Tunay ngang malikhain ang mga Pilipino. Mula sa larangan ng musika, sayaw, opera, teatro at pelikula, fine arts tulad ng pagpipinta, eskultura at visual na komunikasyon. At sa pagsusulat. Sa NHA, ang LinkOD online community newspaper ay nagbibigay-daan sa mga benepisyaryo nito na maisulat o maibahagi ang kanilang mga karanasan, testimonya at ibang artistic expression. Nakita ang mabilis na paglikha ng maisusulat ng 17 kalalakihan at 21 kababaihan na sumali sa mga Basic Writing at Photography Training Workshop na pinangasiwa ng Communications Development Team ng CRIOD Program Planning and Review Division sa NHA Project Office sa Pasay, Dagat-Dagatan sa Kalookan, Bagong Nayon II sa Antipolo at Towerville Resettlement sa Bgy. Minuyan, Lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan upang makahikayat ng higit na maraming manunulat para sa LinkOD . Ang mga nasabing benepisyaryo ---mga pangulo at miyembro ng samahang pangkomunidad, mga kabataan at estudyante ng high school, barangay worker, empleyado ng lokal ng pamahalaan, young professionals at senior citizens---ay mabilis na nai-aplay ang naituro sa writing module tungkol sa paggamit ng apat (4) na W ( Who/Sino, What/Ano, Where/Saan, When/Kailan) at isang (1) H ( How/Paano). Nakagawa rin sila ng mga larawan,drowing at graphics na maaaring gamitin bilang editoryal. Sa kanilang kuhang larawan,naipakita ang mga natutuhan sa photography module tungkol sa tricks at tips sa paggamit ng smart phone at digital camera. Sila ang unang grupo ng LinkOD pool of contributors na taga- Luzon. Sa kanilang pagcommit sa pagiging contributor,sila ay hindi lamang mga benepisyaryong may interes sa pagsusulat kundi katuwang ng NHA sa pagbabagong-buhay ng komunidad sa pamamagitan ng paglikha