Top Banner
Update ng Lehislatibo sa 2017 1| Hustisya sa Manggagawa at Ekonomiya 2| Hustisyang Pangkapaligiran 3| Hustisyang Pampabalik 4| Hustisya sa Pabahay 5| Hustisya sa Imigrante Tungkol sa Local 2015 Bilang isang unyong may higit sa 325,000 na matagal na mga manggagawa sa pangangalaga sa buong California, sinasamantala namin ang bawat pagkakataon na magagamit namin upang maisulong ang aming Adyenda sa Hustisya. Pinagsasama namin ang iba pang mga tagabigay ng pangangalaga at ang aming mga komunidad upang suportahan ang aming mga isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga tagapag-alagang di kasapi ng unyon, gamit ang aming pakikipagtawaran sa kontrata upang pataasin ang mga pamantayan, maghalal ng mga pulitiko na magpapakita ng aming mga pinahahalagahan at kumilos sa aming mga isyu at sa pamamagitan ng proseso ng lehislatibo at badyet ng estado kung saan ginagawa ang mga desisyon sa kung paano gugulin ng estado ang mga mapagkukunan nito. Nasa ibaba ang isang buod ng mga tagumpay sa Lehislatibo, na inorganisa ng mga haligi ng aming Adyenda sa Hustisya , na kung saan ang mga miyembro ng Local 2015 ay nagtrabaho upang makamit sa 2017 na Sesyon ng Lehislatibo. Hustisya sa Manggagawa at Ekonomiya: Assembly Bill 432 (Thurmond): Mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga Ang panukalang ito ay naghahatid ng pagkakapantay-pantay sa mga tagapagtustos na Mga Serbisyong Suporta sa Loob ng Tahanan (In-Home Supportive Services, IHSS) at Mga Serbisyong Pagpapaubaya sa Personal na Pangangalaga (Waiver Personal Care Services, WPCS) sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang tagapag-empleyo ng talaan (employer of record, EOR) para sa mga tagapagtustos ng WPCS. Katulad ng IHSS, tinutulungan ng mga tagapagtustos ng WPCS ang mga tumatanggap ng Medi-Cal na may malalaking kapansanan na manatiling ligtas sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo sa paliligo, paghahanda ng pagkain, at iba pang mga pangangalagang personal. Subalit, ang mga manggagawa na nagbibigay lamang ng mga serbisyo ng WPCS ay hindi binibigyan ng parehong mga karapatan at benepisyo tulad ng kanilang mga kapatid na nagbibigay ng mga serbisyo ng IHSS - mga benepisyo tulad ng resolusyon ng mga karaingan at karapatan sa kabayaran ng manggagawa. Ang mga tagapagtustos ng WPCS ay gumagawa ng parehong gawain ng mga tagapagtustos ng IHSS, ngunit ang mga tagapagtustos ng IHSS ay may isang malinaw na EOR at ang karapatang sumali sa isang unyon, parehong wala nito ang mga tagapagtustos ng WPCS. Walang anuman sa batas na ito na babawasan o papanghinain ang mga karapatan ng mga mamimili na magpatuloy sa pagkuha, pagtanggal, at pangangasiwa sa kanilang mga napiling tagapagtustos. Ang ginagawa ng batas na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga tagapagkaloob ng WPCS upang pag-isahin ang kanilang mga tinig bilang bahagi ng isang unyon at makibaka para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mamimili. Katayuan: Ang batas na ito ay dumaan sa buong prosesong Lehislatibo na may buo at bipartisan na suporta at ngayon ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017. Assembly Bill 1513 (Kalra): Rehistro sa Batas na Pumoprotekta sa Mga Mamimili ng Mga Serbisyong Pangangalaga sa Tahanan
3

Update ng Lehislatibo sa 2017 - SEIU · Pinipigilan ng batas na ito ang Tagapagpatupad ng Adwana sa Imigrasyon (Immigration Customs Enforcement, ICE) mula sa paglabag sa angkop na

Aug 29, 2019

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Update ng Lehislatibo sa 2017 - SEIU · Pinipigilan ng batas na ito ang Tagapagpatupad ng Adwana sa Imigrasyon (Immigration Customs Enforcement, ICE) mula sa paglabag sa angkop na

Update ng Lehislatibo sa 2017

1| Hustisya sa Manggagawa at Ekonomiya 2| Hustisyang Pangkapaligiran 3| Hustisyang Pampabalik 4| Hustisya sa Pabahay 5| Hustisya sa Imigrante Tungkol sa Local 2015 Bilang isang unyong may higit sa 325,000 na matagal na mga manggagawa sa pangangalaga sa buong California, sinasamantala namin ang bawat pagkakataon na magagamit namin upang maisulong ang aming Adyenda sa Hustisya. Pinagsasama namin ang iba pang mga tagabigay ng pangangalaga at ang aming mga komunidad upang suportahan ang aming mga isyu sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga tagapag-alagang di kasapi ng unyon, gamit ang aming pakikipagtawaran sa kontrata upang pataasin ang mga pamantayan, maghalal ng mga pulitiko na magpapakita ng aming mga pinahahalagahan at kumilos sa aming mga isyu at sa pamamagitan ng proseso ng lehislatibo at badyet ng estado kung saan ginagawa ang mga desisyon sa kung paano gugulin ng estado ang mga mapagkukunan nito. Nasa ibaba ang isang buod ng mga tagumpay sa Lehislatibo, na inorganisa ng mga haligi ng aming Adyenda sa Hustisya , na kung saan ang mga miyembro ng Local 2015 ay nagtrabaho upang makamit sa 2017 na Sesyon ng Lehislatibo. Hustisya sa Manggagawa at Ekonomiya: Assembly Bill 432 (Thurmond): Mga Serbisyo sa Personal na Pangangalaga Ang panukalang ito ay naghahatid ng pagkakapantay-pantay sa mga tagapagtustos na Mga Serbisyong Suporta sa Loob ng Tahanan (In-Home Supportive Services, IHSS) at Mga Serbisyong Pagpapaubaya sa Personal na Pangangalaga (Waiver Personal Care Services, WPCS) sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang tagapag-empleyo ng talaan (employer of record, EOR) para sa mga tagapagtustos ng WPCS. Katulad ng IHSS, tinutulungan ng mga tagapagtustos ng WPCS ang mga tumatanggap ng Medi-Cal na may malalaking kapansanan na manatiling ligtas sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo sa paliligo, paghahanda ng pagkain, at iba pang mga pangangalagang personal. Subalit, ang mga manggagawa na nagbibigay lamang ng mga serbisyo ng WPCS ay hindi binibigyan ng parehong mga karapatan at benepisyo tulad ng kanilang mga kapatid na nagbibigay ng mga serbisyo ng IHSS - mga benepisyo tulad ng resolusyon ng mga karaingan at karapatan sa kabayaran ng manggagawa. Ang mga tagapagtustos ng WPCS ay gumagawa ng parehong gawain ng mga tagapagtustos ng IHSS, ngunit ang mga tagapagtustos ng IHSS ay may isang malinaw na EOR at ang karapatang sumali sa isang unyon, parehong wala nito ang mga tagapagtustos ng WPCS. Walang anuman sa batas na ito na babawasan o papanghinain ang mga karapatan ng mga mamimili na magpatuloy sa pagkuha, pagtanggal, at pangangasiwa sa kanilang mga napiling tagapagtustos. Ang ginagawa ng batas na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga tagapagkaloob ng WPCS upang pag-isahin ang kanilang mga tinig bilang bahagi ng isang unyon at makibaka para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mamimili. Katayuan: Ang batas na ito ay dumaan sa buong prosesong Lehislatibo na may buo at bipartisan na suporta at ngayon ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017. Assembly Bill 1513 (Kalra): Rehistro sa Batas na Pumoprotekta sa Mga Mamimili ng Mga Serbisyong Pangangalaga sa Tahanan

Page 2: Update ng Lehislatibo sa 2017 - SEIU · Pinipigilan ng batas na ito ang Tagapagpatupad ng Adwana sa Imigrasyon (Immigration Customs Enforcement, ICE) mula sa paglabag sa angkop na

Pahihintulutan ng batas na ito ang Kagawaran ng Mga Serbisyong Panlipunan ng California (California Department of Social Services, DSS) na bigyan ang unyon ng isang pampublikong tala ng lahat ng nakarehistrong pribadong bayarang taga-alalay sa pangangalaga sa tahanan (home care aides), na sumang-ayon na ibahagi ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Ang nakatatandang populasyon ng California (mga nasa edad na 65 taong gulang o mas matanda) ay inaasahang tumaas mula sa 5 na milyon noong 2015 hanggang sa halos 12 na milyon sa 2060. Ang California ay makakaranas ng mga natatanging hamon at oportunidad dahil sa malakihang paglilipat sa populasyon ng mga taong nangangailangan ng pangmatagalang serbisyo at suporta (long-term services and supports, LTSS) upang manatiling aktibo sa kanilang mga tahanan at komunidad. Kung walang tunay na paraan para sa mga organisasyon ng manggagawa na abutin ang mga pribadong taga-alalay sa pangangalaga sa tahanan upang mag-alok ng mga propesyonal na serbisyo sa pagpapaunlad at proteksyon sa mga manggagawa, ang paglago ng isang sinanay at sapat na pangmatagalang puwersa ng mga manggagawa sa pangangalaga ay maaaring mapigilan at ang lumalaking populasyon ng mga nakatatanda at taong may mga kapansanan ay maaaring maapektuhan nang negatibo. Pahihintulutan ng batas na ito ang mga organisasyon ng paggawa na nagbibigay ng representasyon tungkol sa pag-access sa pagsasanay, mga karaingan, mga pagtatalo sa trabaho, sahod, mga rate ng suweldo, mga oras ng trabaho, o mga kondisyon ng trabaho sa mga taga-alalay sa pangangalaga sa tahanan upang mas mahusay na paglingkuran ang lumalaking tumatandang populasyon sa ating estado. Katayuan: Ang batas na ito ay ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017.

Hustisyang Pampabalik:

Senate Bill 180 (Mitchell): Batas na Nagpapawalang-bisa sa Hindi Epektibong Pagpapahusay sa Pagsisintensya (Repeal Ineffective Sentencing Enhancement, RISE)

Tinatanggal ng batas na ito ang mga pagpapahusay na nagdaragdag ng karagdagang tatlong-taong mga termino ng pagkabilanggo para sa bawat naunang hatol ng mga walang dahas na pagkakasala sa droga. Ang mga pagpapahusay sa sentensya ay hindi epektibo sa pagpapababa o pagpigil sa abilidad na makakuha o gumamit ng mga droga. Sa halip, ang mga pamilya, mga komunidad na may mababang kita, at mga komunidad ng kulay ay nakakulong nang walang proporsyon at apektado ng mga pagpapahusay sa sentensya. Ang mga indibidwal ay nagdurusa sa matagal na pagkabilanggo at isang habang-buhay na hadlang sa trabaho, edukasyon, at mga benepisyo sa pabahay dahil sa mga menor na krimen. Ipinakikita ng pananaliksik na ang programming batay sa komunidad tulad ng paggamot sa pagkalulong sa droga, trabaho, at pabahay na nakabatay sa komunidad para sa mga taong may mga naunang pagkakasala, bukod sa iba pa ay binawasan ang paglahok sa mga droga.

Katayuan: Ang batas na ito ay ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017.

Hustisya sa Pabahay:

Senate Bill 2 (Atkins): Batas sa Paggawa ng mga Tahanan at Trabaho.

Ang batas na ito ay nagtatatag ng isang permanenteng pagkukunan ng pondo para sa abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng isang $75 na bayarin sa mga dokumento sa transaksyon sa real estate. Ang California ay humaharap sa isang krisis sa abot-kayang pabahay. Ang mga taga-California na may katamtamang kita at mababang kita ay nagsusumikap upang bayaran ang pabahay sa kanilang lokal na komunidad at ang ating estado ay nawawalan ng daan-daang bilyong dolyar bawat taon dahil sa kakulangan sa pabahay. Ang bayarin ay naka-cap sa $225 base sa bawat parsela, sa bawat transaksyon at hindi kasama ang komersyal at tirahan na real estate. Ang batas na ito ay lilikha ng daan-daang milyong dolyar taun-taon para sa abot-kayang pabahay, na gagawa ng humigit-kumulang na $1.2 na bilyon sa unang limang taon na may karagdagang $4.6 na bilyon mula sa mga pederal, lokal, at pribadong institusyon. Ang mga pondong ito ay magbibigay ng higit sa 20,000 na mga bago at rehabilitadong mga yunit ng pabahay, halos $10 na bilyon sa pangkalahatang aktibidad sa ekonomiya sa estado, 57,000 na bagong mga trabaho sa konstruksyon, at daan-daang milyong dolyar na mga buwis sa lokal at estado, bukod sa iba pa.

Katayuan: Ang batas na ito ay ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017.

Hustisya sa Imigrante:

Assembly Bill 450 (Chiu): Batas na Pumoprotekta sa Mangagawang Imigrante

Page 3: Update ng Lehislatibo sa 2017 - SEIU · Pinipigilan ng batas na ito ang Tagapagpatupad ng Adwana sa Imigrasyon (Immigration Customs Enforcement, ICE) mula sa paglabag sa angkop na

Pinipigilan ng batas na ito ang Tagapagpatupad ng Adwana sa Imigrasyon (Immigration Customs Enforcement, ICE) mula sa paglabag sa angkop na proseso, paggawa, at mga karapatan sa pagkapribado ng mga manggagawang taga-California sa panahon ng isang pagsalakay sa lugar-trabaho. Higit sa 2.6 na milyong di-dokumentadong mga imigrante ang naninirahan sa California - nangangahulugan ito na halos 1 sa bawat 10 na manggagawa sa California ay di-dokumento. Higit na mahalaga, kapag ang ICE ay kumilos sa impormasyong ibinigay ng mga tiwaling tagapag-empleyo na naghahangad na takutin ang mga manggagawa, ang gobyerno ay nagiging kasabwat sa paglabag sa mga karapatan sa paggawa ng manggagawa. Pinangangalagaan ng batas na ito ang mga manggagawa sa lugar-trabaho sa pamamagitan ng 1) pagtatag na ang mga tagapag-empleyo ay maaari lamang payagan ang pag-akses sa lugar-trabaho kapag mayroon silang isang panghukumang warrant; 2) pagpigil sa mga tagapag-empleyo na ibahagi ang kumpidensyal na impormasyon ng empleyado nang walang isang panghukumang warrant o subpoena; 3) nangangailangan sa mga tagapag-empleyo na ipaalam sa kanilang mga empleyado ang tungkol sa isang I-9 auditbago ang inspeksyon at pagkatapos ay ang mga resulta ng pag-audit, at 4) nagbabawal sa mga tagapag-empleyo mula sa muling pagberipika ng awtorisasyon sa trabaho maliban kung inuutos ng pederal na batas.

Katayuan: Ang batas na ito ay ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017.

Senate Bill 54 (De Leon):

Ang batas na ito, ang Batas sa Mga Halaga ng California (California Values Act) na kilala rin bilang batas "Sanctuary State" - ay magbibigay ng mahahalagang pananggalang upang matiyak na ang mga pulisya, paaralan, mga pasilidad ng kalusugan, at mga hukuman ay mananatiling naa-akses ng lahat ng taga-California at na ang limitadong mga mapagkukunan ng ating estado ay hindi inililihis sa mga gawi na nagpapahina sa kaligtasan ng publiko. Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 65-75% ng lahat ng deportasyon sa buong bansa ang resulta ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at Immigration and Customs Enforcement (ICE) o Customs and Border Protection (CBP). Ang pakikipagtulungang ito ay nagdudulot ng malawak na takot sa mga komunidad ng mga imigrante at nagbabanta sa pagtitiwala sa pagitan ng estado at lokal na tagapagpatupad ng batas at sa mga mamamayan na kanilang sinumpaang protektahan. Ang batas na ito ay naghahanap ng balanse sa pagprotekta sa mga mahihinang komunidad ng mga imigrante at ang higit na pampublikong kaligatasan ng lahat ng mga taga-California sa pamamagitan ng 1) pagbabawal sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas mula sa paggamit ng mga mapagkukunan upang siyasatin, tanungin, idetine, tuklasin, o arestuhin ang mga tao para sa mga layuning pagpapatupad ng imigrasyon; 2) ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas ay kinakailangang mag-ulat sa Abugado Heneral ng bilang ng mga paglipat at uri ng mga pagkakasala kung saan naganap ang paglipat; 3) pahintulutan ang tagapagpatupad ng batas na ipaalam sa mga awtoridad ng imigrasyon ang tungkol sa mga indibidwal na may ilang mga pagkakasala sa kanilang mga kriminal na tala at ipinagbabawal na "hawakan" pagdetine sa isang tao na lampas sa kaniyang petsa ng paglabas; 4) Ang lokal na tagapagpatupad ng batas ay patuloy na makakalahok sa mga taskforce na multi-agency, para sa mga layunin ng pagsisiyasat ng human trafficking, cybersecurity, at trafficking ng droga, hangga't ang pagpapatupad ng imigrasyon ay hindi ang pangunahing layunin ng taskforce; at 5) ang panukalang batas na ito ay lumilikha ng "mga ligtas na zone" kung saan ang Abugado Heneral ay kailangang maglathala ng mga modelong patakaran na naglilimita sa pagpapatupad ng imigrasyon sa mga pampublikong paaralan, mga pasilidad sa kalusugan, korte, at iba pang mga tagapagbigay ng serbisyo. Ang batas na ito ay nagtatatag ng pinakamalakas na polisiya ng estado sa bansa para sa pagsasaayos ng mga paghawak at paglilipat ng Immigration Customs Enforcement (ICE).

Katayuan: Ang batas na ito ay ay nakabinbing lagdaan o i-beto ni Gobernador Brown nang hindi lalampas sa ika-15 ng Oktubre, 2017