Top Banner
Arts Unang Markahan – Modyul 3: Paglinang sa Tekstura ng Larawan 3
19

Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

Jan 20, 2021

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

Arts

Unang Markahan – Modyul 3:

Paglinang sa Tekstura ng Larawan

3

Page 2: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

Arts – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Paglinang sa Tekstura ng Larawan

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

E-mail Address: [email protected] * [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: John Bill B. Juen

Editor: Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo, Arcel Gacasan

Tagasuri: Romulo A. Eliseo, Gloria C. Sabanal, Patrick John P. Peresores

Tagaguhit: John Bill B. Juen

Tagalapat: John Bill B. Juen, Christopher Gonzales

Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario

Janette G. Veloso Janwario E. Yamota

Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar

Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto

Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Page 3: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

3

Arts Unang Markahan – Modyul 3:

Paglinang sa Tekstura ng Larawan

Page 4: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa

araling Paglinang sa Tekstura ng Larawan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong

institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na

ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang

mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts sa Ikatlong

Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) modyul ukol sa

Paglinang sa Tekstura ng Larawan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo

ang mga dapat mong matutuhan

sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-

aral upang matulungan kang

maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong

aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas

na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Page 6: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

iv

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang

maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para

sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay

ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga

katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata

upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong

matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Page 7: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa

iyong panibagong gawain upang

pagyamanin ang iyong kaalaman

o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang

sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay

nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging

itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka

ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Page 9: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa mga batang

nasa ikatlong baitang. Ito ay magbibigay tulong sa iyo para

madaling matutunan ang paglinang sa tekstura ng larawan

gamit ang linya, tuldok at kulay.

Sa modyul na ito, ika'y mapapatnubayan sa pamamagitan

ng mga angkop na mga gawain upang epektibong maipamalas

ang likhang sining gamit ang mga kasanayan sa paggamit ng

linya, tuldok at kulay.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang tekstura ng larawan gamit ang mga

elementong linya, tuldok at kulay ;

2. nakaguguhit ng mga larawan gamit ang mga kasanayan sa

paglinang sa tekstura ng larawan ; at

3. napahahalagahan ang mga kasanayan sa paggamit ng

linya, tuldok at kulay sa paggawa ng larawan (A3PL-Ic).

Page 10: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

2

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.

1. Ang visual texture ay tumutukoy sa _______________.

a. pang-ibabaw na kaanyuan ng isang larawan

b. paggupit-gupit ng papel para makabuo ng origami

c. paggawa ng sock puppet

d. pagguhit ng color wheel

2. Ano-ano ang mga elemento na napabilang sa visual

texture?

a. tint, shade at contrast

b. primary, secondary at tertiary colors

c. linya, tuldok at kulay

d. tunay at artipisyal na sining

3. Anong uri ng disenyo ang makikita sa larawang banga?

a. cross hatching

b. hatching

c. pointillism

d. color blending

4. Ang masining na pag-ekis-ekis nang patayo at pahalang na

mga linya sa paggayak sa larawan ay tinatawag na _______.

a. crosshatching c. pointillism

b. hatching d. color blending

5. Alin sa mga sumusunod ang may disenyong pointillism?

a. c.

b. d.

Page 11: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

3

Aralin

1

Paglinang sa Tekstura ng

Larawan

Gawin nating mas malikhain ang iginuhit na larawan sa

pamamagitan ng paglinang sa tekstura nito. Maaari nating pag-

ibayuhin ang kasanayan sa paggamit ng linya, tuldok at kulay

para makamit ito.

Panuto: Gamit ang bond paper, iguhit muli ang dalawang

larawan na nagpapamalas ng ilusyong espasyo. Gamitin ang

talaan ng rubrik para masukat ang kaangkupan sa ginawang

obra.

1. 2.

Pamantayan

Puntos

3

Masining na

naipamalas

2

Naipamalas

1

Hindi

naipamalas

1. Naipapakita ang

ilusyon sa espasyo.

2. Kahusayan sa pagguhit

3. Kalinisan sa ginawang

obra.

Balikan

Page 12: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

4

Magdisenyo tayo! Panuto:

1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan:

bond paper, lapis at pangkulay (krayola o oil pastel)

2. Gamit ang lapis, kopyahin ang larawang banga sa iyong

bond paper.

3. Palamutian sa kanang bahagi ng iginuhit na larawan nang

patayo at pahalang na mga linya para makabuo ng pakrus

na disenyo.

4. Obserbahan ang ginawang larawan.

5. Gumuhit uli ng larawang banga at igayak naman ang mga

tulduk-tuldok na hugis sa may kanang bahagi ng banga.

6. Sa ikatlong gawain, gamit ang mga krayola o oil pastel,

kulayan ng dilaw ang bahaging A sa larawan, dalandan sa

B, at pula sa C.

A

B

C

7. Punahin ang mga pagbabago ng tatlong likhang sining.

Tuklasin

Page 13: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

5

Suriin

Mayroong iba’t ibang paraan para lalong pagandahin ang

paglikha ng isang larawan. Epektibong nahuhubog ang

paggayak sa larawan sa pamamagitan ng mga kasanayan sa

pagguhit at pagkulay.

Nakapagbibigay ng mas makatotohanang anyo sa larawan

ang paglinang sa visual texture. Ang tekstura ng larawan ay

tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan na nagpapamalas ng

kapal o nipis ng anyo sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.

Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit

ng linya, tuldok at mga kulay.

Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na

mga linya sa paggayak ng

crosshatching. Kapag magkalapit at

makapal ang ginawang shading, ay

mas mabigat na tekstura ang

naipapamalas.

Ginagamitan ng mga tuldok ang

pagdisenyo sa larawan sa paraang pointillism. Kapag mas

marami ang dami ng tuldok, ay

nakapagbibigay ng makapal

na tekstura. Manipis naman

kapag madalang ang dami ng

tuldok.

Nabibigyan naman ng makatotohanang kaanyuan ang

larawan kapag ginamitan ng angkop na mga kulay.

Naipapamalas ang kahusayan sa

pagguhit sa pamamagitan ng masining

na paghalo ng kulay o color blending.

Page 14: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

6

Gawain: Landscape Artwork

Mga gamit na dapat ihanda:

* bond paper * lapis o pen * krayola o oil pastel

Panuto sa Paggawa:

1. Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong

bond paper.

2. Gamit ang kasanayan sa

tekstura, disenyuhan ng

crosshatching ang unang

larawan.

3. Igayak ang paraang pointillism sa ikalawang larawan.

4. Idibuho naman sa ikatlong larawan ang mga angkop na

kulay mula sa krayola o oil pastel.

5. Gamitin ang talaan ng rubrik para masukat ang

kaangkupan sa ginawang obra.

Pamantayan

Puntos

3

Masining na

naipamalas

2

Nasunod

ang

hakbang

1

Kailangan pa

ng

paggabay

1. Kahusayan sa pagkopya

ng larawan

2. Naipapakita ang tekstura

ng larawan

3. Kalinisan sa ginawang

obra

4. Natapos ang gawain sa

takdang oras

Pagyamanin

Page 15: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

7

1. Ang visual texture ay tumutukoy sa pang-ibabaw na

kaanyuan ng larawan na nagpapamalas ng kapal o nipis

sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito.

2. Ang tekstura ng larawan ay maaaring linangin sa paggamit

ng linya, tuldok at mga kulay.

3. Masining na pinag-ekis-ekis ang patayo at pahalang na

mga linya sa paggayak ng crosshatching.

4. Ginagamitan ng mga tuldok ang pagdisenyo sa larawan sa

paraang pointillism.

5. Naipapamalas ang kahusayan sa pagguhit sa

pamamagitan nang paghalo ng kulay o color blending.

Isaisip

Page 16: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

8

Still Life: Cup and Saucer

1. Ihanda ang sumusunod na kagamitan:

bond paper, lapis, pen at

krayola o oil pastel

2. Pag-aralan ang larawang

“Cup and Saucer”.

3. Kopyahin ang larawan sa bond paper.

4. Masining na igayak ang crosshatching at pointillism sa

dibuho ng baso at platito.

5. Pumili ng akmang kulay (krayola o oil pastel) at kulayan ang

background (likurang bahagi) at foreground

(ibabang bahagi).

6. Gamitin ang talaan ng rubrik sa susunod na pahina para

masukat ang kaangkupan sa ginawang obra.

Pamantayan

Puntos

3

Masining na

naipapamalas

2

Nasusunod

ang

hakbang

1

Kailangan

pa ng

paggabay

1. Kahusayan sa

pagkopya ng larawan

2. Naggagamit ng ay

kahusayan ang mga

elemento ng tekstura

ng larawan

3. Kalinisan sa ginawang

sining

4. Natapos ang gawain

sa takdang oras

Isagawa

Page 17: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

9

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong

sagutang papel

1. Ang larawan na nasa itaas ay nagpapakita ng kaugaliang

Pilipino na ____________.

a. Clean and Green c. Piyesta sa Bayan

b. Bayanihan d. Brigada Eskwela

2. Batay sa larawan na nasa itaas, ano-anong mga elemento

ng visual texture ang nakikita?

a. tint, shade at contrast

b. primary, secondary at tertiary colors

c. linya, tuldok at kulay

d. parisukat, tatsulok at bilog

3. Ito ay tumutukoy sa pang-ibabaw na kaanyuan ng larawan

na nagpapamalas ng kapal o nipis sa pamamagitan

lamang ng pagtingin dito.

a. logo c. landscape painting

b. visual texture d. variation

4. Anong uri ng disenyo ang makikita sa larawang banga?

a. cross hatching

b. hatching

c. pointillism

d. tint

5. Mas mabigat na tekstura ang nakikita kapag ang mga linya

ay ____.

a. dikit-dikit at makapal c. malayo sa isa’t isa

b. manipis at madalang d. pahilis at pakurba

Tayahin

Page 18: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

10

1. Maghanda ng bond paper, lapis, pen at mga pangkulay.

2. Lumabas ka sa inyong bahay at magmasid sa paligid.

3. Pumili ng naaangkop na tanawin at iguhit.

4. Masining na igayak ang visual texture sa pamamagitan

ng crosshatching, pointillism at color blending sa dibuho.

5. Gawan ito ng pamagat.

6. Pagkatapos gawin, ipakita sa iyong mga magulang o

nakatatanda na maaari mong hingian ng puna sa ginawa.

7. Gamiting muli ang rubrik sa Isagawa sa pagsukat ng

puntos.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

MAPEH 3, Gabay ng Guro pp. 137-139

Subukin

1.A

2.C

3.D

4.A

5.C

Tayahin

1.B

2.C

3.B

4.C

5.A

Karagdagang Gawain

Page 19: Unang Markahan Modyul 3...Kopyahin ang larawan ng Bulkang Mayon sa tatlong bond paper. 2. Gamit ang kasanayan sa tekstura, disenyuhan ng crosshatching ang unang larawan. 3. Igayak

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]