Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral ng mga Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – DJGTMU Bilang Pangangailangan Sa Filipino II, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Nila Belizon. Justine Krizha Catindig, Geramay Mondejar, Ana Marie Narvasa, Jemma Lyn Ollero, Mitchell Collen
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaral
ng mga Estudyante sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ng
University of Perpetual Help – DJGTMU
Bilang Pangangailangan
Sa Filipino II,
Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa
Nila
Belizon. Justine Krizha
Catindig, Geramay
Mondejar, Ana Marie
Narvasa, Jemma Lyn
Ollero, Mitchell Collen
Pebrero 2012
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Pahina
Talaan Ng Mga Nilalaman
Kabanata
I – Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Batayang Konseptwal
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
II – Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kaugnay Na Literatura
Kaugnay Na Pag-aaral
III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik
Respondente
Teknik sa Pagkuha ng Sampol o Kalahok sa Pag-aaral
Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng Datos
Pormula sa Pagkalkula ng mga Porsyento
IV – Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos na Kinalabasan
Ng Pag-Aaral
Kinalabasan ng Pag-aaral
V – Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon At Rekomendasyon
Buod
Konklusyon
Rekomendasyon
Bibliografi
Apendiks
Sarbey-Kwestyoneyr
Kabanata I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Ang pamilya ay isang bahagi ng buhay ng tao na hindi kailanman
mababago sa mundo. Ang ama, ina at mga kapatid ng isang tao ay hindi
mapapalitan ng sinuman. Tunay ngang napakalaki ng impluwensiya ng
pamilya sa buhay ng isang tao. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na
yunit ng isang pamayanan, ito ang humuhubog sa pagkatao ng bawat miyembro
nito. Ito rin ang unang nagpaparamdam ng pagmamahal, kasiyahan at
inspirasyon sa mga taong nangangailangan nito.
Ang karaniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo ng mga tao na
binubuo ng ama, ina at ang mga anak kung saan ang bawat isa ay
pinagbubuklod ng pagmamahal. Ito rin ay tinatawag na nuclear family. May iba’t
ibang uri rin ng pamilya ayon sa dami ng miyembro nito at kabilang rito ang
extended family. Ito ay nangahuhulugang kasama ng pangunahing pamilya ang
iba pang mga ka-anak tulad ng mga lolo at lola sa iisang tahanan lamang. Ang
isa pang uri ay ang conjugal family kung saan ang tatay at nanay lamang ang
miyembro ng isang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, marami ngang pagbabago ang nagaganap sa
mga pamilya sa buong mundo. Sa kabila ng matiibay na pagkakabuklod-buklod
ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang marami namang pamilya ang
nagkakawatak-watak. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng isang
broken family o isang sirang tahanan, kung saan ang nanay at tatay ay hindi
magkasamang naninirahan sa iisang tahanan upang itaguyod ang kanilang mga
anak
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto
ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng estudyante. Malaki ang
papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat lamang na sila ang magbigay
at magpahayag ng kanilang mga saloobin patungkol sa usaping ito. Sa
pananaliksik na ito malalaman, mauunawaan, masasagutan at matutugunan ang
katanungan ng nakararami ukol sa problemang kinahaharap ng mga apektadong
kabataan.
Dito malalaman ang mga dahilan ng pagkakawatak-watak ng
isang pamilya. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang mga datos na
kanilang nakalap at kinalabasan sa pag-aaral na ito. Ito ay para man lamang
kahit sa mumunting paraang ay makatulong sila na maipahayag ang mga
pinagdadaanan ng isang kabataang hindi nakararanas ng benepisyo ng isang
kumpletong pamilya. Isa pa’y nais din nilang maghatid ang pag-aaral na ito ng
kaalaman sa mga susunod na henerasyon ng kabataan at nang sa gayon ay
maging inspirasyon sa kanila ang mga paghihirap na painagdadaanan ng isang
estudyanteng nagmula sa isang sirang tahanan.
Layunin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na:
1. Malaman ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng
pamilya ng mga mag-aaral;
2. Maunawaan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya
sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral;
3. Mailarawan ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya
sa pag-aaral ng mga mag-aaral;
4. Mailahad ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung
paano nila malalampasan ang mga epektong dulot ng
pagkakawatak-watak ng pamilya.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga
epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng
kursong Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G.
Tamayo Medical University. Ang mga resultan at kalalabasan ng pag-aaral na ito
ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:
Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong
makatulong sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang mga ito.
Ito rin ay makapagbibigay sa kanila ng mga karagdagang impormasyon at gayon
din sa kanila pang mga gagawing mga pag-aaral. Maaari rin nila itong gamitin sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila
pagdating sa usaping ito.
Mga Magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-aruga sa
kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang payapa
at masaya. Ngunit sa mga pagkakataong hindi maiiwasan gaya ng
paghihiwalayan, ang bawat panig ng magulang, ay nararapat na maging
responsable sa paggabay, pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa
mga ganitong sitwasyon.
Mga Guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang
nagmula sa isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa kanilang
pagkatao. Sa pag-aaral na ito, mas mauunawaan ng mga guro ang mga dahilan
at senyales kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting pag-uugali ang mga
apektading mag-aaral. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang magabayan
sa mga kinahaharap na sulianin ang kanilang mga mag-aaral.
Mga Mananaliksik at Mamababasa. Magsisilbi itong gabay at
makapagbibigay ng impormasyon at inspirasyon sa mga pinagdadaanan ng mga
mag-aaral na nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ito ay magsisilbing
paalala upang pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa
pagmamahal at pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga
apektadong mag-aaral.
Paglalahad ng mga Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto ng
pagkakawatakwatak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Upang maging tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na
masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga karaniwang dahilan ng pagkakawatak-watak ng pamilya
ng mga mag-aaral?
2. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa
sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral?
3. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-
aaral ng mga mag-aaral?
4. Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano
nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng
pamilya?
Batayang Konseptwal
Makikita sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga estudyante sa kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo
Medical University na nakapalibot sa pananaliksik na ito. Ito ay ang pag-alam sa
mga posibleng sanhi, bunga, at mga taong responsable pag-aaral na ito.
Mga Sanhi
Mga Bunga
Pigura 1 – Paradaym ng Batayang Konseptwal
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Mga Apektadong Mag-aaral
Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng
pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong Teknolohiya sa Medisina.
Kung kaya’t ang mga ginamit na impormasyon ay nagmula o nagbase lamang sa
resulta ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga
respondente ay mula sa University of Perpetual Help – Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga sarbey-
kwestyonyer sa mga estudyante sa lahat ng lebel ng mga kolehiyong mag-aaral
ng kursong nabanggit, mapababae man o mapalalaki na nanggaling sa
nagkawatak-watak na pamilya. Ang kaugnay na pag-aaral ay nanggaling sa
internet, mga artikulo ng iba’t ibang mga manunulat, at mga pampublikong
pahayagan.
Pagbibigay Kahulugan sa Mga Salita
1. Sirang Tahanan - anumang tahanan na kung saan ang isa o parehong
mga magulang ay hindi nakatira kasama ng mga bata sa isang normal na
relasyong pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sa kamatayan,
diborsiyo, desersyon, o iba pang mga kadahilanan. (Campbell, 1932)
2. Diborsyo – legal na pagpapasawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa at
lahat ng obligasyong nakapaloob rito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Divorce)
3. Disersyon – pang-iiwan ng isa o parehong magulang sa kanyang pamilya
at kanya o kanilang mga responsibilidad dito.
4. Single Parent – isang magulang na umaako ng lahat ng responsibilidad
na dapat gawin nang magkatuwang ng mag-asawa. Ito ay nag-uugat sa
pagkamatay ng asawa, diborsyo o isang magulang na hindi pa nag-