-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
May mga bagay na hindi nagbabago. Nagbibigay-daan ang taglamig
sa tagsibol. Sa Marso at Abril namumulaklak ang mga bluebonnet. Ang
bakasyon sa tagsibol ay kasiya-siyang saglit na pahinga. Bumabalik
ang mga ibon sa kanilang mga tahanan kapag tagsibol at tag-araw.
Para sa mga senior sa high school, kailangan nang makumpleto at
isumite ASAP ang mga form ng FAFSA. Malapit na malapit nang
magsimula
ang pagsusulit sa ACT at SAT para sa kolehiyo. Nalalapit na ang
STAAR at pagsusulit sa Pagtatapos ng Kurso. Mga aktibidad sa
pagtatapos ng taon – pinaplano ang prom, mga fine arts
presentation, yearbook, at seremonya para sa pagtatapos.May mga
bagay na nagbabago. Mas huhusay ang virtual na pagtuturo. Mas
lalawak ang access sa teknolohiya. Mas magiging tanggap ang
pagsusuot ng mask at pisikal na pagdistansiya. Maaaring mas hindi
gugustuhing bumiyahe sa mga mataong paliparan at siksikang
eroplano. Maaaring hindi na rin nakakaengganyo ang mga conference
at matataong event na maraming taong hindi mo kilala. Magiging mas
madalas ang mga pagsasanay at pulong sa pamamagitan ng Zoom. Kapag
posible, mas madalas nang magtatrabaho mula sa bahay ang mga tao.
Magiging new normal na ang maiging paghuhugas ng kamay at regular
na paggamit ng hand sanitizer.Palagay ko, sumasang-ayon tayong
lahat na nakaka-stress na taon ang 2020: may politikal at
panlipunang kaguluhan, coronavirus at maraming nawalan ng trabaho,
mga protesta at riot nitong tag-araw, mga bagyo nitong taglagas, at
ang muling pagdami ng mga kaso ng Covid-19. Kahit na isa itong taon
na nais nating kalimutan, mananatili ang mga alaala at emosyon.
Para sa ating mga kabataan, ang iba’t ibang karanasan sa 2020 ay
maaaring magkaroon ng marka sa kanilang pag-iisip habambuhay.Isang
bagay ang hindi magbabago, na kailangan ng tiwala, pag-asa, at
pag-ibig ng ating mga kabataan.
• Kailangang may tiwala ang ating mga kabataan na ang mga
sistema ng politika, ekonomiya, at edukasyon na bukod-tangi sa
Amerika ay magbibigay ng mga oportunidad sa pag-unlad at tagumpay,
at mapoprotektahan ang ating kalayaan.
• Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-asa upang makayanan ang
mga pangyayari, kahit kung minsan ay napakalaki, na wala sa
kanilang kontrol. Hindi natin nais na maging biktima ng takot ang
ating mga kabataan. Kailangan nating bigyan ng kapanatagan ang
ating mga kabataan na magkakaroon sila ng maraming pagpipilian at
oportunidad upang ibahin ang kanilang kapalaran.
• Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-ibig. Kapag dumating sa
paaralan ang ating mga kabataan, kailangan nilang malaman na ligtas
sila at may kahit isang nasa hustong gulang na tunay na may
malasakit para sa kanila. Ang mga bata ay nakakaramdam ng mga
pag-aalala at may dala-dalang mga pasanin, ngunit ang pagmamahal
natin sa kanila ay maaaring makatulong sa pagpapagaan nito.
Ipinapahayag ang pag-ibig sa iba’t ibang paraan, at ito ay
tuloy-tuloy na ipinadarama habang tumatagal ang panahon. Gumawa ng
pangako ngayon, na magbibigay ka ng tiwala, pag-asa, at pag-ibig sa
ating mga kabataan.
SIMPLENG YAKAP Mayroong kakaiba sa simpleng yakap na
palaging nagpapagalak sa puso; Binabati tayo nito pag-uwi sa
bahay at mas
pinapadali ang pag-alis.
Isang paraan ang yakap para ibahagi ang saya at mga kalungkutang
nadarama;
o simpleng paraan para sabihin ng magkakaibigan na gusto ka nila
dahil ikaw
ay ikaw.
Ang mga yakap ay para sa sinumang talagang mahalaga sa ati n,
mula kay lola hanggang sa iyong kapitbahay, o sa isang
masarap na yakaping teddy bear.
Nakakamanghang bagay ang yakap, isa itong perpektong paraan para
ipakita ang pagmamahal na ati ng nararamdaman na
nahihirapan tayong masabi.
Nakakatuwang isipin na ang isang munti ng yakap ay
nakakapagbigay saya sa lahat,
Sa bawat lugar o wika, palagi itong naiinti ndihan.
At hindi kailangan ng yakap ng mga bagong kagamitan, espesyal na
baterya o parte Buksan lamang ang inyong mga bisig at
buksan ang inyong mga puso. Hindi Kilalang May-akda
Skip Forsyth
The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng
Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya)
Tahanan at PaaralanBolyum 17
2020, Ika-3 Quarter
-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
2
Pakikibagay sa PagbabagoIpaliwanag:• Ipaliwanag sa iyong anak
kung bakit ito nangyayari habang
binibigyan sila ng kapanatagan.• Maging totoo at malinaw sa
iyong anak.• Ibahagi ang iyong mga alalahanin sa iyong anak at
hayaan
din siyang magbahagi sa iyo.• Bigyang-kapanatagan ang iyong
anak, na sama-sama tayong
lahat dito.
Magplano:• Makipagtulungan sa iyong anak na gumawa ng isang
plano.• Magkasamang gumawa ng mga inaasahan.• Bigyan ng oras ang
iyong anak na kumonekta sa mga guro
o kamag-aral sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, email, o
video conference.
Ito Ay Isang Proseso:• Hindi ka kaagad makakakita ng resulta.•
Bigyan ang iyong sarili at iyong anak ng panahon para
umayon sa mga dumarating na pagbabago. Makibagay sa mga
pagbabago.
• Bigyan ang iyong sarili ng panahon na masanay sa mga
pagbabagong ito.
• Matututo rin ang mga kabataan ng mga bagong regular na gawain
at iskedyul.
• Ayusin ang kung ano ang hindi pinakamainam sa iyong anak.
Mga Magulang bilang Guro Sa Panahon ng Malayuang Pag-aaral
Para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa
iyong Contact para sa Titulo I, Bahagi A ng Rehiyonal na
ESC o sa Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa
Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya sa [email protected]
Mga Pagsubok para sa Mga Magulang at Pamilya:Maaaring makaramdam
ng mga kabiguan at magkakaroon ng mga pagkakamali sa panahong ito.•
Ayos lamang na magkaroon ng mga sandaling hindi tayo
okay.Lubos na abala na ang iyong iskedyul.• Maglaan ng maiikling
pagpapahinga (“me time” o oras
para sa sarili) sa iyong araw.Maaaring puno ng stress ang
pagtuturo at pag-aaral sa tahanan.• Maging mabait sa iyong
sarili.Maaaring pakiramdam mo ay natatabunan ka na at hindi ka
gaanong nakakapaghanda.• Magtuon ng pansin sa mga bahaging
komportable ka at
mapaghahandaan mo.• Huwag mahiyang humingi ng tulong sa anuman
at sa lahat
ng bagay!Manatiling konektado sa pamilya, mga kaibigan, at mga
support group.• Ito ay isang positibong paraan para maibsan ang
stress at
matuto mula sa isa’t isa. Maaaring mayroon kang ilang
bata/alagang nangangailangan ng access sa limitadong teknolohiya.•
Abisuhan ang iyong mga guro at iiskedyul ang teknolohiya
sa abot ng iyong makakaya.• Humingi ng payo at mga mapagkukunan
sa teknolohiya
mula sa iyong paaralan at komunidad.Maaaring makaramdam ka ng
pag-aalala tungkol sa kalusugan, o pananalapi ng iyong pamilya, o
ang pagkahuli o pagkawala sa focus ng iyong anak sa kanilang gawain
sa paaralan, atbp.• Ingatan ang iyong sarili—unahin ang pamilya.•
May natatanging estilo sa pag-aaral ang bawat bata at
iba’t ibang bilis sa pagkatuto.• Humingi ng mga klaripikasyon
mula sa guro para sa mga
takdang-aralin.
Ipinagpatuloy sa susunod na pahina
Ang mga guro ay mga “coach,” at “guro” naman ang mga magulang.
Kahit na ang magulang ang una at pinakamaimpluwensiyang guro sa
buhay ng isang bata, naitulak ang mga magulang at pamilya sa papel
na ginagampanan ng mga guro. Sanay ang mga magulang na tulungan ang
kanilang mga anak sa kanilang takdang-aralin. Walang pagsasanay ang
mga magulang na magturo ng algebra, sentence mapping o ng water
cycle. Hindi sila nabigyan ng pagsasanay na turuang magbasa ang
kanilang anak na may dyslexia. Hindi sila sinanay kung paano
magbigay ng makabuluhang pagpapahusay para sa kanilang gifted na
anak. Mga magulang, habang hinaharap ninyo ang mga pagsubok at
pagbabago, magkaroon ng pasensiya, maging matiyaga, at makibagay sa
mga pagbabago.
-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
3
Mga Magulang bilang Guro Sa Panahon ng Malayuang Pag-aaral -
Ipinagpatuloy
KomunikasyonMga magulang at pamilya:• Panatilihing bukas ang mga
linya ng komunikasyon.• Suriin ang mga patakaran ng paaralan para
sa mga
pamamaraan ng komunikasyon.• Magbigay ng feedback.Anak:• Ipaalam
sa iyong anak kung ano ang kaniyang lagay.• Bigyang-pansin ang
kaniyang mga kalakasan para sa
araw o linggo at ipagdiwang ang mga tagumpay AT tunay na
pagsisikap!
• Talakayin ang mga larangan na maaaring kailangang mas
pagtuunan ng pansin.
• Gumawa ng plano kasama ang iyong anak upang lumakas sa mga
larangang iyon.
• Tanungin ang iyong anak kung paano ka makakatulong sa kaniyang
pagsulong.
Mga guro:• Ibahagi sa mga guro kung ano ang naging maayos
para sa linggong ito, pati na rin ang mga hindi umayon sa
plano.
• Magtulungan para maipatupad ang mga pamamaraan na maaaring
makatulong sa pag-aaral ng iyong anak.
Mga paaralan:• Malinaw at madalas na makipag-ugnayan sa
iyong
paaralan.• Humanap ng suporta para sa mga sumusunod:
◊ Motibasyon ng bata◊ Kapakanan◊ Suporta sa edukasyon◊ Mga
mapagkukunan: mga pangunahing
pangangailangan at/o mga supply sa paaralan
KulturaPaaralan vs. Kapaligiran sa Tahanan:• Lubos na
magkakaiba-iba ang mga sambahayan at
mga pangangailangan. Ilaan ang lugar at oras na makabubuti para
sa iyong pamlya. Hindi lahat ng mga lugar at iskedyul sa pag-aaral
ay pareho ang hitsura, at ayos lamang ito.
• Habang nagtuturo at nag-aaral mula sa bahay, humingi ng tulong
sa iyong mga campus administrator para sa mga mapagkukunan upang
suportahan ang tagumpay ng iyong anak.
• Hindi dapat dumagdag sa pinansiyal na gastos ng iyong pamilya
ang malayuang pag-aaral. Humingi ng tulong sa iyong paaralan, para
sa mga kagamitan kung kinakailangan.
• Makipagtulungan sa paaralan upang humanap ng mga alternatibo
sa mga pangangailangan sa teknolohiya o ma-access ang mga
mapagkukunan sa loob ng iyong komunidad.
IpinagpapatuloyMay Malasakit na Pamumuno:• Sa paaralan,
tinatanaw ng iyong anak ang mga guro bilang lider
sa kaniyang edukasyon.• Sa tahanan, ikaw ay parehong magulang at
kanilang unang guro.• Magpakita ng malasakit sa iyong anak sa
kaniyang proseso ng
pag-aaral.• Mauuna palagi ang kapakanan ng iyong anak, at
susunod rito
ang kaniyang tagumpay sa edukasyon.• Iparamdam ang kaligtasan at
kapanatagan sa iyong anak. Hindi
man nila maalala ang mga pinag-aralang kurikulum, maaalala naman
nila kung paano sila minahal, sinuportahan, at inalagaan.
Motibasyon:• Pag-isipan ang pagbibigay ng mga gantimpala para sa
iyong anak
kapag nakakatapos siya ng mga pang-araw-araw/lingguhang layunin,
tulad ng: dagdag na libreng oras/oras para sa TV.
• Maglaan ng oras sa iskedyul para sa mga pagpapahinga.•
Malaking responsibilidad ang hinahawakan mo, kaya tandaang
magbigay rin ng gantimpala sa iyong sarili.Panatilihing
Tuloy-tuloy ang Pagkatuto:• Magpapatuloy ang pagbabago. Darating at
lumilipas rin ang mga
pagkabigo. Hikayatin ang mga mag-aaral at pamilya na patuloy na
matuto.
• I-access ang mga mapagkukunan para sa mga nakakatuwa at
interaktibong oportunidad sa pag-aaral na nasa labas ng lingguhang
kurikulum ng iyong anak, tulad ng mga virtual na field trip.
• Kahit ang paglalakad sa gabi o pagbibisikleta sa parke ay
maaaring maging karanasan sa pagkatuto para sa iyong anak.
• Sumali sa mga organisasyon o aktibidad sa komunidad bilang
paraan para tumuklas at umunlad.
• Lumahok sa komunidad upang makakilala ng mga bagong pamilya at
posibleng makakuha ng mga bagong kultural na karanasan.
Mga mapagkukunanSuporta at Patnubay sa Covid-19 ng
TEA—https://tinyurl.com/TEACovid-19-SupportSuporta sa Covid-19 ng
USDE—www.ed.gov/coronavirus?src=featureMga payo para sa
Tagapangalaga ng Mga Mag-aaral na may
Kapansanan—https://tinyurl.com/Children-with-DisabilitiesChecklist
ng Magulang mula sa CDC—https://tinyurl.com/CDC-Parent-ChecklistMga
Payo sa Pagiging Magulang sa panahon ng Covid-19 sa Iba't Ibang
Wika sa Buong Mundo—https://www.covid19parenting.com/Pagtuturo at
Pag-aaral sa Tahanan—https://tinyurl.com/Region-16Pagharap sa
Panahon ng Covid-19—https://tinyurl.com/parent-guide-forcovid
Toolkit para sa Pamilyang Gumagamit ng Iba't Ibang
Wika—https://tinyurl.com/yynjr244Mga Magulang bilang Guro na PPT na
may
Video—https://www.esc16.net/page/title1swi._Teach_Learn_at.home_PPT.video
© 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng
karapatan.
-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
4
Maaaring makaapekto ang Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad
para sa Tanghalian sa pagpopondo ng iyong paaralan alinsunod sa
Titulo I, Bahagi A. Maraming pagsubok ang naranasan nating lahat
nitong 2020. Sa kabutihang-palad, pinahaba ng USDA ang Summer Food
Service Program at Seamless Summer Option hanggang Hunyo 30, 2021
upang tulungan ang mga paaralan sa mga komunidad kung saan
itinuturing na hindi pa ligtas ang harapang pagpasok sa paaralan.
Gayunpaman, dapat maging matiyaga ang mga paaralan sa pagkumpleto
ng Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian para
sa lahat ng mag-aaral upang maiwasan ang mga pagbabawas sa
pagpopondo alinsunod sa Titulo I, Bahagi A sa hinaharap. Narito ang
ilang mga katotohanan upang isaalang-alang at tulungan kang
maintindihan kung bakit napakahalaga ng pagkumpleto ng proseso ng
aplikasyong ito para sa iyong paaralan.
9 Nagbibigay ang TEA ng pleksibilidad sa pag-uulat ng datos ng
libre at binawasang presyo ng tanghalian. Tingnan ang mga FAQ sa
website ng TEA tungkol sa Coronavirus.
https://tea.texas.gov/texas-schools/health-safety-discipline/covid/coronavirus-covid-19-support-and-guidance
9 Tinutukoy ng Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa
Tanghalian kung makakatanggap ang isang mag-aaral ng libre o
binawasang bayad para sa mga pagkain, at nakakaapekto rin ito sa
pagpopondo ng paaralan alinsunod sa Titulo I, Bahagi A.
9 Kung hindi kumpleto o mali ang pagsagot sa aplikasyon, dapat
itong i-code bilang “student paid” (binayaran ng mag-aaral) na
binabasa ng USDE bilang isang mag-aaral na hindi nakakatugon sa
kwalipikasyon kahit na siya ay tunay na kwalipikado para sa mga
libre at binawasang presyo ng tanghalian.◊ Direktang nakakaapekto
ito sa mga mag-aaral at pamilya na maaaring hindi makatanggap ng
libre o binawasang presyo ng
mga pagkain.◊ Nakakaapekto rin ito sa mga campus na itinalagang
schoolwide (pambuong paaralan) sa Titulo I ngunit ngayon ay
nasa
hangganan ng pagtatalaga bilang schoolwide sa Titulo I kung saan
kakailanganin silang lumipat sa targeted assistance (nakatuong
tulong) lamang sa ilalim ng Titulo I. Bilang resulta, ang mga
mag-aaral na nakaraang nakakuha ng benepisyo mula sa mga programa
at serbisyo na binayaran ng mga pondong ito ay hindi na
makakatanggap ng mga ito. Binabayaran ng pederal na pagpopondong
ito ang mga pagkain sa paaralan, at maaari din itong gamitin para
bayaran ang suweldo ng mga guro upang tulungan ang mga mag-aaral at
makabili ng mga kagamitan tulad ng mga computer at iba pang
kagamitan para makatulong na mapahusay ang kalidad ng edukasyon ng
mag-aaral.
9 Ang Field A sa Hakbang 2 ng aplikasyon, na hinihingi ang
social security number ng isang magulang o tagapangalaga, ay ang
lugar na kadalasang naiiwang hindi kinumpleto o maling nasagutan.
Mayroong mga pamilya na maaaring nag-aalinlangan o hindi nais
kumpletuhin ang aplikasyon, ngunit ang pagkumpleto sa aplikasyon ay
para sa pinakamabuting interes ng iyong anak at ng paaralan. Kung
hindi ka sigurado tungkol sa Aplikasyon sa Libre at Binawasang
Bayad para sa Tanghalian, makipag-usap sa isang kawani ng paaralan
na may kaalaman tungkol sa programang ito at alam ang kahalagahan
nito para sa iyong anak at sa paaralan.
9 Mayroong mga instruksiyon para sa Aplikasyon sa Libre at
Binawasang Bayad para sa Tanghalian. Kung kailangan mo ng tulong sa
pagkumpleto ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa isang kawaning may
pagsasanay upang tulungan kang sagutan ang mga papeles at tumulong
sa pag-follow up. Mayroong opsiyon ang ilang paaralan na
kumpletuhin ang aplikasyon online. Kailangang kumpleto, tama, at
ipinasa bago ang takdang oras ang mga aplikasyon.
Mahalaga para sa mga paaralan na manatiling matiyaga sa
pagkumpleto ng prosesong ito. Kung mayroon kang mga tanong kung
paano ginagawa ang prosesong ito sa iyong komunidad dahil sa COVID,
mangyaring makipag-ugnayan sa paaralan ng iyong anak para sa
patnubay. Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para tulungan
ang iyong mga anak at ang mga kabataan sa Texas.Kung nais mong
higit pang malaman ang tungkol sa Libre at Binawasang Bayad para sa
Tanghalian, pumunta sa Free/Reduced Lunch… I-CLICK ITO
Ang Parents ay isang Storyboard na nasa sa Ingles at Espanyol•
Ang Educators ay isang Video• Hindi magtatagal at magiging
available ang Storyboard sa Youtube na magbibigay-daan para
mapanood ang animated video sa
iba’t ibang wika:◊ Mag-click sa “CC” na icon sa kanang bahagi sa
ibaba ng screen◊ Pagkatapos ay i-click ang “Settings” na icon sa
kanang bahagi sa ibaba ng screen◊ I-click ang “Subtitles/CC”◊
I-click ang “Auto-translate” at piliin ang gustong wika
Paano Nakakaapekto ang Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad
para sa Tanghalian sa Pagpopondo ng Paaralan
PAG-ACCESS SA MGA ISINALING CAPTION NG WIKA SA YOUTUBE:
Tiyaking may salungguhit ang pulang CC na icon at pagkatapos ay
i-click ang icon ngsettingssakanangbahagi
Sasettings,buksanangdropdownboxparasamgasubtitleati-clickitoparamagbukas
ng isa pang layer
Pagkatapos ay i-click ang “English (auto-generated)” para
magbukas ng isang dropdown box para sa pagpili ng wika.
Piliin ang iyong wika sa dropdown list at
lalabasnaangmgacaptionsawikangiyon.
-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
5
Ang pagkabalisa o anxiety ay isang normal na emosyon sa kawalan
ng katiyakan at nagsisilbing senyales na magtuon tayo ng pansin
para maprotektahan natin ang ating mga sarili mula sa mga bagay na
maaaring makasakit sa atin. Nagsisilbing alerto ang pagkabalisa.
Inuudyok tayo nito na makibagay. Para sa karamihan sa atin, ang
coronavirus at sakit na COVID-19 ay nagiging dahilan ng isang
kinabukasang lubos na walang katiyakan.Kung nai-stress ka sa
coronavirus, hindi ka nag-iisa. Nagkaroon ang Coronavirus
(COVID-19) ng malawakang epekto sa halos lahat ng aspekto ng ating
mga buhay. Dahil sarado ang mga paaralan at lugar ng trabaho sa
ngayon, naapektuhan nito ang paraan kung paano tayo namumuhay
araw-araw. Napakaraming nagbago sa ganoon kaikling panahon. Natural
lamang na makaramdam ng pagkabalisa kapag may hinaharap tayong
krisis, hindi alam na bagay, o biglaang pagbabago. Normal na
reaksyon ang makaramdam ng pangangailangan sa kaligtasan,
kasiguruhan, kakayahang matukoy ang mangyayari, at kontrol.
Ang pagkabalisa ang natural na tugon ng ating katawan sa stress.
Ito ay isang pakiramdam ng takot o pag-aalinlangan sa kung ano ang
mangyayari. Ang pagkabalisa ay isang normal at kadalasang malusog
na emosyon, ngunit kapag nasosobrahan tayo ng pagkabalisa, maaari
itong makasama sa atin. Ang American Psychological Association
(APA) ay tinutukoy ang pagkabalisa bilang “isang emosyong
inilalarawan ng mga pakiramdam ng tensyon, pagkakaroon ng mga
pangamba at pisikal na pagbabago tulad ng pagtaas ng presyon ng
dugo.”
Iba-iba ang pakiramdam ng pagkabalisa depende sa taong
nakakaranas nito. Maaaring mula sa pagiging kabado hanggang sa
mabilis na pagtibok ng puso ang mga pakiramdam na ito. Maaaring
pakiramdam mo ay wala kang kontrol, na parang hindi magkatugma ang
iyong isip at katawan. Minsan, napakarami mong nararamdamang
pag-aalala, o hindi mo mapigilang mag-alala, at bilang resulta,
nahihirapan kang mag-focus at mag-isip nang malinaw. Maaaring
kasama sa ibang sintomas ang:
Maaaring maging epektibong paraan ang mga pagbabago sa paraan ng
pamumuhay upang maibsan ang ilan sa mga stress at pagkabalisa na
nararamdaman mo at ng iyong mga anak araw-araw. Karamihan sa mga
natural na “remedyo” ay binubuo ng pag-aalaga sa iyong katawan,
paglahok sa mga aktibidad para sa kalusugan, at pag-aalis ng mga
aktibidad na hindi mabuti para sa kalusugan. Kabilang dito ang:
• Makipag-usap at makinig nang mabuti sa iyong batang anak/alaga
o tinedyer tungkol sa pagkalat ng COVID-19.• Sagutin ang mga tanong
at magbahagi ng mga tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa
paraang mauunawaan ng iyong anak o
tinedyer.• Panatagin ang loob ng iyong anak o tinedyer na ligtas
sila. Ipaalam sa kanilang ayos lang na makaramdam sila ng
pagkabahala.
Ibahagi sa kanila kung paano mo hinaharap ang iyong sariling
pagkabahala upang maaari silang matuto mula sa iyo kung paano
makayanan ito.
• Limitahin ang pagbababad ng pamilya sa mga ulat ng balita
tungkol sa pangyayari, kabilang ang social media. Maaaring
magkamali ang pakahulugan ng mga bata sa mga naririnig nila at
maaari silang matakot tungkol sa bagay na hindi nila
naiintindihan.
• Subuking panatilihin ang mga regular na gawain. Kung sarado
ang mga paaralan, gumawa ng iskedyul para sa mga gawain sa
pag-aaral at mga gawaing nakakaginhawa o nakatutuwa.
• Maging ehemplo. Magpahinga, habaan ang tulog, mag-ehersisyo,
at kumain nang mabuti. Makipag-ugnay sa iyong mga kaibigan at
kapamilya.
MAHALAGA! Alamin kung kailan dapat humingi ng tulong. Kung tila
sumosobra ang iyong pagkabalisa — kung nahihirapan kang matulog,
kumain o makipag-ugnayan sa mga paraang normal mong ginagawa —
humingi ng tulong. Karamihan sa mga provider sa kalusugan para sa
pag-uugali ay nag-aalok ng mga telehealth na pagpapatingin sa
panahong ito at maaaring magpaiskedyul sa mga bagong pasyente.
Huwag mahiyang humingi ng tulong sa nakaka-stress na panahong
ito!
PAGKABALISA Sa Panahon ng Pandemya ng Covid-19
Ano ang Pagkabalisa?
Mga Sintomas ng Pagkabalisa
Mga Mungkahi para sa Pagtulong sa Sarili
Mga Paraan para Suportahan ang Iyong Anak Sa Panahon ng
Covid-19
• Nerbiyos, pakiramdam na hindi mapakali, o pagiging
tensyonado
• Mabilis o bumilis na tibok ng puso• Dumami o sobrang
pagpapawis• Nahihirapang mag-relax• Nahihirapang makatulog
• Pagkakaroon ng sapat na tulog• Masustansiyang pagkain•
Pananatiling aktibo at pag-eehersisyo• Pagkakaroon ng regular na
gawain hangga’t makakaya• Pakikipag-ugnayan sa mga pamilya at
kaibigan
• Mga pakiramdam ng takot, panganib, pagkataranta, o
pangamba
• Mabilis na paghinga• Panginginig o pagkirot ng muscle• Tensyon
sa muscle• Madaling mapagod, panghihina, at pananamlay
• Mga pagsasanay sa malalim na paghinga at mga pamamaraan sa
pagre-relax
• Mag-focus sa positibo at magpasalamat• Pag-iwas sa inuming may
caffeine, produktong tabako, at alak• Lumabas – magpaaraw, damhin
ang sariwang hangin, i-enjoy
ang ganda ng kalikasan
-
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng
Magulang at Pamilya
6
Narito na ang Oktubre at ibig-sabihin nito, narito na rin ang
FAFSA. Ngayong taon, para sa 2021-2022 na panahon ng paaralan,
mayroong ilang update ang FAFSA. Habang hindi ganoon karami ang mga
pagbabago kumpara sa mga nakaraang taon, mahalaga pa ring malaman
kung ano ang naiiba.
$0 na Pagtaas ng Hangganan ng EFCIsang mahalagang bahagi ng
FAFSA ang pagkalkula ng EFC o Estimated Family Contribution
(Tinatayang Kontribusyon ng mga Pamilya). Ito ay halaga mula sa
sariling bulsa na inaasahang bayaran ng isang pamilya para sa
edukasyon ng kanilang anak. (Tandaan: ito ay isang tantiya, hindi
saktong numero na kinakailangang bayaran ng iyong pamilya). Depende
sa nakalkulang EFC, magbibigay ang FAFSA sa mag-aaral ng partikular
na halaga ng tulong o loan.Dati, ang hangganan sa kita para sa
awtomatikong $0 na EFC ay $26,000. Ibig sabihin nito, kung ang
isang pamilya ay kumita ng mas mababa sa $26,000, hindi sila
inaasahang magbayad mula sa kanilang bulsa ng kahit anong halaga at
magiging kwalipikado sila para sa mas maraming pinansiyal na
tulong.Para sa 2021–2022 na taon ng paaralan, tinaasan ng FAFSA ang
hangganang iyon sa $27,000.
Handa Nang Magsumite ng FAFSA?Walang malaking pinagbago ang form
ng 2021–2022 FAFSA–na makakatulong sa marami. Pareho lamang dati,
mahalagang tandaan ang anumang mga pagbabago at ayusin ang iyong
mga sagot ayon dito. Sa huli, mahalagang ilagay ang
pinakamay-kaugnayang impormasyon upang makuha mo ang tulong na
nararapat sa iyo.Kung sa anumang dahilan ay nagsumite ka ng
pagkakamali o nagbago ang iyong katayuang pinansiyal pagkatapos
mong magpasa ng FAFSA, tiyaking itama ang impormasyon sa lalong
madaling panahon.Magbubunga rin ang pagsisikap na inilaan mo sa
pagpasa ng FAFSA. Ang mga pederal na gantimpala, loan, at access sa
work study program (programa ng magkasabay na pag-aaral at
pagtatrabaho) ay makakatulong sa mga mag-aaral na makatapos ng
kolehiyo. Tandaan, karaniwang mas may pleksibilidad ang pederal na
tulong kaysa sa mga opsiyon sa pribadong loan.Kung ito ang iyong
unang beses na magpasa, o kung nais mo ng pagbabalik-tanaw,
tiyaking tingnan ang aming gabay sa bawat tanong sa FAFSA!Mga
Update sa 2021-2022 FAFSA Na Dapat Mong Malaman!
(collegeraptor.com)
Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa 2021-22 FAFSA
© 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng
karapatan.
ADMINISTRASYONRay Cogburn, Punong Tagapagpaganap
Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo,
Texas 79109
Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net
Cory Green, Associate CommissionerKagawaran ng mga Kontrata,
Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTexas Education
Agency
1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telepono: (512)
463-9734
www.tea.texas.gov
Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng
Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website
apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa
Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese,
Aleman at Koreano.
EDITORTerri Stafford, Tagapag-ugnay
Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at
Pamilya
[email protected]
The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng
Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya)