas ding Kodigo ng mga batas. Ito ay ang Code of
Manu na sinasabing nabuo noong huling bahagi ng unang siglo
B.C.E
Hindi malinaw ang posisyon ng Code of Manu sa pagturing sa
babae. Sinasabi ng Kodigong ito na sa oras na ang isang brahmin o
pari sa Hinduism ay nakikipagrelasyon sa isang mababang uri ng
babae, tiyak na siya ay pupunta sa impiyerno.
• Ang lahat ng ritwal na walang paggalang sa babae ay walang
saysay.
-
• Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdalaga na ay
nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng
pagpapalaglag ng bata. Ito ay sa dahilan na dapat na nagluluwal na
ng saggol ang anak na babae.
• Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang
tanda ng lalaki sa kanyag asawang babae.
• Ang ama ng isang babae na tumanggap ng dote ay maihahalintulad
sa sa isang tao na nag-aalok ng babae sa lalaki.
Ang Babae sa mga Relihiyon at Pilosopiya ng Asya
Buddhism • Pinayagan ang mga kababaihan na maging mongha.
Ngunit
ipinagkait ng relihiyon ang pagkilala na ang mga babae ay pantay
sa lalaki kaya nakapailalim pa rin ang mga mongha sa mga
monghe.
• Ipinagkait din ng Buddhism ang pagtatamo ng nirvana sa mga
babae. Ang tanging pag-asa na lamang ng isang babae ay maisilang
siya bilang isang lalaki sa susunod na buhay at makatamasa ng
nirvana.
Confucianism • Pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa mga anak
na babae.
Ito ay dahil ang mga babae ang nagbibigay ng dote. Tinitingnan
ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga
lalaki ang nagdaragdag dito. Bukod dito, itinuring na ang mga anak
na lalaki ang siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.
• Ang halaga ng babae ay ibinatay sa kakayahan niyang magkaroon
ng anak at kung hindi man ito mangyari, ang babae ay maaring
idiborsyo ng kanyang asawa.
Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kwaderno. 1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang
lipunan? 2. Ano ang bahaging ginagampanan ng kababaihan sa
sinaunang lipunan? 3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa
lipunan? 4. Sa kabila ng mababang pagtingin ng mga kababaihan sa
lipunan, paano sila nagiging makabuluhang bahagi sa pagbuo at
pagpapayaman ng sibilisasyong Asyano? 5. Nangyayari pa ba sa ngayon
ang hindi pagpapahalaga ng mga kababaihan?
-
Pagyamanin Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat
sa patlang ang salitang “tama” kung ang sinasabing pahayag ay tama
at “mali” naman kung hindi. Gawin ito sa kwaderno.
______1. Kinikilala ng relihiyong buddism na ang mga babae ay
pantay sa lalaki. ______2. Ang grupong Dravidian sa Timog Asya ay
naniniwala sa mga diyosa at isa rito ang diyosa ng Buwan. ______3.
Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan. ______4.
Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay dalawang beses ang tanda
ng lalaki sa kanyag asawang babae. ______5. Ang amang ayaw pang
ipakasal ang anak na nagdalaga na ay nakagagawa ng isang paglabag
sa batas na kasing-sama ng pagpapalaglag ng bata. ______6. Si
Tiamat ay kinikilalang diyosa ng Mesopotamia. ______7. Ang babaeng
hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng kamatayan. ______8.
Pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa mga anak na babae.
______9. Marami ang naging anyo ni Nammu ngunit ang pinakamahalaga
ay ang pagiging diyosa ng lupa. _____10. Ipinagkait din ng Buddhism
ang pagtatamo ng nirvana sa mga babae. _____11. Tinitingnan ang mga
babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki
ang nagdaragdag ditto. _____12. Itinuring na ang mga anak na babae
ang siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya. _____13. Pinayagan
ang mga kababaihan na maging mongha sa relihiyong Buddhism.
_____14. Ang isang brahmin o pari sa Hinduism ay nakikipagrelasyon
sa isang mababang uri ng babae, tiyak na siya ay pupunta sa
impiyerno. _____15. Amaterasu O-mi-ka-mi - diyosa ng araw ng mga
Dravidian.
Gawain
Gawain 1
Punan ang talahanayan na nasa ibaba.
-
Katayuan ng mga kababaihan noon
Ano ang mga pagbabago sa katayuan ng mga kababaihan na iyong
nakikita sa ngayon?
Batas ni Hammurabi
Halimbawa:
Pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan.
Halimbawa:
Papayagan na magkaroon ng negosyo ang mga babae para makatulong
sa asawa at pamilya.
Code of Manu
Gawain 2 Piliin sa ibaba at isulat sa patlang ang
kinabibilangang bansa o kabihasnan ng mga sumusunod na diyos o
diyosa. Japan Dravidian Mesopotamia Babylonia _________________1.
Tiamat
_________________2. Inanna
_________________3. Marduk
_________________4. Amaterasu O-mi-ka-mi
_________________5. Indra
_________________6. Nammu
_________________7. Diyosa ng uwan
-
Isaisip Punan ang patlang ng mga salitang matatapuan sa loob ng
kahon upang mabuo ang konseptong nais ipahayag.
Diyosa Batas ni Hammurabi pilosopiya Code of Manu papel hari
Sumasamba sa mga 1) ________ ang mga Asyano. Mahalaga ang
2)___________ na ginagampanan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya.
Nababanggit ang papel ng kababaihan sa lipunan sa
3)__________________ at 4)______________________. Pinairal ng
relihiyon at 5)_____________ ng Asya ang mababang tingin sa
kababaihan.
Tayahin
Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang
sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na diyosa ng
mga
Asyano? a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk
2. Sinasamba si Nammu, ang diyosa ng tubig ng Mesopotamia.
Bakit
mahalaga sa paglikha ng tao ang tubig? a. dahil sa naging
mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng
kalawakan. b. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa
pagbuo ng
kalangitan. c. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa
pagbuo ng
kapaligiran. d. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa
pagbuo ng luwad
sa paglikha ng tao.
-
3. Ang mga Dravidian ay sumasamba sa diyon ng buwan ngunit noong
dumating ang Indo-Aryan, naging lalaki ang kanilang diyos. Sino ang
diyos ng panahon ng mga Dravidian?
a. Nammu b. Amaterasu c. Indra Marduk 4. Sino ang diyosa ng
pag-ibig at digmaan ng Mesopotamia? a. Inanna b. Amaterasu c. Indra
Marduk 5. Sino ang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng
mga diyosa ayon
sa mga Babylonian? a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk
Karagdagang Gawain
Sa isang buong papel, sumulat ng editorial tungkol sa
sinaunang
kababaihan sa Asya. Rubrics: Nilalaman – 10 Kaugnayan sa paksa -
10 Paggamit ng salita - 10 Kabuuan 30
-
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
• Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al
pp.250-253
Balikan 1.b 2.a 3.c 4.d 5.b
Pagyamanin 1.mali 2.tama 3.tama 4.mali 5.tama 6.mali 7.tama
8.tama 9.mali 10tama 11tama 12mali 13tama 14tama 15mali
Tayahin 1. b
2. d
3. c
4. a
5. c
Isaisip 1.diyosa 2.papel 3.Batas ni
Hammurabi 4.Code of Manu 5.pilosopiya
Gawain 2 1. Babylonia
2. Mesopotamia
3. Babylonia
4. Japan
5. Dravidian
6. Mesopotamia
7. Dravidian
-
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the
Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the
Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden
beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh!
That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños,
Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a
dream. I dreamed that I was walking along the beach with the
LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong
to me and the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed only one set of
footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am
sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you.
There was only one (1) set of footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree
whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing
breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms
to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her
hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with
rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a
tree.
-
1