-
1TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014
Mensahe sa ika-16 anibersaryo ng Anakbayan at ika-50 anibersaryo
ng Kabataang MakabayanNobyembre 30, 2014
Ipagbunyi ang gintong kasaysayan ng Kabataang Makabayan!
Paglingkuran ang sambayanan!Pinakamataas na pagpupugay at
taas-kamaong pagbati ang pinapaabot ng Pambansang Komiteng
Tagapagpaganap ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi, lider, mga
kaaanib na organisasyon at lahat ng mga aktibista sa buong bansa at
sa ibayong dagat.
Makasaysayan ang ika-16 na taong anibersaryo ng Anakbayan dahil
ipinagdiriwang natin ang isang napakahalagang pananda sa kasaysayan
ng pakikibaka ng sambayanan: ang ika-50 taong anibersaryo ng
Kabataang Makabayan (KM). Marapat lamang na ipagdiwang ang gintong
kasaysayan ng KM. Dapat panghawakan ng kasalukuyang henerasyon ng
mga kabataan
ang mga aral at pamana nito.
Gintong kasaysayan ng KM
Itinatag ang KM sa kaarawan ni
Gat Andres B o n i f a c i o n o o n g
Nobyembre 30, 1964 sa panatang
i p a g p a t u l o y ang di-natapos
na rebolusyong Pilipino. Batid ng KM
ang pangangailangan ng bagong tipo ng d e m o k r a t i k o n g
rebolusyon sa pamumuno ng
proletaryado. Ito ay para palayain ang bayan mula
sa saklot ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang
kapitalismo; at upang baguhin ang mala-kolonyal at malapyudal na
kalagayan.
Tinanganan ng KM ang papel bilang nangungunang patriyotikong
organisasyon ng kabataang Pilipino. Komprehensibong organisasyon
ito na nagkaisa sa mga kabataang magsasaka, manggagawa, mag-aaral
at iba pang mga pinagsasamantalahang uri. Pinanday nito ang sarili
bilang katuwang ng uring manggagawa sa pangunguna sa pambansa
demokratikong rebolusyon.
Malaganap na pinag-aralan ng KM ang kasaysayan, lipunan, at
rebolusyon. Isinagawa nito ang kilusang pag-aaral hinggil sa
pangkalahatang linya ng pambansa demokratikong rebolusyon at ibat
ibang mga isyu at usapin. Ang pinaka-abanteng mga aktibista ay
nag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Nagpukaw ang KM sa ibat
ibang isyu, sa paglaban sa rehimeng US-Marcos, at sa pangkalahatang
linya ng pambansang demokrasya.
Lumawak ang kasapian ng KM sa buong bansa. Umugat ito sa mga
pamantasan, komunidad, pagawaan at mga sakahan. Nakipag-ugnayan ito
sa mga konseho ng mag-aaral, mga publikasyon, mga kaguruan, unyon
ng manggagawa, asosasyon ng mga magbubukid, mga pambansang minorya
at iba pa.
Ang mga nangungunang kasapi at lider ng KM ay tumulong sa
pagtatatag at paglatag sa buong bansa ng Partido Komunista ng
Pilipinas noong Disyembre 26, 1968 at Bagong Hukbong Bayan (NPA)
noong Marso 29, 1969. Sinindihan nito ang pagsigabo ng mga welga,
aksyong masa sa mga pamantasan at mga paglaban ng mamamayan.
Ibasura ang Other School Fees (OSF): Pahirap, patung-patong,
mapang-abuso, at di-makatarungan
Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral, ginunita sa pamamagitan ng
kilos-protesta
#HLMX: Ika-10 taon ng masaker sa Luisita, ginunita
Tutulan ang talamak na paglabag ng karapatang pantao, patalsikin
ang rehimeng US-Aquino
Taas Kamaong pagpupugay para kayRendell Ryan Cagula
4
5
6
7
8
Ituloy sa p2>>>
-
2 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANNoong
Enero 1970, pinangunahan ng KM ang makasaysayang Sigwa ng Unang
Kwarto kung saan sumambulat sa 50,000 hanggang 100,000 ang kumilos
sa lingguhang mga martsa sa US embassy, kongreso at Malacanang.
Pinaalingawngaw nito sa buong bayan ang paglaban sa rehimeng
US-Marcos. Nanguna din ang KM sa Diliman Commune noong 1971 kung
saan binarikadahan ng mga mag-aaral ng UP ang kampus at mga gusali
laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang mga pinakaabanteng kasapi ng KM ay tumungo sa kanayunan at
sumapi sa NPA. Matapos ideklara ang Batas Militar, mas marami pang
kabataan sa buong bayan ang tumungo sa mga kanayunan.
Mahalaga ang naging papel ng KM sa paglaban at paggapi sa
diktadura. Sa pagbubuo ng pampulitikang kapangyarihan sa kanayunan,
sa muling pagsigabo ng mga protesta sa kalunsuran, hanggang sa
pag-aalsang bayan para ganap na mapatalsik ng rehimeng US-Marcos,
maningning ang naging papel ng KM. Marami sa mga lider at kasapi ng
KM ang dinakip, tinortyur at pinatay ng rehimen.
Matapos mapatalsik ang rehimeng US-Marcos, nagpatuloy ang KM sa
lihim na pagkilos na kabahagi ng National Democratic Front.
Hanggang sa kasalukuyan, mahalaga ang papel ng KM sa pagsulong
ng rebolusyon ng mamamayan. Ang mga magigiting na mga kasapi ng KM
ay balon ng mga mandigirma at kadre sa ibat ibang larangan at
tungkulin para sa rebolusyong Pilipino.
Ating bigyan ng pagpupugay at pasasalamat ang lahat ng mga
nagtatag ng KM sa pangunguna nina Prop. Jose Maria Sison, lahat ng
mga nag-ambag ng kanilang panahon, lakas, giting at talino sa para
sa pagpapalakas nito. Marami sa kanila ay patuloy pa ring kumikilos
at nag-aambag sa ibat ibang larangan ng mga gawain sa kasalukuyan.
Higit sa lahat, pinakamataas na pagpupugay ang ating ialay para sa
lahat ng mga kabataang martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa
sambayanan.
Bilang pagpapatuloy sa kasaysayan at pamana ng KM, ang
Anakbayan
ay itinatag bilang hayag na komprehensibong organisasyong masa
ng kabataan noong 1998.
Tumitinding krisis sa ilalim ng rehimeng US-Aquino
Walang kasing tindi ang krisis na kinakaharap ng kabataan at
mamamayan sa ilalim ng bulok na sistemang mala-kolonyal at
malapyudal. Kinamumuhian ng kabataan ang rehimeng US-Aquino na
sagad-sagaring tuta ng imperyalismo, kasabwat ng mga malalaking
komprador, at pamilyang haciendero.
Sa pagkasadlak ng imperyalismo sa matinding krisis, lalong
pinababangis nito ang atake sa mamamayan. Higit na itinutulak ang
pagpapababa ng sahod ng manggagawa, pagkakait ng serbisyong
panlipunan, pandarambong sa likas-yaman at interbensyong militar sa
bansa.
Lumolobo ang bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral dahil
sa tumitinding komersyalisasyon ng edukasyon. Todo-todo ang
panghuhuthot ng matrikula at papalaki ang iba pang mga bayarin na
sinisingil sa mga pamantasan. Habang lalong pinalalakas ang kontrol
ng malalaking burgesya-komprador sa edukasyon, todo naman ang
komersyalisasyon at kaltas-pondo.
Pinatitindi ang atake sa demokratikong karapatan sa kampus sa
pamamagitan ng mga mapaniil na handbook, student code, at mga
mapanupil na patakaran para pigilan ang mga protesta ng
kabataan.
Itutulak ng pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran gaya ng
K12 ang kabataan sa sagad na pagsasamantala ng dayuhang kapital at
sa pagtanggap ng sahod-alipin. Nais ng rehimeng US-Aquino na higit
pang ibaba ang sahod sa pamamagitan ng two-tiered wage system at
papatinding kontraktwalisasyon. Samantala, todo ang panghuhuthot sa
mamamayan sa pagtataas ng mga singilin at pribitisasyon ng serbisyo
gaya ng sa ospital, tren, atbp.
Walang habas ang demolisyon ng maralita sa tulak ng
Public-Private Partnerships (PPP) ni Aquino. Itinataboy nito ang
maralita at
inaatake ang kabuhayan habang ninenegosyo nito ang pabahay na
relokasyong tila sementeryo at peligro para sa mga mahihirap.
Sa kanayunan, pinatitindi pa ang konsentrasyon ng lupa sa kamay
ng iilan. Pilit na nagmamaniobra ang rehimeng Aquino para
panatilihin sa pag-aari ng kanyang pamilya ang Hacienda Luisita,
simbolo ng kanyang pagpanig sa uring panginoong may-lupa at
pagtutol sa kahit anong programa ng tunay na repormang agraryo.
Ilang ulit pang binibiktima ng rehimeng US-Aquino ang mga
biktima ng bagyo sa pamamagitan ng negosyong rehabilitasyon at
pangungurakot sa pondo.
Samantala, tuloy-tuloy ang pandarambong sa pondo ng gubyerno sa
pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at pork
barrel. Sa pondo para sa 2015, garapal na isiningit pa rin DAP at
pork na aabot sa isang trilyong piso para kay Aquino.
Lantad naman ang sagad-sagad na pagkatuta ni Aquino sa
imperyalismong US sa patuloy na pagtatanggol niya sa US sa kaso ng
pagpatay ng isang sundalong Amerikano sa kababayan natin na si
Jennifer Laude. Walang kahihiyang iginigiit pa rin ni Aquino ang
Enhanced Defense Cooperation Aggreement (EDCA), Visiting Forces
Agreement (VFA), at pagbabase ng Amerika sa bansa.
Ang paglaban ng mamamayan ay tinatapatan naman ng brutal na
kampanyang pasista sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimen.
Tumitindi ang militarisasyon at paglabag ng karapatan sa North
Luzon at Mindanao. Kamakailan, dalawang lider-kabataan ang iligal
na dinakip sa Gitnang Luzon. Samantala, ang mga lumabag ng
karapatan gaya ni Jovito Palparan ay kinakanlong ni Aquino.
Hamon sa kabataan
Walang ibang dapat piliin ang kabataan kundi ang landas ng
paglilingkod sa bayan at paglaban. Dapat tanganan ng kabataan
ang
-
3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014pamana
ng KM sa puspusan nitong paglilingkod sa masa at pagtatanggol sa
bayan. Pinatutunayan ng kasaysayan ang nangunguna at mahalagang
papel ng kabataan sa pagkilos para sa pagbabago.
Hamon sa Anakbayan at sa iba pang organisasyon ng kabataan sa
buong bansa na palawakin at paghusayan ang pagpupukaw,
pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan at mamamayan. Tumanaw
tayo ng malakas na mag-ambag sa pagdaluyong ng kilusang bayan tungo
sa panibagong antas ng pambansa demokratikong pakikibaka.
Dapat mapukaw ang milyong kabataan sa programa ng pambansang
demokratikong pakikibaka para labanan ang mga batayang suliranin ng
lipunang malakolonyal at malapyudal. Dapat paramihin ang mga
talakayan hinggil sa ibat ibang mga isyu at usapin ng kabataan at
bayan. Dapat silang maramihang tumungo sa mga batayang sektor upang
alamin ang kanilang mga suliranin at samahan sila sa kanilang mga
pakikibaka. Dapat mangarap ang kabataan ng mas magandang bukas para
sa bayan.
Dapat nating ilunsad ang mga kampanya sa ibat ibang mga isyu at
usapin na pupukaw sa mga kabataan. Paghusayin ang kombinasyon ng
mga usaping lokal, sektoral at pambansa para maabot ang
pinakamalawak na hanay ng kabataan.
Dapat mag-organisa ang kabataan sa pinakamaraming bilang.
Tanging ang malawak na organisadong lakas at pagkilos ang
makakatapat sa panghahati, panlilinlang at pandarahas ng
reaksyunaryo at mga tagapanatili ng bulok na sistema. Sa
pag-oorganisa, matitiyak ang pagpapanday ng mga kabataan bilang mga
masang aktibista at mga rebolusyunaryong may matatag na pag-unawa
at paninidigan sa teorya at praktika ng pakikibaka para sa
pagbabago. Mas malaki at mas marami ang na-oorganisa, mas marami
ang mapapakilos para sa kilusan para sa pagbabago.
Mahalagang iwaksi ng kabataan ang pagiging disorganisado,
kanya-
kanya at di-sustinidong pagkilos. Malaking hamon sa mga
progresibo at pambansang demokratikong organisasyon ng kabataan
gaya ng Anakbayan ang mapangahas na pagpapalawak ng hanay at
pagbubuo ng malalaki at malalakas na mga balangay sa mga
pamantasan, komunidad, pagawaan, sakahan at iba pa sa buong
bansa.
Dapat dumaluyong ang laksa-laksang bilang ng kabataan sa
sama-samang pagkilos sa lansangan at lumikha ng makapangyarihan at
makasaysayang kilusang masa upang ilahad ang galit ng mamamayan sa
bulok na sistema at lipunan. Gaya ng mga pagkilos mula pa noong
Sigwa ng Unang Kwarto noong 1971, hanggang sa mga kampanya sa
pagpapatalsik sa rehimeng Marcos noong 1983-86, at rehimeng Estrada
noong 1998 hanggang 2001, higit na pinalalakas ng mga pag-aalsang
bayan ang paglaban ng kabataan at mamamayan at nag-aambag sa
pagtatagumpay ng kilusang pambansa demokratiko sa pangkalahatan.
Hinahasa ng makasaysayang kilusang masang ito ang tabak na sa
pagtatagumpay ng laban ay itatarak sa mga mapangsamantala at
mapang-api.
Sa kasalukuyan, nais nating isikad ang pambansang nagkakaisang
taktikal na kampanya laban sa other school fees (OSF) o iba pang
mga bayarin sa mga pamantasan para isikad ang pambansang paglaban
para sa karapatan sa edukasyon. Dapat palakasin ang direktang
paglalantad at paglaban sa rehimeng US-Aquino tungo sa
pagpapatalsik rito.
Inaasahang sumanib ang kilusan ng kabataan sa kilusan ng
manggagawa at magsasaka, at mag-ambag sa ibat ibang mga larangan ng
gawain. Tinatanaw ng kabataan ang pagtatagumpay ng pambansa
demokratikong pakikibaka na may perspektibang sosyalista. Ang mga
pinakaaabante at pinakamagigiting na kabataan ay nangunguna ng ibat
ibang mga gawain kabilang na ang ligal na pakikibaka sa kalunsuran
at armadong pakikibaka bilang kasapi ng hukbong bayan sa
kanayunan.
Nangangarap ang kabataang Pilipino ng isang bukas kung saan
tapos na ang pagsasamantala ng iilan at dayuhan sa nakararami; kung
saan ang yaman ng bansa ay nasa kamay na ng mga lumilikha nito; at
ang kapasyahan at kapangyarihan ay nasa kamay ng nakararaming
mamamayan. Tanging sa sama-samang pagkilos ng kabataan, sa
pagtangan nito sa rebolusyonaryong pamana ni Bonifacio at ng
Kabataang Makabayan, at paggampan sa papel sa paglikha ng bagong
kasaysayan makakaasa ang kabataan ng magandang bukas para sa sarili
at sa bayan.
Napapanahon na ating balikan ang mga kataga ni Bonifacio na
sinambit din at naging inspirasyon sa kongreso ng pagtatag ng KM 5o
taon ang nakalipas:
Itinuturo ng katwiran ang tayoy umasa sa ating sarili at huwag
antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran ang tayoy maglakas na maihapag ang
naghaharing kasamaan sa ating bayan.
Panahon na ngayon dapat nating ipakilala na tayoy may sariling
pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon ay panahong
dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na
magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan;
panahon na ngayong dapat makilala ng mga Pilipino ang pinagbuhatan
ng kanilang mga kahirapan.
Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at
kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na
pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang
tinubuan.
Ngayon, higit kailanman, tinatawagan tayong maging mabubuting
anak ng bayan.
Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Mabuhay ang Anakbayan! Kabataan, ipagtagumpay ang Pambansa
Demokratikong Rebolusyon!
-
4 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ibasura ang Other School Fees (OSF): Pahirap, patung-patong,
mapang-abuso, at di-makatarungan Ang malaganap na paniningil ng
Other School Fees (OSF) ay isa sa pinakamasahol na porma ng
panloloko at panghuhuthot sa mga estudyante ng mga pribadot
pampublikong pamantasan. Ito ang mga pagkamahal-mahal, paulit-ulit,
at walang pakinabang na dagdag-bayarin na ipinapataw kasabay ng
napakataas, at taun-taon pang tumataas, na matrikula.
Malinaw na dagdag-pahirap at napakabigat na pasanin ang Other
School Fees (OSF) para sa mga estudyantet magulang. Tinatayang nasa
P10,000-P30,000 kada semestre o P20,000-P60,000 kada taon ang
kabuuang hinuhuthot sa pamamagitan ng samut saring mga bayarin na
ito. Karaniwang katumbas o lagpas kalahati ito ng kabuuang
binabayarang matrikula.
Binibigyang-katuwiran at lalong pinatitindi ang iskemang
panghuhuthot na ito ng patakarang deregulasyon ng bayarin at
komersyalisasyon ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.
Nananawagan ang ibat ibang organisasyon ng kabataan-estudyante,
sa pangunguna ng Rise for Education (R4E) network, ng isang
pambansang kampanya upang ipabasura ang lahat ng Other School Fees
(OSF) at labanan ang pagtaas ng matrikula sa mga paaralan at
pamantasan.
Doble at paulit-ulit
Sa paniningil ng matrikula, ginagamit nang dahilan ng mga
administrador ang mga gastusin sa pagpapaunlad ng mga gusali,
library, kagamitang pang-laboratoryot gymnasium, gayundin, ang
pagbabayad ng kuryente, tubig, at iba pang operasyon ng
pamantasan.
Matapos patawan ng matrikula, maniningil ulit para sa
pagpapatayo ng mga imprastraktura at pagbili ng mga pasilidad sa
eskuwelahan sa pamamagitan ng development fee at library fee.
Hiwalay pang sinisingil ang energy fee para sa konsumo sa
kuryente.
Samantala, muli na namang sisingilin sa bawat klase na gumagamit
ng mga pasilidad sa pamamagitan ng ibat ibang tipo ng laboratory
fees. Pati paggamit ng klasrum na may aircon ay may bayad. Ibang
singilin pa ang NSTP fee at PE fee.
Pati ang mga kunwariy serbisyong pang-estudyante ay may katumbas
na bayarin din pala tulad ng athletics fee, cultural fee, medical
and dental fee, insurance fee, guidance fee, at marami pang iba.
Hindi rin pinalampas na singilin maging ang physical exam, career
exam, at psychological tests.
Ang computerized registration ay may bayad din. Pati ang pagkuha
ng exams sa mga subjects ay may fee, gayundin ang PSJFOUBUJPO
TFNJOBS UIFTJT EFGFOTF FMEtrip, tours, on-the-job training, at
retreat.
Kuwestyonable at kataka-taka rin ang paniningil para sa simpleng
operasyon sa pamantasan tulad ng registration/enrollment fee,
matriculation fee, ID validation, dropping, leave of absence,
installment, at iba pang bayarin sa pagpoproseso ng mga dokumento
at papeles.
Karaniwan ding hindi na pinadadaaan sa konsultasyon ang taunang
pagtataas ng OSF. Sa ilang mga unibersidad at pamantasan, walang
breakdown ang mga bayaring ito at isang buong sininsingil sa ilalim
ng miscellaneous fees.
Singilin ang gobyernong Aquino
Lantad na walang-pakinabang sa estudyante ang mga bayarin na
ito. Sa kabila ng mataas na singilin, nananatiling bulok at
kulang-kulang ang mga pasilidad habang papalaki nang papalaki ang
taunang kinikita ng mga pamantasan.
Aabot sa milyon-milyon ang tubo ang ilang pamantasan na notoryus
sa paniningil ng matrikula at OSF. Kabilang dito ang Far Eastern
University (P585 million), University of the East (P300 million),
at Centro Escolar University (P248 million) na kumita ng
milyon-milyon noong 2010 lamang. Samantala, sa UST, tinatantyang
nasa P1 bilyon ang tubo ng pamantasan mula 2010 dahil sa tuition at
iba pang bayarin.
PUP-Main
Tuition: P270- P336
OSF: P1,100-P2,000
UP Diliman and Manila
Tuition: P27,000 to P31,500
OSF: P3,000- 9,000
University of Sto Tomas
Tuition: 30,000-40,000
OSF: 13,600.00
University of the East
Tuition: 25,000-30,000
OSF: 11,000
San Beda College
Tuition: 40,000-50,000
OSF: 30,000.00
DLSU-Manila (Trimester)
Tuition: 30,000-40,000
OSF: 30,000-50,000
University of Manila
Tuition:10,000-12,000
OSF: P5,000
National Teachers College
Tuition: 10,402
OSF: 3,000
Ateneo de Manila
Tuition: 50,000
OSF: 20,000
Far Eastern University
Tuition: 30,000-40,000
OSF:16,000
St. Scholasticas College
Tuition: 30,000-40,000
OSF: 13,000-15,000
-
5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014
Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral, ginunita sa
pamamagitan ng kilos-protesta
Sa mga pampublikong pamantasan tulad ng University of the
Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines
(PUP), mistulang pork barrel ng mga administrador ang natipong
pondo mula sa other school fees. Maaari nila itong gamitin at
gastusin ayon sa kanilang kagustuhan kahit wala namang kinalaman sa
dapat na binayaran ng estudyante. Kadalasan ginagamit pa ito para
patindihin ang komersyalisasyon at dagdag singilin.
Ayon sa datos ng Kabataan Partylist, noong 2012 umabot sa P24.6
milyon ang nalikom na other fees sa UP. Lumobo ito sa P111 milyon
kasabay ng pagtataas ng matrikula noong 2013. Sa PUP naman, umaabot
sa P186.9 milyon ang nakolekta sa OSF noong 2012.
Tanging ang mga kapitalista-edukador at mga korporasyong
nagnenegosyo sa edukasyon ang nakikinabang sa walang-ampat na
paniningil ng OSF habang ang mga estudyante at magulang ay hirap na
hirap at baon-sa-utang sa pagbabayad.
Sa ilalim ng apat na taong panunungkulan ni Aquino, umabot sa
halos P266.00 kada yunit ang itinaas ng matrikula sa NCR habang
P150.00 kada yunit para sa buong bansa. Samakatuwid, sa loob ng
apat na taon, tumaas ang binabayarang matrikula sa NCR ng P8,000.00
sa NCR habang P4,500 sa buong bansa. Samantala, wala o
kulang-kulang ang datos mismo ng gobyerno sa tindi ng paniningil ng
OSF dahil sa lubos na pagka-deregulado nito.
Sa patakaran ng deregulasyon na itinutulak ni Aquino sa ilalim
ng Educ Act of 1982, bigay-layaw ang gobyerno sa mga
kapitalista-edukador upang sagad na pagkakikitaan ang edukasyon ng
mga kabataan. Imbes na pigilan, lalo nitong nilehitimisa at
sinistematisa ang paniningil ng OSF sa pamamagitan ng CHED Memo No.
3. Samantala, lalong pinatitindi ang paghihirap ng mga estudyante
sa pampublikong pamantasan sa pamamagitan ng kaltas sa badyet at
pribitisasyon ng mga ito.
Sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino, binibigyang-daan,
binibigyang-katuwiran, at lalong pinasahol ang garapal na
paniningil ng matrikula at iba pang bayarin. Dapat magkaisa ang
kabataan at lumikha ng malawak na pagkilos sa buong bansa upang
ipabasura ang OSF. Makatarungan lamang na singilin ang gobyernong
Aquino sa pagpapatindi ng krisis sa edukasyon at pagkakait ng
karapatang ito sa mga kabataan.
Nagdaos ng kilos-protesta sa buong daigdig ang mga kabataan at
mag-aaral sa Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral noong ika-17 ng
Nobyembre 2014 para igiit ang kanilang karapatan sa edukasyon.
Sa Maynila, daan-daang estudyante mula sa ibat ibang pamantasan
katulad ng University of the Philippines, University of Sto. Tomas,
Far Eastern University, National University, San Beda College,
Polytechnic University of the Philippines, De La Salle University,
Eulogio Amang Rodriguez Institute for Technology ay nagtipon sa
Liwasang Bonifacio bago nagmartsa patungo sa Mendiola.
Pinamunuan ng alyansang RISE FOR EDUCATION ang mga samut saring
kilos-protesta sa mga susing lungsod katulad ng Baguio, Davao,
Iloilo, at Tacloban. Sa Cebu, nagdaos ng programa ang 150
estudyante sa Kapitolyo.
Ipinanawagan ng mga mag-aaral ang pagbasura sa tinatawag na
other school fees (OSF) na nagpapabigat sa gastusin ng mga
mag-aaral. Ayon sa kanila, hindi makatwiran ang paniningil ng mga
paaralan ng OSF dahil sa memorandum ng Commision on Higher
Education (CHED) na nagbabawal sa mga pamantasan na maningil ng mga
OSF katulad ng development fee sa mga mag-aaral.
Nagpahayag din ang mga mag-aaral ng pakikiisa sa mga mag-aaral
ng Mexico na kasalukuyang nagsasagawa ng mga kilos-protesta dulot
ng pagdukot at pagpatay ng mga kartel ng droga sa 43 na kapwa
mag-aaral na kasama sa mga nagpoprotesta laban sa mga planong
reporma sa edukasyon sa Mexico.
Sa kabilang dako ng mundo, nagmartsa ang daan-daang mga
mag-aaral sa Brussels, Belgium para labanan ang mga planong pagtaas
sa matrikula at pagpapanawagan sa mataas na kalidad na
edukasyon.
Samantala, libu-libong mag-aaral naman ang nagkaisa sa
kilos-protesta sa Palermo, Italy para labanan ang planong reporma
sa mga paaralan ni Prime Minister Matteo Renzi ng Italy.
Unang ginunita bilang Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral noong
1941, ang Nobyembre 17 ang anibersaryo ng pagsalakay ng mga Nazi sa
University of Prague na nagdulot ng pagkamatay at pagkabilanggo ng
libo-libong mga estudyante sa dating Czechoslovakia.
-
6 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
#HLMX: Ika-10 taon ng masaker sa Luisita, ginunita
Lumahok ang ibat ibang mga grupo ng mga kabataan sa paggunita sa
ika-10 taon ng masaker sa Luisita noong Nobyembre 15-16. Mula sa
Mendiola, nag-caravan patungong Tarlac ang ibat ibang sektor para
ipanawagan ang lupa at hustisya para sa mga pinaslang sa masaker
noong 2004.
Sa solidarity program sa Brgy. Balete, inalala ang pitong martir
ng Hacienda Luisita: sina Jesus Laza, Jhaivie Basilio, Juancho
Sanchez, Jessie Valdez, Jun David, Jaime Pastidio at Adriano
Caballero. Inalala rin nila ang mga pinaslang matapos ang masaker
na sina Central de Azucarera de Tarlac (CAT) Labor Union president
at Ricardo Ramos, IFI Bishop Alberto Ramento, Fr. William Tadena at
Tarlac City Councilor Abelardo Ladera.
Sa umaga ng Nobyembre 16, nagmartsa ang mga taga-suporta,
kamag-anak at magsasaka ng Hacienda Luisita patungo sa Gate 1 ng
CAT, ang pinangyarihan ng madugong masaker sampung taon na ang
nakakaraan.
Nagkaroon ng ecumenical mass upang gunitain at parangalan ang
mga martir at lahat ng nag-alay ng buhay para sa lupa at hustisya.
Inisa-isa ng mga magsasaka ang mga krimen ng pamilyang
Cojuangco-Aquino. Kasabay ng programa, pinuno ng mga kabataang
artista ang pader ng CAT ng mga likhang nananawagan ng hustisya at
pagpapamahagi ng lupa. Matapos nito, tumungo ang caravan sa
headquarters ng Northern Luzon Command (NOLCOM) at kinondena ang
patuloy na pandarahas sa mga magbubukid ng Gitnang Luzon.
Nagwakas ang programa sa panata ng mga magbubukid, kasama ang
kabataan at ibat ibang sektor na patuloy na ipaglaban ang lupa at
hustisya - hindi lamang para sa mga magbubukid sa Hacienda Luisita
kundi sa lahat ng mga magbubukid sa buong bansa at sa sambayanang
pinagsasamantalahan.
Ambag na mga larawan ni Issa Purugganan
Kampanya para sa P16,000 minimum wage, inilunsad ng mga
manggagawa
-
7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014
Tutulan ang talamak na paglabag ng karapatang pantao, patalsikin
ang
rehimeng US-AquinoNakikiisa ang Anakbayan sa sambayanang
Pilipino at mamamayan ng buong daigdig sa pagunita ng internasyunal
na araw para sa karapatang pantao ngayong darating na Disyembre 10.
Nakikiisa ang Anakbayan sa panawagan para sa pagkamit ng hustisya
ng lahat ng biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng
rehimeng US-Aquino.
Sa kabila ng pagpupumilit ng Malakanyang na itago ang
katotohanan, hindi na mapagtakpan ang talamak at patuloy na
paglabag ng karapatang pantao nang kasalukuyang rehimen.
Mismo ang sektor ng kabataan at estudyante ay hindi ligtas sa
pagsikil ng mga karapatan ngayong taon.
Kawalang Hustisya
Mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2014, naitala ng grupong
Karapatan ang 222 biktima ng extrajudicial killing, 221 biktima ng
frustrated killing, 691 biktima ng iligal na pagaresto at
detensyon, 104 biktima ng torture, at iba pa.
Halos kalahati ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines
ay naghahasik ng lagim at malawakang paglabag ng mga karapatang
pantao sa Mindanao, bagay na nagtulak sa pagsagawa ng isang
lakbayan patungong Maynila upang ilantad ang tunay na kalagayan sa
Mindanao.
Matapos ang sampung taon ay wala pa ring hustisya para sa mga
biktima ng Hacienda Luisita masaker habang patuloy pa rin ang
pagkontrol ng angkan ni pangulo BS Aquino sa lupa sa kabila ng
desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ito sa mga magsasaka.
Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng Ampatuan masaker limang
taon matapos maganap ang karumaldumal na pagpatay sa 58 tao
kabilang ang 32 na mamamahayag.
Isang taon matapos rumagasa ang super-bagyong Yolanda, wala pa
ring tunay na rehabilitasyon at pagbangon para sa mga
nasalanta.
Sistematikong Panunupil
Hindi aksidente ang paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas.
Ito ay isang pang araw-araw na kaganapan sa isang lipunang
mala-
kolonyal at mala-pyudal.
Hindi lamang karapatang politkal at sibil ang nilalabag ng
rehimeng US-Aquino. Kabilang din dito ang pagkaila sa mamamayan ng
trabaho, lupa, pagkain, pabahay, edukasyon at iba pang serbisyo
sosyal.
Humahantong sa sistematikong panunupil ng sambayanang Pilipino
ang pagpapanatili at pagtanggol ng mga naghaharing burgesya
komprador at panginoong maylupa sa kanilang kayamanan at
kapangyarihan.
Lumolobo ang bilang ng mga paglabag ng karapatang pantao sa
ilalim ng Oplan Bayanihan, ang programang kontra-insurhensya ng
rehimeng US-Aquino kung saan nagiging target kahit ang mga ligal na
aktibista at ordinaryong mamamayan.
Sa ganitong kalagayan, walang ibang patutunguhan ang mga
kabataan at estudyante kundi ang makilahok sa mga pagkilos ng
mamamayang Pilipino upang patalsikin ang rehimeng US-Aquino at
isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang
perspektiba.
Mga paglabag ng karapatang-pantao laban sa sektor ngkabataan at
estudyante
Patuloy na nakakulong sina Gerald Salonga at Guiller Cadano, mga
organisador ng Anakbayan-Central Luzon at estudyante ng extension
program ng UP Diliman sa Pampanga, matapos silang dinukot ng mga
elemento ng militar noong Agosto.
Ganito rin ang naratnan ni Alaiza Mari Lemita,
Anakbayan-Southern Tagalog Regional Vice Chairperson, at kanyang
mga kamag-anak, kilalang mga lider-magsasaka sa Hacienda Looc,
Nasugbo, Batangas. Iligal silang inaresto ng pulisya noong
Abril.
Walang awang pinaslang si Freddie Fermin Ligiw, kasapi ng
Anakbayan-Abra, kasama ang kanyang amang si Licuben at kapatid na
si Edie ng mga elemento ng 41st Infantry Battalion ng Philippine
Army noong Marso 2.
Pinatay naman ng 5 pulis si Stephen Galidan, estudyante ng
Business Administration sa Mountain Province State Polytechnic
College, nitong Nobyembre dahil lamang sa diumanong paglabag ni
Galidan sa curfew at pagiging delingkuwente.
Tampok din ang pagsampa sa gawa-gawang mga kaso sa mga
lider-kabataan, katulad ni Em Mijares ng Anakbayan-Bicol at Bryan
Bosque at Krisma Porquia ng Anakbayan-Iloilo, na naglunsad ng mga
kilos protesta na umabala sa mga talumpati ni Pangulong BS
Aquino.
Kahit ang mga pamantasan ay naging mga pook ng panunupil, kagaya
ng pagtangkang pagpapatalsik ng mahigit 40 kabataang aktibista ng
Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
(EARIST) at 4 lider-estudyante ng University of San Carlos sa
Cebu.
para sa iba pang babasahin, bisitahin lamang ang:
www.anakbayan.org
-
8 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
PATNUGUTAN
PUNONG PATNUGOT | Orion YoshidaMGA KAWANI | Andrea Pauline Lim,
Richard James Mendoza, Jaems Relativo, Ina Nacario, Jaque Eroles,
Vencer Crisostomo, Bethany Pascua, Karlo Mikhail Mongaya, Issa
BaguisiPAGLALAPAT | Edward Pastor
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa
[email protected] facebook | Anakbayan
Phils twitter | @anakbayan_ph
Taas-kamaong pagpupugay para kay Rendell Ryan Cagula
Taos kamaong pagpupugay at pinakamataas na parangal ang
ipinapaabot ng Anakbayan kay Rendell Ryan Caligula, kilala bilang
Perper sa mga aktibista at Ka Lucas naman sa hanay ng mga pulang
mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at sa mga masa ng
kanayunan na kanyang pinagsilbihan.Si Perper kasama ang ilan pang
membro ng BHB ay pinaslang ng mga sundalo sa engkwentro noong
Nobyembre 4 sa Maasim, Sarangani.
Si Perper, ipinanganak siya noong Pebrero 24, 1991, ay kilalang
lider-estudyante sa Mindanao. Nagsilbi siyang panrehiyong
tagapagsalita ng League of Filipino Students at panrehiyong
koordinador ng Kabataan Partylist sa Southern Mindanao.
Namulat siya sa kalagayan ng lipunang Pilipino nang maging
mag-aaral ng Anthropology sa University of the
Philippines-Mindanao. Nahalal siya bilang kinatawan ng kolehiyo
at presidente ng konseho ng mag-aaral sa UP Mindanao. Nahalal din
siyang bise-presidente ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa
UP (KASAMA sa UP).
Puspusang kumilos bilang lider kabataan si Perper at nagpasyang
sumapi sa BHB. Nakilala siya sa kanyang kasigasigan at tatag, mula
sa pagiging medik ay naging political PGDFS OBOH LBOJMBOH QMBUVO
/BLJMBMBsiyang walang pagod sa pagoorganisa sa mga masa, at sa
pagpapalakas sa loob at katatagan ng mga kasama.
Lubusan ang pagluluksa ng mamamayan ng Mindanao at buong bayan
sa pagkawala ng isa nitong kabataang mandirigma. Gayunpaman, gaano
man kaiksi ng buhay, para sa masang pinaglinguran ni Perper, ni Ka
Lucas, nag-iwan ito ng mahalagang pamana.
Inspirasyon at huwaran si Perper sa marami pang kabataang
Pilipino. Dapat tularan ng kabataan ang buhay ni Perper: buhay na
inialay sa pagsisilbi sa masang api at pinagsasamantalahan, hindi
natakot na makibaka sa harap ng hirap at sakripisyo, at hanggang
huling sandali ay inialay sa pangarap ng mas magandang bukas para
sa bayan.
Mabuhay ang alaala at pamana ni Perper, Ka Lucas!