Ang Sistemang Pamahalaan ng Pilipinas
Jan 08, 2017
Ang Sistemang Pamahalaan ng
Pilipinas
Ang Sistemang Pamahalaan sa Pilipinas
Ayon sa Artikulo III Seksyon I, ng sanligang batas 1987, “Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano
at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang
lahat ng awtoridad ng pamahalaan.”
Sinsabi ng artikulo na ito na ang basnsa ay Pamahalaang Demokratiko sapagkat sa mamamayan
nagmumula ang kapangyarihan. At Republikano dahil tayo ang naghahalal ng mamumuno.
Pampanguluhan o presidential ang pamamaraan ng pamamahala ng bansa. Ang Pangulo ang
namumuno, ang pangalawang pangulo at mga gabinete ang katuwang niya sa pamamahala sa
bansa.
Pamahalaang Pambansa at Pamahalaang Lokal
Nahahati sa iba’t-ibang yunit pampulitika ang uri at lawak ng pamamahala sa
Pilipinas. Ang mga ito ay Pamahalaang Lokal (pambaranggay, pambayan,
panlungsod, panlalawaigan, pamamahala sa mga nagsasariling relihiyon sa Coldillera, at
mg Muslim sa Soli at Mindanao) at Pamahalaang pambansa.
Isinasaad sa ating Saligang Batas na ang kapangyarihan sa pamamahala sa buong
bansa ay nagsisimula sa Pamahalaang Pambansa dahil sakanila nangagaling ang mga gawaing kailangan isakatuparan ng
Pamahalaang Lokal.
Pamahalaang Pambansa at Pamahalaang Lokal
Nasgsisilbing tagapagpaganap ang mga pamahalaang lokal ng mga
tungkuling may kinalaman sa pagpapatupad ng mga batas at pagpapanatili ng kaayusan sa
panlipunan.
Sa mahusay na pag suporta, pagtulong, at pakikiisa ng pamahalaang
lokal mapagtagumpayan nating makakamtan ang kaunlarang nais
matamo ng pamahalaang pambansa.
Pamahalaang Pambansa at Pamahalaang Lokal
Maihahalintulad natin ang pamahalaan sa isang bahay kung saan, bawat bahagi ay may mahalagang ginagampanan
para sa katatagan, tibay, at kaayusan.
Pamahalaang Pambansa at Pamahalaang Lokal Pananagutan ng
pamahalaang pambansa ang lahat ng mga yunit ng pamahalaang lokal.
Itinakda ng Sanligang Batas ang pagsasarili ng
pamahalaang lokal subalit mayroon pa rin itong tungkulin
na makipag-ugnayan sa pamahalaang pambansa.