GABAY PANGKURIKULUM (ARALING PANLIPUNAN EKONOMIKS)AralinKabuuang
Bilang ng mga Araw Pamantayang PangnilalamanPamantayang
PagganapPamantayan sa PagkatutoPagsasanib ng mga VMO o Gender
Issue
UNAHANG MARKAHAN
Heograpiya at Ekonomiya ng Bansa
Ang Ekonomiks bilang isang agham
Ang Ekonomiks at Ang Kaunlaran
Pinagkukunang Yaman
Kakapusan
Pangangailangan at Kagustuhan
Pagkonsumo
Produksiyon
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman at isyu ukol sa ugnayan ng matalinong paggamit ng
pinagkukunang yaman ayon sa patakaran ng konserbasyon, kapaligiran
at likas-kayang paggamit tungo sa pagkakamit ng pag-unlad
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing
kaisipan at isyu tungkol sa ugnayan ng matalinong paggamit ng
pinagkukunangyaman ayon sa patakaran ng konserbasyon, kapaligiran,
at likaskayang paggamit tungo sa pagkakamit ng pag-unlad.
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan at isyu tungkol sa ugnayan
ng matalinong paggamit ng pinagkukunang-yaman ayon sa patakaran ng
konserbasyon, kapaligiran, at likas-kayang paggamit tungo sa
pagkakamit ngpag-unlad.
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan
Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan at ang
kaugnayan nito sa pagunlad ng sarili, pamilya, lipunan at ng
bansa
Nahihinuha ang tatlong (3) mahahalagang katanungan sa Ekonomiks
na nauugnay sa pang araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan.
Nabibigyan ng sariling kahulugan ang pag-unlad (development)
Nasusuri ang ibat ibang aspekto (facets), pamamaraan, hangganan
at limitasyon ng pag-unlad
Nasusuri ang kaugnayan ng ekonomiks sa (pagsulong) pag-unlad ng
isang bansa
Nauuri ang pinagkukunangyaman ng Pilipinas
Nasusuri ang mga datos tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinas
tungo sa matalinong paggamit nito
Napahahalagahan ang bumubuo sa yamang-tao ng Pilipinas
Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan bilang isang
suliraning panlipunan
Nasusuri ang kaibahan ng kakapusan sa kakulangan bilang batayan
sa matalinong pagdedesisyon
Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong likas
na yaman at ang kahalagahan nito sa pag-unlad
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan
(needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga
pangangailangan batay sa mga teorya ng pangangailangan
Naipaliliwanag ang konsepto ng pagkonsumo
Nasusuri ang mga epekto ng pagaanunsyo sa pagkonsumo
Nasisiyasat nang mapanuri ang mga anunsyo tungo sa matalinong
pamimili
Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit
ng pamantayan sa pamimili
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga
tungkulin bilang isang mamimili
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging mapagmasid at
mapanuri ng mga mamimili laban sa mga tiwaling gawain ng mga
nagbibili
Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa
matalinong paggamit ng mga ito
Naipahahayag ang damdamin ukol sa mahalagang papel ng
entrepreneurship sa produksyon, ekonomiya, at pag-unlad ng
bansa
Nasusuri ang tungkulin ng ibat ibang organisasyon ng negosyo sa
produksyon at ekonomiya ayon sa pakikisapi at pananagutan sa
pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at maunlad na bansa.
Pagkakapantay, Brain Drain
Domestic Violence
Subordination, patriarchal control over women
IKALAWANG MARKAHAN:
Pagsusuri ng Ekonomiya
Alokasyon
Maykroekonomiks
Demand at Suplay
Presyo
Interaksyon ng Demand at Suplay
Surplus at Shortage
Pamilihan
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman at isyu tungkol sa pag-usbong ng ibat ibang sistema,
pamamaraan at prinsipyong pang-ekonomiya bilang tugon sa
nagbabagong pangangailangan at kagustuhan tungo sa pagtatamo ng
pagunlad.
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing
kaalaman at isyu tungkol sa mga pananaw at mekanismo ng pamamahala
bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan at
pagpapatatag ng bansa
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga
pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa pag-usbong ng ibat ibang
sistema, pamamaraan at prinsipyong pang-ekonomiya bilang tugon sa
nagbabagong pangangailangan at kagustuhan tungo sa pagtatamo ng
pag-unlad.
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging kaugnayan ng
katangiang pisikal (lokasyon, klima, yamang likas, natural
boundaries, at iba pa sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
daigdig.
Nasusuri ang mga pangunahing kaalaman at isyu tungkol sa
pagusbong ng ibat ibang sistema, pamamaraan at prinsipyong
pangekonomiya bilang tugon sa nagbabagong pangangailangan at
kagustuhan tungo sa pagtatamo ng pag-unlad.
Nasusuri ang konsepto ng aring intelektuwal (intellectual
property), kopirayt (copyrights) at iba pang mga karapatan sa aring
intelektuwal (intellectual property rights) bilang proteksyon sa
mga katangi-tanging likha, akda, o imbensyon ng bawat indibidwal
kaugnay sa pag-unlad ng mga industriya ng bansa
Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbabahagi ng mga
likas na yaman sa pamilya at lipunan
Nasisiyasat nang mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng
alokasyon sa ilalim ng ibat ibang sistemang pang-ekonomiya at
tradisyonal na prinsipyong pang ekonomiko sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng mamamayan at pagkakamit ng kaunlaran
Naipahahayag ang damdamin tungkol sa mga hakbangin ng pamahalaan sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng lumalaking bilang ng
mamamayan
Nailalapat ang kahulugan ng demand at suplay sa pang arawaraw na
pamumuhay ng bawat pamilya
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand at suplay
Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng
salik (factors) na nakaaapekto sa demand at suplay
Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng
mamimili at suplay ng nagbibili
Nasusuri ang epekto ng presyo at non-price sa suplay ng kalakal
at paglilingkod
Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan
ng presyo at ng pamilihan
Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at kalabisan sa presyo at
dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan
Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning
dulot ng kakulangan at kalabisan
Nailalapat ang kahulugan ng demand at suplay sa pang arawaraw na
pamumuhay ng bawat pamilya
Nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa demand at suplay
Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng
salik (factor) na nakakaapekto sa demand at suplay
Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may epekto sa demand ng
mamimili at suplay na nagbibili
Nasusuri ang epekto ng presyo at non- price sa suplay ng kalakal
at paglilingkod
Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan
ng presyo at ng pamilihan Nasusuri ang mga epekto ng kakulangan at
kalabisan sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa
pamilihan
Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sag ma suliraning
dulot ng kakulangan at kalabisan
Nasusuri ang ibat ibang anyo ng pamilihan na tumutugon sa
maraming pangangailangan ng mga tao
Prostitusyon, trafficking, commodification
IKATLONG MARKAHAN:
Ang Pamamahala at Ekonomiya
Makroekonomiks
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Gross National Product (GNP)-Gross Domestic Product (GDP)
Kalalagayan ng Ekonomiya ng Pilipinas pagtatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig hanggang sa kasalukuyan
Human Development Index (HDI)
Implasyon
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)
Institusyon sa Pananalapi
Patakarang Piskal (Fiscal Policy)
Maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa na ang mga desisyong
ipinatutupad ng bawat sambayahayan at bawat bahay-kalakal ay tunay
na may epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan.
Makagawa ng newscast o pag-uulat ang mga mag-aaral na
tumatalakay sa desisyong binubuo ng bawat sambahayan at bawat
bahay-kalakal na nakaaapekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga
mamamayan.
Napangangatwiranan ang pangangailangang pakikialam at regulasyon
ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa ibat ibang anyo ng
pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan ng
bansa
Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng pamilihan at mga
institusyon ng bansa
Naipapahayag ang saloobin ang matalinong pagpapasya (kritikal na
nakapagsusuri) tungkol sa mga pananaw at mekanismo ng pamamahala
bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mamamayan at
pagpapatatag ng bansa
Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa makroekonomiks
Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto ng sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor sa mga sumusunod:
implasyon deplasyon pamumuhunan pag-empleyo
(employment,unemployment , underemployment)
Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product- Gross
Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang
ekonomiya
Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang
produkto
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa
ekonomiya
Nailalahad ang mga salik na nakaaapekto sa pambansang kita at
pambansang produkto (GNP)
Nasusuri ang naging kalagayan ng ekonomiya ng bansa mula sa
pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig hanggang sa kasalukuyan
gamit ang mga panukat sa pag-unlad
Nasusuri ang ugnayan ng kalagayang pang ekonomiya ng bansa sa
antas ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kalagayan ng pamumuhay ng
nakararaming Pilipino sa harap ng pagdaigdigang pag-unlad.
Nakikilala ang palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Price
Index (CPI)
Nasusuri ang mga paraan sa paglutas ng implasyon
Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng
implasyon bilang isang magaaral
Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at
nagbibili kaugnay ng suliranin sa implasyon
Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi
Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang
sang salik sa ekonomiya
Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapiNapahahalagahan
ang papel na ginagampanan ng bawat sektor sa pananalapi mga bangko
kooperatiba pawnshop
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng institusyon ng pananalapi
sa ekonomiya
Naipaliliwanag ang uri at gamit ng salapi
Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi
sa buhay ng mga mamamayang Pilipino
Nakapagsisiyasat nang mapanuri sa mga paraan at patakaran ng
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng
salapi Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sistema
ng pananalapi
Naipahahayag ang saloobin sa bahaging ginagampanan ng mga
pandaigdigang institusyon ng pananalapi tulad ng International
Monetary Fund at World Bank sa pananalapi ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginampanan ng pamahalaan sa pagpapatatag
ng pananalapi ng bansa
Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal
Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay
ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito
Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan
Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan
Nakapaghahayag ng saloobin sa paraan ng paggasta ng
pamahalaan
Nakabubuo ng konklusyon sa bahaging ginampanan ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng patakarang piskal
Nakapagsasanay ng tamang pagkompyut ng buwis
Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong
pagbabayad ng buwis
Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng
pambansang ekonomiya
Pilipino Muna!, trafficking, commodification
Ikaapat na Markahan
Mga Sektor ng Ekonomiya
Sektor ng Agrikultura (Pagtatanim, Pangingisda, at
Paggugubat)
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor ng Ekonomiya
Kalakalang Panlabas
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing isyu
ukol sa kahandaan at pananagutan ng mga indibidwal,pangkat at
institusyon sa harap ng hamon at pwersa ng globalisasyon na salik
sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan tungo sa pambansang pagsulong at
pagunlad
Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat na
maging handa at mapanagutan ang bawat indibidwal, pangkat at
institusyon sa harap ng hamon at pwersa ng globalisasyon na salik
sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad.
Nabibigyan -puna mga pangunahing isyu ukol sa kahandaan at
pananagutan ng mga indibidwal, pangkat, at institusyon sa harap ng
hamon at pwersa ng globalisasyon na salik sa pandaigdigang
pakikipagugnayan tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda
at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino
Nabibigyang-halaga ang mga institusyon at programa na
nakatutulong sa sektor ng agrikultura (industriya ng agrikultura,
pangingisda, at paggugubat)
Naitataguyod ang mga programang may kaugnayan sa sektor
agrikultura (repormang pansakahan)
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong
teknolohiya sa agrikultura tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kontribusyon ng sektor ng
agrikultura sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad
ng pagmimina, tungo sa isang masiglang ekonomiya Nakapaghahanda sa
mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas
Naipahahayag ang opinyon tungkol sa nasyonalisasyon ng ilang
korporasyon at pagsasapribado ng korporasyong pamahalaan
Napagtitimbang ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong
multi-nasyonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa pambansang
ekonomiya
Naimumungkahi ang mabisang pamamaraan sa pagmamay-ari at
pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong
teknolohiya sa produksyon tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa
sektor ng industriya at ng pangangalakal
Naihahayag ang damdamin ukol sa pagpapanatili ng mataas na
pamantayan ng sektor ng industriya sa mga manggagawa at mga kalakal
tungo sa matatag na ekonomiya
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa bahaging ginampanan ng
sektor ng industriya sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod
Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga manggagawang Pilipino
sa sektor paglilingkod ng bansa
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit ng makabagong
teknolohiya sa sektor ng paglilingkod tungo sa pag-unlad ng
ekonomiya
Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa
sektor ng paglilingkod
Nasusuri ang mga hakbangin ng pamahalaan bilang suporta sa
sektor ng produksyon
Nakabubuo ng sariling konklusyon sa kalakasan at kahinaan ng
sektor ng palilingkod sa pag-unlad ng bansa
Nasusuri ang ibat ibang anyo ng impormal na sektor ng
ekonomiya
Nakapaglalahad ng saloobin ukol sa pamumuhay ang mga Pilipinong
kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya
Natataya ang ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuuang
ekonomiya
Nasusuri ang mga batas ng pamahalaan tungkol sa impormal na
sektor ng ekonomiya
Natataya ang kalakaran ng kalakalang panlabas ng bansa
Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at programa sa
kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino
Nakapaghahayag ng saloobin ukol sa kahalagahan ng kontribusyon
sa ekonomiya ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat
Nasusuri ang kaugnayan at epekto ng exchange rate sa kalakalang
panlabas ng bansa
Nasusuri ang epekto sa kalakalang panlabas at sa ekonomiya ng
pagbabago ng palitan ng piso laban sa mga dayuhang salapi
Nasusuri ang mga kabutihan at dikabutihan ng kalakalang panlabas
tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya
Nasusuri ang kahalagahan ng pagtangkilik sa mga lokal na kalakal
at paglilingkod
Natitimbang ang epekto ng globalisasyon sa antas ng pamumuhay ng
mga Pilipino batay sa mga patakarang liberalisasyon deregulasyon
pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng pamahalaan
Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng World Trade
Organization at Asia-Pacific Economic Cooperation tungo sa patas na
kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig.
Prostitusyon, eksploytasyon, patriarchal control over women,
commodification