Top Banner
SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR Isang Pananaliksik Na Ipinasa kay Dr. Sharon K. Galang Pamantasang Centro Escolar Para sa Parsyal na Pagbubuo Ng mga Kailangan para sa Digring Bachelor of Science in Medical Technology Eana Joyce T. Castillo Maria Mica S. Coronado Jastine Mae R. del Mundo Jose Mari L. Esguerra Jonna Beatriz L. Lagaya Eugene T. Tupa Marso 2015
82

Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Jan 20, 2017

Download

Education

JM Esguerra
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON

SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG

PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR

Isang Pananaliksik

Na Ipinasa kay

Dr. Sharon K. Galang

Pamantasang Centro Escolar

Para sa Parsyal na Pagbubuo

Ng mga Kailangan para sa Digring

Bachelor of Science in Medical Technology

Eana Joyce T. Castillo Maria Mica S. Coronado

Jastine Mae R. del Mundo Jose Mari L. Esguerra

Jonna Beatriz L. Lagaya Eugene T. Tupa

Marso 2015

Page 2: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

ii

ABSTRAK

Pamagat: SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR

Mananaliksik: Eana Joyce T. Castillo, Maria Mica S. Coronado, Jastine

Mae R. del Mundo, Jose Mari L. Esguerra, Jonna Beatriz L. Lagaya at Eugene T. Tupa

Institusyon: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati March 2015 Tagapayo: Dr. Sharon K. Galang

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon sa pamilya at relasyon sa kapwa ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar.

Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan, ang pangunahing

instrumentong ginamit ay talatanungan upang makakalap ng datos tungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral. Pagpoporsyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman ang mga kasagutan sa mga suliraning kinakaharap ng pag-aaral na ito.

Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay mga may labimpito

hanggang labingwalong edad na nagkaroon ng animnapu’t tatlong porsyento (63%). Karamihan ay mga kababaihan na may pitumpu’t tatlong porsyento (73%) at karamihan rin ay nasa kursong Bachelor of Science in Tourism Manangement na may dalawampu’t dalawang porsyento (22%).

Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa ay ang kasiyahan sa mga nakatakdang gawain.

Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminumungkahi na huwag

masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy rin ang pagkakaroon ng motibasyon at determinason sa pag-aaral.

Page 3: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

iii

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Pinagtibay ng Lupon sa Pagsusulit ng pananaliksik na ito tungkol sa Salik

ng Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga

Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar na ang kaloob na antas ay

________________ ngayong ika-21 ng Marso 2015.

_________________________

Dr. Sharon K. Galang

Guro sa Filipino 12

Page 4: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

iv

PAGKILALA

Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga

sumusunod na nagbigay suporta, kooperasyon, inspirasyon, gabay at

nagpatatag ng saloobin ng mga mananaliksik noong isinasagawa ang pag-aaral:

Unang-una sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng gabay, matatag na

kondisyon ng katawan, at sa pagbigay ng katalinuhan sa bawat mananaliksik

upang maisakatuparan ang pag-aaral;

Kay Dr. Sharon K. Galang, ang masigasig na propesor sa Filipino 12, na

tumulong sa mga mananaliksik at gumabay sa paggawa ng tesis sa

pamamagitan ng pagturo ng mga tamang paraan sa paggawa at pagtama sa

mga kamalian ng mga mananaliksik upang maging maayos at maging

matagumpay ang pag-aaral na ito;

Sa pamilya ng mga mananaliksik, sa pagbibigay ng walang humpay na

suporta at tulong sa mga pangangailangan ng mga awtor;

Sa mga awtor, editor at mga mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan

ng mga mahahalagang impormasyon na nakatulong ng malaki sa pagbuo ng

ikalawang kabanata ng tesis; at

Sa mga taong nagbigay-kooperasyong sumagot sa mga sarbey, sa

paglalaan ng panahon at sa matapat na pagsagot na nagsilbing mahalagang

Page 5: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

v

parte ng pag-aaral na ito upang malaman ang iba’t ibang saloobin tungkol sa

paksa.

E.J.T.C

M.M.S.C

J.M.R.D.M

J.B.L.L

J.M.L.E

E.T.T

Page 6: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

vi

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay lubos na inihahandog sa mga mag-aaral ng

Pamantasang Centro Escolar.

Inihahandog din ng mga awtor ang pag-aaral na ito sa pamilya, kaibigan,

at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng talento at kaalaman

sa mga mananaliksik upang matapos at maging matagumpay ang pag-aaral na

ito.

Nais din ng mga awtor na ihandog ang pag-aaral na ito sa mga magulang

na walang humpay na sumuporta at tumulong sa mga pangangailangan ng mga

mananaliksik.

Ang pag-aaral na ito ay nais din ihandog ng mga awtor kay Dr. Sharon K.

Galang na tumulong at gumabay sa mga awtor upang maging maayos at

matagumpay ang pag-aaral na ito.

E.J.T.C.

M.M.S.C.

J.M.S.D.

J.B.L.L.

J.M.L.E.

E.T.T.

Page 7: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

vii

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina

ABSTRAK……………………………………………………………………. ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY…………………………………………….. iii

PAGKILALA……………………………………………………………........ iv

PAGHAHANDOG…………………………………………………………… vi

TALAAN NG MGA NILALAMAN…………………………………………… vii

TALAAN NG TALAHANAYAN……………………………………………… x

TALAAN NG GRAP…………………………………………………………. xi

TALAAN NG LARAWAN……………………………………………………. xii

Kabanata Pahina

1. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula…………………………………………………….. 1

Kaligirang Pangkasaysayan………………………………. 3

Teoretikal na Balangkas…………………………………… 4

Konseptwal na Balangkas…………………………………. 4

Paglalahad ng Suliranin……………………………………. 6

Hipotesis……………………………………………………… 7

Page 8: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

viii

Palagay……………………………………………………….. 7

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………. 8

Saklaw at Delimitasyon……………………………………… 9

Depinisyon ng mga Katawagan…………………………….. 10

2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura

Lokal na Literatura…………………………………… 12

Dayuhang Literatura…………………………………. 15

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral……………………………………. 17

Dayuhang Pag-aaral………………………………….. 22

3. MGA PAMAMARAAN

Paraan ng Pananaliksik………………………………………………. 28

Paksa…………………………………………………………………… 29

Teknik…………………………………………………………………… 29

Instrumento…………………………………………………………….. 30

Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral…………………………….. 30

Paraan ng Pagbibigay Halaga sa mga Datos……………………… 32

4. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA

DATOS…………………………………………………………………. 33

5. BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Buod ng Natuklasan………………………………………….. 46

Page 9: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

ix

Konklusyon……………………………………………………. 47

Rekomendasyon……………………………………………… 48

DAHONG DAGDAG

Talasanggunian……………………………………………….. 49

Talatanungan………………………………………………….. 52

Mga Larawan Habang Nagsasaliksik………………………. 57

Talambuhay ng mga Mananaliksik…………………………. 61

Page 10: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

x

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan Blg. Pamagat Pahina

1 EDAD NG MGA RESPONDENTE…………….. 33

2 KASARIAN NG MGA RESPONDENTE………. 34

3 KURSO NG MGA RESPONDENTE…………… 35

4 TAON SA KOLEHIYO NG MGA

RESPONDENTE………………………………… 36

Page 11: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

xi

TALAAN NG GRAP

Grap Blg. Pamagat Pahina

1 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON

AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG

MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA…………………….. 37

2 SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT

DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA

MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA………….. 39

3 PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT

DETERMINASYON NG MGA MAG-AARAL UPANG

PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL………… 40

4 POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG

MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA

KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL…………………….. 42

5 NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG

MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA

KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL……………………… 43

6 IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG

MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA PAG-AARAL…. 44

Page 12: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

xii

TALAAN NG LARAWAN

Larawan Blg. Pamagat Pahina

1 PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL…………. 5

Page 13: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Mahirap ang palipat-lipat at papalit-palit ng kurso dahil nasasayang

lamang ang panahon at salapi. Marami ngayong Pilipinong kabataan ang inaabot

ng lampas sa apat na taong pag-aaral sa kolehiyo kahit ang programa na

kanilang napili at kasalukuyang pinapasukan ay maaari namang matapos sa loob

lamang ng apat na taong pagsisikap. Kaya ang pananaliksik na ito ay

makatutulong lalung-lalo na sa mga estudyante, upang mapag-alaman nila ang

mga salik para sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon na ipagpatuloy

at tapusin ang kanilang napiling kurso. Dapat ay magkaroon ang karamihan ng

malalim na pang-unawa sa usaping ito upang maging mabuti ang hinaharap ng

bawat isa.

Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa mahahalagang desisyon sa

buhay na dapat isaalang alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang

usapin dahil ito ang umpisa ng kanilang buhay para sa hinaharap.

Ang mga magulang ay may mahahalagang papel sa desisyon ng anak

lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong kurso ang

pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at ng kanyang

mga magulang. Ang mga magulang ang siyang gabay sa usaping ito.

Page 14: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Mahalagang isaalang-alang ang interes ng anak dahil ito ang nagbibigay

sa

Page 15: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

2

kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagganyak. Ngunit sa lawak

ng kaalaman ng mga magulang dahil sa kanilang mga karanasan ay nakabubuti

para sa anak na makinig sa desisyon ng mga magulang.

Kailangan natin maging determinado sa pagpasok sa kolehiyo,

determinado sa piniling kurso para tapusin ito, hindi maiaalis sa isang kabataan

ang pagbago-bago ng desisyon, ang kailangan lamang ay maging pokus sa

ginagawa at sinusunod ang puso sa piniling kurso.

Dahil ang pagpasok sa kolehiyo ang kadalasang unang yugto ng buhay

ng isang anak na mapapawalay sa mga magulang, hindi maitatanggi na sa

yugtong ito maraming mga anak ang naliligaw ng landas dahil wala sa piling ng

kanilang mga magulang na dati ay gumagabay araw-araw. Maraming

napapasama sa masasamang barkada, nalululong sa masasamang bisyo,

pumapasok sa relasyon na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis ng isang

babae at iba pa.

Ayon kay Adrian Paolo Molina, malaki ang ginagampanang papel ng

kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng estudyante. Kaakibat nito ang pagpili ng

kursong tatahakin sapagkat ito ang magiging kaakibat ng indibidwal sa kanyang

panghinaharap na pamumuhay. Kaya nga ang unang taon ng estudyante sa

kolehiyo ay isang mahalagang panahon para isipin kung tama ba o hindi ang

kursong kanilang napili. Maraming tanong ang maaaring pumasok sa isipan ng

tao sa bawat hakbang nito sa buhay at nasa sarili rin natin kung paano natin ito

aaksyunan.

Page 16: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

3

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang kawalan ng motibasyon at determinasyon ng mga estudyante sa

kanilang napiling kurso sa kolehiyo ay matagal na at kasalukuyang nangyayari

ngayon sa ating lipunan na nagreresulta ng pagpalipat-lipat ng mga mag-aaral

ng kurso. Ang lugar kung saan ginawa ang pag-aaral na ito ay sa Pamantasang

Centro Escolar sangay sa Makati.

Ang Pamantasang Centro Escolar ay itinayo noong ika-3 araw ng buwan

ng Hunyo taong 1907. Ang komunidad ng Pamantasang Centro Escolar ay

nasaksihan ang kapanganakan ng isang kampus noong Hunyo 2005 na

matatagpuan sa Central Business District ng National Capital Region sa 259-263

Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City. Magkasunod, pagkatapos ng dalawang taon

ng pagpapatakbo, ang CEU ay bumuo pa ng isang yunit, na binuksan noong

Hunyo 2007 sa 103 Esteban, sa sulok ng kalyeng Dela Rosa, Legaspi Village,

Makati City. Ang dalawang yunit ay itinatag upang matugunan ang lumalaking

pangangailangan para sa mas mataas na edukasyon mula sa Metro Manila at

iba pang mga prospektibo na mga aplikante mula sa timog. Ang kampus sa

Makati ay tugon ng CEU sa pagtaas ng pangangailangan sa mga propesyonal sa

kalusugan at di-agham na kurso, kung saan ang pamantasan ay kilala sa

panahon ng 100 taong pag-iral.

Sa Pamantasang Centro Escolar Makati ginanap ang pananaliksik upang

matugunan ang layunin ng mga mananaliksik na makapagbigay tulong sa mga

Page 17: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

4

kasalukuyang estudyante sa nasabing pamantasan sa paraan ng pagbibigay ng

dagdag kaalaman kung ano ang magiging resulta ng pananaliksik.

Teoretikal na Balangkas

Ayon sa self-determination theory, mayroong tatlong pangunahing mga

sikolohikal na pangangailangan na mahalaga para sa pagkakaroon ng mainam

na motibasyon at kaayusan. Ang mga sikolohikal na pangangailangan ay ang

pangangailangan ng lakas ng loob, pakiki-isa, at pagsasarili. Ang pagkabigong

matugunan ang mga pangangailangan na ito ay maaaring humantong sa

pagbaba ng motibasyon sa sarili at maaaring makadanas ng sobrang kahirapan

at pagka-inip.

Ayon kay J.E. Ormrod, ang motibasyon ay mayroong ilang epekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral, dahil ang motibasyon ang nagiging daan tungo sa

pagkakaroon ng pangarap, tungo sa pagkakaroon ng karagdagang diskarte at

enerhiya, ang motibasyon ay nakadaragdag ng resistensya para sa mga gawain,

nakakaapekto ito sa proseso ng pagbibigay malay. Ang motibasyon ay

nakapagsusuri kung ang kalalabasan ay makatutulong o makapagpapasakit at

ang motibasyon ay malimit na nakapagpapahusay ng pagganap.

Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng input-

process-output na modelo. Inilahad ng input na kuwadro ang naging dahilan para

Page 18: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

5

sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Ang kuwadro ng proseso ay tumutukoy sa

mga hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang

interbyu at dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang awtput o

kinalabasan na kuwadro ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na

datos at ang salik ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling

kurso ng mga mag-aaral.

Larawan bilang 1

PROSESO SA PAGSASAGAWA NG PAG-AARAL

Kawalan ng

motibasyon

at

determinas

yon sa

piniling

kurso

Pagpapalit-

palit ng

kurso ng

mga mag-

aaral

Pagbabasa ng

mga kaugnay

na literatura

Paggawa ng

listahan ng mga

katanungan o

kwestyuneyr

Pagsagawa ng

isang sarbey o

pag-iinterbyu

Dokumentasyon

ng mga nakalap

na datos

Pagsusuri

Salik sa

Pagkakaroon ng

Motibasyon at

Determinasyon

sa piniling kurso

ng mga mag-

aaral

INPUT PROSESO KINALABASAN

Page 19: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

6

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay minimithing malaman ang salik sa pagkakaroon

ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral ng

Pamantasang Centro Escolar.

Lalung-lalo na, ang pag-aaral na ito ay inaalam ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:

1.1 Edad;

1.2 Kasarian;

1.3 Kurso; at

1.4 Taon sa Kolehiyo?

2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling kurso sa kolehiyo ayon sa mga sumusunod:

2.1 Pamilya; at

2.2 Relasyon sa kapwa?

3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

kinabukasan ng mga mag-aaral:

3.1 Positibo; at

3.2 Negatibo?

Page 20: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

7

Hipotesis

Ang mga hipotesis o ang mga pahayag na hindi pinatunayan sa

pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

Na ang mga mag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar ay walang tiyak

na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang

napiling kurso sa kolehiyo.

Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral

ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay walang tiyak na

maidudulot sa kanilang kinabukasan.

Palagay

Ang palagay o ang mga pahayag na pinatunayan, sinuri at sinubukan sa

pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

Na ang mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar ay may tiyak

na relasyon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral

sa kanilang napiling kurso sa kolehiyo.

Na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa na-

piling kurso ay mayroong magiging tiyak na epekto sa mga mag-aaral ng

Pamantasang Centro Escolar.

Na ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-

aaral ng Pamantasang Centro Escolar sa kanilang napiling kurso ay mayroong

tiyak na maidudulot para sa kanilang hinaharap.

Page 21: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

8

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay makapagbibigay benepisyo sa

mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral, makatutulong ang pag-aaral na ito dahil

makapagbibigay ito ng dagdag kaalaman para sa mga mag-aaral tungkol sa salik

ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso na

makatutulong sa kanilang sarili sa mismong pagkakaroon ng motibasyon at

determinasyon sa kanilang napiling kurso upang mas magkaroon ng tyaga, lakas

ng loob at enerhiya upang tapusin ang kasalukuyang kurso.

Para sa mga guro, makapagbibigay-liwanag ang pag-aaral na ito para

magkaroon ng ideya at lalong mas maintindihan ng mga guro o propesor ang

mga kabataan ngayon lalo na ang kanilang mga mag-aaral at tiyak na kanilang

malaman kung ano ang hakbang na dapat gawin upang matugunan ang mga

sikolohikal na pangangailangan ng estudyante.

Para sa mga magulang na kasalukuyang nagpapaaral ng kanilang mga

anak sa kolehiyo, makapagbibigay kaalaman ito sa kanila upang mas

maintindihan ang kanilang mga anak at malaman nila kung ano ang

karapatdapat na gawin upang matugunan ang mga sikolohikal na

pangangailangan ng anak pagdating sa kanilang pag-aaral, upang mas

magkaroon sila ng motibasyon at determinasyon na makatapos ng pag-aaral.

Page 22: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

9

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tinukoy lamang ang salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga kasalukuyang mag-aaral

sa kolehiyo na maaaring magmula sa mga nasa una hanggang ika-apat na taon

ng kurso sa Pamantasang Centro Escolar-Makati, dahil ngayon maraming mga

kolehiyo ang nagkukulang sa motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling

kurso kaya’t napagsang-ayunan ng mga mananaliksik na ipakita ang salik sa

pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kanilang napiling kurso upang

makatulong sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pag-aaral.

Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral na nagmula sa una,

ikalawa, ikatlo, at ikaapat na antas o taon sa kolehiyo na may total na isandaan

(100).

Ang mga respondente ay mga mag-aaral na nanggaling sa Pamantasang

Centro Escolar – Makati.

Ang mga respondente ay kinuha sa pamamagitan ng random sampling,

dalawampu’t limang respondente ang nanggaling sa bawat antas o taon sa

kolehiyo upang mabuo ang total na isandaan (100).

Hindi isinali sa pag-aaral na ito ang iba pang mag-aaral na nagmula sa

ibang pamantasan o unibersidad. Hindi rin inaalam ng pananaliksik na ito ang

mga nagiging dahilan ng pagkawala o paghina ng motibasyon at determinasyon

ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Page 23: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

10

Depinisyon ng mga Katawagan

Para sa pag-aaral na ito upang mapabilis na maunawaan ang pagkayari o

ang gawang ito, ang mga termino sa ibaba ay binigyan ng maayos na kahulugan

na nagmula sa mga mananaliksik at iba-ibang websayt:

Determinasyon. Ito ay ang paninindigan, tatag o tibay ng iyong layunin o

hangarin sa buhay.

Interes. Ito ay tumutukoy sa kagustuhan o hilig ng isang tao.

Kolehiyo. Ito ay isang establisyimento o paaralan.

Kurso. Ito ay tumutukoy sa programa na nagsisilbing daan, tungo sa ating

minimithing kinabukasan.

Mag-aaral. Ito ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang

estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay.

(tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral)

Motibasyon. Ito ang isang kadahilanan o mga dahilan para ikilos o kumilos sa

isang partikular na paraan. (http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation)

Pamantasan. Ito ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon at

pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba’t-ibang

larangan. Naglalaan ang isang pamantasan ng edukasyon para sa hindi pa tapos

at nagtapos ng edukasyong tersera-klase. (http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamanta

san)

Propayl. Ito ay isang maikling deskripsyon na nagbibigay impormasyon tungkol

sa isang tao o bagay. (//i.word.com/dictionary/profile)

Page 24: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

11

Salik. Ito ay ang isa o mga elemento na nag-aambag sa isang partikular na

resulta o sitwasyon. (http://dictionary.reference.com/browse/factor)

Sikolohikal. Ito ay tumutukoy sa mental na kalagayan ng tao.

Page 25: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng

maraming impormasyon o mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa

paksa ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa piniling kurso ng mga

mag-aaral. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang una ay pinapaloob ang mga

kaugnay na literaturang lokal at dayuhan at ang ikalawa ay nilalaman ang mga

kaugnay na lokal at dayuhang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Mga Lokal na Literatura

Ayon kay Mary Joy M. Bautista, 2014 na pinamagatang “Pagpili ng Kurso

sa Kolehiyo”. (http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa-

kolehiyo.html), tinukoy na ang pag-aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng

bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit nga ba siya nasa paaralan …

Karaniwan ng naririnig sa mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman

na maibibigay sa atin at hindi ito makukuha ng sino man.

Sa artikulo ni Arnold Matencio Valledor, 2014 na pinamagatang “Pag-

aaral: Kanin na Dapat Isubo”. (http://www.catanduanestribune.com/article/3T28),

tinukoy na:

“Ang bawat isang mag-aaral habang nag-aaral ay lumilikha ng mahiwagang susi, ang mahiwagang

Page 26: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

13

susi na siyang magbubukas ng pintuan ng magandang buhay na hindi lamang nakalaan para sa sarili kundi sa pamilyang pinagmulan, sa kapwa, sa bayan…. “

Sa artikulo ni Jayaram V, 2012 na pinamagatang “Ang Kapangyarihan ng

Determinasyon”. (http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp),

isinaad na madami na ang sumuko habang ang ilan ay kaya pang labanan

hanggang sa katapusan. Maaari kang magkamali, ang mga ito ay madalas na

para sa matigas ang ulo o suwail, kung itutuloy nila ang kanilang mga layunin sa

pagbalewala sa kanilang pag aaral hindi kaagad makatatapos, kailangan lang ay

determinasyon. Kapansin-pansin ang determinadong tao bilang mga mahihigpit

na lider na tapusin ang kanilang kurso. Dapat tayong maging determinadong tao

dahil madami tayong pangarap sa buhay at gustong makamit. Lahat naman ay

gustong magtagumpay ang kailangan ay pasensya at mag-aral ng mabuti at

unahin ang mas kailangan. Madalas ang mga determinadong tao ay yoong

nagtatagumpay.

Sa blog ni Jesse Guevara, 2011 na pinamagatang “Anong Motibo Mo”

(http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html), sinaad na

mayroong limang hakbang sa motibasyon ito ay ang mga sumusunod: (1)

Atensyon o pagpansin, na sinasabing ang pag-ibig ay nagsisimula sa atensyon;

(2) Panahon, ganito din sa relasyon, kapag wala kang panahon dito, kusa itong

mapapanis at lilipas; (3) Masigasig, wika nga, “kapag may tiyaga, may nilaga”;

(4) Koneksyon, ang pangunahing sangkap o elemento ng kaligayahan,

kahalagahan, at tagumpay ay nakapaloob lamang sa kapangyarihan ng

Page 27: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

14

pagsasama-sama sa isa’t isa; at (5) Laruin, huwag laging seryoso sa lahat ng

bagay, nagpapatigas ito ng leeg.

Tinalakay naman sa blog ni Ralph Patrick Dy, 2011 na pinamagatang

“Determinasyon sa Pag-aaral”. (http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determi

nasyon-sa-pag-aaral/), tinutukoy na:

“Sa buhay, madaming problemang napagdadaanan. Minsan mahirap, minsan madali. Pero, kahit ano pa man iyon, dapat di tayo sumusuko at ipagpatuloy ang ginagawa upang malutas ang problema. Dapat may determinasyon sa loob natin ...”

Ayon sa artikulo ni Rocky Rivera, 2010 na pinamagatang “Ano ang

Matibay na Gawing Basehan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo”

(http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-baseh

an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/), naniniwala ang mananaliksik na hindi lahat

ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo

na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating

ekonomiya para sa ating mga mamamayan dito. Kaya’t ang magkaroon ng

pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi

dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal

na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede

mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinambili,

hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na

maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito

ang nais mong kurso.

Page 28: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

15

Mga Dayuhang Literatura

Ayon sa artikulo ni Laurisa White Reyes, 2014 na pinamagatang

“MOTIVATING THE LOW-ACHIEVING TEEN” (http://www.education.com/magaz

ine/article/Motivating_the_Low-Achieving/), sinabi na ang mga kabataan ay

kinakailangang malinaw na makita ang kanilang layunin at sila ay

nangangailangan ng suporta mula sa mga magulang at guro. Mayroong anim na

pamamaraan upang mabigyan ng motibo ang mga nagsisikap na estudyante sa

pagpapanatili ng pagganap, ito ay ang mga sumusunod: (1) Bigyan ng atensyon;

(2) Magkaroon ng komunikasyon; (3) Huwag magdahilan; (4) Kilalanin ang mga

nakakamit; (5) Ikagalak ang kagalingan; at (6) Huwag kailanman sumuko.

Sa blog ni Daniel Moore, 2013 (http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your-

drive-or-motivation-for-going-to-college/), sinasaad na ang rason kung bakit tayo

pumasok sa kolehiyo ay importante kahit anong edad pa tayo, pero kasing

halaga rin nito ang mga bagay na ating natutunan tungkol sa ating mga sarili

habang tinatapos natin ito. Magmuni-muni at isipin kung paano nagbago ang

sarili at motibasyon. Ang pag-iisip at pagbabago ng iyong determinasyon sa

bawat oras ay makatutulong upang makaabot ka hanggang dulo.

Sa blog ni Tim Tyrell-Smith, 2011 (http://money.usnews.com/money/blogs/

outside-voices-careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you),

binanggit na kung ang pagpili ng karera ay presyon para sayo. May mga opsyon

katulad ng: (1) Pumili ka ng landas na sa tingin mo ay tama sa pamamagitan ng

isang pinakamagaling na desisyon na nagawa mo at alam mong hindi

Page 29: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

16

makakapagbago ng isip mo sa hinaharap. Ang pagpili ng karera ay kailangan

mong mahalin at gustuhin kase ito ang magiging kasangga mo sa buhay.

Pansinin na habang dumadaan ang araw may nagbabago: (1) Pangangailangan

sa pera; (2) Kalayaan; at (3) Pagbalanse sa buhay. Pag-isipan ang mga ideya na

ito at gawing paraan sa pagpili ng isang karera na pinakamahusay.

Ayon kay Steve Mueller, 2010 (http://www.planetofsuccess.com/blog/2010

/how-to-get-motivated-to-study/), inilathala na ang mga mag-aaral na may

motibasyon o determinado sa pag-aaral ay mas magiging madali na tapusin ang

mga gawain na naka-atas sa kanila. Sinabi rin na mas magiging pokus ang mga

mag-aaral at magkakaroon ng konsentrasyon kung magiging determinado. Dahil

ang pagkakaroon ng paraan upang maging determinado sa pag-aaral ay lubos

na makatutulong kung nakararamdam ng prokrastinasyon sa panahon ng iyong

pag-aaral.

Ayon sa artikulo ni Propesor Joe Martin, Ed.D, 2009 na pinamagatang

“Getting & Staying Motivated” (http://www.rwuniversity.com/?p=96), mayroon

lamang isang klase ng motibasyon at ito ay ang sariling motibasyon. Maaaring

ang ating kapwa ay makatulong upang tayo ay mawili sa ating paggawa, pero

ang totoo ay tayo ay kumikilos para sa ating pangsariling rason at hindi dahil sa

rason ng ating kapwa.

Sa artikulo ni Ethan Beh, 2009 (http://EzineArticles.com/?expert=Ethan_B

eh), isinaad ang limang pinaka epektibong pamamaraan upang mapataas ang

motibasyon sa pag-aaral ng kahit sinong mga mag-aaral. Ito ay ang mga

Page 30: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

17

sumusunod: (1) Gumawa ng talaan at mag-aral sa tamang oras; (2) Magsimula

sa tulong ng limang minutong hamon, kung sakaling mawalan ka talaga ng gana

na mag-aral, planuhin na mag-aral lamang sa loob ng limang minuto at planuhing

huminto pagkatapos nito; (3) Simulan sa masayang bahagi, ang mga parte na

masasabi mong interesante ay makatutulong upang makapagsimula sa pag-

aaral; (4) Tanggalin ang mga distraksyon sa iyong paligid, kapag malapit ka sa

telebisyon, cellphone, kama, mga magazine maaaring ikaw ay matukso na

isantabi muna ang mga aklat, ngunit maaari itong maiwasan kung kinakailangan

mo pang maglakad ng malayo sa iyong tahanan upang makapanood ng

telebisyon; at (5) Magkaroon ng layunin, sa tulong nito mas magiging

determinado tayo upang lampasan ang mga hamon at gawin ang ating buong

makakaya upang magtagumpay o makamit ang ating layunin.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Mga Lokal na Pag-aaral

Sa pananaliksik nina Andranda at Fernando, 2014 na isinagawa sa

Pamantasang Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “EFFECTS OF

POSITIVE REINFORCEMENT METHODS ON TEST PERFORMANCE OF

COLLEGE STUDENTS”, natuklasan na ang mga papuri bilang positibong

karagdagan ay epektibo sa pagpapanatili ng lebel ng pagganap. Ngunit hindi ito

epektibo sa pagpapataas ng lebel ng pagganap.

Page 31: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

18

Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil: (1) Ang

positibong karagdagan ay makatutulong rin sa pagkakaroon ng motibasyon at

determinasyon ng mga kolehiyong mag-aaral sa kanilang kurso; (2) ang pag-

aaral ay isinagawa rin sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga

respondente ng pananaliksik ay nagmula sa mga nasa unang taon ng pag-aaral

sa kursong sikolohiya.

Naiiba naman ang pananaliksik nina Andranda at Fernando sa pag-aaral

na ito sapagkat: (1) Ang tesis na ito ay mas nakatuon sa salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi

lamang sa pagpapataas ng akademikong pagganap; (2) ang respondente sa

tesis na ito ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kahit anong kurso at taon ng

pag-aaral sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati; at (3) ang mga datos sa

tesis na ito ay nakalap sa pagsasarbey o pamamahagi ng mga katanungan na

may kinalaman sa paksa at hindi sa pagsasagawa ng mga katanungan kung

saan susukatin ang intelektwal na abilidad ng mga mag-aaral.

Ayon sa pananaliksik ni Lorenzo, 2012 na isinagawa sa University of

Perpetual Help System Dalta at pinamagatang “CHOOSING A RIGHT COURSE”

natuklasang ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay mayroong mga pangunahing

pagsasaalang-alang. Una, ang Interes. Ito ang pinaka batayan sa pagsasaalang-

alang sa pagpili ng pangunahing kolehiyo o kurso, at siyempre kung ano ang

gusto, dahil kaakibat dito ay ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagaaral.

Pangalawa, ang iyong kakayahan, sa pagpili ng isang kurso ang pangunahing

Page 32: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

19

kailanganin ay ang pagiging pursigido at pagtatasa ng iyong mga kakayahan at

mga talento.

Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag aaral dahil: (1)

Kaakibat dito ang determinasyon sa pagpili ng iyong kurso; at (2) isinagawa ang

pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey o interbyu.

Naiiba naman ang pag-aaral ni Lorenzo sa pananaliksik na ito sapagkat:

(1) Ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Perpetual Help System Dalta; at

(2) ang mga respondante ng pananaliksik na ito ay nagmula sa iba’t ibang kurso

sa Pamantasang Centro Escolar sa Makati.

Ayon naman sa pananaliksik nina Ceniza, et.al, 2012 na isinagawa sa

Pamantasang Centro Escolar at pinamagatang “COMPARISON OF

MOTIVATIONAL STATUS, ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE

OF 2ND YEAR AND 4TH YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM

STUDENTS OF CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”, natuklasang may

impluwensiya ang pagkakaroon ng motibasyon, enerhiya, panloob at panlabas

na pagpapalagay ng abilidad, pagsisikap, swerte at hamon sa bawat isa ay

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral dahil ang

paksa ng parehong tesis ay parehong may koneksiyon sa motibasyon ng mga

mag-aaral.

Naiiba naman ang pananaliksik ni Ceniza, et.al, sa pag-aaral na ito

sapagkat: (1) ang lugar ng pinagsaliksikan ay sa kabilang sangay ng

Page 33: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

20

Pamantasang Centro Escolar sa Makati lamang, sa CEU Legazpi Village; at (2)

Ang pagpili ng respondente sa pananaliksik ni Ceniza, et.al ay sa isang kurso

lamang nakapokus.

Sa pananaliksik nina Cruz, et.al, 2011 na isinagawa sa Pamantasang

Centro Escolar at pinamagatang “The Relationship Among Academic Self-

efficacy, Academic Procrastination, and Academic Performance”, natuklasan na

ang mga respondenteng kasalukuyang dumadaan sa pagdadalaga at

pagbibinata ay nasa proseso pa ng paghuhulma ng determinasyon sa sarili.

Lumabas sa pag-aaral na ang pangangailangan sa determinasyon sa sarili ng

mga estudyante ay dapat makamit upang malaman ang kanilang academic self-

efficacy, mabawasan ang prokrastinasyon, at upang paghusayin ang kanilang

akademikong pagganap.

Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pag-aaral nina Cruz, et.al, dahil:

(1) Ito ay patungkol sa relasyon ng determinasyon sa pag-aaral at ang

akademikong pagganap ng estudyante; (2) Ang pag-aaral ay isinagawa din sa

Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (3) Ang mga respondente ay nagmula

rin sa nasabing pamantasan; at (4) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos sa

pamamagitan ng sarbey.

Naiiba naman ang pag-aaral nina Cruz, et.al. sa tesis na ito sapagkat: (1)

nakapokus ang pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga estudyante,

samantalang ang tesis na ito ay tungkol sa salik ng pagkakaroon ng motibasyon

Page 34: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

21

at determinasyon sa pag-aaral; at (2) hindi correlational approach ang ginamit sa

tesis na ito.

Sa pananaliksik nina Brecia, et.al, 2009 na isinagawa sa University of the

East at pinamagatang “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito”

natuklasang ang pagiging in-demand ng mga propesyon ay maaaring isa sa mga

batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Makatutulong ang mga career

talks sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante tungkol sa

kursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi

ang kursong ito.

Natutulad ang pananaliksik nina Brecia et.al, sa tesis na ito dahil pareho

itong mayroong kaugnayan tungkol sa nakukursunadahang kurso ng mga mag-

aaral.

Naiiba naman ang pananaliksik ni Brecia et.al, sa tesis na ito dahil: (1)

Ang tesis na ito ay isinagawa sa Pamantasang Centro Escolar at hindi sa

University of the East; (2) Ang respondente ay nagmula sa mismong lugar kung

saan ginawa ang tesis na ito; at (3) Isinagawa ang pagkalap ng mga datos ng

tesis na ito sa pamamagitan ng survey sheet o kwestyuneyr.

Sa pananaliksik nina Aguas, et.al, 2009 na isinagawa sa Pamantasang

Centro Escolar sa Makati at pinamagatang “Self-concept as Correlates of Study

Habits and Attitudes Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat

Students” natuklasang ang relasyon ng sarili sa pamamahala ng sariling

pamamaraan sa pag-aaral. Ang lebel ng self-concept sa mga estudyante ng

Page 35: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

22

CEU na mga 4th year ay karamihan mababa. Ang sariling pamamaraan ng pag-

aaral ng mga estudyante sa CEU ay nakabase sa mga salik na tinalakay sa

kanilang pananaliksik.

Natutulad ang tesis na ito sa isinagawang pananaliksik dahil: (1) Inalam

sa pananaliksik ang mga kaugnay na pag-uugali para magkaroon ng disiplina sa

pag-aaral na patungo sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-

aaral; at (2) Parehong isinagawa ang pag-aaral sa CEU Makati.

Naiiba naman ang tesis na ito sa pananaliksik ni Aguas, et.al, dahil: (1)

ang paksang tinutukoy sa pananaliksik ay hindi mismo ang motibasyon at

determinasyon sa pag-aaral bagkos ang tinalakay at sinubukan ay ang sarili na

makapagdisiplina upang magkaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-

aaral; at (2) isang test ang isinagawa ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos

sa pananaliksik ni Aguas, et.al.

Mga Dayuhang Pag-aaral

Sa pananaliksik ni Virbickaite, 2013 na isinagawa sa University of Iceland

at pinamagatang “IMPORTANCE OF MOTIVATIONAL FACTORS AMONG

STUDENTS AT THE UNIVERSITY OF ICLELAND”.

(http://skemman.is/en/item/view/1946/13678), natuklasang ang motibasyon sa

trabaho ay isang napakalakas na nakapanghihikayat sa mga empleyado upang

taasan ang kanilang pagganap sa trabaho. Kung mas marami ang mga tagapag-

empleyo na nakakaalam kung ano ang mga salik para magkaroon ng

Page 36: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

23

motibasyon ang kanilang mga empleyado ay maaari pang mas higit silang

tangkilikin at tumaas ang pagganyak ng mga empleyado at mas mahusay ang

mga kakalabasan.

Natutulad ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral dahil

kaugnay dito ang mga paksa sa pagaaral na patungkol sa salik ng motibasyon.

Naiiba naman ang pananaliksik ni Virbickaite sa isinagawang pag-aaral

dahil: (1) ang pag-aaral ay isinagawa sa University of Iceland; (2) ang mga

respondente ay nagmula rin sa nasabing pamantasan; at (3) isinagawa ang

pagkalap ng mga datos sa pamamagitan ng online sarbey.

Sa pag-aaral ni Gemeren, 2013 na isinagawa sa Bates College sa

Lewiston at pinamagatang “Motivation as the Foundation for Academic Success:

The Study of Intrinsic Motivation in Montessori, Waldorf, and Reggio Emilia

Classrooms”. (http://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-

2013/), natuklasang ang mga ekstrinsik na bagay ay hindi epektibo sa mga

estudyante na nakukuntento na sa kanilang pag-aaral. Natuklasan rin na kung

ang kapaligiran sa silid-aralan ay nagtataglay ng kakayahan upang natural na

mapataas ang motibasyong intrinsik ng mga mag-aaral, at ang mga estudyante

ay mas kakikitaan ng otonomya at kakayahan.

Natutulad ang pag-aaral na ito sa isinagawang tesis dahil: (1) tinalakay rin

dito ang ilang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga

mag-aaral upang makapagtagumpay sa pag-aaral; at (2) ang mga datos ay

nakalap rin sa paraang pagsasarbey.

Page 37: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

24

Naiiba naman ang pag-aaral ni Gemeren sa tesis na ito sapagkat: (1) sa

tesis na ito ay mas nakatuon sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon

sa napiling kurso ng mga mag-aaral at hindi lamang sa pagpapataas ng

akademikong pagganap; (2) ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Pamantasang

Centro Escolar sa Makati; at (3) ang respondente ay nagmula sa mga

estudyante at hindi sa mga guro.

Sa pananaliksik nina Olamide at Olawaiye, 2013 na isinagawa sa limang

sekundaryang paaralan sa stado ng Ogun at pinamagatang “The Factors

Determining the Choice of Career Among Secondary School Students”.

(http://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0262033044.pdf), natuklasan na

ang lahat ng napiling mga sekundaryang paaralan sa lugar ng lokal na

pamahalaan ng Ikenne ay nagkukulang sa serbisyo ng isang konsehal sa karera

na nagbunga sa mga estudyante na maisang-tabi sa kanilang napiling karera at

ang kanilang mga magulang ay naglalayon ng prehistilyosong karera para sa

kanilang anak.

Natutulad ang tesis na ito sa nasabing pananaliksik ni Olamide at

Olawaiye dahil: (1) isinasaad din nito ang salik sa motibasyon ng mga magaaral

sa kanilang napiling kurso; (2) ang respondente ay nagmula rin sa mga

estudyante; at (3) nakalap rin ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa

ng isang sarbey.

Naiiba naman ang pananaliksik ni Olamide at Olawaiye sa tesis na ito dahil: (1)

ang tesis na ito ay isinagawa lamang sa isang unibersidad at ito ay sa

Page 38: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

25

Pamantasang Centro Escolar sa Makati; (2) ang mga respondente sa nasabing

pananaliksik ay nanggaling lamang sa iisang departamento; at (3) ang

isinagawang pagsasarbey sa tesis na ito ay hindi direkta o sa pamamagitan ng

pamamahagi ng kwestyuneyr.

Sa pananaliksik ni Kasurkar, 2012, na isinagawa sa Unibersidad ng

Utrecth at pinamagatang “Motivation in Medical Students”.

(http://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627), natuklasang ang motibasyon ay

isang independenteng baryabol sa edukasyong medikal at ang intrinsik na

motibasyon ay importanteng kasangga ang stratehiya sa malalimang pag-aaral,

mataas na pagsisikap sa pag-aaral at mahusay na akademikong pagganap. Ang

motibasyon din ay isang dependenteng baryabol sa edukasyong medikal at

makabuluhang apektado ng edad, kapanahunan, kasarian, karanasang pang-

edukasyon, intrinsik na motibasyon na pinahuhusay sa pamamagitan ng

pagbibigay sa mga mag-aaral ng otonomya, katugunan tungkol sa kakayahan at

emosyonal na suporta.

Natutulad ang pananaliksik na ito sa isinagawang pag-aaral ni Kasurkar

dahil ang paksang tinutukoy ay magkatulad din sa paksang pinag-aaralan.

Naiiba naman ang pag-aaral ni Kasurkar sa tesis na ito sapagkat: (1)

ang lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Unibersidad ng Utrecth; (2)

ang pagpili ng mga respondente ay nakapokus lamang sa iisang kurso; at (3)

ang mga mananaliksik ng tesis na ito ay namahagi ng kwestyuneyr para sa

pagkalap ng mga datos.

Page 39: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

26

Sa pag-aaral ni Brianna Johnson, 2012 na isinagawa sa Southern

Illinois University Carbondale at pinamagatang “Motivation and Attitudes Toward

Learning French in the University's Foreign Language Classroom”.

(http://opensiuc.lib.siu.edu/theses/867/), natuklasang ang integratibong

motibasyong pagkikilos ay nilipat bilang positibo sa kabuuan ng semestre, kung

saan ang instrumental na motibasyon na pagkikilos ay nanatiling pare-pareho.

Ang kaibahan sa integratibong motibasyon ay dahil sa kultura na dinala sa silid-

aralan mula sa guro at mga materyal na babasahin.

Natutulad ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito dahil: (1)

ipinararating din nito na ang motibasyon ay ang susi sa pagtatagumpay sa

buhay; at (2) ang mga awtor sa tesis na ito ay nangalap ng mga datos sa

pamamagitan ng pagsasagawa ng mga katanungan.

Naiiba naman ang pag-aaral ni Johnson sa tesis na ito sapagkat: (1) ang

pag-aaral ni Johnson ay nakatutok lamang sa motibasyon at determinasyon sa

pag-aaral ng iba’t ibang lenggwahe; at (2) ang tesis na ito ay isinagawa sa

Pamantasang Centro Escolar.

Sa pananaliksik ni Lei Zhao, 2012 na isinagawa sa Unibersidad ng

Yunnan, Tsina at pinamagatang “Investigation into Motivation Types and

Influences on Motivation: The Case of Chinese Non-English Majors”.

(http://www.ccsenet.org/journal/index.php/elt/article/viewFile/15271/10335),

lumabas na sa perspektibo ng mga estudyante, ang pagtatakda ng mga layunin

at pag-asa ang mga pinakamalalaking salik ng pagpapanatili ng kanilang

Page 40: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

27

motibasyon. Karamihan sa mga estudyante ay gumawa ng mga layunin para sa

pagkatuto nila sa lenggwaheng Ingles at marami rin ang umaasa ng

pagtatagumpay dito.

Ang tesis na ito ay natutulad sa pag-aaral ni Zhao dahil ito’y tungkol sa

determinasyon ng mga estudyante upang matuto sa kanilang pag-aaral. Pinag-

aralan rin dito kung ano ang mga salik ng pagpapanatili ng kanilang motibasyon

sa pag-aaral.

Samantala, naiiba naman ang tesis sa isinagawang pag-aaral ni Zhao

dahil: (1) ang lugar na kung saan isinagawa ang pag-aaral ay sa Tsina

samantalang ang tesis ay sa Pilipinas; (2) ang mga respondente sa tesis na ito

ay nagmula sa mga estudyante at hindi kasama ang mga guro; at (3) ginamitan

ito ng kuwestyunaryo sa pagkalap ng mga impormasyon.

Page 41: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Kabanata 3

MGA PAMAMARAAN

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit ng mga

mananaliksik sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondente.

Nakasaad dito ang paraan ng pananaliksik, ang mga paksa at dahilan kung bakit

nahikayat ang mga mananaliksik sa pagpili ng pag-aaral na ito, teknik,

instrumento, paraan ng pagsasagawa ng pag-aaral at paraan ng pagbibigay-

halaga sa mga datos na ginamit upang mas maunawaan pa ang pananaliksik na

ito.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamamaraang palarawan. Ito ay

nangangailangan ng partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa Pamantasang

Centro Escolar sa Makati. Kinailangang pamamaraang palarawan ang gamitin

upang maipakita ang isang tumpak na larawan ng kasalukuyang kalagayan

tungkol sa suliranin ng pag-aaral na ito. Ang paraang ito ang pinakaepektibong

gamitin upang magkaroon ng kabuluhan ang pag-aaral na patungkol sa salik sa

pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-

aaral na nasa iba’t ibang kurso ng nasabing pamantasan.

Page 42: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

29

Paksa

Kadalasan sa mga estudyante ngayon ay hirap at tinatamad pag-igihin

ang kanilang pag-aaral, lalo na ang mga nasa kolehiyo, dahil sa may ibang mga

bagay ang pumupukaw sa kanilang atensyon na paminsan ay nagreresulta sa

paghinto sa pag-aaral. Bagamat may mga ganitong pagkakataon, may mga

estudyante pa rin namang pawang walang kapagod pagod sa dami ng

pinapagawa ng kanilang unibersidad. Gaya na lamang ng ilan sa mga

estudyante ng Pamantasang Centro Escolar, kahit na marami ang

pangangailangan ng kanilang mga kurso ay patuloy pa rin ang paghusay nila sa

akademiks. Kaya naman naisipan ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan

ang mga salik na nagbibigay ng motibasyon at determinasyon sa mga

estudyante upang tapusin ang kanilang piniling kurso. Inaasahang makatutulong

ang mga datos na nakalap upang makapagbigay tulong sa iba pang mga

estudyanteng may problema ukol dito.

Teknik

Ang teknik na napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang paraang

sarbey sa pagkalap ng mga datos mula sa isandaang respondente sa

Pamatasang Centro Escolar sa Makati. Ito ay isang paraan ng pananaliksik kung

saan mangangalap ng mga datos ang mga mananaliksik upang mabigyan ng

kasagutan ang suliranin ng pag-aaral na ito. Ito ay nakatulong sapagkat ito ang

pinakamabisang paraan sa pangangalap ng mga datos at pagpapasagot sa

Page 43: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

30

isandaang (100) respondente sa mga katanungang kaugnay ng pananaliksik na

ito.

Instrumento

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay talatanungan. Ang

talatanungan ay isang materyal na mayroong grupo ng mga katanungang

ipasasagot sa mga respondente upang makuha ang mga saloobin at opinyon

nila ukol sa isang partikular na isyu. Dito nagkakaroon ng direktang ugnayan ang

mga mananaliksik na magtanong sa kanilang mga respondente. Bagamat

mayroon ng talatanungan, dapat pa ring ikonsidera ang mga mahahalagang

detalye sa pagtatanong gaya na lamang ng profayl ng mga respondente. Ang

ganitong impormasyon sa pagtatanong ay mahalaga dahil ito ang tutukoy kung

gaano kataas ang bahagdan ng mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon.

Paraan ng Pagsasagawa ng Pag-aaral

Nakapaloob dito ang mga tiyak na hakbang na isinagawa ng mga

mananaliksik mula sa pagbabasa ng mga kaugnay na literatura tungkol sa

paksa, pagsasagawa ng isang sarbey hanggang sa pagbuo ng konklusyon mula

dito. Sa pamamagitan ng masususing mga hakbang na ito, naging malinaw at

mayroong sistema ang isinagawang sarbey at ang pagkalap ng mga datos mula

sa mga respondente.

Page 44: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

31

1. Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura

Tumutukoy ang hakbang na ito sa mas paghahanda ng mga

mananaliksik, pagsasagawa ng mga plano at upang magkaroon ng karagdagang

impormasyon tungkol sa paksa.

2. Pagsasagawa ng mga Katanungan at Sarbey

Matapos ang mas malalimang pag-unawa ng mga mananaliksik sa paksa

ng pag-aaral na ito, sumunod ang pagsasagawa ng mga katanungan na

pinapaloob ang ilang posibleng kasagutan na nakaayos upang magsilbing

tseklist at pagkapinalisa ng isinagawang kwestyuneyr ay kasunod naman ang

pagpapadami nito.

3. Pagpapasagot ng Sarbey o Kwestyuneyr

Tumutukoy ang hakbang na ito sa pagkuha ng malawak na impormasyon

mula sa mga respondente patungkol sa mga salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa

Pamantasang Centro Escolar sa Makati. Ang mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik ay siniguradong ito ay malinaw at sapat para sa bawat katanungan

na may kalakip na kasagutan.

4. Dokumentasyon ng mga Nakalap na Datos

Matapos ang pagpapasagot sa isandaang (100) respondente ng mga

kwestyuneyr, pinagbukod-bukod ng mga mananaliksik ang mga ito ayon sa

pagkakaugnay-ugnay at pagkakaiba-iba ng mga datos.

Page 45: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

32

5. Pagsusuri at Pagbuo ng Konklusyon mula sa Sarbey

Sa pagsusuri at pagbuo ng konklusyon mula sa sarbey, nakapaloob dito

ang mga pinagsama-samang ideya at mga kasagutan o opinyon sa mga

talatanungan na patungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at

determinasyon sa napiling kurso ng mga mag-aaral sa Pamantasang Centro

Escolar.

Paraan ng Pagbibigay-Halaga sa mga Datos

Ang mga datos ay mahalaga para maging batayan ng pananaliksik. Ito

ang maglalahad ng mga patunay sa suliraning binubuo mula sa paksa.

Importanteng malaman ang tiyak na porsyento ng mga respondenteng pumili sa

mga nalikom na sagot sa isinagawang sarbey. Kaya naman, ang pormulang ito

ay napiling gamitin ng mga mananaliksik para sa maayos at malinaw na

komputasyon.

P = F / n x 100

Kung saan:

F- Frequency

n- kabuuang bilang ng respondente

Ito ay para matukoy ang porsyento. Ang unang hakbang ay i-divide ang

frequency sa kabuuang bilang ng respondente at i-multiply ang sagot sa

isandaan (100).

Page 46: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Kabanata 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Sa isinagawang sarbey, nakalikom ang mga mananaliksik ng mga

kasagutan na kinailangan sa pag-aaral ng salik sa pagkakaroon ng motibasyon

at determinasyon sa piniling kurso ng mga mag-aaral. Ang mga sumusunod na

talahanayan at mga grap ay nagpapakita ng tally ng kabuuang kasagutan ng

mga respondente.

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:

1.1 Edad;

TALAHANAYAN BLG. 1

EDAD NG MGA RESPONDENTE

Edad Porsyento

21 taong gulang pataas 2%

19-20 taong gulang 28%

17-18 taong gulang 63%

16 taong gulang pababa 7%

Kabuuan 100%

Page 47: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Lumabas sa pananaliksik na dalawang porsyento (2%) ng respondente ay

mula sa mga may dalawampu’t isang taong gulang pataas na mga mag-

aaral,

Page 48: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

34

dalawampu't walong porsyento (28%) mula sa mga nasa labingsiyam hanggang

dalawampung taong gulang, animnapu’t tatlong porsyento (63%) naman ng

respondente ay nagmula sa mga nasa edad na labimpito hanggang

labingwalong taon, at pitong porsyento (7%) ay nagmula sa mga may labing-

anim na taong gulang pababa, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).

1.1 Kasarian;

TALAHANAYAN BLG. 2

KASARIAN NG MGA RESPONDENTE

Kasarian Porsyento

Babae 73%

Lalaki 27%

Kabuuan 100%

Lumalabas sa pananaliksik na pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng

respondente ay mga babae at dalawampu't pitong porsyento (27%) ng

respondente ay mga lalaki, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).

Page 49: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

35

1.2 Kurso; at

TALAHANAYAN BLG. 3

KURSO NG MGA RESPONDENTE

Kurso Porsyento

Bachelor of Science in Nursing 10%

Bachelor of Science in Medical Technology 11%

Bachelor of Science in Pharmacy 12%

Bachelor of Science in Psychology 5%

Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course) 5%

Bachelor of Science in Business Administration

Major in Management

13%

Bachelor of Science in Tourism Management 22%

Bachelor of Science in Computer Science 5%

Bachelor of Science in Information Technology 7%

Bachelor of Science in Hotel and Restaurant

Management

10%

Kabuuan 100%

Batay sa talahanayan, lumabas sa pananaliksik na sampung porsyento

(10%) ng respondente ay nagmula sa mga mag-aaral na nasa kursong Bachelor

of Science in Nursing, labing-isang porsyento (11%) naman ay mula sa kursong

Bachelor of Science in Medical Technology, labindalawang porsyento (12%) ay

Page 50: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

36

nagmula sa kursong Bachelor of Science in Pharmacy, limang porsyento (5%)

mula sa kursong Bachelor of Science in Psychology, limang porsyento (5%) mula

sa kursong Bachelor of Science in Arts (Pre-Dental Course), labingtatlong

porsyento (13%) mula sa kursong Bachelor of Science in Business

Administration Major in Management, dalawampu’t dalawang porsyento (22%)

mula sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management, limang porsyento

(5%) mula sa kursong Bachelor of Science in Computer Science, pitong

porsyento (7%) mula sa kursong Bachelor of Science in Information Technology,

at sampung porsyento (10%) ng respondente naman ay mula sa kursong

Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, na may kabuuang

isandaang porsyento (100%).

1.3 Taon sa Kolehiyo?

TALAHANAYAN BLG. 4

TAON SA KOLEHIYO NG MGA RESPONDENTE

Taon sa Kolehiyo Porsyento

Unang taon 25%

Ikalawang taon 25%

Ikatlong taon 25%

Ika-apat na taon 25%

Kabuuan 100%

Page 51: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

37

Batay sa talahanayan, dalawampu’t limang porsyento (25%) ng

respondente na sumagot sa sarbey ay mula sa mga mag-aaral na nasa unang

taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga nasa

ikalawang taon sa kolehiyo, dalawampu’t limang porsyento (25%) mula sa mga

nasa ikatlong taon sa kolehiyo, at dalawampu’t limang porsyento (25%) muli ay

nagmula naman sa mga nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, na mayroong

kabuuang isandaang porsyento (100%).

2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling kurso sa kolehiyo ayon sa pamilya at relasyon sa kapwa:

GRAP BLG. 1

SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA

NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA PAMILYA

32%

28%

30%

6% 4%

Presyur

Pagbibigay ng reward

Suporta

Pagmamatyag sa grado

Iba pang sagot

Page 52: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

38

Lumabas sa pananaliksik na tatlumpu’t dalawang porsyento (32%) ng

respondente ang nagsabi na ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at

determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang

presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng mga magulang. Samantalang

dalawampu’t walong porsyento (28%) naman ang nagsabing ang pagbibigay ng

pamilya ng reward sa bawat parangal na makakamit sa paaralan ang salik sa

pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso. Mayroon

namang tatlumpung porsyento (30%) ng respondente ang nagsabing ang salik

sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo

ay ang walang humpay na suporta ng pamilya sa napiling karera ng mga mag-

aaral, anim na porsyento (6%) naman ng respondente ang nagsabi na ang salik

sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ay ang

malimit na pagmamatyag ng mga magulang sa nakakamit na grado ng mga

mag-aaral at lumabas naman na apat na porsyento (4%) ng respondente ang

nagsabing mayroong iba pang sagot maliban sa mga posibleng kasagutang

ibinigay ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ipahayag ang kanilang

iba pang sagot.

Page 53: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

39

GRAP BLG. 2

SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA

NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL AYON SA RELASYON SA KAPWA

Lumabas sa pag-aaral na sampung porsyento (10%) ng respondente ang

nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling kurso ng mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay presyur dahil sa

nabubuong kompetisyon sa klase, apatnapung porsyento (40%) ang nagsabing

kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon

at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa, dalawampu’t siyam na porsyento

(29%) naman ng respondente ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon ay ang pag-iimpluwensya ng mga kaibigan na

magsipag sa pag-aaral, at dalawampu’t isang porsyento (21%) ng respondente

ang nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng

10%

40%

29%

21%

Presyur

Kasiyahan

Impluwensya

Pagkakaroon ngkatulong

Page 54: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

40

mga mag-aaral ayon sa relasyon sa kapwa ay ang pagkakaroon ng katulong sa

pag-intindi ng mga leksyon sa paaralan, na may kabuuang isandaang porsyento

(100%).

GRAP BLG. 3

PINAGMUMULAN NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON NG MGA MAG-

AARAL UPANG PUMASOK AT IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL

Lumabas sa pag-aaral na tatlumpu’t apat na porsyento (34%) ng

respondente and nagsabing ang Diyos ang pinagmumulan ng motibasyon at

determinasyon ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral,

apatnapu’t pitong porsyento (47%) naman ang nagsabing ang pamilya ang

pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, labing-isang porsyento (11%)

34%

47%

11%

3% 2%

2% 1%

Diyos

Pamilya

Kaibigan

Mga Idolo

Kasintahan

Sarili lamang

Baon o pera

Page 55: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

41

naman ang nagsabing ang mga kaibigan ang pinagmumulan ng motibasyon at

determinasyon, tatlong porsyento (3%) ang nagsabing ang mga idolo ang

pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, dalawang porsyento (2%)

naman ang nagsabing ang kasintahan ang pinagmumulan ng motibasyon at

determinasyon, dalawang porsyento (2%) ang nagsabing ang sarili lamang ang

pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon, at isang porsyento (1%) ng

respondente ang nagsabing ang pinagmumulan ng motibasyon at determinasyon

ng mga mag-aaral upang pumasok at ipagpatuloy ang pag-aaral ay ang baon o

pera, na may kabuuang isandaang porsyento (100%).

Page 56: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

42

3. Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

kinabukasan ng mga mag-aaral:

GRAP BLG. 4

POSITIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT

DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL

Ayon sa grap bilang apat, lumabas sa pananaliksik na apatnapu’t apat na

porsyento (44%) ng respondente ang nagsabing ang positibong epekto ng

pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay

ang pagkakaroon ng magandang buhay balangaraw, tatlumpu’t pitong porsyento

(37%) naman ang nagsabing maraming magbubukas na oportunidad para sa

sarili ang positibong epekto sa kinabukasan ng mga mag-aaral ng pakakaroon

ng motibasyon at determinasyon, labingwalong porsyento (18%) naman ng

respondente ang nagsabing ang positibong epekto ay makatatapos sa kolehiyo

44%

37%

18%

1%

Magandang buhaybalangaraw

Maraming magbubukasna oportunidad

Makatatapos ng nasatamang edad

Iba pang sagot

Page 57: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

43

ang mga mag-aaral na nasa tamang edad, at isang porsyento (1%) naman ang

nagsabing mayroong iba pang kasagutan bukod sa mga ibinigay na posibleng

kasagutan ng mga mananaliksik ngunit mas piniling huwag ng banggitin ito.

GRAP BLG. 5

NEGATIBONG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT

DETERMINASYON SA KINABUKASAN NG MGA MAG-AARAL

Lumabas sa pananaliksik na dalawampu’t pitong porsyento (27%) ng

respondente ang nagsabing ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay ang

pagiging makasarili at sarili na lamang ang iniisip, limampu’t anim (56%) naman

ang nagsabing mawawalan ng oras pagdating sa ibang bagay ang negatibong

epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng

27%

56%

16%

1%

Magiging makasarili

Mawawalan ng oras saibang bagay

Hihina ang kasanayansa pakikisalamuha

Iba pang sagot

Page 58: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

44

mga mag-aaral, labing-anim na porsyento (16%) naman ang nagsabing hihina

ang kasanayan sa pakikisalamuha ng mga mag-aaral sa ibang tao, at isang

porsyento (1%) ng respondente ang nagsabing mayroon pang ibang sagot ngunit

mas piniling huwag ng banggitin ito.

GRAP BLG. 6

IMPORTANSYA NG PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT

DETERMINASYON SA PAG-AARAL

Ipinakita sa grap na lumabas sa pananaliksik na limampu’t apat na

porsyento (54%) ng respondente ang nagsabing para sa sarili ang importansya

ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, apatnapu’t isang

porsyento (41%) ang nagsabing ang importansya ng pagkakaroon ng

54% 41%

4% 1%

Para sa sarili

Para sa pamilya

Para sa mga kaibigan

Iba pang sagot

Page 59: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

45

motibasyon at determinasyon ay para sa pamilya, apat na porsyento (4%)

naman ng respondente ang nagsabing para sa mga kaibigan ang importansya

ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa pag-aaral, at isang

porsyento (1%) naman ang pumili ng iba pang sagot ngunit mas piniling huwag

sambitin ito.

Page 60: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

Kabanata 5

BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Nakasaad sa huling kabanatang ito ang buod ng mga nakalap na

impormasyon mula sa sarbey na ginawa ng mga mananaliksik. Nakapaloob rin

dito ang mga konklusyon at rekomendasyon kaugnay sa mga natuklasang datos

mula sa mga respondente upang mas maging malinaw ang paglalahad ng

resulta ng pag-aaral na ito.

Mga Buod ng Natuklasan

Nilalaman nito ang mga buod at kabuuang natuklasan ukol sa mga

impormasyong nakalap mula sa mga respondente.

1. Propayl ng mga respondente

Karamihan sa naging respondente ay mga mag-aaral na may

labimpito hanggang labingwalong edad, mga kababaihan at may kursong

Bachelor of Science in Tourism Management.

2. Salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso

sa kolehiyo.

Lumabas sa pananaliksik na karamihan sa mga respondente ang

nagsabing ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur dahil sa

Page 61: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

mataas na ekspektasyon ng mga magulang at karamihan rin sa respondente

ay nagsabing

Page 62: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

47

ang kasiyahan sa mga nakatakdang gawain ang salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sa kapwa.

3. Epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa kinabukasan

ng mga mag-aaral

Lumabas sa pag-aaral na karamihan sa mga respondente ang

nagsabing ang positibong epekto ng pagkakaroon ng motibasyon at

determinasyon sa kinabukasan ng mag-aaral ay ang pagkakaroon ng

magandang buhay balangaraw, at ang negatibong epekto ng pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa kinabukasan ng mga mag-aaral ay mawawalan

ng oras pagdating sa ibang bagay.

Konklusyon

Matapos ang pagsama-sama at paghihimay ng mga nakalap na datos,

nakabuo at napatunayan ng mga mananaliksik ang mga nakuhang resulta para

sa pag-aaral na ito.

1. Na karamihan sa mga kababaihan na may edad na labimpito hanggang

la-

bingwalo at may kursong Bachelor of Science in Tourism Management ay

napepresyur at nagkakaroon ng kasiyahan sa mga nakatakdang gawain sa

paaralan.

2. Na karamihan sa mga mag-aaral ay nagkakaroon ng motibasyon at deter-

Page 63: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

48

minasyon mula sa pamilya dahil sa presyur na bunga ng mataas na

ekspektasyon ng magulang, at nagkakaroon rin ng motibasyon at determinasyon

ang mga mag-aaral mula sa relasyon sa kapwa dahil sa kasiyahan sa mga

nakatakdang gawain sa paaralan.

3. Na nakabubuti ang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga

mag-aaral dahil magbubunga ito ng magandang buhay balangaraw, ngunit

nakasasama rin ang sobrang pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

pag-aaral dahil mawawalan ng oras ang mga mag-aaral pagdating sa ibang

bagay.

Rekomendasyon

Nakapaloob dito ang mga minungkahi ng mga mananaliksik mula sa mga

nakalap na resulta upang makatulong sa mga estudyante na sakop ng pag-aaral

na ito at pati na rin sa iba pang nais magsaliksik ukol sa paksang ito.

1. Gamitin sa mga susunod na pag-aaral ang karamihan sa mga kalalakihan.

2. Huwag na masyadong magpaapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga

magulang ay ang nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang mabuting

pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patuloy din ang pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon sa pag-aaral.

3. Isaisip na ang lahat ng pagsisikap ay makabubuti para sa sariling

kinabuka-

Page 64: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

49

san at matutong mamahala ng sariling oras nang sa gayon ay magkaroon ng

balanseng oras sa mga bagay-bagay.

4. Magsagawa ng iba pang pag-aaral kaugnay ng paksa ng tesis na ito.

Page 65: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

49

TALASANGGUNIAN

A. Aklat

Andrada at Fernando. “EFFECTS OF POSITIVE REINFORCEMENT

METHODS ON TEST PERFORMANCE OF COLLEGE STUDENTS”.

Pamantasang Centro Escolar. 2014.

Lorenzo. “CHOOSING A RIGHT COURSE”. University of Perpetual

Help System Dalta. 2012.

Ceniza et.al. “COMPARISON OF MOTIVATIONAL STATUS,

ATTRIBUTION, AND ACADEMIC PERFORMANCE OF 2ND YEAR AND 4TH

YEAR REGULAR AND IRREGULAR BS TOURISM STUDENTS OF

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY”. Pamantasang Centro Escolar. 2012.

Cruz et.al. “The Relationship Among Academic Self-efficacy, Academic

Procrastination, and Academic Performance”. Pamantasang Centro Escolar.

2012.

Brecia et.al. “Limang Pangunahing Kurso sa Panahong Ito”. University

of the East. 2009.

Aguas et.al. “Self-concept as Correlates of Study Habits and Attitudes

Among Fourth Year Affluent CEU Makati Gil Puyat Students”. Pamantasang

Centro Escolar. 2009.

Page 66: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

50

B. Internet

tl.m.wikipedia.org/wiki/Mag-aaral

http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamantasan

//i.word.com/dictionary/profile

http://dictionary.reference.com/browse/factor

http://bluefilipino.blogspot.com/2013/05/pagpili-ng-kurso-sa-

kolehiyo.html

http://www.catanduanestribune.com/article/3T28

http://www.hinduwebsite.com/selfdevt/determination.asp

http://wagasmalaya.blogspot.com/2011/05/anong-motibo-mo.html

http://ralphdy.wordpress.com/2011/08/09/determinasyon-sa-pag-

aaral/

http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-

gawing-baseh an-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/

http://www.education.com/magaz ine/article/Motivating_the_Low-

Achieving/

http://blog.uwgb.edu/adults/what-is-your-drive-or-motivation-for-

going-to-college/

http://money.usnews.com/money/blogs/outside-voices-

careers/2010/12/06/how-to-choose-a-career-thats-best-for-you

Page 67: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

51

http://www.planetofsuccess.com/blog/2010 /how-to-get-motivated-

to-study/

http://www.rwuniversity.com/?p=96

http://EzineArticles.com/?expert=Ethan_Beh

http://skemman.is/en/item/view/1946/13678

http://www.bates.edu/psychology/thesis/thesis-abstracts/abstract-

2013/

http://www.theijes.com/papers/v2-i6/Part.2/E0262033044.pdf

http://dspace.library.uu.nl/handle/1874/234627

http://opensiuc.lib.siu.edu/theses/867/

http://www.ccsenet.org/journal/index.php/elt/article/viewFile/15271/

10335

Page 68: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

52

MGA INSTRUMENTONG GINAMIT

Marso 7, 2015

Mahal naming respondente,

Mapagpalang araw! Kami ay mananaliksik ng BSMT-1C na nag-aaral ukol

sa ”SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA

NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO

ESCOLAR” kaya naman kami ay humihingi ng kaunting oras at kooperasyon

mula sa inyo upang sagutan ang sarbey na ito. Ang inyong kasagutan ay lubos

na makatutulong upang maisagawa ang pag-aaral.

Gumagalang,

BSMT-1C

TALATANUNGAN

Pangalan (opsyonal): _________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng

napiling sagot.

I. Profayl

A. Edad

21 taong gulang pataas

19-20 taong gulang

17-18 taong gulang

16 taong gulang pababa

Page 69: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

53

B. Kasarian

Babae

Lalaki

C. Kurso

Bachelor of Science in Nursing

Bachelor of Science in Medical Technology

Bachelor of Science in Pharmacy

Bachelor of Science in Psychology

Associate in Arts (Pre-Dental Course)

Bachelor of Science in Business Administration Major in

Management

Bachelor of Science in Tourism Management

Bachelor of Science in Computer Science

Bachelor of Science in Information Technology

Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management

D. Taon sa Kolehiyo

Unang taon

Ikalawang taon

Ikatlong taon

Ika-apat na taon

Page 70: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

54

II. Mga katanungang may kaugnayan sa salik sa pagkakaroon ng

motibasyon at determinasyon para sa mga estudyante.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.

Lagyan ng tsek (/) ang iyong mga sagot. Kung mayroong karagdagang sagot,

ilagay ito sa nakalaang patlang.

1. Sino ang pinagmumulan ng iyong motibasyon at determinasyon upang

pumasok at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral araw-araw?

Diyos Mga Idolo

Pamilya Kasintahan

Kaibigan Iba pang sagot (banggitin):__________

2. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling

kurso sa kolehiyo na nagmumula sa iyong pamilya?

Presyur dahil sa mataas na ekspektasyon ng magulang

Pagbibigay ng pamilya ng reward sa bawat parangal na iyong

makakamit sa paaralan

Walang humpay na suporta sa iyong napiling karera

Malimit na pagmamatyag ng magulang sa iyong nakakamit na

grado

Page 71: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

55

Iba pang sagot (banggitin):____________________

3. Ano ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa

napiling

kurso sa kolehiyo ang nakukuha mo sa iyong relasyon sa kapwa?

Presyur dahil sa nabubuong kompetisyon sa bawatisa

Kasiyahan sa bawat gawaing nakatakda

Pag-iimpluwensya ng mga kaibigan upang magsipag

Pagkakaroon ng katulong sa pag-intindi sa mga leksyon sa

paaralan

Iba pang sagot (banggitin):____________________

4. Ano ang importansya o para saan ang pagkakaroon ng motibasyon sa

pag-aaral?

Para sa sariling kinabukasan

Para sa pamilya

Para sa mga kaibigan

Iba pang sagot (banggitin):____________________

5. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng determinasyon sa pag-aaral sa iyong

kinabukasan?

A. Positibo

Page 72: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

56

Mas magkakaroon ng magandang buhay balangaraw

Mas maraming magbubukas na oportunidad para sa sarili

Makatatapos sa kolehiyo na nasa tamang edad

Iba pang sagot (banggitin):____________________

B. Negatibo

Maaaring maging makasarili at sarili na lamang ang iniisip

Mawawalan ng pokus at oras pagdating sa ibang bagay

Hihina ang kasanayan sa pakikisalamuha sa ibang tao

Iba pang sagot (banggitin):____________________

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon upang maisagawa at maging

matagumpay ang pananaliksik na ito.

Nawa’y mas pagpalain kayo ng Poong Maykapal!

Page 73: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

57

MGA LARAWAN HABANG NAGSASALIKSIK

Page 74: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

58

Page 75: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

59

Page 76: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

60

Page 77: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

61

TALAMBUHAY NG MGA MANANALIKSIK

EANA JOYCE T. CASTILLO

1655-F D. BENITO ST. BRGY. KASILAWAN,

MAKATI CITY

Kapanganakan: Nobyembre 25, 1997 Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Makati Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 4’ 9 ft. Timbang: 110 Libra Nasyonalidad: Filipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang:

Rey A. Castillo Customs Broker Evelyn T. Castillo Customs Broker Edukasyon:

Kolehiyo: Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan

Mataas na Paaralan: St. Paul College of Makati Poblacion, Makati 2010-2014

Mababang Paaralan: O.B Montessori Inc. Sta. Ana, Manila 2004-2010

Page 78: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

62

TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK

MARIA MICA S. CORONADO

39 LIWAYWAY ST. STA. ANA

TAGUIG CITY

Kapanganakan: Oktubre 18, 1997 Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Makati Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 3 ft. Timbang: 100 Libra Nasyonalidad: Filipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang: Ama: Michael Dee Coronado Unemployed Ina: Cynthia S. Coronado Optometrist/OFW Edukasyon: Kolehiyo:

Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati

BSMT 2014 – kasalukuyan

Mataas na Paaralan: Colegio de Santa Ana Lungsod ng Taguig 2010-2014 Mababang Paaralan: Colegio de Santa Ana Lungsod ng Taguig

2004-2010

Page 79: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

63

TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK

JASTINE MAE R. DEL MUNDO

2ND

AVE ST., MOLINO 4,

BACOOR CITY, CAVITE

Kapanganakan: Pebrero 26, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Quezon Province Edade: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 0 ft. Timbang: 100 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang:

Ama: Manolo R. del Mundo Businessman Ina: Jean R. del Mundo Housewife

Edukasyon: Kolehiyo:

Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan

Mataas na Paaralan: Harrell Horne Integrated School Lungsod ng Bacoor 2010-2014

Mababang Paaralan: Citiville Christian Academy Lungsod ng Bacoor 2004-2010

Page 80: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

64

TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK

JOSE MARI L. ESGUERRA

#206 JUNCTION ST., BRGY. DUHAT,

CAVINTI, LAGUNA

Kapanganakan: Septyembre 8, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Cavinti, Laguna Edad: 16 taong gulang Kalagayang Sibil: Binata Taas: 5’ 7 ft. Timbang: 125 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang:

Ama: Floro G. Esguerra Businessman Ina: Florcelie L. Esguerra Businesswoman

Edukasyon Kolehiyo:

Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati

BSMT 2014 – kasalukuyan

Mataas na paaralan: Liceo de Cavinti Cavinti, Laguna 2010-2014

Mababang Paaralan: Liceo de Cavinti Cavinti, Laguna 2004-2010

Page 81: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

65

TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK

JONNA BEATRIZ L. LAGAYA

BLOCK 15 LOT 9 NEW MAHOGANY VILLAGE SAN ISIDRO

CABUYAO CITY, LAGUNA

Kapanganakan: Enero 8, 1998 Lugar ng Kapanganakan: San Pedro, Laguna Edad: 17 taong gulang Kalagayang Sibil: Dalaga Taas: 5’ 1 ft. Timbang: 117 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang:

Ama: Randall D. Lagaya Manager Ina: Matelinda L. Lagaya Housewife

Edukasyon: Kolehiyo:

Pamantasan ng Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT

2014- kasalukuyan Mataas na paaralan:

Infant Jesus Montessori Center Camella Homes, Mamatid Laguna 2010-2014

Mababang Paaralan: Infant Jesus Montessori Center

Camella Homes, Mamatid Laguna 2004-2010

Page 82: Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar

66

TALAMBUHAY NG MANANALIKSIK

EUGENE T. TUPA

#6-B MANALILI EXT. ZONE-2, SIGNAL VILLAGE,

TAGUIG CITY

Kapanganakan: Enero 12, 1998 Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Taguig Edad: 17 Taong gulang Kalagayang Sibil: Binata Taas: 5’ 3 ft. Timbang: 95 Libra Nasyonalidad: Pilipino Relihiyon: Romano Katoliko Mga Magulang:

Ama: Julius A. Tupa Seaman Ina: Evelyn T. Tupa Housewife

Edukasyon: Kolehiyo:

Pamantasang Centro Escolar Lungsod ng Makati BSMT 2014 – kasalukuyan Mataas na paaralan:

Taguig Science High School Taguig City 2010 - 2014

Mababang Paaralan: EM’s Signal Village Elementary School

Taguig City 2004-2010