Top Banner
61
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Sintaksis112
Page 2: Sintaksis112
Page 3: Sintaksis112
Page 4: Sintaksis112
Page 5: Sintaksis112

Ngayon ay pag-uusapan natin sa presentasyon na ito ang mga sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. Sa payak na payak na paraan ay tatalakayin natin ang iba’t ibang balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kun papaanong ang mga ito’y mapapalawak.

Page 6: Sintaksis112

Ang pangungusap ay isang sambitlang (tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin) may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap.

Ito rin ang lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Page 7: Sintaksis112

1. Nanay! Ang unang halimbawa ay panawag. Naipapahayag

ng sambitlang ito nag nais ng nagsasalita na tawangin ang kanyan ina.

2. Aray! Ang ikalawa’y nagsasaad ng damdamin. Sa

sambitlang ito’y para na ring sinabi ng nagsasalita ang: Nasaktan ako.

3. Magandang umaga po. Ang ikatlo, bawat bating panlipunan tulad nito ay

nauunawaan na rin ng pinag-uukulan na bumabati sa sinasabihan.

4. Umuunlad ang bayan. Ang ikaapat, ang pangungusap na ito y halimbawa

ng mga sambitlang may panaguri (isang bahagi ng pangungusap o pananalita) sa paksa.

5. Maraming magagandang pook sa Pilipinas. Ang ikalima, katulad ito ng Marami ang pook na

magaganda sa Pilipinas. Maaaring sa mabilis na pagbigkas ay nagkakaroon ng asimilasyon sa mga salitang marami at ang kayat magiging maraming.

Page 8: Sintaksis112

May mga pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap: panaguri at paksa.

Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Nasa paksa ang pokus ng sinabi sa loob ng pangungusap. Sa ating pagsusuri, ang simuno ay tinatawag nating paksa (topic) sapagkat higit na angkop ang salitang paksa sa tunay na kahulugan ng kinakatawan nitong bahagi ng pangungusap.

Page 9: Sintaksis112

Ang paksa ay maaring maging tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

Mayroon din namang paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

Page 10: Sintaksis112

1. Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok. Ang paksa ay Inang. Sa kahulugang pansemantika, ito

ay ang gumaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwang nag-aalaga.

2. Ang simbahan ay pinuntuhan nila ate. Sa ikalawa, ang paksa ay simbahan na isang lugar.

Ang pangungusap na ito ay nagsasaad na ang ate ng nagsasalita ay pinuntahan ang simbahan.

3. Ang pasko ay malapit na. Sa ikatlo, ang paksa ay ang pangyayari na pasko.

Page 11: Sintaksis112

1. Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan. Sa halimbawang ito, ang paksa ay baboy at manok.

Ang mga salitang ito ay layon ng kilos na isinasaad sa pandiwang inalagaan. Sa kahulugang pansemantika, ang mga salitang ito ang tumatanggap ng biyayang bunga ng kilos ng pandiwa. Kung ang pandiwang inaalagaan ay gagawing nag-aalaga, ang mga salitang baboy at manok ay magiging tuwirang-layon ng pandiwa.

2. Hinuhuli nila kuya ang mga asong kalye. Sa ikalawa, ang paksa ay asong kalye. Ang mga

salitang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwang dinadakip. Sa kahulugang pansemantika, ang mga salitang ito ang tumatanggap ng biyayang bunga ng kilos ng pandiwa. Kung ang pandiwang hinuhuli ay gagawing nag-huhuli, ang mga salitang asong kalye at magiging tuwirang layon pandiwa.

Page 12: Sintaksis112

Mayroon tayong iba’t ibang uri ng panguri:

1.Panaguring Pangngalan2.Panaguring Panghalip3.Panaguring Pang-uri4.Panaguring Pandiwa5.Panaguring Pang-abay6.Panaguring Pawatas

Bawat uri ay maaring buuin ng isa o higit pang salita o ng isa o higit pang parirala.

Page 13: Sintaksis112

Maipapakita sa pamamagitan ng mga sumusunod na balangkas ang mga uri ng panaguri

Page 14: Sintaksis112
Page 15: Sintaksis112
Page 16: Sintaksis112

Bigyang-halimbawa natin ang mga uri ng panaguri.

Page 17: Sintaksis112

1. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.

2. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editoryal ngayon.

1. Siya ang puno ng barangay.

2. Kayong mga kalabat namin ang aming inaasahan sa kilusang ito.

Page 18: Sintaksis112

1. Malinamnam ang manggang hinog.

2. Mainam sa kalusugan ang klima sa Pilipinas.

1. Nagsasaka siya.

2. Nagsasaka sa mga gilid ng bundok ang mga Ifugao.

Page 19: Sintaksis112

1. Bukas ang alis ng mga turista

2. Ganito ang pagluluto ng paborito mong ulam.

1. Magbasa (ng komiks) ang kinalilibangan ng Lola.

2. Manggamot ang naging trabaho niya sa ngayon.

Page 20: Sintaksis112

Ang panaguring panghalip ay maaaring (a) panghalip na panao, o (b) panghalip na pamatlig. Panghalip na panao yaong inihahalili sa pangngalang pantangi. Halimbawa:

Panghalip na pamatlig yaong panghalip na nagtuturo ng isang tao o bagay. Halimbawa:

Siya ang puno ng barangay.

Ito ang babuyan ni Mang Jose.

Ang panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala. Halimbawa:

1. Mabuti ang batang may disiplina.2. Para sa bayan ang kanyang balak.

Ang panaguring pandiwa ay yaong ang pinakamahalagang salita ay pandiwa. Makikilala ang pandiwa dahil sa impleksyon o banghay nito ayon sa aspekto. Halimbawa:

Nagtanim/Nagtatanim/Magtatanim ng gulay si Manuel.

Page 21: Sintaksis112

Dalawa ang uri ng panaguring pandiwa: (a) yaong may komplimento o layon at (b) yaong walang komplimento o layon. Ang pag-uuring ito ay batay sa mga uri ng pandiwa.

May tatlong uri panaguring pandiwa: (a) pandiwang katawanin, (b) pandiwang ganap na paglipat at (c) pandiwang di-sapilitang palipat. Ang ikalawang uri ay matatawag na abosolutong palipat, samantalang ang ikatlo ay matatawag namang palipat na opsyunal.

Page 22: Sintaksis112

Katawanin yaong pandiwang likas na di nangangailangan o di malalagyan ng tuwirang layon. Halimbawa:

1. Gumising siya ng maaga kangina.

2. Kumulo ang tubig.

Ganap na palipat yaong pandiwang laging may kasamang tuwirang layon. Sa ganirong uri ng pandiwa ay hindi maaaring alisin ang tuwirang layon ng hindi masisira ang kabuuan ng diwa ng pangungusap. Halimbawa

1. Nagpatay ng baboy si Mang Gusting.

2. Nagpatakbo ng sasakyan si Mang Tiago.

Page 23: Sintaksis112

Di sapilitang palipat yaong maaaring mayroon o walang kasamang tuwirang layon. Halimbawa:

1. Kumain siya.

2. Kumain siya ng pansit luglog sa palengke.

a) Pangngalang Pantangi1. Ngalan ng Tao

Tinawag ng guro si Nestor.

2. Ngalan ng BagayInawit ni Pilita ang “Dahil sa Iyo”.

3. Ngalan ng PookDinarayo ng mga turista ang Antipolo.

4. Ngalan ng PangyayariPinagdiriwang ng bayan Araw ng

Kalayaan.

Page 24: Sintaksis112

b) Pangngalang pambalana1. Ngalan ng Tao

Tinawag ng guro ang mag-aaral.

2. Ngalan ng BagayInawit ni Pilita ang awit na gustong-gusto mo.

3. Ngalan ng PookKinawiwilihan ng mga turista ang magagandang pook sa

Pilipinas

4. Ngalan ng PangyayariIpinagdiwang ni Celia ang kanyang kaarawan.

c) Panghalip1. Panao

Tinawag siya ng guro.

2. PamatligInilagay niya roon ang bulaklak

Page 25: Sintaksis112

Ang pangngalang ginagamit na panaguri ay maaaring may dalawang uri: (a) tiyak at (b) di-tiyak.

Tiyak kapag ang pang-ngalang ginagamit na panaguri ay pantangi. Halimbawa:Si G. Perez ang pangulo ng kapisanan.

Di-tiyak naman kapag ang ginagamit na panaguri ay pambalana, maliban kung may kasamng panghalip na pamatlig. Halimbawa:

1. Ginto ang alahas.2. Tao ang may isip.

Halimbawa ng mga panaguring tiyak dahil may panghalip na pamatlig:

1. Ganitong aklat ang hinahanap niya.2. Ang paborito niyang pagkain ay ang gulay na

ito.

Page 26: Sintaksis112

Ang tatlong uring ito ng pandiwa, kung ginagamit na panaguri sa loob ng pangungusap, ay maipakikilala sa mga sumusunod na sanga-sangang balangkas.

Page 27: Sintaksis112
Page 28: Sintaksis112

Tulad ng panaguri, mauuri rin ang mga paksa, ayon kung anong bahagi ng panalita ang ginagamit. Ito ang:

1.Paksang Pangngalan2.Paksang Panghalip3.Paksang Pang-uri4.Paksang Pang-abay5.Paksang Pandiwa6.Paksang Pawatas

Ang mga paksang ito ay katulad din sa mga uri ng panguri.

Page 29: Sintaksis112

Maipapakita sa pamamagitan ng mga sumusunod na balangkas ang mga uri ng panaguri

Page 30: Sintaksis112
Page 31: Sintaksis112
Page 32: Sintaksis112

Bigyang-halimbawa natin ang mga uri ng paksa.

Page 33: Sintaksis112

1. Sumusulat ng talambuhay ang pinuno.

2. Naghihintay ng ulang ang mga magsasaka.

1. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

2. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang pangkalawakan.

Page 34: Sintaksis112

1. Hinahangaan ang matatalino.

2. Kapuri-puri ang mga masisipag.

1. Huwag mong gambalain ang nananalangin.

2. Mahuhusay ang mga namumuno.

Page 35: Sintaksis112

1. Ang dito ay maghintay muna.

2. Ang doon ay pasulungun agad.

1. Hilig niya ang magtinda.

2. Kinalilibangan ko ang magbasa.

Page 36: Sintaksis112

Dapat pansining ang pang-uri, pang-abay, pandiwa o pawatas na ginagamit na paksa ay gumaganap ng tungkulin ng isang pangngalan.

Page 37: Sintaksis112

Ang panguri ay maaaring buuin ng isang salita, isang parirala o isang sugnay.

Ang panaguring isang salita lamang ay maaaring pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa o pawatas. Sa sinabing isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.

Page 38: Sintaksis112

Pariralang Pang-ukol1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang

kumperensya kahapon.

Pariralang Pawatas1. Mag-aral magmaneho ng awto ang aasikasuhin niya

ngayong bakasyon.

Ang panaguring parirala ay maaaring pariralang pang-ukol o pariralang pawatas na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan, pang-uri o pang-abay.

Page 39: Sintaksis112

Panaguring Sugnay1. Ang sinabi niya ay ipapadala raw kami sa

Malaysia.

Maaari ring gamiting panaguri ang sugnay. Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng pangngalan.

Page 40: Sintaksis112

Panaguring Tambalang Pangngalan1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.

Ang mga uri ng panaguri sa itaas ay mga payak na panaguri. Payak sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala o sugnay na pinag-uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay sinasabing tambalan.

Panaguring Tambalang Parirala1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong

pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.

Panaguring Tambalang Sugnay1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at

ipasyal mo kami sa Rizal Park.

Page 41: Sintaksis112

Ang paksa ay maaari ring buuin ng isang salita, isang parirala o isang sugnay. Tulad ng panaguri, ang paksang iisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa o pawatas.

Paksang Iisahing Salita:1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa

pagpaplano ng pamilya.

Page 42: Sintaksis112

Paksang Pariralang Pang-ukol:1. Ang para sa amin ay sa inyo na.

Maaari ring buuin ng pariralang pang-ukol o pariralang pawatas ang paksa

Paksang Pariralang Pawatas:1. Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa parang.

Paksang Sugnay:1. Na mayaman sa likas na kayamanan ang

Pilipinas ay hindi mapasusubalian..

Page 43: Sintaksis112

Simunong Tambalang Salita:1. Si Balagtas at si Husing Sisiw ay mga makatang

Pilipino.2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino at

masipag.

Payak na simuno ang mga uri ng simuno sa itaas. Kapag ang simuno ay may dalawa o higit pang salita, parirala, o sugnay, ang simuno ay tambalan

Page 44: Sintaksis112

Simunong Tambalang Sugnay:1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay

magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyahan mo na.

2. Natitiyak ni Danilo na may tao sa bahay ngunit walang tao sa bakuran.

Simunong Tambalang Parirala:1. Ang hinggil sa linggwistika at kasaysayan ay hindi

pa tinatalakay sa pulong.2. Libangan ng kanyang maybahay ang magbasa ng

mga magasing tagalog o manood ng pelikulang tagalog.

Page 45: Sintaksis112

Sa Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Nasa ibaba ang halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa.

Page 46: Sintaksis112

Ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay, atb. Pinangungunahan nito ng may o mayroon.

a) May mga turista ngayon sa Liliw.

b) Mayroong ganito rito.

Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong pangungusap.

a) Kay ganda ng tanawin ng Pilipinas!

b) Ang tapang mo pala!

Page 47: Sintaksis112

Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding dadamdamin.

a) Ay!

b) Aray!

Nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang mga ganitong pangungusap.

a) Alas-dos na.

b) Mainit ngayon.

c) Umuulan.

d) Maaga pa.

Page 48: Sintaksis112

Mga pagbati, pagbibigay-galang, atb., nakagawian na sa lipunang Pilipino.

a) Magandang umaga po.

b) Tao po.

c) Mano po.

d) Salamat po.

Page 49: Sintaksis112

Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang panlahat na mga bahaging ito ay maaaring buuin pa ng mga maliliit na bahagi. Napapalawak ang pangungusap dahil sa mga maliliit na bahaging ito.

Ang mga pampalawak ng mga pangungusap ay (1) Paningit, (2) Panuring (Pang-uri at Pang-abay), (3) Pamuno at mga kaganapan.

Page 50: Sintaksis112

Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa mga pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Narito ang talaan ng ating mga paningit

ba nakasi namankaya ngadaw/raw padin/rin palaho polamang/lang sanaman tuloymuna yata

Page 51: Sintaksis112

Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap. Karaniwang ang paningit ay kasunod ng unang salitang may diin sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko, at mo ay maaaring manguna sa mga paningit. Mga paningit na panghalip ang tawag sa mga ito.

Narito, samakatuwid, ang tuntunin sa wastong paggamit ng mga paningit.

1. Unang salitang may diin + paningit

2. Unang salitang may diin + ka/ko/mo + paningit

Page 52: Sintaksis112

1. Unang salitang may diin + paningit

a) Ang bata na ang tawagin mo.b) Hindi naman kayo matuloy ay dapat kang maghanda.

2. Unang salitang may diin + ka~ko~mo + paningit

a) Bakit ka nga ba hindi dumating?b) Hinintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.c) Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis?

Page 53: Sintaksis112

Sa ating talaan ng mga paningit ay mapapansing may mga paningit na malayang nagkakapalitan, tulad ng daw ~ raw at din ~ rin.

Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kahit na sa anong kapaligirang ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nagbibigay ng pagkakaiba sa gamit ng daw at raw, din at rin. Ang daw at din ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at rin ay ginagamit naman kapag ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig na /w/ o /y/.

Page 54: Sintaksis112

1. Malaki naman daw ang hinihingi mo kaya hindi ka niya

napagbigyan.

2. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan.

3. Swelduhan daw din ang ama niya.

4. Maswerte na rin naman ang batang iyon.

5. Buhay raw ang mga nakulong sa minahan.

6. Kalabaw raw ni kuya nag nawala.

Ang lamang ay pormal na anyong kolokyal na anyong lang.

1. Isasangguni po lamang namin sa tagapangulo ng komite ang

hinggil sa mga suliranin ng mga kasapi.

2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

Page 55: Sintaksis112

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pan-uri o kapwa pang-abay.

Narito ang ilang pangungusap na nagpapakita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng mga pang-uri.1. Batayang Pangungusap

Ang mag-aaral ay iskolar.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri

Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

Page 56: Sintaksis112

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring

a. Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.

b. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar.

c. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar sa

pamantasan.

d. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar ng

pamahalaan sa pamantasan.

e. Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling

magtalumpati ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan

Page 57: Sintaksis112

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng isang bahagi na panalita

na gumaganap ng tungkuling ng pang-uri.

a. Pangngalang ginagamit ng panuring

Ang mag-aaral na babae ay iskolar.

b. Panghalip na ginagamit na panuring

Ang mag-aaral na babaing iyon ay iskolar.

c. Pandiwa na ginagamit na panuring

Ang mag-aaral na babaing iyon na nagtatalumpati ay

iskolar.

Page 58: Sintaksis112

Bigyang-halimbawa naman natin ang mga pampalawak na pang-abay.

1. Batayang Pangungusap

Umalis ang mag-anak.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na

pamanahon

Umalis agad ang mag-anak.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na

pamaraan

Patalilis na umalis agad ang mag-anak.

Page 59: Sintaksis112

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan nang pandiwa ay mga pampalawak din ng pangungusap. Apat sa mga kaganapang ito:

1.Kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa2.Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa3.Kaganapang sanhi4.Kaganapang direksyonal5.Kaganapang tagaganap6.Kaganapang layon

Page 60: Sintaksis112

Bigyan halimbawa natin ang mga kaganapan ng pandiwa na ginagamit sa pagpapalawak ng pangungusap.

1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa

Nagpiknik ang mag-anak sa tabing-dagat.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa

Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na ito.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi

Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

Page 61: Sintaksis112

4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyonal

Nagtanong si Baby Linda kay Ben.

5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagaganap ng pandiwa

Kinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak.

6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon

Namili ng mga alahas si Josefina.

7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap

Nagluto si Pining para sa mga bata.