Top Banner
Matagumpay na idinaos sa Unibersidad ng Pilipinas, Baguio ang ikalawa sa serye ng Espesyal na Kurso sa Ponetika, Ponolo- hiya, Ortograpiya at Mor- posintaktika ng mga Wika ng Pilipinas noong Oktubre 15-25, 2007. Layunin ng kursong ito na (1) mabigyan ang mga guro ng batayang kaala- man tungkol sa morposin- taksis ng mga wika sa Pilipinas, gayundin sa ponetikang pang- artikularyo at pang- akustika; (2) mapahala- gahan kung paano nag- kakapareho at nagkakaiba ang mga wika sa Pilipinas sa magkakaibang aspekto ng gramatika at p.2 p.2 p.2 p.2 Isang madamdaming pag- gunita sa buhay at gawa ni Jose Corazon de Jesus ang ibinahagi ni Direktor Nick Lizaso ng ASIA Pacific Bu- reau, UNESCO ITI Philip- pines at pamangkin ni JCDJ sa may 240 mga guro at administrador ng DepEd at mga pinuno at kawani ng Sta. Maria, Bulacan na dumalo sa seminar- workshop sa Sta Maria Ele- mentary School noong Ok- tubre 26, 2007. p.2 p.2 p.2 p.2 Ang IT Yunit ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan ng Natural Language Process- ing Academic Area, Col- lege of Computer Studies, DLSU-M ay magdaraos ng pangalawang konsultati- bong workshop sa pagbuo ng korpus ng Filipino at iba pang mga wika sa Pilipi- nas. Ito ay gaganapin sa Nobyembre 28, 2007, 8:00n.u.-3:00n.h, sa Yuchengco Hall, De La Salle University, Manila. Tatalakayin sa p.3 p.3 p.3 p.3 Pangalawang Konsultatibong Workshop sa Pagbuo ng Korpus, Idadaos sa Nobyembre Oktubre 2007 Oktubre 2007 Oktubre 2007 Oktubre 2007 Tomo I, Isyu 2 Tomo I, Isyu 2 Tomo I, Isyu 2 Tomo I, Isyu 2 Seminar-Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus, Idinaos sa DepEd Sta. Maria ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG PILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIO PILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIO PILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIO PILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIO Nilalaman Nilalaman Nilalaman Nilalaman 3 Korte sa Bulacan Ga- gamit ng Filipino sa mga Paglilitis, p.2 Pagdaraos ng National Day for Overcoming Ex- treme Poverty, Sinupor- tahan ng KWF, p.3 24 Finalists sa Timpalak UN-MDGs at Gantim- palang Carlo J. Caparas sa Global Warming, Inihayag, p.4 Filipinos in History: Gregorio Aglipay, p.5 Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple, p.7 Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga Pag- aaral Kaugnay Nito, p.10 TALAANG GINTO: Isa nang Tradisyon sa Panu- laang Filipino, p.14 Makata-Manunulat: Edgar Calabia Samar, p. 14 SEMINAR SEMINAR SEMINAR SEMINAR-WORKSHOP WORKSHOP WORKSHOP WORKSHOP SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG BAGUIO, BAGUIO, BAGUIO, BAGUIO, p.6 p.6 p.6 p.6 Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na dumalo sa seminar dumalo sa seminar dumalo sa seminar dumalo sa seminar-workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo sa Seminar sa Seminar sa Seminar sa Seminar-Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan gregory
14

sangwika_oktubre_2007

Mar 12, 2015

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: sangwika_oktubre_2007

Matagumpay na idinaos sa

Unibersidad ng Pilipinas,

Baguio ang ikalawa sa

serye ng Espesyal na

Kurso sa Ponetika, Ponolo-

hiya, Ortograpiya at Mor-

posintaktika ng mga Wika

ng Pilipinas noong Oktubre

15-25, 2007.

Layunin ng kursong ito na

(1) mabigyan ang mga

guro ng batayang kaala-

man tungkol sa morposin-

taksis ng mga wika sa

Pilipinas, gayundin sa

p o n e t i k a n g p a n g -

artikularyo at pang-

akustika; (2) mapahala-

gahan kung paano nag-

kakapareho at nagkakaiba

ang mga wika sa Pilipinas

sa magkakaibang aspekto

ng gramatika at p.2 p.2 p.2 p.2

Isang madamdaming pag-gunita sa buhay at gawa ni Jose Corazon de Jesus ang ibinahagi ni Direktor Nick Lizaso ng ASIA Pacific Bu-reau, UNESCO ITI Philip-pines at pamangkin ni JCDJ sa may 240 mga guro at administrador ng DepEd at mga pinuno at kawani ng Sta. Maria, Bulacan na dumalo sa seminar-workshop sa Sta Maria Ele-mentary School noong Ok-tubre 26, 2007. p.2 p.2 p.2 p.2

Ang IT Yunit ng Komisyon

sa Wikang Filipino sa

pakikipagtulungan ng

Natural Language Process-

ing Academic Area, Col-

lege of Computer Studies,

DLSU-M ay magdaraos ng

pangalawang konsultati-

bong workshop sa pagbuo

ng korpus ng Filipino at iba

pang mga wika sa Pilipi-

nas. Ito ay gaganapin sa

Nobyembre 28, 2007,

8:00n.u.-3:00n.h, sa

Yuchengco Hall, De La

Salle University, Manila.

Tata lakay in sa p .3 p .3 p .3 p .3

Pangalawang

Konsultatibong

Workshop sa

Pagbuo ng Korpus,

Idadaos sa

Nobyembre

Oktubre 2007Oktubre 2007Oktubre 2007Oktubre 2007 Tomo I, Isyu 2Tomo I, Isyu 2Tomo I, Isyu 2Tomo I, Isyu 2

Seminar-Workshop sa Buhay at

Gawa ni Jose Corazon de Jesus,

Idinaos sa DepEd Sta. Maria

ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, ESPESYAL NA KURSO SA PONETIKA, PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT PONOLOHIYA, ORTOGRAPIYA AT

MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG MORPOSINTAKTIKA NG MGA WIKA NG PILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIOPILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIOPILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIOPILIPINAS, IDINAOS SA UP BAGUIO

NilalamanNilalamanNilalamanNilalaman • 3 Korte sa Bulacan Ga-gamit ng Filipino sa mga Paglilitis, p.2

• Pagdaraos ng National Day for Overcoming Ex-treme Poverty, Sinupor-tahan ng KWF, p.3

• 24 Finalists sa Timpalak UN-MDGs at Gantim-palang Carlo J. Caparas sa Global Warming, Inihayag, p.4

• Filipinos in History: Gregorio Aglipay, p.5

• Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple, p.7

• Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga Pag-aaral Kaugnay Nito, p.10

• TALAANG GINTO: Isa nang Tradisyon sa Panu-laang Filipino, p.14

• Makata-Manunulat: Edgar Calabia Samar, p. 14

SEMINARSEMINARSEMINARSEMINAR----WORKSHOP WORKSHOP WORKSHOP WORKSHOP SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS SA E.O. 335, IDINAOS

SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG SA LUNGSOD NG BAGUIO, BAGUIO, BAGUIO, BAGUIO, p.6p.6p.6p.6

Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na Si Prof. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Tagapangulo ng KWF sa kanyang mensahe sa mga guro na dumalo sa seminardumalo sa seminardumalo sa seminardumalo sa seminar----workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan workshop na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan

Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo Si Komisyoner Jose L. Santos sa kanyang pampasiglang mensahe sa mga guro na dumalo sa Seminarsa Seminarsa Seminarsa Seminar----Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Workshop sa Buhay at Gawa ni Jose Corazon de Jesus na idinaos sa DepEd Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan Sta. Maria, Bulacan

gregory

Page 2: sangwika_oktubre_2007

ponolohiya; (3) sanayin

ang mga guro sa punsyo-

nal na pagsusuri ng mga

wikang Pilipino, at pag-

susuring pamponetika; at

(4) linangin ang kakaya-

han ng mga guro at ng iba

pang partisipant na gu-

mawa ng s a r i l i n g

pananaliksik.

Ang espesyal na kursong

ito ay dinaluhan ng mga

guro sa Linggwistika at

Filipino, mananaliksik-

wika, graduate students

at mayroon din mula sa

Curriculum Development

Division ng Bureau of Sec-

ondary Education ng

DepEd. Masigla ang ta-

lakayan sa estruktura ng

Filipino lalo pa nga at ang

mga dumalo ay tagapag-

salita ng mga wika ng

Hilagang Pilipinas tulad ng

Ilokano, Isneg, Ibaloi,

Kankanaey, Pangasinense,

Kinaray-a.

Naging tagapanayam sina

Dean Elizabeth Calinawa-

gan ng UP Baguio; Dr.

Resty Cena; Prop. Joyce

Marzan ng UP Manila at

Nanunungkulang Taga-

pangulo ng KWF, Dr. Ri-

cardo Ma. Duran Nolasco.

Sa pagtatapos ng kurso,

waring nabuksan ang

panibagong pinto sa mas

malalim na pagsusuri ng

Filipino at ng mga wika

ng Pilipinas. Hamon ito sa

mga mga dalubhasa sa

linggwistika, sa mga guro

at estudyante at sa sinu-

mang may interes sa

agham ng wika upang

pag-ibayuhin ang pag-

aaral at pananaliksik sa

ating mga wika.

UP Baguio...UP Baguio...UP Baguio...UP Baguio...

at Philippine Normal University;

• Pagbigkas ng Tula – G. Frank Rivera, isang manunulat at direk-tor sa pelikula, telebisyon at tang-

halan;

• Sining ng Pagkukuwento – G. Manolo Silayan, anak ng bati-kang aktor na si Vic Silayan, ng

Alitaptap Storytellers Philippines;

• Sining ng Pagguhit - G. Raymond Lebesan, G. Narciso Santiago at Dr. Sylvia Tomas-

Joaquin na pawang taga-Bulacan;

• Pakatha’t Pagguhit ng Ko-miks – G. Andy C. Beltran at Gng. Florence Maglalang ng CJC Ko-

miks;

• F. Musika - Dr. Alfredo Bue-

naventura ng St. Paul’s College.

Sa pampinid na palatuntu-nan ay nagpamalas ang mga guro ng kanilang natutuhan o nakuhang

bagong kaalaman sa mga tagapagsanay gaya ng pagbigkas ng tula, pagta-tanghal ng dula, masining na pagkukuwento at pag-awit. Tunay ngang naging matagumpay ang seminar na ito, bilang pagpapatu-nay ay hiniling ng mga delegado na mabigyan pa sila ng isang gawaing tu-

lad nito.

Ang seminar-workshop na ito ay naidaos sa tangkilik ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Maria, Bulacan, Asia Pacific Bureau – UNESCO ITI – Philippines, Ko-misyon sa Wikang Filipino (KWF), Pambansang Ko-misyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at ng

Kagawaran ng Edukasyon.

Jose Corazon de Jesus...

Ang pambukas na pala-tuntunan ay lalong pina-sigla ng mga mensaheng mula kina USEC Manuel Gaite, Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Na-nunungkulang Taga-pangulo ng KWF, Ko-misyoner Lad Santos at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman. Sa hapon ay nagpangkat-pangkat ang mga guro sa iba’t ibang kategorya na may kani-kaniyang batikang taga-pagsalita o tagapasanay na nagmula sa iba-ibang kolehiyo/unibersidad at/o tanggapan tulad ng su-

musunod:

• Pagsulat ng Tula at Pormal na Sanaysay - Prop. Genaro Gojo Cruz ng Pamantasang De La Salle

2 sangwika

Noong Agosto 22, 2007 tatlong Panrehi-

yong Hukuman sa Paglilitis (RTC) sa Bula-

can ang nagdesisyong gumamit ng wi-

kang Filipino sa halip na English sa mga

paglilitis, bilang pagtaguyod sa wikang

pambansa. Labindalawang stenographers

mula sa Branch 6, 80 at 81 ng RTC ang

nagsanay sa pagkuha ng mga steno-

graphic notes sa Filipino sa Marcelo H.

del Pilar College of Law of Bulacan State

University College of Law bilang pag-

talima sa atas ng Kataas-taasang Huku-

man ng Pilipinas. Ayon kay Judge Jose

De la Rama pangarap ni Chief Justice

Reynato Puno na maipatupad ang pro-

gramang ito sa iba pang lugar tulad ng

Laguna, Cavite, Quezon, Nueva Ecija,

Batangas, Rizal at Metro Manila.

3 Korte sa Bulacan Gagamit ng Filipino sa mga Paglilitis3 Korte sa Bulacan Gagamit ng Filipino sa mga Paglilitis3 Korte sa Bulacan Gagamit ng Filipino sa mga Paglilitis3 Korte sa Bulacan Gagamit ng Filipino sa mga Paglilitis

Ipadala ang inyong komentaryo/

katanungan sa mga Editor, KWF, Yunit

ng Information Technology

1610 Watson Bldg., J.P. Laurel Street,

San Miguel, Manila

Tel No. (632) 7363832

Fax No. (632) 736-0315

Email Add: [email protected]

Website: http://wika.pbwiki.com

PATNUGUTAN

Mga Editor

SHEILEE BORAS-VEGA

LEONIDA B. VILLANUEVA

JESUS E. FERRER

Mga Nag-ambag ng Balita

MINDA L. LIMBO

BRENDA JEAN M. POSTRERO

ALICIA C,. NAGUE

ENGRACIA F. FLORES

Disenyo

GREGORY V. GRANADA

MA. CRISTINA P. SILVESTRE

Photographer

ARNOLD L. BACULI

Lupon ng Komisyoner

RICARDO MA. DURAN NOLASCO

Tagapangulo

JOSE L. SANTOS Full-time na Komisyoner

CARMELITA C. ABDURAHMAN

Full-time na Komisyoner

ISMAEL M. TOMAWIS Part-time na Komisyoner

CONCEPCION H. LUIS Part-time na Komisyoner

FE A. HIDALGO

Part-time na Komisyoner

ANTONIO L. TAMAYO Part-time na Komisyoner

ISABEL P. MARTIN

Part-time na Komisyoner

ROMEO G. DIZON Part-time na Komisyoner

Page 3: sangwika_oktubre_2007

PAGDARAOS NG NATIONAL DAY FOR OVERCOMING EXTREME PAGDARAOS NG NATIONAL DAY FOR OVERCOMING EXTREME PAGDARAOS NG NATIONAL DAY FOR OVERCOMING EXTREME PAGDARAOS NG NATIONAL DAY FOR OVERCOMING EXTREME

POVERTY, SINUPORTAHAN NG KWFPOVERTY, SINUPORTAHAN NG KWFPOVERTY, SINUPORTAHAN NG KWFPOVERTY, SINUPORTAHAN NG KWF

Pangalawang Konsultatibong Workshop...

at ATD Fourth World Phil-

ippines. Ang nasabing

pagtitipon ay dinaluhan

ng mga kinatawan/

koordineytor mula sa

United Nations, mga opis -

yal at kawani ng iba’t

ibang tanggapan ng

pamahalaan, mga opisyal

ng lokal na pamahalaan,

mga lider at miyembro ng

Non-Government Organi-

zations (NGOs), mga

propesor, guro at mag-

aaral ng iba’t ibang paara-

lan, mga opisyal at mi-

yembro ng iba’t ibang

sangay ng Sandatahang

Lakas ng Pilipinas at iba

pang sektor ng lipunan.

Nakiisa ang lahat sa pag-

basa ng Panata na binasa

sa dalawang bersyon:

English at Filipino. Nagbi-

gay ng maikling mensahe

si Kalihim Esperanza I.

Cabral ng DSWD bilang

kinatawan ng Pangulo,

gayundin ang kinatawan

nina Alkalde Alfredo S.

Lim ng Maynila at Kgg.

Nileema Noble, UN Resi-

dent Coordinator. Su-

mang-ayon ang mga nag-

sidalo sa mga katagang

binigkas ni Senador Fran-

cis N. Pangilinan, “Walang

maghihirap, kung lahat

tayo ay magsisikap; hu-

wag magpadala sa mga

suliranin ng bansa, sa

halip na huwag mag-

walang-bahala, gumawa

ng paraan, kumilos, laba-

nan ang kahirapan at si-

kaping mapagtagumpayan

ito.”

Bilang pangwakas sa

unang bahagi ng pro-

grama, nag-alay ng bulak-

lak ang mga piling panau-

hin sa batong pananda

bilang pag-alaala sa mga

naging biktima ng kahira-

pan. Sumunod ang pang-

kulturang pagtatanghal.

Bawat pagtatanghal ay

nagpakita ng iba’t ibang

mensahe, katulad ng

mensaheng nakapaloob sa

awitin ng Ambassador of

Light Chorale na “tulad ng

walis (tingting), kung

sama-sama, kayang-

kaya.” Isang makabulu-

hang mensahe na kung

iisipin at gagawin ay

magiging susi sa pagtata-

gumpay upang labanan

ang kahirapan sa ating

bansa.

Nagbigay ng suporta ang

Komisyon sa Wikang Fili-

pino sa idinaos na National

Day for Overcoming Ex-

treme Poverty at UN In-

ternational Day for Eradi-

cation of Poverty na

naglalayong wakasan ang

matinding kahirapan sa

buong mundo sa pama-

magitan ng pagdalo at

pakikiisa sa programa na

idinaos sa Open Air Audi-

torium, Rizal Park, Maynila

noong Oktubre 17, 2007.

Sa atas ni Chair Nolasco

at sa pamumuno ni

Kom. Jose Lad Santos ka-

sama ang ilang kawani ng

KWF, nagpahayag ng

pakikiisa at paninindigan

upang labanan ang

matinding kahirapan,

gutom at di pagkakapan-

tay-pantay ng bawat tao.

STAND UP, SPEAK OUT,

KUMILOS! MANINDIGAN!

LABANAN ANG KAHIRA-

PAN - ito ang paksa ng

pagdiriwang na pina-

ngunahan ng National

Anti-Poverty Commission

(NAPC) sa pakikipagtulu-

ngan ng United Nations

System in the Philippines

nez, Philippine Federation of the Deaf;

Corpus Based Dictionary, Corpus Based Dictionary, Corpus Based Dictionary, Corpus Based Dictionary, Dr Curtis

McFarland, Linguistic Society of the Philip-

pines.

Sa mga interesadong dumalo maaari

kayong makipag-ugnayan kay Sheilee

Boras-Vega sa telepono blg. (02)7363832

o (0918)5208292 o email address

[email protected]. para sa pagpa-

pareserba.

workshop na ito ang mga sumusunod

na paksa:

Online Community,Online Community,Online Community,Online Community, Prof. Solomon See,

De La Salle University – Manila; Design Design Design Design

of a Language Repository, of a Language Repository, of a Language Repository, of a Language Repository, Dr. Resty

Cena, University of the Philippines-

Diliman; The International Corpus of The International Corpus of The International Corpus of The International Corpus of

English, English, English, English, Dr. Ma. Lourdes Bautista, Pro-

fessor Emeritus, De La Salle University

- Manila; Building the Speech CorpuBuilding the Speech CorpuBuilding the Speech CorpuBuilding the Speech Corpus,

Dr. Cristina Guevarra, University of the

Philippines - Diliman; Corpus for the Corpus for the Corpus for the Corpus for the

Filipino Sign Language, Filipino Sign Language, Filipino Sign Language, Filipino Sign Language, Dr. Liza Marti-

3 sangwika

Jean Paul P. Cristobal Manila Science High Sch., Manila

Karangalang-Banggit KWF Poster Making Contest 2003

Jerusalem Alfonso Navotas High School,

Navotas, MM Karangalang-Banggit

KWF Poster Making Contest 2003

Page 4: sangwika_oktubre_2007

KalusuganKalusuganKalusuganKalusugan a)a)a)a) “Nena” ni Estelita C. Adriano b) “Biktima ng Paghihiganti” ni Eleazar T. Acampado c)c)c)c) “Sintomas” ni Segundina B. Bautista EdukasyonEdukasyonEdukasyonEdukasyon a)a)a)a) “Hampas sa Kalabaw” ni Marcial Buanno b)b)b)b) “Kuwaderno” ni Segundina B. Bautista c) c) c) c) “Mumunting Hakbang” ni Noli S. Dum-lao KahirapanKahirapanKahirapanKahirapan a)a)a)a) “Ako, Ikaw at ang Kahirapan” ni Stuart D. Lingat b)b)b)b) “Ita” ni Estelita C. Adriano c)c)c)c) “Ang Masaganang Pagbabago Tungo sa Bagong Bukas” ni Marcelo N. Baldomar Karapatan ng KababaihanKarapatan ng KababaihanKarapatan ng KababaihanKarapatan ng Kababaihan “Manikin” ni Ceferino F. Silverio Karapatan ng KabataanKarapatan ng KabataanKarapatan ng KabataanKarapatan ng Kabataan a) a) a) a) “Batang Mandaragat” ni Joseph C. Mangilaya b) b) b) b) “Munting Mandirigma” ni Florentino G. Cruz c) c) c) c) “Gabay” ni Genoveva C. Escobia Karapatan ng KatutuboKarapatan ng KatutuboKarapatan ng KatutuboKarapatan ng Katutubo a) a) a) a) “Iskuwater sa Paraiso” ni Perry C. Mangilayan b) b) b) b) “Sama-samang Tinig” ni Alex F. Areta c) c) c) c) “Address” ni Noli S. Dumlao

KapayapaanKapayapaanKapayapaanKapayapaan a) a) a) a) “Ito ang Tunay na Lunas” ni Ronesa Blaine Kelly Severo b) b) b) b) “Pagtakas” ni Imelda Estrella

Ang mga finalists sa Global Warming ay ang 1) 1) 1) 1) “Nag-iisa Kong Mundo” ni Cora Torrente, 2) 2) 2) 2) “Ang Eksperimento ni Bok-noy” ni Bobby V. Villagracia at 3) 3) 3) 3) “Ang Daigdig sa Kuko ng Global Warming” ni

Santiago O. Zamora

Ang lupon ng inampalan ay binubuo nina Dr. Arthur P. Casanova, tagapangulo, ng Brent International School, G. Andy C. Beltran ng CJC Komiks at Bb. Leonida B.

Villanueva ng KWF.

24 Finalists sa Timpalak UN-MDGs at Gantimpalang Carlo

J. Caparas sa Global Warming, Inihayag

Inihayag ng Komisyon sa Wikang Fili-pino ang 24 finalists na napili (21 sa 8 MDGs at 3 sa Global Warming) matapos isagawa ang isang deliberasyon ng lu-pon ng inampalan noong Nobyembre 3, 2007 sa Max’s Restaurant, Malacañang

Branch, San Miguel, Maynila.

Sang-ayon kay Komisyoner Jose Lad Santos ng KWF, ang mga napiling iskrip ay ipaguguhit sa mga dibuhista ng CJC Komiks at mula dito ay pipiliin ang mga grand prize winners sa bawat paksa –

isa sa bawat paksa.

Ang timpalak ay nauukol sa walong (8) paksa ng United Nations Millennium De-velopments Goals (UNMDG) na tumata-lakay sa mga suliranin at kalutasan sa: 1) kapaligiran, 2) kapayapaan, 3) edu-kasyon, 4) kalusugan, 5) kahirapan, 6) karapatan ng kababaihan, 7) karapatan ng kabataan, 8) karapatan ng katutubo at ang Gantimpalang Caparas ay para sa Global Warming. Isinagawa ang tim-palak sa pagtutulugan ng Komisyon sa Wikang Filipino at ng Pambansang Ko-misyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at ni Direktor Carlo J. Caparas. Kaugnay ito ng hangarin ng Pilipinas na makatulong sa programa ng UN tungkol sa 8MDGs na naglalayong mabawasan ang “extreme poverty” gayundin ang iba

pang suliranin sa 2015.

May nakalaang tig-P20,000.00 para sa grand winner ng bawat paksa at tig-P5,000.00 sa mga finalists sa nabanggit na walong (8) paksa na paghahatian ng manunulat at dibuhista. Ang laang-gantimpala ay galing sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA). Ang gantimpala para sa tim-palak sa Global Warming ay kaloob na-

man ni Direktor Carlo J. Caparas.

Ang mga finalists sa UNMDGs ay Ang mga finalists sa UNMDGs ay Ang mga finalists sa UNMDGs ay Ang mga finalists sa UNMDGs ay sina:sina:sina:sina:

Kapaligiran Kapaligiran Kapaligiran Kapaligiran a)a)a)a) “Pangarap” ni Rico Bello Omagap b) b) b) b) “Biyaya” ni Noli S. Dumlao c)c)c)c) “Bagong Lawa, Bagong Buhay” ni Ce-ferino F. Silverio

4 sangwika

Edwin Abdon Santolan Nat’l. High School,

Pasig City Karangalang-Banggit

KWF Poster Making Contest 2003

Ma. Lourdes Varlas Araullo High School, Manila

Ikatlong Gantimpala KWF Poster Making Contest 2003

Page 5: sangwika_oktubre_2007

FILIPINOS IN HISTORYFILIPINOS IN HISTORYFILIPINOS IN HISTORYFILIPINOS IN HISTORY: GREGORIO AGLIPAY Mga Pilipino ng KasaysayanMga Pilipino ng KasaysayanMga Pilipino ng KasaysayanMga Pilipino ng Kasaysayan

May mga ideyang radikal si Aglipay at walang dudang ang damdamin niya ay para sa rebolusyon. Subalit noon la-mang maitalaga siya sa Victoria,

Tarlac noong huling bahagi ng 1896 tuwiran siyang

nakilahok sa kilu-san. Batid ng

marami na nagbibi-gay siya ng tulong

sa mga rebo-

lusyonaryo.

Ang aklat na Filipinos in History ay lathala ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan

(NHI). Ito ay isang katipunan ng mga talambuhay ng mga bayani ng ating bansa at

ng mga Pilipino na naging tanyag sa kani-kanilang larangan. Nakapagbibigay ng

inspirasyon sa kapwa nila Pilipino ang kanilang naging buhay, mga nagawa at

naiambag. Dahil dito, naniniwala ang Komisyon sa Wikang Filipino na nararapat

lamang isalin sa Filipino ang limang tomong aklat na ito bukod pa sa matibay na

dahilang iniatas ito sa tanggapan gaya ng isinasaad sa letra F, seksiyon 14 ng Batas

Republika Blg. 7104.

Ang pormal na paglulunsad noong 1902 ng isang pambansang simbahang Pilipino na tinawag na Iglesia Filipina Independiente ay pagsasakatuparan ng adhikain na unang inihapag sa Asamblea ng Paniqui noong 1899 para sa pag-oorganisa ng mga Pilipinong pari. Ang pagtitipong ito ang naging simula ng isang rebolusyong panrelihiyon na nakaapekto sa buhay ng maraming Pilipino. Nangunguna sa pagbubuo ng asamblea ang isang dating paring Katoliko na makabayan, lider-gerilya at unang Obispo Supremo ng Iglesia Filipina Independiente. Siya si Gregorio Aglipay Cruz y Labayan. Ipinanganak si Aglipay sa Batac, Ilocos Norte noong Mayo 5, 1860. Ang kanyang mga magulang ay sina Pedro Aglipay Cruz at Victoriana Labayan Hilario. Kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanyang pamilya: ang nakakatandang kapatid na lalaki na si Benito ay maagang namatay; si Canuto na isang guro ay matanda ng isa o dalawang taon kay Gregorio. Namatay ang kanyang ina nang si Gregorio ay isang taon at pitong buwan pa lamang. Nang maulila, inalagaan si Aglipay ng tiyo at tiya ng kanyang ina. Masipag at masayahing bata si Aglipay; ginugol niya ang kanyang kabataan sa bukid sa pagtulong sa pagtatanim ng tabako. Isang hindi magandang pangyayari nang siya ay labing-apat na taong gulang ang hindi niya malilimutan. Dahil hindi siya nakaabot sa kinakailangang kota sa tabako, hinuli si Aglipay at iniharap sa gobernadorcillo. Naging dahilan ito upang magtanim siya ng galit sa mga awtoridad na Espanyol. Nagsimula ng pag-aaral si Aglipay sa kanyang bayan. Noong 1876 nagpunta siya sa Maynila at nag-aral sa pribadong paaralan ni Julian Carpio, isang abogado. Pagkaraan ng dalawang taon at, sa tulong pinansyal ng tiyo ng kanyang ina na si Francisco del Amor, nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at dito ay nagsilbi siyang capista. Masipag na mag-aaral si Aglipay. Tinapos niya ang kanyang digring Bachelor of Arts sa Letran bago siya nag-aral ng abogasya sa Universi-dad de Santo Tomas. Gayunman, nagpasya siyang mag-aral ng pagpapari sa Vigan Seminary noong 1883. Inordinahang pari si Aglipay sa Maynila noong Disyembre 21, 1889. Una siyang nag-misa noong Enero ng sumunod na taon. Walong taon siyang naglingkod na coadjutor (kawaksing kura paroko) sa iba’t ibang parokya: Indang, Cavite; San Antonio, Nueva Ecija; Bocaue, Bulacan; San Pablo, Laguna; at Victoria, Tarlac. Coadjutor siya ng San Pablo nang sumiklab ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 1896. May mga ideyang radikal si Aglipay at walang dudang ang damdamin niya ay para sa rebo-lusyon. Subalit noon lamang maitalaga siya sa Victoria, Tarlac noong huling bahagi ng 1896 tu-wiran siyang nakilahok sa kilusan. Batid ng marami na nagbibigay siya ng tulong sa mga rebo-lusyonaryo. Sa Victoria, naaalala si Aglipay bilang bayani at tagapagpalaya. Naalala ni Joaquin Rigor, matandang residente ng Victoria, na iniutos ng kura parokong Espanyol noong 1897 na hu-lihin at patayin lahat ng mga lalaking residente makaraang maipaalam dito na may kaugnayan sa kilusang rebolusyonaryo ang maraming kilalang pamilya. Gayunman, napigil ni Aglipay na noon ay coadjutor (kawaksing kura paroko) ang pagpatay nang makiusap siya sa prayleng Espanyol at garantiyahang walang kasalanan ang mga ito. Binawi ang utos at pinalaya ang mga ito.Noong Oktubre 20, 1898, itinalaga si Gregorio Aglipay na kapelyang militar ng Rebolusyonaryong Pama-halaan ni Emilio Aguinaldo. Bilang kapelyan militar, nagkaroon ng utang na loob sa kanya ang mga Heswitang Espanyol. Sa kanyang pamamagitan, pinalaya at pinadala sa Maynila ang mga Heswitang Espanyol na sina Padre Antonio Rosell at Felix Mir na noo’y bihag ng mga rebo-lusyonaryo. Sa ibang pagkakataon, namagitan siya sa panig ng ilang mga nakakulong na prayleng Espanyol sa Laoag na pinagputol ng damo sa pampublikong plasa. Gayunman, ang paghirang niya kay Eustaquio Gallardo bilang vicar general ng diyosesis ng Nueva Segovia ay tinukoy kalau-nan na isa sa mga dahilan ng kanyang pagkatiwalag sa Simbahang Katoliko. p. 6

5 sangwika

Itinaas ng ranggo si Aglipay bilang vi-cario general cas-trence ni Heneral Aguinaldo ayon sa dekreto na ipinala-bas noong ika-20 ng Oktubre. Sa gani-tong katungkulan, ipinagpatuloy niya ang gawaing sini-mulan ni Padre Jose

Burgos - ang Pilipinisasyon ng Simbahan sa Pilipinas.

Page 6: sangwika_oktubre_2007

Noong Setyembre ng taon din na ito, tumawag ng pulong ng mga delegado si Heneral Aguinaldo sa Malolos, Bulacan. Ikinatawan ni Gregorio Aglipay ang kanyang lalawigang Ilocos Norte at isa siya sa mga lumagda sa Konstitusyon na pinagtibay ng Kongreso. Itinaas ng ranggo si Aglipay bilang vicario general castrence ni Heneral Aguinaldo ayon sa dekreto na ipinalabas noong ika-20 ng Oktubre. Sa ganitong katungkulan, ipinagpatuloy niya ang gawaing sinimulan ni Padre Jose Burgos - ang Pilipinisasyon ng Simbahan sa Pilipinas. Nagpalabas siya ng ilang manipesto na nag-udyok sa mga paring Pilipino na magkaisa at pamahalaan ang Simbahan sa bansa. Ang mga ma-nipestong ito, bukod sa ibang dahilan, ay nagresulta ng kanyang pagkatiwalag. Ang korteng pan-simbahan, sa dekretong inilabas noong Mayo 1899, ay nagpasyang nagkasala siya ng pang-uudyok sa mga pari na magrebelde laban sa mga awtoridad ng Simbahan. Nang ilunsad ang bagong simbahan, inalok siya ni Isabelo de los Reyes, lider manggagawa, na maging kataas-taasang obispo. Nag-atubili siya noong una pero tinanggap din niya ang alok, at ito ang tumiyak sa kanyang paghiwalay sa Simbahang Katoliko Romano. Ang kalayaan ng Pilipi-nas ay masidhing pithaya ni Aglipay. Sinikap niya na makapaglingkod sa kanyang bayan sa anu-mang paraan. Masigla siyang sundalo at epektibong lider gerilya noong Digmaang Pilipino - Amerikano. Matapang na nilabanan ng kanyang yunit-gerilya ang mga Amerikano sa ilang laba-nan. Noong Abril 1901, isang buwan makaraang mahuli si Heneral Aguinaldo, naisip ni Aglipay na walang kahihinatnan ang patuloy na pakikipaglaban sa mga Amerikano kaya sumuko siya kay Koronel MacCaskey sa Laoag. Hindi nawala kay Aglipay ang paghahangad ng kalayaan kahit nabalik na ang kapayapaan. Mala-lim siyang nasangkot sa kampanya para sa kalayaan noong panahon ng rehimeng Amerikano. Pinasidhi ng tagumpay ng kanyang paglalakbay sa Estados Unidos noong 1931 ang kanyang in-teres sa usaping pampulitika ng kanyang bansa. Noong 1935, kumandidato siya sa pagkapresi-dente ng Commonwealth subalit natalo siya kay Manuel L. Quezon. Iniukol ni Aglipay ang kan-yang natitirang taon sa kapakanan ng kanyang simbahan.Pinapahintulutan ng Iglesia Filipina Inde-pendiente na mag-asawa ang kanyang pari. Noong Marso 12, 1939, nagpakasal si Aglipay kay Pilar Jamias ng Sarrat, Ilocos Norte. Namatay si Gregorio Aglipay noong Setyembre 1, 1940 sa Maynila sanhi ng cerebral stroke. Inilibing siya sa bayan niya sa Batac, Ilocos Sur pagkaraang una siyang ilagak sa Aglipayan Cathe-dral sa Tondo, Maynila at, pagkatapos na masira ang katedral noong l945, sa Temple of Maria Clara sa Sampaloc.

Nolasco ay “The CFL and its Research Agency.” Ipinaliwanag naman ni Dating KWF Direktor na si Dr. Aurora E. Batnag ang “Mabisang Pagpapahayag sa Filipino.” Sumunod si Atty Randolph A. Pascasio hinggil sa aspetong legal ng E.O. 210, E.O. 335 at R.A. 7104. “Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa” naman ay ibina-hagi ni Dr. Leticia F. Macaraeg; at “Ang Korespondensiya Opisyal sa Filipino” ni Dr. Pamfilo D. Catacataca ang highlight ng seminar.

Ang Komisyon sa Wikang Filipino, sa pangunguna ni Komisyoner Concepcion H. Luis, ay nagdaos ng “Seminar sa Executive Order No. 335” noong Oktu-bre 25, 2007. Ito’y ginanap sa The Man-sion, Lungsod ng Baguio, na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Karamihan sa mga ito ay mula sa Local Govern-ment Unit (LGU) Ang unang paksang tinalakay ng taga-panayam na si Dr. Ricardo Ma. Duran

Filipinos in History…Filipinos in History…Filipinos in History…Filipinos in History…

6 sangwika

Ang salitang alila ay may kahulugan sa ngayong totoong

naiiba sa kahulugan noong ika-17 dan-

taon. Noon, ang alila ay nangangahulugan ng pag-aaruga o pag-aalaga, halimbawa’y ng maysakit, ngunit ngayo’y may kahu-lugang katulong ng isang maykaya.

Noon, kapag sinabing inalila ni Juana si

Petra, ang ibig sabi-hi’y kinakalinga o

inalagaan si Juana ni Petra. Sa kasaluku-yan, ang kahuluga’y ginawang utusan ni

Juana si Petra.

Noon, ang kahulugan ng lalawigan ay hindi probinsiya kundi pu-werto o daungan ayon sa mga unang limbag na diksi-

yunaryo.

Teodoro Agoncillo “Ang Wikang Pambansa sa Pag-unlad ng Lipunang Pili-

pino”

ALAM BA ALAM BA

NINYO?NINYO?

EXECUTIVE ORDER NO. 335EXECUTIVE ORDER NO. 335EXECUTIVE ORDER NO. 335EXECUTIVE ORDER NO. 335

Ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng serye ng mga kon-

sultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga nasa larangang ito sa buong bansa noong

2006-07 ay bukas para sa inyong komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito. Makaka-

pag-download ng sipi ng ortograpiya (PDF File) sa http://wika.pbwiki.com. Sisikapin ng KWF na ilabas ang pinal na ber-

syon ng patnubay bago matapos ang 2007. Maaaring ipadala ang inyong mga katanungan at komentaryo sa

[email protected] at/o [email protected].

Page 7: sangwika_oktubre_2007

ANG FILIPINO AT TAGALOG,ANG FILIPINO AT TAGALOG,ANG FILIPINO AT TAGALOG,ANG FILIPINO AT TAGALOG, HINDI GANOONG KASIMPLE HINDI GANOONG KASIMPLE HINDI GANOONG KASIMPLE HINDI GANOONG KASIMPLE ni Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D. Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D. Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D. Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D. Binigkas sa Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2007 Bayview Park Hotel, Agosto 31, 2007

Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nag-kakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Huwag daanin sa kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapag-salita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsiya. Hindi sukatan ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hili-gaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga di-yalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea.

Ang “Tagalog,” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila at iba pang punong-lunsod na pi-nagtatagpuan ng iba’t ibang grupong etniko. Ito ang pinakaprestihiyosong uri ng Tagalog at ang wikang ginagamit ng mass media. Ang isa pang panukat para makilala ang isang wika sa isang diyalekto ay: ibang gramatika, ibang wika. Iisa ang gramatika ng “Filipino,” “Pilipino” at “Tagalog.” Magkakapareho ang ginagamit nitong mga pananda (ang, ng at sa); mga panghalip-panao (siya, ako, niya, kanila, atb.) panghalip-panturo (ito, iyan, doon, atb.); pangatnig (na, at at ay); kataga (na at pa); at panlaping makadiwa (- in, -an, i- at –um-). Sa madaling salita, magka-parehong gramatika, magkaparehong wika.

May ilang taga-akademya na nagsasabing ang Tagalog ay “purista” at ang Filipino ay hindi. Para sa kanila, ang “pulong” at “guro” ay salitang Tagalog samantalang ang “miting” at “titser” ay salitang Filipino. Gayon man, ang panghihiram ng salita ay hindi mapagkakatiwalaang batayan sa pag-iiba ng wika sa diyalekto. Lansakan ang ginawang panghihiram ng Zamboangueño (Chavacano) sa Español subalit nakabuo ito ng ibang gramatika. Hindi ito nauunawaan ng mga nagsasalita ng Español. May mahalagang gamit din ang “purismo.” Ang tinutukoy ko rito ay hindi ang purismong nagbunga ng mga salitang gaya ng salumpuwit at salipawpaw. Ang salum-puwit ay pinaikli ng “pansalo ng puwit,” at ang salipawpaw ay nanggaling sa “sasakyang lumili-pad sa himpapawid.” Inimbento ang mga salitang ito noong mga 1960 para gawing “puro” ang wikang pambansa. Sapagkat palasak na ang silya at eroplano, ang ganitong uri ng purismo ay hindi nagkaroon ng kabuluhan para sa mamamayan at itinakwil nila ito. Tinatangkilik ko ang purismong gumagabay sa paggamit ng mga salitang gaya ng gasang. Ang gasang ay Sebwano at Tagalog para sa “coral” at ang kagasangan naman ay nangangahulugan ng “coral reef”. Kung patuloy nating gagamitin ang terminong Ingles para sa konsepto, o makukuntento na lamang sa ponetikong baybay na koral rif, ang katutubong salita ay mamamatay. Hindi tayo dapat matakot na turuan ang madla ng bagong mga salita kung ito’y eksakto at angkop para sa okasyon. Subalit kung ito ma’y simpleng Tagalog o malalim na Tagalog, puro o halu-halong Tagalog, ito’y Taga-log pa rin. Nabibilang pa rin sa iisang wika. Kung gayon, bakit natin kinailangang magpalit ng pangalan buhat sa Tagalog, patungo sa Pilipino at pagkatapos sa Filipino?

Ang mga dahilan ay may kinalaman sa aspektong panlipunan o sosyo-pulitikal ng wika. Buhat sa isang wika ng mga taal na Tagalog at probinsiyang Tagalog, naging wika na ito ng mamama-yang Pilipino. Naging pambansa ang naturang wika. Mas marami nang nagsasalita ng Tagalog na hindi taal na Tagalog. Batay sa sensus ng 2000, 9 sa 10ng Pilipino ang nagsasalita at na-kakaunawa ng Tagalog, magkakaiba nga lamang ang antas ng kasanayan. Kahit sa dulo ng ti-mog, gaya ng Tawi-Tawi, ay may nagsasalita ng wikang pambansa. Sa pamamagitan ng wikang pambansa ay nagkatotoo na ang pakikipag-usap na inter-etniko. Salamat sa TV, radyo, ko-miks, paglilipat-tahanan at sistemang pang-edukasyon.

Ngunit, karamihan sa ating mamamayan ay nagsasalita ng unang wika na naiiba sa Taga-log. Ang Sebwano ay unang wika ng may 18.5ng milyong tagapagsalita, sunod dito ang Ilokano na may 7.7ng milyon, Hiligaynon na may 6.9ng milyon at Bikol na may 4.5ng milyon. Ang Taga-log ay may 22ng milyong taal na tagapagsalita. Ang mga di-taal na tagapagsalita ng Tagalog ay naiimpluwensiyahan ng palabigkasan at gramatika ng kanilang unang wika. p.8

7 sangwika

“Ang una at pina-kamahalagang hakbang ay ang baguhin ang ating saloobin sa ating mga wika. Itu-

ring nating yaman sa halip na pabi-gat ang ating mga

lokal na wika upang mabigyan ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat ang pamumuhay ng mamamayan.”

“May ilang taga-akademya na

nagsasabing ang Tagalog ay

“purista” at ang Filipino ay hindi. Para sa kanila, ang “pulong” at “guro” ay sali-tang Tagalog

samantalang ang “miting” at

“titser” ay sali-

tang Filipino. “

Page 8: sangwika_oktubre_2007

Halimbawa, ang salitang manî (may impit na tunog sa hulihan) ay binibigkas na mani (walang impit na tunog) ng isang Ilokanong nagsasalita ng Tagalog. Dahil dito, nagsulputan sa buong bansa ang mga baryedad panrehiyon ng Tagalog. Tinatanggap at kinikilala na ang mga ito na bahagi ng wikang pambansa. Ang Ingles ay pangalawang wika rin ng maraming Pili-pino. Gayon man, higit itong prestihiyoso kaysa Filipino. Ayon sa surbey noong 2006 ng Social Weather Stations, 7 sa 10ng Pilipino ang nakakaunawa at nakakabasa sa Ingles. Halos kalahati (48%) ang nagsabing nakakasulat sila sa Ingles at sa ikatlo (32%) ang nagsabing nakakapagsalita nito.

Ito ang magpapaliwanag kung bakit kadalasa’y pinaghahalo ng mga Pilipino ang Ingles at Fili-pino. Tinatawag ito ng marami na “Taglish.” Sa ilan, ito ay kapag sinisimulan mo sa Ingles o Tagalog ang pangungusap, tapos you switch to another language sa parehong pangungusap. “Taglish” din ang tawag kapag ginagamit mo ang gramatika ng Tagalog ngunit bokabularyo naman ng Ingles. Napakalawak na ng panghihiram ng Filipino sa Ingles kaya ma-higit sa 1,500ng salitang Ingles ang natagpuan nang tatlong beses sa isang corpus ng isang milyong salitang Filipino. Ito ay ayon sa isang pag-aaral noong 1998 na nagmungkahing ang pi-nakagamiting salitang Ingles gaya ng okey, mommy, pulis, daddy at mister ay bahagi na ng Fili-pino. Noong 1987 ay pormal nang kinilala ng mga pinuno ng ating bansa ang wikang ito na gina-gamit ng mga Pilipino bilang lingua franca nila. Tinawag nila itong “Filipino” na may “F” bilang hudyat na ito ay isang wikang batay hindi lamang sa Tagalog kung hindi sa iba pang mga wika ng Pilipinas at dayuhang wika. Nais din nilang ihiwalay ang wikang ito sa “Pilipino” na ipinala-lagay nilang “purista”.

Gayon man, hindi alintana at walang pakialam sa mga pagtatalo ang mga gumagamit ng wikang pambansa. Dalawampung taon matapos mabigyan ng pangalang Filipino ang kanilang wika, ang tawag nila dito ay Tagalog pa rin. Sa maraming talakayan, tinatanong din ako kung ano ang nararapat na itawag sa ating wika, sa tao o sa ating pagkamamamayan at sa ating bansa. Lagi kong sinisimulan ang aking pagsagot sa pagsabing depende sa kung anong wika ang ginagamit. Kung sa Ingles, ang ating wika ay “Filipino”, ang tao o ating pagkamamamayan ay “Filipino” at ang ating bansa ay “Philippines.” Kung sa wikang pambansang tinatawag na Fili-pino, ang ating wika ay “Filipino”, ang tao o ating pagkamamamayan ay “Pilipino” at ang ating bansa ay “Pilipinas.” Hindi ko ipinapayong gamitin ang “Filipinas” para sa ating bansa, at “Filipino” para sa tao o ating pagkamamamayan sapagkat salungat ang mga ito sa opisyal na pag-tutumbas.

KUNG PAANO PAHALAGAHAN ANG ATING MGA WIKA

Ang pambansang wikang tinatawag na Filipino ay isang kumbinyenteng kasangkapan para sa pakikipagtalastasan ng mga grupong etniko. Maaaring magtungo sa alin mang lugar sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng wikang ito. Ayon sa sensus ng 2000, 65ng milyon sa 76 na milyong Pilipino ang nagsasalita at nakakaunawa ng Filipino.

Gayon man, hindi pinapansin ng mga tao ang katotohanang karamihan sa mga Pilipino ang nag-sasalita ng Filipino o Tagalog bilang pangalawang wika. May 22ng milyon lamang ang nagsasalita nito bilang unang wika. Doble ng bilang na ito o mga 43ng milyon ang nagsasalita nito bilang pangalawang wika. Maaaring hindi kasinghusay sa wikang ito ang mga di-taal na Tagalog kum-para sa kanilang unang wika. Ito ang dahilan kung bakit bantulot ang ilang pangkat na yakapin ang Filipino. Napipilitan lang sila. Mas gugustuhin nilang mag-Ingles sapagkat ito ay pangala-wang wika ng lahat. Bukod dito, mas prestihiyoso ito kaysa sa Filipino.

Sa kasaysayan ng ating bansa, may natatanging pribilehiyo ang Tagalog kumpara sa ibang mga wika, maliban sa Ingles. Noong 1937, idineklara ang Tagalog bilang “batayan” ng wikang pam-bansa. Ibig sabihin, ito ang wikang pambansa. Noong 1959, pinalitan ito ng Pilipino. Noong 1987, muli itong pinangalanang Filipino na may “F”. Itinalaga rin itong isa sa mga opisyal na wika at midyum ng pagtuturo. Ang mga wika ng rehiyon ay tinawag na mga pantulong na wika sa pamahalaan at sa edukasyon. Ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa una o pangalawang wika. Hindi rin ito pagwawalang-halaga sa ibang mga wika ng Pilipinas.

Paano ba winawalang-halaga ang isang wika?

Ang isang paraan ay tawagin mo itong “diyalekto”. Sa pamamagitan ng tawag na “diyalekto” ay pinabababa natin ang katayuan ng mga wikang di-Tagalog bilang lehitimong paraan ng pagpapa-hayag. Nababawasan ang pangangailangang matutuhan ang mga ito. Sapagkat Tagalog ang pambansang wika, ang mga akdang pampanitikang nasusulat dito ay siyang itinuturing na p.9

….HINDI GANOONG KASIMPLE

8 sangwika

“Huwag daanin sa

kung ang pananalita ay

may lima o isang milyong tagapag-salita; kung mayroon itong

panitikan o wala; o kung sinasalita

ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi sukatan ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. “

Sa kasaysayan ng ating bansa, may

natatanging pribilehiyo ang

Tagalog kumpara sa ibang mga

wika, maliban sa Ingles. Noong 1937, idineklara ang Tagalog bi-lang “batayan” ng wikang pam-

bansa.

Page 9: sangwika_oktubre_2007

tapos you switch to another language sa parehong

….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE

pambansang panitikan. Ang pinakamagagaling na manunulat sa Tagalog ay tinataguriang mga pambansang manunulat. Samantala, ang panitikang di-Tagalog ay itinuturing na panitikang “panrehiyon” o “bernakular” at ang pinakamagagaling na manunulat dito ay itinuturing na mga manunulat na “panrehiyon” o “pambernakular”.

Tingnan naman natin ang kalagayan ng mga di-Tagalog. Matiyagang pinag-aaralan ng dayong Ilokano o Bisaya ang wika ng Kamaynilaan samantalang parang walang pakialam sa lokal na wika ang dayong Tagalog. Isa pang paraan ng pagwawalang-halaga sa isang wika ay ang pagsa-sabi na ang sinumang nagsasalita ng wikang pambansa ay awtomatikong nagiging makaba-yan. Nangangahulugan ito na sinumang hindi nakapagsasalita nito o iyong mga Inglesero ay hindi makabayan.

Ganyan din ang palagay ng ating mga kababayan. Sa surbey ng Social Weather Station noong 1996, 62% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na napakahalaga para sa isang tunay na Pilipino ang makapagsalita ng Pilipino. Kalahati ng mga Bisaya (55%) ang sumang-ayon sa pahayag na ito. Gayon din ang 67% ng mga Mindanaons sa mga pook na urban. Kung gayon, dapat nating itanghal na mga bayani ang mga Hapon na nanakop sa ating bansa noong mga 1940. Noong panahong iyon, ginawa nilang Tagalog ang pangunahing midyum ng pagtuturo, kasabay ng Ni-honggo. Ipinagbawal nila ang paggamit ng Ingles. Masyadong kakatwa ang argumentong ito kaya hindi na ito dapat talakayin pa. Winawalang-halaga rin natin ang ating mga wika kung nananalig tayo sa kasabihang “isang bansa, isang wika.” Nangangahulugan ito ng isang sen-tralisadong estado-bansa na may isang istandardisadong wika para sa mga opisyal na gampanin at edukasyon. Di lang iilan ang ang sumusuporta sa Ingles upang maging wikang iyon; ang kat-wiran nila ay ito raw ay para sa globalisasyon at modernisasyon. Giit naman ng iba, dapat ay Filipino sapagkat ito ang wikang pambansa at tayo raw ay mga Pilipino.

Wala sa mga paniniwalang ito ang tumutugma sa realidad sa Pilipinas at sa daigdig. Sa Pilipi-nas, ang karaniwang Pilipino ay nakakapagsalita ng tatlo o apat na wika, maliban sa mga Tagalog na ang alam ay ang wikang sarili at Ingles. Sa mundo, karaniwan ang may alam na dalawa o higit pang wika, samantalang bihira naman ang may alam lamang na isang wika. Mayroong 200ng nasyon-estado subalit may mahigit sa 6,000ng wika. Ibig sabihin, maraming bansa ang may mamamayang marunong ng mahigit sa isang wika. Ang European Union ay may dalawam-pu’t tatlong opisyal na wika. Ang Canada ay Pranses at Ingles ang mga opisyal na wika. Kahit ang Estados Unidos ay walang nakitang pangangailangang magproklama ng isang wikang pam-bansa. Ang batas na nagpapairal sa patakarang pangwika ay ang Republic Act 7104. Ito ang ba-tas na nagtatatag sa Komisyon sa Wikang Filipino at nagtatakda rito upang “magsagawa, mag-ugnay at magpalaganap ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preser-basyon ng Filipino at ng ibang mga wika ng Pilipinas.” Ang patakaran ay paunlarin at paya-manin ang wikang pambansa batay sa mga umiiral na wika at ibang mga wika ng Pilipinas. Sa ibang salita, magkapantay sa wikang pambansa ang halaga ng mga lokal na wika at hindi sunud-sunuran dito. Ang ideya ay palakasin ang mga lokal na wika upang mapalawak ang kaalaman at batayang panlinggwistika ng ating pambansang wika.

Ang pinakamahusay na paraan upang mapawalang-halaga ang ano mang wika ay ang pagba-bawal na gamitin ito sa sistema ng edukasyon. Dala ng mga bata sa paaralan ang wika ng kanilang tahanan at pamayanan upang burahin lamang ng sistemang bilinggwal. Paboritong pormula ang pagmultahin o parusahan ang mag-aaral dahil sa pagsasalita ng kanilang sariling wika. Akala tuloy ng mga bata, hindi mahalaga ang kanilang wika’t kultura at kung gayo’y hindi dapat palaganapin. Ang mahalaga lamang ay ang mga wikang ipinagagamit sa buong bansa at ang kaalamang nakasulat dito. Ang karaniwang dahilan kaya hindi ipinagagamit sa paaralan ang mga wika ng bata ay: nagkakawatak-watak daw tayo dahil dito, at hindi raw ito praktikal sapagkat napakarami nating “diyalekto”. Walang pagkakaisa kapag walang paggalang sa kultura at wika ng bawat isa. May mapupulot tayo sa karanasan ng Papua New Guinea. Ang Papua New Guinea ang may pinakamaraming wika sa daigdig, umaabot sa mahigit sa 800. Subalit hindi ito naging hadlang upang makabuo ng materyales sa literasiya sa saikatlo (1/3) ng mga wika nito. Kung kaya nila, kaya rin natin.

Huwag na tayong lumayo. Ang Lubuagan ay isang distrito ng Kalinga na ang midyum ng pagtu-turo para sa mga araling pamprimarya kahit sa agham at matematika ay ang lokal na wika. Ang Tagalog at Ingles ay itinuturo bilang mga asignatura. Nagtutulungan sa proyektong ito ang Ka-gawaran ng Edukasyon, ang Summer Institute of Linguistics at ang pamayanan ng Lubua-gan. Nakakagulat ang resulta ng pagsusulit sa pagbasa sa sangay ng Kalinga noong 2006. Ang mga mag-aaral ng Lubuagan ay nagtala ng pinakamataas na iskor sa English (76.5%) at Filipino (76.44%), kumpara sa mga mag-aaral ng mga distritong tinuruan sa bilinggwal na sistema. p.11

9 sangwika

Ang pinakama-husay na paraan

upang ma-pawalang-halaga ang ano mang

wika ay ang pag-babawal na

gamitin ito sa sis-tema ng edukas-yon. Dala ng mga bata sa

paaralan ang wika ng kanilang

tahanan at pama-yanan upang bu-rahin lamang ng sistemang bi-linggwal.

Page 10: sangwika_oktubre_2007

Ang Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga PagAng Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga PagAng Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga PagAng Patakarang Pangwika sa Pilipinas at mga Pag----aaral Kaugnay Nitoaaral Kaugnay Nitoaaral Kaugnay Nitoaaral Kaugnay Nito ni Sheilee Boras-Vega, Ph.D.

Ang patuloy na pagkilos tungo sa tinatawag na globalisasyon at habang umuunlad ang isang global language ay lalong pinahahalagahan ng bawat bansa ang kani-kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan partikular na ang language and cultural identity. Lalo din namang pinahahala-gahan at kinikilala ng mga ahensyang pang-internasyonal tulad ng UNESCO, ang tinatawag na cultural and linguistic diversity, kasunod ang pagkilala sa karapatan sa wika at kultura ng bawat pangkat o bansa.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon tayong 144 buhay na wika. Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974) humigit-kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika. Sa kabila ng pagiging linguistically diverse na bansa natin, mula pa 1974 ang ating edukas-yon ay nakatutok sa patakarang bilinggwal, paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.

Sa sektor ng pamahalaan, noon pang 1969 sa panahon ng Pangulong Marcos, hinikayat na ang paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya. Sa katu-nayan noon pa man ay nagkaroon na ng mga pagsasanay para dito sa pamumuno ng dating Surian sa Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino. Sinundan ito ng E.O 335 noong 1988, na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na komunikasyon at korespondensya. Subalit noong 2003, ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-atas na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo. Ito ay kaugnay pa rin sa pakikilahok ng ating bansa sa pan-daigdigang pamilihan na sa ngayon ay English ang dominanteng wika ng pandaigdigang ekono-miya at komersyo. Ayon pa sa Pangulo:

“Our English literacy, our aptitude and skills give us a competitive edge in ICT. We must continue our English literacy which we are losing fast.”

Kasunod ng pahayag ng pangulo na ibalik ang English bilang pangunahing wikang panturo, nag-palabas ang Malacañang ng Executive Order No. 210 noong Mayo, 2003 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the Use of the English language as a Medium of Instruction in the Educational System”. Bilang patakaran, ayon sa kautusang ito, ituturo ang English simula sa unang baitang at gagamitin itong wikang panturo sa English, Matematika, at Agham. English ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado sa mataas na paaralan at hindi bababa sa 70% ng kabuuang panahong inilaan sa pagtuturo ng lahat ng asignatura ang time allotment para sa paggamit nito. Sa mga institusyong pantersyarya man ay English ang gagamiting pangunahing wikang panturo, ayon sa kautusan. Bunga nito, nalimi-tahan ang gamit ng Filipino at itinakda na lamang ito bilang wikang panturo ng mga asigna-turang Filipino at Araling Panlipunan. At nitong huli, pinagtibay ng Kongreso ang House Bill 4701 na may pamagat na “An Act Prescribing English as the Medium of Instruction in Philippine Schools.”

Kaugnay nito, nais kong ilahad ang ilang mga pag-aaral kaugnay ng patakarang pangwika sa ating bansa

Noong 1974, nagsimulang ipatupad ang patakaran sa edukasyong bilinggwal bilang pagsuporta sa paglinang ng isang bilinggwal na bansa. Nang mapagtibay ang 1987 Konstitusyon, nirebisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang patakarang ito at ipinalabas ang 1987 Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na halos katulad lamang ng nakaraang patakaran maliban sa ilang dagdag na probisyon tulad ng pagbibigay sa antas tersyarya ng gampaning pangunahan ang intelektwalisas-yon ng Filipino. Nakasaad din na kailangan ang regular na pag-evaluate sa patakarang ito. Kung kaya’t noong 1986, isinagawa ng isang pangkat ng LSP ang unang summative evaluation sa pag-papatupad ng patakaran ng edukasyong bilinggwal sa antas tersyarya na pinangunahan nina Sibayan at Gonzalez (1987).

Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Sibayan, hindi seryosong ipinatupad ng mga paaralan ang pro-gramang edukasyong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa paggamit o paraan ng paggamit ng Pilipino sa mga paaralan ngunit hindi sa Pilipino bilang pambansang wika. Inilahad din ng resulta ng pag-aaral na ang mga mag-aaral sa buong bansa ay napakahina ang performance, sa mga paaralang pampubliko o pampribado, magagaling o mahihina mang paaralan. p. 11

10 sangwika

Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Sibayan, hindi seryosong ipi-natupad ng mga paaralan ang pro-gramang edukas-yong bilinggwal. Negatibo ang mga paaralan sa pag-gamit o paraan ng paggamit ng Pili-pino sa mga

paaralan ngunit hindi sa Pilipino bilang pamban-sang wika.

Page 11: sangwika_oktubre_2007

...Patakarang Pangwika sa Pilipinas

Ang dahilan ng malungkot na sitwasyong ito ay ang mga guro mismo na walang sapat na kaalaman sa asignaturang kanilang itinu-turo. Ipinakita sa kinalabasan ng ebalwasyon na ang Edukasyong Bilinggwal ay hindi prayoridad sa antas tersyarya. Sa karamihan ng mga institusyong pantersyarya, ang pagpapatupad ng Edukasyong bilinggwal ay walang masusing disenyo, Bilang pagbubuod, ang pag-aaral na ito ay nagkaroon ng kongklusyon na ang pagbaba ng achievement scores ng mga mag-aaral sa elementarya at se-kondarya ay hindi dapat isisi sa Patakaran ng Edukasyong Bilinggwal kundi sa kakulangan ng kakayahan ng mga guro, mahinang pamamahala ng mga paaralan at kakulangan ng mga aklat at iba pang mga kagamitan sa pagkatuto – mga salik na iniuugnay sa ma-babang sosyo-ekonomikong antas at kakulangan ng suportang pinansyal.

Ang pag-aaral na ito ay sinundan ng pag-aaral ni Fuentes (2000) sa istatus ng pagpapatupad ng 1987 patakarang edukasyong bi-linggwal, ngunit naging limitado lamang sa mga institusyong pantersyarya sa Cebuano at Hiligaynon. Ayon sa pag-aaral na ito, bigo ang implementasyon ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga institusyong pantersyarya ng Cebuano at Hiligaynon. Ang pag-papaunlad ng kakayahan sa wikang English ang pangunahing layunin ng mga institusyong pantersyarya sa mga nabanggit na lugar at ang Edukasyong Bilinggwal ay itinuturing na hadlang sa di pagtamo ng layuning ito

Ang pag-aaral ding ito ay nagpapatunay na ang wikang Filipino ay tanggap na bilang wika ng pagkakaisa at simbolo ng pambansang pagkakakilanlan maging sa mga Cebuano na noon pa ay nagpakita na ng matinding pagtutol. Gayunpaman, naniniwala ang karami-han na ang pagiging angkop bilang wikang pambansa ay hindi nangangahulugang angkop ding wikang panturo sa mga asigna-turang science at math. Ipinaliwanag ni Fuentes na “Filipino is percieived to have more of symbolic than functional purpose in the lives of Filipinos.” Idinagdag pa na naniniwala ang karamihan na sila ay makabansa sa kabila ng kanilang kakulangan ng kakayahan sa wikang pambansa. Ayon pa rin kay Fuentes, ito ay nangangahulugan na sa isang multilinggwal na pamayanang tulad ng Pilipi-nas, ang damdaming makabansa ay nakakabit sa kanilang unang wika (mother tongue) kung kaya’t ang kahinaan sa pambansang wika ay hindi nangangahulugang nababawasaan ang kanilang pagiging makabansa. Sa kabilang banda, ang kakayahan sa wikang English ay pangunahing kailangan sa pagtatamo ng ekonomikong tagumpay dahil nananatili itong wika ng mahahalagang larangan partikular ng pamahalaan, negosyo at mataas na edukasyon. Mahalagang banggitin na ang pinakamadalas sabihing dahilan ng di pagpatupad ng patakaran ay ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, mahalagang banggitin dito ang naging resulta ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginawa noong 1999, ang Pilipinas ay pang-38 sa Math at pang-40 sa Science sa kabuuang 41 na lumahok na bansa. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ng science at math sa wikang English sa loob ng mahigit na isang daang taon. Nangangahulugan kaya ito na maaaring walang kinalaman sa wika o hindi lamang tungkol sa wika ang dahilan kung bakit mahina ang mga Pilipino sa Math at Science? Kung wika man ang dahilan, hindi kaya dahil sa wikang English na ginagamit na midyum ng pagtuturo sa mga asignaturang Sci-ence at Math? Ang karanasan ng Tsina, Hapon at Rusya ay sapat na patunay na maaaring maging mahusay sa science at math kahit ito’y itinuturo hindi sa Ingles. Sa anong midyum nga ba mas madaling matuto ang ating mga estudyante?

Sa pagsagot ng katanungang ito, mahalagang talakayin ang papel na “Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices, and Alternatives” ni Dr. Ana Taufeulungaki, Direktor ng Institute of Education ng Unibersidad ng South Pacific (2004) na naglarawan sa konteksto ng wika sa Rehiyon Pasipiko. Tinalakay din ang mga karaniwang dahilan ng pagpili ng wika at nagbigay/nagmungkahi ng mga hakbang na maaaring isaalang–alang ng mga tagapanghanda ng patakaran at sistema ng edukasyon. p.12

11 sangwika

Paano natin pinahahalagahan ang ating mga wika?

Ang una at pinakamahalagang hakbang ay ang baguhin ang ating saloobin sa ating mga wika. Ituring nating yaman sa halip na pabi-gat ang ating mga lokal na wika upang mabigyan ng edukasyon ang ating lipunan at mapaangat ang pamumuhay ng mamamayan. Kailangan natin ang isang wikang pambansa pero kailangan din natin ang ating mga lokal na wika at ang mga wika ng lalong mala-wak na talastasan (i.e. Ingles at Espanol). Sa pamamagitan ng mga wikang ito, nabubuo natin ang ating etnisidad at kasabay nito ay nakikilala ang ating pagka-mamamayan ng bansa at ng daigdig. Natutulungan tayong mag-isip nang global at kumilos nang lokal. Ang katutubong mga sistema ng kaalamang nakaimbak sa mga lokal na wika ay nagkokomplemento sa ating kaalaman sa agham at teknolohiya ng Kanluran. Ang pinagsamang kaalamang ito ay tumitiyak na ano mang kaunlarang maidudulot nito ay magiging pangmatagalan at makakalikasan. Ang ating mga bata ay may karapatang matuto sa wikang kanilang kinagisnan. Napatunayan nang sa pamamagitan ng mga wika ng tahanan at lokal na kultura ay napapadali ang pagkakatuto ng bata sa eskuwelahan. Nag-sisilbi ring tulay ang mga ito upang epektibong makabisa ang ibang wika, gaya ng ipinakita sa Lubuagan. Nagkakaroon ng pag-galang sa sarili ang isang mag-aaral kung ang kanyang mga karanasan at ang wikang ginagamit niya sa pagpapahayag ng mga iyon ay tinatanggap o kinikilala. Mula sa kaalamang ito, ang bata ay natututo, nakapagdaragdag ng bagong mga konsepto at nakakabuo ng mas malalim at abstraktong ideya.

Kasabay nito, ang ating mga mamamayan ay dapat na mabigyan ng pagkakataong matuto ng wikang pambansa at ng ibang mga wika ng lalong malawak na komunikasyon gaya ng Ingles. Dapat silang mabigyan ng pagkakataon na masubukan ang kakaibang mga posibilidad na ibinibigay ng ekonomiyang pambansa at global. Ang dibersidad pangwika ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagbabago sa katutubong kultura. Sa pagpapahalaga sa ating unang wika, napapahalagahan din natin ang ating pan-

….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE….HINDI GANOONG KASIMPLE

Page 12: sangwika_oktubre_2007

Ayon sa papel na ito, ang Pasipiko ay sinasabing “most linguistically complex region” sa mundo na mayroong mahigit sa isang libong natatanging wikang bernakular na sinasalita ng kulang sa 10 milyong naninirahan dito. Maliban pa ito sa mga wikang dayuhan na dala ng mga misyonaryo, negosyante at mga mananakop na nanirahan sa Rehiyon Pasipiko tulad ng English, French, Span-ish, Japanese, Chinese, Hidustani, Filipino , Korean at German.

Sa layuning matulungan ang mga bansa sa Pasipiko na makabuo ng angkop na mga patakarang pangwika na magtataguyod ng pantay na edukasyon at mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto, ang World Bank ay nagkomisyon ng isang papel noong 1994 upang suriin ang pan-daigdigang karanasan sa “Paggamit ng Una at Pangalawang Wika sa Edukasyon”. Natuklasan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod: 1. Ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa nang 12 taon upang matutunan ang kanilang unang wika. Ibig sabihin na ang unang 12 taon ng bata ay dapat nakalaan o bigyang diin ang pagkatuto ng unang wika ng bata.

2. Ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis at madali kaysa mga matatanda.

3. Ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika 4. Ang development ng unang wika ng bata na may kaugnayan sa kognitibong development ay higit na mahalaga kaysa paghantad sa pangalawang wika. Kung gayon, pinabubulaanan ng pahayag na ito na hangga’t maaga ay turuan na ng pangalawang wika o bigyan ng mahabang oras ang pagkatuto ng pangalawang wika ang mga bata.

5. Sa mga sitwasyon sa paaralan, ang mga bata ay dapat matuto ng akademikong kasanayan sa wika gayundin ng mga kasanayan sa sosyal na komunikasyon. Matatamo lamang ito sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng bata.

6. Ang mga bata ay natututo ng pangalawang wika sa iba’t ibang paraan, batay sa kanilang kultura, sa kanilang pangkat at sa kanilang indibidwal na katauhan.

Sa rebyu ng literatura, ng nabanggit na papel ay nagkaroon ng konklusyon na: 1. Ang development ng unang wika ay kritikal sa kognitibong development at bilang batayan sa pagkatuto ng pangalawang wika.

2. Ang mga guro ay dapat nakauunawa, nakapagsasalita at nakagagamit ng wika ng pagtuturo, ito man ay una o pangalawang wika.

3. Ang suporta at pakikisangkot ng mga magulang at pamayanan ay mahalaga sa lahat ng matagumpay na mga programa.

Bagamat kinikilala ng mga bansang Pasipiko ang kahalagahan ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo, sa katotohanan, iba-ibang mga patakaran at kaugalian ang matatagpuan. Sa halos lahat ng bansa dito, ang unang wika ay ginagamit bilang midyum ng pagtuturo sa unang anim na taon sa edukasyong primarya. Kung gayon, kailangang matutunan ng mga mag-aaral sa Pasipiko ang pangalawang wika bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan. Bunga ng ganitong sitwasyon, nagkakaroon ng ilang suliranin: If the mother is not strong, students will have difficulty in acquiring the second language, which will have negative impacts on their learning and educational achievement. A language also is not learned in isola-tion. It comes with the cultural values, beliefs, rules and conventions of its home culture. Ipinaliwanag pa sa papel na ito na ang mga mag-aaral ay dapat matuto hindi lamang sa kanilang wika kundi maging sa kultura ng wikang iyon. Idinagdag pa na kadalasan ang mga paaralan ay ginagaya sa anyong kanlurang edukasyon, na nagmumula sa ibang mga sistema ng pagpapaha-laga at mayroong ibang sistema ng komunikasyon at nagtataguyod ng ibang istratehiya sa pagtu-turo at pagkatuto na naiiba sa kontekstong sosyo-kultural ng karamihan ng mga mag-aaral sa Pasipiko. Ang resulta nito ay ang mahinang mga wika at mga pamayanan sa pasipiko na maaaring dumanas ng pagkalipol at pagbagsak ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa Pasipiko. Bilang konklusyon, ayon kay Taufeulungaki, ang pagpili at mga desisyon ng mga bansang Pasipiko na magtatakda ng mga patakarang pangwika at mga kaugaliang pang-edukasyon ay ayon sa kanilang sariling mga bisyon at mga developmental na mithiin, ang internal na pagka-kaisa at eksternal na partisipasyon sa modernong global na pamayanan. Nagiging malinaw na ang dalawang ito ay hindi diametrikal na magkasalungat. Sinabi ni Taufeulungaki: p.13

...Patakarang Pangwika sa Pilipinas

12 sangwika

If the mother is not strong, stu-dents will have difficulty in ac-quiring the sec-ond language, which will have negative impacts on their learning and educational achievement. A language also is not learned in isolation. It

comes with the cultural values, beliefs, rules and conventions of its home culture.

Page 13: sangwika_oktubre_2007

…Patakarang Pangwika sa Pilipinas

Language can be both the tool to strengthen individual and group identity leading to high self-esteem and self-confidence, the prerequisites to effective learning, and the acquisition of additive education. By pro-moting and developing mother tongue education, cognitive development will be enhanced and a sound basis will be provided for the acquisition of a second language, the vehicle of modern development and participation in the world community. Kaugnay ng isyu tungkol sa edukasyong multilinggwal, dito sa Pilipinas, noon pang 1948 nagsa-gawa na ng mga eksperimentong pagtuturo sa wikang bernakular. Simula noon nagkaroon na ng mga pagtatangka at pagsisikap na isama ang wikang bernakular sa kurikulum ng edukasyong elementarya. Noong Abril 2000, ang rekomendasyon ng Presidential Commission on Educational Reform (PCER) ay nagsasaad ng paggamit ng ng lingua franca at mga bernakular. Sa paunang salita ng mga tiyak na mungkahing pagbabago ay mababasa ang ganito: While reaffirming the Bilingual Education Policy and the improvement in the teaching of English and Filipino, this proposal aims to introduce the use of the regional lingua franca or vernacular as the medium of instruction in Grade One. Studies have shown that this change will make students stay in rather than drop out of school, learn better, quicker and more permanently and will, in fact, be able to use the first language as a bridge to more effective learning in English and Filipino as well as facilitate the development of their cognitive maturity. (PCER, 2000)

Noong 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Bro. Andrew Gonzalez, nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education. Sa 16 na rehiyon sa bansa , nagkaroon ng experimental class sa grade one na gumamit ng lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura, at ang control class ay ang bilingual education. Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilinggwal, mababanggit dito ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubua-gan lamang ang may First Language Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa science at math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilinggwal. Ipinakita sa resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino. Ang mga programang katulad ng Lubuagan First Langauge Com-ponent ay nagpapahiwatig na ang mga pagbabagong ibinatay sa pamayanan gamit ang unang wika ng mga mag-aaral ay matagumpay na maisasakatuparan. Mahalaga sa ganitong programa ay ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamayanan na maaaring pasimulan ng pakikiisa ng mga miyembro ng pamayanan sa pagpaplano, pagbuo, pagpapatupad at pagtaya ng programa. Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksyong naaayon sa kanilang preperensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais isulong para sa bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din namang lumalakas ang tawag sa lokalisas-yon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral, ang globalisasyon at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa pamamagitan ng maaayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa. Mga Sanggunian

• Castillo, Emma S. Language-Related Recommendations from the Presidential Commission on Educational Reform. Philippine Journal of Linguistics, Volume 31, Number 2, December, 2000.

LSP.

• Congressional Commission on Education. 1991. Making Education Work, An Agenda for Reform. Congress of the Republic of the Philippines, Manila. 1991.

• Dekker, Dianne and Young, Catherine. 2005. Bridging the Gap: the Development of Appropriate Educational Strategies for Minority Language Communities in the Philippines. Current

Issues in Language Planning. Vol. 6, No. 2, 2005.

• Espiritu, Clemencia C. 2004. Ang Politika sa pagbuo at Pagpaptupad ng mga patakarang Pangwika sa Pilipinas. Sangguni, Volume XIV No. 1, PNU.

• Fuentes, Gloria G. 2000. The Status of Implemetation of the 1987 Policy on Bilingual Education in Cebuano and Hiligaynon Tertiary Institutions. Philippine Journal of Linguistics, Volume

31, Number 2, December, 2000. LSP.

• Gonzalez, Andrew and Bonifacio Sibayan. Evaluating Bilingual Education in the Phlippines (1974-1985). Linguistic Society of the Philippines, Manila 1988.

• Maminta Rosario E. Program Design and Implementation of Philippine language Education: Research and Theoretical Perspectives. Linguistics and Language Education in the Phlippines and

Beyond. LSP, Manila, 2005

• Martin, Isabel P. 2005. Conflicts and Complications in Phlippine Education: Implications for ELT. Linguistics and Language Education in the Phlippines and Beyond. LSP, Manila, 2005.

• Taufeulungaki, Ana. 2004. Language and Culture in the Pacific Region: Issues, Practices and Alternatives. Pacific Islands Forum Secretariat. Apia, Samoa, 2004.

• UNESCO (2003) Education in a Multilingual World. (Education Position Paper). On www at http://unesdoc.inesco.org/images/0012/00129728e.pdf.

13 sangwika

Language can be both the tool to strengthen indi-vidual and group identity leading to high self-esteem and self-confidence, the prerequisites to e f f e c t i v e learning, and the acquisition of ad-ditive education. By promoting and developing mother tongue education, cogni-tive development will be enhanced and a sound ba-sis will be pro-vided for the ac-quisition of a second language, the vehicle of modern develop-ment and partici-pation in the world commu-nity.

Page 14: sangwika_oktubre_2007

14 sangwika

TALAANG GINTO: ISA NANG TRADISYON SA PANULAANG FILIPINO

Komisyon sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes. Si EDGAR CALABIA SAMAR ay kasalukuyang nagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Pamantasang Ateneo de Manila. Tinatapos naman niya ang kaniyang Ph.D. Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagpalathala na siya ng tatlong aklat, kabilang ang Pag-aabang sa Kundi-man: Isang Tulambuhay,

na finalist sa 2007 National

Mula nang iluwal ang unang timpalak sa pagsu-lat ng tula sa Filipino ng dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong 1963 hanggang 1983 ang pangalan ng timpalak ay nakilala bilang: TALAANG GINTO SA TULA. Nagkaroon ng pagbabago sa pangalan ng timpalak noong 1984 matapos lag-daan ng direktor ng SWP at ng dating Mambabatas Manuel Collantes ang isang memorandum ng kasun-duan. Ayon sa kasun-duan, ang Collantes Foun-dation ay siyang magkaka-

loob ng gantimpalang salapi sa mga magwawagi sa naturang timpalak. Nang taon ding iyon, ang

MAKATA - MANUNULAT: : : : EDGAR CALABIA SAMAREDGAR CALABIA SAMAREDGAR CALABIA SAMAREDGAR CALABIA SAMAR

pangalan ng timpalak sa tula ay naging TALAANG GINTO: GAWAD SURIAN SA TULA-GANTIMPALANG COLLANTES. (pansinin na idinagdag ang salitang Ga-wad Surian bilang pagki-lala sa tanggapan na sa mula’t sapul ay siyang nag-pasimuno ng pagtataguyod ng timpalak. Idinagdag din ang salitang Gantimpalang Collantes bilang pagkilala sa Collantes Foundation na nagkakaloob ng gantim-palang salapi sa naturang timpalak.) Noong 1987, bilang pag-alinsunod sa Atas Tagapag-

paganap Blg. 117, ang dat-ing SWP ay naging Linan-gan ng mga Wika sa Pilipi-nas. Subalit kahit nagbago

man ng pangalan ang tang-gapan, hindi na pinalitan ang ngalan ng timpalak dahil mayroon na itong kasaysayan: dalawampu’t limang taon na noong 1987 ang timpalak at isa nang tradisyon sa panulaang Filipino. Sa kasalukuyan, pagkali-pas ng 45 taon, ang tim-palak ay wala pa ring ku-pas. Nananatiling buhay sa puso ng bawat kalahok ang pag-asang balang araw ay tatanghaling “Makata ng Taon.” Patunay dito ang hindi matatawarang hatak hanggang sa ngayon ng

timpalak na taon-taon ay patuloy na dinadagsa ng mga lahok mula sa iba’t ibang panig ng kapuluan.

Book Award. Nagwagi na ang kaniyang mga tula, futuristic fiction, kuwen-tong pambata, sanaysay at nobela sa Don Carlos Pal-anca Memorial Awards for Literature (2002, 2003, 2004), PBBY-Salanga Writer's Prize (2002, 2004), Gawad Surian sa Tula (2004), Gawad Komisyon-Gantimpalang Collantes (2007), at NCCA Writer's Prize (2005). Ilalathala ng UST Publishing House ang kaniyang nobelang Walong

Diwata ng Pagkahulog.

“Tungo sa Pag-awit ng Inadung” na lahok ni Edgar Samar ang nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa idinaos na timpalak Gawad

Revitalizing the Pangasinan Lan-guage and Cultural

Heritage Balikbayan Hall, Urdaneta City Sports

and Cultural Center, Urdaneta City,

Pangasinan Nobyembre 8-9

Konsultasyon – Balikatan sa Orto-

grapiyang Filipino University of Eastern

Philippines University Town, Catarman, Northern

Samar Nobyembre 16

Pagkakaloob ng Gawad Jose Cora-zon de Jesus sa Tanging Indibid-

wal at Institusyon Pambansang Komisyon para sa Kul-

tura at mga Sining Nobyembre 19

Pagdiriwang ng Ika-111 Kaarawan

ni Jose Corazon De Jesus

Sta. Maria Multi-Purpose Complex Sta. Maria, Bulacan Nobyembre 22

Paligsahan sa Pagpinta, Pagsulat ng tula at Sanaysay, Sining ng

Pagkukuwento, Pag-awit, Balagta-san, at Katha’t Pagguhit ng Ko-

miks Sta. Maria, Bulacan Nobyembre 22

Pangalawang Konsultatibong

Workshop sa Pagbuo ng Korpus ng mga Wika

Yuchengco Hall De La Salle Univer-sity, Manila

Nobyembre 28

Kumperensiya sa Pagsasalin Bayview Park Hotel, Roxas Blvd., Maynila

Disyembre 5

Pagkakaloob ng Gawad sa mga Nanalo sa Timpalak

Pambansang Komisyon para sa Kul-tura at mga Sining Disyembre 18

Mga Gawain/Aktibidad

Nob.- Dis. 2007