Top Banner
UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA LAHAT MGA TULA HINDI LUKSANG PARANGAL
34

UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Aug 29, 2019

Download

Documents

lybao
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT

HIGIT SA LAHAT MGA TULA

HINDI LUKSANG PARANGAL

Page 2: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Kay Gelacio ―Chong Gelas‖ Guillermo ko

unang natutunan ang pagbibigay ng mga

libreng materyal. Isang gabi, sa solidarity

night ng Kilometer 64 Poetry Collective,

dumating si Chong Gelas at nagpamudmod

ng mga libreng babasahin.

Ilang taon ko ring inalagaan sa isip ko ang

proyektong ito hanggang sa makarating sa

53rd UP National Writers Workshop (2014).

Kung nagawa ni Chong Gelas, bakit hindi ko

pangarapin? —Isang poetry book na hindi

lang hindi inilimbag ng mainstream

publishing house; hindi lang indie, DIY, o

zine; hindi lang hindi tinubuan, kundi hindi

talaga prinesyuhan.

Karamihan sa mga tula sa kalipunang ito ay

lumabas sa bulatlat.com, Pinoy Weekly,

Biyahe 2013 ng Educators Gazette (Tarlac

State University), Maita: Remembering Ka

Dolor, at mga chapbook ng Kilometer 64.

Makarating sana ang mga tulang ito sa

maraming sulok ng Pilipinas.

- MARK ANGELES

Page 3: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

UGAYYAM NI RAFAEL MARKUS BANGIT

Masdan ang mga kiling:

kumakandi-kandirit

sa sibulan ng palay,

pinong siyap ay awit.

Bunton ng mga ulap

ay nagbibigay-lilim

sa mga kabataang

bumababa sa payew.

Tila bunga ng bundok

ang hilera ng fale:

namugad sa dalislis

at langit ang haligi.

Umaamo sa lambing

ng himig ng saggeypo

ang ulang dumidilig

sa liblib ng kakkaju.

Masdan ang ilog Chico:

mutya ni Macli‘ng Dulag;

sinaluyan ng dugo

ng ating mga pangat.

Nagngangangang babbaket,

nangangasong lallakay,

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 4: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ipagpugot ng ulo

minanang matagu-an.

Isanggalang ang tribo

sa mga mandaragit.

May alay mang allasiw,

bodong ay ipagkait.

Katawan kong marupok

inarok man ng bala,

hindi mapatitimpi

ayyeng ng kaluluwa.

Sa larang ay itapis

hinabi kong ugayyam.

―Agbiag ti umili!‖

ang ating salidummay!

Talababa:

ugayyam – balada; kiling – ibong naghuhudyat

ng panahon ng pagtatanim; payew (pappayew o

payaw) – hagdang palayan; fale – bahay;

saggeypo – instrumentong pangmusika na

hinihipan; kakkaju – kakahuyan; pangat – pinuno

ng tribo; babbaket – mga matatandang

kababaihan; lallakay – mga matatandang

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 5: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

kalalakihan; matagu-an – biyaya ng buhay;

allasiw – handog; bodong – kasunduang

pangkapayapaan; ayyeng – chant; Agbiag ti

umili! – Mabuhay ang taumbayan! salidummay –

awit Kalinga.

(Para kay Rafael Markus Bangit, isang pangat ng

Kalinga at dating regional coordinator ng

Cordillera Peoples Alliance - Elders Desk at ng

Bodong Peoples Organization. Noong Hunyo 8,

2006, pinagbabaril siya sa San Isidro, Echague,

Isabela ng pinaghihinalaang death squad ng

militar.)

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 6: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

FACT FINDING: PANTABANGAN

Ipinipilit ng 48th Infantry Battalion

pugad ng NPA ang Barangay Conversion.

Hindi mga isda ang kanilang pinaahon

sa pampang ng Pantabangan

matapos ang dalawang araw

kundi limang bangkay ng mga kabataang

maagang tumaban ng bangka at lambat.

Markado sila ng nguso ng armalayt:

sertipiko ng militar sa kanilang mga balat.

Kaliwa't kanang kaingin sa Sierra Madre,

binibistay maging ang mga inosente.

Napilitang uminom ng pamatay-peste

ang ama't ina ng isa sa mga lumutang

na bangkay. Buhay din nila ay tinaningan

kung hindi ikukumpisal ang bintang.

Sinuman ang nagsabing nasusukat

ang tapang sa bitbit na armas,

may namataang buwitreng lilipad-lipad.

(para kay Jason Gallardo)

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 7: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

PATUNGO SA BUROL

Lulan sila ng mga sasakyan paakyat

sa dalusdos ng burol. Dumadausdos ang pita

sa kanilang mga mata, para bang mga hiyas

na nakalas sa pagkakatali. Walang pagsidlan

ang kanilang galak.

May nakaisip na bumaba sa sasakyan.

Umayon ang isa sa ideya ng kanyang kasama.

Sumunod ang isa pa. Hanggang sa lahat sila

ay nagsimula nang maglakad

paakyat. Isang hanay. May pinagkakaisahan

ang kanilang mga labi, namumutiktik

sa diwa ng sigasig. Masiglang umaawit

ang kanilang dibdib na para bang kakakalag

lamang ng kanilang mga tanikala.

May mga sibol ng puno sa dinaraan. Ang araw

sa katanghalian ay nanlilisik sa mundo,

nagbabaga ang nagkalat na mga bato, ngunit

pinagagaan ng mga damo ang kanilang

paglalakad.

Ibig nilang magyapak,

ibig nilang ibigay sa langit ang kanilang mga

palad

tulad ng mga dahon. Ito ang araw

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 8: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

na tumayo sila mula sa pagkakalugmok.

Ito ang araw na maisasakatuparan

ang pangako nila sa kanilang bayan.

Sa tuktok ng burol, hindi tagdan

ang naghihintay kundi bangin. Umaawit sila

patungo sa ungos ng kanilang kamatayan.

Hindi ulan, kundi bala ang ibinalik

ng mga ulap. Wala silang masukuban

maging sariling katawan.

Hanggang ngayon, nagbubuga ng dapog

ang ungos; animo guho ng isang nayong

ginahis at pininsala ng bombang pandigma.

Wala na ang kanilang mga bangkay

sa kalaliman. Ngunit, dinggin mo, umaawit

pa rin sila. Umaawit ng tungkol sa pagpuksa.

Inako ng mga puno at damo ang kanilang

panata.

(para sa mga biktima ng Ampatuan Massacre)

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 9: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

DESTINASYON

Limampu‘t walo silang

sumakay sa ataul.

Limampu‘t walo silang

sumakay sa ataul

tungong Shariff Aguak.

Limampu‘t walo silang

sumakay sa ataul

tungong Shariff Aguak.

ang ‗di na nakarating.

Sa bangin natagpuan.

Sa bangin natagpuan

ang kanilang mga bangkay.

Sa bangin natagpuan

ang kanilang mga bangkay,

tinaniman ng bala.

Sa bangin natagpuan

ang kanilang mga bangkay,

tinaniman ng bala

ang mga kaselanan.

~

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 10: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Walang nakapag-isip

takpan sila ng dahon

ng saging. Samantala,

nagkalat sa paligid

ang mga ulong pugot

at mga paang putol.

Nangumpisal ang lugar

kung saan matutunton

silang naghugas-kamay.

Isakdal: Ampatuan!

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 11: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

EDDIE AT/SA EDEN

Sambitin mo, Genesis, ikaw na burdado

ng alamat ng mundo—

Sa dakong silanganan, ang bukiring

halamanan ni Eden,

hitik sa bunga at handa nang pagapas.

Naroon din si Eddie, nakatindig

sa dugsungan ng mga talampas.

May kalawit ang Berdugo—

itinulos niya sa langit at kumalat ang anino

sa bukiring umiindak sa hangin.

Inakala niyang tutumba

isa-isa ang mga magbubukid

sa armas niyang mas ganid pa sa ganid,

mas marahas pa sa lintik.

Ngunit hindi sila natinag.

Ibang kuwento na ito. Wala na sa hinagap

ng mga eskriba. Ngunit banal. Ano pa‘t dalisay.

(para kina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy)

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 12: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ANGKAS (Kay Arman Abarillo)

Kailan huling sumagi sa utak mo kahit minsan sa

hindi na mabilang na pag-angkas sa traysikel?

Sariwa pa kay Katherine ang tagpong iyon ilang

taon man ang nakaraan—isang gabing napasubo

siyang sumakay sa likuran ng traysikel—sa gitna

ng drayber at ng manliligaw ng kanyang

bespren.

Si Arman, ang binatang masipag manligaw, isang

lalaking kagigiliwan ng naghahanap ng

mamanugangin, isang pangalang maninimbang

sa katinuan habang pinagmamasdan ang

pagkabasag ng mga patak ng ulan.

Isang pangalang inuusal sa mga umpukan at

parangal—Ka Arman

na naging tagapagtanggol ni Katherine sa

anumang tangkang masama

at naging tagapagtanggol ng sambayanan

hanggang sa kanyang huling hininga—

nang hindi mabura sa alaala ng pakikibaka ang

kanyang pangalan

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 13: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

at maabot maging ang diwa ng mga taong hindi

nakakilala sa kanya—

nang kanilang malaman ang saysay ng kanyang

buhay:

sinundan siya ng karahasan hanggang

kamatayan.

Tinanggap siya ni Katherine bilang kaisang-puso.

Kaisa sa pagtitiis at pagtataguyod ng bubungan.

Minahal din ni Katherine maging mga sugat ni Ka

Arman na ang ama at ina ay dinapurak ng mga

sundalo—ang hilakbot sa alaala ng nadatnang

mga katawang inundayan ng saksak at binistay

ng mga bala.

Kay Katherine naiwan ang mga labi ni Ka Arman

na nakakuyom pa rin ang mga kamao.

Sa mga palad na iyon nakasulat ang mga

pangalan hindi lang ng kanyang mga magulang

kundi ng marami pang nagbuwis ng buhay sa

pagdaan ng mga naulol-sa-bagsik-ng-rabis-ng-

kapangyarihang rehimen

at bawat pangalan nating mga naiwan na hawak

pa rin sa puluhan ang katarungan.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 14: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

PANGIL

Batong buhay sa pagitan ng hinlalaki ko at

hintuturo,

alahas ba ito o agimat?

May nasang ganito lang kaliit.

Gabutil ng malagkit na mais. Labî ng luho ng

kung sino.

Ngunit kanino?

Natagpuan namin itong nakabalot sa bulak,

nakalibing sa pusod ng kartong kahong

minsan naming binutingting ng aking tiyahin—

tubog sa gintong bunging pangil

—itinabi ng aking lola sa kanyang kahita

kasama ng singsing na may esmeraldang mata,

isang kuwintas na may ngipin ng buwaya

na anting-anting daw, at dalawang pares ng

hikaw

na ang isa ay nangungulila sa pakaw.

Isang rekwerdo.

Nalagas na bahagi

ng kung sino. Dadalhin niya siguro sa kakilalang

nagtutubog at naghihinang sa Bulacan,

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 15: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

kahimanawari maging bahagi ng singsing

na handog sa kasintahan, mauwi man sa

sanglaan.

Maaaring sinadyang bunutin

sa gilagid ng kamag-anak na namatay

nang hindi manakaw

ng mga tumitibag ng libingan.

Mutyang tapyas ng yelo

sa dila ng nauuhaw.

Kislap ng ngiti

na dinukot kay Genesis Ambason

nang dikdikin ng mga mersenaryo

ang kanyang mga ngipin.

(Para kay Genesis Ambason na dating secretary

general ng Tagdumahan, isang samahan ng mga

lumad na lumalaban sa large-scale mining.

Pinaslang siya noong Setyembre 13, 2012 ng

CAFGU sa ilalim ng 26th Infantry Battalion of the

Armed Forces of the Philippines.)

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 16: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

SUSPECTED COMMUNIST LEADER

kahit si Diona Andrea Rosal,

singhal ng mga kapural

sa ISAFP at NBI—

sanggol na pitong buwang

dala-dala ng kanyang nanay

nang kaladkarin ng militar.

Bumalintuwad na sa tiyan

ang banta sa balanse ng kapangyarihan

ng mga kapitalista at heneral.

Sanggol na nakakuyom na nang iluwal

pagka‘t nakatanggap na ng kaparusahan

gayong lubid sa buhangin ang sakdal.

Ay, Diona Andrea Rosal!

dalawang araw lang ang itinagal

ng kanyang mutyang buhay!

Humahagulgol kami sa kanyang pagpanaw

nang mahugasan ang aming alinlangan

at lalong luminaw ang aming paninindigan.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 17: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

KAY GRECIL GALACIO, 9

May isang Griyegong nagwika:

Ang ilog ay hindi na ang dating ilog

sa susunod na paglusong.

Ibig sabihin, ikaw ay hindi na ikaw.

Noong huli mong mapansin, Grecil,

ang iyong imaheng nasalamin

sa saloy ng ilog Simsimen,

hindi iyon ang imaheng bubulaga

sa iyo at sa mga kababatang

nanghuhuli ng gagamba

sa kakahuyan upang ipanlaban

sa damang-damang.

Sa iyong siko, lumusot ang balang

pinawalan ng 67th

Infantry Batallion.

Dumapo ang isa pa ang iyong bungo.

Ikaw ay hindi na ikaw, Grecil,

habang nahihimlay ang katawan.

Sumisiyap ang mga sisiw

sa ibabaw ng iyong kabaong

at humihingi ng katarungan.

Pabiling-biling ang aming isip.

Lalo‘t saput-sapot ang bintang

ng mga bulaang galamay ng militar.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 18: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Na ikaw ay NPA combatant

at inginunguso mo sa mga sundalo

ang bitbit diumanong M16 A1

noong kayo ay tambangan.

Paano nga ba tatanganan

ang ripleng halos kasintaas?

Ni hindi ka makahawak

ng dalawang galong tubig

tuwing matotokang umigib.

Sa pagtalunton sa landas

kung saan ka itinimbuwang

hahanapin namin ang bakas

ng lupang napigta ng iyong dugo.

Sumisingasing ang lagaslas

ng tubig sa ilog: bukal ng buhay.

Ikaw ay hindi na ikaw,

sa ilog na ito o kung saan man.

Ngunit may kailangang magbayad

sa kanilang kapabayaan.

At may handang magbuwis

ng kanilang sariling buhay

para sa iyong kamatayan.

**damang-damang –larong gagamba

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 19: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ABSENT SI KRISTEL

Absent na naman si Kristel?

Patay siya kay ma‘am!

Patapos na nga ang 2nd sem.

Baka hindi siya payagang mag-exam.

INC na ‗yan sa class card.

Baka nag-cutting class.

Tanga! Masipag ‗yun mag-aral.

Ikaw ba naman Iskolar ng Bayan.

Future Psychologist ng Bayan.

Tagasuri ng palagay ng bayan.

Tagatuwid ng kiwang.

May nag-text na ba sa kanya?

Baka hindi niya alam

dito tayo magkaklase sa AVR.

Baka late lang.

Baka natrapik.

Baka naman na-ospital.

Baka walang baon.

Nagtitipid. Sabagay,

‗di ba siya ang panganay?

Baka walang pamasahe.

Anak ng taxi driver,

ni walang pantraysikel?

Na-late lang daw ng bayad.

Sabi sa inyo, late lang.

Teka. Hindi yata pinayagan.

Magbabayad na nga, ba‘t ayaw?

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 20: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Baka sipain siya sa UP.

Haharangin sila ni Oble.

LOA lang daw. Kunwari

magta-travel abroad.

Ang unfair naman. Kapitbahay

pa naman natin ang Supreme Court.

Ngeh! PGH nga ibebenta

sa kung sinong landlord.

I-check n‘yo nga sa attendance.

O, tingnan n‘yo, wala.

Meron o. Heto asa dulo.

Asa dulo ng listahan

kahit alphabetical?

Heto buo niyang pangalan—

ginilitan.

Tangina. Ano ‗to pera-pera

ang labanan?

Next time sino naman ang gigilitan?

Ikaw.

Hindi ano. Baka ikaw.

Hindi. Ikaw.

Pota! Ano ito, maalis taya?

Future natin ang nakataya

dito. Ilalaban ko future ko.

Ako rin.

Asan na ba ‗yung memo?

Bakit? Pupunitin ko.

Tapos? Isasaksak ko sa bunganga

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 21: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

nung lintek na pumirma.

Maghunos-dili ka. Marami sila.

Nagkalat sila sa iba‘t ibang state u,

nakaupo sila sa gobyerno.

Ayos lang, pre. Mas marami tayo.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 22: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

PARA KANINO KA BUMABANGON?

I

Para kanino ka bumabangon?

Para sa anak? Para sa kaibigan?

O sa hindi mo kakilala?

Para sa bata? Sa isip-bata?

Para sa marami? Para sa sarili?

II

Nang hapong iyon, sinundan ko

ang nakagawian kong daanan pauwi.

Sinalubong ako ng liwanag

mula sa isang pares ng mga kandila

na nakatirik sa bangketa.

Sa tabi, ang matandang lalaki—

ang ―matandang hangal‖

na ni minsan ay hindi nanghingi

ng salapi o anuman

bagkus ay siya pa ang nagbibigay

ng paliwanag

sa sinumang maabutan;

hawak ang kanyang lapad,

susuray-suray

na parang isang makatang

gustong iligaw

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 23: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ang maligalig niyang nakaraan.

Naalala ko kung paanong bigla siyang sumulpot

sa tabi ng drayber ng nasakyan kong dyip;

kung paano niyang naantala panandalian

ang takbo ng oras naming mga pasahero;

kung paano niya simulang murahin isa-isa

ang imperyalismo at mga diktador

na para bang isa siyang tagapagmulat

nating mga naaapi,

dumating sa ating nanlilimahid

ang maamong mukha,

nagpapahayag ng katotohanan.

Nang hapong iyon, nakahiga ang matanda

sa tabi ng daan, tila himbing na himbing

tulad ng isang sanggol,

nilalampasan ng mga taong hindi nagbigay

ng bigat sa kanyang mga salita

para sila matigil sa paglalakad, kahit sansaglit,

para nila mapansin ang nalalabing panahon

na nalalagas tulad ng buhok ng isang maligalig.

Nang hapong iyon, pinaglamayan

ng bangketa ang kanyang bangkay.

Ganito siya ginugunita ng mga drayber at

tindera:

Hindi siya nanghingi kahit na singkong duling

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 24: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

sa ating lahat. Gusto lang niyang mapakinggan.

III

Hindi maliwanag sa atin kung ano

ang ikinamatay ng matandang pantas.

Bagamat maliwanag ang dahilan

ng pagkamatay ng mga welgista sa Nestlé

Cabuyao.

Alam nating namatay sa atake sa puso si Roel

Baraquio.

Alam nating namatay sa sakit sa atay at bato si

Samuel Opulencia.

Alam nating pinatay sina Meliton Roxas at

Diosdado Fortuna.

Bumangon sila mula sa ginapangang masukal at

mapanganib na daan.

Bumangon sila para iunat ang gulugod ng

unyonismo,

ihampas ito sa nakasunggab sa ating

dambuhalang mga kamay

ng halimaw na imperyalismo.

Bumangon sila nang ubod-lakas

kaya ibinuwal.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 25: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

IV

Kung maaari, huwag mong ipilit sa akin

na sumasarap ang aking umaga

kapag may Nescafé Classic na puro at tunay;

na hindi lang ako basta gumigising

kundi bumabangon nang may dahilan

kapag may Nescafé Classic na puro at tunay;

na tinutulungan kong umahon ang isang tao

kapag may Nescafé Classic na puro at tunay;

na parang buong bayan na rin ang bumabangon

kapag may Nescafé Classic na puro at tunay.

May mga bumabangon para sa anak at kaibigan.

At sa hindi kakilala.

May mga bumabangon para sa bata.

At sa isip-bata.

May mga bumabangon para sa marami.

May mga bumabangon para sa sarili.

May bumabangon para sa isang tasa ng kape.

Para sa ikalawa, ikatlo, ikaapat.

May nagtitimpla para magising ang ulirat.

May nagtutulug-tulugan pa rin at lahat.

May nagdudunung-dunungan at akala mo mulat.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 26: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

V

Sa susunod na iyong usisain

kung para kanino ako bumabangon,

maaari bang ibalik ko sa iyo ang tanong?

*galing sa TV commercial ng Nescafé Classic ang

unang bahagi

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 27: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ISANG PAGPUPUGAY KAY KA BEL

MULA SA KASAMANG TAKSI DRAYBER

Primera

Kasabay ng pagpihit sa kambiyo

ang nasang buhay ay magbago.

Mahigpit ang hawak ko sa manibela

at matiim na sinusuyod ang kalsada.

Sagad na ako sa bawnderi

pero hindi pa ako gagarahe.

Pandagdag sa badyet sa bahay

lalo‘t malapit na ang pasukan.

Segunda

Anong kulimlim sa aking sipat

ang nakadipang mga alapaap.

Ka Bel, ngayon ko lang nalaman

ang balita ng iyong pagpanaw.

Para ba akong sibuyas na tinadtad.

Anong lungkot itong lumagpak!

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 28: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

Agad kong tinabi ang aking taksi.

Balita sa radyo‘y tinutukang maigi.

Tersyera

Sa gitna ng harurot ng mga sasakyan

hinalughog ang kaban ng aking isipan.

Tantiya ko‘y higit sa limampung taon,

Ka Bel, nang una kitang makita sa pulong.

Naroon ka nang buwagin ang aming welga

at napatay ang tatlo sa ating mga kasama.

Salamat, Ka Bel, sa pinalaganap mong alab

para ipagtanggol kaming mga kapus-palad.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 29: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

TAHIMIK KANG LUMISAN

Lumisan ka nang tahimik, Ka Maita.

Huminga ka nang banayad hanggang sa huli.

Iniwan mo ang mundong balisa

sa kamay ng mga kasama.

Nagpaubaya ka, Ka Maita,

sa pamamaraan ng buhay

dahil batid mong ang amihan

ay nagbibigay-daan sa pag-habagat;

binibitawan ng mga tangkay

ang mga bunga at bulaklak

upang tanggaping muli ng lupa.

Itinabi mo ang setro at korona,

ang kumpol ng mga bulaklak at palakpak

para sa halik at yakap ng masa,

para sa lingkaw at armalayt.

Lumakad ka sa mga bundok at nayon.

Tiniis ang gutom, lamok, at limatik

nang maunawaan ang hilahil ng mga kasama.

Nagbandana ka ng nom de guerre: Ka Dolor.

Hangga‘t may tumatangis, sumusulong.

Lumisan ka nang tahimik, Ka Maita.

Iniwan mo ang mundong balisa.

Ngunit mas mabuti na ngayon itong mundo

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 30: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

dahil sa mga oras na inambag mo.

Mas mabuti na ngayon ang mundo

at magpapatuloy ang rebolusyon.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 31: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

KAGAWAD ABEL

Sa mapa ng Tarlac, ang Ciudad ning Tarlac

ang puso ng lalawigan; tulad ng Tarlac

na siyang puso ng di-maliparang uwak

na kapatagan ng Gitnang Luzon. Tarlac…

Tarlac na nag-ugat sa Malatarlak—

isang uri ng talahib na tallak; dikut tarlac

na ang uhay ay lampas-tao

at ang sungot ay puno ng abaloryo—

Doon ka nagmula, Kagawad Abel Ladera,

sa Barangay Balete na hugis-lapida;

doon ka tinubuan ng mga sanga,

kumayod sa kabyawan ng Luisita;

doon nagpantay ang iyong mga paa

nang ang puso mo ay butasin ng bala.

Nagbasbas ang dugo mong nadilig

sa lupang binubungkal ng magbubukid.

Parikit kang mula sa baleteng kiniskis

nang muli‘t muling maglagablab ang talahib

sa siklab ng proletaryadong pag-ibig.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 32: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

KUMINTANG NI MARCELINO BELTRAN

Pawis at dugo

pawis at dugo

pawis at dugo

gumugulong na mga butil ng pawis

sa mga tupi ng aking balat

mapulang dugong sumambulat

mula sa binutas kong katawan

hindi naaagnas ang malay

tatagpasin ng aking lingkaw

at ng lingkaw ng aking mga kasama

ang mga damong tumubo sa paligid

ng bunganga ng Hacienda Luisita

gigilitin namin ang kanilang leeg

at isasabit ang kanilang bangkay

sa bulwagan ng Malakanyang

upang masaksihan ng madla

ang mga ito ang inalayan namin

ng aming

pawis at dugo

pawis at dugo

pawis at dugo

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 33: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

ang mga ito ang inalayan namin

ng aming mga anak at asawa

duraan ninyo, mga kababayan ko

ang kanilang mga bangkay,

dustahin ang kanilang minudensiya

sapagkat hindi sila karapat-dapat

alayan ng pawis at dugo

sapagkat sila'y karapat-dapat

na paslangin ng ating mga kamay

na siyang nagpapabundat ng kanilang tiyan

na siyang nagtatayo ng kanilang mga mansyon

na siyang nagpapaaral sa kanilang mga anak sa

Amerika

mula sa ating pawis at dugo

mula sa aking pawis at dugo

nang ako'y ratratin ng mga sundalo

sa tapat ng aking bahay

hindi naaagnas ang malay

dukutin natin ang mata ng karimlan

at sunugin sa apoy ng ating poot at pag-asa.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES

Page 34: UNA SA APAT / LIBRENG AKLAT HIGIT SA HINDI LUKSANG ... · ng alamat ng mundo— Sa dakong silanganan, ang bukiring halamanan ni Eden, hitik sa bunga at handa nang pagapas. Naroon

AMARILYONG SEPIRO (Para kay Jemalyn Lacadin)

Niyayakap natin ang matandang puno ng

mangga.

Lahat tayo, nag-aatang ng ating mga kamay.

Sa ilalim ng malalabay nitong mga sanga

sabay-sabay tayong umuusal ng pulang awit.

Unti-unting natutuyo ang ilang dahon:

humuhulagpos sa kinakapitang duklay.

Inilululan ng hangin sa ibang lugar

at kung mapagal, sa lupa humihimlay.

Ngunit ikaw, Jema, balingkinitang kaibigan,

ay yumapos pa rin sa hitik nang puno

hanggang sa ikaw rin ay maging bunga—

nagsa-amarilyong sepiro ang iyong puso.

Ang alaala ng iyong tinig ay bumubulong

sa sinumang humaharap sa panulat.

Ang lagot ng iyong buhay ay bumubudyong

na ang aming hintuturo ay ipingkaw.

HIGIT SA LAHAT / MARK ANGELES