Top Banner
6

Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

Feb 20, 2018

Download

Documents

vuanh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

1BalitaVolume 1 Issue Number 4

Page 2: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

SETYEMBRE 1-15, 2016

2 3Balita BalitaVolume 1 Issue Number 4 Volume 1 Issue Number 4 Balita

PARA sa mga nagtatrabaho sa gobyerno na gusto lang magnakaw ng pera ng taumbayan, may mensahe sa kanila si Pangulong Rodrigo Roa Duterte:

Huwag ninyong gawin iyan! Inihayag ni PRRD noong Oktubre 11 ang kanyang plano na gamitin ang People's Television Network (PTV-4)

para ipalabas ang mga reklamo laban sa mga magnanakaw na opisyal ng bayan at empleyado ng pamahalaan upang tuluyang

malinis ang gobyerno sa katiwalian.Ang pahayag ay ginawa ni PRRD matapos niyang pamunuan ang panunumpa ng mga

PTV-4: BANTAY-MAGNANAKAW

bagong talagang opisyal at miyembro ng League of Municipalities of the Philippines. Ginanap ang okasyon sa Malakanyang.

Hinikayat ni PRRD ang publiko na maging malaya sa pagpaparating ng kanilang mga reklamo laban sa mga pasaway na public officials. Naobserbahan umano niya na talamak pa rin ang katiwalian lalo na sa mga government regulatory agencies.

Ang plano ng Pangulo, maglalaan ng isang oras para ang publiko ay makapaglahad ng kanilang mga reklamo at ipalalabas iyon sa government-owned television network.

(PND/KC Cordero)

Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay magkakaroon na rin ng aktibong papel upang malunasan ang problema sa ilegal

na droga. Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Roa

Duterte ang pangangailangan na mapalakas ang kapasidad ng PCG para matagumpay na malabanan ang terorismo, human trafficking at kalakalan ng droga.

Sa ginanap na ika-115 anibersaryo ng PCG noong Oktubre 12, pinangunahan ni PRRD ang pagkokomisyon sa BRP Tubbataha, ang pinakaunang 10 multi-role response vessels (MRRVs) mula sa Japan na aniya ay makatutulong para mapangalagaan ang mga hangganan ng ating bansa.

Ayon kay PRRD, "We need the ships. If you count the number of islands of about 7,000 plus that [cover] so many great mile of coastlines, it is not enough. But at least we have the ships to begin with. The old ones plus the new one that has been delivered to us would greatly help us in this endeavor."

Sa pagpapaabot ng kanyang pasasalamat kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa, sinabi ni PRRD na ang Pilipinas at Japan ay dalawang bansa na may mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan at pagkakaisa.

Kinilala rin ni PRRD ang Japan na isa sa mga bansang nangunguna sa pagbibigay ng ayuda sa Pilipinas. Sa Davao pa lang, marami na itong napondohang proyekto sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Aniya, ang pagkakaroon natin ng MRRVs na may fire monitors, night vision camera at radio direction finder ay nasa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project na ini-award ng Philippine government sa Japan Marine United Corp.

(PND/KC Cordero)

COAST GUARD DAPAT TUMULONG SA

LABAN KONTRA DROGA

Proteksyon sa taga-media pinalakas ng Administrative Order ni Pangulong Duterte

ISANG malinis at tapat na pamamahala ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga grupo ng negosyante bilang suporta sa

mga ito. Nagsalita si PRRD sa pagtatapos ng 42nd

Philippine Business Conference and Expo na isinagawa sa Pasay City noong Oktubre 13. Sinabi niya na gagawin niyang modelo ang Davao City sa buong bansa upang mas umunlad ang mga negosyo sa pamamagitan ng paglaban sa katiwalian, red tape, kriminalidad at ilegal na droga.

"Ako, sinabi ko ganoon lang: I will make the city peaceful. I will make corruption in the city a thing of the past," anang Pangulo.

Sinabi rin niya na ang Davao City ang kauna-unahang nagpatupad ng three-day limit sa paglalabas ng mga clearances.

“And so what I can say is: In this government, there will be no corruption. This government will be clean and I will promise you law and order.”

Ngayong Pangulo na siya, binigyan ni PRRD ng palugit na isang buwan ang bawat departamento

Malinis na pamahalaan ipinangako ni Pangulong

Duterte sa mga negosyanteng gobyerno na maproseso ang lahat ng kanilang clearances at permits.

Nabanggit din niya sa mga grupo ng negosyante ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap ng kanyang administrasyon upang maibalik muli ang kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Sinaksihan din ng Pangulo ang pagsasalin ng ASEAN Business Advisory Council Flag sa Pilipinas mula sa Laos. Ang ating bansa ang host sa ASEAN sa susunod na taon.

(PND/Angel Sagales)

Photo Courtesy of Henry Veridiano

Photo Courtesy of AP/Bullit Marquez/ https://cpj.org/KI.analysis.ap1.jpg

“CHANGE is coming” maging sa media.

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Administrative Order No. 1 na lilikha sa Presidential Task Force na mangangalaga sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga nagtatrabaho sa media sa bansa. Inihayag ito ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa ginanap na press briefing sa Malacañang noong Oktubre 13.

Binigyang-diin ni Sec. Andanar na nilagdaan ni PRRD ang AO para ipakita ng Pangulo ang “care” para sa mga miyembro ng media na laging nakatatanggap ng death threats at nagiging biktima ng karahasan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ang AO, na nilagdaan noong Oktubre 11, ay nag-aatas sa Task Force na gumawa ng imbentaryo ng lahat ng kaso ng

karahasan sa mga taga-media sa unang 30 araw matapos likhain ang Task Force.

Matapos ang imbentaryo, ang mga special team ay magsisimula ng imbestigasyon sa mga high profile case na hindi naresolba gaya ng Maguindanao Massacre at iba pa, ayon kay Sec. Andanar.

Ang Task Force na rin ang tatanggap ng mga report mula sa mga media practitioners na nasa panganib ang buhay.

Ang mga mamahayag na nakatatanggap ng death threats at biktima ng karahasan ay tutulungan kaagapay ang Department of Justice, at ayon sa mga existing laws, rules and regulations.

Inaasahan na sa pinakahuling aksyon ng Pangulo, ang Pilipinas ay makikilala bilang isa sa pinakaligtas na lugar sa mundo para sa mga mamamahayag.

Samantala,

inihayag din ni Sec. Andanar na masaya ang Palasyo sa pinakahuling Social Weather Stations survey na nagpapakita ng bagong “record low” pagdating sa self-rated poverty.

Ipinakikita na ang mga pamilya na nire-rate ang kanilang sarili bilang “poor” ay bumaba sa 42 percent, o tinatayang 9.4 milyong pamilya noong Setyembre mula sa 45 percent o tinatayang 10.2 milyon noong Hunyo.

“Change has indeed come and it is being felt by the Filipino people,” ayon pa kay Sec. Andanar, at sinabing ito ang “lowest self-rated poverty” simula noong March 1987.

Ang nasabing survey noong Setyembre ay nagpakita rin ng bagong “record low” na 30 percent food poverty. Bumaba ang pigura sa 6.7 milyong pamilya mula sa 31percent, o halos 6.9 milyong pamilya noong Hunyo ngayong taon.

(PND/KC Cordero)

PINAGTIBAY ni Pangulong Rodrigo Roa

Duterte ang “8888 Citizens' Complaint Hotline” matapos niyang lagdaan ang Executive Order No. 6 noong Oktubre 14, 2016.

Ang nasabing hotline ang pagsusumbungan ng publiko ng mga nasasaksihan nilang mga kapabayaan at katiwalian sa pamahalaan.

Sa nasabing kautusan ay binanggit ng Pangulo na: "There is a need to institutionalize a public complaints hotline involving all agencies of the government and build on existing public feedback mechanisms for the realization of the government's policy to eradicate red tape and corruption."

Magiging mekanismo ang 8888 hotline kung saan ang mga mamamayan ay maaaring mag-report ng kanilang mga reklamo at hinaing sa naranasang red

tape gaya halimbawa kung nahirapan silang makipagtransaksyon sa anumang ahensya ng pamahalaan at ang mga empleyadong nakausap nila ay nanghihingi ng lagay para maproseso ang anumang kanilang nilalakad.

Ang complaint center ay pamamahalaan ni Office of Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. Makikipag-

ugnayan din ang tanggapan ng Kalihim sa iba pang ahensya para mapalawak ang kasalukuyang feedback mechanisms.

Sa pagpapadala ng reklamo, ang isang complainant ay maaaring mag-text, mag-email, mag-post ng komento sa website ng mga ahensya at iba pang social networking sites.

Bukas ang complaint center ng 24 oras, 7 araw kada linggo, maliban na lang kung national holidays o may suspensyon ng pasok ng mga kawani ng pamahalaan. Ang state agencies ay tinatakdaan na magkaroon agad ng "concrete and specific" na aksyon sa loob ng 72 oras o tatlong araw matapos matanggap ang reklamo.

Papatawan ng parusang administratibo ang anumang government agency o sinumang empleyado na mabibigong tumugon sa mga reklamo sa hotline 8888.

(KC Cordero)

‘HOTLINE 8888’ MAGIGING SUMBUNGAN NG KATIWALIAN

OFFICE OF CABINET SECRETARY LEONCIO

EVASCO JR.

Page 3: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

SETYEMBRE 1-15, 2016

4 5Balita BalitaVolume 1 Issue Number 4 Volume 1 Issue Number 4Panayam BalitaHINDI lang sa pagbaka

sa malalang problema sa droga nakatutok

si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kundi maging sa kabuuang pag-unlad ng bansa. Ito ang inihayag ni Assistant Secretary of the Office of the Cabinet Secretary Jonas George Soriano sa ginanap na press briefing sa Malacañang kamakailan. Marami umanong naa-accomplish ang kasalukuyang administrasyon na hindi nakikita ng publiko.

“He (Duterte) is doing a lot people don’t see. Because what he does is, especially during the meetings that most of us don’t see, (he) gives a lot of directives,” ayon kay Soriano.

Dagdag pa niya, nakatutok din si PRRD sa iba pang national issues gaya ng paglilinis sa mga ahensya ng pamahalaan sa red tape, agrikultura at iba pa.

“We only have six years. If we need to do a change, we do it now,” ayon pa kay Soriano.

Sa pagpapababa naman ng antas ng kahirapan, ang

RED TAPE AT KATIWALIAN SA LGUS TINUTUTUKAN DIN

NG PAMAHALAAN

pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa mga local government units. Ani Soriano, “In the end, it cannot always be national. So even if we’re up here and do this, the impact will not be as great. Unless, one, we synergize horizontally but we work very closely and synergize also vertically.”

Para naman tuluyang maiiwas ang mga mamamayan sa droga, ang Department of Interior and Local Government ay may programang “Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga” o “Masa Masid”—isang community-based program para mahinto ang katiwalian, ilegal na droga at kriminalidad sa mga barangay.

Binigyang-diin din ni Soriano na ang rehabilitasyon ng mga nalulong sa droga ay dapat na may kakambal na pangkabuhayang inisyatiba. “Pag gumaling, meron siyang gagawin productively. Kasi ang lumalabas, pami-pamilya ang tinatamaan, so, ang need for

the integration of livelihood is very important.”

Nakikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa private sector kung ano ang maibabahagi ng mga ito sa rehabilitasyon ng mga naging drug users.

Sa nasabing briefing ay tiniyak naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa mga kalapit-bansa ng Pilipinas na magiging matibay ang ating relasyon sa kanila. Ani Abella, “Our relationships with the ASEAN countries remain fundamentally solid.”

Dagdag pa niya, bagaman at nagpapasalamat ang bansa sa mga tulong na nagmumula sa ibang bansa sa loob ng mahabang panahon, ipinaaalala ni PRRD sa ating mga kababayan na panahon na para maibalik natin ang ating respeto sa ating mga sarili at lumikha ng sariling pagkakakilanlan.Muli, binigyang-diin ni Abella na nais ni PRRD na magkaroon tayo ng karakter bilang Pilipino na may sariling tatak o pagkakakilanlan.

(PND/KC Cordero)

LAYUNIN ng Department of Tourism na iangat ang buhay ng

mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng turismo sa bansa. Para maisakatuparan ito, plano ng ahensya na paunlarin bilang tourist destination ang ilan sa mga pinakamahirap na probinsiya sa bansa.

Kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang listahan ng labinlimang pinakamahihirap na probinsiya sa bansa para makapili ng lima mula rito na magiging susunod na destinasyon ng mga turista.

Ipinaliwanag ni Undersecretary Alma Rita Jimenez ng Tourism Regulation, Coordination and Resource Generation ng DOT kung bakit nila ginagawa iyon. Aniya, “Eventually, through tourism, gusto natin

magkaroon ng improvement ang lahat, so that we do not need to have a list of poorest provinces.”

Paliwanag pa ni Jimenez, maraming isinasaalang-alang ang ahensya sa pagpili ng mga probinsiyang gagawing tourist destination. “Hindi naman lahat ng probinsiya ay puwede mong i-develop. Titingnan din namin kung mayroon bang destination na puwedeng i-develop doon... Kung mayroon doong airport na malapit, at ang willingness ng local government units din to invest in their tourism programs. When we talk about investment, willing ba silang i-train ‘yung mga tao nila for that? Willing ba sila to put up ng kanilang sariling tourism officers to work with our regional offices?"

Dagdag pa niya, isang

inclusive industry ang turismo. May oportunidad daw kasi na magkaroon ng trabaho ang komunidad kapag lumalago ang turismo sa isang lugar. Paliwanag ni Jimenez, “When a tourist comes into a place, it generates at least five jobs for the community. Kasi kahit na sabihin mong nag-stay siya sa hotel, mag-e-employ ‘yan ng chamber maids, magluluto ng pagkain, magda-drive, maglilinis. Mayroon ka talagang make-create na jobs.”

At sa pamamagitan din daw ng turismo, direktang makikinabang ang mga mamamayan sa isang lugar. Aniya, “You don’t have to go through the process of trying to find out how to cascade benefits because immediately the benefits goes directly to the people of that locality.”

(Dani Mei Manuel)

DOT: MASIGLANG TURISMO, MARAMING

TRABAHO

INAPRUBAHAN na ng Commission on Appointments noong Oktubre 12 ang

pagkakatalaga kay Secretary Martin Andanar bilang hepe ng Presidential Communications Office. Nangako ang Kalihim na pagbubutihin ang mga tungkulin ng kanyang tanggapan at lilikha ng “unified messaging system” para sa Executive department.

Kabilang sa mga plano at programa niya para sa PCO ang modernisasyon at pagpapasigla sa Radyo ng Bayan at People’s Television Network (PTV 4).

Ang PTV 4 ay plano niyang maging People’s Broadcasting Corporation (PBC) at ipa-pattern sa British Broadcasting Company (BBC) at Australian Broadcasting Corporation (ABC).

Pasisiglahin din niya at irereporma ang National Printing Office, APO Production Unit Inc. at ang Bureau of Communications Services.

Bago naging PCO Chief, si Sec. Andanar ay executive sa TV5 at pioneer ng online programs sa TV at radyo sa Pilipinas gaya ng News5 Everywhere; anchor ng TV5 at AksyonTV, at isang respetado at hinahangaang komentarista sa Radyo5.

Noong Oktubre 19 ay nag-courtesy call siya sa Xinhua News Agency at sa China Central Television (CCTV)

PCO SEC. MARTIN ANDANAR BINISITA ANG MEDIA AGENCIES NG CHINA AT JAPAN

para palawigin ang pakikipag-ugnayan sa China’s state-owned media organizations.

Nakaharap ng Kalihim ang presidente ng Xinhua na si Mr. Cai Mingzhao. Binanggit ni Cai kung paano pinahahalagahan ng Xinhua ang mga pagbabalita nito ukol sa Pilipinas at ang naging pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Beijing.

Sinilip din niya ang mga pasilidad ng Xinhua News Agency maging ang media service and news studio bago dumiretso sa CCTV.

Sa CCTV Headquarters,

tinanggap si Sec. Andanar ng top honchos ng China’s state-owned television broadcaster sa pangunguna ni Mr. Li Ting.

Malugod na ibinalita ni Li sa Kalihim ang positive feedback ng mga Chinese sa ipinalabas na panayam kay PRRD ng CCTV.

Ibinahagi naman ni Sec. Andanar sa Deputy Editor-in-Chief ng CCTV ang kanyang plano na sundan ang mga yapak ng CCTV at ang kanyang planong “own great leap forward in broadcasting.”

Ipinanukala ng Kalihim

ang pagkakaroon ng news cooperation sa pagitan ng PTV at ng CCTV, staff training at maging ng information sharing on restructuring. Ang CCTV ay nagkaroon na ng structural reform sa loob ng kanilang organisasyon.

Nagmungkahi rin si Sec. Andanar ng CCTV English newscast na ipalalabas sa PTV.

Sinilip din niya ang mga pasilidad ng CCTV maging ang entertainment studio at sports news studio ng network.

Personal niyang hiniling na makita ang CCTV’s famous

circular glass floor openings na nagsisilbing viewing decks.

Kinumpleto ni Sec. Andanar ang kanyang media visits sa pamamagitan ng 15-minute interview sa English-language talk show na “Dialogue” kung saan ang host ay si Yang Rui.

Bumisita rin siya sa NHK (Japan’s Broadcasting Corporation) noong Oktubre 26 upang personal na makilala ang mga opisyal ng pinakamalaking broadcasting corporation sa Japan na nakahimpil sa Jinnan, Shibuya-ku, Tokyo.

Humanga si Sec. Andanar sa teknolohiya ng Japan at pinapurihan ang broadcast corporation sa patuloy nitong pagpapabuti sa mga paraan ng paghahatid ng impormasyon sa publiko, lalo na kapag may sakunang nagaganap.

"With over 22 typhoons that we experience in the Philippines, we can learn so much from NHK when disaster hits our country,” ayon kay Sec. Andanar.

Ang pagbisita ng Kalihim sa nasabing broadcasting corporation ay kaugnay ng mithiin ng administrasyong Duterte na palakasin ang media outlets ng gobyerno upang makapaghatid ng pinakabagong impormasyon, balita at mga kaganapan sa publiko.

(PND/KC Cordero)

DOT Undersecretary Alma Rita Jimenez

Presidential Spokesperson Ernesto Abella

Balita

Si Sec. Martin Andanar habang kinakapanayam sa CCTV.

‘Human side issue’ malaking factor sa drug rehab program ng Duterte administration

SA panayam pa rin ng Mula sa Masa Para sa Masa kay DILG Asec. Epimaco Densing III, sinabi niya na kabilang sa malalaking kumpanya na nakipagpulong sa Malacañang ay ang mga sumusunod: Jollibee, Megaworld, Vista Land, PJ Lhuillier

and Co., Metrobank, Philippine Long Distance Telephone Co. at marami pang iba. Full support aniya ang mga negosyante sa pagpapatayo ng rehabilitation center sa

bansa, katunayan nito ang ipinatayong 10,000 bed patient rehabilitation facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija. Ang 10 hectare property ay ginamitan ng pre-fabricated materials kaya ito ay madaling naitayo at na-assemble. Ito ay binubuo ng 4 na cluster, at bawat isang cluster ay binubuo naman ng 2,500 beds.

Noong October ay natapos na ang construction ng Mega Drug Abuse Treatment and rehabilitation Center (DATRC) at inaasahang magiging

operational na ito sa November ng taong kasalukuyan. Ayon kay Asec. Densing, kaya full support ang big businesses sa programa ng pamahalaan laban sa droga

ay dahil sa dalawang bagay. Ang una, “the human side, alam ng private sector na itong program ng gobyerno on heavy

and very comprehensive drug rehabilitation

program para sa ating mga kababayan is worthy to be supported with because it addresses the human side, the humanity of the Filipino,” ayon kay Asec. Densing. “Ang pangalawa riyan, if we rehabilitate the drug user, ang effective impact is, they will become productive and it will lessen what we called the criminality side.”

Ipinaliwanag din niya na, “Tandaan po natin, pag ikaw ay nakadroga base nga sa sinasabi ng Department of Health (DOH) ay lumiliit ang iyong utak. At pag lumiit na ang iyong utak, it can no longer be put back into its [original form/function]. It can never be regenerate.”

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit marami sa nalululong sa droga ay nagiging kriminal.

Pag natapos aniyang gamutin at i-rehabilitate ang mga sumuko na addicts at drug pushers, ang ultimate effect ay bababa ang criminality rate sa bansa.

Simula noong July 1 ng taong kasalukuyan ay bumaba ang crime rate ng 32 percent mula sa 50 percent sa katulad na period noong 2015.

Naririto ang ulat ng Police Regional Offices sa Double Barrel program ng pamahalaan mula July 1 hanggang October 6 ng taong kasalukuyan:

Number of operations conducted 23,852; Drug Personalities—Killed 1,390; Arrested-22,971; Project Tokhang—No. of houses visited: 1,701,647; Total No. of surrenderers: 734,231Pushers 52,967 at Users 681,264Casualties PNP KIPO 13; WIPO 40AFP KIA 3; WIA-8.Sa taong 2017, ang DILG ay may kabuuang budget na aabot ng P10.8 billion.

Hinihikayat din ng DILG ang mga mamamayan na magmasid at magbantay sa kani-kanilang lugar upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. (Rosalie Catacutan-Periabras)

Page 4: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

SETYEMBRE 1-15, 2016

6 7Balita BalitaVolume 1 Issue Number 4 Volume 1 Issue Number 4Balita Opinyon

SA panayam ng Mula sa Masa Para sa Masa

kay Department of Interior and Local Government Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing III, sinabi niya na halos 90 percent ng sumukong adik at drug pushers ay hindi kailangang ipasok sa rehabilitation center.

“It’s ongoing program kasi nang inatasan kami ni Pangulo [Rodrigo Roa Duterte], para magtayo nga ng rehab centers as early as the second week of July. Noong pangalawang linggo ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo, nakita namin na sa dami ng nagsu-surrender ay hindi naman lahat iyan ay ipapasok sa rehab center. So, ang nakita namin base sa aming estimate statistics, baka 90 percent ng nag-surrender ay outpatient,” pagbabahagi ng mabait na assistant secretary.

Ipinaliwanag niya na ito ang mga tinatawag na mga “experimenters” o “occasional users”. Aniya, “Marami sa mga nag-surrender ay mga occasional users lang talaga at nangangahulugan na hindi naman talaga sila kailangang

DILG Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing III

ANG pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Brunei ay maihahalintulad sa isang rock concert sa dami ng mga

kababayan nating OFWs na dumating para lang makita siya at makinig sa kanyang talumpati. Napakasaya ng mga kababayan natin doon at mataas ang kanilang moral dahil sa kanyang pagbisita.

Hindi naman binigo ni Tatay Digong ang ating mga kababayan. Gaya nang dati ay ipinakita niya ang kasanayan sa pagtatalumpati kahit walang nakahandang speech, nagpapatawa at nagbibigay-diin sa kanyang mga programa. Dalang-dala niya ang damdamin ng mga naroroon. “Genuine” ‘ika nga ang ipinakita nilang pagmamahal at suporta sa Pangulo.

Wala pa tayong naging pangulo na ganito kainit ang pagtanggap ng mga OFWs maliban kay Tatay Digong. Nasaksihan natin iyon sa Vientiane, at nasaksihan nating muli sa Brunei. Si Tatay Digong ay may pambihirang kakayahan para pasiglahin ang kanyang mga kababayan at pag-apuyin ang pagmamahal at muling pagkakaroon ng pag-asa para sa ating bayan. Naniniwala rin ang mga OFWs sa kanya na dumating na talaga ang mga pagbabago.

Itinuturing siyang isang lider na hindi tradisyunal, isang magaan at matapat na paglalarawan sa kanya. Sa ilang buwan niya sa kapangyarihan, hinangaan siya sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag at kawalan ng takot sa kanyang mga desisyon.

Sa mga bansa sa Southeast Asia kung saan tahimik ang diplomatikong relasyon at paunti-unti lang ang mga pagbabago, namumukod-tangi si Tatay Digong sa pagiging prangka at agresibong pinuno. Maingay ang kanyang mga pahayag at mabilis ang paglikha ng mga patakaran. Walang takot na kinukompronta niya ang mga tinatawag na “sacred cows”. Hindi pilit ang pagiging malaking pigura niya sa pandaigdigang eksena kaya naman hinahangaan siya ng mga kapwa lider sa rehiyon.

Ang higit na kamangha-mangha ay ang kanyang malalim na pagkamakabayan. Anuman ang

HINDI nangangamba ang DND hinggil sa pagtayo sa sariling paa ng Pilipinas sa kabila ng mga naging pahayag ni

Pangulo Duterte laban sa Estados Unidos at sa European Union na talikuran na ang pagbibigay ng tulong sa Pilipinas. Ang pahayag na ito ay nag-ugat sa pagbatikos ng mga nasabing bansa sa laban kontra droga ng administrasyon.

Pagmamalaki ng DND, "Wala namang tunay na banta sa ating soberanya. Wala tayong maituturing na kaaway kaya tayo ay ligtas sa anumang digmaan."

Dahil sa mga pagbabagong isinusulong ng administrasyon, magiging mas bukas na umano ang ating bansa sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa ibang mga bansa. Ayon sa DND, "Mabibigyan ng bentahe ang ating Sandatahan Lakas sa mga ugnayang ito."

Palalakasin din ng ahensya ang pagdedepensa sa teritoryo ng bansa at sa paglaban sa terorismo sa pamamagitan ng pagpapatupad sa AFP Modernization Program. Ipinangako ng Pangulo na siya ring Commander-in-Chief ng AFP ang pagbibigay sa ating mga sundalo ng lahat ng kanilang pangangailangan -- makabagong mga kagamitan, maayos na mga pasilidad tulad ng mga modernong pagamutan at ng karagdagang benepisyo maging sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang din sa isinusulong ng DND ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa, partikular na sa Mindanao.

Ayon sa DND, "Ang minimithing kapayapaan sa Mindanao ang magdudulot ng kaunlaran sa rehiyon at magbibigay ng magagandang oportunidad sa ating mga kababayan doon upang gumanda ang kanilang pamumuhay.”

(Dani Mei Manuel)

HINDI LAHAT NA SUMUSUKONG DRUG USERS DAPAT I-REHAB

i-commit sa drug rehabilitation center kung saan sila ay maaaring magtagal nang hindi bababa sa tatlong buwan hanggang anim na buwan.”

Dagdag pa niya, “So, dahil sila ay outpatient, mayroon kaming ginawa na tinatawag na community-based rehabilitation center. Ang gagawin po natin, itong mga barangay sa buong Pilipinas through the Barangay Anti-Drug Abuse Council na pamumunuan ng tinatawag natin na ‘Masa Masid’, ‘yung ‘Mamamayang ayaw sa anomalya, mamamayang ayaw sa ilegal na droga’, which is a DILG initiated volunteer group, sila po ang magpa-facilitate para i-implement ang tinatawag natin na community-based rehab program.”

Sa programang Masa Masid, ang lahat ng mga experimenters o occasional users na hindi naman

AFP KAYANG TUMAYO SA SARILING MGA PAA

ANG MULING PAGSIGLA NG ATING RELASYON SA MGA KALAPIT-

BANSA SA REHIYON

Mainit na sinalubong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Filipino Community sa Brunei. Ganito ang karaniwang eksena kapag binibisita ng Pangulo ang mga

kababayan nating OFWs.

kanyang gawin at sabihin ay laging kaakibat ng kanyang matapat na hangarin na maglingkod sa sambayanang Filipino. Kumbinasyon siya ng isang anghel dela guardia na handang ipagtanggol ang binabantayang inosenteng kaluluwa, at mapagkumbabang lingkod-bayan.

Isa siyang man of action. Dala niya ang kanyang mga katangian bilang lider sa Brunei, China at Japan. Sa bawat bansa na kanyang pinupuntahan ay ginigisa siya ng local and international media.

Mahigpit na sumusubaybay sa kanya ang international media mula sa kanyang mabungang pakikipagpulong sa Sultan of Brunei at sa kanyang dramatikong pakikipagkita sa lider ng China. Pinag-usapan sa buong mundo ang pagdalaw niya sa Beijing lalo na nang magpakawala siya ng anti-Western na mga banat. Malaki ang interes ng ibang bansa kung ano ba ang ibig sabihin ng pahayag niyang “pivot to China”.

Sa point of view ni Tatay Digong, ang pagbisita niya sa Beijing ay bunsod ng mga isyung pang-ekonomiya at kalakalan, at hindi masyado sa pulitika. Gusto niyang mabawasan ang “informal trade” (smuggling) na nakaaapekto sa ekonomiya ng dalawang bansa. Gusto niya na mas maraming negosyo sa China ang makapasok sa Pilipinas. Gusto niyang makinabang ang Pilipinas sa malaking merkado ng mga turistang Chinese. Gusto niyang magkaroon ng kooperasyon sa pagtatayo ng mga imprastruktura na makatutulong para magpatuloy ang momentum ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa naging pagbisita ni Tatay Digong sa Beijing ay nais niyang makatuwang ang China sa pagdurog sa pinagmumulan ng droga, at maresolba na ang isyu sa Scarborough Shoal para makagaod doon ang mga kababayan nating mangingisda.

Umaasa rin tayo na malinaw nating naipababatid sa mundo ang mensahe: Ang pagsiglang muli ng ating bilateral relations sa China ay walang kinalaman sa geopolitics. Manapa, ito ay tungkol sa pagkakaroon natin ng isang matatag at masaganang kinabukasan para sa lahat ng Filipino.

kailangang i-commit sa rehab centers para ma-detoxify ay magkakaron ng regular weekly program. Pupunta sila sa isang lugar sa barangay—maaaring sa basketball court, community recreation center—kasama ng kanilang pamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay, at miyembro na rin ng mga komunidad para sila ay matulungan na ma-detoxify.

Paliwanag pa ni Asec. Densing, “Marami tayong programa riyan depende sa available na programa sa specific na barangay. It can be an exercise program, or sayaw, musika o sports. ‘Yung gustong mag-aral ulit, papasok ang Department of Education para sa tinatawag nating alternative learning system para makatapos sila ng pag-aaral.”

SHORT, MEDIUM AT LONG-TERM PLAN NG PAMAHALAAN

Ang pamahalaan ay mayroon ding short-term, medium-term and long-term plans para sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ang medium at long term plans ay ang pagtatayo ng rehab centers. Ayon kay Asec. Densing, kung naka-focus lang tayo sa rehab centers ay baka wala pa tayong made-detoxify ngayon sa dami ng sumusuko. Aniya, ang pagpapatayo pa lang ng isang rehab center ay aabutin ng halos isang taon.

Ayon kay Asec. Densing ay nakatutuwa na dahil sa suporta ng private sector kay Pangulong Duterte, kakampi ang mga ito ng Pangulo sa giyera kontra droga.

Ipinaliwanag pa ni Asec. Densing na masuwerte tayo dahil ang ating private sector donor ay nagpadala ng pre-fabricated materials from China kaya mabilis na naitatayo ang rehab centers. Fully-funded din ang construction kaya napakabilis ng pagpapatayo at kayang makatapos sa loob lang ng tatlong buwan.

“Pero in the long run, gagamitin natin

ang usual na proseso

at materyales sa paggawa ng

rehab centers. It would take at least 6

months to a year bago maitayo and make it operational after a year dahil siyempre lalagyan pa ng gamit, may training ka pa. So, iyan ‘yung medium to long term [plan].”

(ROSALIE CATACUTAN-PERIABRAS)

Mga kawani ng pamahalaan ipagdiriwang ang ‘National

Gov’t Employees Week’IPINAHAHATID ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pamamagitan ng Samahan ng mga Empleyado sa Tanggapang Pampahayagan ang pagbati sa Philippine Government Employees Association (PGEA) sa kanilang ika-71 anibersaryo, gayundin sa National Convention of Government Employees Working Council (NCGEWC) na nagdaos naman ng kanilang ika-20 anibersaryo.

Ang mga nabanggit na okasyon ay kasabay rin ng pagdiriwang ng National Government Employees Week.

Batay sa Proklamasyon bilang 1130, s. 1997, ang unang linggo ng Disyembre ng bawat taon ay idinideklara bilang National Government Employees Week.

Ang tema sa taong ito ay: “Kawani: Kaagapay at Lakas ng Pamahalaan Tungo sa Kasarinlan at Kaunlaran” na nagbubuklod sa hangarin ng mga kawani ng gobyerno na makatulong sa layunin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mapatibay at matiyak ang pagiging bukas at maayos na pamamahala sa gobyerno.

Ngayong taon ay tututukan ng pagdiriwang ang sumusunod na agenda:

• Public Worker’s Rights and and Obligations;• Benefits/Salaries, Welfare, Social Protection, Housing, Health and Safety Programs;• Fighting Corruption and Promotion of Quality Public Service and Good Governance;• Advocacy against Contractualization in government; and• Economic Empowerment of Public Workers

Pangungunahan ng PGEA ang selebrasyon na ito na hihikayat sa lahat ng mga pampublikong manggagawa na makiisa sa iba’t ibang aktibidad sa gaganapin na Government Employees Week. Ayon sa pangulo ng PGEA na si Esperanza S. Ocampo, “If united can be more effective and will truly serve as the backbone of the government. We want a government and public workers that we can be proud of and fulfil our mission to provide genuine quality public service.”

Page 5: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

SETYEMBRE 1-15, 2016

8 9Balita BalitaVolume 1 Issue Number 4 Volume 1 Issue Number 4

BENJIE REDONDO FELIPEEditor-in-Chief

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Office

at may tanggapan sa: 3rd Floor, Philippine Information Agency,

Visayas Avenue, Diliman, Quezon CityAng lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring

gamitin ng sinuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Ang MULA SA MASA PARA SA MASA ay libreng ipinamamahagi ng Presidential Communications Office. May karampatang

parusa sa sinuman na mahuhuling nagbebenta ng anumang bahagi, kopya/mga kopya nito.

Sa mga nais makipag-ugnayan sa aming patnugutan, Tumawag lang sa telephone number: (02) 9204336

E-mail: [email protected]: Mula sa Masa Para sa Masa

Printing: GEORGE APACIBLEDistribution: Philippine Information Agency

HAROLD CLAVITE - Director GeneralANGELO VILLAR - Deputy Director General

Editoryal BalitaSA SARILING AMBAG-AMBAG,

HINDI TAYO BABAGSAK!

“MGA mahal naming kababayan, kaunting paliwanag po: Hindi tayo

humihingi ng foreign assistance o donations mula sa ibang bansa para sa mga nasalanta ng ‘Karen’ o ‘Lawin’ dahil nakitang may sapat na pondo ang gobyerno at ang mga ahensya nito para saklolohan ang mga mamamayang apektado.

“Dahil walang katiwalian at transparent ang ating ipinatutupad na proseso, kitang-kita na may pondong sapat na magagamit para sa kagyat na pangangailangan. Nagtutulungan ang mga LGUs, members ng private sector, ang taumbayan at ang pambansang gobyerno sa pamumuno ni President Rodrigo Roa Duterte para maibigay ang saklolong tulong para sa ating mga kapatid na nasalanta.

“Pagsisikapan natin na paghusayin at linisin ang sistema ng relief and assistance dustribution NANG WALANG HALONG PULITIKA. Hindi madali ang pagbabago –mahirap at matagal din ito, pero kung di natin sisimulan ngayon, kailan pa?

“Hindi tayo dapat maging palaasa at palahingi sa mga dayuhang gobyerno kung kaya nating tumindig sa sariling mga paa. Kung sama-sama, lahat makakaya!” Ito ang marubdod na pahayag ni DSWD Sec. Judy M. Taguiwalo.

Sa mga Pilipinong likas na may malasakit sa ating bayan, matinding suntok sa puso ang huli niyang pahayag: “Hindi tayo dapat maging palaasa at palahingi sa mga dayuhang gobyerno kung kaya nating tumindig sa sariling paa.”

ANG DI LUMINGON SA PINAGMULAN, MADARAPA SA NILALAKARAN

Dahil sentenaryo na tayong nililinlang ng dayuhang imperyalista, ang henerasyong Filipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging palaasa at palahingi ng buto’t balat

na tira-tirang pagkain ng Amerika, kumbaga.

Kailangang ugatin ang nagdaan para maunawaan ng kasalukuyang henerasyon ang tunay na problemang dulot ng Amerika na si Pangulong Duterte lamang ang may tapang na magbulgar at lumaban.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, madarapa at madarapa sa nilalakaran sapagkat ang nakaraan ang magtuturo sa tamang landas na patutunguhan.

Bagama’t matibay ang pundasyon ng mga pamilya natin sa ating bansa, hindi rin natin lubos na saklaw at makontrol ang ating pamumuhay.

Kaya dapat nating balikan ang kasaysayan para makita natin ang mga kamalian na puwede pang ituwid sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Nasa aklat ni Luis Taruc na “Born of the People” ang sagot at mamarapatin naming pahapyaw na balikan ang kasaysayan ng kanyang itinatag na HukBaLaHap o Hukbong bayan laban sa Hapon.

‘PASISMO’ ANG PUNO’T DULO NG LAHAT NG GIYERA

Sinabi ni Luis na sa kanyang panahon, ang mga tao sa buong mundo ay nagsisimula ng maghimagsik laban sa mga pasista (facist).

Ayon pa sa kanya, ang mga pasista ay hayagang naghahasik ng terorismo at karahasan para pangalagaan ang kanilang kapital.

Kapag malakas na ang puwersa ng nagkakaisang masa, lalo namang nagiging mahigpit ang paggamit nila ng dahas.

Ipinaaaresto at pinatatahimik ang mga tauhan niya noon gamit ang Philippine Constabulary. Ipinakukulong at ipinapapatay sa kapwa Filipino ang mga Filipino na leader ng mga union.

Sa ilalim ng pasismo, bawal ang union bawal ang strike at ang

gusto lang nila ay protektahan ang malaking ganansya ng mga kapitalista at gamitin lang ang mga tao sa paggawa.

At ang pinakakinamumuhian ni Taruc, ang mga pasista ang palaging nagpapasimula ng giyera dahil kumikita sila sa ganito.

Kapag umiiral ang kapitalismo, nahihirapang kumilos ang sosyalismo, kaya magkakampi ang pasista at kapitalista.

Pera ng nabibilang na kapitalista at pasista ang malaking kalaban ng maraming bilang ng sosyalista. Pero sa Pilipinas daw noon ay pinipili ng marami ang makibaka.

HUWAD ANG KALAYAAN NG PILIPINAS

Sa aklat ni Taruc ay malinaw na itinaya ng HukBaLaHap ang kanilang buhay para ipagtanggol ang Fil-Am force.

Bumagsak ang Fil-Am Forces sa Bataan pero hindi natinag ang HukBaLaHap kaya nailigtas nina Taruc ang Pilipinas sa kamay ng mananakop na Japanese Forces.

Nagwagi sila laban sa Hapon pero nang lumaya tayo sa Japanese Imperial Army ay biglang idineklara ng sarili nating pamahalaan na mga bandido ang Huk. Lahat ng lider nila ay minasaker.

Mapalad si Taruc na nabuhay at naikuwento ang katotohanan. Pero dahil umiral ang paghahari ng Amerika sa ating bansa, naitago ang katotohanang ito.

Natakot ang mga pinuno ng ating bayan na labanan ang Amerika. Kaya ang bunga nito ay ang sinasabi ni Sec. Judy na tayo ay “naging palaasa at palahingi” sa mga dayuhang gobyerno kapalit ng huwad na kalayaan ng Pilipinas.

At ngayon, ang tapang at katapatan ni Luis Taruc ay nakikita natin na pinagsisikapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na itatak sa puso’t diwa ng ating panahon.

BUKOD sa Philippine National Police (PNP), kaisa rin ang Department of National Defense (DND) sa pagpapatupad ng layunin ni Pangulong Rodrigo Roa

Duterte na masugpo ang paglaganap ng droga sa bansa. Sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa ilalim ng DND, naatasan ang puwersang militar ng bansa na tumulong sa PNP sa kampanya ng pamahalaan kontra sa bawal na gamot.

PUWERSA LABAN SA DROGAAyon sa pag-aaral na Nationwide Survey on the Nature and

Extent of Drug Abuse in the Philippines Income na isinagawa ng Dangerous Drugs Board (DDB) noong 2015, tinatayang nasa 1.8 milyong Pinoy ang nalululong sa ilegal na droga, o 2.3% ng populasyon na nasa edad 10 hanggang 69.

Hindi biro ang problemang ito kaya ayon sa DND, nakikipagtulungan sila sa PNP, sa pamamagitan ng AFP, sa laban kontra droga. Bilang pagpapatunay ng dedikasyon sa adhikaing ito, lumagda ang AFP ng “Joint Letter of Implementation” para tulungan ang PNP bilang “force multipliers” sa mga operasyon kontra droga at sa mga barangay clearing operations. Ito ay sang-ayon din sa mandato ng AFP sa ating Saligang Batas na makibahagi sa law enforcement operations.

Bahagi rin ang AFP ng Task Force Noah, isang inter-agency task force na binuo para magsagawa ng “intelligence at counter-intelligence operations kasama ang pagkilala, pag-iimbestiga at pag-neutralize sa mga personalidad na sangkot sa paggawa, pagbebenta at pamamahagi ng ilegal na droga. Bukod sa AFP, kabilang din sa Task Force Noah ang PNP,

MILITAR TUTULONG SA KAMPANYA VS. ILLEGAL DRUGS

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng AFP sa mga programa ng kanyang administrasyon upang tuluyang masugpo ang malalang problema ng bansa sa droga.

FAY ZAIRENE MANIAULArt Director

Layout Artists / Cartoonists:

CARLO VALENZUELAVINCE ANDREW ONG

JAY ROME PABLOPATRICIA MARIE DELARA

Photographers

RICO IBARRAHENRY VERIDIANO

Production CoordinatorCEZAR ZEA

JEFFREY CARREONHead Researcher

Researchers:

TONIE CABIGTINGVIRNARD GABISONANGEL SAGALES

Writers/Reporters:

DANI MEI MANUELROSALIE PERIABRASKATHERINA DELGADO

MICH NABREPATRISHA BAGALSO

DEAH RICACHOOperations Officer

JOHARA MALIGANGEditorial Assistant

KC CORDEROManaging Editor

KATE AGNAAdministrative Assistant

Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya.

PAGKUPKOP SA MGA NAIS TALIKURAN ANG ILEGAL NA DROGA

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, "We're shifting very quickly from the national security mode into the public health mode especially regarding drugs.” Kasama sa layunin na ito ang pagpapatayo ng karagdagang rehabilitation centers sa bansa.

Kaisa pa rin ang puwersang militar sa hakbang na ito ng gobyerno. Agaran ang naging pagtugon ng AFP na ialok ang 16 na kampo nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mapagpatayuan ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers (DATRCs), kung alin man sa mga ito ang aprubahan ng Department of Health. Kabilang sa mga kampo na maaaring mapagpatayuan ng rehabilitation centers ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Camp Melchor F. Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela; Camp Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal; Camp Alfredo Santos sa Calauag, Quezon; Camp Macario Peralta sa Jamindan, Capiz; Camp Kibaritan sa Kalilangan, Bukidnon; Camp Robert Edward M. Lucero sa Carmen, North Cotabato; and Camp Paulino Santos sa Alamada, North Cotabato.”

Nasimulan na ang pagpapatayo sa ilan sa mga rehabilitation center sa kampo ng militar. Kabilang dito ang Residential Treatment and Rehabilitation Center (RTRC) sa loob ng 401st Brigade Headquarters sa lalawigan ng Agusan del Sur, na pinasinayaan na kamakailan. Ayon sa DND, tinatayang 60 katao ang maaaring magpa-rehabilitate rito sa pamamahala ng DOH at ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan.

(Dani Mei Manuel)

Page 6: Volume 1 Issue Number 4 Balita 1 - mmpm.newsmmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1... · ang malaking potensyal ng Mindanao lalo na sa sektor ng agrikultura, at ang pagsusumikap

SETYEMBRE 1-15, 2016

10 11Balita BalitaVolume 1 Issue Number 4 Volume 1 Issue Number 4Lathalain Balita

LUMABAS sa survey na kinomisyon ng National Economic Development

Authority (NEDA) at ng Philippine Competition Commission noong 2015 na 79 percent ng mga Filipino ay naghahangad ng “simple and comfortable life” na kanilang inilarawan na may medium-sized na tahanan, may sapat na kita upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan, magkaroon ng isang sasakyan, may kakayahan na pag-aralin sa kolehiyo ang mga anak at makapasyal sa iba’t ibang lugar o makapagbakasyon.

Sa isang statement ng NEDA noong September 2016, inilabas nito ang resulta ng survey tungkol sa “AmBisyon Natin 2040” na nagsasaad ng long-term vision para sa Pilipinas base sa aspirations, values at principles ng mga Filipino.

Sampung libong respondents sa buong bansa—Luzon, Visayas at Mindanao ang tinanong kung ano ang nais nilang makamtan para sa kanilang sarili at para sa bayan sa darating na 2040.

Lumabas sa survey na ang vision ng mga Filipino para sa sarili ay: sa taong 2040, lahat ng Filipino ay magkaroon ng “stable and comfortable lifestyle” at tiyakin na matutugunan ang pang araw-araw na mga pangangailangan at maging ang biglaang pangangailangan; matiyak ang kinabukasan ng mga anak, magkaroon ng sariling tahanan ngunit may kalayaang gawin ang bawat naisin; magkaroon ng malinis, maayos at patas sa lahat na uri ng pamahalaan.

Sa kabilang banda, ang vision ng mga Filipino para sa Pilipinas ay maging isang bansa na kung saan ang mga mamamayan ay malaya mula sa kagutuman at kahirapan, magkaroon ng patas na oportunidad, magkaroon ng pantay at makatarungang lipunan na kung saan ito ay may kaayusan at pagkakaisa. Isang bansang ang buong pamilya ay magkakasamang namumuhay sa isang komunidad na may

Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay

mayabong na kultura at matatag na mga mamamayan.

Sa isang statement ni Socioeconomic Planning Secretary and NEDA Director-General Dr. Ernesto M. Pernia sa 27th Anniversary of the Philippine Legislators Committee on Population and Development sa House of Representatives noong Oktubre 12, 2016, sinabi

niya na, “The President’s [President Rodrigo Roa Duterte] agenda echoes the dreams and aspirations of the people for a ‘Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay’ as expressed in the ‘AmBisyon Natin 2040’, the collective long-term vision of the Filipino people for themselves and the country for the next 25 years.”

Ayon pa kay Pernia, “‘Matatag’ because they live

together with their family and have enough time for them. ‘Maginhawa’ because they are free from hunger and poverty, be able to go where they want to, and they have secure home ownership. ‘Panatag’ because they have enough resources to meet their day to day needs and unexpected expenses, security in their communities, and have a stable income during

retirement.” Noong Oktubre 11, 2016

ay nilagdaan ni Pangulong Duterte sa Malacañang ang Executive Order No. 05, o ang “Approving and adopting the 25-year long term vision entitled ‘AmBisyon Natin 2040’ as guide for development planning.”

Ayon sa NEDA, sa pamamagitan ng series ng nationwide public consultations sa iba’t ibang grupo sa lipunan, sa pamamagitan ng pagpupulong, pakikipag-usap at ng survey, ang ahensya ay nagkaroon ng konklusiyon na ang mga Filipino ay nagnanais para sa kanilang sarili na, “In 2040, we will all enjoy a stable and comfortable lifestyle, secure in the knowledge that we have enough for our daily needs and unexpected expenses, that we can plan and prepare for our own and our children’s future. Our family lives together in a place of our own, and we have the freedom to go where we desire, protected and enabled by a clean, efficient and fair government.”

Ang NEDA ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na naatasan na mamahala upang sugpuin ang kahirapan sa ating bansa.

Ngayong 2016, ang poverty rate ng bansa ay 21.6 percent, at nais ng Duterte administration na sa darating na 2022 ay kanilang maibaba ito sa 13 percent.

“We in NEDA have come up with long term developmental goals that will enable Filipino individuals, communities, and families to attain a ‘Matatag’, ‘Maginhawa’, at ‘Panatag’ na Buhay. These are embodied in four goal statements: 1) That by 2040, the Philippine will be a prosperous, predominantly middle class society where no one is poor; 2) Our people will live long and healthy lives; 3) Our people will be smart and innovative; and 4) Our people will live in a high-trust society,” ayon pa kay Pernia.

(Rosalie Catacutan-Periabras)

‘AMBISYON NATIN 2040’

UMABOT sa P3.35 trillion national budget ang iminungkahi

para sa taong 2017 ng Duterte administration kaya inaasahang darami ang bilang ng mahihirap na senior citizens na makatatanggap ng buwanang pensyon na P500 kada benepisyaryo, o kabuuang 2.8 milyon. Ibinaba rin ang edad na sakop ng benepisyo na mula 77 ay magiging 60 taong gulang.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa ilalim ng proposed General Appropriations Act (GAA) sa susunod na taon, ang social pensions ay ipagkakaloob in cash sa mga mahihirap na seniors edad na 60 taong gulang pataas.

Aniya, "For the elderly seniors, we are increasing the subsidies to them by reducing the qualifying age for receiving subsidies, from 77 years old to 60 years old. That’s why the budget for subsidies for elderly seniors has increased.”

Ang alokasyon naman para sa mga maralitang senior citizens ay naging doble sa ilalim ng 2017 GAA sa mahigit na P17.94 bilyon mula sa P8.71 bilyon ngayong taon dahil sa “transparent at targeted” na tulong na ipagkakaloob ng

gobyerno sa kanila.Kapag napagtibay na

ng Kongreso ang plano sa budget para sa benepisyo na matatanggap ng mga senior citizen, ito ay tataas sa susunod na taon ng P2.8 milyon mula sa kasalukuyang P1.4 milyon.

Ibinahagi ni Sec. Dominguez sa isang konsultasyon na isinagawa ng Department of Finance (DOF) sa mga civil society groups sa Coalition of Services for the Elderly Inc. (COSE) na ang tulong na ibibigay sa mga seniors ay mas kapaki-pakinabang kung gagawing social pensions sa halip na pagkalooban sila ng exemption sa Value Added Tax (VAT) kapag kumakain—na mayayamang seniors lamang ang nakikinabang.

Naisumite na ng DOF ang tax plan sa Kongreso upang hindi lamang sa raw food ito mapunta kung hindi pati na rin sa health na sakop ang gamot at pati na rin ang edukasyon.

Sinabi ni Sec. Dominguez na hindi inaalis ng gobyerno ang benepisyo sa mga senior citizens sa ilalim ng iminungkahing komprehensibong tax reform plan. Ito ay papalitan lamang upang matiyak na talagang sa mahihirap mapupunta ang pinansyal

60 YEARS OLD NA MAHIHIRAP NA SENIOR CITIZENS MAKATATANGGAP

NA NG PENSYON

na tulong na kanilang ipagkakaloob.

Kabilang sa Package One ng tax plan ang cuts in personal income tax (PIT) payments sa mas simple at madaling sistema ng gross income, at ang revenue measures upang mabawasan ang PIT reductions na isinumite sa Kongreso noong Setyembre 2, 2016.

Ibinigay na rin ng DOF ang mungkahi sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act noong Setyembre bilang pakikiisa sa 10-point socio-economic agenda ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Sec. Dominguez, marami ang nasiyahan sa pagrereporma ng tax lalo na ang foreign institutions kabilang na ang embahada ng Spain at China at ilang delegasyon ng European Union sa Pilipinas, ang representante ng World Bank at Japan International Cooperation Agency, pati na rin ang mga nakaraang kalihim at mga lokal na organisasyon kabilang na ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Federation of Philippine Industries, Philippine Exporters Confederation, Management Association of the Philippines, Joint Foreign Chamber of the Philippines, at mga civil society organization.

(DOF/Angel Sagales)

COTOBATO CITY: Mahigit isang dosenang kanang-kamay ni Samad Masgal alias Kumander Madrox, kilalang lider ng armed group na sangkot sa bentahan ng droga ang nahuli ng mga miyembro ng Armed Forces of The Philippines (AFP) 602nd Infantry Brigade. Dinala ang mga nadakip sa Provincial Office ng Cotobato.

Isinagawa ang nasabing operasyon noong ika-5 hanggang 11 ng Oktubre 2016 sa lugar ng Nabalawag, Kapinpilan, at Kadingilan sa Midsayap, North Cotobato. Katulong ng AFP ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) pati na rin ang Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) sa pagbibigay ng tulong sa operasyon dahil isinagawa ito sa lugar kung saan naroroon ang karamihan sa MILF.

“For the past six days, nakita natin ang sigasig ng MILF at saka ng government forces na maipatupad ang kautusan ng ating Presidente na mag-all-out campaign against illegal drugs and criminality,” saad ni Director Carlos T. Sol, Jr., kalihim ng GPH-CCCH at ng AHJAG.

Ang CCCH at AHJAG ay binubuo ng mga miyembro ng GPH at MILF kabilang ang International Monitoring Team (IMT), bilang third party. Ito ay naitatag noong 1997, at nahirang na makipagkoordinasyon sa pagpapatupad ng GPH-MILF Ceasefire Agreement at mga naresolbang hinaing sa ceasefire violation para ang maliliit na hindi pagkakasunduuan ay huwag nang lumala pa. Ang AHJAG naman ay isang mekanismo na nagnanais na ipagbawal ang paglabag sa batas sa komunidad ng MILF. Ito ay unang nabuo noong May 22, 2002 sa pagitan ng GPH at ng MILF sa Cyberjaya, Malasyia.

“Ngayon ay nakikita natin sa harap ang mga taong responsable sa kriminalidad at saka sa proliferation ng

AFP AT MILF SINUSUGPO ANG DRUG TRADE SA MINDANAO

illegal drugs especially shabu doon sa areas of operation,” dagdag ni Sol.

Ang mga nahuling personalidad ay dinala sa Philippine National Police (PNP) bilang saksi ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Region 12 (SOCCSKSARGEN).

Ang magkaparehong operasyon ay isinagawa ng AFP at MILF noong nakaraang Agosto laban sa grupo ni Commander Madrox na nagresulta sa pagkamatay ng apat nitong tagasunod habang tatlo naman sa Philippine Army ang napatay sa sagupaan.

“The fight against illegal drugs transcends all affiliations and it even unites people with diverse backgrounds... Ngayon po kami ay natutuwa dahil ang pagsasama-sama ng mga puwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at ang pagsanib na rin ng MILF sa ating hanay na mga lumalaban sa illegal na droga ay naisakatuparan,” ayon naman kay PDEA-12 Regional Director Lyndon B. Aspacio.

Noong July 12, 2016, ang gobyerno at ang MILF kaisa ang CCCH at AHJAG ay pumirma ng kasunduan sa kooperasyon at koordinasyon sa kampanya laban sa ilegal na droga sa mga lugar na control ng MILF.

Isinaad naman ni AFP 6th Infantry Division Commander Major General Carlito Galvez, Jr. na ang matagumpay na operasyon ng pagpapatupad ng batas ay nagsisilbi bilang pundasyon ng hinahangad na panghabambuhay na kapayapaan sa Moro rebel groups.

Aniya, “Let us guard the opportunities that we have at hand; and maybe, if we can continuously work with the same enthusiasm and commitment, we can finally put an end to the decades—or centuries-long conflicts—that have been happening. Now is the time for us to unite and fight together this drug problem.

(OPAPP/ Angel Sagales)

Finance Secretary Carlos Dominguez