-
1 | S i a p o
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Kolehiyo ng Agham at Sining
Kagawaran ng Agham Panlipunan
T.A.E. (Terorismo at Estado):
Pagsusuri sa kaso ng marahas na demolisyon sa komunidad ng
Sitio San Roque noong Enero 27, 2014
bilang terorismo ng
estado
Gian Zechariah Siapo
2010-46137
Political Science 198
Propesor Fatima Alvarez Castillo
Tagapayo
-
2 | S i a p o
The police threw tear gas at the mass of illegal settlers and
members of militants
groups. This was answered with soda bottles, rocks, "pillboxes",
and feces.
- Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested in
clashes at Quezon City demolition ni R.
Dinglasan; inilathala online noong Enero
27, 2014
-
3 | S i a p o
TALAAN NG MGA NILALAMAN
UNANG KABANATA PANIMULA AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
.................... 4
Kabuluhan ng pag-aaral
...............................................................................................
4
Mga katanungan sa pananaliksik
.................................................................................
4
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
....................................................................
5
Balangkas ng pag-aanalisa
........................................................................................
14
IKALAWANG KABANATA METODOLOHIYA AT MGA ETIKAL NA
KONSIDERASYON
.......................................................................................................
23
Metodolohiya
..............................................................................................................
23
Mga etikal na
konsiderasyon......................................................................................
29
IKATLONG KABANATA - MGA NATUKLASAN
............................................................ 30
Mga pangkalahatang katangian ng Sitio San Roque
................................................. 30
Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon
.......................................... 34
Ang estado at mga nakinabang sa
demolisyon..........................................................
41
Kalagayan ng mga maralita matapos ang demolisyon
............................................... 44
Pagtalakay ng konseptong terorismo sa kaso ng demolisyon
................................... 47
IKAAPAT NA KABANATA - DISKUSYON
.....................................................................
50
Ang katangian ng demolisyon noong Enero 27, 2014
................................................ 50
Ang karahasan noong Enero 27, 2014 bilang terorismo
............................................ 55
IKALIMANG KABANATA - KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
........................... 61
Konklusyon
................................................................................................................
61
Mga Rekomendasyon
................................................................................................
62
Talasanggunian
.............................................................................................................
63
MGA APENDIKS
...........................................................................................................
68
APENDIKS ARA 7279 UDHA OF 1992 (Articles I, III, V, VI, at VII)
...................... 68
-
4 | S i a p o
APENDIKS B QUEZON CITY ORDINANCE 2247 S 2013
.................................. 82
UNANG KABANATA PANIMULA AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Kabuluhan ng pag-aaral
Dahil sa gahum o hegemony ng mga makapangyarihang estado tulad
ng US, naibaling
ang tuon ng terminong terorismo sa mga marahas na gawain ng mga
grupong laban sa
estado. Sa pag-aaral na itoy ginamit ang konsepto ng terorismo
na alternatibo mula sa
maka-gahum na gamit nito. Itoy para ilapat ang konsepto sa
kongkretong pangyayaring
sinuri ang sapilitang pagpapaalis at demolisyon sa mga komunidad
ng maralitang
tagalungsod.
Siniyasat sa pag-aaral kung paano unang ginamit ang terorismo
bilang konsepto; at
kung paano ito ginamit upang maging kapaki-pakinabang sa interes
ng iilan. Tinukoy
ang mga dimensyon ng terorismo bilang manipestasyon ng
karahasan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik, inalam ang karahasang naganap sa
pamamagitan ng
mga ahensiyat pwersa ng estado kaugnay ng pagpapaalis at
demolisyon. At mula rito,
aalamin ang tunay na karakter at mukha ng terorismo ng
estado.
Mga katanungan sa pananaliksik
Pangkalahatang katanungan:
Paano ang sapilitang pagpaalis o demolisyon sa mga komunidad ng
maralitang
tagalungsod ay nagpapatunay ng terorismo ng estado?
Mga tiyak na katanungan:
1. Ano ang terorismo?
a. Ano ang kasaysayan ng konseptong ito?
i. Paano nabuo at unang ginamit ang konseptong ito?
b. Sa kasalukuyan, paano ito ginagamit?
i. Sino ang mga gumagamit ng konseptong ito?
c. Paano nakikita ang papel ng kapangyarihan sa ibat-ibang gamit
ng
konspetong ito?
-
5 | S i a p o
i. Ano ang pakay ng mga gumagamit ng konsepto?
ii. Ano ang mga magkasalungat na interes ang makikita sa
ibat-ibang
gamit ng konseptong ito?
iii. Ano ang mga pagkakaiba ng gamit sa konsepto at ano ang
dahilan
ng pagkakaiba?
2. Ano ang mga katangian ng sapilitang pagpaalis o demolisyon sa
mga komunidad
ng maralitang taga-lungsod?
a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?
i. Anong kanilang mga interes?
b. Ano ang mga dahilan sa sapilitang pagpaalis o demolisyon?
3. Bakit nagiging marahas ang sapilitang pagpaalis o demolisyon
sa mga
komunidad ng maralitang taga-lungsod?
a. Sino ang mga partidong kasangkot dito?
b. Sino ang mga biktima?
4. Ano ang ginagawa ng mga maralitang komunidad tuwing may
nakaambang
pagpapaalis o demolisyon?
a. Bakit nila ito ginagawa?
b. Ano ang kanilang naranasan?
5. Kung ilapat ang ibat-ibang gamit ng konseptong terorismo,
sino ang terorista sa
pangyayaring ito?
a. Bakit sila?
b. Ano ang mga implikasyon nito sa popular na pag-unawa at gamit
ng
konsepto?
6. Paano ipinapakita sa pangyayaring ito ang terorismo ng
estado?
Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura
Ang maralitang tagalungsod at ang mga polisiyat programa hinggil
sa
paninirahan
It shall be the policy of the State to undertake, in cooperation
with the private sector, a comprehensive and continuing Urban
Development and Housing Program, hereinafter referred to as the
Program.
-
6 | S i a p o
- Urban Development and Housing Act of 1992 (UDHA), Declaration
of State Policy
Sa ika-dalawampung taon ng Republic Act 7279 o UDHA noong Marso
2012, limang
edisyon ng programang May Punto Ka Diyan ng DZUP 1602 ang
nagtalakayhinggil sa
pakinabang ng batas at iba pang kaugnay na programapara sa hanay
ng maralitang
tagalungsod.Sa kabanatang ito, apat mula sa limang edisyon ng
May Punto Ka Diyan
ang susuriin Marso 20 hanggang 23 ng taong 2012.
Ang maralitang tagalungsod at batas sa paninirahan
Ang mga balintuna ng kasalukuyang batas sa paninirahan
Sa edisyon noong Marso 20, nagbigay ang Presidential Commission
for the Urban Poor
Chairperson Hernani Panganiban ng pagtatasa sa UDHA. Ayon kay
Panganiban,
aminado siyang may mga pagkukulang pa sa UDHA lalo na sa
pagsunod dito. Ngunit
binanggit niya buti na yung may batayan (Uyanguren, Claudio,
& Fabonan, Ang
Batas sa Paninirahan, 2012).
Dagdag ni Panganiban marami pang kakulangan (ang UDHA),
(halimbawa) sa
demolition (at) eviction marami pa ring violators (Uyanguren,
Claudio, & Fabonan,
Ang Batas sa Paninirahan, 2012).Sa nahuling pahayag, tinutukoy
ni Panganiban ang
mga pamantayan sa ilalim ng UDHA Section 28 inilaan upang
i-discourage ang
pagpapaalis at demolisyon (Uyanguren, Claudio, & Fabonan,
Ang Batas sa
Paninirahan, 2012).
Mula sa mga pahayag ni Panganiban, makikitang maraming
kabalintunaan sa UDHA.
Isa na dito ang pagbibigay ng mga pamantayan at kundisyon para
sa pagpapatupad ng
pagpapaalis at demolition bagamat itoy discouraged (Republic Act
7279, 1992).
Patunay ang dinanas ng maralitang komunidad sa Sitio San Roque,
North Triangle,
Lungsod ng Quezon noong ika-23 ng Setyembre 2010.
Kaluluklok pa lamang ni Benigno Simeon Noynoy Aquino III bilang
Pangulo nang
bumungad sa mga residente ang pinagsamangpwersa ng kapulisan at
demolition team.
Ang gigibain ay ang mga kabahayan sa gawing Epifao delos Santos
Avenue (EDSA)
-
7 | S i a p o
ng komunidad (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa
Paninirahan, 2012).
Labing apat ang naiulat na sugatan sa insidente; pito ang
iniulat na mula sa mga
residente (Suarez & Abella, 2010).
Ang mga malalaking negosyo bilang kasangkot sa pagpapaalis at
demolisyon
Ang nabanggit na demolisyon ay para bigyang daan ang pinaplanong
Quezon City
Central Business District (QC CBD). Sasakop ang proyekto sa
higit 250 ektarya ng
lupain kasama ang 30 ektaryang Sitio San Roque na tayang may
10,000 pamilyang
naninirahan (Quezon City Government; Suarez & Abella, 2010).
Ang proyekto ay nasa
balangkas para sa mga Public-Private Partnerships (PPP) ng
rehimeng Aquino
(Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan,
2012).
Ayon sa Section 28.2 ng UDHA, maaring isagawa ang demolisyon
kapag
magpapatupad ng mga proyektong imprastraktura ang gobyerno na
meron nang pondo
(Republic Act 7279, 1992). At ayon naman sa isang artikulong
isinulat nina Larissa
Suarez at Jerrie Abella, may puhunang P22 bilyon ang Ayala Land
Inc. (ALI) para QC
CBD (Suarez & Abella, 2010). Sa pakikipagtulungan ng
National Housing Authority
kasama ang mamumuhunang ALI, naging legal ang discouraged na
demolisyon noong
Setyembre 2010 (Uyanguren, Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa
Paninirahan, 2012).
Pagkukulang ng pagkilala sa mga karapatan ng maralita
Sa usapin ng pagkilala sa karapatan para sa nakasasapat at
disenteng pamamahay,
balintuna pa rin ang dinanas ng mga residenteng pinaalis tungo
sa mga relocation sites
sa mga probinsiya ng Rizal at Bulacan (Uyanguren, Claudio, &
Fabonan, Ang Batas sa
Paninirahan, 2012). Ayon kay Jake Fabonan, isang mag-aaral ng
College of Social
Work and Community Development sa Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, walang mga
pasilidad para sabatayang serbisyo tulad ng mga paaralan o
health center ang mga
relokasyon. Binabayaran din ang mga pabahay sa mga sites na ito
tulad ng Towerville
Housing Project sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Nagkakahalaga ng mula
P100,000 hanggang P150,000 ang isang yunit sa nasabing pabahay
(Uyanguren,
Claudio, & Fabonan, Ang Batas sa Paninirahan, 2012).
-
8 | S i a p o
Ang maralitang tagalungsod at demolisyon
Karanasan ng maralita sa mga demolisyon ng komunidad
Sa edisyon ng May Punto Ka Diyan noong Marso 21, 2012, tinalakay
ang karahasang
dinanas ng mga residente sa mga pagpapaalis at demolisyon. Isa
sa tinalakay ay ang
nangyari sa isang maralitang komunidad sa Lungsod ng San Juan.
Ayon sa isang
residente at miyembro ng lokal na organisasyong laban sa paggiba
ng kabahayan,
matagal nang inaangkin ng pamahalaang lungsod ang lupang
kinatatayuan ng kanilang
komunidad (Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Ang
batayan ay ang
Presidential Decree 1716 paggawad ng dating Pangulong Ferdinand
Marcos sa
pamahalaang lungsod ng lupain ng komunidad (Uyanguren, Claudio,
Salem, &
Pearanda, 2012).
Ngunit ang mga sumunod na rehimen nina Corazon Aquino at Gloria
Macapagal Arroyo
ay iginawad sa mga maralitang residente ang nasabing lupain.
Nagawa ito sa
pamamagitan ng Executive Order 164 ni Aquino at Executive Order
54 ni Arroyo
(Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Sa pag-usad
ng talakayan, tiningnan
ang anggulong pamumulitika bilang hindi kasundo ng lokal na
dinastiyang pulitikal ng
mga Ejercito-Estrada ang mga binanggit na rehimen (Uyanguren,
Claudio, Salem, &
Pearanda, 2012).
Malinaw na dapat iginawad ang lupain sa mamamayan. Dagdag pa
dito ang
rekomendasyong on-site development ni namayapang Kalihim ng
Department of
Interior and Local Government (DILG) na si Jesse Robredo para sa
komunidad na iyon
(Uyanguren, Claudio, Salem, & Pearanda, 2012). Ang kahulugan
ng on-site
development ay ang proseso ng pagpapaunlad at rehabilitasyon ng
mga maralitang
komunidad na may tanaw na mapaliit ang bilang ng mga
naninirahang mapapaalis
(Republic Act 7279, 1992).
Sa kabila nitoy natuloy ang serye ng mga demolisyon sa komunidad
mula noong
Hunyo ng 2010. At sa naunang edisyon ng programang Sali na,
Bayan! sa DZUP noong
Marso 2, 2012, isinalaysay ng dalawang miyembro ng parehong
organisasyon ang
dinanas ng mga residente. Ang mga sumusunod ay mga pahayag
hinggil sa karanasan
-
9 | S i a p o
sa tatlong demolisyon sa pagitan ng mga taong 2010 at 2012
(Villanueva, Oliveros,
Bacolod, & Pariscal, 2012).
Higit tatlong daan nang pamilya ang pinaalis mula 2010 hanggang
sa pinakamarahas
na demolisyon noong Enero 11, 2012. Sa nahuling insidente, kahit
walang
maipresentang Court Order at Certificate of Compliance1 ang mga
tagapagpatupad ay
itinuloy ang demolisyon. Itoy matapos i-disperse ng tinatayang
400 na pulis kasama ng
200-kataong demolition team ang barikada ng mga residente tutol
sa demolisyon.
Gumamit din ang mga nagpatupad ng bulldozer sa paggiba ng
kabahayang kalakhan
ay gawa sa light materials2 (Villanueva, Oliveros, Bacolod,
& Pariscal, 2012).
Ang pamahalaang lungsod ng San Juan namay nagparatang na magulo
at kinasuhan
ng illegal assembly ang mga organisador sa komunidad kasama ang
isa sa mga
kapanayam (Villanueva, Oliveros, Bacolod, & Pariscal, 2012).
Ang hakbang umano ay
upang sirain ang pagkakaisa ng mga residente sa pagtutol sa
demolisyon.
Ang kakulangan ng batayang serbisyo sa relokasyon
Hinaing naman ng mga residenteng ni-relocate sa Southville 8B,
Brgy. San Isidro,
Rodriguez, Probinsya ng Rizal ang kawalan ng serbisyo sa tubig
at kuryente. Idagdag
pa ang kalayuan ng lugar mula sa lungsod kung saan naroon ang
kanilang kabuhayan.
Higit siyam na buwan ang inabot bago magkaroon ng serbisyo ng
kuryente at tubig ang
isang bahagi ng relokasyon. Ngunit sa puntong iyon ay hindi pa
rin nasusuri ang tubig
kung ligtas itong inumin ng tao (Villanueva, Oliveros, Bacolod,
& Pariscal, 2012).
Ang marahas na demolisyon sa Silverio Compound
Isa pang tatalakayin sa kabanatang ito ay ang karanasan ng mga
residente sa Silverio
Compound, Lungsod ng Paraaque. Sa edisyon ng Sali na, Bayan!
noong Abril 24,
2012 isang araw pagkatapos ng demolisyong ikinamatay ng isa at
ikinasugat ng higit
1 Ayon sa UDHA, ang Court Order at Certificate of Compliance ay
mga rekisito para masagawa ang isang
demolisyon (Republic Act 7279, 1992). 2 Ipinagbabawal sa ilalim
ng UDHA Section 28 (6) ang paggamit ng malalaking makinarya tulad
ng
bulldozer pwera sa mga permanente at kongkretong istruktura
(Republic Act 7279, 1992).
-
10 | S i a p o
30, inere ang mga salaysay at pahayag ng kondenasyon hinggil sa
insidente
(Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa
Paraaque, 2012).
Ayon ni Roy Velez ng Bagong Alyansang Makabayan NCR (BAYAN-NCR),
ang
usapin sa Silverio Compound ay ang paglabag ng pamahalaang lokal
sa pamumuno ng
dating Mayor Jun Bernabe sa napagkasunduang expropriation o
pamamahagi ng 9.7
ektaryang Silverio Compound3. Tinatayang 2,500 na pamilyang
maralitang nakatira dito
ang mababahagian. Banggit din ni Velez na ang pagbawi sa
expropriation ay dulot ng
pagbili diumano ng SM Development Corporation sa lupa mula sa
pamahalaang
lungsod (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio Compound
sa Paraaque,
2012).
Ayon pa rin kay Velez, nakatanggap ang mga residente ng writ of
demolition sampung
araw lang bago pumatak ang itinakdang petsa ng demolisyon.
Inihanda nila ang
kanilang barikadang bayan tutol sa demolisyon noong ika-23 ng
Abril 2012 (Villanueva,
Marahas na demolisyon sa Silverio Compound sa Paraaque,
2012).
Tinangka ng mga organisador at lider sa komunidad na
makipag-negosasyon sa mga
namamahala ng isasagawang demolisyon. Ngunit hindi pa tapos ang
negosasyon nang
diumanoy nagpaputok ng warning shot ang hanay ng kapulisan.
Sinagot ito ng mga
residente ng bato, bote, at pillbox; teargas at bala mula sa mga
riple ng kapulisan
naman ang ganti. Nang tuluyang ma-disperse ang barikaday pinasok
ng mga pulis ang
komunidad, sinuyod ang kabahayan at arbitraryong inaresto ang
sinumang
mapaghinalaang kasangkot sa barikada (Villanueva, Marahas na
demolisyon sa Silverio
Compound sa Paraaque, 2012).
Ang maralitang tagalungsod at urban development ayon sa
pamahalaan
Pagpapaalis sa maralita mula sa mga lungsod bilang urban
development
Sa edisyon ng May Punto Ka Diyan noong Marso 22, 2012,
ipinahayag ni dating
Anakpawis Partylist Representative Joel Maglunsod na panahon na
upang ibasura ang
3 Ang expropriation ay pinagkasunduan noong 2003 sa pamumuno ng
dating alkalde ng Paraaque na si
Joey Marquez (Villanueva, Marahas na demolisyon sa Silverio
Compound sa Paraaque, 2012).
-
11 | S i a p o
UDHA (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro,
2012). Nanindigan si
Maglunsod at ang kanyang grupo na walang idinulot ang nasabing
batas kundi gawing
legal ang mga demolisyon sa mga komunidad ng maralitang
tagalungsod (Uyanguren
E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).
Sa pagpapatuloy ng talakayan, dagdag ni Luis Teodoro, propesor
sa Unibersidad ng
Pilipinas Diliman, na panahon pa man ng rehimeng Marcos, naroon
na ang lohikang
paalisin ang mga maralitang tagalungsod para sa kaunlaran
(Uyanguren E. , Claudio,
Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012). Imbis na maging katuwang
ng pamahalaan at
pribadong sektor sa pagbubuo ng mga polisiya at programang
pang-kaunlaran,
sapilitang pinapaalis ang mga maralita mula sa kanilang mga
komunidad (Uyanguren E.
, Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).
Tinalakay ang kaso ng Pangarap Village, Lungsod ng Caloocan
isang komunidad ng
higit 30,000 na pamilya ngunit binabantaan na paalisin at gibain
ang kabahayan
(Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro, 2012).
Ayon sa salaysay ng
residenteng si Benjie Lacorda, idineklara ng dating Pangulong
Marcos ang tinatayang
7,000 ektaryang lupain bilang pabahay para sa mga sundalo at
napaalis na maralita sa
paligid ng Malacaang (Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem,
& Teodoro, 2012). Ito
ay sa pamamagitan ng Presidential Decree 293 habang kinansela
naman ang titulo
sa nabanggit na lupain ng Carmel Farms Incorporated (ngayoy
Carmel Development)
(Demolition Watch, 2011).
Ngunit noong 1988, dineklara ng Korte Suprema na hindi ayon sa
Konstitusyon at
walang bisa ang PD 293 (Demolition Watch, 2011). Sa kasalukuyan,
inaangkin ang lupa
ng Carmel Development ng pamilya Araneta upang diumanoy
paunlarin. Itoy habang
binabalewala ang karapatan ng mga residenteng noon pay
binahagian ng lupa
(Uyanguren E. , Claudio, Lacorda, Salem, & Teodoro,
2012).
Isa pang kasong tinalakay ay sa Welfareville, Lungsod ng
Mandaluyong. Nais paalisin
ang kulang-kulang sa 20,000 pamilya para bigyang daan ang
Welfareville
Development Project. Ang proyekto diumanoy pinamumunuan nina
Department of
Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman,
Department of Finance
-
12 | S i a p o
Secretary Cesar Purisima at Mandaluyong Mayor Benhur Abalos. Ang
nasabing
proyekto ay may aid mula sa World Bank (Salamat, 2011).
Pagpapaalis bilang pagpapalala sa karalitaan
At ang edisyon ng programa noong Marso 23, 2012, ipinahayag ni
Glacy Macabale ng
Kalipunan ng Damayang Mahihirap National Capital Region
(KADAMAY-NCR) na
ayon sa tala ng nahuli, higit 200,000 na mga kabahayang maralita
ang giniba sa
dalawampung taong naisabatas ang UDHA. Higit pa sa nasabing
bilang ang mga
pamilyang napalayas (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2,
2012).
Ayon pa kay Macabale, patuloy lang na babalik ang mga maralitang
pinaalis sa lungsod
dahil sa kawalan ng kabuhayan sa mga relokasyon (Uyanguren &
Claudio, UDHA Part
2, 2012). Pinagbasehan ni Macabale ang karanasan ng mga napaalis
mula sa Lungsod
Paraaque na coastal patungo sa bulubundukin ng Antipolo,
Probinsya ng Rizal. Dahil
sa kawalan ng kinasanayang kabuhayang pangingisda sa relokasyon,
napilitang
bumalik ang mga residente sa Paraaque (Uyanguren & Claudio,
UDHA Part 2, 2012).
Mga palliative na tugon ng pamahalaan sa karalitaan
Ang kawalan ng kabuhayan bilang pangunahing sanhi ng karalitaan
sa lungsod ay
sunod na tinalakay sa programa. Itoy upang masuri kung angkop
nga ba ang mga
programa ng pamahalaan upang tugunan ito (Uyanguren &
Claudio, UDHA Part 2,
2012). Bukod sa mga programang nasa ilalim ng UDHA, nariyan din
ang Conditional
Cash Transfer (CCT) at Balik Probinsya Program na isinusulong ng
kasaulukuyang
rehimen (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012).
Ang CCT ay mula pa sa pamunuan ng dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo. Ito
ang tugon ng pamahalaan sa karalitaan di lang sa mga lungsod
kundi sa buong bayan.
Ang iskema ng programang itoy bigyan ang mga kwalipikadong
maralita ng tulong
pinansyal para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang
programa ay
suportado ng mga institusyon sa pinansya tulad ng World Bank
(Uyanguren & Claudio,
UDHA Part 2, 2012).
-
13 | S i a p o
Ayon naman kay Rosario Bella Guzman, Executive Director ng IBON
Foundation, ang
CCT ay palliative lang binabawasan ang kahirapang dinaranas
habang hindi naman
ito inuugat at binibigyang-solusyon (Uyanguren & Claudio,
UDHA Part 2, 2012). Bukod
sa isyung iyon, isinusulong din nito ang kultura ng mendicancy o
panghihingi ng limos
sa mga maralita na hindi makatutulong sa kanilang pag-unlad
(Uyanguren & Claudio,
UDHA Part 2, 2012).
Sa Balik Probinsya Program naman, bibigyan ang maralita ng
pamasahe pabalik sa
kani-kanilang probinsya sa kasunduang hindi na babalik pa sa
lungsod. Ipinahayag din
ni Guzman na itoy walang maiaambag sa pagpapaunlad ng maralita
at kanilang
kabuhayan (Uyanguren & Claudio, UDHA Part 2, 2012). Hindi
maiaakila na dahil sa
kawalan ng disenteng kabuhayan sa kanayunan kaya dumadagsa ang
maralita sa mga
lungsod. Ang pagpapabalik sa kanila tungo sa mga probinsya
habang hindi tinutugunan
ng pamahalaan ang problemang binanggit ay wala ding
patutunguhan, kundi ang
pagbabalik ng maralita sa mga lungsod (Uyanguren & Claudio,
UDHA Part 2, 2012).
Timeline ng mga pangyayaring tinalakay sa seksyong ito:
1992 Ipinasa ang Urban Develepment and Housing Act (RA 7279)
2001 Unang nagsampa ng petisyon (sa Bureau of Lands Management)
ang mga residente ng Pangarap Village sa Lungsod ng Caloocan laban
sa pang-aangkin ng lupa ng Carmel Development Inc.
2008 Inilunsad ang Conditional Cash Transfer o Pantawid
Pamilyang Pilipino Program sa pangunguna ng Department of Social
Welfare and Development
(DSWD) (Chaudhury, Friedman, & Onishi, 2013).
2010 Naluklok si Noynoy Aquino bilang Pangulo. Inilinya ng
pamahalaan ang mga proyektong Private Public Partnerships (PPP).
Mga halimbawa nito ay ang Quezon City Central Business District (QC
CBD) at Welfareville Development Project sa Lungsod ng
Mandaluyong
Hunyo 2010 Naganap ang unang demolisiyon (sa ilalim ng
panunungkulan ni Aquino) ng binanggit na komunidad sa Lungsod ng
San Juan
Setyembre 2010 Giniba ang 130 na kabahayan sa Sitio San Roque,
Lungsod ng Quezon para bigyang-daan ang PPP na QC CBD
2012 Umabot na sa 200,000 na kabahayang maralita ang giniba sa
Kamaynilaan
Enero 2012 Naganap ang pinakamarahas na demolisyon sa komunidad
na nasa Lungsod ng San Juan. Higit na sa 300 na pamilya ang
pinaalis sa komunidad.
-
14 | S i a p o
Abril 2012 Naganap ang demolisyon ng Silverio Compound, Lungsod
ng Paraaque. Tayang 2,500 na pamilya ang apektado. Ikinasawi ng isa
ang karahasan sa proseso.
Balangkas ng pag-aanalisa
Terorismo at ang popular nitong depinisyon
Ang terorismo ay manipestasyon ng karahasan; ngunit kailan ba
masasabi na terorismo
ang isang insidenteng karahasan? Sa pagbabalik-tanaw, unang
ginamit ang terminong
terorismo ng mga kritiko ng French Revolution kasama ang Ingles
na si Edmund Burke
(Kushner, 2003). Inilarawan bilang rehimen ng terorismo (Fr.
regime de la terreur)
ang rebolusyonaryong rehimeng Jacobin matapos nitong ipabitay
ang higit 40,000 na
tinaguriang kaaway ng mamamayan (enemies of the people). Malinaw
na ang orihinal
na gamit ng termino ay ang bansagan ang karahasang dulot ng
estado o partikular na
rehimen (Kushner, 2003). Pero sa parehong pagkakataon, ginamit
din ito ng mga
koserbatibong intelihensiya tulad ni Burke upang paboran ang
nooy status quo na
sistemang pyudal sa ilalim ng monarkiya.
Sa ngayon, ang popular na notion sa terorismo ay bilang
politically-motivated na
karahasang dulot ng mga non-state agents. Ang ganitong paggamit
ay sunod pa rin sa
tradisyon ng mga kritiko ng radikal na pagbabagong panlipunan.
Ayon nga sa
pakahulugang gamit ng US Department of State mula nang ilunsad
nito ang Global War
on Terror ang terorismo ay politically-motivated na karahasang
idinudulot pangunahin
ng mga grupong sub-national laban sa mga non-combatant targets
upang
makaimpluwensya (Jackson, 2008). Ayon naman sa entry ng
terorismo sa
Encyclopedia of Terrorism ni H. W. Kushner (2003), ang terorismo
ay karahasan laban
sa mga sibilyang target sa intensyong manakot at gumawa ng
panlipunan at
pampulitikang pagbabago.
Sa tradisyon din nakapaloob ang mga balangkas na ginamit nina
Claude Berrebi
(2007) at James Piazza (2006) hinggil sa relasyon ng terorismo
sa kahirapan at
mababang antas ng economic development. Ang balangkas ng
pag-aaral ni Piazza
(2006) ay nakatuon sa relative deprivation ni Ted Gurr at
political opportunity theory ni
-
15 | S i a p o
Charles Tilly. Ayon kay Gurr, ang relative deprivation ang link
sa pagitan ng economic
disparity (di pagkakapantay-pantay sa larangan ng ekonomiya) at
ng propensity o
tendensiya na magdulot ng karahasang politically-motivated
(Piazza, 2006). Sa teorya
naman ni Tilly, mas bulnerable sa terorismo ang mga estadong
naglalaan ng mas
maraming daan upang makapagpahayag ng dissent o disgusto ang
mamamayan
(Piazza, 2006).
Kritisismo sa popular na depinisyon
Bukod sa tradisyong panig sa status quo o ang gahum (hegemony)
ng mga
Kanluraning estado, ang mga naunang teorya partikular ng kay
Gurr ay tinumbok ang
kahirapan bilang ugat ng politically-motivated na karahasan
tulad ng terorismo. Sa
ganitong konteksto, ang karahasang maituturing bilang terorismo
ay idudulot lang ng
mga ahenteng mula sa mga mahihirap at developing na bansa.
Ayon nga kay Richard Jackson sa kanyang An Argument for
Terrorism (2008),
kadalasan ang binabansagan bilang mga terorista ay ang mga grupo
o rehimeng laban
sa interes ng mga Kanluraning estado partikular ang US. Itoy
habang ang mga grupo at
rehimeng may signipikanteng bilang ng mga human rights
violations ngunit panig
partikular sa US ay hindi binabansagang terorista. Halimbawa
diyan ang mga
sumusunod: ang armadong Contras sa Nicaragua, mga diktaturyang
militar sa South
America tulad ng kina Pinochet sa Chile at Videla sa Argentina,
mga diktaturya sa
Asya-Pasipiko tulad ng kina Chiang Kaishek sa China, Marcos sa
Pilipinas at Ngo Dinh
Diem sa Viet Nam, at iba pang rehimeng militar mula sa Africa
(Sison, 2002).
Dagdag ni Jackson (2008), hindi intellectually sustainable ang
argumentong hindi
maaring ituring na terorismo ang karahasang dulot ng mga estado;
bilang ang terminoy
una namang ginamit upang ilarawan ang karahasang gawa ng estado.
At kung
ipagpapalagay na ang mga estadoy maari maging terorista din,
lilitaw na malaki ang
bilang ng mga biktima mula sa mga karahasang dulot ng mga estado
tulad ng
genocide, democide (ayon kay R. Rummel 4 pagpatay ng estado sa
kanyang
mamamayan) sapilitang kagutuman at iba pa mula noong ika-20 na
siglo. Higit itong
4 Ang konseptoy binanggit sa Political Economics of State Terror
ni Kisangani at Nafziger (2006).
-
16 | S i a p o
mas malaki sa bilang ng mga biktima samga insidente ng
karahasang naitala ngunit
dulot naman ng mga sub-national na grupo (Jackson, 2008).
Ang estado bilang terorista
Ang balangkas na magpapalagay na ang estado ay ang terorista ay
ginamit nina
Emizet Kisangani at E. Wayne Nafziger (2006) sa The Political
Economy of State
Terror. Ginamit sa pag-aaral ang konseptong democide upang
ilarawan ang terorismo
ng estado sa bawat bansang sinuri. Tiningnan sa pag-aaral kung
ano ang relasyon ng
mga democide sa bilang ng mga rent-seeking na gawaing sinukat
naman sa dami ng
eksport sa yamang-mineral (Kisangani & Nafziger, 2006).
Napatunayan sa pag-aaral na sa 39 na bansang sinuri, directly
proportional ang bilang
ng mga insidente ngterorismo ng estado at bilang ng mga
rent-seeking na gawaing
pang-ekonomiya mula 1995 hanggang 2002 (Kisangani &
Nafziger, 2006). Isa pang
mahalagang punto na isinaad sa pag-aaral ay may mga estadong
mahihina (weak
states) ang mga bansang sinuri (Kisangani & Nafziger, 2006).
Ayon kina K. Holsti at W.
Zartman, ang kahinaangito ay ang pagbaba ng paggawa ng estado sa
mga batayang
gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at
awtoridad, paggawa
ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga
batayang serbisyong
panlipunan5. Ang kahinaang itoy maaring samantalahin ng mga
indibidwal na rent-
seeking upang gamitin ang makinarya ng estado sa pagkamal ng
yaman (Kisangani
& Nafziger, 2006).
Ang gagamiting depinisyon ng terorismo
Sa puntong ito tutukuyin ang ginamit na depinisyon ng terorismo
sa pag-aaral. Hindi
angkop na gamitin ang konsepto ng democide para ilarawan ang
terorismo dahil sa
katangian ng kasong sisiyasatin (na walang indibidwal na
pinaslang). Dahil naman sa
lantarang pagpanig sa status quo, hindi ginamit ang popular na
nosyon sa terorismo
partikular ang galing sa US Department of State.
5 Binanggit sa Political Economy of State Terror (Kisangani
& Nafziger, 2006).
-
17 | S i a p o
Upang umusad, dapat munang maglinaw sa konsepto ng karahasan
dahil ang
terorismo ay isang manipestasyon nito. Isasaalang-alang dito ang
depinisyon at
tipolohiya ng karahasan ni Johan Galtung (1969) upang matukoy
ang mga pagkakataon
kung saan nagkaroon o may nagdulot ng karahasan. Ayon kay
Galtung (1969), ang
karahasan ay ang nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng aktuwal
at potensyal na
realisasyon. Itoy habang ang pagkakaiba ay maaring maiwasan kung
walang
monopolyo ang iilan sa pagkukunan ng yaman at iba pang rekurso.
Dagdag ni Galtung
(1969), ang karahasan ay may mga dimensyon. Sa pag-aaral,
gagamitin ang
sumusunod na dimensyon: (1) maaring pisikal o sikolohikal, (2)
maaring merong
bagay/indibidwal na sinasaktan o wala, (3) maaring personal
(merong aktor para idulot
ang karahasan) o istruktural (walang aktor at hindi direkta
ngunit itoy balakid sa
pagkamit ng aktuwal na realisasyon sa potensyal nito), (4)
maaring sadya (intended) o
hindi, at (5) maari ding hayag (manifest) o tago (latent).
Gamit ang tipolohiya ni Galtung at mga tinalakay, ang terorismo
ay nasa mga partikular
na dimensyon ng may sinasaktan (targets), personal, sadya, at
hayag. At ayon
naman sa artikulong War on Terror as Reign of Terror ni Bobby
Tuazon (2005),
magiging partikular sa mga hindi armadong indibidwal o grupo na
kumikilos para sa
pampulitika at pang-ekonomiyang pagbabago ang target ng
terorismo. Ngunit limitado
sa low intensity conflict ang terorismo sa ganitong balangkas
(Tuazon, 2005).
Ayon naman kay Noam Chomsky (2001), napatunayan sa karahasang
dulot ng mga
pwersang Contras sa Nicaragua na ang mga target ng terorismo ay
mga sibilyang
hindi na kailangang sangkot o kasapi ng mga radikal o
progresibong organisasyon. Ang
mga Contras na hayagang sinuportahan ng gobyernong US ay pumatay
ng ilang libong
buhay at nanira ng mga mahahalagang pasilidad pang-ekonomiya ng
Nicaragua
(Chomsky, 2001).
Ngunit anong kaiba sa terorismo mula sa ibang manipestasyon ng
karahasan? Sa pa-
aaral nina Kisangani at Nafziger (2006), ang terorismo ay may
pampulitika at pang-
ekonomiyang pakay. Mas nagiging laganap ang terorismo sa paghina
ng estadong
gumampan at pagiging kasangkapan nito sa mga rent-seeking na mga
indibidwal
(Kisangani & Nafziger, 2006). Ang estadoy isang istrukturang
likas na marahas at
-
18 | S i a p o
kasangkapan ng naghaharing-uri sa bawat yugto ng pag-unlad
(Lenin, State and
Revolution, 1918). Samakatuwid, ang karahasang likas sa estado
ay istruktural;
hinahadlangan nito ang pag-usad patungo sa mga bagong moda ng
produksyon (Lenin,
State and Revolution, 1918).
Ang makina ng estado ay maaring gamitin ng mga rent-seeking na
indibidwal para
marahas na mapalawig ang monopolyo sa pang-ekonomiyat pulitikal
na rekurso
(Kisangani & Nafziger, 2006). Tinukoy ni Lenin bilang
bumubuo sa makina ng estado
ang mga burukratikong ahensiya at ang hukbong sahuran nito
(Lenin, State and
Revolution, 1918).
Sa proseso, ang karahasang istruktural (na likas nang idinudulot
ng estado) ay susugan
ng karahasang personal sapagkat itoy ginagawa ng mga ahensiya ng
estado sa
direktiba ng mga rent-seeking na indibidwal. Dapat ding
bigyang-diin na ang ahensiya
bilang isang organisasyon ang pangunahing aktor na nagdudulot ng
karahasan. At ang
ganitong karahasan ang matatawag bilang terorismo (Kisangani
& Nafziger, 2006).
Ang kritikal na batayan ng estado bilang terorista
Ginamit sa pag-aaral ang palagay na ang estado ay maaring maging
terorista.
Sinusuportahan ang palagay ng Marxistang pananaw hinggil sa
estado: (1) isang
marahas na istrukturang bunga ng hindi pagkakasundo ng mga uri,
at kailangan upang
hindi gumuho ang lipunan sa walang humpay na pakikipagtunggali
ng mga uri sa isat
isa; (2) ang kapangyarihan nito ay nakuha sa pamamagitan ng
marahas na tunggalian
at pananaig ng isang uri upang angkinin ang mga gamit sa
produksyon (means of
production); (3) ang estadoy merong monopolyo sa lehitimong
paggamit ng karahasan
sa nasasakupan nito, sa pamamagitan ng mga organo nito tulad ng
pamahalaan at
sandatahang lakas; at (4) sa pamamagitan ng karahasan ay
napapanatili nito ang
pananaig ng naghaharing uri sa isang yugto ng lipunan o moda ng
produksyon (mode
of production)6 (Lenin, 1918).
6 Ang konseptong mode of production ay inilinaw ni Jose Maria
Sison sa akdang On the mode of
production (1998)
-
19 | S i a p o
Upang ipaliwanag ang moda ng produksyon ito ang pamamaraan ng
lipunan upang
tugunan ang pangangailangan nito (na may mga gampanin sa proseso
ng produksyon
batay sa kanilang uring pinagmulan) gamit ang likas-yamang kaya
nitong anihin sa loob
ng isang panahon (Sison J. M., On the mode of production,
1998).
Ang estado at ang mga naghaharing uri sa lipunang Pilipino
Sa kasalukuyan, ang lipunang Pilipinoy nanatiling malapyudal ang
moda ng
produksyon. Ang malapyudalismo ay pagkatali ng produksyon sa (1)
pag-eksport ng
mga hilaw na materyales at lakas-paggawa tungo sa mga mas
mauunlad na
imperyalistang bayan tulad ng US, (2) pag-import o pagtambak ng
sobra-sobrang
puhunan at gawang produkto mula sa mga nasabing bayan, at (3)
atrasadong
ekonomiya na kinakalakal ng mura ang likas-yaman at
lakas-paggawa (Sison J. M.,
Krisis at Rebolusyong Pilipino, 1986).
Ang imperyalismo o monopolyo kapitalismo namay ang sinasabing
huling yugto ng
kapitalistang moda ng produksyon na may sumusunod na katangian:
(1) konsentrasyon
ng produksyon at kapital sa iilang mga mauunlad na estado kagaya
ng US, (2) paglitaw
ng mga institusyong kokontrol sa pandaigdigang pinansyapara sa
ganansya ng mga
nasabing estado, (3) ang pag-eksport ng sobrang kapital tungo sa
mga atrasadong
bayan at dating kolonya tulad ng Pilipinas, (4) pagkakahati ng
mundo sa mga pangkat
pangkalakalang kontrolado ng mga imperyalistang estado, at (5)
teritoryal na
pagkakahati ng mundo sa mga imperyalista at kani-kanilang mga
malakolonya (Lenin,
Imperialism: The Highest Stage of Capitalism, 1916).
Ang Pilipinas ay maituturing bilang malakolonya sapagkat
nakikinabang sa atrasadong
ekonomiya nito ay ang imperyalismong US (Sison J. M., Krisis at
Rebolusyong Pilipino,
1986). Upang manatili ang imperyalistang kontrol, kailangan ang
estadong sumusunod
sa dikta ng US. Ang papet na estadoy pamumunuan ng mga lokal na
naghaharing uri
ang mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.
Ang mga kumprador ay mga negosyanteng may sapat na kapital upang
makapag-
eksport ng mga hilaw na materyales mula Pilipinas,
makapag-import ng sobrang
-
20 | S i a p o
gawang produkto, at mangengganyo ng dagdag pang mamumuhunan mula
sa mga
imperyalistang estado (Sison J. M., Krisis at Rebolusyong
Pilipino, 1986).
Sa paglalagak ng puhunan, kailangan ng lupa o espasyong malapit
din sa pagkukunan
ng murang lakas-paggawa. Sa ganitong proseso, madalas na damay
ang mga
maralitang komunidad sa lungsod man o nayon. Aagawan ng espasyo
ang komunidad
gamit ang mga makinarya ng estado tulad ng batas o armadong
pwersa. Ang
komunidad o mga karatig nito ang siya ring pagkukunan ng mga
manggagawang
sahuran sa mababang halaga (Sison, Krisis at Rebolusyong
Pilipino, 1986).
Ang mga panginoong maylupa naman ang mga nagmamay-ari ng mga
lupaing higit sa
50 ektarya na kadalasay ginagawang mga asyenda; kung saan
nagmumula ang mga
kailangang hilaw na materyales pang-eksport. Sila ay hindi
lumalahok sa produksyong
pagsasaka sa inangking lupa (Sison, Krisis at Rebolusyong
Pilipino, 1986).
Ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoon at pamilya mula pa
noong panahon ng
kolonyalismong Espaol ay nagdudulot ng kahirapan sa malawak na
hanay ng
magsasaka sa kanayunan. Kaya napipilitan ang mga dalitang
magsasaka na lumuwas
patungong lungsod upang maghanapbuhay (Guerrero, 1970).
Ang mga aping uri at sektor, at ang maralitang tagalungsod
Ang kalakhan ng mamamayan sa lipunang Pilipino ay naghihirap
at
pinagsasamantalahan ng imperyalismo at mga naghaharing uri (1)
ang uring
magsasakang bumubuo ng higit 75% ng populasyon, (2) ang uring
manggagawa na
bumubuo ng 15% ng populasyon, at (3) ang mga nakabababang saray
ng burgesya na
nasa 9% ng populasyon (Sison, Krisis at Rebolusyong Pilipino,
1986). Bukod sa mga uri
ay meron ding mga espesyal na sektor sa parehong sistemang
panlipunan tulad ng
mga kabataan, kababaihan, mga pambansang minorya, mga
mala-manggagawa,
maralitang tagalungsod at iba pa (Sison, Krisis at Rebolusyong
Pilipino, 1986).
Noong una, ang maralitang tagalungsod ay hindi kabilang sa mga
espesyal na sektor.
Ayon kay Roland Simbulan sa pananaliksik na pinamagatang Ang
Maralitang
Tagalungsod sa Kalakhang Maynila (2000) ang maralitang
tagalungsod sa Pilipinas
-
21 | S i a p o
ay kalipunan ng mga naghihirap na batayang sektor at uri sa
lipunang Pilipino at
napadpad sa kalunsuran. Merong mga nakababang antas ng mga
propesyonal at
sektor tulad ng mga kabataan at kababaihan na kasama sa
maralitang tagalungsod.
Pero kalakhan sa lupon na ito ay mula sa uring manggagawa at mga
mala-
manggagawa (Simbulan, 2000).
Ngunit nilinaw ni Gloria Ka Bea Arellano (2014), pambansang
pangulo ng Kalipunan
ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), na ang maralitang tagalungsod
ay itinuturing na
ngayon bilang espesyal na sektor. Ipinaliwanag ni Ka Bea na
datiy tinatanaw na ang
usapin ng maralitang tagalungsod ay sunod sa usapin ng mga
manggagawa at mala-
manggagawa (2014). Ngunit sa karanasan, may mga usaping
partikular sa maralitang
tagalungsod at kanilang mga komunidad (Arellano, 2014). At sa
mga maralitang
komunidad ng lungsod, hindi lamang mga manggagawa at
mala-manggagawa ang
naninirahan (Simbulan, 2000).
Sinasabi din mula sa Philippine Society and Revolution na ang
mga manggagawa at
mala-manggagawa ang unang mga maralita sa mga lungsod ng
Pilipinas (Guerrero,
1970). Kung magbabalik-tanaw, malawakang kinamkam ang lupa sa
kanayunan ng
mga mananakop na Espanyol at mga Pilipinong kampi rito. Ang mga
magsasakang
inagawan ng lupay sapilitang pinagtanim sa mga asyenda7 o kayay
iniluwas tungo sa
mga kabisera para magtrabaho ng walang bayad sa ilalim ng
patakarang polo y servicio
(Guerrero, 1970).
Ang mga nagtrabaho sa ilalim ng polo ang naging unang saray ng
mga manggagawang
Pilipino. Ang lakas-paggawa nilang inuupa sa maliit o sukdulang
walang halaga ang
yumari sa mga daungan at daang-bakal. Kasunod nito ang pagyabong
ng komersyo sa
mga kabisera (Guerrero, 1970). Umunlad ang mga kabisera upang
maging ganap na
mga lungsod. Bunsod nito, mas maraming Pilipino pa ang dumagsa
dito upang
maghanap ng kabuhayang ipinagkakait sa kanayunan (Guerrero,
1970).
Sapilitang pagpapaalis at demolisyon bilang terorismo ng
estado
7 Ang asyenda ay lupaing pinagtatamnan ng mga hilaw na
materyales para i-kalakal sa labas ng bansa
(Guerrero, 1970).
-
22 | S i a p o
Batay sa mga naunang pahayag, nabuo ang depinisyon ng terorismo
bilang
karahasang nasa mga dimensiyong personal, sadya, at hayag. Sa
dimensiyong
personal, ang mga aktor ay kadalasang organisado bilang ahensiya
o pwersa.
Ang pakay naman ng terorismo ay pampulitika at pang-ekonomiya
pabor sa interes at
gawain ng mga rent-seeking na indibidiwal. Ang mga target naman
nito ay maaring
mga indibidwal, grupo o institusyon at hindi kailangang may mga
progresibo o radikal
na oryentasyon ang mga ito.
At dahil sa reaksyunaryo (kasangkapan ng mga rent-seeking na
naghaharing-uri) at
marahas na katangian nito, ang estado ay kadalasang gumagawa ng
terorismo. Sa
pamamagitan ng mga makinang tulad ng armadong hukbo, pamahalaan
at batas,
isinasagawa ang karahasan laban sa mga aping uri. Itoy para
naman sa pagpapalawig
ng monopolyo sa rekurso ng dominanteng uri.
Sang-ayon sa mga naunang isinaad, maituturing ang sapilitang
pagpapaalis at
demolisyon laban sa mga maralitang komunidad bilang terorismo
partikular ng estado.
Ang mga maralitang tagalungsod bilang api sa malakolonyal at
malapyudal na lipunang
Pilipino ang target ng terorismo. Gamit ang mga makina tulad ng
armadong pwersa ng
estado, pinapaalis ang mga maralita sa kanilang tinitirahan.
Bunga ng karahasang ito
ang ibayong paghihirap ng maralita, at mga proyektong para sa
ganansya ng mga
malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.
Sususog pa dito ang natagpuan nina Kisangani at Nafziger (2006)
na relasyon ng
paglaganap ng terorismo at paghina ng estado. Binanggit ang
kahinaan na ayon kina
K. Holsti at W. Zartman bilang pagbaba ng paggawa ng estado sa
mga batayang
gampanin tulad ng pagkakaroon ng lehitimong kapangyarihan at
awtoridad, paggawa
ng batas, pagpapanatili sa kaayusan, at pagbibigay ng mga
batayang serbisyong
panlipunan (Kisangani & Nafziger, 2006).
Ang mga maralita ay biktima ng ganitong kahinaan ng estado;
bilang ang mga
karapatan sa batayang serbisyo lalo ang disenteng pabahay ay
hindi nila nararanasan.
Samakatuwid, lalo silang nagiging bulnerable sa teroristang
atake ng mga pwersang
-
23 | S i a p o
tulad ng sa estado. At ang parehong kahinaan ay sinasamantala
naman ng iilang
kumprador upang maglagak ng dagdag na puhunan at magkamal pa ng
yaman.
IKALAWANG KABANATA METODOLOHIYA AT MGA ETIKAL NA
KONSIDERASYON
Metodolohiya
Case study bilang disenyo ng pananaliksik
Ginamit sa pananaliksik ang disenyong case study. Sa isang case
study, ang
konklusyon ay inaasahan mula sa pangangalap ng datos upang
suriin ang
kongkretong pangyayariayon sa kontekstong nais ilarawan (Jison,
2013). Ang
pangyayaring sinuri ay ang marahas na demolisyong naganap noong
Enero 27, 2014
sa gawing Agham Road ng Sitio San Roque.
Ang Sitio San Roque sa Lungsod ng Quezon bilang lokasyon ng
pananaliksik
Tinatayang 10,000 pamilyang maralita ang naninirahan sa
30-ektaryang Sitio San
Roque. Naganap ang pananaliksik partikular sa gawing Agham Road
ng komunidad.
Ang lokasyon ay napili sa mga sumusunod na batayan:
1) Ang pagiging recent ng naranasan ng komunidad na pagpapaalis
at demolisyon
Wala pang tatlong buwan mula noong Enero 27, 2014 nang maganap
ang
pananaliksik. Inasahang malinaw pa sa gunita ng mga katugon
ang
mganaganap, kaya makakapangalap ng sapat na datos nang
mailarawan ang
pangangyari.
2) Ang madaling pag-angkop sa lugar ayon kay John Raymond Jison,
dapat
ding isaalang-alang ang aspetong ito sa pagpili ng lokasyon
(Jison, 2013). Ang
mananaliksik ay hindi nahirapang umangkop dahil may karanasan na
sa pag-
integrate sa maralitang komunidad. Bukod pa doon, ang mga lokal
na balangay
ng mga organisasyong ANAKBAYAN at KADAMAY ay tumulong lalo na
sa
pagtukoy ng mga katugon sa pag-aaral.
Critical social research bilang dulog sa pananaliksik
-
24 | S i a p o
Layunin ng pananaliksik na suriin ang kongkretong pangyayari
(pagpapaalis at
demolisyon sa komunidad ng maralita) sa kontekstong nais itong
ilarawan, salungat sa
kumbensyunal na paglalarawan. Nais ilarawan sa pananaliksik ang
isang kalagayang
nakaugat sa makasaysayang tunggalian ng mga uri. Upang
masakatuparan ang
ganitong layunin, ginamit ang dulog na critical social research
(Muncie, 2006).
Mga kaparaanang ginamit upang mangalap ng datos
Upang makalap ang datos na kailangan sa pag-aanalisa, ginamit
ang mga sumusunod
na pamamaraan:
1) Pagkuha ng mga salaysay hiningi mula sa mga lider ng mga
organisasyong
maralita sa komunidad. Silay mga residente ng komunidad at
humimok sa mga
kapwa residente na tutulan ang demolisyong naganap noong Enero
27, 2014.
Itoy upang magkaroon ng kamalayan hinggil sa katangian at
karanasan ng Sitio
San Roque bilang maralitang komunidad.
2) In-depth interviews para sa mga mamamayang tinukoy bilang
dinanas o kayay
magpapatunay sa karahasang naganap sa demolisyon noong Enero 27,
2014.
Akma ang mga in-depth interviews sa layuning mailarawan ng mas
malalim ang
karahasan sa perspektiba ng mga naging saksi o biktima (Boyce
& Neale, 2006).
3) Focused group discussion ginamit ang paraang ito kalahok ang
iba pang
miyembro ng mga maralitang organisasyon sa komunidad. Itoy upang
makuha
ang pananaw hinggil sa kontekstong nais mahalaw mula sa
nangyaring
demolisyon.
Talahanayan ng mga kaparaanang ginamit sa pananaliksik:
Kaparaanan Petsa ng pagkuha
ng datos
Lugar Bilang ng mga
tumugon
Pagkuha ng mga
salaysay
Abril 6, 2014 Sitio San Roque,
Quezon City
2
In-depth interviews Abril 6, 2014 Sitio San Roque,
Quezon City
5
-
25 | S i a p o
Focused group
discussion
Abril 6, 2014 Sitio San Roque,
Quezon City
3
Sampling
Ginamit ang iskemang purposive sampling upang matukoy ang mga
kalahok sa mga
ginamit na kaparaanan ng pananaliksik.
Pagpili sa mga kinunan ng salaysay
Pinili ang mga kinunan ng salaysay bilang sila ay mga
kinikilalang namumuno ng mga
organisasyong masang may lokal na balangay sa Sitio San
Roque:
1) Kasamang L siya ay 18 taon nang residente sa komunidad. Siya
ay nasa
pamunuan ng lokal na organisasyong layuniy isulong ang mga
batayang karapatan sa
paninirahan at kabuhayan ng mga maralitang mamamayan ng Sitio
San Roque.
2) Ka Inday siya ay 31 taon nang residente ng Sitio San Roque,
nasa pamunuan ng
pambansang tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap
(KADAMAY) at Alyansa
Kontra Demolisyon (AKD). Si Ka Inday ay isa sa mga unang
nanirahan sa lugar - na
nooy kangkungan8 pa lamang bago dumami ang kanyang mga
kapitbahay.
Pagpili ng mga katugon sa in-depth interview
Ang mga piniling kapanayam ay pawang mga residente ng Sitio San
Roque bago pa
man sumapit ang Enero 27, 2014. Sila ay dumanas o nakapagpatunay
sa karahasang
naganap at kaugnay sa demolisyong tumampok sa nabanggit na
petsa.
Para sa profile ng mga katugon, ang pagkakasunod ng mga pangalan
ay ayon sa oras
nang silay makapanayam.. Apat sa mga panayam ay ni-record gamit
ang cellular
phone; at isa ang tumanggi.
Nanay N
8 Ayon ito sa paglalarawan ni Ka Inday. Masasabing swampy ang
inisyal na katangian ng lupa ng Sitio
San Roque.
-
26 | S i a p o
Si Nanay N ay 49 taong gulang at wala pang isang taong
naninirahan sa komunidad
noong makapanayam. Tubong Leyte at nakapagtapos ng antas
elementarya si Nanay
N.
Umaasa ang mag-anak ni Nanay N sa pagtitinda ng basahan at
pagpasada ng pedicab
ng kanyang panganay na 17 taong gulang. Tinatayang P300 ang
kinikita ng buong
pamilya kada araw. At noong Enero 27, 2014, kasama ang kanilang
tinitirahan sa mga
giniba.
Nanay M
Si Nanay M, 50 taong gulang at residente ng Sitio San Roque mula
pa noong 1986.
Nakapagtapos ng antas elementarya si Nanay M. Ang ikinabubuhay
ng kanyang mag-
anak ay maliitang pagtitinda; at pagpasada ng pedicab ng
kabiyak. Hindi bababa sa
P300 ang kita kada araw ng pamilya.
Kasama ang bahay nina Nanay M sa mga giniba upang bigyang daan
ang diumanoy
11.3 widening ng Agham Road.
Jhun
Si Jhun9, 28 taong gulang at magwawalong-taon nang residente sa
komunidad. Si Jhun
ay nakatuntong kolehiyo hanggang ikatlong taon. Kumikita siya
bilang manggagawa sa
construction o kayay sa pagpepedicab; at dito umaasa ang kanyang
mag-anak na may
anim na miyembro. Taya ni Jhun na P300 hanggang P350 ang kanyang
kinikita kada
araw.
Kasama ang kanilang bahay sa giniba para sa diumanoy 11.3 meter
widening na
gagawin sa Agham Road.
Nanay B
Si Nanay B ay 53 taong gulang, tubong Sorsogon at 26 taon nang
naninirahan sa
komunidad. Nakapagtapos si Nanay B ng high school. Ang
pangunahing kabuhayan
9 Ito ang ginamit na pangalan ng respondent upang mapangalagaan
ang kanyang seguridad.
-
27 | S i a p o
nina Nanay B ay ang pagtitinda ng merienda10; tinataya niyang
P400 ang kanyang
kinikita kapag malakas ang benta.
Giniba din ang bahay ng mag-anak ni Nanay B noong Enero 27,
2014.
Tatay D
Si Tatay D, 47 taong gulang at 17 taon nang residente ng
komunidad. Nakapagtapos
siya ng kolehiyo. Ayon kay Tatay D, siyay manggagawa sa isang
construction firm sa
Lungsod Quezon.
Bagamat hindi apektado ng mga nakaraang demolisyon ang kanyang
bahay, si Tatay D
ay lumahok sa mga barikadang bayan noong Setyembre 23, 2010 at
Enero 27, 2014.
Pagpili ng mga kalahok sa focused group discussion
Sa kaparaanang ito, maikling tinalakay ang konsepto ng terorismo
ayon sa balangkas
ng pananaliksik ang orihinal na gamit ng termino, ang popular na
depinisyon nito, at
ang nabuong depinisyon na gagamitin sa pananaliksik. Pwera sa
mananaliksik, ang
mga kalahok ay pinili sa katangiang sila ay may kamulatan bilang
mga organisador sa
mga komunidad ng maralitang tagalungsod.
Kasama ng mananaliksik sa talakayan ang tatlong organisador mula
sa Pambansang
Tanggapan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY-National)
sina Ka Bea,
Migs, at si Yumi.
Pagsuri ng primaryang datos
Ang mga tugon ay itinala gamit ang sound recorder feature ng
isang cellular phone. Ang
paggamit ng nahuling instrumento ay kung nais lamang ng
katugon.
Ang datos na nakalap ay ginawan ng transcription. Sumunod ay
nilapatan ng iskemang
coding upang makuha ang impormasyong ayon sa temang nais
palitawin sa diskusyon.
Kinumpol ang datos mula sa mga transcription. Mula sa mga kumpol
o lumps ng datos
ay lumitaw ang sumusunod na mga codes at subcodes:
10
merienda snacks; nagtitinda ng mga produktong tulad ng camote at
banana cue si Nanay B
-
28 | S i a p o
1) Tayang populasyon ng komunidad a. Pana-panahong pagdami at
pagbawas ng bilang
2) Katangian ng mga residente a. Karaniwang kabuhayan ng mga
residente
i. Kinabubuhay ng mga tumugon 3) Kasaysayan ng komunidad
a. Inisyal na katangian ng lupain b. Unang paggamit sa lupain ng
komunidad
4) Karaniwang katangian ng kabahayan a. Laki at materyales ng
bahay b. Ang pagmamay-ari ng bahay
5) Naunang karanasan sa demolisyon ng komunidad a. Karahasan
noong Setyembre 23, 2010 b. Ang ginampanan ng mga pwersa at
ahensiya ng estado sa demolisyong
ito c. Bilang ng mga apektado sa demolisyong ito d. Ang
binibigyang daan ng demolisyon
6) Ang karanasan sa demolisyon noong Enero 27, 2014 a.
Karahasang naganap sa proseso ng demolisyon
i. Mga paglabag sa batas at karapatang-pantao sa nangyaring
demolisyon
ii. Karahasang dinanas ng mga katugon b. Ang mga ahensiya at
pwersa ng estadong sangkot sa demolisyon
i. Ang ginampanan ng mga pwersa at ahensiya ng estado sa
demolisyong ito
c. Ang kalagayan ng mga apektado i. Bilang ng mga apektado ii.
Kalagayan ng mga tumugong apektado
d. Ang dahilan ng demolisyon i. Ang tunay na binibigyang daan sa
demolisyon ii. Ang mga nakinabang sa demolisyon
7) Ang kalagayan sa relokasyon a. Hinaing ng mga residente
hinggil sa relokasyon
8) Kaalaman hinggil sa barikadang bayan laban sa demolisyon a.
Ang layunin ng pagbubuo ng barikadang bayan
i. Pag-unawa sa layunin ng barikadang bayan ng mga tumugon b.
Ugnayan ng barikadang bayan at karahasan
i. Pag-unawa sa karahasang idinulot ng barikadang bayan ng mga
tumugon
9) Pampulitikang paninindigan ng mga tumugon a. Mga
organisasyong kinalahukan ng mga tumugon
i. Pag-unawa sa paninindigan ng organisasyong kinalahukan b.
Pagtanaw sa sapilitang pagpapaalis at demolisyon ng mga
komunidad
maralita i. Kaalaman hinggil sa binibigyang-daan ng mga
naranasang
demolisyon ng komunidad
-
29 | S i a p o
ii. Pagtanaw sa pananagutan ng estado sa mga demolisyon at
pagpapalis
iii. Pagtanaw sa pananagutan ng mga nakinabang sa mga demolisyon
at pagpapaalis
c. Antas ng paglahok ng mga tumugon sa barikadang bayan i.
Personal na layunin sa paglahok ng mga tumugon
d. Pananaw sa karapatan bilang maralita i. Pagtanaw sa
kasalukuyang batas para sa paninirahan
10) Pag-unawa sa konseptong terorismo ng mga tumugon a. Inisyal
na pag-unawa ng mga tumugon sa terorismo b. Pananaw ng mga tumugon
sa popular na nosyon sa terorismo c. Palagay ng mga tumugon sa
Marxistang pananaw sa estado at kalikasan
nito d. Palagay ng mga kalahok sa tinukoy sa balangkas ng
pag-aanalisa bilang
mga katangian ng karahasang maituturing na terorismo
Ang mga codes at subcodes ay inihanay naman sa sumusunod na mga
kategorya:
1) Pangkalahatang katangian ng maralitang komunidad 2) Ang
karanasan ng komunidad sa mga pagpapaalis at demolisyon 3) Ang mga
pwersat ahensiya ng estadong sangkot sa pagpapaalis at demolisyon
4) Ang mga nakinabang sa demolisyon 5) Kalagayan ng mga residenteng
apektado ng demolisyon 6) Mga organisasyon sa komunidad at layunin
ng mga ito 7) Ang barikadang bayan at layunin nito 8) Pananaw ng
mga tumugon hinggil sa karapatan at batas sa paninirahan 9) Pananaw
hinggil sa terorismo ng mga maralitang tumugon
Bukod sa mga binanggit, may code din para sa datos hinggil sa
pagkakakilanlan ng
mga tumugon. Ito ay bilang pagsiguro sa kaligtasan ng mga
tumugon; at dahilan nitoy
ang sitwasyon ng komunidad na tatalakayin sa susunod na
bahagi.
Mga etikal na konsiderasyon
Kahit sa panahon ng pagkakasulat nito, hinaharap pa din ng
komunidad sa Sitio San
Roque ang banta ng pagpapaalis at demolisyon. Binakuran narin
ang mga bahaging
giniba at may mga armadong security guards na nagbabantay rito.
Ang mga guwardiya
ay nagsasagawa din ng ronda bawat gabi kahit sa mga bahaging
tinitirahan pa. Sa
ganitong sitwasyon, masasabing high risk ang kalikasan ng
pananaliksik na ito (Jison,
2013).
Dahil sa kalikasang ito ng pananaliksik, siniguro ng
mananaliksik ang paghingi ng
pahintulot sa pamamagitan ng free prior informed consent form
(FPIC) at
-
30 | S i a p o
pagpapaliwanag sa mga karapatan ng mga katugon. Ipinaliliwanag
na maaring itago
ang pagkakakilanlan, umiwas sa dokumentasyon sa pamamagitan ng
kahit anong
electronic recording device at tumangging sagutin ang anumang
tanong bago isagawa
ang bawat kaparaanan.
Kinikilala din ang bulnerabilidad ng mga katugon lalo na ang mga
dumanas ng
karahasan noong Enero 27, 2014. Kaya ipinaliliwanag bago ang mga
panayam o
talakayan na maari itong ipatigil kahit nakapirma na sa FPIC
form.
Partikular sa focused group discussion, hiningi ng mananaliksik
ang pahintulot mula sa
mga kalahok upang itala ang talakayan sa pamamagitan ng
electronic recording device.
Dagdag pa dito ang paghingi ng pahintulot sa pagbanggit at
paglathala ng
pagkakilanlan ng mga kalahok bago magsimula ang talakayan.
Sa paglathala ng pananaliksik, itinago ang pagkakakilanlan ng
mga katugon maliban sa
ilang hayag na mga lider ng mga organisasyong antas pambansa.
Hindi inilathala ang
mga datos na maaring tumukoy sa kanilang pagkakakilanlan. Ito ay
ginawa upang
protektahan lalo ang mga residenteng naninirahan pa din sa
komunidad.
Para naman sa seguridad ng mananaliksik, minabuting humingi muna
ng pahintulot sa
isang contact person upang magakaroon ng oryentasyon sa
sitwasyon ng lugar. Ang
nasabing contact person ay miyembro din ng isa sa mga
organisasyong maralita sa
Sitio San Roque.
IKATLONG KABANATA - MGA NATUKLASAN
Mga pangkalahatang katangian ng Sitio San Roque
Talahanayan para sa seksyong ito:
Kasalukuyang lawak ng komunidad 30 ektarya
Tayang populasyon 10,000 na pamilya (2010); 6,000 na pamilya
(2014; ayon kay Kasamang L)
Karaniwang kabuhayan ng mga residente
Pagiging manggagawa (karaniwan ay sa konstruksiyon), maliitang
pagtitinda, pagmamaneho, pagpasada ng pedicab, at iba pang
mala-manggagawang empleyo (bilang security guard o parte ng
service
-
31 | S i a p o
crew sa mga kalapit na estabilisimento) Iba pang katangian ng
mga residente Karamihan ng mga residente ay
nangungupahan upang mapalapit sa lugar ng trabaho. Ayon pa kay
Ka Inday, marami sa mga nangungupahan ay maralitang pinaalis sa
lungsod tungo relocation sites sa mga probinsiya.
Maiksing kasaysayan Dating kangkungan11 ang lugar; tinambakan ng
pamahalaan upang maging panandaliang relokasyon sa mga maralita
Karaniwang katangian ng kabahayan Maliliit at gawa sa light
materials (ayon kay Ka Inday, sa lona at tagpi-tagping plywood)
Bilang ng mga natuloy/tangkang demolisyon mula 2010
Dalawa mula sa anim na tangka ang natuloy; ang unay noong 2010,
sa gawing EDSA ng komunidad
Bilang ng mga apektado sa mga demolisyon
130 kabahayan noong 2010; higit 300 na pamilya naman noong
2014
Dahilan ng mga demolisyon Mula 2010, para bigyang-daan ang
proyektong Quezon City Business District (QC CBD)
Relokasyon ng mga apektadong residente
Ang mga apektado sa demolisyon noong Enero 2014 ay napunta sa
may Montalban, Rizal. Binanggit ni Ka Inday na may relokasyon din
sa may Brgy. Muzon, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan
Karaniwang daing sa mga relokasyon Malayo sa kabuhayan, at
walang serbisyo para sa edukasyon at kalusugan. Partikular naman sa
relokasyon sa Montalban ay mga sira-sirang yunit ng pabahay, at
kawalan ng serbisyo ng tubig at kuryente
Mga grupong namumuno sa paglaban sa pagpapaalis at
demolisyon
Mga lokal na organisasyong nasa ilalim ng Kalipunan ng Damayang
Mahihirap (KADAMAY), Alyansa Kontra Demolisyon (AKD), at September
23 Movement.
Mga hakbanging ginagawa laban sa demolisyon
Pagbubuo ng mga barikadang bayan laban sa demolisyon. Alinsabay
nito ang pagsusulong ng pambansang moratorium at iba pang legal na
hakbangin laban sa mga naka-ambang demolisyon sa mga komunidad
maralita.
Ayon kay Kasamang L, kalakhan ng lupa ng komunidad ay dating
kangkungan na
kalaunay tinambakan ito ng dagdag na lupa. Ginawa ito ng
pamahalaan upang
11
Swampy ang katangian ng lupa
-
32 | S i a p o
mapakinabangan ang lugar bilang panandaliang relokasyon para sa
mga maralitang
pinaalis mula sa kanilang mga komunidad.
Noon pa man, ang pagpapaalis sa maralitay upang magbigay-daan sa
samut-saring
proyektong imprastraktura ng pamahalaan at maging ng mga
pribadong korporasyon.
Samakatuwid, ang Sitio San Roque ay tunguhan ng mga maralitang
dumanas nang
sapilitang pagpapaalis.
Sa taya ni Kasamang L, umabot sa 10,000 pamilya ang naninirahan
sa komunidad
bago ang 2010. Ngunit dahil sa serye ng pagpapaalis at
demolisyon mula 2010,
bumaba ito sa 6,000 pamilya noong 2014. Kalakhan ng mga
residente ay mga
manggagawa at mala-manggagawa. Ang ilang binanggit ni Kasamang L
bilang
partikular na kinabubuhay ng mga residente ay maliitang
pagtitinda, pagmamaneho,
pagpasada ng pedicab, pagiging service crew o kayay security
guard sa mga malapit
na establisimentong komersiyal.
Ayon naman kay Ka Inday na 31 taon nang residente, ang lawak na
tumatagos mula
Agham Road hanggang EDSA at ang kahabaang mula North Avenue
hanggang
Quezon Avenue ay dating kinatitirikan ng mga komunidad ng
maralita. Bilang isa sa
mga unang nanirahan sa lugar, nakita ni Ka Inday kung paano
dumami ang kanyang
mga kapitbahay. Inabot pa ni Ka Inday ang kangkungan na kalaunay
magiging
temporary na relokasyon ng mga maralita.
Tantiya ni Ka Inday, 6,000 naman ang pamilyang dumagdag sa
komunidad sa proseso
ng pagtatayo at pagpapalawak ng SM North EDSA. At ang
kinatatayuan ng kalapit na
TriNoMa Mall ng Ayala Land Inc. (ALI) ay dati ding komunidad ng
maralita. Kalakhan ng
mga pinaalis na residente ng itayo ang mall ay lumipat din sa
Sitio San Roque.
Binanggit din ni Ka Inday na kulang-kulang pa sa libo ang
pumunta sa mga binigay na
relokasyon partikular sa kaso ng pagtatayo ng SM North EDSA.
Dahil nasa lungsod ang
kanilang kabuhayan, pinili ng karamihan ang mangupahan sa mga
maliliit na kuwartong
yari sa tagpi-tagping lona at plywood ng Sitio San Roque.
Mga organisasyon sa komunidad at layunin ng mga ito
-
33 | S i a p o
Mga organisasyong kinalahukan ng mga katugon
Walo mula sa sampung katugon ang kalahok sa mga organisasyong
maralita na may
lokal na balangay sa Sitio San Roque. Ang waloy kasapi na sa
kani-kanilang mga
organisasyon bago pa sumapit ang Enero 27, 2014. Ang mga
organisasyong kanilang
binanggit ay ang mga sumusunod:
1) Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)
2) Alyansa Kontra Demolisyon (AKD)
3) ANAKPAWIS Partylist
4) September 23 Movement
5) Samahan ng Nagkakaisang Naninirahan sa North Triangle
KADAMAY
6) Samahan ng Nagkakaisa sa North Triangle (SNNT)
7) Samahan ng mga Dukhang Nagkakaisang Adhikain sa Kabuhayan
Inc.
Ayon sa mga miyembro nito, ang KADAMAY at AKD ay mga
organisasyong antas-
pambansa. Banggit ni Ka Bea, ang KADAMAY ay ang pambansang
sentro ng
kampanya para sa karapatan ng maralitang tagalungsod sa
disenteng paninirahan at
kabuhayan. Ang AKD naman ay pambansang alyansa na tutol sa
pagpapaalis at
demolisyong nagaganap sa mga maralitang komunidad.
Ang ANAKPAWIS Partylist naman ay organisasyong representante ng
mga maralita sa
Kongreso ng Republika. Layunin nitong magsulong ng mga
panukalang kagyat na
makatutugon sa hinaing ng mga maralita tulad ng pambansang
moratorium o
pagpapatigil sa mga nakaambang demolisyon, at pag-udyok sa mga
ahensiya ng
gobyernong bigyan ng kompensasyon ang mga apektado.
Ang September 23 Movement namay isang lokal na alyansa. May
layon itong isulong
ang mga batayang karapatan sa paninirahan at kabuhayan ng mga
maralitang
mamamayan ng Sitio San Roque. Ang ngalan nitoy bilang paggunita
sa pagtutol ng
mamamayan sa marahas na demolisyong naganap noong Setyembre 23,
2010.
Ang Samahan ng Nagkakaisang Naninirahan sa North Triangle
KADAMAY namay
ang nagsisilbing balangay ng KADAMAY sa lugar. Ang organisasyoy
naninindigan para
-
34 | S i a p o
sa paninirahan at kabuhayan ng mga maralita sa mga komunidad ng
North Triangle.
Ang nahuli ay ang area na pinapaligiran ng Quezon Ave., North
Ave., at EDSA; saklaw
nito ang Sitio San Roque kasama ang iba pang komunidad.
Ang SNNT naman ay organisasyong pang-masa; nakabase din ito sa
mga komunidad
ng North Triangle. Ayon sa miyembro nitong tumugon, ang layunin
ng samahang ito ay
bumuo ng pagkakaisa sa mga komunidad na saklaw ng North Triangle
sa Lungsod ng
Quezon.
Ayon naman sa miyembro nitong tumugon, ang Samahan ng mga
Dukhang
Nagkakaisang Adhikain sa Kabuhayan Inc. namay isinusulong nito
ang mas partikular
na on site development12 para sa mga komunidad ng maralita.
Karanasan ng komunidad sa pagpapaalis at demolisyon
Pananaw ng mga tumugon sa pagpapaalis at demolisyon
Ang lahat ng mga tumugon ay tinatanaw na mali ang pagpapaalis at
demolisyon sa
mga maralitang komunidad. Para sa mga tumugong kasapi ng mga
organisasyong
maralita, tinatanaw hindi magiging makatuwiran ang pagpapaalis
sa maralita sa
kanilang mga komunidad sa lungsod. Lalupat ang patutunguhan ng
mga maralita ay
mga relocation sites na walang probisyon para sa batayang
serbisyong panlipunan13 at
kabuhayan.
Tinatanaw din ng mga tumugong may organisasyon ang pagpapaalis
at demolisyon
bilang likas na marahas. Pangunahing dahilan umano nito ay ang
pagpapadala ng
estado sa malaking armadong pwersa upang ipatupad ang paggiba ng
kabahayan.
Idagdag pa ang pagkukulang ng mga ahensiya ng estado na
konsultahin ang mga
apektadong residente. Hinggil dito, binanggit ni Tatay D:
12
Tinukoy ito ng miyembrong tumugon bilang programa para sa
kabuhayan at socialized housing sa mismong mga komunidad ng
maralita. 13
Kung ang pamantayan ng UDHA ang gagamitin ayon sa Section 21
nito, ang masasabi bilang mga batayang serbisyo ay ang sumusunod
(a) maiinom na tubig, (b) koneksyon at sistema ng distribusyon ng
kuryente sa pamayanan, (c) sewerage facilities and an efficient and
adequate solid waste disposal system , at (d) access sa mga
pangunahing daanan at pasilidad para sa transportasyon. Ang isang
resettlement o socialized housing project ay dapat meron ng lahat
ng ito ayon pa rin sa Section 21. Ayon naman sa salaysay nina Ka
Lourdes at Ka Inday, dapat kasama ang usapin ng mga pasilidad para
sa edukasyon at pangkalusugan kung batayang serbisyong panlipunan
ang tinutukoy.
-
35 | S i a p o
Sa kasaysayan natin dito sa pakikibaka talagang wala pang
mapayapang pagdedemolish, puro karahasan yan. Kasi ang gobyerno
kasi kapag may gagawin na development sa isang komunidad wala
talagang pakikipag-usap yan.
Sa pananaw naman ng mga tumugong hindi kasapi, mali ang
demolisyon dahil sa
pamamaraan ng pagpapatupad nito. Bukod sa karahasan, tinukoy na
mga kamalian ng
dalawang katugong walang kinalahukang organisasyon ang
kakulangan ng
pagpapaalam, konsultasyon, at programa para sa mga apektado.
Banggit nga ni Nanay
M:
Ewan ko ba, biglaan lang kasi sila (ang NHA at lokal na
pamahalaan) bahala sila. Basta ang hinahangad ko na lang sa kanila
(ay) ilagay nilakami sa tama. Ihatid kami sa relocation (at) bigyan
kami ng tamang financial (assistance).
Ang demolisyon noong Setyembre 23, 2010
Ayon kay Kasamang L, ang una sa serye ng mga demolisyon ay ang
naganap noong
ika-23 ng Setyembre 2010. Ang demolisyon ay naganap sa gawing
EDSA ng Sitio San
Roque. Hayag ang layunin na pagbibigay-daan sa proyektong Quezon
City Central
Business District (QC CBD). Ang proyekto ay mula sa inisyatiba
ng lokal na
pamahalaan sa pamumuno ng dating Mayor Feliciano Sonny Belmonte,
Jr. Kinilala din
ito bilang joint venture ng National Housing Authority (NHA) at
ALI.
Itinuturing nina Ka Inday, Kasamang L, Tatay D at Nanay B na ang
nangyari noong
Setyembre 23, 2010 ay isang marahas na demolisyon. Ayon kay Ka
Inday, dito unang
naranasan ng mga residente ang karahasan mula sa kapulisan.
Pinagsamang pwersa
ng tayang 300 na mga pulis, dalawang Special Weapons and Tactics
(SWAT) teams at
600 kataong demolition team ang pinapunta ng lokal na pamahalaan
at NHA upang
isagawa ang demolisyon14. Idagdag pa ang mga kagamitang tulad ng
water cannon
(may 3 firetrucks na kahanay ang mga tagapagpatupad) para sa
pagbuwag ng mga
residenteng nagbarikada laban sa demolisyon15.
Dumanas lalo ang mga kalahok sa barikadang tutol sa demolisyon
ng pamamalo ng
batuta at panunutok ng baril mula sa kapulisan. Ayon nga sa ulat
ng GMA News TV16,
14
Ang mga nasabing bilang noong Setyembre 23, 2010 ay mula sa
artikulo nina Suarez at Abella (2010). 15
Ibid. 16
Ibid.
-
36 | S i a p o
hindi bababa sa labing apat ang sugatan, pito ay mga residente.
Umabot naman sa 130
na kabahayan ang giniba noong araw na iyon.
Matapos ang demolisyon, saka naman nagkaroon ng mga armadong
security guards.
Sila ang mga bantay sa mga bahaging giniba, at naninigurong
walang makakapasok o
makapagtatayo ng bahay dito. Ayon kay Kasamang L, ang mga
security guards ay mga
lokal din o kaya galing sa mga relokasyon. Ang nag-alok diumano
sa kanila ng
nasabing trabaho ay mga ahente ng Ayala Corporation.
Banggit ni Ka Inday, mula Setyembre 2010 hanggang 2014, anim na
ang
pagtatangkang gibain ang anumang bahagi ng komunidad kasama ang
nangyari
noong Enero 27, 2014.
Ang demolisyon sa gawing Agham Road
Ang demolisyon noong Enero 27, 2014 ay upang bigyang-daan
diumano ang 11.3
meter widening ng lokal na pamahalaan sa buong kahabaan ng Agham
Road. Ngunit
para kina Kasamang L at Ka Inday, ito ay ang pagpapatuloy sa
serye ng mga
demolisyon para magbigay-daan sa QC CBD.
Unang tangka upang gibain ang kabahayan sa gawing iyon
Ayon kay Ka Inday, hindi iyon ang unang tangka na gibain ang
kabahayan sa gawing
Agham Road. Ang una ay noong Hulyo 1, 2013. Nagbarikada ang mga
residente upang
tutulan na ipinarating sa pamamagitan ng isang memorandum17.
Muli, tinapatan ang
barikada ng mga riot police at tumuloy sa karahasan. Sa pahayag
ng kapulisan
matapos ang insidente, sinabing wala namang order para sa isang
demolisyon noong
araw na iyon. Pumunta ang mga pulis upang i-disperse ang
barikadang nakakaapekto
sa daloy ng trapiko.18
Binanggit ni Ka Inday na karamihan sa mga nasaktan ay mga tatay
at kabataan sa
komunidad na lumahok sa barikadang bayan. Tatlo ang naiulat na
sugatan mula sa
17
Ayon na rin sa pahayag na nakalap mula sa isang pang-balitang
artikulo sa website ng GMA Network (2013) 18
Ibid.
-
37 | S i a p o
hanay ng kapulisan, buhat diumano sa mga improvised na paputok
at batong nagmula
sa hanay ng mga residente.19
Karahasan sa demolisyon noong Enero 27, 2014
Noong Enero 27, 2014, muling may nagbarikada upang tutulan ang
demolisyon. Ayon
kay Kasamang L, ang pagsasagawa ng demolisyon noong araw na iyon
ay ilegal at
labag kahit sa UDHA. Hindi nagkaroon ng konsultasyon sa mga
residente ang NHA o
lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapaalis, demolisyon at
relokasyon. Ngunit may
Certificate of Compliance mula sa lokal na pamahalaan na
naipakita ang demolition
team. Bukod pa doon, wala ding opisyal mula sa lokal na
pamahalaan o NHA ang
naroon upang makita ang proseso.20
Dagdag pa ni Kasamang L, tinambakanang komunidad ng tinatayang
700 na pulis at
100 kataong demolition team. Habang ang gigibain ay kabahayan ng
higit 300
pamilyang naninirahan sa tabi ng Agham Road. Meron ding
presensya ng mga SWAT
teams na armado ng matataas na kalibre ng baril at tear gas
canisters. Tinangka pa ng
mga lider ng mga organisasyonsa lugar na makipag-negosasyon
upang ipagpaliban
ang demolisyon ngunit hindi naging bukas para dito angkapulisan
at demolition team.
Nagpang-abot kaagad ang mga residenteng nakabarikada at mga
pulis. Kagyat na
sinagot ng tear gas at ilang putok ng baril ang batot bote mula
sa barikada. Dahil dito
na-disperse ang barikada at sinimulan kaagad ang paggiba sa
kabahayan. Nagtuloy-
tuloy naman ang mga pulis sa loob ng komunidad upang arestuhin
ang mga namato at
kalahok sa barikada.
Tinangka makipag-usap nina Kasamang L at iba pang lider ng mga
organisasyon
upang itigil ang arbitraryong pang-aaresto. Pero putok ng baril
na nakatutok sa kanal
ang sagot ng nakamaskarang kausap nina Kasamang L. Isang kasama
nina
Kasamang L ay naihian ang sarili matapos ang pagpapaputok.
Naganap ang insidente
sa pagitan ng ika-9 at 10 ng umaga noong araw na iyon.
19
Ibid. 20
Nakasaad sa Section 28 (3) ng UDHA na sa pagsasagawa ng
pagpapaalis o demolisyon kailangang may presensya ng lokal na
pamahalaan sa pamamagitan ng kahit sinong opisyal o
representante
-
38 | S i a p o
Taya ni Ka Inday ay 80 katao ang nasaktan dahil kumalat ang tear
gas sa buong
komunidad. Ang mga tumugong sumama sa barikada ay pare-parehong
nasaktan sa
paglanghap ng tear gas. Ngunit ang bilang ay hindi limitado sa
mga nagbarikada
lamang patunay na diyan ang dinanas nina Nanay N at M. Hinggil
dito, banggit ni
Nanay B na kasama sa barikada:
Sa karanasan ko, hindi porket nandoon ka sa barikada, hindi...
Lahat, lahat nakakaranas (ng karahasan); lahat ng apektado dito,
lahat nakaranas yan (at) hindi lang yung nakabarikada.
Binanggit ni Kasamang L na may namatay dahil sa karamdamang
idinulot ng tear gas.
Ngunit hindi ito hinayag ng pamilya bunsod ng takot na balikan
ng mga nagpatupad ng
demolisyon.
Sa ulat mula sa GMA Network21, 9 ang naaresto sa insidente. Ayon
naman kina Ka
Inday at Kasamang L, higit pa rito ang aktuwal na bilang. Bukod
pa doon, may insidente
pa ng panghihimasok sa isang bahay ng mga hindi naka-unipormeng
ahente para
arestuhin ang isang kalahok sa barikadang bayan si Jhun.
Bandang alas-dos naman ng hapon noong Enero 27, 2014 ay
nagkaroon ng general
cleaning ang lokal na pamahalaan at kapulisan sa mga bahaging
giniba. Ayon kay
Kasamang L, kinumpiska ng mga nasabing ahente ang mga kagamitan
at iba pang
21
Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested in clashes at Quezon City
Demolition ni Rouchelle Dinglasan (2014)
Kahon blg. 1 Ang arbitraryong pag-aresto kay Jhun
Matapos magpakawala ng tear gas at tuluyang na-disperse ang
barikada, agad pumasok si Jhun sa loob ng komunidad. Sa loob ng
komunidad ay may mga ahenteng armado ngunit naka-sibilyan. Nang
namataan, si Jhun ay arbitraryong inaresto ng mga ito sa akusasyong
kasama siya sa mga namukol ng bato sa kapulisan. Tinangka pang
pigilan ng asawat kamag-anak ni Jhun ang pag-aresto, ngunit
sinaktan lamang din kahit ang asawa niya. Gamit ang posas,
kinaladkad siya palabas ng komunidad ng mga ahente.
Bagamat nakalaya nay matinding takot ang iniwan ng pangyayari
kay Jhun at sa kanyang mag-anak. Sa panahon ng panayam, hindi
pumayag si Jhun na ihayag ang kanyang pangalan para sa seguridad ng
kanyang pamilya. At may mga katanungang minabuti ni Jhun na hindi
sagutin.
-
39 | S i a p o
materyales na maari pang mapakinabangan ng mga residente. Ang
paggiba ng
kabahayan sa kahabaan ng Agham Road ay umabot ng limang araw
mula ika-27,
Lunes hanggang ika-31 ng Enero 2014, Biyernes.
Hinggil sa mga barikadang bayan at layunin nito
Ayon kay Ka Inday, ang mga barikadang bayan ay layuning pigilan
ang nakaambang
demolisyon, paggiba sa kabuhayan at paninirahan ng mga
residente. Kahilingan din ng
mga maralitang lumalahok dito ang abot-kayang pabahay on-site at
hindi sa malalayong
relokasyon. Katulad ni Ka Inday, ang ganitong pakay ng
barikadang bayan ay
nauunawaan din ng iba pang mga tumugon.
Kadalasan, isang linggo pa bago ang nakatakdang petsa ng
paggiba, naghahanda na
ang komunidad sa pagbabarikada. Sa bawat kantong kailangang
bantayan upang hindi
makapasok ang demolition team at mga pulis, dapat merong
barikada.
Dagdag ni Kasamang L, lahat ng mga residenteng tutol sa
demolisyon at relokasyon sa
mga lugar na malayo sa kabuhayan ay hinihimok at inoorganisa
tungo sa barikadang
bayan. Ang mga grupong mga nasa ilalim ng KADAMAY, Sept. 23
Movement, at AKD
ang nangunguna sa gawaing ganito.
Paglahok sa barikadang bayan ng mga tumugon
Maliban kina Nanay N at M, ang mga tumugon sa panayam at
hiningan ng salaysay ay
tiyak na lumahok sa barikadang bayan noong Enero 27, 2014. At
bagamat hindi
tuwirang apektado, pinili nina Kasamang L, Tatay D, at Ka Inday
na lumahok. Hinggil
dito, binanggit ni Nanay B na ang paglahok sa barikada ay porma
din ng pakikipag-
kaisa sa hanay ng mga maralitang residente.
Ang barikadang bayan at karahasang idinudulot nito
Hinggil naman sa karahasang idinudulot ng barikadang bayan,
naniniwala sina Jhun,
Nanay N, at Tatay D na hindi tuwirang nais ng barikada ang
karahasan sa mga
komprontasyon.
-
40 | S i a p o
Ayon kay Kasamang L at Tatay D, palaging nagtatangka ang mga
organisasyong
kalahok sa barikada na makipag-negosasyon para sa pagpapaliban
ng demolisyon.
Idagdag pa na nagsasagawa ng mga legal na hakbangin ang mga
grupo tulad ng
ANAKPAWIS Partylist para isulong ang isang moratorium o
pagpapatigil ng mga
demolisyon sa buong bansa noong 201222.
Ngunit sa karanasan noong Setyembre 23, 2010 at Enero 27, 2014,
hindi nagtagumpay
ang pakikipag-negosasyon at agad na nais gibain ng demolition
team ang kabahayan.
Para kina Jhun at Nanay N, ito ang kagipitan kung saan
napipilitang mamumukol ang
mga residente ng mga bato, bote o kung minsay mga paputok laban
sa hanay ng
kapulisan at demolition team.
Pinangatuwiranan naman nina Ka Inday at Nanay B na hindi
matutumbasan ng mga
bato at bote ang mga armas at tear gas canisters na ginamit ng
kapulisan laban sa mga
residente, nasa barikada man o wala. Wika pa ni Nanay B:
Ano nga bang laban ng mga maralita sa kanila? Sila (mga
kapulisan) may mga baril... (ang mga maralita) ginagamitan nila ng
tear gas, (water cannon)... kami ano bang laban namin? Bato? Mga
bote, ganun lang? Ano bang kalaban-laban namin?23
Talahanayan upang sumahin ang mga nangyaring demolisyon
Setyembre 23, 2010 Enero 27, 2014
Binibigyang-daan na proyekto
Ang Public-Private Partnership ng NHA at ALI na Quezon City
Central Business District (QC CBD)
11.3 meter road widening ng Agham; kinalaunan ay inihayag din na
para sa QC CBD24
Bilang ng pinadalang mga tagapatupad ng demolisyon
300 na kapulisan, 2 SWAT teams, kasama ng 600 kataong demolition
team
700 na kapulisan, kasama ang 100 kataong demolition team
May unang tangka upang gibain ang kabahayan?
Walang binanggit Meron, noong Hulyo 1, 2013
22
Mula sa pahayag ng dating ANAKPAWIS Partylist Representative
Joel Maglunsod, inere sa edisyon ng programa sa DZUP 1602 na May
Punto Ka Diyan noong Marso 22, 2012 23
Parehong karanasan sa Setyembre 23, 2010 at Enero 27, 2014 ang
pinagbatayan ni Nanay Bacion ng pahayag. Noong Setyembre 2010, nasa
hanay ng kapulisan ang tatlong firetrucks at ginamit ang water
cannon nito laban sa mga nakabarikadang residente (Suarez &
Abella, 2010). At noong Enero 27, teargas naman ang ginamit upang
ma-disperse ang barikadang bayan sa Agham Road. 24
Batay na rin sa artikulong After demolition, Agham slum folk off
to Bulacan ni Julie Aurelio (2014)
-
41 | S i a p o
Karahasang idinulot ng mga residenteng nagbarikada
Pamumukol ng bato, bote at paputok
Pamumukol ng bato, bote, paputok at dumi25
Karahasang idinulot ng mga armadong pwersa ng
estado
Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon at panunutok ng
baril sa mga nakabarikada
Pamamalo ng batuta, paggamit ng water cannon, pagpapaputok ng
baril at paggamit ng tear gas sa mga residente; arbitraryong
pag-aresto sa mga hininalang sangkot sa barikadang bayan
Bilang ng mga nasaktan 14, at pito ay mula sa mga residente
Ayon sa media, 29 ang nasaktan at 9 ang inaresto26. Ngunit taya
ng mga residente, aabot sa 80 ang nasaktan. Diumanoy meron ding
isang namatay
Bilang ng mga giniba 130 kabahayan Kabahayan ng higit sa 300 na
pamilya
Ang estado at mga nakinabang sa demolisyon
Ang batas sa paninirahan at pagpapahintulot nito sa
demolisyon
Nagkakaisa ang mga pahayag nina Ka Inday at Kasamang L hinggil
sa Urban
Development and Housing Act of 1992 itoy ginagamit ng pamahalaan
kasama ng
mga korporasyong nakikinabang sa mga demolisyon. Sa kanilang
karanasan sa Sitio
San Roque, ipinahayag nila kung paano hindi nasusunod ang mga
probisyon sa batas
lalo na hinggil sa (1) konsultasyon at pagpapaalam sa mga
maapektuhan,(2) patakaran
ng pagsasagawa ng pagpapaalis at demolisyon, at (3) pamantayan
para sa relokasyon.
25
Mula sa artikulong 29 hurt, 9 arrested at Quezon City demolition
ni Rouchelle Dinglasan (2014) 26
Ibid.
-
42 | S i a p o
Sa ilalim ng Section 30 ng UDHA, pinagbabawalan ang mga maralita
na muling
magtayo ng kahit anong istruktura sa mga lupaing pinaggibaan.
Inoobliga ang
pamahalaang lokal upang ipatupad ang nabanggit na seksyon.
Bunsod nito, isinabatas
ng Sangguniang Lungsod ng Quezon ang City Ordinance 2247 na
nagpapahintulot
kahit sa mga opisyal ng barangay at miyembro ng Task Force
COPRISS27 na kagyat
paalisin ang mga maituturing na squatter at gibain ang mga
istrukturang itinayo nila.
Ang ganitong mga summary eviction/demolition ay hindi na
kailangan ng order mula
sa korte at lokal na pamahalaan at kahit pagpapaalam sa mga
maapektuhan28.
27
Ayon sa opisyal na website ng Quezon City Government, ang Task
Force for Control, Prevention and Removal of Illegal Structures and
Squatting (COPRISS) ay nakatokang ipatupad ang mga order ng
pagpapaalis at demolisyon mula sa pamahalaang lungsod. Ang Task
Force ay nasa direktang pamamahala ng Opisina ng Mayor ng Lungsod
Quezon. 28
Alinsunod sa Section 1 ng City Ordinance no. 2247 series of
2013
Kahon blg. 2 Mga nilabag na probisyon ng UDHA noong Enero 27,
2014
Nakasaad sa Section 28 (2) ng UDHA Adequate consultations on the
matter of resettlement with the duly designated representatives of
the families to be resettled and the affected communities in the
areas where they are to be relocated. Ngunit nagkakaisa ang mga
tumugon na wala namang naganap na konsultasyon para sa mga
mamamayang maapektuhan partikular ng demolisyon noong Enero 27,
2014.
Sinasabi naman sa Section 28 (1) ng UDHA Notice upon the
effected persons or entities at least thirty (30) days prior to the
date of eviction or demolition. Ngunit banggit naman ni Kasamang L,
ang huling notice na natanggap nila ay para sa isang demolisyong
hindi natuloy noong Setyembre ng 2013. Noong Enero ay wala silang
natanggap na panibagong notice; tanging Certificate of Compliance
lamang ang naipakita sa mga residente sa mismong araw ng
demolisyon.
Dagdag pang paglabag ang paglahok ng mga walang pagkakilanlan o
kayay di unipormadong ahente mula sa hanay ng mga pulis sa
demolisyon (balikan ang Kahon blg. 1 para sa isang insidente). Ito
ay hindi tugma sa isinasaad ng Section 28 (4) Proper identification
of all persons taking part in the demolition, at (7) Proper
uniforms for members of the Philippine National Police who shall
occupy the first line of law enforcement and observe proper
disturbance control procedures.
Higit sa lahat, ang kakulangan sa kumpensasyon at kagyat na
relokasyon para sa mga apektado ay labag sa UDHA. Sa ilalim ng
Section 28 (8), isinasaad na sa loob ng 45 na araw, dapat may
maibigay ng relokasyon ang NHA at lokal na pamahalaan sa mga
apektado. Mangyari man na hindi ito maari, kailangang magbigay
naman ng kompensasyon sa halaga ng arawang minimum wage para sa 60
na araw.
-
43 | S i a p o
Higit sa lahat, ginagawa ng UD