Top Banner
Tagalog One Shot Collection By: Coije Leverson | Quinchie | Quincyanne These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Copyright © 2012 by Quincyanne Mari Tampo All rights reserved. No part of this book may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without permission. Please do not participate in or encourage piracy of copyrighted materials in violation of the author’s rights. I think I made it clear in my page that anybody can ask a soft copy. ASK, I might emphasize. If you want a soft copy, just ask for it and I will gladly give it to you. Reposting or copying of my work without giving credit can be considered as plagiarism. Consider the facts before doing something stupid ;)
103
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Tagalog One Shot Collection (1)

Tagalog One Shot Collection

By: Coije Leverson | Quinchie | Quincyanne

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more.

Copyright © 2012 by Quincyanne Mari Tampo

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without permission. Please do not participate in or encourage piracy of copyrighted materials in violation of the author’s rights.

I think I made it clear in my page that anybody can ask a soft copy. ASK, I might emphasize. If you want a soft copy, just ask for it and I will gladly give it to you.

Reposting or copying of my work without giving credit can be considered as plagiarism. Consider the facts before doing something stupid ;)

Page 2: Tagalog One Shot Collection (1)

God Has Brought Me Here

Hi, ako si Tina. Isa lang akong teenager, seventeen years old.

Nakatira ako sa siyudad.

Isa akong Kristyano.

Hindi ako mayaman, hindi rin mahirap.

I was blessed with a family who loves me, and I love them back :)

I am now a college student sa isang University.

And I have a burden..

A burden to save people, just as my Savior has saved me.

Hindi naman sa gusto kong umasta as a Knight in Shining Armour.

Hindi ko kaya yun.

Ang layunin ko lang naman ay mapalaganap ang kabutihan ng Diyos sa buhay ng bawat tao.

Sa kasamaang palad, walang nakikinig.

Page 3: Tagalog One Shot Collection (1)

Ginagawa ko lahat.

Nagbibigay ng tracks, nagsesend ng inspirational messages, kumakanta ng mga gospel songs, kumakausap sa mga taong alam kong bulag pa sa katotohanan, at kahit ano pang mga pamamaraan.

Wala parin.

Narito ako ngayon sa bahay namin, naghahanda ng aking sarili upang pumunta sa bahay ng aking kaibigan para sa isang bible study.

Ang dala ko, isang bibliya, isang cellphone, at konting pera. Tutal maglalakad lang naman ako.

Umalis na ako at tinahak ko na ang madilim na daan.

Liliko na sana ako noong may narinig ako.

"Ibigay mo na sabi eh!" Sabi ng isang matapang na tinig.

"W-wala akong p-pera dito iho.. Pasensya na." Nanginginig na sagot naman ng tinig ng isang matandang babae.

Nagdasal ako.

Panginoon, alam kong kasama kita sa oras na ito. Tulungan mo akong tulungan ang babaeng ito. Kailangan niya ng tulong. Please. In Jesus' name, Amen.

Pagkatapos kong magdasal, pinuntahan ko ang pinanggalingan ng pag-uusap na iyon.

Page 4: Tagalog One Shot Collection (1)

Nagulat sa akin ang lalake. Ganun din ang matandang babae.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman nakakatakot ang aking itsura, diba?

"Pakiusap ho, kuya. Pabayaan mo na lang ang ale. Nakikita mo naman sigurong hindi siya mapera gaya ng mga dati mo na sigurong hinold-up? Kung gusto mo ho, ito na lang ang cellphone ko." Mahinahong sabi ko doon sa mamang hold-uper.

"H-h-h-h-hwuag na. A-a-aalis na lang ako." Sabi niya tapos tumakbo.

"Iha, salamat sa inyo." Sabi ng ale.

"Ho? Eh mag-isa lang naman ako." Ang sagot ko.

"Hindi. May kasama ka iha, isang malaking lalaking nakaputi. Nawa'y pagbutihin ka ng Diyos, anak." Ang huli niyang sabi bago siya umalis.

"S-sige po."

Nagtataka akong pumunta sa bahay ng kaibigan ko.

Lalaki?

Nakaputi?

Page 5: Tagalog One Shot Collection (1)

Naalala kong nanalangin ako bago ako lumapit.

Kaya pala pinasamahan ako ng Diyos sa isang Anghel.

_____________________________________________________________________________

A/N: Hehe. Sorry po. Maikli lang talaga siya. Pero sana nagustuhan niyo ang kwentong yan.

Marami na pong nangyaring ganyan sa iba't ibang panig ng mundo, patunay lamang na totoo ang mga anghel ng Diyos.

Kaya hwuag kayong mag-alala. Manalangin lamang at manalig.

Dahil hindi kayo pababayaan ng Diyos :)

Quinchie :"D

Page 6: Tagalog One Shot Collection (1)

It All Started With A Dream

A/N: Another shot for a one shot story. xD Ang redundant ah.

Read it. Vote if you like it. Comment if you suggest anything .

Thank you!

__________________________________________________________

- Kylie's POV -

"Alam mo.."

Tumingin ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko.

"Ang ganda mo ngayon, sobra."

Nangiti naman daw ako :))

"Thanks.. At dahil diyan.."

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya..

Page 7: Tagalog One Shot Collection (1)

Lapit..

Lapit..

*chu~*

Hinalikan ko siya. Sa LIPS. First kiss ko. EVER.

Tumawa ako ng malakas.

"Ang cute ng reaction mo AHAHAHAHA!"

Cute daw kasi siya eh.

"Kylie."

Lumingon ako, sino kaya ang tumatawag sa'kin?

Page 8: Tagalog One Shot Collection (1)

*PAK!*

Isang sampal para kay Kylie!

"Anong chu chu ang sinasabi mo diyan kanina? Tapos ang lakas pa ng tawa mo grabe! Loka ka talaga. Hahahahahaha," sabi ng best friend kong si Marian.

"Panaginip lg pala? Ay," disappointed kong sabi. Eh kasi naman eh. Ayun na ang first kiss ko oh, nangyari na!

"Spill it," utos ni Marian sakin with her arms crossed on her chest.

Mabait naman ako, kaya ayun kinwento ko na yung nakakahiya kong panaginip.

"WAHAHAHAH," kahit kailan talaga tatawa tawa lang 'tong Mariang Kalabasang 'to eh.

-__________________________-

Buti na lang talaga break namin sa school. Iilang estudyante lang ang nasa room.

Ako nga pala si Kyla Lizbeth Hernando. Third year high school.

Single.

Page 9: Tagalog One Shot Collection (1)

Yung sabi kong best friend ko, si Marian Jee Correlo.

Single din.

Minsan nga iniisip ko ligawan ko na lang 'to. Maganda naman eh.

Yuck.

Ano ba 'tong mga iniisip ko?! >_<

"Psh. Tumahimik ka diyan! Sayang din yun ah!" Sigaw ko sa kanya. Eh kasi nakakainis eeh!

Napatahimik naman siya.

"Sorry Crush. Eh kasi eh. Nakakatawa talaga..pfffftt," mabuti naman at pinigil niya yung tawa niya.

Crush tawagan namin niyan. Ewan ko ba kung bakit. Haha. xD

"Oo na nga, nakakatawa nga! Kaso nakakainis na e---" Napatigil ako sa sinabi ko.

Nakatanga na lang ako sa lalaking nasa door ng room namin.

Page 10: Tagalog One Shot Collection (1)

Tilian ang konting girls na classmates namin..

"Kyaaaaaaaaah~! Diba siya yung sa section A? Ang gwapooo! Bakit kaya siya andito?" Tili lang sila ng tili.

Ako naman, nakatanga lang.

Lumingon naman dun si Marian.

"Bakit, friend? Kailangan mo po?" Grabe yung guts netong si Marian oh. Friend kaagad?

Ang gwapo!! *O*

"Um. Kasi.. Siya oh," sabi niya sabay turo sa'kin.

"A-aako?" Tanong ko na parang naeengot na. >_______<

Page 11: Tagalog One Shot Collection (1)

Pamilyar yung boses niya eeehhh!

"Yung boses mo kasi.. Parang kapareho nung babaeng.." His words trailed away.

Naman oh! Pabitin effect pa 'tong si gwapo eh!

"Babaeng?" Tanong ni Marian na naguguluhan na sa nangyayari.

Nagpapalit palit siya ng tingin sa'kin at dun sa lalaki.

Pumasok yung lalaki.

Tapos hinawakan kamay ko.

>//////////////////<

"Ba-bakit?" Flustered na talaga ako. =___________= nakakahiya!

Page 12: Tagalog One Shot Collection (1)

"I'm Kyle. Kyle Lyndon Montero. You are?" Pakilala niya.

Naks. Ang guts ni kuya ooh! >////<

Malapit na malapit pa yung pangalan namin ah? Meganun?

Tsaka grabe..

Parang..

KABOSES NIYA!

YUNG..

DREAM GUY KO?!

Page 13: Tagalog One Shot Collection (1)

- Kyle's POV -

Grabe ang boring ng morning classes namin. -________________-

Buti na lang nag break na, one hour pa yun. At yun ang pinaka gusto ko sa school! xD

Naglalakad ako sa halls nang mag-isa. Walang barkada eh.

Kasi rank one.

At gwapo.

Pag rank one, marami kang anti na mga nagaaim maging valed.

Pag GWAPO naman, maraming anti na lalaki. Kasi andami kong fans e. xD

Oh sige, hambog na kung tawagin. Totoo naman eh :P

"Hi Kyle!" Bati nung isang taga ibang section, kasama niya mga barkada niya yatang babae rin.

Kumaway na lang ako. Eh tamad kaya akong magsalita.

Page 14: Tagalog One Shot Collection (1)

"Kyaaaaaaa~! Ang cool talaga!" Tilian sila.

Edi napasmirk ako. BWAHAHAHA. >:))

Salamat naman at tumahimik din ang paglalakad ko.

Pero may narinig ako eh.

Dun sa room ng section D.

Kaboses niya yung DREAM GIRL ko.

Kagabi kasi, may napanaginipan ako eh.

Na may humalik sa'kin na babae. Hindi kita yung mukha eh. Pero yung boses niya..

Tandang tanda ko pa yung sinabi ko sa kanya.

Page 15: Tagalog One Shot Collection (1)

"Alam mo.." Panimula ko.

Tumingin siya sa'kin.

"Ano?" Tanong niya.

"Ang ganda mo ngayon, sobra."

Ngumiti siya.

"Thanks.. At dahil diyan.."

Pagkatapos nun..

Hinalikan niya 'ko.

Tapos, tumawa siya. Ang cute ko daw.

Tapos tumunog yung alarm. Ang ganda ng timing eh no. Tssss.

Tumigil ako dun sa tapat nung room ng section D.

Page 16: Tagalog One Shot Collection (1)

"Oo na nga, nakakatawa nga! Kaso nakakainis na e---" Hindi niya natapos yung sinasabi niya kasi nakita niya 'ko. Nagulat pa siya.

Lumingon din sa'kin yung best friend niya yata.

"Bakit, friend? Kailangan mo po?" Tanong sa'kin nung friend niya.

Hindi niya ako kilala? Wow. Iisang school lang ba ang pinapasukan namin?

"Um. Kasi.. Siya oh," sabi ko tapos tinuro ko yung nakatangang cute na babae.

"A-aako?" Tanong niya. Hindi ba obvious? Tsss.

"Yung boses mo kasi.. Parang kapareho nung babaeng.." Hindi ko na tinapos. Parang nakakahiya kasi eh.

"Babaeng?" Tanong nung friend niya. Skeptikal yung mukha eh.

Pumasok na 'ko. Wala nang paliguy-ligoy pa! Eto na to! xD

Page 17: Tagalog One Shot Collection (1)

Hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm Kyle. Kyle Lyndon Montero. You are?" Pakilala ko sa kanya.

"Ah.. Umm.." Hindi siya makapagsalita. Tss, ngayon lang nakakita ng gwapo? HAHA. xD

"Wow." bulong naman nung friend niya.

Nilingon ko naman yun.

"Bakit?" Tanong kong nakataas yung isang kilay.

"Tanungin mo na lang yung pangalan niya," tinuro niya yung si cute.

"You will find out."

Tinitigan ko naman ngayon sa mata etong si cute.

Page 18: Tagalog One Shot Collection (1)

"You are?"

"Kyla Lizbeth Hernando."

Napatigil ako.

O____O

Malapit na malapit yung pangalan namin..

Pero hindi.

Napatigil ako kasi..

SIYA NGA!

Page 19: Tagalog One Shot Collection (1)

YUNG DREAM GIRL ko!

- Kylie's POV -

Yun na yung simula.

Ng lahat.

Ng friendship.

At!

Ayeeeee! Kinikilig akoooo!

LOVE LIFE ko.

Page 20: Tagalog One Shot Collection (1)

We've been friends muna for a year.

And then when that time came..

Opening of classes: 4th year na 'ko!!

"Kyliiieeee!" Sigaw ni Marian mula sa kabilang side ng daan.

"Oh! Mariang Kalabasa! Kamusta ka na crush??" Bati ko naman sa kanya. Endearment ko na yung Mariang Kalabasa noh. xD

"Wala lang. Ok lang naman. Ikawwww? Oh Kyle! Andito ka na rin?"

Lumingon ako, kasi dun nakatingin si Marian sa likod ko eh.

"Wala. PICTURE KO LANG TO. Psh. Tinatanong pa eh andito na nga ako?" Pilosopo talaga kahit kailan.

Page 21: Tagalog One Shot Collection (1)

"Calm lang po mr. valed. AHAHAHA," natatawa na lang ako.

"Kylie usap muna tayo. Yung tayo lang? Please?" Pakiusap ni Kyle sakin.

"Ocge."

Tapos ayun, hinila niya ako papuntang kung saan.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

"Wow. Hindi ko 'to alam ah! May ganito pala sa school?!" Excited ako kasi nga ngayon ko lang nakita ang parteng yun ng school eh.

"Oo, dito ako palagi pag gusto kong mapag-isa. Bibilisan ko lang 'to Kyla ah! Kaya makinig ka."

Sumeryoso naman yung mukha niya.

Page 22: Tagalog One Shot Collection (1)

"Ocge ano ba yun?" Inosente akong tao! xD Seryoso, hindi ko alam ang problema nito. 30 mins pa pala bago mag bell. Ang aga naman pala namin pumuntang school.

"MAHAL KITA. Mula nung una kitang makitang hinahampas hampas yung si Marian. Hindi. Mula pala nung napanaginipan kita. Hinalikan mo 'ko. First kiss ko yun. Kaso lang sa dream lang. Sana naman, ganun din ang nararamdaman mo. I love you, Kylie. Please be my girlfriend."

At natapos din ang mahaba-habang confession.

Teka.

CONFESSION?!!!

Hindi ko inexpect 'to!

O_________________________O - mukha ko.

"Sorry kung nabigla ka. Ano? Baka ma late na tayo.'

Page 23: Tagalog One Shot Collection (1)

"Napanaginipan mo din pala ako?! Ganung ganun din yung panaginip ko nung araw na yun eh!"

Nabigla talaga ako. Wow. Coincidence ba 'to?

"Talaga?! Kaya pala na shock ka nang husto nung narinig mo yung boses ko. Pero bilis na. Sagot," kalmadong kalmado naman ang dating nitong si Kyle.

- Kyle's POV -

Naaatat na 'ko kay Kylie, andami pang paliguy-ligoy eh.

Tanggap ko naman kung ayaw niya!

"Mahal din kita, Kyle. Mula pa noon. Anong magagawa ko, gwapo ka tapos matalino pa! AT! Mabait ka. Syempre mapapamahal ako! Sige, payag akong maging girlfriend mo."

Yun oh! Ang pinakahihintay koooo! \m/

Hindi ko na talaga napigilan! Niyakap ko siya.

Mahigpit.

Page 24: Tagalog One Shot Collection (1)

Tapos, kumalas ako.

Tapos hinalikan siya.

Tinotoo ko na!

Salamat, Lord!

Kasi dahil sa "coincidence,"

Nakita ko ang DREAM GIRL ko..

Page 25: Tagalog One Shot Collection (1)

-END-

A/N: Bitin ba? O hindi maganda? Sorry! Backlogs kasi! Hindi ako makapag-isip ng matino!

-______________________-

Pero salamat parin sa mga nagbasa nito. I appreciate it very much.

Blessings,

Quinchie :"D

Page 26: Tagalog One Shot Collection (1)

Secret Love

A/N: Ang story pong to ay sinulat ni NESIE PILARO. Kaibigan ko siya, so all credits go to her :)

______________________________________________

- Elaine's POV -

"Kuya mamaya magkita tayo sa library ha, kasi gagawa ako ng assignment ko. Tulungan mo 'ko ha?" Sabi ko sa kuya ko.

"Oo, sige ba," sagot niya.

"Sige kuya, pasok na 'ko."

"Sige."

Pumasok na 'ko sa room pagkatapos nun.

Hi! Ako pala si Elaine Gonzales, isang 3rd year high school student. Yung kuya ko, siya si Dylan Clio Martinez. Hindi ko siya tunay na kuya. Ang katotohanan eh best friends kami niyan. Kuya lang tawag ko sa kanya kasi mas matanda siya..

Ng isang taon haha.

Fourth year high school na siya ngayon. Obvious ba? Haha.

Magkapitbahay kami, grade six ako nung lumipat sila malapit sa amin. Ayun, naging close ang family ko sa family niya. Ang saya nga eh. Palagi kaming may bonding ^_^

Lagi kaming sabay papuntang school tapos pauwi. Hindi niya 'ko pinapabayaan kasi nga, kuya ko siya diba?

Kaya lang..

Habang tumatagal..

Lalo siyang napapamahal sa'kin, parang ayoko na siyang mawala sa life ko.

Page 27: Tagalog One Shot Collection (1)

Kami ni kuya, laging sabay papunta at pauwi. Yung to and fro na sinasabi haha. Hindi niya ako pinapabayaan dahil nga little sister niya ako. Caring siya 'no? Wahaha.

Pero dahil sa pagiging caring niya, nahulog ako sa kanya. Hindi ko na nga kaya na mawala siya sa buhay ko eh. Tinatago ko nga lang ang nararamdaman kong iyon. Baka kasi masira pa eh.

Dismissal na, so I headed for the library.

"Kuya, kanina ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, umpisa na tayo?" sagot niya sa'kin.

"Ok po."

Habang nagsusulat ako, may sinasabi siya sa'kin.

"Alam mo Elaine, hindi pa ako sinasagot ni Gail."

"Po?"

Nagulat kasi ako, first time kasi na nagshare siya sa akin tungkol sa mga ganung bagay. Mga love love ba.

Ang sakit pala pag ganun no?

Hindi nga lang ako nagpahalata. Duh.

"Gusto mo kuya, tulungan kita?" Pa suggest suggest pa ko eh no? Hays.

"Pano?"

"Basta.."

Tapos na pala yung homework. Ayun, umuwi na kami.

------------------------------------------------------

Page 28: Tagalog One Shot Collection (1)

- Dylan's POV -

Hi! Ako si Dylan Clio Martinez, may sasabihin ako sa inyo. Secret lang natin to ah? Alam niyo, nung lumipat kami ng bahay, may na meet akong babae.

Siya si Elaine. Hindi lang siya mabait, kundi maganda pa. Yun nga yung dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya eh.

Tatlong taon ko na siyang crush, tatlong taon ko na rin tinatago 'to.

Hindi ko kasi alam kung paano maipadama sa kanya eh, at natatakot akong sabihin. Baka kasi mawala yung pagkakaibigan namin.

Baka mawala pa siya sa akin.

Kahapon nung nasa library kami, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya nasabi ko na lang na may nililigawan ako kahit hindi totoo. Sinubukan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niy sa narinig. Pero wala eh, gusto niya pa nga akong tulungan. Ouch naman.

---------------------------------------------------------

Ang swerte naman ni Gail.. Tama ako! Tama talaga ako na hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya, dahil masasaktan ako ng todo todo!" Nagdadrama si Elaine sa sarili niya.

"Anak kain ka na," tawag sa kanya ng ina niya.

"Opo ma, bababa na!"

Nung nakababa siya, nagulat siya dahil naroon ang pamilya ni Dylan.

"Oh, b-bakit andito kayo?" Tanong niya.

"Anak, sasalo daw sila sa atin para masaya," sagot sa kanya ng ina niya.

"Oo nga Elaine. Salo kami dito ah," nasisiyahang sabi ni Dylan.

"Ok," sagot na lang niya.

Matapos nilang kumain, pumunta sina Dylan at Elaine sa balkonahe.

"Kuya, naka score ka na ba kay Gail?" Nag-aalangang tanong ni Elaine.

"Ha? Ehm.. Wala eh. Wala kasi akong idea kung ano ang gagawin ko," yun lang ang sagot sa kanya ng binata.

Page 29: Tagalog One Shot Collection (1)

"Alam ko na kuya! May ginawa akong kanta. Kantahin mo 'to sa kanya. Magaling ka naman diba?" Pinilit ni Elaine na pasayahin ang tono niya, kahit nasasaktan na siya.

Kaya lang, ginawa ko sana 'to para sa iyo eh. Kung alam mo lang sana.

"Talaga? Sige ba! Turuan mo naman ako."

Tinuruan naman ni Elaine si Dylan kung pa'no kantahin iyon. Habang inuulit nila ang kanta, hindi napigilan ni Elaine ang mga luha niya.

"Uy, Elaine. Ba't ka umiiyak? Sintunado ba 'ko?" Nag aalalang tanong ni Dylan.

"Hahaha," tumawa ng mahina si Elaine. "Hindi kuya. Na touch lang ako."

Actually, nasasaktan na po.

"Awww. Ang cute mo naman haha. Tahan na. Tama na muna 'tong pagkanta. Baka umulan pa ng malakas..

Mula sa lumuluha kong puso. Gusto ko sanang kantahin SA IYO 'to. Kaso hindi mo lang alam."

Binulong lang ng binata ang huli niyang sinabi.

"Sige po, pasok na lang po ako," nakangiting sambit ni Elaine.

Noong naiwan si Dylan na mag-isa sa balkonahe...

"Hay, Elaine. Hindi mo lang alam. Naiiyak na talaga ako. Pinipigilan ko lang. Bakit ba kasi hindi ko pa masabi sa'yo eh!" Pinagalit pa talaga ni Dylan ang sarili niya. Ano na ang nangyayari sa mga tao ngayon? Nababaliw na ata eh haha. Aws. Sorry, nakiki-side comment si Author.

Pagkatapos nun, umalis na rin si Dylan. Andami kayang lamok dun.

---------------------------------------------------------

"Ang iyakin mo naman Elaine! Hays, bakit kasi sa dinami-daming ibibigay na pang pogi points yung kanta mo pa eh,"

sisi ni Elaine sa sarili niya.

Umm, girl. Makisingit nga lang ako. Kawawa ka naman. Kaya lang..

Bakit mo nga naman ibinigay yun? Ayan tuloy, nagdrama ka pa.

- Kinabukasan sa school -

Page 30: Tagalog One Shot Collection (1)

"Kuya ayun si Ate Gail oh," tinuro ni Elaine yung si Gail.

"Saan?" Tanong ni Dylan.

"Ayun!! Oh kuya, ang kanta ha?"

"Oh sige."

Ayun, nilapitan nga ni Dylan si Gail. Umalis naman si Elaine.

"Oh Dylan! Hi!" Bati sa kanya ni Gail.

"Hey, Gail. Sabay na tayong pumunta sa room," sabi ni Dylan habang lumilingon sa pinanggalingan niya. Wala na si Elaine.

"Okay."

---------------------------------------------------------

- Dylan's POV -

Si Gail Legarde nga pala.

Kaklase ko. Sa kanya din ako nag sheshare palagi tungkol kay Elaine. Tungkol sa mga nararamdaman ko sa kanya.

Siya lang ang nakakaalam na crush ko siya at syempre alam din niya ang pagkukunwari kong nililigawan ko siya.

---------------------------------------------------------

- Elaine's POV -

Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman 'kong 'to.

Ano na bang nangyayari sa'kin?

Kapag kasi nakikita ko silang magkasama, nasasaktan ako :(

Malapit na pala ang graduation nila Kuya Dylan, ano kaya ang ibibigay ko sa kanya?

Bumili na lang ako ng couple shirt. Syempre naman tinago ko yung isa. Ibibigay ko yung isa kay kuya. Para naman may remembrance si kuya sa'kin pag nasa college na siya.

Page 31: Tagalog One Shot Collection (1)

- Dylan's POV -

- Graduation Day -

Nanoood ang pamilya ko at pamilya nila Elaine dahil nga salutatorian ako.

Si Gail naman, valedictorian.

Nung natapos yung graduation, kinausap ko si Gail.

"Gail, Congrats!" Bati ko sa kanya.

"Congratulations to you as well," bati niya din.

"Ate Gail at Kuya Dylan, Congratulations to both of you! Bagay talaga kayo no?" Saktong lumapit si Elaine sa'min. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Para naman kasing pinamimigay niya 'ko eh.

"Ha? Eh.. Thank you Elaine," sabi na lang ni Gail sabay ngiti.

"Thanks.." Nagpasalamat na nga lang din ako.

Nakipagkamay na ako kay Gail at umalis kasama ni Elaine.

Naiwan kaming dalawa kasi naman nauna nang umuwi ang mga pamilya namin.

Ewan ko kung bakit.

"CONGRATULATIONS, DYLAN!!" Sigaw ng mga tao sa bahay nung nakauwi na 'ko.

"Wow. Salamat ah. Hindi ko inaasaan 'to hahaha. Oy, Gail andito ka rin?" Talaga namang hindi ko yun inasahan eh :)

"Inimbitahan kasi ako ni Elaine," nahihiyang sambit ni Gail.

"Sige kain na tayo, gutom na 'ko eh!" Sabi ni Elaine.

Pagkatapos naming kumain, binigyan nila ako ng mga regalo.

Naapreciate ko yun, sobra :)

Pero yung pinakahinihintay ko, ang kay Elaine.

Page 32: Tagalog One Shot Collection (1)

Ano kaya ang ibibigay niya saken?

Lumapit na siya..

"Oh, para sa'yo ^_^ Congrats kuya!" Sabi ni Elaine.

Couple shirt? Ang cute talaga nitong si Elaine.

"Wow, salamat! ^____^" ang laki ng ngisi ko haha.

- Elaine's POV -

Ay.. Mas maganda yung binigay ni ate Gail sa'kin..

Pero kahit ganun, nanahimik na lang ako.

Tutal naman, napasaya ko si kuya.

- One year later -

Mahal ko pa rin talga siya. Kahit malayo na siya. Ang lungkot naman ng buhay ko eh.

Naging malayo kasi kami sa isa't isa dahil nga college na si kuya. Nagboboard na lang siya since medyo malayo ang university niya samin.

- Dylan's POV -

Kamusta na kaya si Elaine?

Malapit na pala siyang gumraduate.

Siguro..

Page 33: Tagalog One Shot Collection (1)

Panahon na para sabihin ko sa kanya.

Tinawagan ko si Gail, kailangan ko kasi ng suporta at tulong.

Torpe kasi ako.

Kailangan ko si Gail para turuan ako kung pa'no ko mapapakita ang nararamdaman ko sa kanya.

Kasi nga..

Mahal ko siya.

Dumating na nga ang graduation day ni Elaine.

Dahil nga sa pagsusumikap ni Elaine, naging valedictorian siya.

- Elaine's POV -

"As I have been going through this phase that most of us call High School, I have learned a lot of things that I might consider in the next years to come..."

Habang sinasabi ko ang valedictory address ko, hinahanap hanap ko si kuya Dylan.

Ayun, kakarating lang. Kasama niya si ate Gail.

"And so I would like to congratulate all of the graduates of this school year, for having been able to surpass these challenges..."

Hindi ko na natapos ang speech ko at bumaba na 'ko.

Buti naman at hindi obvious na hindi ko natapos.

Ang sakit kayang makita yung mahal mo na may kasamang iba?

Hanggang sa pagbigayan ng awards at medals, I surpressed the pain that I was feeling.

Deep down kasi, parang iiyak na talaga ako.

Page 34: Tagalog One Shot Collection (1)

Nabibiyak ang puso ko.

Magkaholding hands pa talaga sila ah?

Pagkababa ko, umiyak na talaga ako. Ang sakit na eh.

- Gail's POV -

"Asan na si Elaine?" Tanong ng mama niya pagkatapos ng graduation.

"Alam ko po kung nasan siya. Hayaan na lang po muna natin," sabi ko na lang.

Alam ko naman kasi talaga kung nasaan sila eh.

Oras na kasi.

Para magkaalaman na sila ^_^

Umalis na kami at pumunta sa bahay nila Elaine.

Kaya niyong dalawa iyan! For the sake of love!

That's my silent cheer haha.

- Elaine's POV -

Pumunta ako sa secret garden ko.

Dito kasi ako umiiyak, tulad ngayon.

Dito lang kasi ako naglalabas ng sama ng loob ko.

Uy teka..

Parang nagbago?

Bakit ang ganda ng garden ko ngayon?

Sino ang nagpuno ng mga bulaklak dito?

"Huwag ka nang umiyak Elaine.."

Page 35: Tagalog One Shot Collection (1)

Teka..

Si kuya Dylan?

Alam niya ang tungkol sa secret garden ko?

"Ba't ka andito kuya? At paano mo'ng nalaman ang tungkol dito sa lugar na 'to?

"Kasi..

Mahal kita."

>/////////////////////<

"Ha?" Nagulat ako dun ah.

"Gusto mo ulit-ulitin ko pa? Ayeee! Kinikilig ka naman diyan eh..

Mahal kita."

"Paano na si ate Gail? Ahh.. Alam ko na! Kaya mo lang sinasabi sa'kin yan kasi basted ka! Mahal mo lang ako bilang kapatid, ganun po yun diba?"

"Elaine, hindi ko naman talaga nililigawan si Gail eh."

"Weh? Lokohin mo'ng lelong mo!"

Pero..

Page 36: Tagalog One Shot Collection (1)

May tumugtog na music..

Yung kanta kong ginawa.

T___T

Umiyak na tuloy akooo!

Lumapit sa'kin si kuya tapos niyakap niya 'ko.

"Tahan na Elaine. Sorry ha. Ngayon ko lang nasabi kasi.. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Mahal mo rin ba ako?"

"Alam mo kuya," sabi ko habang tinititigan yung mukha niya. Gwapo talaga kahit kailan!

- Dylan's POV -

"Alam mo kuya,

Matagal na kitang mahal."

"Nagtapat ka tapos kuya parin tawag mo sa'kin," saway ko sa kanya. Pantago lang ng kilig hahaha.

"Ok. Dylan!"

Page 37: Tagalog One Shot Collection (1)

"GOOD!"

Niyakap ko siya ulit. Ansarap yakapin eh.

"Tara pasok na tayo," yaya ko sa kanya.

- Elaine's POV -

Pagkatapos naming kumain, dinala uli ako ni Dylan sa secret garden.

"Oh, para sa'yo," sabi niya sabay abot sakin ng hindi ko alam haha.

"Ano ba 'to?" Tanong ko.

"Buksan mo."

Tapos nun umalis siya..

Binuksan ko nga..

"Bigay ko 'to sa kanya ah. Ano 'to binalik niya sa'kin? Haha"

"Binili ko yan no. Para sa'tin," sagot ni Dylan. Bumalik na pala siya, hindi ko namalayan. AT! Nagpalit siya ng tshirt! Yung pair nung binigay niya sa'kin yung pinalit niya. Kinilig ako sobra!

Page 38: Tagalog One Shot Collection (1)

"THANK YOU! THANK YOU KU-- DYLAN PALA :D"

- End -

_____________________________________________

A/N: That's one good story hahaha. May mga singit nga lang akong linya d'yan. Pero kay nesie talaga yan. Wala nga lang siyang account kaya eto. Ako na ang nagpost wahaha.

Comment. Vote.

Lotsa love,

Quinchie :"D

Page 39: Tagalog One Shot Collection (1)

Past, Present, Future

______________________________________________________

- Mia's POV -

"Kapag ako hindi pa paniwalaan nun, ay nakooo! Magagalit na talaga ako ng bonggang bongga!" Sigaw ni Nori isang araw sa'kin. Naglalabas kasi siya ng sama ng loob tungkol sa boyfriend niyang si Lian.

Nag aaway kasi sila eh, pati ako hindi ko na maintindihan kung ano ba ang problema nila. Kahit sa'kin sila lumalapit pareho para manghingi ng advice. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit ako pa ang nakita nila, na alam naman nilang wala ako kaexpi-experience sa pagmamahal eh.

Ano 'ba kasi 'tong dalawang 'to, ang lalaki na isip bata pa rin.

Yun nga lang, wala akong magagawa.

Nakikinig lang talaga ako sa kanya kanyang sentimyento ng dalawang yun.

Ayokong makialam. Sila dapat ang umayos nun. Diba, tama ako?

Ako nga pala si Mia Walangmagawa.

Joke hahaha.

Page 40: Tagalog One Shot Collection (1)

Mia Lopez is the name.

At hindi tungkol sa'kin ang istoryang ito.

Tungkol 'to sa kanina ko pa inirereklamo haha.

Sa best friend kong si Nori (Noriko Morales) at ng boyfriend niyang si Lian Ginjiro Watanabe.

Let me describe these two.

Si Nori, 18 years old. Fourth year high school tulad ng sinabi ko kanina lang. Isang school lang kami, dito sa public school sa Tokyo. Oo, pinoy kami pareho. Eto nga

oh, marunong kaming mag tagalog. Dito nga lang kami pinanganak. Pero kahit Tokyo, Japan ang sinasabi ng address namin, Manila, Philippines naman ang sigaw ng puso't isip namin. Naks! :D

Maganda 'tong si Nori. Sikat nga sa school eh. Andaming suitors. Pero talo parin sila ni Lian.

Si Lian Ginjiro Watanabe, 20 years old. 2nd year university student sa isang International University. Half siya. Half-Jap, Half-Pinoy. Hindi niya talaga alam kung pa'no mag tagalog noon. Pero dahil kay Nori, nagsumikap siya ng ilang years upang mag-aral ng language natin. Ayun, naging fluent naman. Tutal may lahi naman siya, kaya hindi siya masyadong nahirapan. Nanay niya kaya tumulong sa kanya.

- Three years ago -

Ako at Nori: 1st year high school, 15 years old.

Lian: 3rd year high school, 17 years old.

Page 41: Tagalog One Shot Collection (1)

Hinding hindi nagkikita sila school kahit minsan. Hindi talaga nila kilala ang isa't isa.

Hanggang sa isang araw, noong naglalakad si Lian papuntang school kahit walang pasok, he saw Nori.

Wala siyang idea kung bakit parang may nagtulak sa kanyang lapitan niya ang kaibigan ko, but he still did approach her.

Mabait naman iyang si Nori eh, kapag inunahan mo ng pakikipag-usap, hindi siya nang iisnob. kakausapin ka talaga niya.

Yun yata ang nagustuhan ni Lian sa kanya eh. Kaya naging magkaibigan sila.

Nagkaaminan sila noong nasa fourth year high na si Lian. Gagraduate na kasi siya, kaya bigla niya daw naramdaman ang takot na baka mawala si Nori sa kanya. Ayun, umamin. And they've been together since that day.

Ngayon, 2 years na sila. Pero ngayong mahaba na ang pinagsamahan nila, ngayon pa sila talaga nag away ng sobra sobra. Hindi pa talaga nagbabati. It's been days na.

Hays, bahala na nga sila sa buhay nila.

- Nori's POV -

Nakikinig lang talaga itong si Mia sa mga sentimyento ko.

Hindi niya rin kasi maintindihan ang mga nangyayari eh. Pati nga ako, walang idea.

"Alam mo, bigyan niyo kaya ng space ang isa't isa," sabi niya sa'kin.

Page 42: Tagalog One Shot Collection (1)

"Oo! Tama! Sige tawagan ko yung ugok na yun," sagot ko. Tama naman siya eh.

Nagagalit na lang ako palagi, kaya eto. Space na lang muna.

"Hello?" Galit pa yata 'tong si Lian eh, as to what I've heard from his tone.

"Break na tayo," nagulat ako sa sinabi ko, pero nasabi ko na eh. Ang sasabihin ko lang naman sana talaga eh 'kelangan natin ng space.' bakit kaya ganun?

Siguro ganun yung will ni God samin. Hindi nga siguro kami para sa isa't isa..

Pumatak yung luha ko, eh kasi kahit lagi kaming nag-aaway mahal ko siya eh.

Napatingin ako kay Mia. Gulat na gulat din siya, pero agad ding nakabawi.

"Ok," sabi lang ni Lian mula sa kabilang linya tapos binabaan na niya ako.

Bumuhos na ang sama ng loob ko. Umiyak ako ng todo todo. Niyakap naman ako ni Mia.

"Noriko naman kasi, bakit yun ang sinabi mo?" Saway niya sakin.

"Wala tayong magagawa. Ganun yung nasabi ko eh, ni hindi niya nga pinigilan yun. Hindi nga yata kami para sa isa't isa. Ansakit Mia.."

"Makakalimutan mo rin siya Nori. Time will heal. Samahan mo pa ng prayers at trust sa Panginoon. Hindi ka niya pababayaan."

Page 43: Tagalog One Shot Collection (1)

Tama si Mia. Hindi ako pababayaan ng Diyos. Mahal niya 'ko, at di hamak na mas mahal ko Siya kaysa kahit sino pa.

Nung gabing iyon, iyak ako ng iyak habang nag pepray..

"Lord, ikaw na lang talaga ang kakapitan ko mula ngayon. Sorry ha, ako kasi yung namamalakad sa buhay ko eh. Ayan tuloy nasaktan ako ng todo. Please take the wheel and drive my life," yan yung prayer ko.

Kahit papano gumaan din yung pakiramdam ko at nakatulog ng mahimbing..

----------

- Lian's POV -

I am now working as an Technical Engineer in a Telecommunications Company here in Tokyo.

Kahit kailan, wala akong planong lumabas ng Tokyo.

Not unless makita ko siya ulit.

It has been a whole four years since we broke up.

Yes, si Noriko.

Page 44: Tagalog One Shot Collection (1)

Siya pa rin talaga ang laman ng puso ko.

I don't know why, pero kahit gaano ko pa subukang limutin siya, hindi ko magawa.

That day, when she broke up with me, grabe ang sakit na naramdaman ko.

Pero ano ang ginawa ko? I just said "Ok"!!

How stupid of me.

Pero siguro ganun na nga ang gustong mangyari ng Maykapal. Diba?

"Lian, tabemashou," (Lian, kain na tayo.) sabi sa'kin ng kapwa engineer ko na si Tatsuhiro.

"Oh," sagot ko na lang.

Medyo malayo pa ang lalakarin papuntang restaurant na usually kinakainan namin.

At nung naglalakad kami..

There..

Nakita ko na..

Page 45: Tagalog One Shot Collection (1)

The thing that I was looking for.. That I was waiting for, all those years.

Si Noriko.

Ang ganda niya na talaga. She has grown to be a very pretty lady.

Tumingin siya sa'kin, at nagulat.

Tumakbo siya, patungo sa university sa tapat ng restaurant na kinakainan namin.

Ahh.. Doon pala siya pumupunta.

Well this makes my work a lot easier.

Napatingala ako..

"Salamat, Panginoon.."

"Eh?" Tanong ng kasama ko.

"Ah, betsu ni. Ne, kairu. zutsuu." (Nothing. Hey, i'm going home. Headache.) Pagsisinungaling ko sa kanya. Tutal naman wala na 'kong duty mamaya. Pang-umaga lang kasi ako eh.

- Noriko's POV -

Page 46: Tagalog One Shot Collection (1)

Lian?

Oh dear, siya nga.

Hindi ko kaya 'to.. Mahal ko pa talaga siya.

Tumakbo na 'ko papalayo sa kanya.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang nararamdaman ko.

Kahit kailan, hindi ako naghanap ng iba.

Dahil kahit wala na kami, naroon pa rin sa kanya ang loyalty ko.

Mahal ko pa siya. Sa kabila ng four years na nagkahiwalay kami.

Pumasok na 'ko sa university kung saan ako nagtuturo sa English.

"Haaaayyy," hiningal ako dahil sa kakatakbo.

"Uy, problema mo?" Tanong ni Mia. Hanggang ngayon magkasama parin kami. Best friends forever eh.

"Miaaaaa. SI LIAAAAN! Nakita ko sa labas T__T" pagtatapat ko sa kanya.

Page 47: Tagalog One Shot Collection (1)

Nagulat naman siya sa narinig.

"Andito pa pala siya?"

"Malamang. Alangan naman saan pa, andito nga siya diba?" Pamimilosopo ko.

"Ikaw pilosopa ka talaga kahit kailan. Oh, tapos? Nag-usap ba kayo?"

"Hindi eh."

"BAKIT?!"

"Tumakbo ako."

"Loka-loka! Bakit ka tumakbo eh diba mahal mo pa yun?"

"Eh kasi baka huli na 'ko eh. Baka may mahal na siyang iba."

"Soooss. Nagdrama ka naman. Nakita mo bang may kasama siyang iba?"

"Meron, lalaki nga lang."

"Tange, alangan namang mahal niya yun."

"Eeeh basta natatakot ako."

Page 48: Tagalog One Shot Collection (1)

"Nakita ka ba niya?"

"Yata."

"Hindi ka man lang hinabol? Engot din pala yun."

"Hayaan na lang natin. Sabi mo nga diba, kung kami ang itinakda, kami talaga ang magkakatuluyan?"

"Tama ka. Lika na. Kain na tayo."

Aalis na sana kami nung may pumigil sa kamay ko.

"Uy. Galit ka pa siguro sakin? Kung ganon, sorry ah," sabi niya. Lumingon naman ako.

Si Lian nga.

"Oo kaya. Biruin mo galit na galit ako noon nung sabi ko break na tayo. Akala ko nga pipigilan mo 'ko eh. Kaya lang ang ganda ng sagot mo. 'ok' lang talaga," sabi ko tapos umalis.

Galit pa talaga ako sa kanya.

Pero pakitang tao na lang yun.

Natunaw na lahat eh.

Page 49: Tagalog One Shot Collection (1)

Kasi kahit papano..

Naalala niya pa rin ako..

- Lian's POV -

"Uy. Galit ka pa siguro sakin? Kung ganon, sorry ah," hay ang angas ng pagkakasabi ko. Tsk.

"Oo kaya. Biruin mo galit na galit ako noon nung sabi ko break na tayo. Akala ko nga pipigilan mo 'ko eh. Kaya lang ang ganda ng sagot mo. 'ok' lang talaga.."

Oo kaya..

Oo kaya..

Oo kaya..

Bumbabalik sa'kin lahat ng sakit na naramdaman ko.

Pero ang nangibabaw sa lahat, ang pagkamiss ko sa kanya.

Sobrang nangulila pala ako sa kanya. Ngayon ko lang talaga napagtanto.

Galit pa siya sa'kin..

Hindi ko namalayan pumatak na pala ang luha ko..

Page 50: Tagalog One Shot Collection (1)

At lumapit si Mia sa'kin..

- Mia's POV -

"Uy, hwuag ka nang umiyak. Ikaw naman kasi eh," sabi ko sa kanya. Bilib nga lang ako sa kanya. Dahil sa kabila ng katatagan niya, nagawa niyang umiyak. Sa harap ng mga tao. Dahil sa isang babae.

Kaya saludo ako sa taong 'to eh. Grabe kung magmahal.

Kahit ilang taon silang hindi nagkita, kahit may bahid na galit ang pagiging malayo nila sa isa't isa, kahit halos wala siyang magawa para makuha ulit si Nori.

"Masakit pala no.." mahinang sabi ni Lian. Nasaktan yata ng todo todo.

"Oo naman, sinong nagsabing hindi? Ganun talaga pag nagmamahal ka. At ganun ang pakiramdam pag ang mahal mo mismo ang umayaw sa'yo. Konting tiis at effort lang, Lian. Makukuha mo rin ulit ang damdamin ni Nori.

Actually hindi naman talaga nawala yun eh, natabunan lang lahat ng galit. Kahit kasi sa simpleng bagay lang siya nakaramdam ng galit, big deal yun sa kanya. Babae siya, Lian. Lahat nang galing sa isang lalaki, lalo na sa minamahal niya ay big deal. Kahit gaano pa kaliit yun para sa iyo.

Kahit pa na akala mo, ituring ni Nori na joke ang lahat na nangyari sa inyo four years ago.

Hindi mo siya madadaan sa 'sorry', Lian. Kailangan suyuin mo uli siya.."

Mahaba-haba man ang sinabi ko, alam ko namang naintindihan niya yun. Kaya tinapik ko ang balikat nya at umalis na.

- Lian's POV -

Tama si Mia. Tama ang lahat niyang sinabi..

Gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit si Nori..

Lahat.

Page 51: Tagalog One Shot Collection (1)

- Kinabukasan -

Hinintay ko talagang lumabas si Nori mula sa university.

Kaya hindi na ako nagulat na bumilis ang lakad niya noong nakita niya ako.

"Nori wait!"

"Oh? Andito ka? Tch."

"Flowers, for you."

Binigyan ko siya ng favorite niyang tulips..

- Nori's POV -

"Flowers, for you," sabi ni Lian sabay abot ng favorite kong tulips.

Hindi niya pa pala 'to nakakalimutan?

Hays wala na naman talaga akong galit eh. Trip ko lang magpakipot haha.

Tingnan lang natin kung hanggang saan siya.

Pero it went on for days..

Page 52: Tagalog One Shot Collection (1)

Months..

and even..

Hindi, hanggang months lang. Hindi ko siya natiis eeh hahahaha.

Pero patient siya talaga, natiis niyang hintayin ako sa labas ng university kahit ang lamig.

It was a clear day of April.

Naglalakad kami sa Shinjuku Gyoen. Isang famous Cherry blossom spot iyan sa Tokyo.

Kasama ko, syempre, si Lian..

"Waaaah.. Ang ganda talaga ng cherry blossoms!!" Alam kong parang bata akong ngayon lang nakakita ng cherry blossoms, pero kasi tinatago ko lang ang kilig ko eh. Romantic kasi masyado! >_<

Luminga-linga ako sa paligid.. Nawala yata si Lian? San kaya yun?

"Lian?"

"Over here. Noriko. 'Lika dito."

"Oh, bakit?" Tumigil siya dun sa ilalim ng isa sa mga puno ng cherry blossom..

May inabot siya mula sa isang grupo ng petals na abot kamay niya.

Page 53: Tagalog One Shot Collection (1)

Napakunot ang noo ko.

Kumikinang yata?

"Ano yan?"

Tapos..

Tapos..

Tapos..

LUMUHOD SIYA!!

Binuksan niya ang palad niya.

Page 54: Tagalog One Shot Collection (1)

At isang kumikinang na diamond ring ang naroon.

"Noriko Morales. The only girl that I have loved. The only girl that I love. The only girl that I will ever love. Will you, with all your heart, live the rest of your remaining days with me?

In short..

Will you marry me?"

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!

>/////////////////////////< - Mukha ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Yung iba nga may camera pa eh! Waaahhh..

Ganito pala yung feeling na may nag popropose?

NAKAKAKILIG!!

"U-uhmmm.."

"NORIKO. Bilis. Nangangawit na 'ko."

Page 55: Tagalog One Shot Collection (1)

Eeeh. Romantic na sana. Sinumpong pa ng pagkasuplado.

"YES, I am willing -- very willing -- to take you as my life long partner now and forevermore. Sa harap ng mga taong ito, sa harap ni God. Buong puso kong tinatang--"

"FOR SHORT. YES SHE WILL!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.

Si Mia.

Napatawa lang kami..

at niyakap ako ni Lian..

Pagkatapos..

Meron na kaming dalawang anak ngayon.. it's been four years since we've been married and--"

- Mia's POV -

"TAPOS NA ANG STORY."

Putol ko sa narration ni Nori.

Page 56: Tagalog One Shot Collection (1)

Since naman na ako yung nagsimula, ako na rin ang tatapos.

AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER :]

__________________________________________

A/N: Wooh! Tapos!

Sana nagustuhan niyo :)

Comment/Like/Vote! :D

CHALAMAT~~

Buong Pagmamahal,

Quinchie :"D

Page 57: Tagalog One Shot Collection (1)

My Kpop Prince :”>

Hello, hello. Nareumdaero yangkirul naessoyeo. Hello, hello. Jamsi yaeginhallaeyo..

"Kyaaaaaaaaahhh! Onew! Ang gwapo mo talaga!!" Sigaw ni Layla Cassandra Amandre isang gabi sa loob ng room niya habang pinanonood niya ang music video ng SHINee para sa kantang Hello.

"Oy, Carlito. Tumahimik ka nga d'yan. Matutulog na ako eh," saway sa kanya ni kuya Clifford niya. Kung bakit Carlito ang tawag nito sa kanya, ay dahil sa ganun ang endearment niya sa kapatid niya. Yung guy names na traditional.

"Weee kuya naman ang aga pa kaya. Pagbigyan mo na 'ko.. Pero joke lang yun, sige tulog ka na kuya. Mananahimik na 'ko," sagot naman niya. Mahal na mahal niya kasi ang kuya niya eh.

^____^ - Clifford

Humalik na si Layla sa pisngi ni Clifford, at pagkatapos nun ay bumalik na sila sa kanya kanyang kwarto.

"First day na bukas, ano naman kayang klaseng paaralan yung papasukan ko?" Tanong ni Layla sa sarili niya.

First year college na kasi siya ngayon at the age of fifteen. Doon siya sa Xavier University mag-aaral at kukuha siya ng Electronics and Communications Engineering.

"Hays sana naman may kapwa kpop lover ako, diba Onew Meelove?" Kinausap niya pa yung poster ni Onew na nasa dingding sa right side niya. Ang galing din nitong si Layla 'no? Parang nasiraan ng bait hahaha.

"Makatulog na nga," then she slept with a smile on her face.

- Kinaumagahan -

"Layla, baby ko! Baba ka na dito, first day of school mo ngayon! Yepeee!" Tawag sa kanya ng Mama niya.

Page 58: Tagalog One Shot Collection (1)

"Opo, wait lang po. Nagbibihis na 'ko 'ma!" Sagot naman ni Layla. Naaatim niya palang gawin siyang baby ng Mama niya? Well, sanay na siguro hahaha.

Pagkatapos magbihis ni Layla bumaba na siya.

Medyo excited din kasi siya sa first day of school niya eh.

"Oh! Ang prinsesa namin! Dalaga na talaga! Ready ka na ba, anak?" Aba nakikisali din pala yung Papa nila sa pangungunsinti. Buti na lang hindi spoiled si Layla.

"Opo ^___^ Kuya sabay na tayoooo," pakiusap niya sa kuya Clifford niya. Since iisang university lang ang papasukan nila, sasabay na lang siya.

"Tssss. Pasalamat ka mahal kita Ricardo," napangiti na ang kuya niya sa kakulitan niya.

"Kahit kailan talaga isip-bata ka parin," sabat ng pinsan niyang si Jurric na sasabay na rin sa kanila.

>:P - Iyan na lang yung ginawa niya hahaha.

"Alis na kami 'Ma," pagpapaalam nila.

At pagkatapos nun, sumakay na sila sa kotse at umalis.

"Waaaaahhhh.. Anlaki pala ng university na ito kuyaaaaa!" Nagulat siya ng bongga dahil ang laki naman talaga ng campus ng Xavier University eh.

"Alam ko," maikling sagot ng kuya niya.

"Oy Laylay. Pasok ka na, andito na tayo sa tapat ng room mo oh," sabi naman ni Jurric.

"Tirisin kita d'yan eh!" Pahabol niya at pumasok na sa classrom na naka assign sa kanya.

Luminga linga siya sa paligid..

Page 59: Tagalog One Shot Collection (1)

Ayun, may bakante pa. Ayos.

Umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ng natutulog na lalaki.

Kakausapin ba niya? Sige susubukan niya.

*poke*

"Unh.." humikab yung lalaki tapos humarap sa kanya..

at NGUMITI.

O________O

\(*O*)/

Shesss! Ang gwapo niya..

at KAMUKHA niya si ONEW!

Ang paboritong myembro ng SHINee ni Layla!

Para siyang mababaliw nung pagkakataong yun..

Nagdidiwang ang puso't isip niya..

Page 60: Tagalog One Shot Collection (1)

Kaya lang..

Umuklo ulit yung lalaki at bumalik sa pagtutulog.

"Ummm.. Ano--"

"Okay class, good morning. Please settle down. I am blah blah blah.."

Ay dumating na yung prof.

Tsk.

Sayang!

Nakinig na lang siya sa lesson, at paminsan-minsang sumusulyap sa katabi niyang look-alike ni Onew.

*ding dong ding dong*

Yun yung bell. End na ng first period. Tulog pa rin si Onew.

*poke*

"Uuurrrggghhh!" Ay nagalit ata.

Page 61: Tagalog One Shot Collection (1)

"Next period na," sabi ni Layla tapos ngumiti.

"Ah," tiningnan muna siya nung si Onew ng matalim tapos umalis.

"Ayyyy?! Akala ko mabait yun? Waah. Wala na, sira na," mahinang reklamo niya sa kanyang sarili.

Nagsimula na rin siyang maglakad papuntang next niya na subject.

Hindi ako susuko! Malalaman ko rin ang pangalan mo!

Pagdating niya sa classroom ng next subject niya, laking tuwa niya na classmates pa rin sila. Chance na yun kaya umupo siya sa katabing chair dun.

"Hi!" Bati niya.

"Ikaw na naman? Kelangan mo?" Ang angas pala nito. Malayo sa mukha.

"Wala naman, gusto ko lang makipagkilala! Ako pala si Layla Cassandra Amandre. Kahit anong gusto mong itawag sakin ok lang! Ikaw, ano pangalan mo?" Masiglang pakilala niya ng sarili niya.

"Keith Maxim Arrevalo. Keith na lang," sabi niya tapos umuklo na naman sa arm chair niya.

"Pwe--"

"Good morning class. I am blah blah blah.."

Page 62: Tagalog One Shot Collection (1)

Hays naputol na naman siya sa sasabihin niya.

Natapos din lahat ng klase niya nung araw na yun. Napagod siya ng husto. Ganun nga pala ang college. Nakakapagod.

Natuklasan niya din na sa tatlong subjects lang sila classmates ni Keith.

Naglalakad na siya palabas ng campus nung..

"Oy Cassie," may tumawag sa kanya. Lumingon siya at nakita si Keith na nakatingin sa kanya.

^___________^

Ngumiti siya at nagsabing, "Hi Onew! Onew lang tatawag ko sa'yo ok lang? Kamukha mo siya eh~"

Napakunot naman ng noo si Keith sa sinabi niya.

"Onew?"

"Oo! Eto oh!" Sabi niya sabay pakita ng wallpaper niya sa iPhone niya.

"Whoa. Kamukha ko nga. Bahala ka. Teka may gagawin ka?" Tanong niya.

Waaahhh. Ano kaya ang sasabihin sa kanya nitong Keith na 'to?

"Wala naman, bakit?" Inosenteng tanong niya.

Page 63: Tagalog One Shot Collection (1)

"Labas tayo, treat ko. Ikaw unang nakilala ko eh," yaya ni Keith a.k.a. Onew.

"Osige! Wait tawagan ko kuya ko," sabi niya tsaka umalis para tumawag kay Clifford.

"Payag siya! Tara! Saan tayo?" Masiglang tanong niya.

"Tara, sumama ka lang sa'kin," sabi lang ni Onew tsaka hinatak siya papuntang hindi niya alam kung saan.

"Woooooooooooooowwwwwww!" Yun na lang ang nasabi ni Layla. Dinala kasi siya ni Onew sa isang unique na cafe. Isang cafe kung saan may mga albums ng iba't ibang Kpop artists na pwedeng pakinggan ng mga customers. Tuwang tuwa talaga siya nung hapong iyon.

Nagkwentuhan sila ni Onew hanggang sa mapagod sila at umuwi na. Yun ang simula ng kanilang pagkakaibigan. Isa yun sa mga araw na hinding-hindi niya makakalimutan.

Lumipas ang isang semester and Layla and Keith grew very fond of each other. Hindi nila namalayang minahal na nila ang isa't isa hanggang sa..

"Hey, lilipat ako." sabi ni Keith kay Layla.

"Huuhhh? Saan, Onew?!" Nagulat si Layla sa narinig.

"Sa States. Exchange student for one year. Next year na ang balik ko," kalmado pa rin si Keith.

Napaiyak naman si Layla, "Aww ikaw lang naman ang kaibigan ko dito eh. Ngayon aawayin na 'ko ng fan girls mo."

Page 64: Tagalog One Shot Collection (1)

"Hwuag mo silang pansinin, ikaw ang kaibigan ko. Tandaan mo iyan. May facebook naman ah, at tatawag ako minsan," pangako ni Keith sa kanya.

"Sige.."

Lumipad nga si Keith sa sumunod na araw.

Lumipas ang isang taon. Namiss nila ang isa't isa. Ngunit hindi pa nila inamin ang kanilang nararamdaman. Kailangan na nila itong ipaalam sa isa't isa.

Second year - Second sem.

"Cassie."

Lumingon si Layla sa pinanggalingan ng boses. Isa lang naman ang tumatawag sa kanya nun eh. Si Keith.

"Onew."

^___________^

Niyakap ni Layla si Keith. Hindi niya napigilang mapaiyak. Sobrang namiss niya kasi ito. Pero ang mas nakapagpaiyak sa kanya ay ang takot. Takot na baka huli na para sa kanila ang lahat.

"Onew.."

"Hmm?"

Page 65: Tagalog One Shot Collection (1)

"May girlfriend ka na?"

"Wala."

"Eh mahal?"

"Meron."

"Ah. Huli na yata ako."

Tumulo ulit ang luha niya.

"Hindi ah. You're perfectly just in time."

Nagulat si Layla.

"I LOVE YOU CASSIE."

...............

...........

.......

....

..

.

Page 66: Tagalog One Shot Collection (1)

"I LOVE YOU, MY KPOP PRINCE." :">

__________________________________________

A/N: Hays, kulang ako sa ideas. Or inspirasyon.

Comments po! Patulong naman para maka improve naman. Hahaha.

Alam ko bitin..

Sorry..

Like na lang kung nagustuhan o Vote hahaha :)

xoxo~

Buong Pagmamahal,

Quinchie :"D

Page 67: Tagalog One Shot Collection (1)

Sparks Fly

"Do you remember we were sitting there by the water? You put your arm around me, for the first time.." sumasabog yung kanta sa earphones ko. Gusto ko yun, kahit naman hindi metal yung naka play. Haha, pop yun eh. Tapos para daw akong astig na naglalakad sa campus..

Pipikit na sana ako eh..

Yung slow mo na pikit..

Tapos biglang fast forward, dumilat ako.

May naISPOTAN! Si Crusssshhhh!

Dude, ang gwapo.. Papalapit na oh..

Ayan naaaaaa!!

*Trigger slow motion*

Nagkatinginan kami..

(-.-)( -.-) (>_>) o(<_<)o (-.-)(-.-)

Siya yan | Ako 'to. Nakaearphones haha.

^_______^

Page 68: Tagalog One Shot Collection (1)

Ngiti siya..

O______O

Gulat ako!

^_______^

Anyways ngumiti na rin ako haha.

"You saw me start to believe for the first time.."

Wow ang drama timing pa talaga sa music ah. Salamat, Taylor!

*Lubdub* Lubdub * Lubdub *

Kerrah! Bumilis ang tibok ng puso mo! Ang crush mo ngumiti sa'yo!

Muntik na 'kong napatalon dun ah! Haha. Ang saya naman!

Bago ang ibang detalye, ako nga pala si Kerrah Sta. Ana. 4th year high school. Iyong nakasalubong ko, si Lance Vincent Guerrero. Hindi siya kasikatan sa school, pero promise ang GWAPO. Hayyss.. Ilang taon na din akong may crush d'yan eh. Mula pa yun nung grade 5 kami. Classmates kasi kami nun.

Ngayon naman, isang school lang yung pinasukan namin.

Section A ako at Section B naman siya.

Page 69: Tagalog One Shot Collection (1)

Pauwi na 'ko. Ay hindi. Papunta palang yung sa maliit na bar malapit sa bahay. May gig eh. Kumakanta nga din pala ako ^_^

"Drop everything now! Meet me in the pouring rain.."

Kumakanta ako ng Sparks Fly ni Taylor swift.

Tamang tama.

Pumasok si Lance.

Regular siya dun sa bar na yun eh.

Ewan ko nga kung bakit.

Pero ginawa ko yung best ko sa pagkanta para mapa dama sa kanya na para sa kanya to! Haha wooh!

"Meet me in the pouring rain, kiss me in the sidewalk and take away the pain.."

Tumingin ako sa kanya..

Tumitingin din siya sakin. Lance, para sa'yo to.

Sabigin nating public confession toh. Haha.

"'CAUSE I SEE SPARKS FLY WHENEVER YOU SMILE."

Ngumiti ako nung kinanta ko yun para sa kanya.

Nagulat siya, pero ngumiti din siya..

Sana naman nagets niya na para talaga yun na masabi ko na gustong gusto ko siya..

- Kinabukasan -

"Ayan na si Lance oh, lapitan mo na. Dali gurl!" Narinig kong bulong nung best friend kong si Hailey habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Recess na po kasi eh. Hays bakit naman palagi siyang mag-isa? Pero kahit mag isa siya.. GAAAAH! Para siyang prinsipe! Ang cool! \(*O*)/

"Naduduwag ako dude," namumula na yata ako eh.

"Dude ka diyan. Para ka namang lalaki eh. Dali na nga," namimilit pa 'tong isang to. Eh kasi nga naman eh. 5 years ko na 'tong pinakatagu-tago. Siya lang nakakaalam. Tama nga naman na bago kami gumradweyt eh masabi ko na. Ambigat na din kasi minsan eh.

Page 70: Tagalog One Shot Collection (1)

Lakad..

Lakad..

Hinto..

Hinga ng malalim..

Lakad..

Lakad..

Hinto..

o_O - Lance.

^_____^ ngumiti na naman siya. Anak ng teteng naman oh nakakafaint!

Page 71: Tagalog One Shot Collection (1)

^///////////^ namumula na yata talaga ako. Hays ang init ng pisngi koooo!

"Bakit po, Kerrah?" Tanong niya. Nakangiti parin. Shemay ang gwapo!!

"Ahmm.. May tanong lang ako," play it cool, Kerrah. Magaling ka! Maganda ka -- maganda nga ba?

"Upo ka dito oh, wala naman akong kasama ngayon eh," woooww ambaeetttt! :D

Umupo na ako sa tabi niya. Kinilig naman daw ako. Tumingin ako sa gawi ni Hailey.

b(^O^)d - ganyan mukha niya oh, parang engot. Nag chi-cheer saken haha.

"U-uhm.." Panimula ko..

"Hmmm?" Curious na ata siya eh. Kailangan ko na sabihin.

AJA!

"M-may gir--"

"LANCEEEE!" Napalingon naman daw ako sa pinagmulan ng boses.

Wow ang ganda niya ah. Sino kaya 'to? Tsaka parang galing sa ibang school.

O_______O

Nagulat ako kasi niyakap niya si Lance.

Page 72: Tagalog One Shot Collection (1)

"Oh, Queenie. Napadaan ka dito?" Parang ansaya niya ah. Hays. GF niya yata.

"Namiss kita eh," sabi nung Queenie.

"I missed you too, engot." sabi niya naman.

SABOG si heart.

Aray ko. Ang close nila ah.

Makaalis na nga.

"Uy teka Kerrah saan ka pupunta? Akala ko may itatanong ka pa?" Buti naman nakita niya pa akong umalis. Kasi sasakit lang lalo 'pag 'di niya ako pinansin.

"Ahm, nasagot na eh. Haha," pinilit kong tumawa, pero halatang pinilit eh. Walang lamang tuwa.

"A-aah, okay.." sagot niya na lang.

Hays.

TToTT

Yan na yung mukha ko.

Sige ako na ang mahina.

Ako na ang umiyak.

Hindi naman ako ganito ah..

Ba't ang sakit?

Page 73: Tagalog One Shot Collection (1)

Ganito ba magmahal? NakakaBASAG ng puso't pagkatao?

Ang emo ko naman.

"Kerrahhh.." mahinang naiusal ni Hailey.

"Hails.." ayun, pumatak na lang nang pumatak si tears. Di ko na kasi napigilan eh.

"Ssshh.. Tama na 'yan. Hala malala na pala. Minahal mo na pala siya," parang nasasaktan din si Hailey. Kaya mahal ko 'tong engot na 'to eh.

"Oo nga eh. Ansakit sakit Hails.. Ba't ganun?"

Hais..

Nanlulumo na talaga ako.

Wala na, ayaw na yata bumukas ni heart eh.

"Kerrah. Si Lance papalapit!" sabi ni Hailey.

Tumingin naman ako dun sa tinuturo niya. Papalapit nga. Yun nga lang nakabuntot pa din yung Queenie.

"Kerrah. Si Queenie. Pinsan ko. May sasabihin siya sa'yo," sabi ni Lance.

Ay?

Page 74: Tagalog One Shot Collection (1)

O______O

Pinsan?

Pinsan.

Pinsan.

Hehehehehe. Ang assuming ko kasi.

*Punas luha*

"Oh, anu yon?" Tanong 'ko, bumalik na yung sigla ko.

"MAHAL KA NITONG SI LANCE. ALAM KO NA YUN MULA NUNG 4TH GRADE KAYO. HAHAHA!! TORPE PO KASI 'TONG SI INSAN. KAYA AYUN, HINDI NIYA MASABI. ETO NA SINASABI KO NA. LANCE IKAW NA BAHALA ALIS NA 'KO. Bbye! Nice meeting you Kerrah. Take care of my fave cousin ah?"

Wow. Did I just hear an indirect confession?

"Ha?" Napanganga na lang ako. Pati na rin si Lance. Gulat na gulat nga siya oh. Haha ang gwapo pa din talaga.

"Umm, yun. Nasabi niya na. Hindi ko alam yun ah. Whew," ngumiti siya tapos lumapit..

Page 75: Tagalog One Shot Collection (1)

Tumitingin na ang mga tao samin dito sa cafeteria oh, kakahiyaaaa!! Napalakas naman kasi yung pagkakasabi ni Queenie eh. >_<

"I love you, Kerrah." bulong niya tapos hinalikan ako sa noo.

"I see sparks fly whenever you smile, Lance. I love you, too." sagot ko sa kanya.

At ang confession na iyon ay sinelyahan namin ng halik.

Ang swerte kooooo! ♥_♥

_______________________________________________

A/N: First time na naman gumawa ng one shot!

Sana naman nagustuhan niyo hahaha.

Comment/Like!

Pwede ring vote haha.

xoxo~

Buong Pagmamahal,

Quinchie :"D

Page 76: Tagalog One Shot Collection (1)

I’m Not Gonna Be Single Forever

A/N: Eto na. Ang first ever attempt ko na gumawa ng fan fiction. Hahaha. I hope you like this, Keyser >:D<

____________________________________________________________________

Nakaupo si Yuan sa isang bench sa park. Hindi niya alam kung bakit depressed na depressed siya. Ang natatandaan niya lang kasi, eh ang mukha ni Gwynne na napakasaya. Bakit siya na depress nung nakita niya yun? Kasi. . . Masaya siya. . . Sa piling ng iba.

"Aray!" Naks, masyadong madrama si Yuan ah. May pa aray aray pang nalalaman eh nu. Dinidibdib talaga?

Ay joke! Natamaan pala siya ng. . .

Sapatos?

Pinulot niya yun. Ininspeksyon. Sapatos ng babae? Take note! Stilleto heels pa yun ha?

"Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan ngayon? Good boy ako! Wala akong ginagawang masama. Minahal ko lang siya. . ." Nagdrama pa talaga siya sa park ha. Parang bading lang eh.

Nakayuko siya at humahagulgol nang biglang. . .

"What are you talking about?" Isang malaanghel na boses! Tumingala siya. . .

"Guardian angel ko, ikaw ba yan? Kukunin mo na ba ako?" Maluha-luha niyang sabi.

Page 77: Tagalog One Shot Collection (1)

"What?" Sabi nung boses. Napalingon naman siya. Mali pala siya. Hindi pala guardian angel ang nagsalita. . .

Model pala.

"Sino ka?" Tanong niya sa babae. Pinunasan niya ang mga luha niya.

"I'm sorry about the shoes. That's mine. Uhm, are you crying? Dude, that's so gay!" Sabi ng babae at umalis na. Ang kawawa naman na si Yuan eh natahimik na lang.

"Teka. . . Chance ko na 'to para makalimutan si Gwynne!" Sabi ni Yuan sa sarili. Hinabol niya yung babae.

"Miss! Wait!" Naks! Umenglish ang ating si Yuan oh! Napatigil naman yung babae.

"Oh you know how to speak English? That's great! What do you want?" Tanong sa kanya.

"Uhm. I. . ." Hindi siya makapagsalita ngayon. Tsk! Bakit ngayon pa? Nauutal siya sa harap ng isang magandang ingliserang babae! Bad timing ang stutter mode niya.

"You know what, forget it. I thought you knew how to speak my language. It turns out you don't." Sabi ng babae. Nag hair flip pa nga siya at ang buhok niya ay tumama naman sa mukha ng ating munting Yuan. Nakapaglakad na siya nung naramdaman niya ang isang mainit na kamay na dumampi sa kanyang kamay. Aba't! Holding hands? Napalingon siya sa nagmamay-ari nun. Si Yuan pala.

"What's your name?" Yeeesss! Nagkaroon ng lakas ang dila ni Yuan! Hurraaah!

"Oh. Me?" Tanong ng babae sabay turo sa sarili.

Page 78: Tagalog One Shot Collection (1)

"No, I was talking to your bag. Tsss." Pambabara ni Yuan.

"Oh, my bag! Her name is--"

"I was being sarcastic for crying out loud!" Ngek, naubusan ng pasensya si Yuan.

"S-sorry." Oh? Nabaliktad yata ang mundo? Bakit ngayon eh ang babae na ang naaapi?

"Nope, I'm sorry. What's your name?" Naks! Cool din pala 'tong isang 'to eh. Akala ko eh puro kabadingan lang ang nasa katawan.

"Natasha. Natasha Atkinson. You?" Lumiwanag naman ang mukha ni Natasha. Ngumiti na rin siya for the first time that day.

"Wait. . . Natasha Atkinson?! Charlotte Dy's best friend?" Gulat na tanong ni Yuan.

"Why am I always associated with her? Can't I be just Natasha Atkinson? The BEAUTIFUL Natasha?" Reklamo ni Natasha.

"Naku hind -- Oh no! Wait. I didn't. . . Let me explain this to you. I am Yuan Marivelles from quinchie's story Happily Ever After.. Sana! and quinchie is a BIG fan of Cold Princess's author, supermankeyser. Have you perhaps heard of our story?" Mahabang explanation ni Yuan. Nahihingal nga siya pagkatapos nun eh.

"What? Uh. No. I don't know you." Pagtataray ni Natasha.

"Aray naman. Sige na nga. Alam ko namang hindi ako sikat eh. Isang beses lang yung exposure ko dun sa storyang yun." Sabi ni Yuan habang nagmumukmok sa isang sulok at nagdodrawing sa buhangin.

Teka. . . Saan galing ang buhangin? Eh nasa park sila ngayon?

Page 79: Tagalog One Shot Collection (1)

Aaaah. Sa sand box pala. Yung sa playground nung mga bata. Sorry naman.

"Hey, cheer up. I'll just tell quinchie to let you appear one more time in her story." Sabi ni Natasha habang pina-pat yung ulo ng kawawang si Yuan.

"TOLOGOOOO?!" Tanong ni Yuan na napatayo at napatalon-talon. Kaso lang, si Natasha. . . Dumugo ang ilong.

Ha? Kasi nagtagalog kamo si Yuan?

Hindi.

Dumugo ilong niya dahil natamaan ng ulo ng ating baliw na si Yuan nung tumayo siya. Kawawa naman ang mala-dyosang ganda ni Natasha.

"Are you okay? I'm so sorry!" Humingi ng patawad ang binata habang naghahanap ng panyong ipupunas sa ilong ng dalaga.

"Y-yes. I'm fine. . . Before you gave me a bleeding nose." Sagot ni Natasha.

Aray na talaga para kay Yuan ha. Tinatarayan siya ng dalaga. Kawawa naman.

"Let's go." Aya ni Yuan kay Natasha.

"Where?"

"To the clinic, right there."

Page 80: Tagalog One Shot Collection (1)

"Why?" Nagtatakang tanong ni Natasha habang hawak-hawak pa ang ilong niya.

"Because. . . I'm sick." Sagot ni Yuan na nakayuko.

"What?! Why?!"

"I'm sick of being alone. Will you cure me?" Naks! Bumanat na si Yuan ah.

"Huh?" Kaso lang walang epek. Di nagets ni Natasha eh.

"Nothing." Tumigil si Yuan sa paglalakad at humarap kay Natasha. "You're so disrespectful!"

Nagulat naman si Natasha kaya hindi siya nakasagot.

"Because you just entered my heart without my permission! We just met you know." NAKS! Banat pala yun! English version. Hahaha.

At this time, mukhang nagets naman ni Natasha. Nagblush ang model natin.

"Wanna go somewhere?" Tanong ni Yuan.

"Uhm. . . Sure!" Sagot ni Natasha. Nag-isip pa talaga siya ha.

"Can I ask you something?" Tanong ulit ni Yuan.

Page 81: Tagalog One Shot Collection (1)

"Yes."

"Where's Nathan?"

"That jerk! Well. About that. . ."

Flashback. . .

Nakarating si Natasha on time sa park kung saan sila dapat magkikita ni Nathan.

"Hmmm. I wonder where he is?" Tanong niya sa invisible friend niya na nasa kabilang swing.

Tinawagan niya ang number ni Nathan. Walang sumasagot.

Tinawagan niya ulit.

Wala.

Isa pang tawag.

Wala parin.

Isa p--

Tatawag sana uli siya nung nakita niya si Nathan. Andun sa bench at nakayuko. Umiiyak?

Page 82: Tagalog One Shot Collection (1)

Galit siya sa binata at hindi niya alam ang gagawin kaya binato niya ito ng sapatos.

Lalapit na sana siya nung nakita niyang. . .

Si Yuan Marivelles pala.

Nagpanic siya! Nagkamali siya ng akala!

Si Yuan! Si Yuan! Ang crush niya na character sa Happily Ever After.. Sana!

Ang napakacute na si Yuan!

Nababaliw na siya at natataranta nang biglang narinig niyang. . .

"Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan ngayon? Good boy ako! Wala akong ginagawang masama. Minahal ko lang siya. . ."

Ngek? Ang bading naman yata ni Yuan?

Kaya nilapitan niya ang binata.

Page 83: Tagalog One Shot Collection (1)

Bahala na! Aarte na lang siya na hindi niya kunwari kilala ang ultimate crush niya.

End of flashback..

"Crush mo 'ko?" Gulat na tanong ni Yuan.

Tumango lang siya. Nahihiya at nagbablush.

"YESSSS! May nagkakacrush din pala sa'kin!"

Nagulat naman si Natasha.

"Nobody's crushing on you?"

"Nope." Sagot sa kanya ni Yuan in a matter-of-fact tone.

"So how do you call. . . Them?" Sabi niya sabay turo sa mga babaeng naiihi sa kilig kahit wala namang ginagawa si Yuan.

"Hindi ko sila kilala?" Nagkamot na lamang ng ulo ang binata.

Napatawa si Natasha. "Let's go? I'll introduce you to Charlotte."

"Talaga?! Tara!"

At dun nga nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Page 84: Tagalog One Shot Collection (1)

Si Nathan pala. . . Dumating sa park. Wala na siyang naabutan kundi isang text message mula kay Natasha.

I'm breaking up with you, Nathan. You're always late and I found someone new.

"Okay. Ako din naman eh." Sabi na lang ni Nathan with a shrug. Pero ang totoo niyan. . . Wala talaga.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~!!!" Napalingon siya sa pinagmulan ng tila dagang sumisigaw. Nakita niya ang tatlong babae. Magaganda naman sila kaya nilapitan niya.

"Can I help you guys?" Tanong niya at binigyan sila ng ngiting nakakamatay.

"S-s-s-s-s-si N-n-n-n-nathaaannnnn. . ." Sabi nila. At sabay pa yun ha? Sabay din silang natumba at nawalan ng malay. BONGGA! Anu yun, triplets? Synchronized fainting? Kung meron nga nun?

Back to Natasha and Yuan. . .

One year later..

Nakaupo silang tatlo sa parehong bench na inupuan ni Yuan noong una silang magkakilala ni Natahsa. At nag-usap.

"This brings back funny memories." Sabi ni Yuan.

"Yeaah." Sagot ni Natasha.

Si Charlotte naman, tahimik lang.

Page 85: Tagalog One Shot Collection (1)

"Natasha, can I ask you something?" Tanong ni Yuan.

"Sure."

"Will you be. . ."

"His girlfriend?" Pagtatapos ni Charlotte sa sentence ni Yuan. Napalingon naman sa kanya ang mga kaibigan.

"What?" Inosenteng tanong niya.

"Really, Yuan?" Tanong ni Natasha na nagsasparkle pa ang mga mata.

"Y-yes." Napayuko si Yuan dahil nahihiya siya.

"OF COURSE I WILL!" Sigaw ni Natasha.

"Talaga?!!! YESSS!" Mas malakas na sigaw ni Yuan.

Si Charlotte naman, umalis na lang. Ang ingay na kasi.

"NAPATUNAYAN KO NGA! I'M NOT GONNA BE SINGLE FOREVERRRRR!" Sigaw ni Yuan. Tumawa lang si Natasha.

At nagyakapan silang dalawa.

__________________________________________________________________

Page 86: Tagalog One Shot Collection (1)

A/N: Lame. . . =______________________=

Nga pala, if ever hindi niyo pa nabasa ang story kong Happily Ever After.. Sana!, just click the external link ;)

Comments? Suggestions? Violent reactions? xD

Votes, perhaps? :))

Thanks for reading! <3

Quinchie :'D

Page 87: Tagalog One Shot Collection (1)

Just Don’t. But I Will.

"Seriously Femi, wala ka nang pag-asa." Mahinang usal ni Yestin. Best friend ko. Hanep ang pangalan diba? Nahiya naman ako sa kasosyalan.

Sino ako? si Femi Llamares. Babae. Simple. Bubu. Shunga. Unknown. Lahat na lang yata ng insulto pwede mo nang maibato sa'kin. Sige lang. Keri ko naman eh. Tanggap ko na lahat yun.

Si Yestin Rodrigo. Lalaki. Elegante. Classy. Gwapo. Matalino. Mayaman. Mabait. Matyaga. Sikat. Siya naman, lahat ng puri pwede mo nang maipaligo sa kanya. Totoo naman eh.

Ang cliche nga lang ng kwento namin. Magbest friends, siya langit tapos ako lupa. Mahal ko siya, eh siya may mahal yatang iba. Langya lang diba?

Iyang si Yestin, kapag papasok sa campus parang artista. Bababa mula sa limousine tapos dadagsa ang mga babae. Laging may nakadikit diyan. At dahil nga mabait siya, hinahayaan niya na lang. Kulang na lang nga halayin siya eh. Tsk. Yuck.

Paano kami naging mag best friends? Simple.

Dramatic plashbak. . .

Ako, tatanga-tanga. Nadulas sa harap niya, nabaligtad at nakita niya pa ang shorts ko. Most embarrasing moment yun ng buhay ko, pwede na pang world record. Eh siya, natawa. Sa sobrang tawa, naluha-luha. Mukha na siyang lukring. Buti na lang walang masyadong tao sa paligid. Kundi sana nalusaw na 'ko ng unti-unti.

Sa sobrang kainisan ko, tumayo ako at tumakbo. Hindi ko namalayan, sumunod pala siya sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

Page 88: Tagalog One Shot Collection (1)

"Sinusundan ka malamang. Psh." Aba naman, akala ko mabait 'to? Namimili lang? Ganun?

"Ah." Yun na lang sinagot ko. Naiiyak ako sa inis at hiya. Bakit ba kasi sinundan niya pa 'ko eh. Sobrang pahiya na nga ako sa sarili ko, pati ba naman sa kanya? Umupo ako sa isang bench na malapit sa pinakadulong wall ng campus. Walang tao dun, kaya lagi akong tambay. Hindi na ako nagulat na umupo siya sa tabi ko. Ganun naman palagi diba?

"Kelangan mo?" Sabi ko habang pinupunasan ang luha't sipon ko gamit ng kamay. Yuck. Kadiri Femi.

"Sorry. Sorry kasi pinagtawanan kita." Ayun. Cliche na naman. Lagiiiii na lang! Pati ba sa'kin mangyayari pa 'to? Langyeeeeeee.

Sige, sundin natin ang direktor. Lumingon ako sa kanya na gulat. Pero mas lumaki ang mata ko nung nakita ko ang sinseridad sa mata niya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Aba'y pang nobela ang drama ah!

Umiwas ako ng tingin, baka kasi maubusan ako ng hangin. Wala eh, gwapo talaga. Ganun naman talaga eh. Swerte ng magiging nanay ng anak niya, pero syempre mas swerte yung magiging anak niya, at yung magiging nanay ng magiging anak ng anak niya. . . Langya lumalayo na 'ko sa mundo.

"Ok lang." Sagot ko after a loooooooooooooooooooooooooooooong time of staying silent. Nakita ko mula sa peripheral vision ko -- wow English yun ah! -- na ngumiti siya. "Thanks." He answered, his voice low and seduc -- shut up Femi. Ayan ka na naman eh. Yuck talaga.

Pinutol ang dramatic plashbak.

At ayun nga, dun nagsimula ang friendship namin. Magulo ba akong kausap? Ganun talaga. Just bear with it na lang. Ahihihi. Bubu eh.

Napakamot ako ng ulo ko. "Eh kasi naman. . . Ang hirap Yestin. Huhuhu." Umakto pa akong umiiyak at nag pout.

"Kung hindi ka lang cute. Tsk."

Page 89: Tagalog One Shot Collection (1)

"Haaaa? Ano yun? Oy share naman diyan kahit insulto pa yan!" Pangungulit ko, eh kasi naman eh. Bumulong sa sarili? Ano yun? Close sila tapos kami hindi? Nahiya naman ako sa kanya eh. Kinakausap yung alter-ego.

"Wala. Solve mo na lang kasi yan!" Halaaaaaa. Katakooooooot. Nagsisimula na siyang mairita. >______<

Kaya mo yan Femi! Pagchi-cheer ko sa sarili. Wheeewww. Pinagpapawisan ako. Teka, punas muna. Punas.

After 1234567890 years and QWERTYUIOP months, natapos na diiiiin!

"CHAJA!!" Sigaw ko habang pinapakita kay Yestin ang assignment ko sa math.

"ARRAAAAY!" Batukan ba naman daw ako? "Problema mo?!" Singhal ko sa kanya.

"Mali! Ito, ito, ito at ito! Kelan ka ba matututo bubu mo talaga!!" Singhal niya din sakin. Aray ha? Masakit yun. Mahal ko siya diba? Sigawan ka ba naman ng mahal mo na bubu ka? Pinagdukdukan pa talaga.

Unti-unting may namumuong muta -- este luha -- sa mga mata ko. Yumuko ako para hindi niya sana makita na umiyak ako. Pero wala, hindi effective. Nakita niya po mga kaibigan. Nahalata niya. Ano ba naman Femoooiii. . . Sa lahat ba ng pagkakataon ay bubu ka? Hindi ka marunong?

"Uy Femi. Sorry. . . Hindi ko --" Ayoko marinig. Tumakbo ako palabas ng room, sakto nag bell na kaya hindi niya 'ko nagawang sundan. Isa pa yung GC masyado eh. Eh ako kahit anong pakikinig tangabells talaga eh.

Umupo ulit ako dun sa parehong bench na kinaupuan namin nung magkakilala kami. At doon umiyaaaak ng umiyaaaaak. May narinig akong mga yabag pero hindi ko pinansin. Pahid parin kasi ako ng pahid ng luha ko. Hindi ko naman din makikitang mabuti yang taong yan eh, kung sino man yan. Blurred kasi masyado ang vision ko dahil sa mga luha.

Ang sakit sakit sakiiiiiiiit kasi eh. Hay.

Page 90: Tagalog One Shot Collection (1)

"Sorry na Femi oh. Please." Sheeeet. Yestin wag ngayon. . .

"Please. Iwan mo muna ako." Nagmamakaawa ako Yestin. . .

"Hindi. Ayoko. Nagskip na nga ako ng klase para sa --"

"Oo sige ipagdukdukan mo pa ang kashungahan ko sa katawan! Yan naman talaga eh! Diba? Tanga ako, BUBU. Sa'yo na yun nanggaling. Lahat na ginawa ko para. . . Para naman sana magustuhan mo rin ako kaso lang ewan ko kung saan ka ba nakatingin eh. Siguro nga doon sa. . . Doon sa mga matatalinong babaeng tulad mo. Yung mga mayayaman. . ." Hinihingal ako. Lumalabas talaga ang kadaldalan ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Parang confession na rin kasi. Paano ba yan, langit at lupa. Never na yun magkakatugma diba?

"Femi. . ." Bago pa siya makapagsalita, tumakbo na ako. Tumakbo nang tumakbo sa labas ng school hanggang sa. . . Ewan ko kung saan na ako.

Umupo ako sa isang tabi.

"Problema?"

Napalingon ako sa tumabi sa'kin. "Alfred." Isa pa 'to. Gwapo din pero delinquent. Hindi pumapasok pero hindi rin bumabagsak. Kabaliwan talaga. Psh. "Ginagawa mo dito?"

"Hindi ka pa sanay sa'kin eh lagi naman akong hindi pumapasok. You just happened to be in my territory. Bahay ko iyan oh *turo sa malaking bahay sa harap namin* Eh ikaw, ba't ka andito?"

"Weh? Yan bahay mo? WEH?" Eh sa ang laki eh. Parang hotel.

Page 91: Tagalog One Shot Collection (1)

"Dalhin pa kita sa loob kung gusto mo eh. Psh."

"Ay wag na. Tenk yu."

"Oh, ano na nga problema Femielle?"

"Pfft. Femielle? Saan galing yan?" LOL naman. Femi po pangalan ko. Femi.

"Wala lang, ang cute kaya nun. Hahahaha. Teka nga! Iniiba mo naman yung usapan eh."

"I was rejected even before I confessed." Aba naman. Ganun ba talaga, napapaEnglish kung nabibigo?

"Weh? As in? Sino?"

Binuka ko ang bibig ko pero sinara ko naman agad, hindi ko yata kayang sabihin.

"Palagay ko alam ko na ang sagot. Mukhang hindi ka naman rejected ah. Tsh." Yun na lang sinabi niya bago ako iniwan na nakakunot ang noo.

"Problema nun?" Yun na lang nasabi ko tapos nagdrawing ng kung anu-ano sa ere. Parang baliw lang. Kinareer na talaga.

"Femi naman eh. Hindi pa nga ako nagsasalita eh.. Tumakbo ka na agad." Napatigil ko sa pagdodrawing. Unti-unti kong binaba ang kamay ko. Slow motion lang. . .

"I'm warning you. Kung wala lang namang kwenta yang sasabihin mo, itigil mo na." Parang hindi yata ako yung nagsasalita ah? Weiiirrddd. Pero hayaan na nga.

Page 92: Tagalog One Shot Collection (1)

"Oo nga--"

"Yestin. I've fallen for you that moment when I saw the glint of guilt and sincerity sa mata mo noong una tayong nagkita. Noong naging mag best friends tayo naging imposible na ang mga inaasam kong mangyari pero I kept on falling harder. I am falling for you every day, Yestin. Kaya please, kung hindi mo lang naman kaya. . . Don't catch me."

Natahimik siya. Ako din nagulat sa pinagsasasabi ko. Parang hindi yun yung bubung Femi ah?

"Femi, Femi, Femi. . ." Panimula niya habang lumalapit sa'kin at lumuhod siya sa harap ko. "Every time you pout your lips at me, I want to kiss you so badly that I just turn away para hindi ko magawa. Lahat sa iyo maganda, your smile, your laugh, even your tears are beautiful. Mahal kita noon pa, kahit hindi mo 'ko pinapansin kahit classmates naman tayo. When you fell down that afternoon tumawa ako kasi ang cute cute cute mo. I never meant to hurt your feelings. I even made you cry. Twice. . ." Pinunasan niya ang mga luha ko. "I love you, Femi. And even though it's obvious that you don't want me to, I will catch you."

Yun oh! Yun yun eh!

Playing Sparks Fly by Taylor Swift. . .

Umulan kasi eh. Tapos alam niyo na ang susunod.

Drop everything now, meet me in the pouring rain. . . Kiss me on the sidewalk, take away the pain.

'Cause I see sparks fly whenever you smile.

Alam niyo bang ang ibig sabihin ng Femi ay "Love me" at Yestin ay "True"?

Page 93: Tagalog One Shot Collection (1)

FEMI + YESTIN = LOVE ME TRUE <3

________________________________________

Another one shot.

Another kabaliwan.

Hehehe.

Good night!

Quinchie :"D

Page 94: Tagalog One Shot Collection (1)

Musings of a Fan Girl

HOOMAYGASS.

Cge na po, ipatapon niyo na lang ako sa Taal Volcano. TT^TT Nara-writer's block kasi ako.

Uhuhuhu~ Sorry po! <m(_ _")m>

Eto na lang muna ha? Isang one shot. HUHU.

Sana po kahit papano, magustuhan niyo. (^_^")a

______________________________________________

"Shemay naman. . . Ang gugwapo niyoooo!" Hinaplos-haplos pa ni Quincy ang screen ng pinakamamahal niyang laptop habang nanonood ng music video ng paboritong boy band niya.

"Bakit ba kasi hindi man lang kayo nagpasabi na pupunta kayo dito sa Pilipinas bukas ehhh. . . Wala tuloy akong perang pambili ng ticket niyo. Ang mahal pa naman nun! Paano na yan. . . Sakit dito oh. *Turo sa heart* Naluluha na tuloy ako. *Sniff* Ikaw naman kasi Jong Hun eh. . . Hindi man lang nagtext. . ." Bumuntong-hininga na lang siya.

"PUHAHAHAHAHA! Seryoso ka? As in friend? Feeler much lang? HAHAHAHA." Tiningnan niya ng masama ang best friend niya na sobrang anti sa KPOP. Naluluha ito sa kakatawa.

"Grabe ka talaga. Kahit kelan. . ." Marahan siyang umiling.

"EH KASI NAMAN!! KABALIW! LANGYA. GRABE KA MAKADAYDREAM!"

Page 95: Tagalog One Shot Collection (1)

"Psh." Sinara niya na lang ang laptop niya at nahiga sa sariling kama.

"Ui." Untag sa kanya ng roommate.

"Ba't ba, Rika? At anong ginagawa mo dito? Tsk."

May hinagis si Rika sa kanya. Isang envelope na pahaba.

"Ano 'to?" Skeptic na tanong niya.

"Belated happy birthday." Nakangiting sambit nito sa kanya.

"Salamat." Ginantihan niya rin ang ngiti nito. Binuksan niya ang envelope. Akala niya ay greeting card lang ito.

"OMOOOOOOOOOOOOOOO!" Tumalon siya mula sa bed niya at niyakap ang kaibigan. Ang inakala niya kasing birthday card ay isang VIP ticket sa concert ng FT Island. Take note, with meet and greet pa yun ha!

"PAANOOOOO?!!!! PAANONG HINDI KO ALAM 'TO?!!" naghihysterical na siya.

"Syempre, magaling ako eh. Haha. Baka hindi mo alam, kaya may dugo akong Koreana eh dahil diyan sa nanay ko na pinsan ng anak ng katulong ng tiyu --"

Page 96: Tagalog One Shot Collection (1)

"Ano yung point mo?" Pinutol niya ang pagdadaldal ng kaibigan.

"Related ako dun sa manager ng FT Island. Yun. Haha." Casual pa yung pagsabi nito nun ha, eh siya naghahyper-ventilate na.

"Grabe ka! Akala ko ba best friends tayo, walang taguan ng sekreto?? Langya." Nagtatampong sabi niya.

"Syempre alam kong adik ka sa kanila kaya ko tinago. Reserve for your eighteenth birthday." Nag-wink pa ito sa kanya.

"Langya ka talaga, hahaha." Yun na lang ang nasabi niya habang niyayakap ang kaibigan.

"So hindi ka talaga anti?" Tanong niya nung nagkahiwalay na sila.

"Anti parin syempre." Sagot ni Rika. Binatukan niya ito.

"Salamat ulit dito ah?" Pasasalamat niya.

"Anytime." Sagot ni Rika habang ginugulo yung buhok niya.

Umuwi na pagkatapos nun ang kanyang kaibigan. Siya naman ay naiwan sa silid niyang malapad ang ngiti.

"HOY BABAE. GISING NA DIYAN. NAGHIHINTAY SA'YO SI FAFA JONG HUN."

Nagising si Quincy sa tunog ng boses niya na nagsisilbing alarm niya tuwing umaga. Ngumiti siya.

Page 97: Tagalog One Shot Collection (1)

Malapit na kitang makita, ilang oras na lang. Isip-isip niya.

Nagsimula na siyang mag-ayos kahit alas-otso pa lang ng umaga. Dahil alam niyang marami na ang tao kapag malapit nang magsimula ang concert. Mas mabuti nang hindi pa siksikan kapag pumunta siya.

Isang cute na isang simpleng dress lang ang sinuot niya. Sleeveless yun at hanggang tuhod ang haba. Isang white na doll shoes naman ang napili niya. Yung hindi masyadong mataas dahil alam naman niyang mahihirapan siya kapag nagsuot siya ng high-heeled na sapatos.

Nag-apply siya ng konting make-up, lip gloss lang, konting pink na eyeshadow at blush on.

"Wow ha, ang cute mo infairness." Puri niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Umalis na siya.

Sobrang excited siya noong makarating na siya sa pagdarausan ng concert. Andami na palang tao kahit umaga pa lang. Buti na lang prepared siya kaya bumili na siya ng mga pagkain niya at nagdala ng extrang damit. Sa galing niya, napakasya niya yun sa may kalakihan ngunit fashionistang handbag.

All smiles siya noong pumasok siya. Binigay niya ang kanyang VIP ticket, pero nagulat siya noong hindi ito tinanggap ng tatanga-tangang tagabantay.

"BAKIT POOO?!!" Hindi niya mapigilang mapasigaw. Wala siyang pakealam sa mga tao sa paligin na ngayon ay nakatingin na sa kanya.

"Kasi iha, FAKE ITO! FAKE!" Singhal sa kanya ng babae.

"LANGYA NAMAN. HINDI YAN FAKE! BIGAY YAN NG BEST FRIEND KO PARA SA BIRTHDAY KO!" Pilit siyang nagpaliwanag pero parang hindi iyon umubra dahil mataray na tininginan lang siya nung babae mula ulo hanggang paa.

Page 98: Tagalog One Shot Collection (1)

"Nan dangsini jeongmal silheo! Igeon maldo andwae!" Hindi niya napigilang isigaw sa babae na ang ibig sabihin ay "I hate you so much! Walang kwenta 'to!" at nagstorm out na.

Habang tumatakbo siya sa makitid na hallway papuntang backdoor ay may nakabangga siyang lalaki. Umiiyak siya kaya pinunasan niya ang luha at humingi ng patawad. Aalis na sana siya noong

"Gwaenchanha yo?" Nagulat siya noong Korean ang gamit ng nakabangga niya. Tinanong nito kung okay lang ba siya. Tumingala siya at nakita ang isang gwapong-gwapong mukha. She didn't recognized it at first.

Recognition flooded her senses at muntik na siyang napasigaw. Tinutop niya na lang ang kanyang bibig ng dalawa niyang kamay.

"Hongki?" Mahinang usal niya. "Is. . . Is t-that you?" Nanghihina siya at nanginginig. Hindi siya makapaniwala na ang vocalist ng paborito niyang banda ay nasa harap niya at hawak-hawak pa ang braso niya.

Tumango ito ng marahan. "What happened?" Tanong nito sa kanya.

"T-the girl who's getting the tickets won't accept my VIP ticket." Inilahad nito ang kamay niya. Hindi niya ito naintindihan noong una pero nakuha niya din ang nais nitong ipahiwatig. Binigay niya ang VIP ticket niya dito.

"My friend gave it to me. For my eighteenth birthday." Sabi niya habang pinagmamasdan si Hongki na abala sa pagtingin ng ticket. Napatingala ito sa kanya.

"When's your birthday?" Batid niyang nacurious ito dahil kitang kita sa pagtaas ng mga kilay nito.

"Two days ago." Nakita niyang kumislap ang mata nito. Hinawakan nito ang kamay niya at tumakbo sila.

Page 99: Tagalog One Shot Collection (1)

Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Pero sumunod na lang siya.

Buti na lang nakaflats ako. Kung nakaheels ako ewan ko na lang. Naku, thank You Lord!! Sigaw niya sa sarili. Malapad ang kanyang ngiti. Isn't this romantic? Parang nage-elope lang kami ehnu. Binatukan niya ang sarili. Ambisyosang palaka. Tumigil ka--

Napatigil siya sa pagdadaldal sa isip noong nakita niya kung saan sila nakatapat. Sa pinto ng dressing room nila. Sheeeemmmsss is this truuueeee????

Pumasok na sila sa silid at nakita niyang nagrerelax pa ang mga band members niya. Pinigilan niya ang sariling mapatili at mapasigaw at mapatalon noong nakita niya ang ultimate crush niya na si Jong Hun.

"Choi Jong Hun. Why are you so hot?" She muttered under her breath.

"What was that?" Narinig yata ito ni Hongki.

"Ah-- Nothing." Ngumiti siya ng matamis.

"What is your name?" Tanong ni Seung Hyun noong napansin siya nito. Tumingin din si Hongki sa kanya. Naalala yata na hindi pa nito alam kung sino siya. Lumingon din si Jong Hun at Min Hwan sa kanya.

"Naneun Quincyanne Tavieros imnida." Pakilala niya sa sarili. Nakita niya si Jong Hun na napangiti noong narinig siyang nagKorean.

"Oooohh!!! Nice to meet you!" Kinamayan agad siya ng apat. Natatawa siya sa mga reaksyon ng mga ito. Parang mga bata na ngayon lang nakakita ng babae. Hahaha. Hindi niya maiwasang mapalingon sa nakaupo paring si Jong Hun.

Bakit ikaw parang hindi ka nathrill na makakilala ka ng isang avid fan?? Parang gusto niya itong sakalin. Pero sino nga ba siya para magdemand ng atensyon nito? Pero nagulat siya noong magtama ang kanilang mata.

Page 100: Tagalog One Shot Collection (1)

Kahit ganun lang yun at ilang split second lang sila nagkatinginan pero parang may kuryente siyang naramdaman. Umiwas agad siya ng tingin.

What was that? Napahawak si Jong Hun sa dibdib niya. Noong nagtama kasi ang paningin nila ng Quincy na iyon, bumilis ang tibok ng puso niya. Tila ba sinipa iyon ng isang milyong kabayo. He also felt his stomach churn. He shifted uncomfortably on his seat.

I need to act cool. Para siyang baliw na patagong binabatok-batukan ang sarili. Jong Hun why are you like this? Be cool. She's just a fan. Pero ang pasaway niyang puso, ayun parin at parang drum set na tinatambol-tambol. Nilingon niya ulit yung Quincy.

Hindi mapakali si Quincy habang nag-uusap usap silang lima. Panay parin kasi ang lingon niya kay Jong Hun na pasulyap-sulyap din sa kanya. Shocks, ano ba 'toh? Ba't parang may something? Hinga, Quincy. Sige, hinga lang!

"QUINCY!"

"Ay hinga!" Pinagtawanan siya ng apat na makukulit na members ng banda kasi nagulat siya noong sinigaw ni Hongki ang pangalan niya.

"What's hinga? HAHAHA." Nakahawak na si Hongki sa tyan nito.

"Uhm.. It means breathe." Nag-iinit ang pisngi niya. Shocks nakakahiya!! Nilingon niya ulit si Jong Hun. Nakapikit ito habang nakahawak sa dibdib nito. Problema niya? Hindi niya na nakaya. Lumapit na talaga siya dito.

Page 101: Tagalog One Shot Collection (1)

"Hi. . ." Muntik nang tumalon ng puso ni Jong Hun nung narinig niyang batiin siya ni Quincy. I didn't see that one coming. Tinitigan niya ito. Hindi niya maiwasang mapahanga sa makinis na balat nito. Ang ilong, ang cute. Pilipinang Pilipina ang complexion. Morena. Singkit ang mata. Pinkish ang lips at parang palaging nakacurl. Mahaba ang buhok at medyo wavy.

"Uhm. . ." Untag nito sa kanya. Natauhan tuloy siya.

"Yes?" Sagot niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. This is absolutely not normal. Iyan ang nasa isip niya.

"I'm Quincy. . and I think I love you." Nagulat siya sa narinig. Hindi siya nakapagsalita. Nakanganga lang siya habang nakatitig dito. Nakita niya rin na tila nagulat din ito sa nasabi dahil natutop na lang nito ang bibig nito.

"I. . . I didn't." Naiiyak na siya. Base kasi sa nakita niyang reaksyon nito sa sinabi niya, batid niyang gulat na gulat ito. Sheeeet naman Quincy. Ba't ganun yung sinabi mooo? Parang gusto niya na lang magpahulog sa bangin sa kantangahan niya.

Nagulat siya nung tumayo ito, nilingon ang relo at hinawakan ang kamay niya. He led her out of the room.

I can't do this anymore. Kinuha niya ang kamay ni Quincy at dinala ito sa labas ng dressing room patungo sa isang secluded na lugar para makipag-usap. Parang alam niya na kasi ang nararamdaman niya dito dahil sa narinig niyang confession.

Page 102: Tagalog One Shot Collection (1)

"Love at first sight." Sabi niya noong nakarating na sila sa secluded na area.

"W-what?" Nabubulol na tanong ni Quincy sa kanya.

"I said I think I also am in love with you. It's love at first sight." Kinuha niya ang dalawang kamay at pinagdaop iyon. "Did you also feel that different spark when our eyes met?" Tanong niya sa pinakamagandang babae sa mata niya. Tumango ito. His heart fluttered with joy.

Hindi niya inaasahan na makakarinig din siya ng confession ngayong araw na ito. It was just supposed to be a birthday bash niya sa sarili galing sa best friend pero nauwi iyon sa pagtatagpo nila ng matagal niya na palang minamahal na si CHOI JONG HUN.

Nagulat siya nung bigla siya nitong binigyan ng masuyong halik sa mga labi. Homygassss. Nananaginip ba ako? Bakit. . . Shocks. His lips are so smooth. Tinugon niya ang halik na iyon. Sobrang saya niya.

Nagulat si Jong Hun noong nagcooperate si Quincy sa halik niya. He didn't expect that one coming. Pero mas ikinagulat niya ang luhang naramdaman niya sa pisngi nito. Tumigil siya at tinitigan nito.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ito at niyakap siya. Hindi niya man maintindihan, gumanti rin siya ng yakap.

"Yah Hun. . . The concert will. . . Will start in 10 minutes." Parang kinikilig naman itong si Hongki na kinakausap si Jong Hun. Nakita kasi nito ang dalawang nagyayakapan. These two. . . Hahaha. Gwaeyobda. So cute.

Page 103: Tagalog One Shot Collection (1)

Bumitiw na si Quincy sa pagyakap kay Jong Hun. Ngumiti ito sa kanya. Aaah. Heaven.

Dinala siya nito sa isang napakakomportableng pwesto sa harap ng stage kung saan kitang-kita sila.

Inenjoy niya ang concert. Nakangiti siya buong magdamag habang tinititigan ang gwapong mukha ni Jong Hun na nakatitig din sa kanya with so much love habang tumutugtog.

This is the best day of her life. Thanks to Rika and to Hongki. . .

____________________________________________________________________

Waaaaaaaaaa. OO NA PO. BITIN.

AT ANG KAPAL NG MUKHA KONG GAMITIN ANG SARILI KONG FIRST NAME. WALA EH. FAN GIRL LANG. HAHAHAHA.

Sorry naman po. . . *Kamot sa ulo*

Quinchie :"D