WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA ni Pat V . Villaf uerte Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan; mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan maging sa paglaki hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig: ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit: ang mailuklok ang pangalan na kasintayo g ng langit at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit. Iisa ang diwang kanilang pinapanday iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: kami’y palayain o bayan kong minamahal. , oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may busal ang bibig, may gapos-tanikala !ila’y mga buhay ngunit di-humihinga sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa. !a bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala may tagisan ng matuwid, maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit. !ila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangk at tayu-tayo’y nag-iisip, nagsusur i, bumabalangk as. Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit wikang "ilipino# $ikang maka-%iyos, makabayan, makatao. wikang naglalagos sa isipang makabansa wikang nanunuot sa damdaming makalupa. t, paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangali t hinihiling ay kalayaan# katarungan# katarungan# kalayaan# h, hanggang kailan susukatin& hanggang kailan bubuhayin& hanggang kailan maaangkin&