Top Banner
Republic of the Philippines Department of Education Region IX, Zamboanga Peninsula Division of Zamboang del Norte SIARI JOHN H. ROEMER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL Siari, Sindangan Zamboanga del Norte Prepared by: JERELYN D. PEROCHO Teacher 1
14

Self Instructional Materials for Arpan 7

Jan 21, 2018

Download

Education

Jerelyn Perocho
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Self Instructional Materials for Arpan 7

Republic of the PhilippinesDepartment of Education

Region IX, Zamboanga PeninsulaDivision of Zamboang del Norte

SIARI JOHN H. ROEMER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOLSiari, Sindangan Zamboanga del Norte

Prepared by:

JERELYN D. PEROCHOTeacher 1

Page 2: Self Instructional Materials for Arpan 7

Republic of the PhilippinesDepartment of Education

Region IX, Zamboanga PeninsulaDivision of Zamboang del Norte

SIARI JOHN H. ROEMER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOLSiari, Sindangan Zamboanga del Norte

Inihanda ni:

JERELYN D. PEROCHOTeacher 1

Page 3: Self Instructional Materials for Arpan 7

I. Layunin:

1. Nasusuri ang paghubog at pag-unlad ng kalikasan ng mga pamayanan at estado

2. Nakabuo ng konklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay, at pag-unlad ng mga sinaunang pamayanan.

3. Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan at nailalahad ang mga katangian nito.

Grapikong Pantulong sa Aralin

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya(Mula Ika-16 na Siglo Hanggang Ika -20 na siglo)

Konsepto at Kahukugan ng Kabihasnan

Konsepto at Kahukugan ng Kabihasnan

Mga Sinaunang Kabihasnan (Sumer, Indus, Shang)

Mga kaisipang Asyano sapag-buo ng mga ImperyoMga kaisipang Asyano sapag-buo ng mga Imperyo

Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya, at Relihiyon

Konsepto ng Tradisyon, Pilosopiya, at Relihiyon

Mahahalagang Pangyayari mula sa Sinaunang

Kabihasnan Hanggang Ika-16 na siglo

Mahahalagang Pangyayari mula sa Sinaunang

Kabihasnan Hanggang Ika-16 na siglo

Impluwensiya ng mga Paniniwala, pananaw, at tradisyon

Impluwensiya ng mga Paniniwala, pananaw, at tradisyon

Bahaging ginampanan ng mga kababahian sa iba’t ibang uri

ng pamumuhay

Bahaging ginampanan ng mga kababahian sa iba’t ibang uri

ng pamumuhay

Page 4: Self Instructional Materials for Arpan 7

Upang maisakatuparan ang pagkatulo sa aralin na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang sumusunod.

1. Mabibigyang kahulugan ang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa paksa

2. Makapagsusuri ng mga talahanayan, larawan, mapa, at mga babasahin na magpapaliwanag ng paksa.

3. Makabuo ng mga konllusyon hingigil sa kalagayan, pamumuhay, at pag-unlad ng sinaunang pamayanan.

4. Makilahok sa kinabibilangan pangkat sa pagtupad ng iba’t ibang mga gawaing pampagkatuto.

5. Makapagsulat ng iyong repleksiyon o rialisasyon tungkol sa nagging pag-unlad ng pamayanan patungo sa pagtatag ng mga imperyo.

6. Mapapahalgahan ang mga nagging ambag/kontribusyon ng kabihasnan sa lipunan

7. Mapapahalagahan ang nagging papel ng mga kababaihan sa Asya.

.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad nang maraming pangkat ng tao

B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain

Mga Inaasahang Kakayahan

Panimulang Pagtataya:

Page 5: Self Instructional Materials for Arpan 7

C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan

D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?

A. Orgnisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at pagsusulat.

B. Pamahalaan, relihoyon, sining, arkitektura, at pagsusulat.

C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat.

D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado.

3. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na pinkamatanda at pinaka-unang kabihasnan sa buong daigdig.

A. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500 – 300 BC na siyang unang nahubog na pamayanan.

B. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa daigdig.

C. Dahil ditto unang naitatag ang mga pamayanan at imperyo.

D. Ito ang nagging tagpuan ng iba’t ibang pangkat ng tao.

4. Pano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng kabilang Shang sa Kabihasnan Indus

at Sumer.

A. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.

B. Tumutupad ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon

C. Naininiwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.

D. Bata yang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.

5. Bakit mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino.

A. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang

B. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay

C. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa s amga Tsino sa kabila ng iba-iba

nilang wika

D. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga tao.

II. Ano ang dapat matutunan?

Ano nga ba ang kahukugan ng kabihasnan at Sibilisasyon

Page 6: Self Instructional Materials for Arpan 7

Tunghayan ang mga larawan. Suriin mo at bigyan ng kahulugan ang mga ito. Ano kaya ang nagging halaga nito sa Sinaunang Asyano? Ano ang nagging silbi ng mga bagay na ito sa mga sinaunang Asyano? May kinalaman kaya ang mga bagay na ito sa pagkakaroon ng kabihasnan at sibilisasyon? Magbigay ng opinion tungkol sa mga bagay o larawan na naipakita. Pagkatapos masuri ay sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.

Gawain 1:

1. Ano ang ipinahayag ng mga bagay na nakalarawan?

2. Bakit kaya kinailangan ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito?

3. Paano nagging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon

Pagyamanin pa ang dapat malalaman:

Page 7: Self Instructional Materials for Arpan 7

Sinasabing ang Kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi anting magiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mg alambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kappa;igiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw-araw nilang hanapbuhay. Dahil ditto nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.

Ang Sibilisasyon naman ay tutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi ng kapag namuhay ka na sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.

A. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan

B. Masalimuot na relihiyon

C. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring lipunan

D. Mataas na antas ng kaalaman sa tecknolohiya, sining at arketektura at sustema sa pagsusulat

Kung susuriin, ang Sumer, Indus, at Shang ay mga lungsod na nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Batayang Salik sa pagkakaroon ng

Kabihasnan

Page 8: Self Instructional Materials for Arpan 7

Lumaki ang kanilang populasyon na luminang sa lupain na agricultural na pagkalaon ay pagsasaka ang nagging pangunahing hanapbuhay at nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang iba naman ay napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos

na tinatawag ng Politeismo. Nakapagpatayo ng mga templo, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa metal na nagamit sa kalakalan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga artisan. At ang huli ay ang pagkaimbento ng sistema ng pagsulat.

Gawain 2:

1. Ano-anong mga bagay na makapagpapatunay na nagkaroon ng kabihasnan ang sinaunang Asyano?

2. Ano-anong batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?

3. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sianunang Asyano upang mapaunlad ang kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Kasangkapang bato

Sa panahong ito, pinaniniwalaang unang nabuhay ang mga homo habilis at

ipinagpapalagay na unang anyo ng taong gumamit ng kasangkapang bato.

Panapanahon

Panahon ng Paleolitiko

Page 9: Self Instructional Materials for Arpan 7

Sa panahong ito, ang taong paleolitiko ay umaasa nang malaki sa kanyang

kapaligiran.

Ang mga kasangkapang batong ginawa sa

panahong ito ay maituturing na payak,

magaspang, at hindi pulido ang pagkakagawa.

“Smash and Grab”

Ang paraang ito ay ang pagpupukpok sa dalawang bato at ang naputol na bahagi ang pupulutin ng gumawa.

Natuklasan din ang paggamit ng apoy

Uri ng Pamumuhay

Page 10: Self Instructional Materials for Arpan 7

Pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng

pagkain at walang permanenteng tirahan.

Pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga

tao

Ipinakita rin ng mga taong paleolitiko ang kanyang

paniniwala sa kabilang buhay

Nangangahulugang Gitnang Panahon ng Bato.Ito ay tumagal mula 8000 B.C.

hanggang 6000 B.C.at nagsilbing transisyon sa paeolitiko at

neolitikong panahon.

Panahon ng Mesolitiko

Page 11: Self Instructional Materials for Arpan 7

Sa pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak

ng yelo noong 1000 hanggang 4500 B.C. ay nagsimula

ang pag usbong o paglago ng mga gubat.

Nakaranas ng tagtuyot ng lupa ang sinaunang tao dahil sa matinding

init ng panahon

Nanirahan sa mga pampang ng ilog at dagat ang taong mesolitiko

upang mabuhay.

Nagsimulang mag-alaga

ng hayop ang tao

Page 12: Self Instructional Materials for Arpan 7

Ilan sa maituturing na pinakamahalagang nagawa sa panahong ito ay:

Microlith. Ito ay maliliit at patusok na mga kasangkapang batong nagsisilibing kutsilyo at talim ng mga pana at sibat.

Sa panahong ding ito nagsimula ang paggawa ng tao ng mga palayok na gawa sa luwad.

Ang salitang neolititiko ay nagmula rin sa dalawang salitang griyego na “naios” na ang kahulugan ay bago at “lithos” na nangangahulugang bato.

Nagsimula noong 6000 B.C. at nagtapos noong 3000 B.C.

Ilan sa Pagbabago sa Panahon ng Neolitiko

Malaking pagbabago sa anyo ng paggawa ng kasangkapang bato Pulidong

Kasangkapan Pinakita rin dito ang pagbabago at pag unlad

na nagbigay ng pagkakataon sa

Panahon ng Neolitiko

Page 13: Self Instructional Materials for Arpan 7

sinaunang tao na baguhin ang takbo ng kanyang pamumuhay.

Neolithic revolutionNagsimula ito sa pag aalaga at pagpapaamo ng mga hayop tulad ng kambing baka baboy at tupa.

Pagtatanim

Gumawa ng kasangkapang magagamit sa pagtatanim

Nagsimulang maitayo ang isang maliit ngunit

permanenteng pamayanan

Natutong maghabi at gumawa ng tela

Nagkaroon ng pagbabago sa paggawa ng palayok

Ang unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay tanso o copper. Sa pamamagitan ng pag-iinit ng copper ore gamit ang uling.

Panahon ng Metal

Page 14: Self Instructional Materials for Arpan 7

Nakaproseso ang mga unang tao ng metal na tanso. Dahil hindi pa laganap ang pagproseso ng copper ore, ang madalas nilang gawin ay mamahaling bagay tulad ng alahas at kagamitang pandigma. Una nilang natutuhan ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang Asya.

Sa pamamagitan ng pag-eeksperimento, pinaghalo ang metal na tanso at metal na tin at ang nabuong metal ay tinatawag na Bronze, metal na higit na matibay kaysa tanso. Sa panahon ng Bronse (5000-1200 BCE), nakalikha sila ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitang panlaban o mga armas na may matatalim na bahagi. Sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos mula sa bronse, gayundin ng mga bariles na gawa rin dito.

Higit na matibay na metal sa bronse at tanso ang Iron o bakal. Nadiskubre ng mga Hittite sa kanlurang Asya ang proseso ng paggawa ng metal na ito. tinatayang nagsimula ang paggamit na iron noong 1000 BCE. Mapalad ang mga Hittite dahil may minahan sila ng bakal. Dahil sa pagkatuklas ng bakal, nakagawa sila ng higit na matitibay na kagamitang pansaka at panlaban sa mababangis na hayop.

III. Ano ang natutunan?

1. Ano-ano ang pagbabago na naganap sa bawat panahon?

2. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang hamon ng pagbabago ng kapaligiran?

3. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pagbuo ng kabihasnan? ipaliwanang ang sagot.

4. Paano natuklasan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng tanso?

5. Ano ang kabutihang dala ng bakal?