PHILTECH INSTITUTE OF ARTS AND TECHNOLOGY, INC. SUBJECT: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Student Name: Grade: Contact No.:
PHILTECH INSTITUTE OF ARTS AND TECHNOLOGY, INC.
SUBJECT: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Student Name:
Grade:
Contact No.:
ARALIN 9 KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
LAYUNIN:
Matapos ang ralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;
Natutukoy ang mga bahagi ng pananlita sa wikang Filipino; at
Nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.
Lusong-kaalaman
Angkop na gamit. Humanap ng kapareha at suriin ang mga pangungusap sa ibaba.
Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap.
Guhitan ang tamang sagot.
1. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal
2. Pakidala ng mga pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
3. (Mayroon, May) ba siyang pasalubong mula sa Batangas.
4. Nariyan na yata nag Tatay! Buksan mo na ang (pinto, pintuan)
5. (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng umaga.
6. Si Bryan at (tiga-, taga-) Aklan.
7. (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo.
8. Ngayon bakasyon, (susubukin, susubukan) kong mag-aral na magluto.
9. Nagmamadali niyang inakit ang (hagdan,hagdanan).
10. Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
ANO ANG KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO?
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng
lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan na tinatawag na
kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan naming abilidad sa angkop na
paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal
(Hymes 1972).
Sa pananawa ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang
kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman
ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika. Pumapaloob ditto ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin ang
tunog o mga tunog at at kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng lingguwistikong
pagtatanghal (linguistic – performance) o ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman sa
pagsusulat o pagsasalita.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO SA WIKANG FILIPINPO
Kakabit ng kakayahang lingguwistiko mg Pilipino ang wastong pagsunod
sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago
at reoryentasyon an gating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa
matandang balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco (2003) ang sampung
bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na napapangkat sa sumusunod:
A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga nominal
a. Pangalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,pook,
katangian, pangyayari, at iba pa.
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangalan
2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay – buhay sa pangkat ng salita.
3. Mga Panuring
a. Pang – Uri – nagbibigay – turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang – abay – nagbibigay – turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-
uri, at kapuwa pang-abay.
B. Mga Salitang Pangkayarian:
1. Mga Pang – ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
(halimbawa at, pati, ni, subalit, ngunit)
b. Pang – angkop – katagang nag – uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan (halimbawa na, -ng)
c. Pang – ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
(halimbawa sa, ng)
2. Mga pananda
2 1
a. Pantukoy – salitang lagging nangunguna sa pangngalan o panghalip
(halimbawa si, ang, ang mga)
b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simunp at
panaguri (halimbawa ay)
Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutuhan din ang wastong
palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Mula sa mga naunang gabay sa
ortograpiya (1976,1987,2001,2009), inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ang 2014 edisyon ng Ortograpiyang pambansa. Tunghayan natin ang ilang
tuntunin sa pagbaybay na pasalita at pasulat:
A. Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunong –
Ingles ng mga titik, maliban sa enye na tunog – Espanyol. Ibig sabihin, isa –
isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod – sunod ang mga titik na
bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, simbolong pang – aham, at iba
pa.
Pasulat Pasalita
Pantig
it /ay-ti/
pag /pi-ey-dyi/
kon /key-o-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/
Pasulat Pasalita
SALITA
bansa /bi-ey-en-es-ey/
plato /pi-el-ey-ti-o/
fajilan /kapital ef-ey-dyey-ay-el-
ey-en/
jihad /kapital dyey-ay-eyts-ey-
di/
`
PASULAT PASALITA
AKRONIM
MWSS
(Metropolitan
Waterworks and
Sewerage System)
/kapital em-kapital
dobolyu-kapital es-
kapital es/
ASEAN
Association of Southeast
Asian Nations)
/kapital ey-kapital –es-
capital i-kapital ey-
kapital en/
PAGASA
(Philippine Atmospheric
Geophysical, and
Astronomical Services
Administration)
/kapital pi-kapital ey-
kapital dyi-kapital ey-
kapital es- capital ey/
HIV
(Human Immunodefiency
Virus)
/kapital eyts-kapital ay-
kapital vi/
Pasulat Pasalita
DAGLAT
Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/
G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/
Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi
3 4
tuldok/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/
Pasulat Pasalita
INISYAL
MLQ
(Manuel L. Quezon)
/kapital em-kapital el-
kapital kyu/
TKO
(Technical Knockout)
/kapital ti-kapital key-
kapital o/
KKK
(Kataas-taasang
Kagalang-galangang
Katipunan)
/kapital key-kapital key-
kapital key/
MRT
(Metro Rail Transit)
/kapital em- capital ar-
kapital ti/
UCC
(University of Caloocan
City)
/kapital yu-kapital si-
kapital si/
Pasulat Pasalita
Simbolong Pang-
agham/Pangmatematika
Fe (iron) /kapital ef-i/
kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/
H2O (water) /kapital eyts-tu-
kapital o/
V (Velocity) /kapital vi/
B. Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa
paggamit ng walong dagdag n titik (c,f,j,ñ,q,v,x,z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula
sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid ( Tausug, Meranaw) gusaling simbahan ng mga Muslim
2. Mga bagong hiram na saliyta sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi
saklaw ng panuntunang ito:
halimbawa:
selfie
digital detox
3. Mga pangangalang pantangi na hiram sa wikang banyaga, katawagang
siyentipiko at teknikal, at mga salitang mahirap na dagliang ireispel.
Halimbawa:
Jason zeitgeist cauliflower
Mexico quorum bouquet
Nueva Vizcaya valence flores de mayo
Bukod sa pagbaybay, pansinin natin ang mga tuntunin hinggil sa(1) pagpapalit ng D
tungo sa R; paggamit ng “ng” at “nang” ; at (3) wastong gamit ng gitling, na kadalasang
ipinagkakamali sa pagsulat:
1. Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan
nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y (halimbawa:
Malaya rin, mababaw raw). Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos
ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin,
nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa – ra, ri, raw, o
ray (halimbawa: maari din, araw – araw daw).
2. May limang tiyak na paggamit na nang:
a. Bilang kasingkahulugan ng noong (halimbawa: “Nang dumating ang mga
Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.”)
5 6
b. Bilang kasingkahulugan ng upang o para (halimbawa: Ikinulong ni Ana ang
aso nang hindi na ito makakagat pa.”)
c. Katumbas ng pinagsamang na at ng (halimbawa: “Malapit nang makauwi
ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”)
d. Pagtukoy sa pang-abay na pamamaraan at pang-abay na panggaano
(halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”)
e. Bilang pang-angkop na inuulit na salita (halimbawa: “Pabilis nang pabilis
ang ikot ng elisi ng eroplano.”)
Maliban sa limang ito, sa ibang pagkakataon ay kailngan gamitin ang ng.
3. Wastong gamit ng gitling (-)
a. Sa inuulit na, ganap man o hindi (halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, para-
paraan)
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya (halimbawa: tik-tak, brum-
brum)
c. sa paghihiwalay na katinig at patinig (halimbawa: pag-aaral, mag-asawa)
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi (halimbawa: pa-
Marikina, maka-Pilipino)
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na baybay
(halimbawa: mag-compute, pa-encode)
f. sa pantig na may kakaibangbigat sa pagbigkas , partikular sa sinaunang
Tagalog sa iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa: gab-i, mus-ing, lab-ong)
g. sa bagong tambalang salita (halimbawa: lipat-bahay, amoy-pawis)
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras ta petsang may ika- (hal. Ika-12 ng
tanghali, ika-23 ng Mayo) at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na
ikinakabit sa alas- ( hal. Alas-2 ng hapon, alas don ng hapon)
i. sa kasunod ng “de” (hal. De-lata, de-kolor)
j. sa kasunod na “di” (hal. Di- mahawakan, di kalakihan)
k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido
noong dalaga pa (hal. Genova Edroza – Matute)
Maikling Pagsusulit
A. Mula sa naging talakay, ipaliwanag sa sariling pananalita kung paano nagkakaiba ang
kakayahang lingguwistiko at lingguwistikong pagtatanghal. Isulat ang paliwanag sa mga
kahong nakalaan sa ibaba.
Kakayahang Lingguwistiko Kakayahang Pagtatanghal
To access LMS (Learning Management System) www.piat.ph
ARALIN 10
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
LAYUNIN:
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko;
Nauunawaan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa sino, paano,
kalian, saan, ay bakit nangyari ang gawaing pangkomunikasyon; at
Nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba’t ibang kontekstong
sosyolingguwistiko.
BALIK – TANAW
Buuin ang paunawa ng pamahalaan hinggil sa pag – iwas sa sunog sa panahon ng
Pasko sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita o parirala mula sa mga nasa
loob ng kahon.
Iwas – Sunog sa Panahon ng Pasko
7
8
____________ ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mamamayan upang
makaiwas sa sunog:
Mag – ingat sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at__________ at lamang ang
may marka ng Philippine Standards (PS) at Import Commodity Clearance (ICC).
Suriin ang _________na Christmas lights at siguraduhing walang sira o damage sa
mga kable nito.
Iwasang may – overload ang electrical outlets. Kadalasan, ang mga outlet ay may
kakyahan lamang na _______ ng hanggang tatlong appliances. Tandaan, kapag ang
kable ng kuryente ay mainit, ito ay overloaded at maaring magdulot ng
kapahamakan.
Gumamit ng mga non-flammable o hindi madaling _______ na dekorasyon at ilayo
rin ang mga ito sa mga bagay na maaring magdulot ng sunog.
tangkilikin narito masira ginagamit Kuhanin
humawak mag - handle ito na nga magliyab pinapaandar
Kakayahang Sosyolingguwistiko: Paglikha ng Angkop na Pahayag sa Tiyak na
Sitwasyon
Paano ka nakikipag – usap sa iyong magulang, guro, at iba pang nakatatanda?
Katulad lamang ba ito ng pakikipag – usap mo sa iyong mga kaibigan at kaklase?
Sa lahat ba ng lugar at pagkakataon ay malaya kang magsalita nang magsalita ng
anomang iyong nais sabihin o may mga sitwasyong nangangailangan ng pagtitimpi?
Ang mga tanong na ito, marami pang iba, ang siyang isasaaalang – alang natin sa
paglilinnag ng kakayahang sosyolingguwistiko.
Ano ang Kakayahang Sosyolingguwistiko?
Tinutukoy ang kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika
nang may naaangkop na panlipunng pagpapakahulugan para isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika
(halimbawa: “Magandang araw po! Kumusta po kayo?) sa pakikipag – ugnayan sa mga
nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng imporaml na wika (halimbawa:
“Uy! Kamusta ka naman?”) sa taing mga kaibigan at kapreho ng estado.
Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (halimbawa, ang mga tao na
Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita ng Tagalog), nagiging natural
lamang o hindi na kailangang pag – isipan ang paggamit ng naaangkop na pahayag ayon sa
sitwasyon. Gayunman, para sa hindi taal na tagpagsalita, dapat niyang matutuhan kung paano
“lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may
pagsasaalang – alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksiyon, at
itinakdang kumbensiyon ng interaksiyon” (Freeman at Freeman 2004).
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974)ang nasabing mahahalagang
salik ng lingguwistikong interaksiyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING:
S – Setting and Scene: Saan ang pook ng pag – uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?
P – Participants: Sino – Sino ang kalahok sa pag – uusap?
E – Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag – uusap?
A – Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag – uusap?
K – Key: Ano ang tono ng pag- uusap? Seryoso ba o pabiro?
I – Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may
mahigpit na pagsunod sa pamantayang panggramatika?
N – Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag – uusap at ano ang reaksiyon dito ng mga
kalahok? Malaya bang nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimiitahan ba ang pagkakataon
ayon sa uri, lahi, kasarian, edad at iba pang salik?
G – Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o materyal na ginagamit (halimbawa: interbyu,
panitikan, liham)?
Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng
komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistemakong pag – aaral sa
tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag – ugnayan sa mga
kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na
ang pag – aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan
ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay sitwasyon (Farah 1998). Isang kahingian, kung
gayon, na pahalagahan ang mga salik na nababanggit vsa modelong SPEAKING tungo sa
mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.
9 10
Pagkilala sa Mga Varayti ng Wika
Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika
at pag – aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay
natalakay na natin ang mga varayti ng wika. Ang mga varayti na ito ay nagpapahiwatig ng:
Pormalidad at impormalidad ng sitwasyon – maaring maging pormal o impormal
ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap;
Ugnayan ng mga tagapagsalita – may pagkakapareho sa paraan ng pagsasalita ang
mga magkakaibigan. Nailalangkap din nila ang ang biruan at pahiwatigan na hindi
mauunawaan ng hindi kabilang sa kanilang grupo;
Pagkakakilanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat – gumagamit ng
lokal na wika at/ o diyalekto sa kausap na nagmula sa kaparehong bayan ng
tagapagsalita; at
Awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan – tinitiyak ang pormalidad at
kaangkupan na salita sa harap ng guro, magulang, at iba pang nakatatanda at may
awtoridad.
Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din ng
pamamalagay rito bilang panlipunang penomenon. Ibig sabbihin, nagkakaroon ng
kabuluhan ang anomang salita o pahayg ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob ng
lipunan at itinatalastas sa kausap o rupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng
iba’t ibang konteksto na paggamit ng wika sa dulot na rin ngpaglahok ng mga tao na may
iba’t ibang konteksto ng paggamit sa wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t
ibang gawain, papel, interes, at saloobin sa proseso ng komunikasyon. Kaya naman,
nasasbaing katangaian din ng wika ang pagiging heterogenous o pagkakaroon ng iba’t ibang
anyo bunga ng lokasyong heorapiko, pandarayuhan, sosyo – ekonomiko, politikal, at
edukasyonal na kaangkinan ng partikular na komunidad na gumagamit ng wika. (Constantino
2002)
Bilang halimbawa, pansinin ang humigit – kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano –
Filipino, dulot ng hindi pag- uulit ng pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit ng panalaping
–um na hinahalinhan ng panlaping ma-:
“Huwag kang magsali sa laro”
“Madali ang pagturo ng Filipino”
Dahil ang cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing unang
wika ng tagapagsalita ng pambansang wikang Filipino. Ito ang tinatawag na interference
phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino – Ilokano –
Filipino, Bikolnon – Filipino, Kapampangan – Filipino, Hiligaynon – Filipino, at iba pa.
Dahil din sa kaalaman ng wika, sa proseso ay nagbabago ng tagapagsalita ang bgramatika sa
pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin (Constantino 2002).
Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa nito ang ang mga
salitang gaya ng malling, presidentiable, at senatoriable na hindi matatagpuan sa “standard”
na Ingles.
Mahalagang maunawaan na ang ganitong varayti ng Filipino ay hindi maituturing na
pagkakamali. Sa pananaw ng sosyo – sikolohistang si William Labov, na siyang nagtaguyod
ng variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba – iba ng anyo at pagkakaroon ng
mga varayti ng isang wika. Kung gayon, nararapat kilalanin ang pagkakapantay – pantay ng
mga varayti – walang maituturing na mataas o mababang anyo ng wika. At sa kaso ng wikang
Filipino, nangangahulugan itong lahat tayo ay may gamapanin sa pagpapaunlad ng ating wika
bilang isang bansang may sariling pagkakakilanlan.
LAYAG – DIWA:
A. Gamit ang graphic organizer na Tic – Tac – Toe, bumuo ng angkop na pahayag para
sa kinakausap na nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyon.
Sitwasyon: Panghihikayat na sumali sa organisasyong nagsusulong ng pangangalaga sa
kalikasan. (2 puntos ang bawat isa).
Guro:
Magulang: Kaibigan
Empleyado ng paaralan:
Kapatid: Bagong kakilala:
11 12
Kapuwa mag – aaral:
Nakakatandang kapit –
bahay:
Estranghero:
Sanggunian:
Taylan ,Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan V. – Komunikasyon at
Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino
To access LMS (Learning Management System): www.piat.ph
Aralin 11
Kakayahang Pragmatiko
Layunin:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko
Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di – sinasabi, at
ikinikilos ng taong kausap
Nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga
Pilipino; at
Naisasaalang – alang ang epekto ng tono, diin,
intonasyon, hinto, muwestra, at iba pa sa
pakikipagtalastasan.
BALIK TANAW:
Ayusin ang sumusunod na pangungusap upang makabuo ng mga pahayag
na nagtataglay ng pagkamagalang. Isulat ang sagot sa patlang kasunod ng
tanong sa bawat bilang.
1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang programa.
______________________________________________.
2. Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan.
________________________________________.
3. Isarado mo ang pinto.
_________________.
4. Gusto kong malaman ang opinyon mo sa isyung ito.
_________________________________________.
5. Papasok ako sa bahay mo.
____________________.
6. Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan.
______________________________________.
13 14
7. Kunin mo ang aking relo.
____________________.
8. Tumayo na kayo para sa pag – wait ng “ Lupang Hinirang”.
______________________________________________.
9. Ayos lang ba na ikaw ang mamuno sa panalangin?
________________________________________.
10. Puwede nang kumain.
_________________
Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig at Pag – unawa sa mga Salita at
Kilos
Naranasan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan? Paano mo
ito ipinabatid sa kaniya? Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsasabi o sa
iyong mga aksiyon lamang?
Nakakasakay ka ba sa mga biruan? Paano mo nalalamang biro
lamang ang sinasabi ng iyong kausap?
Nakiusap ka na ba sa iyong guro sa anomang pagkakataon sa
iyong buhay mag – aaral? Paano mo ito ginawa?
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at pagbubuo ng mga
pangungusap batay sa itinakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang
mag – aaral ng wika. Mahalagaoring matutuhan ang kasanayan sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o
paumanhin, pagkilala sa mga biro, pagpapadaloy ng usapan.
Samaktuwid, kailangang matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan
na maaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon
(Lightbown at Spada 2006). Halimbawa, ang tanong na, “ Sa iyo ba ang
bag na iyan?” ay maaring mangahulugan ng: (1) pagtitiyak sa kung sino
ang nagmamay – ari ng bag: (2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o (3)
pagkainis sa nakakalat na bag.
Ang ganitong kakayahang komunikatibi ag nais itampok sa
araling ito sa pamamagitan ng pag – unawa sa kakayahang pragmatiko.
Ano ang Kakayahang Pragmatiko?
Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang pragmatiko ay
tumutukoy sa pag – aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na
konteksto upang mapahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.
Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga
intensiyon at kahulugang naayon sa konteksto ng usapan at gayundin,
natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di – sinasabi, at ikinikilos ng
kausap.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto
ng speech act. Para sa pilosopo sa wika na si J.L. Austin (1962; sipi kay
Hoff 2001), ang pakikipag – usap ay hindi lamang paggamit ng mga
salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga
bagay gamit ang mga salita” o speec act. Halimbawa nito ay pakikiusap,
pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.
May tatlong sangkap ang speech ac: (1) ang sadya o intensyonal
na papel nito o illocutionary force; (2) ang anyong lingguwistiko o
locution; at (3) ang epekto nito sa taga-pakinig o perlocution:
Sangkap Kahulugan Halimbawa
Illocutionary force Sadya o intensiyonal
na papel
Pakiusap, utos,
pangako
Locution Anyong linnguwistiko Patanong, pasalaysay
15 16
perlocution Epekto sa tagapakinig Patugon sa hiling,
pagbibigay atensiyon
Tinganan natin ang isang senaryo. Isang kostumer sa restoran
ang nagpahayag sa weyter ng ganito: “Mayroon ba kayong tubig na
walang yelo?” Sa nasabing halimbawa, ang illocutionary force ng
kostumer ay ang paghiling ng madalhan siya ng inuming tubig na walang
kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong. Ang epekto
nito, o perlocution, ay ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan.
Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage
pragmaticsn (Bardovi – Harlig 1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006)
ang pag – aaral sa kung paano ang mga hindi taal ng tagapagsalita ng
partikular na wika at nagsisimulang matutu nito ay umuunlad ang
kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon sa pamamagitan ng
iba’t ibang speech act.
Bahagi ng larangang ito ang pananaliksik na isinagawa nina
Bordovi – Harlig at Hartford (1993) hinggil sa paraan ng pagtanggi at
pagbibigay – suhestiyon ng mga estudyanteng taal at di – taal na
tagapagsalita ng Ingles sa mga sesyon ng akademikong pagpapayo sa
isang unibersidad sa Amerika. Naobserbahan nila sa pag – aaral na ito
ang pagkakaiba sa pakikipag – usap na ginagawa ng mga estudyanteng
taal at di – taal na tagapagsalita ng Ingles sa kanilang mga propesor
hinggil sa pagpili ng kukuning kurso. Anila, kapansin pansin ang
pagiging pasibo ng di –taal na tagapagsalita sa usapin ng pagbibigay ng
suhestiyon kumpara sa mga taal na tagapagsalita. Mas malaki rin ang
tendensiya ng pagtanggi sa suhestiyong ibinibigay ng tagapayong
propesor ng mga di – taal na tagapagsalita. Dagdag pa rito, direktang
ipinahayag ng di – taal na tagapagsalita ang kaniyang pagtanggi kumpara
sa taal na tagapagsalita na ipinadadaan sa isang alternatibong suhestiyon
ang hindi pag sang – ayon. Halimbawa, sa mungkahing kurso ng
tagapayo, ang isang di – taal na tagapagsalita ng Ingles ay magpapahayag
ng “ I think I am not interested in that course”, na kaiba sa sasabihin ng
taal na tagapagsalita na nagbibigay pa ng suhestiyon sa anyong “I think
this other course would better meet my needs”.
Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung gaano kahalagang
linangin ang kakayahang pragmatiko upang umayon sa hinihingi ng
konteksto at makamit ang inaasahang resulta mula sa kausap.
Berbal at Di – Berbal na Komunikasyon
Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip
ang pag – iral ng dalawang uri ng komunikasyon – ang berbal at di –
berbal na komunikasyon.
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong
gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/ o pasulat man. Nagagawa ang
paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag – usap sa kaanak, kaibigan, at
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa
kumperensiya at seminar. Pasulat naman itong nagpapadaloy sa mga
sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na
liham at iba pa.
pasulat
pasalita
17 18
Isa pang uri ng komunikasyon ang di – berbal na
komunikasyon. Ayon sa mga pag – aaral, lubhang napakalaki ng
elementong di – berbal sa pakikipag –usap sa mga taong napapaloob sa
sariling kultura. Sa katunayan, tinatanyang 70 porsiyento ng isang
karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di – berbal na elemento
(Maggay 2002).
Ang ibat ibang anyo ng di berbal na
komunikasyon ay ang sumusunod:
1. Kinesika ( Kinesics) – tumutukoy
sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang
ekspresyon ng mukha, galaw ng mata,
kumpas ng kamay, at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxrmics) – tumutukoy sa oras at distansiya sa
pakikipag – usap. Ang oras ay maaring pormal gaya ng isinasaad
ng relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng
mga terminong “ngayon na”, “sa lalong madaling panahon”, at
“mamaya na”. Ang distansiya naman ay nagbabago rin depende sa
natamong ugnayan sa kausap. Kapansin – pansing ang mga bagong
magkakakikaka ay may mas malaking distansiya kumpra sa mga
taong matalik na magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) – itinuturing na isa sa mga
pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng
positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan. Halimbawa pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
4. Paralanguage – tumutukoy sa tono at kalidad at bilis ng
pagsasalita.
5. Katahimikan o Kawalang – Kibo – lubhang makahulugan na
karaniwang ginagawa upang mag – isip at paghandaan ang
sasabihin, o dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag – usap
batay sa kung saan lugar niya nais makipag – usap.
Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa
kagawiang pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wikang pinag –
aaralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag – aaral ng wika
kung kaniyang sasabihin ay maaring maging lubhang tuwiran o
napapalooban ng tamang pagkilala at paggalang sa kausap
Sa pag – araal sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni
Maggay (2002), kaniyang binigyang – diin ang pagiging high context ng
kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng
mga kahulugan kahit sa paamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa
kung paano nating itinuturing ang katahimikan o kawalang kibo bilang
malalalim na pag – iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan.
Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na
pinakalaganap at pinkabuod ng kulturang pangkomunikasyon. Ito ay
“isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di – tuwirang
ipinaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas
na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng mga himaton; o ng mga
verbal na palatandaang kaakibat nito”(p.25). Maaring ang
pagpapahiwatog ay berbal, di – berbal, o kombinasyon nito. Kadalasang
19 20
ginagawa ito bilang pagsasaalang – alang sa damdamin at dangal ng
isang tao.
Narito ang limang mga salitang kauganay ng pahiwatig (Maggay 2002):
1. Mga salitang di – tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o
pagpupuntirya.
a. Pahaging – isang mensaheg sinasadyang magmintis at
ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
b. Padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layuning kausap
matamaan nang bahagya ang kinauukulan nito.
2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap
kundi ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:
a. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang
naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sinomang
nakikinig sa paligid.
b. Pasaring – mga berbal at di – berbal na pagpaparating ang
naisasaloob, hindi sa kaharap na kausap kundi sinomang
nakikinig sa paligid.
3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng
pandama.
a. Paramdam – isang mensaheng ipinaabot ng tao, o maging ng
espiritu, sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman
gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan,
malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos at iba pa.
b. Papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng
atensiyon na kadalasan naipapahayag sa pamamagitan ng
pagtatampo, pagkakabalidosa sa pananamit at pagkilos , sobra –
sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng
pansin.
4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa
nakakarinig ay napapatamaan siya:
a. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag
– usap na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang
paalala na maaring may masaktan: “Dahan – dahan at baka
makasagasa ka.”
b. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang
nakapokus at umiikot sa isang paksa na hindi tuwirang
maipahayag subalit paulit – ulit na binabanggit tuwing may
pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran”.
A. Maikling Pagsusulit
Tukuyin kung anong anyo ng di – berbal na komunikasyon ang
ipinahihiwatig ng sumusunod. Isulat ang sagot sa nakaalang
patlang bago ang numero. (2 puntos ang bawat isa)
_____________1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol.
______________2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message.
______________3. Galaw ng kamay ng guro habang
nagpapaliwanag ng aralin.
_______________4. Pasigaw na pananalita.
_______________5. Pagatabi sa kaibigan
_______________6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
_______________7. Naghihingalong tinig
_______________8.pagpisil sa mukha ng kapatid
_______________9. Pag – iwas sa mga nag – iinuman
_______________10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid.
21 22
ARALIN 12
KAKAYAHANG DISKORSAL
Sanggunian:
Taylan ,Dolores R., Petras, Jayson D., at Geronimo, Jonathan V. – Komunikasyon at
Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fvdocuments.net%2F5967079
2-5-komunikasyong-berbal-at-di-berbal.html&psig=AOvVaw1s1KuWtvJmZn-Rcf-
6xShF&ust=1595170797073000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNCf
p7mI1-oCFQAAAAAdAAAAABAD
To access LMS (Learning Management System): www.piat.ph
Layunin:
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahng diskorsal
Natutukoy kung ano ang panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa
komunikasyon;
Nagagamit ang mga panandang kohesyong gramatikal sa pagpapaliwanag at
pagbibigay-halimbawa sa mga tiyak na sitwasyon komunikatibo sa lipunan.
Kakayahng Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan na
pagsama sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Maaring ang mga pahayag ay naipamalas sa ugnayan ng dalwa o higit pang
taong nag-uusap. Maaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa interbyu, talumpati o
pagkukuwento.
Ano ang Kakayahang Diskorsal?
Ayon sa U.P Diksiyonaryong Filipino(2010), ang diskurso ay
nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan ng kuro” (2010). Mula rito, mahihinuha na
ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa tiyak na wika.
Dalawang sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal
at kakayahang retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tektuwal sa kahusayan ng
isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng ibat ibang teksto gaya ng mga akdang
pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na
komunikasyon. Sa kabilang banda, ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman
sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito an
gang kakayahang unawain ang ibt’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
Ayon kay Grice, (1957,1975; sipi kay Hoff 2011), may dalawang batayang
panuntunan sa pakikipagtalastasan. Ang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan
ng pahayag. Ang ikalawa naman ay ang pakikiisa, na kinapalolooban ng mga
panuntan hinggil sa kantidad, kalidad relasyon at paraan ng kumbersasyon:
Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957,1975)
Kantidad Gawing impormatibo ang ibinigay na impormasyon ayon sa
hinihingi ng pag-uusap – hindi lubhang kaunti o lubhang
daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng
kasinungalingan o anomang walang sapat na batayan
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
Paraan Tiyaking maayos, malinaw, at hindi lubhang mahaba ang
sasabihin.
23 24
Kakayahan at Kabuluhan ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa paglikha ng
mga pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung paanong
napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasukat.
Tingnan ang halimbawa:
A: Ang kalat naman ditto!
B: Aayusin ko lang ang mga libro
Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na grammatical o leksikal ang mga
pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil nauunawaan ni B ang
pagkadismaya ni A at mula rito ay tumutugon nang nararapat.
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (halimbawa: siya,
sila, ito) bilnag panghalili sa mga natukoy na simula ng pahayag at pagdaragdag ng mga
kataga, panuring, at kumplemento upang pahabain ang mga pangungusap. Gayundin, maari
ding pagtambalin ang mga payak na pangungusap o sugnay.
PAGPAPAHABA SA PANGUNGUSAP
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga – napahahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba pa.
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring – napahaba ang pangungusap sa
tulong ng mga panuring na na at ng.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento – napahahaba ang pangungusap
sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panuri na nagbbibigay ng
kahulugan sa pandiwa. Ang ibat ibang uri ng komplemento ng pandiwa ay
tagaganap, tagatanggap,ganapan, dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.
a. Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang ng,ni, at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga natirang pagkain
Ibinalot niya ang mga tiring pagkain.
b. Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos.
Pinangungunahan ng mga pang – ukol na para sa, para kay, para kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kamiyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
c. Komplementong ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalilinito.
Halimbawa:
Namamalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.
d. Komplementong Sanhi – isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang dahil sa o kaya at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan ni Michelle.
e. Komplementong layon - isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa:
Sa pamamagitang ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
4. Pagpapahaba sa pamamgitan ng pagtatambal – napagtatambal ang dalawang
payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat,
subalit, saka at iba pa. ang mabubuong pangungusap ay tinatawag na tambalang
pangungusap.
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang kaniyang
nanay.
Matagal siyang mag- aral ng aralin subalit tiyak naming matataas ang kaniyang
marka sa mga pagsusulit.
Layag – Diwa
1. Ipaliwanag ang pagkakaugnay at pagkakaiba ng sumusunod: (5 puntos ang bawat
isa)
Layunin:
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
Kakayahang Tekstuwal at Kakayahang Retorikal
Kantidad at Kalidad
Kakayahang Tekstuwal at Kakayahang Retorikal
Kaugnayan at Kasiyahan
Aralin 13
25 26
Nakapaghihinuha sa kahalagahan na magsaliksik hinggil sa wika at kulturang
Pilipino;
Nakapagtataya sa mga kasapatan at kakulangan sa pananaliksik sa iba’t ibang paksa;
Naipaliliwanaag ang maka – Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik
Nailalahad ang opinyon hinggil sa mga nabuong saliksik sa wika at kulturang
Pilipino;
Nakabubuo ng bibliograpiyang may anotasyon ng ilang pananaliksik na pumapaksa
sa wika at kulturang Pilipino.
Pahiwatig at Yupemismo sa Komunikasyong Pilipino
Anomang kaparaanan o gawi sa komunikasyon ay dumaraan sa proseso ng
pagwiwika na sumasalamin sa isang umiiral na kultura. Nalilikha ang mga ugnayan at
pagpapakahulugan sa isang seting ng komunikasyon batay sa konteksto na nagsisilbing
mahalagang tuntungan ng mensahe. Sa madaling salita, ang mga taglay na salita at kilos ng
isang indibidwalay maaring magkaroon ng ibat ibang kahulugan batay sa kulturang
pinallalapatan at bumabasa rito. Mahalagang maunawaan ang kultura na nagluluwal ng mga
kagawian at kaparaanan sa isang nabubuong ugnayang pangkomunikasyon upang mabatid
ang kabuluhan at bisa ng isang mensahe.
Sa pag-aaral na “ Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino” ni Melba
Padilla Maggay (2002), dinalumat niya ang matalas na paggamit ng pahiwatig sa kalakaran
ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino. Inilarawan at sinuri niya ang paggamit ng
pahiwatig sa karanasan ng mga Pilipino sa ibat ibang larangan na maiuugnay sa tradisyon ng
pakikipagkapuwa at makapagpapaunawa sa malalim na ugnayang nabubuo sa mga
pamayanang Pilipino. Ang salitang ugat na “hiwatig” nagmula sa sinaunang Tagalog na
tumutukoy sa paraan ng paghahatid ng nararamdaman at kaisipan ng isnag tao sa
pamamagitan ng pagliligoy sa pagpapahayag.
Bakit nga ba maligoy tayo? Sinikap ipaliwanag ni Pamela Constantino (2003) sa
kaniyang papel na “Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga Pinoy” ang karaniwang
dahilan na hindi tuwirang pagpapahayag n gating nararamdaman na nagreresulta sa paggamit
ng pahiwatig o kayay Yupemismo: “Ayaw ng Pilipino na mapahiya o kayay mawalan ng pag-
asa sa partikular na oras na iyon ang kanyang kausap kaya may paraan siya sa pag-iwas.”
KAHALAGAHAN AT KABULUHAN NG PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon , naisasantabi ang
halaga ng sari sariling yaman ng wika at kultura ng mga bansa at ang pagkakaiba iba ng mga
ito dahil sa paniniwala na may iisang pamantayang pandaigdig na nakapadron lamang sa
kakayahan at katangian ng mauunlad na bansa. Samantala , ang wika at kultura ng mga
bansang nasa Ikatlong daigdig , gaya ng Pilipinas , ay lagit lagging ipinalalagay na
mababa at di kapantay ng mga sumusulong na kalakaran sa daigdig dahil hindi
nakaagapay sa pamantayang global na hindi kumikilala sa mga katangiang panloob ng
bawat bansa. Ngunit dapat tandaan na bago makibahagi sa pandaigdigang integrasyon ,
kailangan munang makilala ang sariling kahinaan at kalakasan , kailangang makilala muna
ang sarili maging matatag ang pundasyon sa sariling kaakuhan , upang lamunin lamang o
manggaya na lamang sa kultura ng ibang bansa. Sa ganitong paninindigan, may
mahalagang papel ang pananaliksik sa sariling wika at kultura bilang pagharap sa
globalisasyon.
Hinahadlangan ng ganitong oryentasyon ng pakikiangkas at pagnanasa sa global na
pamantayan ang kakayahan at kaisipang pambansa. Tuluyang naisasantabi ang pagpapalakas
ng sarili
nating potensiyal na makalikha pa ng mas maraming pambansang iskolar at pantas sa
larangan ng sariling wika at kultura. Malinaw na sa umpisa pa lamang ay may pagkiling
na sa mga kanluraning teorista at sunod sunuran sa mga panlabas na patakaran ang mga
institusyong pang edukasyon kabilang na ang mga akademya sa bansa na produkto ng
kolonyal na karanasan. Halimbawa, pinapanginoon ng mga pamantasan ang Sistema ng ISI (
Institute for Scientific Information ) indexed journals bilang batayan ng pinakamataas na uri
ng publikasyon , lalo yaong nasa wikang Filipino , na kung tutuusin ay katulad din naman ng
prosesong pinagdaanan at maituturing na mas masalimuot pa nga, sapagkat hindi hamak na
mahirap bumuo ng sariling konsepto at palagay sa sariling konstekto kaysa simpleng hiramin
na lamang at ilapat ang mga tanyag na teorya at kaisipan ng mga dayuhang iskolar at pantas
sa daigdig. Sa ganitong kondisyon , Malaki ang hamon sa mga mananaliksik ng wika at
kulturang Pilipino na igiit ang espasyo para sa maka- Pilipinong pananaliksik at ituring
nakapantay ito ng alinmang iskolarling pamamaraan at larangan sa akademya man o sa labas
nito.
Maliban sa isyu ng wastong paglalagay ng espasyo at pantay na pagkilala sa mga
paksa at pamamaraan nakatuon sa local na pag aaral ng wika at kultura, matingkad ding
problema kaugnay
nito ang namamayaning katiwalian ukol sa pagbubuo na maling kamalayan at kaisipan ukol
sa
kulturang katutubo at kaalamang bayan. Sa papel na Mga Katiwalian sa ating Kamalayan
Tungkol sa Kaalamang Bayan ni Arnold Azurin ( 1991 ), pinuna niyaang kawalang ingat ng
mga mananaliksik at manunulat sa kanilang mga paksang sinasaliksik na nagreresulta ng
katiwalian
sa paglikha ng kahulugan at pagsasawalang bahala sa kapakanan ng pinag aaralang paksa.
Nagreresulta rin ang ganitong kakulangan ng panlililinlang sa mga mambabasa sakaling
mailabas
bilang aklat o sanggunian ang mga maling impormasyon na magluluwal din ng maling pag
unawa at kamalayan sa mambabasang Pilipino. Upang malutas ang ganitong katiwalian,
kailangang
, kailangang maging kritikal at ipinanukala niyang pag aralan ang paksa ukol sa katutubong
kultura at kaalamang bayan , na nangangailangan din ng praktis ( lampas sa pagteteorya ) at
pagpapaloob sa mismong proseso ng pag unawa rito. Matibay pa ring pamamaraan ang
karanasan
27 28
at dunong na nagmumula sa kapuwa at hindi paniniwala sa indibiduwal o sariling pananaw
lamang.
Matingkad din niyang iginigiit ang kahalagahanng aktuwalnapagdanas saloob ng pinag
aaralang
paksa upang makabuo ng matibay na pagsusuring nakabatay sa konstekto at hindi bukod
sapinag
aaralan. Sa ganitong punto, nakikita ang halaga ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino
bilang makabuluhang Gawain ng pag unawa sa sarili, pagwawasto sa binaluktot na
kamalayan ,
at ambag sa proyekto ng dekolonisasyon.
Sa pag aaral ng wika at kulturang Pilipino , matinding usapin din ang paglilihis ng
landas sa pananaliksik na bunga ng kahinaan sa pagpili ng paksa at tinatanaw na
tunguhin ng pananaliksik. Maraming pananaliksik ang nakabatay sa interes na
mananaliksik at hindi sa interes ng kaniyang paksang sinasaliksik. Nahihikayat din
ang karamihan ng lagit laging pag aaralan ang kulturang dayuhan sa halip na
magkaroon ng motibasyong linangin ang sariling kapakanan. Kadikit ng ganitong
pagkahumaling sa dayuhan sa kalagayan , karanasan, gawi , at diwang Pilipino.
Problematiko rin ang paksa at tunguhing nakakulong sa pamantayan at panlasa ng
akademya lamang habang isinasantabi ang kabuluhan ng pamumuhay at karanasang
panlipunan bilang laboratoryo ng kaalaman at pagpapahalaga. Ang kawalan ng
tiyak at malinaw na konstekto sapag aaral ng wika at kulturang Pilipino ay
nagreresulta ng kawalang tunguhing maka Pilipino at nagpapakita ng baluktot na
katotohanang nagsisilbing katiwalian sa kalagayan at karanasan nito. Sa madaling
salita hindi kailanman mapagtatagpo ang magkaibang realidad, kailangang
unawain ang mga sariling palagay at haka haka na nakatanaw sa layunin at ko
ntekstong Pilipino.
Bilang tugon sa ganitong mga suliranin at hamon tungo sa makabuluhang
pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino, mahalagang ilapat ang modelo ng maka-
Pilipinong pananaliksik. Pangunahing saligan
ng modelong ito ang paggamit ng sariling wika at pamamaraang nakabatay sa sariling
karanasan naangkop sa ating konteksto.Marapat pahalagahanang tunguhing maka Pilipino na
makapag ambag sa karaniwang Pilipino at larangang magpapalakas sa interes ng paksang
sinasakilsik. Kailangang maipakita ang resulta na hindi nakatali lamang sa mga aklat kundi sa
mismong aktuwal na praktikal sa lipunan kabilang ang pang araw araw na gawain , pag
uugali at pananaw ng isang metodo na
makapagpapakilala sa mananaliksik at kalahok ng pananaliksik upang kapuwa nila matamo
ang maka Pilipinong pagpapahalaga at tunguhin gamit ang iskala ng pagmamasid ,
pakiramdam, pagtatanong- tanong ,pagsubok, pagdalaw dalaw o pagmamatyag, pagsubaybay
, pakikialam ,
pakikilahok at pakikisangkot. ( Enriquez 1992).
Sa pagninilay ukol sa mga naging kahinaan ng pananaliksiksa wika at kulturang
Pilipino, nabubuksan ang mga posibleng landas
sa lalong pagpapabuti ng nasabing larangan at maging katuwang
ng iba pang disiplina sa pagbubuo ng isang tunay at
makabuluhang maka Pilipinong pananaliksik. Binubuksan ng
maka- Pilipinong pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang
magkakaiba ngunit magkakaugnay na pananaw at lapit
pamamaraan sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na may
katangiang interdisiplinaryo, krosidiplinaryo ,at multisidiplinaryo
na makapagpapabitiw sa mabisang talaban at diskuro ng ibat
ibang larangan uoang makabuo ng isang matatag na araling
Filipino na nakasaling sa lakas ng wika at kultura.
Sa interdisiplinaryong pananaw , nilalayong maigpawan ang pagkakaiba tungong
pagkakahawig at pag uugnay upang pagbigkisin ang dalawang disiplina sa pamamagitan sa
pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at pamamaraan ng dalawang disiplina. May
katangiang krosdisiplinaryo naman ang pagtutuon sa isang paksa na magsisilbing batayan sa
pagpili ng ibang pagtingin ,pananaw at
pamamaraan. Tinatanaw ng mga krosdisiplinal na pag aaral ang isang disiplina sa panaanw
ng iba pang disiplina. Lalim at lawak naman ng dalawa o higit pang disiplina ang tuonng
katangiang multidisiplinaryo. Pinagtatagp nito ang ibat ibang disiplina upang mapalakas ang
sariling disiplina. Sa madaling salita , maituturing na isa sa kahalagahan ng pananaliksik sa
wika at kulturang Pilipino ang kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan
lampas sasaklaw ng larangang ito. Posible rin naang isang pag aaral ay maaating magtaglay
ng mga nabanggit namga pananaw ng pananaliksik batay sa layunin at pokus ng isinagawang
saliksik.
Sa mga natalakay na isyu at argumento ukol sa kahalagahan ng pananaliksik
sawika at kulturang Pilipino, nabubuksan ang malawak na espasyo para sa palitan ng
ideya , talaban ng bisa at pagtanaw sa isang diwang Filipino na mahalagang sangkap
sa paghawan ng mga balakid at pagharap sa hamon ng patuloy na pagdurog at
pananalanta sa tumitinding ragasa ng globalisasyon. Sa huli , mananatiling matatag at
nakatindig ang anomang wika at kulturang may matibay na pundasyon ng kaniyang
sarili at tumatanaw sa pangmatagalang aspirasyon ng pagiging Malaya at tunay na
nakapagsasarili.
Layag-diwa:
Gamit ang Face diagram, ilarawan ang kasalukuyang imahe at estado ng wika at kulturang
Pilipino. (10 puntos)
29 30