Yunit 1 Aralin1: Ang Mga Simbolo at Konsepto sa Musika I. Layunin: Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng mga note at rest II. Paksang-Aralin A. Paksa: Pagkilala sa iba’t-ibang uri ng mga note at rest B. Lunsarang Awit: “Lupang Hinirang” G, , Oh! What a Beautiful Mornin’ E ƅ Song of Praise – G, C. Sanggunian: Shine with MAPE 5 p. 13, 33 D. Kagamitan: pitch pipe, mga flashcard ng mga note at rest E. Pagpapahalaga: Pakikiisa/Pagmamahal sa Bayan F. Konsepto: Sa masusing pag-aaral sa mga simbolo ng musika, Maipakikita ang kaugnayan ng iba’t-ibang tunog at mga simbolo sa pagsusuri, paglikha, pagsusulat at pagtatanghal ng musika III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay a.Rhythmic Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan at apatang kumpas: 2
5
Embed
guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-1.docx · Web viewKonsepto:Sa masusing pag-aaral sa mga simbolo ng musika, Maipakikita ang kaugnayan ng iba’t-ibang tunog
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Yunit 1
Aralin1: Ang Mga Simbolo at Konsepto sa Musika
I. Layunin: Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng mga note at rest
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pagkilala sa iba’t-ibang uri ng mga note at restB. Lunsarang Awit: “Lupang Hinirang” G, ,
Oh! What a Beautiful Mornin’ Eƅ
Song of Praise – G, C. Sanggunian: Shine with MAPE 5 p. 13, 33D. Kagamitan: pitch pipe, mga flashcard ng mga note at restE. Pagpapahalaga: Pakikiisa/Pagmamahal sa BayanF. Konsepto: Sa masusing pag-aaral sa mga simbolo ng musika,
Maipakikita ang kaugnayan ng iba’t-ibang tunog at mga simbolo sa pagsusuri, paglikha, pagsusulat at pagtatanghal ng musika
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain1. Pagsasanay
a.RhythmicIpalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan at apatang kumpas:
2
3
4
b.Tonal
Awitin ang “Lupang Hinirang”, ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa tamang titik at tono. Bilang Pilipino, tungkulin mo ang mahalin at ipagtanggol ang iyong bayan kaya’t marapat na maawit mo ito ng wasto, mahusay at buong pagpipitagan.
2. Balik-aralBigkasin ang chant. Ipalakpak ang rhythm. Ipadyak ang beat.
Ma-ry had-a lit - tle lamb
Lit – tle lamb lit - tle lamb
Ma-ry had-a lit – tle lamb It’s
Fleece was white as snow
B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak
Suriin ang iskor ng awiting “Oh! What a Beautiful Mornin’”. Basahin ang titik ng awit.Tungkol saan ang awit? (Ang awit ay tungkol sa pagpapasalamat sa Diyos sa pagsisimula ng araw.)
2. Paglalahad
Iparinig ng guro ang awiting “Oh! What a Beautiful Mornin’”.Ituturo ang awitin sa pamamaraang rote.Awitin ang “Oh! What a Beautiful Mornin’”
3. PagtalakayBakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang isang awitin?(Ang isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog dahil sa uri ng mga note na ginamit.)
Ilang uri ng mga note ang makikita sa awiting “Oh! What a Beautiful Mornin’”?(May dalawang uri ng mga note ang makikita sa awitin.)
4. PaglalahatTandaan: Ang bawat nota ay may katumbas/katapat na rest. Ang bilang ng kumpas na tinatanggap ng note ay siya ring bilang ng kumpas na tinatanggap ng kaugnay na rest.
5. PaglalapatBatay sa bilang ng mga note sa loob ng isang measure, paano napangkat ang awitan? (tatluhan)
Ipadyak/Ipalakpak ang rhythm ng “Oh! What a Beautiful Mornin’” ayon sa bilang ng mga note at rest na ginamit.
6. RepleksiyonAno ang kahalagahan ng mga note at rest sa paggawa ng isang komposisyong musical?(Ang mga note at rest ay ginagamit upang magkaroon ng ritmo. Ito ay mahalaga sa musika dahil ito ang saligan ng balangkas na siyang nagiging daan sa paggalaw ng melodiya.
C. Pangwakas na GawainAwitin muli ang awit at lagyan/lapatan ng angkop na galaw ng katawan.
IV. PagtatayaSagutin ang mga sumusunod:
1. Iguhit ang half note.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang quarter note?
3. Ilang kumpas/beat mayroon ang quarter note?
4. Iguhit ang quarter note.
5. Ano-ano ang mga note na nasa ika-limang measure ng awiting “Morning
Has Broken”?
V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang awit. Lagyan ng kaukulang kumpas ang bawat note.