Top Banner
Mga Tungkulin ng Wika sa Lipunan
26

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Feb 17, 2017

Download

Education

SCPS
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Mga Tungkulin ng Wika sa

Lipunan

Page 2: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Instrumental•tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. •Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

Page 3: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

•maisasagawa niya ang anuman at

mahihingi ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.

Page 4: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

•magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na

pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi,

pag-uutos, pakikiusap , liham pangangalakal at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa

isang produkto.

Page 5: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

RegulatoryoMay gamit ding regulatori

ang wika na nangangahulugang

nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o

asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

Page 6: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

• Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga

gabay o panuntunan, pag-aaproba at/o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal,

pagpuri at/o pambabatikos, pagsang-ayon at/o di-pagsang-

ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto.

Page 7: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

• Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng

pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling

regulatoryo.

Page 8: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Interaksiyonal• ginagamit ito sa pagpapanatili

ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso,

pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng

kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu.

Page 9: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Interaksiyonal•nailalarawan din ito sa

pagkukuwento ng malulungkot at masasayang pangyayari sa isang kaibigan

o kapalagayan ng loob, paggawa ng liham

pangkaibigan.

Page 10: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

•paggamit ng mga salitang pang-teen-ager, liham-

pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla,

propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at

dayalektong rehiyunal.

Page 11: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Personal• pagpapahayag ng personalidad at

damdamin ng isang indibidwal. • Paglalahad ng sariling opinyon at

kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.• Pagsulat ng talaarawan at journal at

pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

Page 12: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

•Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam,

pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng

mga pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.

Page 13: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Imahinatibo• ginagamit ito sa paglikha at pagpapahayag ng malikhain,

estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito ang verbal o kaya’y

pasulat na pag-awit, pagtula, pagkukwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at iba pang gawaing ginagamit “ang wika para sa wika.”

Page 14: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Heuristiko•ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol

sa mundo, sa mga akademiko at/o

propesyunal na sitwasyon.

Page 15: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

• Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. • Kabilang dito ang

pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-

depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik.

Page 16: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

• Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo,

panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat

kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.

Page 17: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

ImpormatiboAng wika ay

instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang

kaalaman at insight tungkol sa mundo.

Page 18: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng

impormasyon/datos sa paraang pasulat at

pasalita.

Page 19: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam,

pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at

pagsusulat ng pamanahunang papel o

tesis.

Page 20: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Paraan ng Pagbabahagi

ng Wika

Page 21: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Pagpapahayag ng Damdamin(EMOTIVE)

Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at

emosyon.

Page 22: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Panghihikayat(CONATIVE)

Gamit ng wika upang makahimok at

makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

Page 23: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(PHATIC)

Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan

sa kapwa at makapag- simula ng usapan.

Page 24: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Paggamit bilang Sanggunian(REFERENTIAL)

Ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan

ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.

Page 25: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Paggamit ng kuro-kuro(METALINGUAL)Ito ang gamit na

lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento

sa isang kodigo o batas.

Page 26: Tungkulin ng Wika sa Lipunan

Patalinghaga(POETIC)

Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na

paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,

sanaysay atbp.