Top Banner
Pedro Cruz Reyes, Jr
10

Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Mar 05, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Pedro Cruz Reyes, Jr

Page 2: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang manunulat at propesor na mas kilala sa pangalang Jun Cruz Reyes.

Isa siyang award winning na manunulat ng mga nobela, maikling kwento, sanaysay at gumawa na rin siya ng mga bayograpiya at translations.

Page 3: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Mahilig siya sa potograpiya at gumawa na siya ng documentary film. Nagtapos siya sa Lyceum of the Philippines na may degree sa BS Foreign Studies.

Ilan sa mga sinulat niya ay Utos ng Hari, Mga Kwentong Kapos at Syeyring. Nanalo siya ng pangalawang gantimpala Gawad-Palanca para sa kwentong ito.

Page 4: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Nagsimula ang kwento sa pagpakita sa pamimigay ng mga relief goods para sa mga biktima at nasalanta ng bagyo. Marami ay nabaha at hindi makakuha ng pagkain. Mapili ang pamimigay ng relief goods kaya hindi nabigyan ang nanay ni Ato, si Nana Tesang ng pagkain.

Naisip ni Ato ang hirap na dinulot ng bagyo sa pamilya niya. Kapag malakas ang ulan at mabilis ang pagtaas ng tubig, walang tigil silang kumukuha ng mga gamit nila para hindi mawala at mabasa sa baha.

Page 5: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Kinabukasan ay pinuntahan niya si Ka Teban para tumulong isalvage ang mga pananim na natira. Habang sila ay nagpapahinga, may nakita si Ato na toy boat sa may labas ng bakuran.

Naisip rin ni Ato ang kahirapan ng pamilya niya. Nakita niya na nagugutom na ang mga kapatid niya. Nagpunta siya ngayon sa palengke.

Page 6: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Habang siya ay naroon sa may tapat ng tindahan ni Mrs. Lim, natempt siya magnakaw subalit siya ay nahuli ng mga pulis. Siya ay binugbog at ininterogate.

Ang ama niya noon ay nangako na magiging mabuti ang kalagayan nila sa buhay. Tumira sila bilang skwater sa lupa na hindi nila pagmamayari pero nagtrabaho naman ang kanyang ama kaya napagaral si Ato at ang kapatid niyang si Neneng. Nang mamatay ang kanyang ama sa isang sakit, biglang nagbago muli ang kalagayan ng pamilya ni Ato.

Page 7: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Si Ato ay nagtrabaho kasama si Neneng na tagabenta ng kakanin at dyaryo. Kahit ay hindi malaki ang kita ng magkapatid, nakakahanap pa naman sila ng pagkain para sa isang araw.

Subalit isang araw, may dumating na bulldozer at giniba ang bahay ng magkapatid. Lahat ng ibang pamilya ay pinaalis na rin doon. Nakitira muna silang sa mga kamaganak nila, pero di nagtagal ay lumipat na sila sa probinsya.

Page 8: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Nakita ni Ato sa labas ng kanyang selda na may mga naglalaro muli ng mga barkong gawa sa papel. Pinasok niya ang kamay niya sa kanyang bulsa, at naramdaman niya ang bigas na natira mula sa ninakaw niya.

Page 9: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

ATO= Galing sa mahirap na pamilya

TATAY NI ATO= Isang welder na namatay dahil sa ulcer

TIYO MANUEL= Ang tiyuhin ni Ato na nagbigay ng trabaho

KA TEBAN= Ang mayamang taga Dulong Baryo na nagpapatulong sa pagiimbak ng palay sa kanyang trak dahil baka mabasa ng bagyo

Page 10: Si Pedro Cruz Reyes Jr ay isang - baixardoc

Ang leksyon ng kwento ay ang realidad na kailangan kumayod sa buhay para ikaw ay makaraos. Hindi dumarating basta basta ang mga biyaya na binibigay ng Diyos. Pinaghihirapan ang bawat butyl ng bigas na ibinibigay sa atin.

Para kay Ato, kahit bata pa siya, alam nating gusto niyang makatulong pero sa paraang legal dapat. Hindi sa pagnanakaw o sa kung anu pa man. Kung sa pagbebenta ng dyaryo ay hindi sapat para sa kanya, hayaan natin na sipag ang magdala sa atin sa ikatatagumpay natin.