Top Banner
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan IkalawangMarkahan – Modyul 4: Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply sa Pang araw-araw na Pamumuhay Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
12

Z P Araling Panlipunan · 1 day ago · 1. Sa Ekonomiks, pinag-aralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tung kulin ng prodyuser.

Jan 29, 2021

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan IkalawangMarkahan – Modyul 4:

    Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply sa Pang araw-araw na Pamumuhay

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    9

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • BumuosaPagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Lezette T. Tribujeña Editor: Florence S. Gallemit Lydia I. Kilapkilap Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. JephoneYorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales

    Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

    Name of District Supervisor/PICD

    Allan D. Bendaño

  • Alamin

    Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na pamumuhay.

    Balikan

    Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Sa Ekonomiks, pinag-aralan kung paano matutugunan ang walang katapusang

    pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tung kulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser??

    A. Demand B. Ekwilibriyo C. Produksyon

  • D. Supply 2. Ano ang tawag sa isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng

    mga prodyuser sa iba’tibang presyo? A. Supply Schedule C. Quantity supply B. Demand Schedule D. Quantity demand

    3. Ito ay isang konsepto sa ekonomiks na nagpapakita ng relasyon o serbisyo at ang kantidad na naisuplay sa isang takdang panahon.

    A. Demand curve C. Supply curve B. Supply schedule D. Demand schedule

    4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa matematekong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied??

    A. Supply function C. Supply curve B. Demand function D. Demand curve

    5. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha ng prodyuser.

    A. Batas ng Supply C. Konstitusyon B. Batas ng Demand D. Supply schedule

    6. (Analohiya) Demand: Konsyumer, Supply:_____________ A. Pamilihan C. Prodyuser B. Konsyumer D. Negosyante

    7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

    A. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer. B. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo C. Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid. D. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang mgakaroon ng gabay sa presyo

    ng bilihin. 8. Ito ang kaganapan na kung saan parehong nagtamo ng kasiyahan ang prodyuser at

    konsyumer. A. Pamilihan C.disekwilibriyo B. Ekwilibriyo D. serbisyo

    9. Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang ____________ ang kanilang pangunahing pinagbabatayan.

    A. Presyo C. Puhunan B. Kita D. Kustomer

    10. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa Konsepto ng supply? A. Ito ay nakatutulong para umasenso B. Ito ay parte ng kurikulum na dapat pag-aralan C. Ito ay nakatutulong upang maging isang mahusay na negosyante D. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng matalinong pagdedesisyon tungo sa

    pambansang kaunlaran.

    Tuklasin

    Gawain 1: Jummbled Letters

    Isaayos ang mga jumbled letters upang makabuo ng mga

    salita na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

    AGM LIKAS AN AKAPAAETKON AS PPULSY

    Aralin 4

    Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply sa Pang araw-araw na Pamumuhay

  • Suriin

    Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

    Maliban sa presyo, may iba pang salik na di- presyo ang nakaaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.

    1. Pagbabago sa Teknolohiya

    Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil ditto, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.

    2. Pagbabago ng Halaga ng mga Salik Produksiyon

    Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa,

    capital at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa produksyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply.

    3. Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda

    Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito. Halimbawa, dahil nauuso ang pagtitinda ng alcohol, face mask at face shield, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong produkto.

    4. Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto

    Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakakaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais.Sa panahon na mas mataas ang prsyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas, at pagtaas ng supply ng mais.

    5. Ekspektasyon ng Presyo

    Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa medaling panahon, may magtatago ng mga produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmulan ng supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang supply dahil sa inaasahang

  • pagtaas ng presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang itinagong bigas.

    Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply

    Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa maging kahihinatnan ng negosyo. Dapat alam ng prodyuser kung papano tutugon sa pagbabago ng mga naturang salik.

    1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksyon ay nagreresulta sa pagtaasa ng presyo ng produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand. Ang pagtaas ng gastos ng poduksiyon ay matutugunan sa pamamgitan ng efficient na pamamaraan. Ibig sabihin sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto.

    2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.

    3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang produksiyon.

    4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan. Ito ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng nakararami lalo na ng mga konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo.

    Pagyamanin Gawain 2: ANO ANG DESISYON MO?

    Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat at ipaliwanag sa patlang sa ibaba ang iyong desisyon.

    1. Mayroon kang sari-sari store at marami kang nakatabing de lata na nabili mo lamang ng mura. Makalipas ang ilang araw, tumaas ang presyo nito. Ano ang gagawin mo? ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    2. Tumataas ang gastos sa produksyon dulot ng pagtaas ng halaga ng mga materyales. Hindi ka makapagtaas ng presyo sapagkat baka marami ang hindi bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    3. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang banta ng kalamidad at krisis sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo mapatatag ang iyong negosyo?

  • ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Isaisip

    Tayahin

    I. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

    1. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa supply maliban sa isa. Ano ito?

    A. Pagbabago sa Teknolohiya B. Pagbabago sa bilang ng bumibili C. Pagbabago sa Halaga ng salik sa proksyon D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

    2. Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa _____________.

    A. Kaliwa B. Kanan C. Pataas D. Pababa

    3. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Kung ikaw ay nagnanais magnegosyo, ano ang pinakanararapat mong gawin?

    A. Gumawa ng sariling estratehiya sa pagnenegosyo

    Mga salik na nakaaapekto

    sa Supply

  • B. Subukang gawin ang mga bagay na naiisip tungkol sa pagnenegosyo C. Humingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo D. Ipauubaya ang pamamahala ng itatayong negosyo sa taong malapit sa iyo

    4. Si Ana ay isang negosyante, siya ay nagtitinda ng bigas at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Ano ang pinakamainam niyang gawin ngayong panahon ng pandemya?

    A. Magdagdag ng maraming paninda B. Magbagsak presyo upang makatulong kahit ikalulugi niya pa ito C. Taasan ang presyo ng mga paninda upang makakuha ng malaking kita D. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan

    5. Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, nagaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Anong salik na nakakaapekto sa supply ito napabilang?

    A. Ekspektasyon ng Presyo B. Pagbabago sa teknolohiya C. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

    6. Ano ang tawag sa kondisyon na kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, ay itatago ang produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap?

    A. Hoarding C. Bandwagon Effect B. Scarcity D. Entrepreneuship

    7. Makalumang pamamaraan ng pagtatanim ng gulay ang ginagamit ni mang Jose kung kaya’t maliit ang bilang ng mga gulay ang kanyang nasusuplay sa palengke. Anong salik ang nakakaapekto sa dami ng supply ito napabilang?

    A. Pagbabago sa teknolohiya B. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda C. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto D. Pagbabago sa halaga ng mga salik produksyon

    8. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa paggawa ng produkto?

    A. Kapital C. Paggawa B. Lupa D. Kustomer

    9. Si Rosa ay nagtitinda ng mga kakanin. Ngayong panahon ng pandemya hindi maiiwasang tataas ang presyo ng mga kinakailangang sangkap. Ano ang nararapat niyang gawin?

    A. Titigil muna sa pagtitinda sapagkat wala masyadong customer B. Gumamit ng kakaunting salik at ipagbili sa mas mataas na presyo C. Gumamit ng efficient na paraan tulad ng paggamit ng kakaunting salik upang

    makabuo ng maraming produkto D. Gumamit ng normal na mga sangkap at ipagbibili pa rin ang produkto sa

    nakasanayang presyo kahit tumaas ang halaga ng mga salik produksiyon.

    10. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay na pandesal sa pamilihan, kaya si mang Roel ay nahikayat din na magbenta ng nasabing produkto. Aling salik ang nakakaapekto sa pagdami ng supply?

    A. Ekspektasyon ng presyo B. Pagbabago sa Teknolohiya

  • C. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

    II. Ipaliwanag

    11-15. Paano nakaiimpluwensiya ang mga salik sa pagbabago ng supply sa desisyon

    ng mga prodyuser ukol sa dami ng gagawing produkto? Paano ito nakaaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng iyong pamilya?

    Kategorya

    Higit na inaasahan

    (5)

    Nakamit ang Inaasahan

    (4)

    Bahagyang nakamit

    ang inaasahan

    (3)

    Hindi Nakamit

    ang Inaasahan

    (2)

    Walang Napatunayan

    (1)

    Nilalaman Makabuluhan ang bawat ideyang ipinapahayag

    Naipaliliwanag ng mabuti ang paksa

    Lohikal at mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya

    Makabuluhan ang ideyang ipinapahayag

    Naipapaliwanag ang paksa

    Mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya

    May kakulangan

    sa detalye

    Hindi masyadong naipaliliwanag ang paksa

    Di-gaanong lohikal at mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya

    Hindi masyadong nadebelop ang mga pangunahing ideya

    Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng ng mga ideya

    Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya

    Hindi naipaliwanag ang paksa

    Hindi lohikal at amhusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya

    Karagdagang Gawain Gawain 4: PAGGAWA NG SLOGAN

    Gumawa ng Slogan tungkol sa kahalagahan ng Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakakaapekto sa Supply sa pang araw-araw na pamumuhay.

    Rubriks para sa Slogan

    10 7 4 1 Content Ang mensahe ay

    mabisang naipakita

    Di gaanong nagpakita ang

    mensahe

    Medyo magulo ang mensahe

    Walang mensaheng napakita

  • Creativity Napakaganda at napakalinaw ng pagkasulat ng

    mga titik

    Maganda at malinaw ang pagkakasulat ng mga titik

    Maganda ngunit di gaanong

    malinaw ang pagkakasulat ang mga titik

    Di maganda at Malabo ang

    pagkakasulat ng mga titik

    Relevance May malaking kaugnayan sa

    paksa ang islogan

    Di gaanong may kaugnayan sa

    paksa ang islogan

    Kaunti lang ang kaugnayan ng

    islogan sa paksa

    Walang kaugnayan sa

    paksa ang islogan

    Kalinisan Malinis na malinis ang pagkagawa

    Malinis ang pagkagawa

    Di gaanong malinis ang

    pagkakagawa

    Marumi ang pagkakagawa

    Susi sa Pagwawasto

  • Sanggunian:

    Araling Panlipunan9 Teacher’s Guide EKONOMIKS Araling panlipunan (Modyul Para sa Mag-aaral) 147-152

    Balikan 1.D 2.A 3.C 4.A 5.A 6.C 7.D 8.B 9.A 10.D

    Pagyamanin

    MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY

    Isaisip 1. Presyo

    2. Di-presyo

    *Pagbabago sa Teknolohiya

    *Pagbabago sa halaga ng mga salik produksyon

    8pagbabago sa bilang ng nagtitinda

    *Pagbabago sa presyo na kaugnay sa produkto

    *Ekspektasyon sa presyo

    Tayahin 1.B 2.B 3.C 4.D 5.D 6.A 7.A 8.D 9.C 10.C

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.