Top Banner
Eskwelahang tinuturuan ang mga bata INTERNET CHAT SA Dalir-Eskwela #BeCyberSafe how to #BeCyberSafe Ang panget mo! To know more about Cyber Safety tips, visit www.CyberSafe.Asia
2

SA INTERNET T Dalir-Eskwela - deped.gov.ph · Sa ngayon, ang pinakamabilis na paraan para magpadala at makatanggap ng mga mensahe ay sa pamamagitan ng cellphones at Internet. Dahil

Sep 18, 2019

Download

Documents

dariahiddleston
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: SA INTERNET T Dalir-Eskwela - deped.gov.ph · Sa ngayon, ang pinakamabilis na paraan para magpadala at makatanggap ng mga mensahe ay sa pamamagitan ng cellphones at Internet. Dahil

Eskwelahang tinuturuan ang mga bata

INTERNET CHATSA

Dalir-Eskwela

#BeCyberSafe

how to #BeCyberSafe

Ang panget mo!

To know more about Cyber Safety tips,visit www.CyberSafe.Asia

Page 2: SA INTERNET T Dalir-Eskwela - deped.gov.ph · Sa ngayon, ang pinakamabilis na paraan para magpadala at makatanggap ng mga mensahe ay sa pamamagitan ng cellphones at Internet. Dahil

Sa ngayon, ang pinakamabilis na paraan para magpadala at makatanggap ng mga mensahe ay sa pamamagitan ng cellphones at Internet.

Dahil madaling magpadala at tumanggap ng mensahe, napakaraming klaseng impormasyon ang pwede nating ipadala –– pwedeng kapakipakinabang, o di kaya’y walang kwenta. Pwede ring maganda, o di kaya’y malaswa.

Ang mga anak natin, na madalas gumamit ng Internet para makipag-usap, ay pwedeng makatanggap ng mga mensahe na ‘di angkop sa kanila.

Trabaho natin bilang magulang na gabayan

ang ating mga anak at ang kanilang mga

daliring kung saan-saan pumupunta

sa Internet.

Trabaho natin na gawin silang responsable

sa mga chat room, at sa social media.

Upang malaman ang iba pang tips o detalye

para maging ligtas ang mga bata sa

Internet, bisitahin ang www.cybersafe.asia

1. Kausapin sila nang mahinahon.

2. Magkaroon ng kasunduan na hindi dapat makipag-usap sa strangers o mga hindi kilala sa Internet. Hindi dahil may 1 or 2 mutual friends na, kilala na agad. Strangers pa rin sila!

3. Payuhan sila na kung makakatanggap sila ng mga mensahe mula sa hindi nila kilala, dapat sabihin sa inyo.

4. Ipaalala na hindi sila kasali sa popularity contest. Bigyang diin ang “Quality over Quantity” pagdating sa online friends.

5. Kung ang anak ay teenager na, maaaring hindi mo na sila mapipigilan sa pag-add ng online strangers. Nagiging parte ito ng kanilang pakikipag-kaibigan o “socialization” kung tawagin. Pero paalalahanan sila na may ligtas na paraang gawin ito, kagaya ng:

o Pagtigil sa pag-chat kapag hindi na siya kumportable o mayroon na siyang masamang pakiramdam sa kausap.

o Awtomatikong pagtigil sa chat kapag ang pinag-uusapan na ay tungkol sa sex, paghuhubad, o pagpapadala ng malalaswang litrato.

o Pagsabi sa iyo o sa ibang pinagkakatiwalaang nakatatanda (trusted adult) kapag nangyari ito.

6. Tulungan ang mga bata na tukuyin ang “trusted adults” nila. Ito ang mga taong

nirerespeto nila at ang mga pwede nilang hingan ng tamang payo.

‘Pag kinausapang anak tungkol sa chatting,

TANDAAN...Ang mga anak natin ay pwedeng makatanggap ng messages na –

• Harmful o masama, tulad ng peke o hindi tamang impormasyon.

• Hateful o mga pagbabanta at pambu-bully.

• Pornographic o mga malalaswang larawan o mga imahe ng nagtatalik.

Para IWAS sa mga masasamang mensahe, tandaan –

I-block ang mga nagpapadala ng messages na nakakasakit at malaswa.

Wag magbigay ng pribadong impormasyon tulad ng pangalan, edad, pangalan ng magulang, eskwelahan, classroom, address, telephone number, atbp.

Add only friends at mga taong kilala in real life!

Sabihin sa mga magulang o sinumang nakakatanda na pinagkakatiwalaan kapag may masamang naka-chat.

Ano ang mga dangers sa Chatting?

Ano ang dapat nilang gawin?

I

W

A

S