Top Banner
MALAY 33 (2) June 2021, pp. 58-73 Copyright © 2021 by De La Salle University Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study tungkol sa Batangueñang E-trepreneurship Gamit bilang Lente ang Modipikadong Teorya ng mga Kapital ni Pierre Bourdieu / Mara, Tara, and Vhaya: Case Studies on Batangueña E-trepreneurship Using Pierre Bourdieu’s Modified Theory of Capitals Analiza D. Resurreccion De La Salle Lipa, Batangas, Philippines [email protected] F.P.A. Demeterio III De La Salle University, Manila, Philippines [email protected] Matatagumpay na e-trepreneurs sina Mara Jessa Adarlo, Tara Denisse Cleofe-Gutierrez at Genevieve “Vhaya” Gabilan-De Veyra sa probinsiya ng Batangas, Pilipinas. Si Pierre Bourdieu ay isang post-Marxistang pilosopong Pranses na nagmungkahing ang kapital ni Marx ay hindi sapat na dalumatin lamang bilang pinansiyal na kapital. Sa halip, naghain si Bourdieu ng apat na uri ng kapital: ang pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, at simbolikong kapital. Pinagpasyahan ng mga may-akda na idagdag sa apat na ito ang emosyonal na kapital dahil sa konteksto ng araling Pilipino, mahalagang salik ang lakas ng loob at mga pinaghuhugutan ng inspirasyon bilang ilan sa mga pundasyon ng tagumpay. Gamit ang metodo ng case study, sinuri ng papel na ito kung paano hinubog ng limang kapital ang bawat e-terprise ng nasabing tatlong Batangueña, at kung paano naman binago ng kani-kanilang e-terprise ang kani-kanilang limang kapital. Lumabas sa pagsusuri na ang kultural at simbolikong mga kapital ang dalawang pinakamahalagang pundasyon ng kanilang e-trepreneurship, habang ang pang- ekonomiko at kultural na mga kapital naman ang dalawang pinakabinago ng kanilang e-trepreneurship. Ang kaalamang nakalap ng papel na ito ay mahalaga bilang inisyal na hakbang para unawain ang anyo ng Batangueñang e-trepreneurship, ng Pilipinang e-trepreneurship, at pati na ng e-trepreneurship sa Pilipinas. May teoretikal na kontribusyon din ang papel na ito sa puntong sinubukan nitong maglahad ng modipikasyon sa tanyag nang teorya ng mga kapital ni Bourdieu.
16

Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Apr 25, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

MALAY 33 (2) June 2021, pp. 58-73

Copyright © 2021 by De La Salle University

Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Studytungkol sa Batangueñang E-trepreneurship Gamit bilang Lente ang Modipikadong Teorya ng mga Kapital ni Pierre Bourdieu /

Mara, Tara, and Vhaya: Case Studies on Batangueña E-trepreneurship Using Pierre Bourdieu’s Modified Theory of Capitals

Analiza D. ResurreccionDe La Salle Lipa, Batangas, [email protected]

F.P.A. Demeterio IIIDe La Salle University, Manila, [email protected]

Matatagumpay na e-trepreneurs sina Mara Jessa Adarlo, Tara Denisse Cleofe-Gutierrez at Genevieve “Vhaya” Gabilan-De Veyra sa probinsiya ng Batangas, Pilipinas. Si Pierre Bourdieu ay isang post-Marxistang pilosopong Pranses na nagmungkahing ang kapital ni Marx ay hindi sapat na dalumatin lamang bilang pinansiyal na kapital. Sa halip, naghain si Bourdieu ng apat na uri ng kapital: ang pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, at simbolikong kapital. Pinagpasyahan ng mga may-akda na idagdag sa apat na ito ang emosyonal na kapital dahil sa konteksto ng araling Pilipino, mahalagang salik ang lakas ng loob at mga pinaghuhugutan ng inspirasyon bilang ilan sa mga pundasyon ng tagumpay. Gamit ang metodo ng case study, sinuri ng papel na ito kung paano hinubog ng limang kapital ang bawat e-terprise ng nasabing tatlong Batangueña, at kung paano naman binago ng kani-kanilang e-terprise ang kani-kanilang limang kapital. Lumabas sa pagsusuri na ang kultural at simbolikong mga kapital ang dalawang pinakamahalagang pundasyon ng kanilang e-trepreneurship, habang ang pang-ekonomiko at kultural na mga kapital naman ang dalawang pinakabinago ng kanilang e-trepreneurship. Ang kaalamang nakalap ng papel na ito ay mahalaga bilang inisyal na hakbang para unawain ang anyo ng Batangueñang e-trepreneurship, ng Pilipinang e-trepreneurship, at pati na ng e-trepreneurship sa Pilipinas. May teoretikal na kontribusyon din ang papel na ito sa puntong sinubukan nitong maglahad ng modipikasyon sa tanyag nang teorya ng mga kapital ni Bourdieu.

Page 2: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 59Resurreccion & Demeterio

Mga Susing Salita: Emosyonal na Kapital, E-trepreneuship, E-trepreneurship sa Pilipinas, Kultural na Kapital, Mga Pilipinang E-trepreneur, Pang-ekonomikong Kapital, Panlipunang Kapital, Pierre Bourdieu, Simbolikong Kapital

Mara Jessa Adarlo, Tara Denisse Cleofe-Gutierrez, and Genevieve “Vhaya” Gabilan-De Veyra are successful e-trepreneurs in the province of Batangas, Philippines. Pierre Bourdieu is a post-Marxist French philosopher who argued that the capital of Marx is not adequate if it continues to be conceptualized as financial capital only. Consequently, Bourdieu proffered four types of capital: economic, cultural, social, and symbolic capital. The authors of this paper deemed it appropriate to add to these four capitals a fifth one, emotional capital, because in the context of Philippine studies, inner strength and sources of inspiration are important factors as bases of success. Using the method of case study, this paper explored how these five capitals of these three Batangueña shaped their respective e-terprises, and how their e-terprises in return modified their five capitals. The results of this study showed that cultural and symbolic capitals are the two most important foundations of their e-trepreneurship, while economic and cultural capitals are the two capitals that were most modified by their e-trepreneurship. The knowledge gleaned by this paper is important as an initial step in understanding the nature of Batangueña e-trepreneurship, Filipina e-trepreneurship, and even e-trepreneurship in the Philippines. This paper also has a theoretical contribution in the sense that it attempts to introduce a modification on Bourdieu’s famous theory of capitals.

Keywords: Cultural Capital, Economic Capital, Emotional Capital, E-trepreneuship, E-trepreneurship in the Philippines, Filipina E-trepreneurs, Pierre Bourdieu, Social Capital, Symbolic Capital

PANIMULA

Ang papel na ito ay tungkol sa tatlong matagumpay na Batangueñang e-trepreneurs na sina Mara Jessa Adarlo, Tara Denisse Cleofe-Gutierrez, at Genevieve “Vhaya” Gabilan-De Veyra. Ang Batangas ay isang probinsiya sa Timog Luzon, at sa lungsod ng Batangas, ang kabisera ng probinsiya, at lungsod ng Lipa, ang sentro ng komersyo ng probinsiya, pangunahing nagnenegosyo ang tatlong e-trepreneurs na ito. “E-trepreneurship” ang turing ng papel na ito sa entrepreneurship na nakabatay sa information communication technology, na minsan ay tinatawang ring “digital entrepreneurship,” “e-commerce,” “cyberpreneurship,” “e-entrepreneurship,” at “on-line entrepreneurship” (Esmaeeli 163; Chan, et. al. 1). Batay sa paulit-ulit na pagkonsulta ng mga may-akda ng papel na ito sa Google Scholar, wala pang literatura ang nailathala tungkol sa e-trepreneurship sa Batangas, o sa sinumang Pilipinang e-trepreneur, at maski sa e-trepreneurship sa Pilipinas. Ika-11 ng Marso 2018 ang pinakahuling pagkonsulta ng mga may-akda sa

nasabing higanteng database ng mga pananaliksik. Ang Batangas ay isa sa mga bumubuo ng nucleus

ng industriyalisasyon sa Pilipinas.Hindi maikakaila ang pagiging angat ng lalawigan bunsod ng pagtataglay nito ng diversified economic profile. Kabilang ito sa nangungunang sampu sa 75 lalawigan sa 2018 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI), isang pagtatasa sa kasiglahan sa ekonomiya, kahusayan ng gobyerno, imprastruktura at katatagan. Ito ang nagbunsod sa mga may-akda upang ituon sa lalawigan ang isinagawang pag-aaral. Samantala, naging basehan ng pagpili sa tatlong e-trepreneur ang pagiging tagapanguna ng mga ito sa paggamit ng kanilang mga personal na social media account upang ipakilala ang ibinibentang produkto at serbisyo.

Layunin

Nilayon ng papel na suriin kung paano hinubog ng limang kapital ang bawat e-terprise ng nasabing tatlong Batangueña, at kung paano naman binago ng kani-kaniyang e-terprise ang kani-kaniyang limang

Page 3: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

60 Malay Tomo 33 Blg. 1

kapital. Ang mga tiyak na suliranin ng papel na ito ay: 1) ano-ano ang mga taglay na pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, simboliko, at emosyonal na kapital ng mga Batangueñang e-trepreneur?; 2) aling kapital ang pinakamahalaga sa pagsisimula at pagpapalago ng kani-kaniyang e-terprise?; 3) paano binago ng kani-kaniyang e-terprise ang kani-kaniyang mga kapital; at 4) aling kapital ang pinakabinago ng kani-kaniyang e-terprise?

Kahalagahan

Ang kaalamang nakalap ng papel na ito ay mahalaga bilang inisyal na hakbang para unawain ang anyo ng Batangueñang e-trepreneurship, ng Pilipinang e-trepreneurship, at pati na ng e-trepreneurship sa Pilipinas. Partikular namang magagamit sa pangkalahatan ng mga baguhang negosyante ang hatid nitong kabatiran tungkol sa mahahalagang kapital na magsisilbing pundasyon sa pagsisimula at maging sa pagtataguyod ng kanilang napupusuang negosyo.

May teoretikal na kontribusyon din ang papel na ito sa puntong sinuri nito ang kaangkupan ng teorya ng mga kapital ni Bourdieu sa isang pananaliksik na ginawa sa kontekstong Pilipino, sa puntong sinuportahan nito ang mga nagawa nang inisyatiba sa pagdagdag ng emosyonal na kapital bilang panglimang anyo ng kapital, at sa puntong ginamit nito ang teorya ni Bourdieu sa isang pananaliksik na may kinalaman sa araling pangkababaihan. Inaasahan ng mga may-akda na mas tugma ang modipikadong teorya ng limang kapital para sa mga pananaliksik sa malawak na larangan ng araling Pilipino, lalo na sa araling pangkababaihan sa Pilipinas.

Mainam ding naidokumento sa pamamagitan ng papel na ito ang e-trepreneurship bago ang pandemya sapagkat naging biglaan ang pagsulong nito dulot ng Covid-19. Magsisilbi itong baseline data sa isasagawang komparatibong pananaliksik tungkol sa e-trepreneurship bago ang pandemya at e-treprenuerhsip sa panahon ng pandemya sa lalawigan ng Batangas.

Limitasyon

Noong ginawa ang pananaliksik para sa papel na ito, hindi pa nauuso ang mga food/parcel delivery online application, tulad ng Lalamove, Food Panda, at Grab Food, maski sa Metro Manila. Ngayong inihahanda na

ng mga may-akda ang artikulong ito, mayroon nang Food Panda, Grab Food, Ala Eh Express, at iba pa sa Lipa City at Batangas City. Hindi naisama sa papel na ito ang inisyal na epekto ng mga online application na nabanggit sa e-trepreneurship ng pinag-aralang tatlong Batangueña.

METODOLOHIYA

Case study ang pangunahing disenyo ng pag-aaral na ito. Ito ang pinakamainam na pamamaraang natukoy ng mga mananaliksik sapagkat limang baryante na pawang mahahalaga ang sinuri upang lubusang maisakatuparan ang inilahad na layunin, at mga suliranin ng pag-aaral. Gayundin, angkop ang pamamaraang ito sa pagkamit ng mga kabatirang naka-angkla sa mga sitwasyong totoong buhay ng mga itinampok na e-trepreneurs na nagreresulta sa isang mayaman at holistikong salaysay tungkol sa isang penomenon, ang e-trepreneurship. Nag-aalok din ito ng mga pananaw at nagpapaliwanag ng mga kahulugan na nagpapalawak sa mga karanasan ng mga mambabasa. Bagaman, batid ng mga mananaliksik na dahilan sa natatanging kakanyahan ng pamamaraang ito ay tanging nakabase lamang sa mga inilahad na tugon ng mga e-trepreneur ang naging talakay sa kabuoan ng papel.

Modipikadong teorya ng mga kapital naman ng post-Marxista at Pranses na pilosopong si Pierre Bourdieu ang ginamit bilang hermenyutikal na balangkas. Ang modipikasyong ginawa ng papel na ito sa kaisipan ni Bourdieu ay ang pagdagdag ng isa pang uri ng kapital, ang emosyonal na kapital, sa kanyang apat na kapital. Naniniwala ang mga may-akda ng papel na ito na ang karagdagang kapital ay isang mahalagang dimensiyon sa mga konteksto ng kulturang Pilipino, araling pangkababaihan, teoryang pang-edukasyon, at pananliksik tungkol sa ingklusyon, dahil ang usapin tungkol sa lakas ng loob at mga pinaghuhugutan ng insipirasyon ay matitingkad na usapin bilang ilan sa mga pundasyon ng tagumpay.

Batay sa nabanggit nang teorya, mga pangkalahatan at tiyak na suliranin at tunguhin, ipinakikita ng figure 1 ang sinundang konseptuwal na balangkas ng papel na ito.

Page 4: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 61Resurreccion & Demeterio

Figure 1: Konseptuwal na Balangkas

Modipikadong Teorya ng mga Kapital niBourdieu

Naipakita na ni Marx kung gaano kasentro ang kapital sa kanyang pananaliksik tungkol sa modernong lipunan. Ngunit nakatali ang kapital na ito sa diskursong pinansiyal at pang-ekonomiko (Bourdieu, Forms of Capital 241). Kaya para kay Marx, ang kapital ay pera o kayamanan na ginagamit sa paglikha ng karagdagang pera o kayamanan. Naniniwala si Bourdieu na hindi sapat ang konsepto ng kapital ni Marx para dalumatin nang husto ang konsepto ng kapangyarihan sa anumang lipunan (241). Kaya iminungkahi niya ang apat na anyo ng kapital: 1) ang pang-ekonomikong kapital, na lubusan nang pinag-aralan ni Marx, 2) ang kultural na kapital, 3) ang panlipunang kapital, at 4) ang simbolikong kapital.

Ayon kay Bourdieu, nagkaka-iba-iba ang taglay na kapangyarihan ng mga indibidwal at institusyon sa loob ng isang larangan, at nagkaka-iba-iba rin ang mga habitus (isang sistema ng disposiyon sa pagkilos, pakiramdam, at pag-iisip) ng mga panlipunang uri at ng mga maliit na pangkat, dahil nagkakai-iba-iba ang kompigurasyon ng mga kapital na hawak nila. Isang uri ng kapangyarihan ang kapital na maaaring gamitin para makamtan ang mga kanais-nais na bagay o karagdagang kapangyarihan at iba pang anyo ng kapangyarihan. “Capital is accumulated labor. . . which, when appropriated on a private. . . basis by agents or groups of agents, enables them to appropriate social energy in the form of reified or living labor,” pahayag ni Bourdieu (Bourdieu, Forms of Capital 241). Ang kapangyarihan bilang kapangyarihan ay hindi maituturing na kapital kapag hindi ito ginagamit bilang kasangkapan para makamtan ang mga kanais-nais na

bagay, o hindi kaya para lumikha ng karagdagang kapangyarihan at iba pang anyo ng kapangyarihan.

Ang pang-ekonomikong kapital ay kayamanang maaaring minana o di kaya naman ay nakamtan ng indibidwal sa pamamagitan ng kanyang interaksiyon sa iba’t ibang indibidwal sa lipunan (Bourdieu, Social Space 725). Tumutukoy din ito sa taglay na pera, lupain ng isang indibidwal, stock at share ng mga korporasyon, at iba pang kahalintulad na bagay. Ang sinumang mayroong pang-ekonomikong kapital ay mayroon ding kapangyarihan sa loob ng isang larangan. Ito ang dahilan kung bakit makapangyarihan ang mayayaman (Bourdieu, Forms of Capital 242).

Subalit napansin ni Bourdieu na kahit sa mga simpleng lipunan, hindi lamang nakabatay ang kapangyarihan ng isang indibidwal sa kanyang lupain, alagang hayop, at mga kagamitan sa pagsasaka (Bourdieu, Forms of Capital 242 ). Nakabase rin ito sa laki ng kanyang angkan na maaari niyang sandalan tuwing magkakaroon ng problema. Gayundin sa lawak ng kanyang mga kaalyansa na maaari niyang maging kaabay sa palitan ng mga produkto, pangangalakal, at pakikidigma. Kaya malinaw para sa kanya na hindi sapat ang pang-ekonomikong kapital para ipaliwanag ang kabuoan ng kapangyarihan (Bourdieu, Forms of Capital 242 ). Kaya napagpasyahan ni Bourdieu na dalumatin ang iba pang anyo ng capital: “It is in fact impossible to account for the structure and functioning of the social world unless one reintroduces capital in all its forms and not solely in the one form recognized by economic theory” (Bourdieu 265).

Ang kultural na kapital ang pinakatanyag na konsepto ni Bourdieu. Relasyonal ang anyo nito at nagsisilbing katuwang ng iba pang kapital. Sa madaling salita, hindi ito lubusang mauunawaan kung ihihiwalay ito sa iba pang kapital (Bourdieu, Social Space 725). Tumutukoy ito sa kaalamang propesyonal, kasanayang teknikal, edukasyon, katatasan sa pagsasalita, kaalaman tungkol sa sining at kultura, at panlasang estetiko (Bourdieu, Forms of Capital 243). Sa isang modernong lipunan, nagiging kapital ang mga kultural na kasanayang ito dahil may aktuwal na merkado kung saan maaaring ikalakal ang mga ito. Maaaring umiral ang kultural sa kapital sa tatlong anyo. Una, sa embodied na anyo katulad halimbawa ng pangmatagalang disposisyon ng isip at katawan ng isang indibidwal. Ikalawa, sa obhektibong anyo na napabibilang dito ang mga kultural na ari-arian katulad ng mga aklat, mga dibuhong pintura, mga taglay na

Page 5: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

62 Malay Tomo 33 Blg. 1

kasangkapan, mga makinarya, at iba pa. Ikatlo, sa matatag na anyo katulad halimbawa ng pagtataglay ng diplomang katibayan ng natamong edukasyon mula antas elementarya hanggang kolehiyo (Bourdieu, 243).

Samantala, nagmumula sa mga koneksiyon ng isang indibidwal sa kaniyang mga kapamilya at iba pang miyembro ng komunidad ang kanyang panlipunang kapital (Bourdieu, Social Space 725). Tumutukoy ito sa mga kakilala, kasosyo, kamag-anak, at ka-alyansa na maaaring pagmumulan ng tulong, palitan, kalakal, proteksiyon, rekomendasyon, at iba pang kahalintulad na bagay (Bourdieu, Forms of Capital 247). Tiyak ang pagtataglay ng kapangyarihan ng sinomang sagana sa ganitong anyo ng kapital dahil mayroon siyang mas malawak na merkado kung saan maaari niyang ialok ang kaniyang ibang kapital. Mas mahirap isalin mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon ang panlipunang kapital kompara sa pang-ekonomiko at kultural na mga kapital. Hindi sapat para sa isang indibidwal ang pagkakaroon ng mga magulang na may malawak na panlipunang kapital. Kung may mamanahin man siyang ilang koneksiyon, dapat mayroon pa rin siyang sariling kasanayan sa pagpapanatili at pagpapalawak ng mga ito (Bourdieu, Forms of Capital 247).

Ang simbolikong kapital ang pang-apat na uri ng kapital ayon kay Bourdieu. Kasikatan, otoridad, at karisma ang pinagmumulan ng kapital na ito (Bourdieu, Social Space 275). Tumutukoy din ito sa karangalan at di-pormal na kapangyarihang politikal (Bourdieu, Forms of Capital 256). May ilang indibidwal sa loob ng lipunan na kahit walang hinahawakang posisyon ay tinitingala at kinikilala bilang lider. Kaya sinusunod ng iba ang sinomang mayroong simbolikong kapital. Isinatitik ni Bourdieu (256): “Symbolic capital is credit, it is the power granted to those who have obtained sufficient recognition to be in position to impose recognition.” Isang matingkad na halimbawa ng mga indibidwal na may taglay na simbolikong kapital sa konteksto ng Pilipinas ang mga artista sa pelikula at telebisyon. Makikitang pinaniniwalaan sila ng masa sa oras na mag-endorso ng mga kandidato sa politika o hindi kaya tumakbo sila bilang mga kandidato mismo.

Halos magkakahawig ang panlipunan at simbolikong kapital dahil pareho silang humahatak ng ayuda at suporta mula sa ibang tao. Ganito ang operasyonal na pagbubukod na tinahak ng papel na ito para tumingkad pa ang kanilang pagkakaiba. Sa panlipunang kapital, kilala ng indibidwal ang ibang indibidwal na bumubuo

ng kaniyang mga koneksiyon. Kaya, two-way ang pagkakakilalang sangkot dito. Sa simbolikong kapital, hindi na kilala ng indibidwal ang ibang indibidwal na tumitingala sa kanya. Kaya, masasabing one-way lamang ang pagkakakilalang sangkot dito.

Katulad sa nabanggit na sa introduksiyon ng papel na ito, para lalong maintindihan ang pinagmumulan ng e-trepreneurship ng tatlong Batangueña, pinagpasyahan ng mga may-akda na idagdag sa apat na mga kapital ni Bourdieu ang emosyonal na kapital. Ito ay dahil sa konteksto ng araling Pilipino, araling pangkababaihan, teoryang pang-edukasyon, at pananaliksik tungkol sa ingklusyon, ang usapin tungkol sa lakas ng loob at mga pinaghuhugutan ng inspirasyon ay matitingkad na paksa bilang ilan sa mga pundasyon ng tagumpay. Kapag ang apat na kapital ni Bourdieu lamang ang gagamitin, mapipilitan ang mga may-akda na ilagay sa ilalim ng kultural na kapital ang mga emosyonal na salik. Subalit, masyadong kognitibo at intelektuwal ang kulay at tono ng kultural na kapital para mabigyan ng sapat na pansin at saysay ang emosyonal na usapin sa likod ng tagumpay. Sinabi mismo ni Bourdieu: “acknowledging that capital can take a variety of forms is indispensible to explain the structure and dynamics of differentiated societies” (Bourdieu & Wacquant 119). Inilapat ng mga mananaliksik ang emosyonal na kapital bilang heuristikong kasangkapan sa paniniwalang nangangailangan ito ng mas ibayo pang teoretikal at empirikal na artikulasyon.

Ayon sa batikang Pilipinang pilosopo na si Emerita Quito, ang diwang Pilipino ay masyadong personalistiko at sensitibo. Idinagdag naman ng isa pang batikang Pilipinong pilosopo na si Florentino Timbreza na ang diwang ito ay subhektibo at nakatuon rin sa kalooban. Sa perspektiba ng Sikolohiyang Pilipino, kapag sinambit ng mga Pilipino halimbawa ang “Bahala na!” sinasabi nila sa kanilang mga sarili na handa nilang harapin ang mga balakid at mga hamong hatid ng haharapin nilang sitwasyon at gagawin nila ang kanilang makakaya upang maging matagumpay sa kanilang mga naisin (Lagmay, 120). Ang ekspresyong ito ay isang paraan ng pagpapadaloy ng lakas ng loob sa kanilang sistema upang manatili silang positibo. Sa katunayan, bago pa man nila sambitin ang ekspresyong ito, malamang sa hindi ay naisagawa na nila ang kanilang buong makakaya upang maging handa sa anumang haharaping sitwasyon.

Page 6: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 63Resurreccion & Demeterio

Sa pagsipat ng mga peminista, anumang suportang emosyonal na natatamo ng isang indibidwal, partikular sa mga kababaihan, mula sa mga taong nakapaligid sa kanya gayundin sa mga pangyayari sa buhay niya ay makabuluhan sa pagpapatingkad ng kanyang emosyonal na kapital (Lynch & Lyons 3). Pagsisiwalat pa ng teorista sa edukasyon na si Reay, si Nowotny ang nanguna sa paggamit ng emosyonal na kapital (568). Isina-teorya ni Nowotny ang emosyonal na kapital bilang anyo ng panlipunang kapital at itinuring niya ito bilang panlipunan at kultural na pinagkukunang nalikha buhat sa mabuting pakikipag-ugnayan partikular sa kinabibilangang pamilya. Binigyang diin ni Nowotny na ang emosyunal na kapital ay tumutukoy sa “knowledge, contacts and relations as well as access to emotionally valued skills and assets, which hold within any social network characterized at least partly by affective ties” (148). Bilang pagpapatibay sa analisis ni Bourdieu sa kababaihan bilang responsableng tagapagtaguyod sa panlipunang relasyon, itinuturing ni Nowotny ang emosyonal na kapital ay isang yaman na mas higit na taglay ng mga kababaihan kung ikokompara sa kalalakihan (Reay 568). Sa katunayan, nakabase sa konsepto ni Nowotny ang pagbibigay-depinisyon ni Allat sa emosyonal na kapital bilang “emotionally valued assets, skills, love and affection, expenditure of time, attention, care and concern” (143). Samakatuwid, maaari ring unawain ang emosyonal na kapital bilang emosyunal na yamang tumutukoy sa suporta, pagtitiyaga, at dedikasyon na nabuo sa pagdaan ng panahon partikular sa konteksto ng pamilya.

Sa pagtingin naman ng mga mananaliksik sa larangan ng ingklusyon, ang emosyonal na kapital katulad ng pang-ekonomikong kapital ay hindi patas na naibabahagi sa mga miyembro ng lipunan at ito ay nakabatay sa kung ano ang nakasanayan na (Hochschild 162; Shott 1317). Namamalas base sa emosyon ang mga interes ng isang indibidwal sa pang-araw-araw niyang interaksyon kasabay ng kanyang paglikha ng mas malawak na estruktural at kultural na kondisyon na nagaganap ang nasabing interaksyon (Erickson and Stacey 179). Bilang yamang transnasyonal, ang emosyunal na kapital ay hindi sinasadyang iniuugnay sa pagkaka-iba-iba ng kapangyarihan at pribilehiyo sa mga miyembro ng isang lipunan, kaya itinuturing din

itong susi sa pag-unawa sa papel na ginagampanan ng emosyon sa mga klasikong paksa ng sosyolohiya. Ang akumulasyon, diwa, at aktibasyon ng emosyonal na kapital ay isinasa-teorya bilang parte ng habitus ng isang indibidwal, na isang produkto at produktibong pinagmumulan ng relasyong panlipunan.

Kaya, sa konteksto ng pag-aaral na ito, ang emosyonal na kapital ay tumutukoy sa emosyonal na rekurso, positibo man o negatibo, na naipapasa mula sa mahahalagang indibidwal na nakasasalamuha ng mga e-trepreneur (kapamilya, kaibigan, tagagabay) sa proseso ng pang-araw-araw at palagiang emosyonal na pakikilahok o pakikisalamuha. Ito ang pinakamodipikasyong ginawa ng papel na ito sa teorya ng mga kapital ni Bourdieu. Sa halip na apat na kapital lamang, limang kapital ang gumagabay sa tatlong isinagawang case study: 1) ekonomiko, 2) kultural, 3) sosyal, 4) simboliko, at 5) emosyonal na kapital.

Pangangalap ng Datos

Para makapangalap ng sapat na datos para sa tatlong case study, nagsagawa ng inisyal na mga pakikipanayam ang pangunahing may-akda ng papel na ito sa tatlong Batangueñang sabjek ng pananaliksik. Magkasunod na isinagawa ang inisyal pakikipanayam kina Gutierrez at De Veyra noong ika-24 ng Nobyembre 2016, sa sangay ng Dencio’s Grill sa lungsod ng Lipa. Samantala, ang inisyal na pakikipanayam kay Adarlo ay isinagawa noong ika-7 ng Disyembre 2016, sa sangay ng Taza Mia Cafe sa De La Salle Lipa.

Noong isinagawa ng mga may-akda ang mga inisyal na pakikipanayam, wala pang tiyak na teoretikal na batayan ang binabalak nilang tatlong case study. Matapos ang masinsinang pag-aaral ng mga may-akda sa mga audio recording at buod ng tatlong inisyal na pakikipanayam, saka pa lamang nilang napagpasyahan na tugmangtugma ang modipikadong teorya ng mga kapital bilang teoretikal na batayan para sa nasabing pananaliksik. Nagsagawa ng follow up na pakikipanayam ang pangunahing may-akda kina Gutierrez at De Veyra noong ika-3 ng Nobyembre 2017, sa Cafe de Alps sa lungsod ng Batangas; at kay Adarlo noong ika-4 ng Nobyembre 2017, sa sangay ng McDonalds sa lungsod ng Lipa.

Bukas-loob na ibinigay ng mga respondent ang kanilang informed consent tungkol sa proyekto. Pumayag din silang gamitin ang kanilang tunay na identidad sa artikulong isusulat tungkol sa kanilang

Page 7: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

64 Malay Tomo 33 Blg. 1

e-trepreneurship. Dahil sa kakulangan ng pondo at panahon, hindi na nagawang i-transcribe ng mga may-akda ang anim na pakikipanayam at sa halip ay itinago na lamang ang mga ito bilang mga digital audio recording. Sangayon sa tamang etika ng pananaliksik, ipinakita muna ng mga may-akda sa tatlong e-trepreneurs ang papel na ito bago pa man ito isinumite bilang manuskritong pang-jornal.

TATLONG CASE STUDY

Bago pa man maging ganap na mga e-trepreneur sina Adarlo, Gutierrez, at De Veyra, una na silang nakilala bilang mga katangi-tanging Batangueña na nagtaguyod ng Heels on Wheels, isang car club na eksklusibo para sa mga Batangueñang yumayakap sa car culture mula pa noong taong 2012. Naghatid ito sa bawat isa sa kanila ng matatag na simbolikong kapital na di-naglaon ay nagbigay sa kanila ng kahandaan, katuwang ng taglay nilang matingkad nang kultural at iba pang kapital, upang isulong ang kani-kaniyang e-terprise. Ang tatlong Batangueñang e-trepreneur na ito ay nasa age bracket na 25 hanggang 30 na taon pa lamang noong isinagawa ang pananaliksik.

Si Mara Jessa Adarlo

Taglay ang matatag na simboliko at kultural na kapital, itinaguyod ni Adarlo ang kanyang e-terprise taong 2015 gamit bilang platform ang kanyang personal na akawnt sa Facebook. Nagsimula siya sa pagbebenta ng red velvet crinkles na nasundan ng marami pang iba’t ibang produktong pagkaing lapat sa panlasang Batangueño. Umaangkat si Adarlo ng mga produkto mula sa mga sikat na artista tulad nina Derek Ramsay (frozen brazo de mercedez), Maricar Reyes (chocoliquor cake), Ara Mina (cheesecake) at Bettina Carlos (customizable chocolate cake). Hindi rin nawawala sa mga regular niyang ibinebenta ang iba’t ibang klase ng mga imported na tsokolate at cookies, doughnut, mga bestseller na hopia, egg pie, brazo de mercedes, buko pie, cake, at iba’t ibang produkto ng Nathaniel’s Food Corporation. Ang mga produktong kanyang ibinebenta at iniaalok ay sinisigurado niyang magugustuhan ng masa sapagkat dama niya ang pulso ng marami sa kaniyang mga kostumer. Nagagawa niyang umangkat ng mga sikat at kilalang produkto mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Ang mga produktong kanyang ibinebenta ay

umaayon din sa kung ano ang panahon, ano ang uso at lapat sa panlasa ng nakararami. Kaya naman, patuloy pa itong nadaragdagan.

Ayon kay Bourdieu, ang lahat ng kalakal ay may taglay na kahalagahang ekonomikal lalo na kung ang mga ito ay may limitado lamang na suplay at may katangiang kahumalingan ng mga potensyal na tagatangkilik sa isang komunidad o lipunan (Bourdieu, Outline of a Theory 97). Sa kaso ni Adarlo, nagsisilbi siyang emisaryo ng mga limitadong produktong nabanggit mula sa mga orihinal na lumilikha nito patungo sa tahanan ng kanyang mga mamimili.

Pang-ekonomikong Kapital: Sinimulan ni Adarlo ang kaniyang e-terprise sa pagbebenta ng iba’t ibang produktong pagkain gamit ang kanyang personal na Facebook account. Sariling pera ang kanyang naging puhunan sa pagsisimulang ito. Sinikap talaga niyang makaipon mula sa kanyang sweldo sa pagiging empleyado at pagiging katuwang ng kanyang mga magulang sa pagpapatakbo sa negosyong pagmamay-ari ng kanilang pamila, ang Jessa’s Peanut Butter. Malaking tulong din niyang maituturing ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyang sedan na siyang unang ginamit niya upang kumuha ng mga paninda mula sa kanyang mga suplayer.

Kultural na Kapital: Hindi bago kay Adarlo ang konsepto ng e-trepreneurship bilang siya ay nagtapos ng kursong Business Administration. Bukod sa mga kakayahang nahasa sa kaniya sa apat na taon niya sa kolehiyo, taglay niya ang sigasig na ilapat ang mga kakayahang ito sa kaniyang sariling negosyo na higit na nagpatibay sa kanyang angking kultural na kapital. Binanggit niya na mahalaga na ang isang e-trepreneur ay may plano, konsepto ng prioritization, at dapat batid ang kanyang nais sa buhay. Mahalaga ring alam ng isang e-trepreneur ang mga kalakasang taglay niya, lalong-lalo na ang matalinong pagdama sa pangunahing pangangailangan ng target na konsyumer dahil ang mga ito ang tutulong sa kanyang pagsisimula. Ang pagkahasa ng kasanayan ni Adarlo sa pagsusulat bilang bahagi ng OpenRice, isang kilalang dining guide na nagsisilbing batayan ng mga turista sa pagpili ng restawran o lugar na maaari nilang kainan, ay nakapaghatid-tulong din sa kanyang pagtataguyod ng Mara Finds It. Nilalagyan niya ng label ang mga ina-upload niyang produkto para sa maayos na kaalaman ng kanyang mga kasalukuyan at potensyal na suki online. Bukod dito, malaking tulong din kay Adarlo ang kaniyang kasanayan at kaalaman sa paggamit ng AX2

Page 8: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 65Resurreccion & Demeterio

na modelo ng Fujifilm camera at maging ng features ng smartphone para makunan nang maayos at malinaw na larawan ang kaniyang mga ibinebentang produkto gamit ang tamang anggulo.

Tulad ng sa lahat ng mga negosyo, mabigat na hamon ang pagsisimula. Malaking ambag ang dulot ng pagtataglay ni Adarlo ng mga inaasahan pang dagdag na kultural na kapital upang mas mapalakas ang kaniyang e-terprise na di-naglaon ay binigyan niya ng pangalang “Mara Finds It.” Ang kaalaman sa pagbabadyet, pakikisalamuha at wastong pakikipag-usap sa mga suplayer, mga tagapagtangkilik, at maging mga potensyal na mamimili ay ilan lamang sa mga kaalaman niya na nag-ambag upang mapamahalaan niya nang maayos ang kaniyang negosyo. Nakatulong ding ganap ang kasanayan niya sa pagmamaneho dahil siya mismo ang direktang nakikipag-ugnayan sa kaniyang mga suplayer at suki. Madali niya itong naisasagawa dahil kabisado niya ang mga pasikot-sikot sa iba’t ibang lugar sa Batangas at mga karatig na lugar.

Panlipunang Kapital: Mas pinatingkad pa ang e-terprise ni Adarlo ng kaniyang malawak na panlipunang kapital na pinatunayan nang pagbuhos ng suporta ng mga kapuwa miyembro ng Heels on Wheels at iba pang organisasyong kinabibilangan niya katulad ng Junior Marketing Association at World Association of Chef Societies sa promosyon ng kaniyang online venture. Sinabi niya na hindi rin matatawaran ang suporta ng mga kapamilya gayundin ng kanilang mga empleyado at nasasakupang network ng Jessa’s Peanut Butter. Hindi pa kabilang dito ang suportang hatid ng mga kamag-anak, dating kaklase, mga guro at mga naging kasama sa opisina.

Simbolikong Kapital: Kasabay din ng pagdami ng uri ng kaniyang binebentang produkto ay ang pagdami ng kaniyang social media follower. Bawat bagong produkto na kaniyang ipinakikilala sa kanyang Facebook timeline ay kaagad din namang tinatangkilik ng mga nasabing follower. Hindi matatawaran ang taas ng tiwala na binibigay kay Adarlo ng kaniyang mga ito bunsod pa rin ng kaniyang pagiging kilala sa Batangas. Kaya naman, pinananatili niyang maging bukas sa kanyang mga follower sa aspekto ng pagsasalita, pananamit, maging sa pagtupad sa kaniyang mga ambisyon sa pamamagitan ng kaniyang mga post at upload. Sa ganitong paraan, mas naipakikita niya sa kaniyang mga follower na siya ay tapat at hindi nagkakamali ang mga ito sa pagbibigay sa kaniya ng kanilang pagtitiwala pagdating sa pagpili ng mga

bibilhing produkto. Emosyonal na Kapital: Sa mga pagkakataong

sinusubok ang kanyang e-trepreneurship ng mga hindi inaasahang pangyayari, ang pinagkukunan niya ng motibasyon ay ang kaniyang masidhing pagnanais na maging kasing-tagumpay ng kaniyang iniidolong negosyante na kapuwa rin niya Batangueña na siyang nagmamay-ari ng Chain of Franchise at Owned Restaurants sa Lungsod ng Batangas. Para sa kaniya, ang katuparan ng hangaring ito ang siyang magpapawalang bisa rin sa mga pahayag ng mga hindi naniniwala sa kaniya at nagbabalewala sa kahalagahan ng tiyaga at diskarte sa mundo ng online na pangangalakal.

Dinamiks ng mga Kapital: Hindi binigo si Adarlo ng kaniyang e-terprise. Nagpatuloy ang Mara Finds It at isinabay niya ang pagtatayo ng franchise ng Chef Mong’s Boneless Lechon sa Lungsod ng Lipa. Naging matagumpay din ang pakikipagsapalarang ito na tumagal ng isang taon. Ngunit napagdesisyonan niyang ibuhos ang kaniyang atensyon sa Mara Finds It, sapagkat kailangang tutukan nang maayos ang negosyong ito na siya mismo ang nagpasimula. Ipinakita sa Talahanayan 1 kung paano lumikha ng mga panibagong kapital ang mga inisyal na kapital ni Adarlo.

Si Tara Denisse Cleofe-Gutierrez

Nagsimula ang e-terprise ni Gutierrez nang maging tutok siya sa operasyon ng ALPS Bus Company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Sa araw-araw niyang pamamalagi sa opisina ng kanilang kompanya at pakikisama sa kanilang mga empleyado, naisip niyang maaari rin niyang gamitin ang kaniyang husay sa pagpapatakbo ng negosyo, pakikisalamuha sa tao, at pakikipagkomunikasyon sa mga kapuwa tagapamahala nito sa iba pang uri ng negosyo. Kaya, naging bukas siya sa ideya ng pagsisimula ng kanyang e-terprise. Mas nahikayat pa siya na ipagpatuloy ito bunsod ng motibasyon ng kaniyang butihing ina na siya niyang itinuturing na huwaran at ekspertong negosyante. Taong 2016, matapos ang pinagdaanang mahabang proseso at matalinong pagpaplano, binuksan niya sa merkado ang Cafe de Alps.

Sa pananaliksik na ibinahagi ni Giroux, sa pamilya nag-uugat ang pamamaraan ng pag-iisip ng isang indibidwal, ang uri ng kaniyang disposisyon, gayundin ang antas ng kanyang pagbibigay-kahulugan maging

Page 9: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

66 Malay Tomo 33 Blg. 1

ang kalidad ng kanyang istilo (257). Samakatwid, integral sa taglay na kultural na kapital ni Cleofe ang bisa ng interaksyon sa pagitan ng gabay na nagmumula sa kaniyang pamilya at ng dunong hatid ng natamo nang antas ng edukasyon.

Pang-ekonomikong Kapital: Katuwang ni Gutierrez ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kaniyang ina sa pagsisimula at maging sa pagpapalago ng kaniyang e-terprise. Tinulungan siya ng huli sa kaniyang puhunan gayundin sa pagsasapinal ng iba pang mga kinakailangang salik katulad ng lugar na pinagtayuan ng Cafe de Alps, pagpili ng mga empleyado, pagbibigay oryentasyon at pagsasanay sa mga empleyado, pagpili ng mga ibebentang produkto maging ang mga sangkap, pakikipag-ugnayan sa mga suplayer, gayundin sa pagbuo ng konsepto ng loob

at labas ng cafe. Katulad ni Adarlo, malaki rin ang naging tulong ng pagkakaroon ni Gutierrez ng sariling sasakyan. Hindi na dumagdag sa kaniyang kapital ang gastos sa bayad sa drayber sa araw-araw niyang pagbiyahe para matutukan ang kanyang negosyo at magampanang makipag-usap sa mga suplayer.

Kultural na Kapital: Mga produktong pagkain katulad ng cake, pasta, salad, nachos, fries, inumin at iba’t ibang dish ang ibinebentang produkto ni Gutierrez sa kanyang Cafe de Alps. Kaya naman, naging mahalaga ang kasanayan ni Gutierrez sa pagkuha ng larawan ng mga pagkain. Sinisikap niyang angkop ang bawat anggulo, timpla ng kulay at lapat na label sa bawat kuhang larawan bago niya ito i-post sa kanyang Facebook account. Batid niya na isa sa mga mahirap kunan ng perpektong larawan ang mga

Anyo ng Kapital Mga Tiyak na Inisyal na Kapital Mga Tiyak na Nalikhang Kapital

Pang-ekonomiko• perang puhunan• sasakyan• smartphone at kamera

• bagong sasakyan• kakayahang mag-travel sa mga lokal at

internasyonal na destinasyon

Kultural

• business degree• kasanayan sa pagsusulat• kasanayan sa paggamit ng mga feature

ng smartphone at kamera• kasanayan sa pagba-budget• kasanayan sa interpersonal na

komunikasyon• kasanayan sa pagmamaneho

• mas matingkad na kakayahan sa pagnenegosyo

• mas matingkad na kakayahan sa interpersonal na komunikasyon (face-to-face at online)

• mas matingkad na kakayahang makibagay sa mga indibidwal na nakakasalamuha sa bawat pagbyahe

Panlipunan

• mga kinabibilangang organisasyon• mga kapamilya• mga empleyado ng negosyong pag-aari

ng pamilya• mga kaklase• mga dating guro• mga dating kaopisina

• mga suki (hatid ng referral ng inisyal na panlipunang kapital)

Simboliko

• mga Facebook follower• pamilya Adarlo na kilalang may-ari ng

Jessa’s Peanut Butter

• mas dumaming Facebook follower• gawad bilang isa sa mga Empowered

Batangueñas• mga imbitasyon upang maging resource

speaker sa mga pagtitipon ng mga kababaihan at kabataan at upang maging hurado sa mga kompetisyon

Emosyonal

• motibasyon mula sa iniidolong negosyante

• motibasyon mula sa audience sa tuwing gaganap bilang resource speaker sa mga pagtitipon ng kababaihan at kabataan, at sa pagsisilbing hurado sa iba’t ibang kompetisyon

Talahanayan 1: Ang mga Inisyal at Nalikhang Kapital ni Adarlo

Page 10: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 67Resurreccion & Demeterio

pagkain. Malaking tulong ang kaniyang kasanayan sa paggamit ng mga feature ng AX2 na modelo ng Fujifilm camera na siya ring ginagamit ng e-trepreneur na si Adarlo. Importante raw na makaengganyo ng kostumer ang kanyang bawat post na larawan. Unang hakbang pa lamang ito, sinabi niya, sa proseso ng kaniyang pagbebenta. Sa oras na mahikayat ang isang target na kostumer sa bawat post niyang larawan, magkakaroon ito ng interes dito, at malamang kaysa hindi ay magkakaroon ito ng pagnanais na tikman ang nakursunadahang produkto.

Ang bawat kostumer na bumibili ng kaniyang produkto ay sinisikap niyang matugunan ang ekspektasyon sa pamamagitan ng magiliw na pagsagot sa mga tanong nito batay sa produkto. Dito niya nagagamit ang kaniyang husay sa pakikipagkomunikasyon na kaniyang natutuhan sa kaniyang pakikisalamuha sa kanilang mga empleyado sa kanilang kompanyang ALPS Bus Company. Naia-aplay rin niya sa aspektong ito ang mga itinuro ng kanyang ina pagdating sa pagharap sa iba’t ibang uri ng kostumer na batid niyang may iba’t iba ring pangangailangan at kasiyahan sa usapin ng pagkain.

Panlipunang Kapital: Sa pagsisimula, pangunahin niyang mga naging online na suki ang mga mamimili na saklaw ng kaniyang malawak na sosyal na kapital. Ito ay kinabibilangan ng halos tatlong libong mga kapamilya sa ALPS Bus Company, mga kapuwa miyembro sa Heels on Wheels, mga kapuwa miyembro ng De La Salle Alumni Association, mga kaibigan at kamag-anak. Dahil maayos niyang naia-aplay ang kaniyang kasanayan sa pakikitungo sa mga mamimili, unti-unti ring nadagdagan pa ang kaniyang mga suki. Hatid ito ng positibong salimbibig ng mga naunang kostumer na natugunan ang ekspektasyon sa mga produktong ibinenta niya. Ang mga unang bugso ng mga kostumer na ito ay hindi nabigo sa kalidad ng mga produkto na kaniyang inialok sa Facebook gamit ang mga post niyang larawan.

Simbolikong Kapital: Hatid ng positibong salimbibig tungkol sa mainam na pakikitungo ni Gutierrez sa kaniyang mga kostumer, nakahihikayat ito ng mas marami pang mga Facebook follower. Ang mga bagong follower na ito ay itinuturing ni Gutierrez na mga potensyal na suki. Sa bawat kostumer na nasiyahan at nag-status ng kaniyang positibong komento o rebyu ay laging may dalang bagong kostumer na interesadong sumubok ng kaniyang mga produkto.

Emosyonal na Kapital: Inspirasyon ni Gutierrez ang kaniyang anak na kaniyang itinaguyod sa tulong at gabay pa rin ng kaniyang pamilya. Siya ang numero unong nagpapatatag ng kaniyang dibdib at kumpiyansa sa sarili. Siya ang araw-araw na motibasyon ni Gutierrez sa pagiging masigasig at positibo sa kaniyang e-terprise.

Bukas siya sa realidad na hindi palagiang konstruktibo ang mga feedback ng tagapagtangkilik ng kaniyang mga online na produkto. Gayunman, batid niyang ito ay normal lamang sa isang negosyo, lalong-lalo na sa katulad ng Cafe de Alps na hindi pa naman katagalan sa merkado. Inihahalintulad na lamang niya ito sa isang tinatahak na kalye na may madadaanang parte na pulido at mayroon din namang parte na malubak.

Dinamiks ng mga Kapital: Katulad pa rin noong siya ay nagsisimula, sinisikap ni Gutierrez na mas maging masigasig sa pag-aalok ng kaniyang kalakal na online. Isinasaalang-alang niya ang mga konstruktibong feedback ng mga suki ng mga produktong Cafe de Alps. Walang sinasayang na oportunidad si Gutierrez. Dahil patuloy na tinatangkiik ng kanyang mga suki ang mga ibinebenta niyang produktong Cafe de Alps gamit ang kaniyang Facebook, nagdagdag pa siya ng iba pang mga produkto katulad ng cosmetics, bag, t-shirt at imported na pabango. Ipinakita sa Talahanayan 2 kung paano lumikha ng mga panibagong kapital ang mga inisyal na kapital ni Gutierrez.

Si Genevieve “Vhaya” Gabilan-De Veyra

Kaiba sa mga e-terprise nina Adarlo at Gutierrez na sumentro sa mga produktong pagkain, itinaguyod ni De Veyra, taglay ang kaniyang matatag ding simbolikong kapital, ang The Crafty Sissy. Ito ay isa ring venture na nakabase Batangas na naghahatid ng serbisyo katulad ng pagdidisenyo ng mga imbitasyon, logo, at personalized jar at bottle, layout, at printing. Bukod sa may sariling account sa Facebook at Instagram ang The Crafty Sissy, ginagamit din ni De Veyra ang kaniyang personal na akawnt sa parehong social media sa pagtataguyod ng kanyang e-terprise. Hindi lamang sa Batangas, o sa erya ng Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON), o sa Metro Manila, ang pinaglilingkuran ng The Crafty Sissy; umaabot din ito sa ibang bansa bunsod ng mga referral ng mga kakilala, kamag-anak at kaibigang mga suki.

Page 11: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

68 Malay Tomo 33 Blg. 1

Taglay ang matingkad nang simbolikong kapital, nagsilbing mahalagang puhunan din ni De Veyra ang kaniyang kultural na kapital na kanyang natamo mula sa paggugol ng panahon sa mga edukasyonal na kapaligiran. Naging tiyak din ang paghahatid ng pamumuhunang ito ng balik na kita. Muling pinatutunayan nito ang argumento nina Bourdieu at Passeron na ang mga establisimyentong edukasyonal ay maaaring tingnan bilang mekanismo sa pagkakaroon ng kita (177). Hindi rin mapasusubalian na naging kasangkapan ni De Veyra sa pagsusulong ng kaniyang e-terprise ang karunungang nakamtan niya sa ilang taon na kaniyang ginugol sa pag-aaral.

Pang-ekonomikong Kapital: Sa pagsisimula ng kanyang e-terprise, naging katuwang ni De Veyra ang kanyang nakatatandang kapatid na babae sa aspektong pinansiyal. Katulong din niya sa aspektong ito ang kaniyang mga magulang na katulad ng

kaniyang ate ay buo rin ang inihatid na suporta sa kanyang e-terprise. Malaking tulong din sa kanyang pagsisimula ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyan dahil naging mas madali at mas komportable ang personal na pakikipagugnayan sa kanyang mga suplayer at tagapagtangkilik. Sa mga katulad niyang nagsisimula, ipinaliwanag niya, importante ang personal na pakikipag-usap. Bagaman at maaari itong isagawa online, mas nabubuo ang tiwala sa pagitan ng magkabilang panig sa pag-uusap na harapan.

Kultural na Kapital: Nauna nang nabanggit ang pagtataglay ni De Veyra ng digri sa Advertising. Kaya, hindi kaila ang pagkakaroon niya ng importanteng kultural na kapital na pangunahing pangangailangan sa kanyang e-terprise. Taglay ni De Veyra ang pagiging malikhain, pagiging mapamaraan, pati na ang kakayahang mai-aplay ang iba’t ibang estratehiya upang makalikha ng interes at di kalaunan pagnanais

Anyo ng Kapital Mga Tiyak na Inisyal na Kapital Mga Tiyak na Nalikhang Kapital

Pang-ekonomiko

• perang puhunan• sasakyan• smartphone at kamera

• dagdag na sangay ng itinayong negosyo• mas matingkad na kakayahan upang

mag-travel sa mga lokal at internasyonal na destinasyon

Kultural

• kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo• husay sa pakikisalamuha sa mga

katuwang sa negosyo• husay sa interpersonal na komunikasyon• kasanayan sa paggamit ng mga feature ng

smartphone at kamera• kasanayan sa pagmamaneho• kasanayan sa pagsusulat• kasanayan sa negosasyon

• mas matingkad na husay sa pagpapatakbo ng negosyo

• mas matingkad na husay sa negosasyon sa mga katuwang sa pagnenegosyo

• mas malawak na kaalaman sa paglikha ng konsepto para sa presentasyon ng pagkain

• mas matingkad na husay sa pagpili ng sangkap at timpla ng produktong pagkain

Panlipunan

• mga kapamilya• mga empleyado ng negosyong pag-aari

ng pamilya• mga kapuwa miyembro ng mga

kinabibilangang organisasyon

• Mga suki hatid ng referral ng inisyal na panlipunang kapital

Simboliko

• Facebook follower• pamilya Perez na kilalang may-ari ng

ALPS Bus Company

• mas dumaming Facebook follower• pagtatampok ng mga lokal at nasyonal na

programang pantelebisyon• mga imbitasyon upang maging

resource speaker sa mga estudyanteng entrepreneur

Emosyonal• motibasyon mula sa magulang na

negosyante• motibasyon mula sa itinataguyod na anak

• motibasyon at inspirasyon mula sa mga review ng kostumer

Talahanayan 2: Ang mga Inisyal at Nalikhang Kapital ni Gutierrez

Page 12: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 69Resurreccion & Demeterio

sa panig ng mga tagapagtangkilik na subukan ang mga serbisyo ng The Crafty Sissy. Mas pinatingkad pa ang mga kapital na ito ng kaniyang mga karanasan sa mga nauna niyang hanapbuhay na hindi rin naman nalalayo sa tinapos niyang kurso. Nagsilbing pundasyon ang mga karanasang ito sa pagpapahusay ng kanyang kakayahan sa pakikisalamuha at pakikipag-usap sa maraming tao na iba’t iba ang ninanais. Nakatulong din ito sa kaniya upang madali niyang malampasan ang mga mapanghamong sitwasyon katulad ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng ilang tagapagtangkilik na bunsod na rin ng mga hindi inaasahang pangyayari habang isinusulong ang kanyang e-terprise.

Dagdag sa kaniyang kultural na kapital ang kaniyang husay sa paggamit ng mga feature ng smartphones at ng AX2 na modelo ng Fujifilm na camera. Malinaw at maayos niyang nakukunan ng larawan ang mga sampol na disenyong likha niya. Napakikinabangan din niya ang mga feature ng kaniyang mga gadget upang makalikha ng vlogs para mas maipakilala ang kanyang e-terprise.

Mahusay na negosyante ang biyenan ni De Veyra. Natutulungan siya nito sa aspekto ng pagsusulong ng kaniyang e-terprise dahil sa mas mahabang karanasan ng huli sa pagnenegosyo. Nakatutok ang huli sa operasyon ng pitong katayan ng mga pangkarneng hayop, kaya nakapagbabahagi siya ng karunungan kay De Veyra sa pagpapaikot ng badyet, pakikiayon sa mga suki at mga suplayer, maging sa pagtukoy ng epektibong estratehiya para malapatan ng solusyon ang mga maliit maging ang mga malaking problemang pangkalakalan.

Panlipunang Kapital: Kinabibilangan ng mga kamag-anak, dating kaklase, kababayan sa Batangas, at mga kapuwa miyembro ng Jesus the Annointed One Church ang bumubuo ng panlipunang kapital ni De Veyra. Ito rin ang nagbigay at patuloy na nagbibigay sa kanya ng mas maraming suki. Natututo siya sa bawat feedback ng mga ito, negatibo man o konstruktibo. Sa pag-usad ng operasyon ng The Crafty Sissy, dumadagdag sa kanyang mga tagapagtangkilik ang mga referral na ibinibigay ng mga nauna nang mga suki. Pagpapatunay daw ito na kahit papaano ay

Anyo ng Kapital Mga Tiyak na Inisyal na Kapital Mga Tiyak na Nalikhang Kapital

Pang-ekonomiko

• perang puhunan• sasakyan• smartphone at kamera

• bagong enterprise• dagdag na kakayahang mag-travel

sa mga lokal at internasyonal na destinasyon

Kultural

• Advertising degree• kasanayan sa pagsulat• kasanayan sa paggamit ng mga feature

ng smartphone at kamera• kasanayan sa interpersonal na

komunikasyon• kasanayan sa pagmamaneho• kasanayan sa pagba-budget at

pagpapatakbo ng negosyo• kasanayan sa paglalapat ng estratehiya,

at pagresolba sa ma suliranin

• mas malawak na kaalaman sa mga bagong disenyo at konsepto para sa mga souvenir item at invitation card

• mas matingkad na husay sa pagharap sa kompetisyon sa merkado

• mas matingkad na husay sa promosyon• mas matingkad na husay sa pagharap

sa mga feedback ng kostumer, positibo man o negatibo

• mas matingkad na kasanayan sa interpersonal na komunikasyon sa mga katuwang sa negosyo

Panlipunan

• mga kapamilya• mga dating kaklase• kapwa miyembro ng kinabibilangang

mga organisasyon

• Mga suki

Simboliko • mga Facebook follower • mas maraming Facebook at Instagram follower

Emosyonal • motibasyon mula sa asawa at mga kapamilya

• motibasyon mula sa mga positibong onlayn rebyu

Talahanayan 3: Ang mga Inisyal at Nalikhang Kapital ni De Veyra

Page 13: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

70 Malay Tomo 33 Blg. 1

nakapagbibigay siya ng maayos na serbisyo at maayos rin niyang natutugunan ang mga kahingian ng kaniyang mga suki.

Simbolikong Kapital: Ang mahigit na limang libong Facebook follower ang itinuturing ni De Veyra na siyang bumubuo sa malakas niyang simbolikong kapital. Inihayag niya na importante ang mahabang pasensya sa pagbibigay ng detalyadong tugon sa bawat tanong ng mga follower bagay sa presyo, moda ng pagbabayad, proseso ng pag-order, panuntunan sa delivery at mga usapin ng refund. Isa rin ito aniyang mabisang motibasyon para mas palawakin pa niya ang kaniyang network gamit ang Facebook at Instagram bilang mga platform.

Emosyonal na Kapital: Pinananatiling positibo si De Veyra ng pinanghahawakan niyang tiwala at suporta ng kaniyang kabiyak. Bago pa lamang sa estado ng buhay may-asawa si De Veyra. Sa kabila ng mga bagong priyoridad bunsod ng pagiging isa nang maybahay, patuloy pa rin niyang itinataguyod ang kaniyang e-terprise. Buong sikap pa rin niyang tinututukan ang The Crafty Sissy, taglay ang pinanghahawakan niyang tiwala ng kaniyang kabiyak na mapagtatagumpayan niya ito sa gitna ng mataas na kompetensya sa merkado.

Dinamiks ng mga Kapital: Sa patuloy ng matagumpay na pag-usad ng kanyang e-terprise, mas tumindi ang pagnanais ni De Veyra na makalikha ng mga mas kaaya-aya pang personalized jar at invitation. Ito ay sa kabila ng napakataas na kompetisyon sa online na merkado. Mas natutuhan din niyang mas maging masipag at maging mas pasensiyosa sa mga hindi positibong komento tungkol sa hatid nilang serbisyo. Sinabi niya na ang mga negatibong indibidwal sa online na mundo ay maituturing pa rin bilang mga potensiyal na suki kapag pakikitunguhan sila gamit ang tamang diskarte. Ipinakikita sa Talahanayan 3 kung paano lumikha ng mga panibagong kapital ang mga inisyal na kapital ni De Veyra.

PAGLALAGOM

Ang pagtataglay ng matingkad na simboliko at kultural na kapital ang nagsilbing pangunahing tagapagsulong ng mga Batangueñang e-trepreneur na sina Adarlo, Gutierrez at De Veyra sa pagtataguyod ng kani-kaniyang e-terprise. Nagbigay sa kanila ng matingkad na simbolikong kapital ang kanilang pagkatatag ng Heels on Wheels. Bunsod ng pagiging sikat, madami kaagad ang kanilang mga naging suki sa

kanilang mga ibinebentang produkto at mga disenyo. Kasabay ng pagdami ng uri ng kanilang binebentang produkto at disenyo ay siya rin namang pagdami ng kanilang mga suki. Hindi matatawaran ang taas ng tiwala na ibinigay at patuloy na ibinibigay sa tatlong e-trepreneurs ng kanilang mga tagapagtangkilik kahit ang mga ito ay hindi nila personal na kakilala. Ipinakikita sa Talahanayan 4 kung paano lumikha ng mga panibagong kapital ang mga inisyal na kapital ng tatlong Batangueñang e-trepreneur.

Ipinahayag ni Bourdieu: “Symbolic capital is credit, it is the power granted to those who have obtained sufficient recognition to be in position to impose recognition” (Forms of Capital 256). Nagsilbing epektibong kasangkapan ng mga e-trepreneur ang matatag nilang simbolikong kapital, kasabay ang kanilang matingkad din na kultural na kapital, sa pagpapakilala ng kani-kaniyang e-terprise. Sa pagkakaroon nila ng mataas na bilang ng follower sa social media at matatag na network, matalino nilang nagamit ang oportunidad na ito upang subukang maghatid ng negosyong online at kumita mula rito.

Malaking ambag lalo na ang mga taglay nilang kultural na kapital na sa pag-usad ng operasyon ng kanilang e-terprise. Hindi matatawaran ang naging tulong ng kanilang galing sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa kanilang mga suki, mga katuwang sa negosyo, at sa kanilang mga suplayer. Dagdag pa rito ang madiskarte nilang pag-aaplay ng mga kasanayang nahubog sa kanila sa kolehiyo katulad ng pagkakaroon ng plano, konsepto ng prioritization, at pagkakaroon ng pokus sa kanilang nais bilang mga e-trepreneur. Nakatulong din ang mga kalakasang taglay nila sa aspekto ng pagdama sa pangunahing pangangailangan ng target na kostumer. Naging bukas sila sa ideya na ang bawat kostumer ay may iba’t iba ring pangangailangan at kasiyahan sa usapin ng produkto at serbisyong kanilang ibinibigay. Higit pa rito, hindi naisantabi ang naging bisa ng kanilang pagiging malikhain, pagiging mapamaraan, pati na ang kakayahang mai-aplay ang iba’t ibang estratehiya upang makalikha ng interes at di kalaunan ay pagnanais sa panig ng mga tagapagtangkilik. Bentahe ang kanilang pare-parehong husay sa paggamit ng mga feature ng smartphones at high-end na camera na naging katuwang nila para sa malinaw at maayos na pagkuha ng mga larawan ng kanilang mga produkto at disenyo. Gayundin, nakatulong ang kakayahan nila sa pagtukoy ng epektibong estratehiya para malapatan

Page 14: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 71Resurreccion & Demeterio

Anyo ng Kapital Mga Tiyak na Inisyal na Kapital Mga Tiyak na Nalikhang Kapital

Pang-ekonomiko

• perang puhunan• sasakyan• smartphones at kamera

• bagong enterprise• bagong sasakyan• mas tumaas na kakayahang mag-

travel sa mga lokal at internasyonal na destinasyon

Kultural

• kasanayan sa pagnenegosyo hatid ng tinapos na kurso sa kolehiyo

• kasanayan sa pagnenegosyo na natutuhan mula sa mga magulang na negosyante

• kasanayan sa pagsusulat• kasanayan sa interpersonal na

komunikasyon sa mga katuwang sa negosyo, kostumer, at social media follower

• kakayahan sa pagba-budget• kakayahan sa paggamit ng mga feature

ng smartphone at kamera• kasanayan sa pagsasagawa ng

promosyon ng mga produkto at serbisyo

• mas matingkad na kasanayan sa pamamahala ng negosyo at pagba-budget

• mas matingkad na kasanayan sa interpersonal na komunikasyon sa mga katuwang sa negosyo, mga suki, at mga follower

• mas matalinong pagpili ng mga ihahaing produkto at serbisyo

• mas malawak na kaalaman sa pag-iisip ng bagong konsepto para sa promosyon ng produkto at serbisyo

• mas matingkad na kakayahan sa pagharap sa mga feedback na hatid ng kostumer, positibo man o negatibo

• mas matingkad na kasanayan sa pagdama ng preference ng mga kostumer

• mas matingkad na kakayahang ilapat sa negosyo ang mga bagong kaalamang hatid ng pagta-travel at exposure sa bagong kapaligiran

• pagtataglay ng husay sa pagharap sa kompetisyon sa merkado

Panlipunan

• mga kapamilya, dating kaklase, dating guro, mga empleyado ng negosyong pag-aari ng kinabibilangang pamilya, at kapuwa miyembro ng kinabibilangang mga organisasyon

• mga suki na hatid ng inisyal na panlipunang kapital

Simboliko

• social media follower• pamilyang nagmamay-ari ng mga

negosyo sa probinsya ng Batangas

• pagsisilbing resource speaker sa iba’t ibang okasyon ng kababaihan, kabataan, at mga esudyanteng entrepreneur

• pagsisilbing hurado sa mga kompetisyon sa probinsiya

• mas maraming social media follower• pagsisilbing endorser ng mga lokal

na produkto at serbisyo ng kapuwa entrepreneur

Emosyonal• motibasyong mula sa kapamilya at mula

sa iniidolong entrepreneur• motibasyong hatid ng kababaihan,

kabataan, at estudyanteng entrepreneur na nahahatiran nila ng inspirasyon

Talahanayan 4: Ang mga Inisyal at Nalikhang Kapital ng Tatlong Batangueñang E-trepreneur

Page 15: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

72 Malay Tomo 33 Blg. 1

ng solusyon ang maliliit maging ang malalaking problemang pangkalakalan.

KONGKLUSYON

Binubuo ng pagmamay-aring pinansiyal, sasakyan, high-end na modelo ng smartphones at kamera ang taglay na pang-ekonomikong kapital ng mga Batangueñang e-trepreneur. Ang kasanayan sa pakikipag-komunikasyong interpersonal (face-to-face o mediated man) sa mga suki, suplayer, at katuwang sa pagnenegosyo online ang nangunguna sa listahan ng kanilang taglay na kultural na kapital. Pinapangalawahan ito ng kasanayan sa mga sumusunod sa aspekto: identipikasyon ng mga pangagailangan ng target na konsyumer, pagtugon sa konstruktibo at negatibong feedbackk tungkol sa produkto at serbisyong ibinebenta, pagtukoy sa tamang anggulo sa pagkuha ng larawan ng mga produkto, paglalagay ng label sa bawat kuhang larawan, pagpapadaloy ng badyet, prioritization, at pagpapasensya. Samantala, ang pagiging kabilang sa mga pamilyang nakaaangat ang estado sa buhay, laki ng angkan, at dami ng kaibigan ang siya namang taglay nilang panlipunang kapital, habang ang pagiging kilala sa organisasyong kinabibilangan ang siyang sentro ng kanilang simbolikong kapital. Ang paghahangad mapatunayan ang galing sa sarili, sa kapamilya, at sa kapwa ang bumubuo sa kanilang taglay na emosyonal na kapital.

Personal na account sa Facebook ang online platform na ginamit ng mga Batangueñang e-trepreneur bilang midyum ng kanilang e-trepreneurship. Pinahihintulutan ng application na ito na makapagpost sila ng mga orihinal na kuhang larawan ng kanilang mga ibinebentang produkto at serbisyo na nilalakipan nila ng label. Ang paglalagay ng label ay may layong maipaalam sa mga tagapagtangkilik ang mga detalye ng kanilang mga ibinebenta. Pinahihinulutan din ng aplikasyong ito na makapaghayag ng mga tanong o feedback ang mga tagapagtangkilik na maaaring direktang sagutin ng mga e-trepreneur sa mismong thread o kaya naman ay sa pamamagitan ng direct message.

Itinuturing ng mga Batangueña e-trepreneur ang simboliko at kultural na kapital na siyang pinakamahalaga sa pagsisimula ng kani-kaniyang

e-trepreneurship habang ang pang-ekonomiko at kultural naman ang siyang pinakabinagong mga kapital ng kani-kaniyang e-trepreneruship. Biswal itong ipinakikita ng Figure 2.

Figure 2: Ang mga Pinakamahalagang Kapital sa Pag-uumpisa at Pagpapalago ng Batangueñang E-trepreneurship, at ang mga Pinakabinagong Kapital ng Batangueñang E-trepreneurship

Malinaw na nailatag ng papel na ito ang mga nakamit na kabatirang naka-angkla sa mga sitwasyong totoong buhay ng mga itinampok na e-trepreneurs na nagreresulta sa isang mayaman at holistikong salaysay tungkol sa e-trepreneruhsip bilang isang penomenon. Mainam ding nailatag ang mga pananaw at paliwanag tungkol sa mga sinuring limang kapital na tiyak na magpapalawak sa mga karanasan ng mga mambabasa partikular ang mga baguhang negosyante hindi lamang sa Batangas kundi maging sa iba pang probinsiya sa Pilipinas. Iminumungkahi ng mga may-akda ang pagsasagawa ng komparatibong pananaliksik tungkol sa e-trepreneurship bago ang pandemya at e-trepreneurship sa panahon ng pandemya na nakatuon pa rin sa lalawigan ng Batangas. Magluluwal ito ng mga datos na maglalarawan kung paano binago ng Covid-19 ang penomenon na ito. Maaari ring gawan ng deskriptibong pananaliksik ang e-trepreneurship sa panahon ng pandemya na tutuon naman sa ibang probinsiya sa bansa. Magsisilbing baseline ang mga iluluwal na datos ng mga pananaliksik na ito na makatutulong sa mga negosyante sa bansa sa pagbabago at pagsasaayos ng kanilang estratehiya.

Page 16: Si Mara, si Tara, at si Vhaya: Tatlong Case Study

Si Mara, si Tara, at si Vhaya 73Resurreccion & Demeterio

SANGGUNIAN

Allat, Patricia. “Becoming Privileged: The Role of Family Processes.” In I. Bates and G. Riseborough (Eds) Youth and Inequality (Buckingham, Open University Press) (1993): 13–159. Web. 05 January 2019.

Bourdieu, Pierre. “The State Nobility: Elite Schools in the Field of Power.” Oxford: Polity, 1996. Web. 04 January 2019.

---. “Forms of Capital,” in J. Richardson ed., Handbook of Theory and Research in for the Sociology of Education. Westport, Connecticut: Greenwood, 1986. Web. 04 January 2019.

---. “Social Space and the Genesis of Groups,” Theory and Society 14.6 (1985):723-44. Web. 04 January 2019.

---. “Outline of a Theory of Practice.” Melbourne: Cambridge University Press, 1977. Web. 04 January 2019.

Bourdieu Pierre & Passeron Jeane-Claude. “Reproduction in Education, Society and Culture.” London–Thousand Oaks–New Delhi: Sage Publications, 1977. Web. 04 January 2019.

Bourdieu Pierre & Wacquant Loic. “An Invitation to Reflexive Sociology.” Chicago: University of Chicago, 1992. Web. 04 January 2019.

Chan, Kim, et.al. “Women Online Entrepreneurship and Social Environment in Malaysia: Some Preliminary Findings,” Journal of Social Science and Humanities (2015) Special Issue 2 010-021, ISSN: 1823-884x. Web. 30 October 2016.

Erickson, Rebecca & Stacey, Clare. “Attending to Mind and Body: Engaging the Complexity of Emotion Practice Among Caring Professionals.” In A. A. Grandey, J. M. Diefendorff, & D. E. Rupp (Eds.), Emotional Labor in the Twenty-First Century: Diverse Perspectives on Emotion Regulation at Work (2013): 175–196. New York: Routledge. Web. 05 January 2019.

Esmaeeli, Hadi. (2011). The Study of Affecting Factors on Digital Entrepreneurship (A Case Study) in Interdisciplinary Journal of Contemporary Research in Business 2.12 (2011): 163- 172. Web. 30 October 2016.

Giroux, Hadis. “Theories of Reproduction and Resistance in the New Sociology of Education: A Critical Analysis,” Harvard Educational Review 53.3 (1983): 257-293. Web. 05 January 2019.

Hochschild, Arlie. “The Managed Heart: Commercialization of Human Feeling.” Berkeley: University of California Press, 1983. Print.

Lagmay, Alfredo. ‘‘Bahala na’’. In L.F. Antonio, L.L. Samson, E.S. Reyes and M.A. Paguio (Eds.), Ulat ng Ikalawang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino (Proceedings of the Second National Conference on Filipino Psychology) (1977): 120–130. Quezon City: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino. Web. 05 January 2019.

Lynch, Kathleen. & Lyons, Maureen. “The Gendered Order of Caring.” In Women in Contemporary Ireland, ed. U. Barry. Dublin: New Ireland Press, 2008. Print.

Mangold, Glynn & Faulds, Davis. “Social Media: The New Hybrid Element of the Promotion Mix.” Business Horizons 52.4 (2009): 357-365. Web. 05 January 2019.

Nowotny, Helga. “Women in Public Life in Austria,” in Epstein, C. F. and Coser, R. L. (eds), Access to Power: Cross-National Studies of Women and Elites. George Allen and Unwin, 1981. Web. 05 January 2019.

Quito, Emerita. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino, in A Life of Philosophy: Festschrift in Honor of Emerito S. Quito. Manila: De La Salle University, 1990. Print..

Reay, Diane. “A Useful Extension of Bourdieu’s Conceptual Framework: Emotional Capital as a Way of Understanding Mothers’ Involvement in their Children’s Education.” The Sociological Review 48.4 (2000): 568–585. Web. 05 January 2019.

Reay, Diane. “Gendering Bourdieu’s Concept of Capitals: Emotional Capital, Women and Social Class.” T h e Sociological Review 52.2 (2004b): 57–74. Web. 05 January 2019.

Shott, Susan. “Emotion and Social Life: A Symbolic Interactionist Analysis,” American Journal of Sociology 84 (1979): 1317–1334. Web. 05 January 2019.

Timbreza, Florentino. Pilosopiyang Pilipino. Manila: Rex Book Store, 1982. Print..

Mga Panayam Adarlo, Mara Jessa. Personal na Panayam. 04 November

2017. Adarlo, Mara Jessa. Personal na Panayam. 07 December

2016. Cleofe, Tara Denisse. Personal na Panayam. 03 November

2017. Cleofe, Tara Denisse. Personal na Panayam. 24 November

2016. De Veyra, Genevieve. Personal na Panayam. 03 November

2017. De Veyra, Genevieve. Personal na Panayam. 24 November

2016.