Top Banner
I SLA www.alaminoscity.gov.ph || www.hundredislands.ph September 20, 2010 Papaano namin kayo mapagsisilbihan? Mga Alaminian, kayo po ang nagbibigay ng ideya sa aming mga programa at ng sigla sa aming panunungkulan. Huwag po ninyong sarili- nin ang inyong mga tanong o suhestiyon. Mag-TEXT na po at makipag-ugnayan sa alin- mang kinauukulang ahensya ng pamahalaang lungsod! 8 SA SEPTYEMBRE 29 NA! Computer classes ng Alaminos, tuloy-tuloy WALANG BAYAD Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng E-Es- kwela at Libreng 10 Oras na Basic Com- puter Classes na proyekto ng administra- syong Braganza, Project ADAM at DepEd. “Walang bayad ang lahat ng ito,” ang sabi ng ilang principal na nakapanayam ng Isla News Team dahil ang lokal na pamahalaan at mga private groups ang gumagastos para rito. “Patuloy po ang computer classes para sa mga nagnanais mag-aral nito sa aming paaralan. Ni singko walang sinisingil ang DepEd o ang pama- halaang lungsod,” paliwanag ni Inerangan National High School Principal Rowena Signey sa panayam ng Isla. “Pati ang gugulin sa kuryente bunsod ng computer classes ang nagbabayad ay ang lokal na pamahalaan. Walang binabayaran ang magaaral,” dagdag ni Signey. Mga alituntunin at skedyul para sa halalang pam-barangay, SK ipinalabas na POSO papalitan na ng ASERO Makisaya at makilahok sa 5th HINP Turnover Anniversary! ...sundan sa ph 10 ...sundan sa ph 11 ...sundan sa ph 11 ...sundan sa ph 3 Opisyal na Pahayagan ng Lungsod Alaminos, Lalawigan ng Pangasinan PANIBAGONG TAGUMPAY NG OPAL: Para tiyaking malinis ang ilog at dagat sa uno distrito, ipatutupad ng One Pangasinan Alliance ang proyektong wetland for wastewater treatment na popondohan ng mga internasyonal na samahan gaya ng European Union. Ukol dito, isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng mga alkalde ng mga munisipalidad na kasapi sa OPAL na sina (mula kaliwa) Agno Mayor Jose Pajeta Jr., Mabini Mayor Carlitos Reyes, Anda Mayor Aldrin Cerdan, Bani Mayor Marcelo Navarro Jr., Sual Mayor John Rodney Arcinue, Alaminos City Mayor Hernani Braganza at Burgos Mayor Alberto Guiang Jr. at DELGOSEA national coordinator Professor Crescencio M. Doma Jr. noong Septyembre 2 sa Island Tropic Hotel and Restaurant sa Alaminos.
12

September Issue

Nov 21, 2014

Download

Documents

iguhit

Official Newsletter of the city Government of Alaminos
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: September Issue

ISLAwww.alaminoscity.gov.ph || www.hundredislands.phSeptember 20, 2010

Papaano namin kayo mapagsisilbihan? Mga Alaminian, kayo po ang nagbibigay ng ideya sa aming mga programa at ng sigla sa aming panunungkulan. Huwag po ninyong sarili-nin ang inyong mga tanong o suhestiyon. Mag-TEXT na po at makipag-ugnayan sa alin-mang kinauukulang ahensya ng pamahalaang lungsod! 8

SA SEPTYEMBRE 29 NA!

Computer classes ng Alaminos, tuloy-tuloy

WALANG BAYAD

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng E-Es-kwela at Libreng 10 Oras na Basic Com-puter Classes na proyekto ng administra-syong Braganza, Project ADAM at DepEd.

“Walang bayad ang lahat ng ito,” ang sabi ng ilang principal na nakapanayam ng Isla News Team dahil ang lokal na pamahalaan at mga private groups ang gumagastos para rito.

“Patuloy po ang computer classes para sa mga nagnanais mag-aral nito sa aming paaralan. Ni singko walang sinisingil ang DepEd o ang pama-halaang lungsod,” paliwanag ni Inerangan National High School Principal Rowena Signey sa panayam ng Isla.

“Pati ang gugulin sa kuryente bunsod ng computer classes ang nagbabayad ay ang lokal na pamahalaan. Walang binabayaran ang magaaral,” dagdag ni Signey.

Mga alituntunin at skedyul para sa halalang pam-barangay, SK ipinalabas na

POSO papalitan na ng ASERO

Makisaya at makilahok sa 5th HINP Turnover Anniversary!

...sundan sa ph 10 ...sundan sa ph 11 ...sundan sa ph 11

...sundan sa ph 3

Opisyal na Pahayagan ng Lungsod Alaminos, Lalawigan ng Pangasinan

PANIBAGONG TAGUMPAY NG OPAL: Para tiyaking malinis ang ilog at dagat sa uno distrito, ipatutupad ng One Pangasinan Alliance ang proyektong wetland for wastewater treatment na popondohan ng mga internasyonal na samahan gaya ng European Union. Ukol dito, isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng mga alkalde ng mga munisipalidad na kasapi sa OPAL na sina (mula kaliwa) Agno Mayor Jose Pajeta Jr., Mabini Mayor Carlitos Reyes, Anda Mayor Aldrin Cerdan, Bani Mayor Marcelo Navarro Jr., Sual Mayor John Rodney Arcinue, Alaminos City Mayor Hernani Braganza at Burgos Mayor Alberto Guiang Jr. at DELGOSEA national coordinator Professor Crescencio M. Doma Jr. noong Septyembre 2 sa Island Tropic Hotel and Restaurant sa Alaminos.

Page 2: September Issue

Isla2 Good Gover nance/Tour i sm

utol ang ilang sektor sa lalawigan sa panukala ng isang board member para mapahinto ang iligal na pangingisda.

Kung ang solusyon ni 2nd District Board Member Von Mark Mendoza ay “unified fishery ordinance,” “political will” naman ang sinasabi ng ilang resi-dente na naninirahan malapit sa dagat sa Alaminos.

“Huminto po ang illegal fishing sa aming lungsod kahit walang unified fishery ordinance. Ang meron lang po rito ay lakas ng loob ng mga namumuno, pagiging aktibo at pagkakaisa ng kapulisan, POSO at concerned citizens,” anang ilan sa kanila nang kapanayamin ng Isla.

Naniniwala naman si Mendoza na para mapatigil ang illegal fishing, ang kailangan ay color coding ng mga banka upang matukoy agad ang mga illegal na mangingisda.

Sinabi naman ng mga residente ng lungsod na posible pa ring magkaroon ng illegal fishing kahit may color coding kung walang sapat na lakas ng loob at pagkakaisa para sa pagpa-patupad ng batas.

Ayon pa sa obserbasyon, posible pa umanong gamitin ng illegal operators ang color coding para sa kanilang sariling bentahe.

Samantalang pinag-uusapan pa sa Sangguniang Panla-lawigan ang bisa o kagandahan ng suhestyon ni Mendoza na balak ipatupad sa buong lalawigan, nagtatagumpay na ang lungsod ng Alaminos at nagkakasiyahan na ang mga residente sa pagkakaroon ng mas maraming isdang nahuhuli.

Hindi na mahihintay pa sa Alaminos ang ibang istratehiya para pangalagaan ang kalikasan.

Lalo na dahil ang Hundred Islands National Park, bilang halimbawa, ay inaasahang nasa pinakamataas na antas ng kalagayan. Mula rito’y napakaraming bilang ng mga residente ang nakikinabang, iba-ibang sektor tulad ng transportasyon at mga business establishment.

Hindi rin mahihintay na ubusin ng mga ganid ang isda sa dagat dahil ang mga kaawa-awang mangingisda ay dito kumu-kuha ng pantawid-gutom maging edukasyon ng kanilang mga anak.

Andiyan na at nakalatag ang napakakapal na mga ordi-nansa sa bawat munisipalidad.

Political will na lang ang kailangan.

‘Political’ will hindi unified fishery ordinance ang kailangan

EDITORIAL

Ipinapakita ng isa sa mga lumahok sa unang edisyon ng Ban-oitan na kahit sa pamamagitan ng binggwit, kilo-kilong isda ang mahuhuli sa loob lang ng ilang oras sa karagatan ng Alaminos.

2nd Ban-oitan Ed Alaminos 2010,main attraction sa anibersaryo

ng 5th HINP TurnoverInaasahang dudumugin ng mamamayang Alaminian at mga bisita ang 2nd Ban-oitan ed Alaminos 2010 na siyang main highlight ng selebra-syon ng ika-limang taong anibersaryo ng HINP Turnover sa Septyem-bre 29 na idineklara bilang “Legal Fishing Consciousness Day.”

Maliban sa Ban-oitan, tampok sa anibersaryo ang mga aktibidad katu-lad ng Bancaton Race, Pakaw Race & Design, Fun Run, Interschool Kayak Fun Race at R&R Team Building.

Sinabi ni City Tourism Officer Miguel Sison sa panayam ng Isla News Team na malalaki ang mga papremyo sa patimpalak.

Kabilang sa mga abalang nag-hahanda para sa tagumpay ng malak-ing event na ito ay ang City Agriculture Office (Fishery Section), Coastal Resource Management Office, Public Order and Safety Office, City Mayor’s Office, City Tourism Office at City General Services Office.

Ang Ban-oitan na isang sports fishing competition ay brainchild ni Alkalde Hernani Braganza na naglalayon na ipakita sa mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan at iba pang pinagkukunang yaman ng lungsod.

Simula ng ideklara ng alkalde noong 2004 ang malawakang kampanya laban sa iligal na pangingisda sa lungsod, dumami ang mga isda at iba pang yamang-dagat na nakatulong nang malaki sa mas maraming mamamayan nito.

Marami ding kabutihan ang dulot nito sa pagsulong ng lungsod sa Hundred Islands National Park dahil natatawag ang interes ng malaking bi-lang ng mga turista at mga residente.

Hindi maipipinta ang pagasang hatid sa mga mukha ng mga pinalad na magkatra-baho matapos dumalo sa job fair sa lungsod noong Septyembre 19 sa Don Leopoldo Sison Auditorium.

Sila ang mga ma-mamayang taga-Alaminos at primero distrito na nag-pasalamat sa biyayang hatid ng proyekto ng lokal na pamahalaan ng Alami-nos sa pakikipagtulungan ng Provincial Employment Services Office (PESO), Department of Labor and

Employment (DOLE), Philippine Overseas Em-ployment Administration (POEA) at JCI Hundred Islands.

Ayon kay Konse-hala Carolyn Dizon-Sison, tagapangulo ng Commit-tee on Labor, Commerce, Trade and Industry ng Sangguniang Panlung-sod, napapanahon ang job fair dahil sa dumaram-ing bilang ng graduates.

“Sa hirap ng pana-hon ngayon, kailangang tulungan natin ang ating mga kababayan na maka-hanap agad ng trabaho.

SA HUNDRED ISLANDS JOB FAIR

Mga walang trabaho, nagkatrabahoAng job fair na ito ay mal-aking tulong sa kanila da-hil hindi na sila kailangang magtungo sa Maynila at iba pang lugar para maghanap ng trabaho, di-nala na namin dito sa Ala-minos,” sabi ni Dizon.

Nagpasalamat ang mga dumalo sa job fair sa administrasyong Bra-ganza at mga ahensya ng gobyernong tumulong dahil sa patuloy nilang paghahanap ng oportuni-dad para sa kanila.

ALAMINOS CITY GOVERNMENTPublisher

BENJO G. RIVERAEditor-in-Chief

TOOTS ORFIÑADASenior Editorial Adviser

CARLO RIVERARAMIL M. RAPUES JHABAR RUFIN

Reporters

TENG SAPIERADigital Artist

Page 3: September Issue

Higit sa tao, alam ng mga sea creature kung saan ang malinis na dako sa karagatan.

Kaya kamakailan,

marahil sa pagdami ng pawikan sa Alaminos, hindi maiwasang isa sa kanila ang nalambat ng mangingisda.

Agad namang itin-urn over ang pawikan (na may bigat na humig-it-kumulang 10 kilo) sa lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ni Mona Punong Barangay Pedro Laya.

“May lapad na hu-migit-kumulang 41.5 cm at habang 43.5 cm, ang

nalambat na lamang-dagat ay nasa mabuti namang kalagayan,” sina-bi ni Najera sa panayam ng me-dia.

Plano sana na idisplay sa giant clam nature reserve dito ang pawikan (na pinagkagulu-han muna ng mga turista bago tuluyang mapalaya sa dagat) upang maka-akit ng marami pang mga turista lalo na ng mga

Katulad noong nakalipas na taon, inaasahang ma-giging masaya at maku-lay ang pagdiriwang ng ika-limang anibersaryo ng pagkakalipat ng pan-gangasiwa ng Hundred Islands National Park mula sa Philippine Tour-ism Authority tungo sa pamahalaang lungsod ng Alaminos.

“Iniimbitahan namin lahat ng mamamayang Alaminian na makilahok at makisaya sa memorab-leng selebrasyon ng Hun-dred Islands National Park Turnover Anniversary sa Septyembre 29,” sabi ni Mayor Hernani Braganza sa panayam ng mga lokal na mamamahayag at Isla News Team.

Ang selebrasyon na taon-taong ginaganap ng lungsod ay may layong ipagpasalamat ang mga bunga ng matagumpay na pagkakalipat ng pan-gangasiwa at panganga-

laga ng HINP sa lokal na gobyerno.

Sa pagtataguyod ni Alkalde Braganza, nailipat noong 2005 sa control ng lungsod ng Alaminos ang Hundred Islands matapos ang 65 taong pangangasi-wa ng Philippine Tourism Authority sa pamamagitan ng Executive Order No. 436 ni dating Pangulong Arroyo.

Ipinahayag ni City Tourism Officer Miguel Sison na nangunguna sa mga aktibidad na nakalin-ya ang 2nd Ban-oitan Ed Alaminos 2010, Bancaton Race, Pakaw Race & De-sign, Fun Run, Interschool Kayak Fun Race at R & R Team Building.

Naghihintay ang cash prizes at awards para sa mga magwawagi.

Simula ng mailipat sa kontrol ng pamaha-laang lungsod mula sa Philippine Tourism Au-thority, nanumbalik ang

ganda at halina ng HINP kaya ibayo ang itinaas ng bilang ng mga nagpupun-tang turista lokal o ban-yaga man.

Dahil sa turnover, deretso na rin sa kaban ng bayan at mga maliliit at malalaking mamumu-hunan ang kita mula sa HINP.

Isla 3Bas ic Ser v ices/Tour i sm

MURANG PABAHAY SA ALAMINOS

16 GK homes, itinatayo sa LucapNagsimula na ka-

makailan ang pagtatayo ng mga murang tirahan sa pagkakaisa ng ad-ministrasyong Braganza, Fidel V. Ramos Founda-tion at Gawad Kalinga sa Sitio Santo Rosario, Ba-rangay Lucap.

Labing-anim sa mga ito ay inaasahang matatapos sa unang linggo ng Nobyembre, ayon kay Engr. Ismael Najera.

Bilang kanyang bahagi, ang Fidel V. Ramos Foundation, na pinamumunuan ni dating Pangulong Ramos, ay nagsikap na makakalap ng $50,000 o humigit-kumulang dalawa at ka-lahating milyong piso ng magkaroon ng magan-da, maayos at ligtas na tahanan ang mga Ala-miniang kapos sa buhay.

Ayon kay Mr. Boni-

facio Martinez, ang pa-mahalaang lungsod sa pamumuno ni Alkalde Hernani Braganza ay siya namang nag-laan

ng lote upang pagtayuan ng GK homes sa Lucap.

Ang Gawad Ka-linga naman sa paki-kipagkaisa ng lokal na

pamahalaan ay ang magbibigay ng man-power, at experts upang tulungan ang mga volun-teer sa pagpapatayo ng

mga bahay.Habang isinusulat

ito, natapos na ang may 30 percent ng 16 na ba-hay.

Ang mga Alamin-iang benepisaryo ay, ayon sa panuntunan ng GK, mag-lalaan ng kanilang panahon at pawis sa pagpapatayo ng mga bahay.

Kailangang din na sila’y dumaan sa “kapitbahayan seminar,” dagdag ni Mr. Ben En-erva, GK coordinator for Northern Luzon.

Pahayag ng mga nagsusulong ng murang pabahay sa lungsod, kung lahat ng mga or-ganisasyon dito ay mag-uukol din ng kanilang magagawa at makikipag-tulungan, marami pang mga kababayan ang magkaka-bahay at hindi maglalaon baka mauna pang maging slum-free ang Alaminos.

SA SEPTYEMBRE 29 NA!

Makisaya at makilahok sa 5th HINP Turnover Anniversary!

Siyam na kapu-lisan mula sa Alaminos City Police Station ang dumaan sa mahigit apat na oras na training na ginanap sa conference room ng Alaminos City Hall.

Ang unang batch ng mga nagsanay ay masusundan pa para sa mga interesadong matu-to, ayon kay Lemton Ag-ricola ng Project Adam.

“This is a continu-ing project of Project Adam and the city gov-ernment of Alaminos headed by Mayor Her-

nani Braganza,” ayon kay Agricola sa panayam ng Isla News Team.

Inimbitahan ni Ag-ricola ang mamamayan, lalo na ang mga estudy-ante na samantalahin ang proyekto.

Maliban sa trou-bleshooting, patuloy din ang libreng computer classes na inaalok ng Project Adam sa mga mamamayan sa Alami-nos Recovery Center.

Itinuro din sa workshop kung papaano i-reformat ang computer at software installation.

Upang makatulong sa mamamayang nagna-nais na magkaroon ng kaalaman sa pagsa-saayos (troubleshooting) ng mga computer, inilunsad noong Septyembre 16 ng lokal na pamahalaan at Project Adam ang isang workshop ukol dito.

Computer troubleshooting

program inilunsad

Pawikan, nalambat; ligtas at malaya na uli

bata.“Minabuti po ng lo-

kal na pamahalaan na palayain ito sa dagat da-hil ito po ay endangered

...sundan sa ph 8

Ang desenyo ng GK homes

Page 4: September Issue

Isla4 Agr icu l ture/Good Gover nancePRODUKSYON TUMAAS

Nagpasalamat ang mga magsasaka dahil sa ‘ibayong’ suporta ng lokal na pamahalaan, DA

Batay sa record, taon-taon ay tumataas ang antas ng produksyon ng bigas sa Alaminos.

Mula ng mailuklok si Braganza noong 2004, nagtuon na ito ng pansin sa pagbibigay ng mga li-bre o subsidized na mga matataas na uri ng binhi maging mga libreng pag-sasanay at kaalamang pang-agrikultura kaya taon-taon ay palago ng palago ang ani.

Paliwanag ni City Agriculturist Arceli Talania, tumaas ang produksyon ngunit bum-aba naman ang gastusin ng mga magsasaka sa pamamagitan ng certi-fied seeds na regular na binigay ng pamahalaan at tractor at vegetable

subsidies.Tungkol sa katipi-

rang hatid ng certified seeds, ipinaliwanag ni Talania na sa isang bag lang ng certified seed ang kailangan upang matinaman ang isang ektarya; samantalang gamit ang ordinaryong binhi, dalawang bag ang kanilang nakokonsumo.

Ayon kay Francis-co Mendez (isa sa mga benepisaryo ng rice sub-sidy) kung nagkaroon man ng pagbabago mula sa pag-akyat ng antas ng kabuuang ani ng mga magsasakang Alamin-ian, ito’y mauunawang dahil sa malalakas na bagyong humagupit sa lungsod nung ilang na-kalipas na taon.

Bagaman nahira-pan dahil sa pananalanta noon ng bagyo, kontento ang maraming mga mag-sasaka, ani Mendez, da-hil “ginagawa ng pama-halaan sa Alaminos ang kanyang trabaho.”

Kagaya ni Mendez, nagpahayag ng galak at pagpapasalamat si Ra-mil Camba, magsasaka sa Sta. Maria, dahil sa ibayong pagsuporta ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Camba maging kay Renato Ra-banera, magsasaka ng Baleyadaan, itinuturo rin ng CAO ang pag-gamit ng hybrid seeds kung saan sa halip na isang bag ng certified seed ang kailangan ay puwede na ang 15-20 kilo ng hybrid

seed sa isang ektarya.Ipinagpasalamat

ni Rabanera ang iba pang tulong ng admin-istrasyong Braganza sa mga magsasaka gaya ng tractor support, pa-paya seedlings at vege-table seeds na pawang subsidized din.

Kabalikat ng ad-ministrasyong Bragan-za ang DA sa pagbibig-ay ng subsidiya para sa bigas: kalahati ang binabayaran ng DA at kalahati ang sinasagot naman ng lokal na pa-mahalaan.

MASBATE CITY NATUTO SA LUNGSOD ALAMINOS BAGONG PROGRAMA

Sa moderno at epektibong pamamalakad ng gobyerno

“Sa ngalan ng mga opisyal ng Masbate at aming mga kaba-bayan, kami ay nagpapasalamat Kay Mayor Nani sa kanyang ma-bilis na tugon sa aming kahilin-gan,” anila.

Nagtungo kamakailan ang mga opisyal ng Masbate sa lung-sod matapos mapagalaman na inaalok ng lungsod ang software technology nito na makakatu-long sa pagbibigay ng maayos, mabilis at malinis na serbisyo sa publiko.

Ang teknolohiya na naga-wa ng lungsod ay mabisang paraan upang matanggal ang red tape, mapataas ang tax rev-enues at mabawasan ang opera-tional costs ng LGUs.

Si City Planning Devel-opment Officer Engr. Roel T. Añonuevo ang naatasang mag-turo kung paano patakbuhin ang software.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito hindi na kailan-

gang magtungo ng isang taxpayer sa cityhall upang magbayad ng kanyang buwis, sa ba-rangay pa lamang niya mismo ay maari na siyang magbayad.

Sa ilalim din ng programa ay nadevelop ng lungsod ang isang integrated information system na lumikha ng isang unified database na mahalaga sa mga ibat-ibang transaksyon sa city hall.

Magtatayo ang mga nabanggit na organ-isasyon ng mga techno-demo farm para sa pag-paparami ng tilapia, ulang (freshwater prawn) at hito (catfish).

Sang-ayon sa proyekto, tuturuan din ng mga mahahalagang teknolohiya sa aquacul-ture ang mga magsa-sakang sasanayin.

Isang Memoran-dum of Agreement sa pagitan ng mga nasabing organisasyon at mga re-cipients ng programa ang nilagdaan upang matiyak na magtatagumpay ang proyekto.

Upang makatipid, magsisilbing demo farms ang mga small-farm-res-ervoir (SFR) ng mga mag-sasaka.

Upland freshwater aquaculture inilunsad sa Alaminos

Sa panayam ng Isla News Team, sinabi ni Catherine Rabadon-Oyzon, Agricultural Tech-nologist ng City Agricul-ture Office, na mayroon na ngayong 12 SFRs na gagamitin para sa proyek-to.

Bawat isang SFR ay pamamahalaan ng isang magsasaka.

Labing-isa sa mga ito ay matatagpuan sa

barangay Dulacac at ang isa naman ay sa barangay Magsaysay.

Ani Oyzon: Nag-simula ng mag-stock ng ulang noong Hulyo 27 at hito noong Agosto 26.

Nakatakdang mag-stock ng tilapia sa Septy-embre 29.

Napagalaman din ng Isla News Team na tu-tulong ang lokal na pama-halaan sa marketing ng mga naparaming isda.

Umaasa ang mga mag-sasakang Alaminian na maraming bibilhing bigas ang National Food Au-thority na kamakailan ay nagbukas ng buying sta-tion sa lungsod.

Kabilang sa mga nagkaroon ng bagong buy-ing station ay ang Alaminos City, ayon kay Ramon Cu-aresma ng NFA.

“Tamang-tama po ang ginagawa ng NFA dahil

sa pagtaas ng ani sa Alami-nos, sa tulong ng mga sub-sidiyang pinagkakaloob ng administrasyong Braganza at DA,” pahayag ng grupo ng mga magsasaka.

Kanilang sinabi na mas marami silang mai-bebentang ani dahil sa full rice seed subsidy, tractor subsidy at iba pang tulong agrikultura na kanilang na-tatangap.

Maliban sa Alami-

nos, binuksan din ang buy-ing stations sa lungsod ng Dagupan, Mangaldan at Mangatarem noong Agosto 1 at posible ring magbukas sa Malasiqui.

Nagpahayag ng pag-kagalak si Cuaresma dahil sa dami ng murang bigas na maipagbibili. Aabot sa mahigit na 300,000 sako ng bigas ang nakaimbak sa kanilang warehouse, ayon pa sa opisyal.

Upang madagdagan ang pinagkakakitaan ng mga magsasakang Alaminian, inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Fisheries Research and Development Institute at Asian Fisheries Academy sa paki-kipagtulungan ng administrasyong Braganza ang proyektong tinatawag na upland freshwater aquaculture.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga opisyal ng lungsod ng Masbate kay Mayor Hernani Braganza sa kanyang agarang pagtugon sa kahilingang matuto ng ipinagmamalaking “One System One Government Software” ng Alaminos.

Buying station ng NFA binuksan sa Alaminos

Upang maiwasan ang anomang aberya at hindi pagtanggap ng mga passport appli-cations ng mga kaba-bayan sa Alaminos at primero distrito, nakip-agkaisa ngayon ang lokal na pamahalaan ng Alaminos sa Depart-ment of Foreign Affairs (DFA) para sa advance verification ng mga pasaporte nila.

SA TULONG NG LOKAL NA PAMAHALAAN

DFA passport processing mas pinabilis at pinahusay

Ang bagong proyekto ay ambag ng pamahalaang lokal para agad makatrabaho ang

mga kababayang nagna-nais mangibang-bansa.

...sundan sa ph 11

Page 5: September Issue

Habang tumaas sa ibang lugar, bumaba naman nang todo sa Alaminos ang bilang

ng mga nagkakasakit ng dengue.

“Walang naiulat na namatay at ang anim na inaalam kung positibo sa dengue ay gumaling na,” ang nalaman ng Isla News Team sa pan-ayam sa City Health Of-fice na pinamumunuan ni Dr. Marivic Caram-bas.

Kung papaano naging matagumpay ang Alaminos sa kam-

panya laban sa den-gue, sinabi ni Maribel G. Oreta, sanitation in-spector V, na “Sa simula pa lang po n g

administrasyong Bra-ganza, nag-house to house kami sa buong Alaminos matiyak lang na lahat ay may pag-

unawa ukol sa den-gue: kung ano

ito, pano maiiwasan o pano m a l a l a -banan.”

N a -katulong din

sa pagsugpo

ng aedes mosquito ang agad na pagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng

mga kailangan ng CHO sa kampanya, ayon kay Oreta.

Naging maliwanag sa panayam kay Oreta na kung puspusan ang information dissemina-tion gaya ng mga sym-posium at pamimigay ng mga pampleto sa bawat barangay at maagap ang fumigation opera-tions maaaring hindi ganon kataas ang bi-lang ng nagkakasakit sa ibang munisipalidad.

Isla 5Good Gover nanceSA ALAMINOS, MAY MAPUPULOT PANG ARAL ANG IBANG PAMAHALAANG LOKAL

Walang kumpirmadong kaso ng dengue ritoDengue-carrying mosquitoes nadaig ng lungsod

Dra. Ma. Victoria O. CarambasCity Health Officer

League of Cities, nakiramay sa mga biktima ng hostage

Nagpahayag ng paki-kiramay ang League of Cities dahil sa ma-lagim na trahedya ka-makailan sa Maynila na ikinasawi ng walong katao.

“Para huwag itong maulit, kailangang mas damihan at tagalan pa ang training ng mga pulis partikular na la-ban sa hostage,” sinabi ng League of Cities sa pamamagitan ni Secre-tary-General at Alaminos Mayor Hernani Bragan-za.

Sinabi rin niyang hindi dapat sisihin si De-partment of Interior and Local Government Sec-

retary Jess Obredo at hindi siya dapat umalis sa kanyang puwesto.

Hindi lamang hu-say sa pagbaril ang hini-ling sa otoridad ng iba’t ibang sektor.

“Maiiwasan po ang

pagkasawi tuwing may hostage drama kung pasensyoso at magal-ing makipagnegosasyon ang mga tinuringang oto-ridad,” anila.

“Hindi puro tapang ang pairalin.”

Inakdaan ni Konsehal Oscar Boling, ang Ordinance No.2010-03 na may titulong “An Ordinance Insti-tutionalizing the membership of the City of Alaminos in the One Panga-sinan Alliance of LGUs (OPAL) and Authorizing the Provision of Annual Appropriation Under the Non-Office Account for this Purpose,” ay pin-irmahan lahat ng kasapi ng SP.

Sa panayam ng Isla News Team kay Boling, sinabi niyang “Wel-come development po ang pagkaka-apruba ng ordinansang ito. Muling nagkapit-bisig ang mga opisyal ng Alaminos para makipagtulungan sa mga karatig-bayan tungo sa nagka-kaisang hangaring bigyan ng magan-dang kinabukasan ang kani-kanilang mga kababayan.”

Nakasaad sa nasabing ordi-nansa na “maaaring magtatag ang mga bayan at lungsod ng isang gru-po upang pagkaisahin ang kanilang kakayahan at yaman para sa layun-ing kapaki-pakinabang sa kanila.”

Kasapi sa OPAL ang lungsod Alaminos at mga bayan ng Anda,

Bani, Burgos, Agno, Mabini at Sual.Ang OPAL ay itinatag bilang

tugon sa mga pangangailangan ng pitong kasaping LGU tulad ng mga sumusunod.

*Upang palakasin ang kakaya-han ng mga kasapi para sa tuloy-tuloy na pagunlad ng local economy, labanan ang kahirapan at pag-igihan pa ang pagbibigay ng mga panguna-hing serbisyo.

*Upang magkaisa at mag-karoon ng magandang relasyon; pagsamahin ang kaalaman at likas na yaman; at magkaroon ng nagka-kaisang istratehiya tungo sa kaun-laran.

Noong 2009, sa isang pambi-hirang pagkakataon, pinili ang OPAL bilang recipient ng isang grant o tu-long pinansyal na nagkakahalaga ng milyon-milyong dolyar mula sa Canadian International Develop-ment Agency para isakatuparan ang programang binansagang “Local Governance Support Program for Local Economic Development (LG-SP-LED).

Sa tulong at suporta ng lahat ng kasapi ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Cesar C. Manzano, pinagtibay ang isang ordinansang lalong magpapalakas sa One Pangasinan Alliance of LGUs (OPAL), isang alyansang pinasimulan ni Mayor Her-nani Braganza upang paunlarin ang buong primero distrito.

SA TULONG NG SANGGUNIAN

OPAL lalong pinalakas

Expanded feeding program update

Lumahok sa pag-pupulong ang mahigit 78 farmer-producers at iba pang ibig sumuporta sa programa.

Pinag-usapan din sa nasabing pulong kung paano ang paraan ng pagbabayad.

Ang Expanded Feeding Cum Livelihood program ng lokal na pa-mahalaan na nagsimula

noong Agosto 13 ay tu-mutulong upang mana-tiling malulusog, matat-alino ang mga 21,604 na magaaral sa lungsod habang nagbibigay ng karagdagang pagkakaki-taan sa mga magsasaka at mga magulang.

Aabot sa 21,604 na magaaral sa elemen-tary at pre-school ang makikinabang sa proyek-

tong binansagan ng maraming local govern-ment units bilang “best practice” ng lungsod.

Ang programa na sinimulan noong 2005, isang taon matapos ma-luklok bilang alkalde si Mayor Hernani Bragan-za, ay mabilis na nag-pababa sa mataas na antas ng malnutrition sa Alaminos.

Isinagawa noong Septyembre 9 ang isang pagpupulong ng mga kasapi ng Committee on Agriculture at mga magsasaka para tal-akayin kung paano mas mapagbubuti ang sistema ng pag-supply ng gu-lay na ipapakain sa mga benepisyaryo ng Expanded Feeding Cum Livelihood program ng lung-sod.

Mula sa mataas na malnutrition rate sa pre-school (22.1%) at elementary (25.68%) noong 2005, ang Alami-nos ngayong 2010 ang isa sa may pinakamaba-bang antas ng malnutri-tion sa lahat ng lungsod sa Rehiyon 1. Aabot na lamang sa 4.7% ang antas ng malnutrition sa pre-school at 12.8% sa elementary.

Ayon kay Dr.Marivic Carambas,

ang head ng City Health Office na siyang lead agency sa pagpapatu-pad ng programa, la-

yunin ng lokal na pama-halaan na magkaroon ng Zero Malnutrition Rate sa 2013.

Page 6: September Issue

6 Good Gover nance/Envi ronment

PARA TIYAKING MALINIS ANG TUBIG NA DADALOY SA LINGAYEN GULF

Natamo sa pamamagitan ng One Pangasinan Alliance (OPAL)

sa na namang mahalagang yugto sa pagtataguyod ng kapakanan ng kan-

yang nasasakupan ang narating ng One Pangasinan Alliance, sinabi ni OPAL lead

LGU coordinator Hernani Braganza, al-kalde ng Alaminos City.

Ito’y naganap nang ang OPAL, isang umuusbong na alyansa ng mga pamahalaang lokal sa unang distrito ng probinsya, ay pinili ng European Union bilang isa sa mga tagapagpatupad ng isang proyekto: ang pagreplika sa isang constructed wet-land waste treatment facility ng Thailand na itinutur-ing na best practice ayon sa EU at mga kapwa nito project financer.

Ang Alaminos, Agno, Anda, Bani, Burgos, Mabini at Sual na bumubuo sa OPAL ay silang pinili na pilot area ng proyekto na tinatawag na “Partner-ship for Democratic Local Governance in Southeast Asia” o DELGOSEA.

Sa pamamagitan ng treatment facility na dinidevelop, nangunguna ang OPAL sa ibang lokal na pamahalaan sa buong probinsya at Rehiyon I sa pagprotekta sa Lingayen Gulf mula sa mga maru-ruming tubig o likido mula sa mga kabahayan at es-tablisyemento.

“Ito po ay napaka-importanteng proyekto dahil hindi lamang nito layong pangalagaan ang karagatan at mga ilog kundi ang kabuhayan ng marami mula sa mga destinasyong panturista gaya ng Hundred Is-lands,” pahayag ni Braganza sa kanyang talumpati sa isinagawang pormal na paglagda ng Memoran-dum of Understanding on Best Practice Model Rep-lication for OPAL.

Ang mga lumagda sa MOU ay OPAL-member LGUs na inirepresenta ng mga alkalde na sina Jose Pajeta Jr. ng Agno, Aldrin Cerdan ng Anda, Marcelo Navarro Jr. ng Bani, Alberto Guiang Jr. ng Burgos, Carlitos Reyes ng Mabini at John Rodney Arcinue ng Sual. Ito’y ginanap sa Island Tropic Hotel and Res-taurant sa Alaminos.

Ang iba pang kasali sa paglagda na nagpadala ng kanilang kinatawan ay sina Local Government Development Foundation Executive (LOGODEF) Dir. Edmund Tayao at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) National President Benjamin Abalos Jr.

Sa ilalim ng MOU, sasailalim muna ang OPAL members sa capacity-building, magsasagawa ng study and exchange visits, workshop/training pro-grams na pangunahing popondohan ng European Commission sa pakikipagtulungan sa ULAP at LO-GODEF.

Susunod dito ang pag-replika sa wasteland treatment facility, na tutulungan ding pondahan ng EC.

Ayon kay DELGOSEA national coordinator Professor Crescencio M. Doma Jr., ang OPAL-mem-ber LGUs ay “maguukol lamang ng maliit na halaga” sa replikasyon ng wetland sa Thailand.

Ang napakahalagang layunin ng proyekto ay mapaigi ang pamumuhay ng mga umaasa lamang sa biyayang mula sa likas-yaman tulad ng mga mali-it na mangingisda, base sa pahayag niya.

Ang wetland ay pangatlong mahalagang proyekto ng OPAL na pinagmumulan ng karangalan hindi lang ng mga nasa uno distrito kundi maging ng buong probinsya yamang ang OPAL ay hinirang mula sa maraming alyansa sa bansa at sa buong

Timogsilangang Asya.Ang unang major project ng OPAL ay ang pa-

glunsad ng Local Government Support Program for Local Economic Development noong June 2009. Sa pamamagitan nito, ang Canadian International In-ternational Development Agency sa pakikipagkaisa sa pambansang pamahalaan ay magkakaloob ng pondo para sa mga programa ng OPAL sa ikasu-sulong ng agrikultura at turismo, mga pangunahing ikinabubuhay sa uno distrito.

Ang pangalawa ay ang pagpapalakas at pag-papatuloy ng mga umiiral na programa upang mat-amo ang Millennium Development Goals sa distrito.

Binigyang-diin ni Braganza na “ang isang pinakamalaking bentahe ng pagkakaroon ng kasun-duan na ito at mga kasunduan noong nakaraan ay hindi lamang ang paglagda kundi ang pagnanasa ng pitong LGUs na magkasamang magtrabaho, pataa-

P royektong hatid ng European-Union ipatutupad ng OPAL

Page 7: September Issue

7Good Gover nance/Envi ronment

PARA TIYAKING MALINIS ANG TUBIG NA DADALOY SA LINGAYEN GULF

Natamo sa pamamagitan ng One Pangasinan Alliance (OPAL)

sin ang kakayanan ng ating mga lokal na pamahalaan, magpatupad ng best practices, pagbutihin ang byurukrasya para pagsilbihan ang aming nasasakupan.”

Sabi ni Braganza, ang OPAL lamang ang aly-ansang hindi pinamumunuan ng gobernador na tu-manggap ng malaking suporta sa international na organisasyon.

“Ang ibang samahan ay pinamumunuan ng gobernador subalit nanalo po ang grupong ito at na-recognize na magandang samahan ng mga mu-nisipyo dito po sa first district ng Pangasinan. Ako po ay masaya dahil ang organisasyon natin ay nag-ing pormal at ngayo’y kinikilala sa loob at labas ng bansa,” pahayag niya.

“Kapag naging matagumpay ang OPAL, hin-di lamang namin pagsasama-samahin ang aming mga pwersa sa hinaharap, mawawala na ang mga hangganan sa pagitan ng pitong munisipalidad.

Gagawin namin ang pinakamabuti upang kilalanin ang mga suliranin at upang ip-atupad ang mga nar-arapat na solusyon,” ani Braganza. “Malaki

po ang posi- bilidad na marami pa pong proyekto ang dumating.”

Napansin ni Braganza na karamihan sa mga funding institution ay nakatutok sa Mindanao. “Mas-werte po tayo rito sa Pangasinan’ kasi nabibigyan ng pansin ngayon ‘yung Luzon.”

“Masaya po ako na nagkakaroon po ng mga pagpupulong sa loob ng unang distrito at napag-ala-man kong meron atang bayan na gustong sumama para maging miembro ng OPAL,” anang alkalde.

Halos lahat ng munisipalidad na kasapi sa OPAL ay tabing-dagat at binayayaan ng mga des-tinasyong panturismo gaya ng Hundred Islands, na mahalagang bahagi ng Gulpo ng Lingayen.

royektong hatid ng European-Union ipatutupad ng OPAL

Mayor Hernani Braganza

Professor Crescencio Doma Jr.

Mayor Alberto Guiang

Page 8: September Issue

Ano ba ang mga nagig-ing epekto ng hostage crisis na nangyari sa Luneta kamakailan sa turismo sa lungsod?

Sinabi ni Tourism Officer Miguel Sison na “Wala namang epekto ang naturang insidente sa turismo sa HINP bag-kus marami pa rin ang turista na galing sa iba’t ibang bansa gaya ng Ko-

rea, China, Slovenia, US, Great Britain, France at marami pang iba ang pu-mupunta rito.”

Ang nangyari ay isa lamang isolated case.

Nagpahayag na-man si Sison ng tiwala sa mga alagad ng batas patungkol sa panganga-laga sa mga turista.

“Nariyan po ang ating Bantay-Dagat mula

sa Public Order and Safety Office. Mayroon din tayong naka-bantay na mga security person-nel sa Lucap Wharf, 24/7. At ang Alaminos City Po-lice Office, sa pamumu-no ni Supt. Rolie Saltat, ay maaasahan namang agad na reresponde.

Pahayag naman ng ilang komentarista, malayo ang HINP sa pinangyarihan ng hos-tage-taking, pagdating sa distansya gayon din sa pagsisikap na maghari ang kapayapaan.

Mahigpit ang pag-papatupad ng mga batas sa Alaminos, pahayag nila.

Tour i sm/Peace and Order8 IslaLUNETA HOSTAGE CRISIS.

HANDA SA HOSTAGE CRISIS

Walang epekto sa turismo sa HINP: Sison

Alaminos City Police Office, patuloy sa paghahanda, lumahok sa shooting competitionPagdating sa pagresponde sa kri-men, ang tiwala sa PNP Alaminos ay mataas at lalo pang tumaas bunsod ng mabilis na paghuli nito sa isang suspek sa pagpatay ka-makailan sa Barangay Quibuar.

Upang panatilih-ing maganda ang per-formance, sinabi ni Ala-minos City Police Chief, Supt. Rolie Saltat na siya at iba pang mga hepe sa Rehiyon I ay lumahok sa Regional Director’s Cup Shooting Competition na isinagawa sa Panga-

sinan Provincial Police Office sa Lingayen.

Sinabi ni Saltat na mahalaga na mag-ing mabilis at tumpak ang alagad ng batas sa pag-gamit ng baril upang walang sibilyan ang ma-damay.

“Para matupad na-min ang aming misyon na ‘to serve and protect’ the citizenry, kailangan ang mga pagsasanay gaya nito,” pahayag niya tungkol sa nasabing 3-day shooting competi-tion.

Mga shotgun ng kapitan sa probinsya, ideposito sa PNP

Sang-ayon si provin-cial election supervi-sor Reddy C. Balar-bar na ideposito muna ng mga kapi-tan sa PNP ang mga shotgun na ipina-mahagi ng pamaha-laang lalawigan.

Ito’y upang maiwasan ang kara-hasan sa darating na halalan sa barangay para Sangguniang Kabataan at baran-gay positions sa Ok-tubre 25.

Hindi maiwasan ang tensyon sa mga magkakatunggaling kampo kaya marapat na agad nang ideposi-

to sa PNP ang nasabing mga armas.

Walang lisensya ni permit uma-no ang mga kapitan para m a g b i t b i t ng shotgun, pahayag ng ilang impor-tante sa PNP.

Sisikapin din ng Comelec na mahigpit na ipatupad ang “gun ban” mula Septyembre 25 hanggang sa Noby-embre 10—ang election period.

Mula pa man noong una, hindi na sang-ayon ang pamahalaang lung-sod ng Alaminos sampu ng mga city councilor, re-ligious at business group at iba pang non-govern-ment organizations dito sa pagbigay ng baril sa mga kapitan.

“Makikita sa nangyaring hostage drama na kung nag-kulang ang mga pulis, lalong hindi sapat ang saglit na training ng mga kapitan sa pag-gamit ng shotgun,” sabi nila.

Patuloy naman ang mahigpit na check-point sa mga entrance o exit points ng Alami-nos, ayon kay Supt. Rolie Saltat, hepe ng Alaminos City Police Office.

specie,” sinabi ni Najera.May isang taon

na ang nakalipas, isang pawikan din ang nailigtas ng lokal na pamahalaan at concerned citizens.

Mula ng maupo si Braganza bilang alkalde ay aabot na sa 10 pawi-kan ang nailigtas.

“Bakit dumarami ang pawikan sa kara-gatan ng lungsod? Hindi maitatangging mas pay-apa at malinis ang kara-gatan sa teritoryo ng Ala-minos ngayon,” pahayag ng isang impormante mula sa city hall.

“Sa katunayan nga po, ang Hundred Islands ay isang protected area, hindi sa salita lang kundi sa gawa. Kabawal-bawa-lan po rito ang mag-dyna-mite fishing at mangisda gamit ang kemikal at lam-bat na may maliliit na bu-tas, o mga de-makinang compressor,” dagdag niya.

Kaugnay nito, pina-hayag ng Tourism Office na ang taas-taas na ng bilang ng mga turistang nagtutungo sa HINP mula ng iturn over ang pangan-gasiwa nito sa pamaha-lang lungsod sa pamu-muno ni Alkalde Hernani Braganza.

Nag-iwan ng payo si Najera sa mga du-madagsang turista: “Kung magkatagpo man ang mga turista ng pawi-kan sana’y wag nila itong kainin o iuwi.”

“Hindi lamang mga turista ang nakaaalam ng mainam na pasyalan sa Pangasinan,” pabirong paliwanag naman ng isa sa mga mangingisda kung bakit dumarami ang nalalambat na pawikan.

mula sa ph 3Pawikan...

Mali ang NAKASIMANGOT.

Page 9: September Issue

9Isla Human Resource Deve lopment/Inf ras t r uc ture

2 bagong classrooms para sa Tawin-tawin at Linmansangan

Ang isa ay nasa Linmansangan Elemen-tary School.

Sabi ni Engr. Cam-ba, ito’y isang one-unit school building na may dalawang classrooms. Bukod dito, ang bawat silid ay may tag-isang palikuran, dagdag niya.

Nagkakahalaga ng P1,013,000 ang nasa-bing gusali.

Aniya, 100 percent complete na ang istrak-turang ito maliban sa pag-kabit ng mga elec-trical connections from main line to drop line na ikakabit ng PANELCO.

Ang pangalawang

gusali na malapit ng matapos ay nasa Sitio Soliva, Barangay Tawin-tawin para sa mataas na paaralan ng barangay. Ito ay 1-unit-2-classroom building without individu-al comfort room.

Ito’y nagkaka-halaga lamang ng P986,332.50 kaya maliit kumpara sa nauna.

“Kasama sa mga barangay na makikinabang dito ang Landoc, Amangbangan, Sta. Maria, Dulacac mal-iban sa Tawin-Tawin,” sabi ni Camba.

May iba pang ba-rangay na nagkaroon na

ng 1-unit-2-classroom building tulad ng Cabat-uan.

Maliban sa mga gusaling pang-elemen-tarya, pitong day care centers ang pinagawa kamakailan ng lokal na pamahalaan na matatag-puan sa Bisocol Elemen-tary School, Landoc E.S., Maliga E.S., Pan-dan E.S., San Vicente, Rangcarang at San An-tonio.

Dahil hindi lang mga state-of-the art na gusaling-aralan ang kai-langan para magkaroon ng mga edukadong ka-bataan, puspusan din

ang pagpapakain ng lo-kal na pamahalaan sa mga elementary school pupils sa ilalim ng City Expanded Feeding Cum Livelihood Program.

“May mga bagong paaralan, may pagkain, at Wi-Fied o internet-connected pa ang mga paara lan—kumple to para sa mga kabataang Alaminian,” namang-hang pahayag ng ilang komentarista na hindi maiwasang mahiwagaan kung bakit marami pa rin ang hindi bumoto sa alkalde na nagsusulong ng de-kalidad at abot-kayang edukasyon sa Alaminos.

Masayang ibinalita ni Roel N. Camba, engineer III sa City Engineering Office na dalawang bagong classrooms ang maidaragdag sa mga publikong paaralan sa lungsod.

CSC Quiz Bee itinakda sa Septyembre 27-29

Bilang pagdiriwang ng 110th Anniversary ng Civil Service Commis-sion sa buwan ng Sep-

tyembre, nagtakda ng patimpalak ang Human Re-

source Management Office ng lokal na pamahalaan.

Tiyak na kagigiliwan ng mga kalahok at empleyado ng city

hall at ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang CSC Quiz Bee na nakatakda sa Septyem-bre 27-29.

Ang Quiz Bee na gaganapin sa City Library ay maihahalintulad sa Game Ka Na Ba, Family Feud at Who Wants To Be Millionaire, mga pro-grama sa mga higanteng television network na talagang patok sa mga manonood.

Ayon kay Ms. Wilma B. Neri ang patimpal-ak ay naglalayon ding pagandahin ang samahan ng bawat empleyado sa city hall.

“Ang patimpalak na ito ay napakagandang oportunidad para makapagrelax at mapagya-man pa ang magandang samahan ng ating mga manggagawa,” ani Neri sa panayam ng Isla News team.

THE BEST VS THE BEST

Team Alaminos patungong Cagayan laban sa powerhouse teams sa buong bansa

Lahat ng mga Alaminiang nanalo ng ginto sa Milo Little Olympics Luzon ay naghahan-da dahil sa sila’y ilalaban sa “national lev-el” ng nasabing kompetisyon sa Cagayan de Oro City sa Oktubre.

Napag-alaman din ng Isla kay Hundred Islands Youth and Sports Council (HIYSC) ad-viser Jose Elvis Sison na mas mataas na ang kumpiyansa sa mga lokal na atleta dahil sa ad-

ministrasyong Braganza.Aniya, sa tulong ng lokal na pamahalaa, nag-

ing mas epektibo ang programang pang-palakasan ng lungsod.

Tinukoy naman ni Angelito Reqte, administra-tive aide ng HIYSC, ang mga magagaling na atletang Alaminian na sasali sa national Olympics.

“Sila po ay ‘yung mga tumalo sa ibang magaga-ling na atletang pambato ng Cordillera Autonomous

Region at Regions I, II at III sa Milo Little Olympics Luzon kamakailan,” pahayag ni Reqte.

Sumusunod ay ang listahan ng mga nasabing atleta:

Pinangangasiwaan ni Alkalde Braganza ang oathtaking ceremony ng mga bagong opisyal ng Nepo

Mart Association of Market Vendors kamakailan.

Page 10: September Issue

Ipinagtanggol din ni Alaminos City National High School Principal Gloria Reynoso ang lokal na pamahalaan mula sa mga paninira ng ilang na-mumulitikang grupo: hindi maganda ang manira lalo na kung ang sisiraan ay ang “walang-katulad na proyekto ni Alkalde Her-nani Braganza na nag-bibigay ng oportunidad sa mahihirap at mga ka-tandaan upang mag-aral nang libre.”

Batay sa paninira, aabot daw sa P2,000 hanggang P4,000 ang sinisingil sa bawat mag-aaral.

10 IslaPeace and Order

LAMANGAN

Peace and order sector ng lungsod palalakasin

Dahil sa lumalak-ing populasyon at ng mabilis na pagunlad ng lungsod, dumarami na-man ang pangangailan-gan ng mamamayan, kaya nagtakda ang lokal na pamahalaan ng mga modernong pamamara-an upang maihatid nang mabilis ang mga pangu-nahing serbisyo sa pub-liko.

Unang palalakasin ang sektor ng peace and order dahil dito nakasa-lalay ang tuloy-tuloy na

p a g u n l a d ng turismo at invest-ment sa lungsod.

A y o n kay DILG O f f i c e r Alicia C. Bang-oa sa panayam ng Isla News Team unang rerepasuhin ang mga kasalukuyang sistema ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaay-usan.

“Hindi maikakaila

na ang lung-sod Alami-nos ay isa sa pinaka-mabilis na u m u u n l a d na lungsod sa bansa n g a y o n , that is why

it is vital to update our peace-keeping efforts,” ayon kay Bang-oa.

Ilan pa sa mga la-yunin ng pagpapalakas ng sektor ng kapayapaan at kaayusan ay ang mga

sumusunod.*Palakasin ang

moral ng mga peace-keepers sa lungsod

*Palakasin ang mga programa, pata-karan at kaparaanan sa pagpapanatili ng kapay-apaan

*Bigyan ang mga otoridad ng karagdagan equipment tulad ng com-puter units, handheld radios, patrol cars, fire truck, pro baton at flash-lights.

1) Nahipo ng BF ang legs ng GF…GF: Ooops! Psalm 129!BF: Sori!Pag-uwi, hinanap ng BF ang Psalm 129.“Go higher and find glory.”BF: Put your head on my shoulder—”SAYANG!”(Ayan ‘di ka kasi nagbabasa ng Bible eh. Hehehe.)

2) AMA: Nakkong inka agluto innapuyenANAK: Kasano ak agluto tatang awan met bagas tayo?AMA: Adalem ah agluto nga awan bagas!ANAK: (After 10 minutes) Tang, mayka manganen!AMA: Awan met innapoy?ANAK: Adalem met a tang ti mangan nga awan innapoy!AMA: Diyaske ka nga ubing, manipud ita dinak awaganen ti tatang ha?ANAK: Wen ngarud FREN! Hehehe!

3) Who was the only woman who gained fame without ambition…who, by just praying with humility, gained heaven’s favor, earning fame for her country and faith worldwide in 2009?Mother Teresa? No! It’s…Aling Dionisia (Pacquiao) hehehe!Now you know!

Contributed by Nehemias Racho

Mga pasaway na mangingisda, nalambat

Apat na residente ng Agoo, La Union, ang nalambat ng mga otori-dad kamakailan.

Ayon sa Alami-nos City Police Office at POSO-Bantay Dagat,

gumamit ang mga sus-pek na sina Edwin As-piras, Richard Santos, Ryan Santos at Benedict Onarce ng fine mesh net sa teritoryo ng Alaminos, partikular na sa Hilag-

angsilangan ng Patalan Lakay.

Nilabag umano nila ang Sec. 89 at 90 ng RA 8550.

Nakumpiska sa mga mangingisda ang bankang may tatak na

“Joenil”, fishing net, stainless ring, humigit-kumulang 100 metro ng paray-paray at 15 kilo ng isda.

Habang sinusulat ito’y nasa kamay ng PNP ang kaso ng apat.

Dalagita, nirape sa Bolinao?

Nang magising ang 16 anyos na babae matapos mawalan ng malay dahil sa pilit na makatakas sa lasing na lalake, tanggal na ang kanyang damit at nakababa naman ang kanyang mga panloob.

Itong ilan sa salaysay na nakuha ni PO3 Ofelia Cuizon ng Women and Children Concern Desk ng Bolinao sa biktimang hindi na pinangala-nan.

Ang biktima na nagtatrabaho sa nasabing bayan ay natunton ng kanyang mga amo sa li-kuran ng kanilang kantina kung saan umihi ang biktima.

Kwento ng dalagita, umihi siya sa likod ng kantina nang sundan umano siya ng suspek na si William Caniedo.

Dahil sa walang tao roon, tinangka umano ng suspek na isagawa ang kahalayan hanggang mawalan ng malay ang biktima.

Pagkagising, ginamit ng biktima ang cell-phone ng lalaki upang humingi ng saklolo sa kan-yang mga amo.

Nangunguna sa may matataas na kaso ng dengue ang mga munisi-palidad ng Dagupan na sinusundan naman ng Mangatarem.

Ngunit batay sa pahayag ni Pro-vincial Health Officer, Dr. Anna De Guzman, hindi masisisi ang mga lo-kal na pamahalaan ng mga nasabing munisipalidad kung ginawa nila ang kanilang tungkulin.

Dagdag ng mga nagsusuri, posi-bleng mas lumakas na ang mga lamok na may dala ng dengue virus kaya kahit madalas ang fumigation ay wala itong bisa.

“Ang kailangan siguro ay gu-mamit na sila ng mas mataas na uri ng gamot na gagamit sa fumigation dahil nakapag-develop na siguro ng resis-tance ang mga lamok,” dagdag pa nila.

Sadyang mataas ang kaso ng dengue sa Dagupan at Mangatarem subalit...

“Nakakatawa ang paninirang iyan. Hindi na magtutungo sa paaralan o sa Alaminos Recovery Center ang mga estudy-ante, mga walang tra-baho, mga out of school youth at maging mga ka-tandaan na silang pangu-nahing benepisyaryo ng programang ito,” ayon sa principal.

Dalawa ang libreng computer classes pro-gram ng lungsod.

Ang isang programa na magkaakibat na ipi-napatupad ng lokal na pamahalaan at DepEd ay tinatawag na E-Eskwe-la, kung saan ang mga magaaral sa elementary at high school, maging

mga out-of-school youth, ang pangunahing benepi-syaryo.

Ang Free Basic Computer Course naman ay programa sa pagitan ng Project Adam, isang pribadong organisasyon at lokal na pamahalaan. Pangunahing benepi-syaryo sa ilalim ng pro-grama ang mga emp-leyado, mga matatanda, mga guro, mga pulis at sinomang nagnanais na matututo.

Ang mga kompyut-er na gamit dito ay libre’t bigay ng mga mapag-kawanggawang grupo sa Honolulu, Hawaii, kaya li-bre din ang pag-gamit sa mga ito.

P a n g u n a h i n g programa sa ilalim ng 10-point agenda ni Mayor Braganza ang edukasyon dahil sa, aniya, “Walang hindi dapat makapag-aral dahil sa kahirapan.”

“Walang dapat mai-wan,” ani Braganza kaya inilunsad ang Bright Child Program na naglalayong gawing pang-masa, de-kalidad ang edukasyon sa Alaminos sa pamamagi-tan ng istratehikong at siy-entipikong pamamaraan.

Bahagi ng Bright Child Program ang City Expanded Feeding Cum Livelihood Program na naglalayong bigyan muna ng malulusog na pangan-gatawan ang mga bata

upang maging handa sa pag-a-aral.

Itinatag din ang E-Eskwela upang matuto sa computer at pag-gamit ng Internet ang mga bata.

At kapag nagtapos na elementary at high-school, “sinikap ni Alkalde Braganza na ipatayo ang Pangasinan State Univer-sity” para tuloy-tuloy ang abot-kayang edukasyon.

“May sariling paara-lan ang pamilya ni Alkalde Braganza. Subalit hindi niya alintana kung mag-karoon man ng PSU na malakas na kakompeten-sya ng kanilang paaralan. Ang importante sa kanya ay walang maiiwang hindi nag-aaral,” pahayag ng

isang city hall informant.“Paano kayang

mangyayari na pag-iinte-resan pa ng administras-yong Braganza ang man-ingil para sa computer classes?” ang tanong pa niya.

mula sa ph 1Computer...

Major, Major Jokes

Page 11: September Issue

11Isla Good Gover nance

Ang kwalipikasyon o eli-gibility na mula sa Civil Service Commission ay hindi ipinagbibili noon pa man, bagay na mari-ing pahayag ni Francisco Duque III, tagapangulo ng CSC.Ito ay bunsod ng ilang ulat na may mga taga-CSC na nakikipagkunt-saba sa Career Service Board upang magkaloob ng Career Executive Service eligibility.Sinabi ni Duque na hindi ito posible dahil ang Ca-reer Executive Service Board, hindi ang CSC,

ang nagsasagawa ng screening process para sa career executive ser-vice officer eligibility.Sinabi rin niyang ang pinapangasiwaan ng komisyon ay mga pro-fessional at subprofes-sional examinations.“Sa loob ng ilang dekada, nagtatag tayo ng mga hakbang upang protek-tahan ang integridad ng CSC exams,” aniya.Binalaan niya ang sinu-man na huwag makip-ag-transaksyon sa mga nagsasabing CSC per-sonnel sila subalit ib-

inebenta ang resulta ng eksaminasyon. Marami na, aniya, ang natanggal sa serbisyo dahil sa pe-keng eligibility.Ayon sa Republic Act 9416, ang pandaraya patungkol sa examina-tion ng CSC ay may kaparusahan, ang masa-sangkot na empleyado ng gobyerno ay tatanga-lin sa serbisyo saman-talang ang pribadong indibidwal ay babawa-lan ng makapagtake ng civil service exam ni makapagtrabaho man sa gobyerno.

CSC hindi nagbebenta ng kwalipikasyon

Feeding at livelihood programng lungsod tumanggap ng malaking

bahagi ng supplemental budgetHalos tatlumpung

porsyento ng ipinasang supplemental budget ng lungsod ay napunta sa 3rd Expanded Feed-ing Cum Livelihood Program, isa sa mga itinuturing na best prac-tices ng Alaminos.

Base sa Appro-priation Ordinance No.2010-02 na pinag-tibay ng lahat ng kasapi ng Sangguniang Pan-lungsod, sa mahigit-kumulang na P25 mi-

lyon, napunta ang P7.1 milyon o 28 percent sa nasabing programa.

Ang ordinansa na may titulong “An Ordinance Enacting Supplemental Budget No.01 of the General Fund for the Operation of the City Government of the City of Alaminos, Pangasinan, and Pro-viding Appropriations Thereof.”

Ang pinagmulan ng pondo ay sa Internal

Revenue Allotment ng lungsod.

P u m a n g a l a w a naman sa nakakuha ng malaking bahagi ng supplement ay General Services na nagkaka-halaga ng P4 milyon.

P2 milyon naman ang para sa Commu-nity Development Fund na gagastusin partiku-lar na sa pagbili ng Jet-matic at iba pang farm equipment.

Maaari ng magpareh-istro ng kanilang cer-tificate of candidacy ang mga nagnanasang magsilbi bilang opisyal ng barangay o Sanggu-niang Kabataan simula sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 13.

Nai-set na rin ng Commission on Elec-tions kamakailan ang skedyul ng botohan at

‘yun ay sa Oktubre 25, mula ika-pito nang uma-ga hanggang ika-tatlo nang hapon.

Ang “election pe-riod” ay magsisimula sa Septyembre 25 at matatapos sa November 10.

Sa buong panahon ng election period, ma-higpit na ipagbabawal ang pagdadala ng mga

baril at nakamamatay na armas, may lisensya man ito.

Ang iskedyul ng kampanya ay magsisim-ula sa ika-14 hangang sa ika-23 nang Oktubre.

Samantala, ilang concerned citizens ang nanawagang “Bigyan naman sana ng Comelec ng ngipin ang batas kon-tra sa vote-buying.”

mula sa ph 1

mula sa ph 1

mula sa ph 4

Mga alituntunin...

POSO...

DFA passport...

Masusing pinagpa-planuhan na ng pama-halaang lungsod ang pagkakaroon ng tang-gapan na mas mabisa at may kapangyarihan kumpara sa Public Or-der and Safety Office.

Nag-atas si Alkal-de Hernani Braganza ng isang komite upang pag-aralan ang mga kailan-gang idagdag at baguhin sa POSO bilang tugon sa mabilis na pagunlad ng lunsod, paglaki ng populasyon at paglawak ng pangangailangan nito pagdating sa seguridad.

Bunga ng masus-ing pag-aaral ng komite, planong ipasa ang isang panukalang batas na naglalayong bumuo ng bagong grupo kapalit ng POSO, ito’y tatawaging Alaminos Safety Emer-gency Response Office o ASERO.

Ang ASERO ay magkakaroon ng mas marami o sapat na bi-lang ng mga tauhan at may kanya-kanyang as-signment o units gaya ng Law Enforcement, Safety Enforcement, Transport Enforcement, Response and Recovery Unit, Logistic Support at Administrative Support.

Pangunahin sa mga unit na ito ay ang law enforcement unit na magpopokus lamang

para makatulong ng PNP sa paghuli sa mga gumagawa ng iligal kabi-lang na ang pagpapatu-pad ng batas trapiko.

Dahil sa kakaunti lamang ang pulis sa lungsod, panukala ng komite na ang mga ma-giging kasapi sa unit ay armasan ng baril alinsu-nod sa batas.

Ang law enforce-ment unit ay regular din na magsasagawa ng pa-trol sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Ang safety enforce-ment unit naman ay may partikular na tungkuling tiyakin na ligtas ang mga malalaking aktibidad o gawaing dinudumog ng mga tao sa lungsod; titi-yakin din nito na ligtas ang mga imprastraktura sa lungsod, sang-ayon sa mga batas tulad ng Fire o Building Code.

Ang transport unit naman ay magtutuon lamang ng atensyon sa pag-rehistro ng mga pampublikong sasakyan.

Ang Response and Recovery Unit ang i-a-assign sa pagmonitor at pag-rescue kung may lindol, bagyo o pagbaha at iba pang sakuna 24/7.

Napag-alaman sa POSO ad hoc committee na ang mga empleyado o tauhan sa POSO ay ili-lipat sa ASERO.

“Sa tulong ng City Information Office at ng aking opisina isinasaga-wa namin ang passport verification ng mga ap-likante upang matiyak na hindi i-deny ang kanilang aplikasyon,” ayon kay Konsehala Carolyn Di-zon-Sison.

Nagtapos noong

Septyembre 5 ang sub-mission ng mga passport application at agad du-maan ito sa verification.

Maliban sa veri-ficatio, hinatid-sundo rin nang walang bayad ang mga aplikante nang magtungo sila sa DFA Consular Office sa San Fernando, La Union, pet-

sa Septyembre 18 para sa express electronic processing ng kanilang mga pasaporte.

Humigit-kumulang 300 aplikante ang na-kinabang sa bagong pro-gramang ito ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga ap-likante sa tulong ng lo-

kal na pamahalaan ay lubos na naging madali at magaan sa kanila ang paglalakad ng pasa-porte.

“Naging maayos ang aming application. Nakatipid din kami sa panahon at salapi. Sala-mat sa ama ng lungsod,” anila.

Mga opisyal ng Junior Chamber International - Hundred Islands ay nagsasagawa ng feeding program para sa mga mag-aaral ng Amangbangan Elementary School sa pangunguna ni Coun. Carol Sison, JCI-HI pres., at mga konsehal na sina Earl James Aquino at Margielou Orange Humilde.

Page 12: September Issue

Isa na namang kalsada sa lungsod, pinasinayaan

inasinayaan ang isang farm road sa Barangay Bued noong Agosto 23.

Mismong si Alkalde Hernani Braganza ay nandoon sa liblib na

parte ng barangay upang pangunahaan ang pagpapasinaya. Nandoon din si Coun-cilor Earl James Aquino.

“Mas madali na po nating mararat-ing ang mga kababayan upang alamin ang kailangang kalagayan; pero higit sa lahat ay mas madali na nilang magagawa ang kanilang pang-araw araw na gawain lalo na ang mga mag-aaral, magtatrabaho at mag-bibiyahe ng kanilang mga ani,” pahayag ng alkalde sa panayam ng Isla.

Nagpasalamat ang mga residente at barangay officials ng Bued dahil sa pani-bagong proyektong ito ng pamahalaan.

Anila’y, kahit hindi ganoon kakapal ang populasyon sa kanilang sitio, inasikaso sila ng administrasyon.

Anila, kailangang-kailangan ang maayos na daan lalo na kung may ire-res-cue kung may sakuna.

Hindi kailan-gang mag-iksper-imento ang mga magsasaka sa Ala-minos para magka-roon ng magandang ani.

Kabalikat nila ang pamahalaang lungsod, sa paki-kipagtulungan ng Department of Agri-culture, ILIAC Agoo (La Union) at PC-CARD upang sila’y matuto ng tama at

epektibong pagpa-palago ng kamatis sa mga magsasaka.

Ang pag-aaral ukol sa science and technology-based farm on organic to-mato production ay isinagawa noong Agosto sa MVC Techno demo farm Barangay Tangca-rang, Alaminos

Mismong sina City Adaministrator Wilmer Panabang,

City Agriculturist Arceli Talania ay nandoon kasama ang mga taga-DA at iba pang sumu-suporta sa pro-gramang pang-agrikultura ng adminis trasyong Braganza.

Hinimok nina Panabang at Talania ang mga kababay-ang magsasaka na maging “magsasa-ka siyentista.”

Pagtuturo ng siyentipikong pagsasaka isinagawa

12 IslaIn f ras t r uc ture/Agr icu l ture