Antas ng Wika
1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng
tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao
sa nakatataas o nakatatanda2. lingua franca wikang ginagamit ng
karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa
lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at
iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng
isang lalawigan4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa
taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit
napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa
'tara na', /pre/ para sa 'pare'5. balbal o pangkalye wikang
ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga
salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.6. edukado/malalim
wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa
gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at
kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at
masining.
Halimbawa: Kahati sa buhayBunga ng pag-ibigPusod ng
pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang
araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o
lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)Nakain ka na? (Kumain
ka na?)Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang
kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa: Nasan, pa`no,sakin,kelanMeron ka bang dala?
Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes,
mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)Orange (beinte pesos)Pinoy
(Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutuboHalimbawa: Gurang
(matanda)Bayot (bakla)Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyagaHalimbawa: Epek
(effect)Futbol (naalis, natalsik)Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalogHalimbawa: Buwaya
(crocodiles greedy)Bata (child girlfriend)Durog (powdered high in
addiction)Papa (father lover)
4. PagpapaikliHalimbawa: Pakialam pakiTiyak tyak
5. Pagbabaliktad Buong SalitaHalimbawa: Etned benteKita atik
PapantigHalimbawa: Dehin hindiNgetpa PangetTipar Parti
6. Paggamit ng AkronimHalimbawa: G get, nauunawaanUS under de
saya
7. Pagpapalit ng PantigHalimbawa: Lagpak Palpak BigoTorpe Tyope
torpe, naduwag
8. Paghahalo ng salitaHalimbawa: Bow na lang ng bowMag-jr (joy
riding)Mag-gimikMag-MU
9. Paggamit ng BilangHalimbawa: 45 pumutok1433 I love you
too50-50 naghihingalo
10. PagdaragdagHalimbawa: Puti isputingKulang kulongbisi
11. KumbinasyonPagbabaligtad at PagdaragdagHalimbawa: Hiya Yahi
Dyahi
Pagpapaikli at pag-PilipinoHalimbawa: Pino PinoyMestiso Tiso,
Tisoy
Pagpapaikli at PagbabaligtadHalimbawa: Pantalon Talon
LontaSigarilyo Siyo Yosi
Panghihiram at PagpapaikliHalimbawa: Security SikyoBrain Damage
Brenda
Panghihiram at PagdaragdagHalimbawa: Get Gets/GetsingCry
Crayola
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA
IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik.
DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.
SOSYOLEK-pansamantalang barayti. ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga
salita ng mga etnolonggwistikong grupo. EKOLEK-kadalasang mula o
sinasalita sa loob ng bahay. PIDGIN-wikang walang pormal na
estruktura. CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura.
Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa1935 Saligang Batas
1935 Art. 14 sek. 3 ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1936 (Nob. 13) Pinagtibay ng
Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha isang
Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin nito.1937 (Dis. 30) sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pang. Quezon na ang WP ay
batay sa Tagalog.1940 simula Hunyo 19 ay ituturo na sa mga paaralan
ang WP.1940 (Hunyo 7) ang WP ay magiging isa na rin sa OW simula
Hulyo 4, 1940.1954 (Mar. 26) Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay ang
pagdiriwang ng Linggo ng WIka taun-taon tuwing Agosto 13-19.1959
(Agosto 13) Pinalabas ni Kalihim Jose Romero ang kautusan na ang PW
ay kikilalanin sa katawagang Pilipino1973 Saligang Batas Art 15,
sek. 3: Ang OW ay Ingles at Pilipino. Ang pambansang asembleya ay
dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapanlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na WP na makikilalang Filipino. 1974 Bilingual
Eduation Policy 1978 Alinsunod sa kautusan ng kalihim ng Edukasyon,
ang mga kolehiyo ay magkakaroon ng 6 na yunit na asignatura ng
Pilipino.1987 Peb. 2, nakasaad sa bagong konstitusyon ng Pilipinas,
Art.14, sek. 6-9:6 ang WP ng Pilipinas ay Filipino, payayabungin
ito salig ng mga umiiral na wika sa Pilipinas.7 OW ay Ingles at
Filipino8 wika ng konstitusyon ay Ingles at Filipino at isasalin sa
pangunahing wikang panrehyon at Arabik at Kastila.9 Dapat magtatag
ng Komisyon ng Wikang Pambansa na siyang mangangasiwa sa
pagpapaunlad ng WP.1987 Nagpalabas ng kautusan sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang panturo (medium of instruction) sa
lahat ng antas ng paaralan kasabay ng Ingles. (BEP)NAipalabas din
ang Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino.1996 pinalabas ng CHED ang
kautusan na mayroong 6 na units ng Filipino sa kolehiyo at 9 naman
kung ang kurso ay nasa HUSOCOM (Humanities, Social Sciences at
Communication)1997 idineklara ni Pang. Fidel Ramos na ang Agosto ay
buwan ng wika taun-taon.2001 Ipinalabas ang rebisyon ng
ortograpiyang Filipino.2006 Sinuspinde ang 2001 na rebisyon ng
ortograpiya at ibinalik sa 1987.
Mga Batas Pangwika====1986====. Memorandum Pangkagawaran blg.
523 S. 1986 (Abril 17, 1986). Kautusang Tagapagpaganap Blg.134
(Dis. 30, 1937) -Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng
Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang
Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.19871990 Memorandum Pangkagawaran
Blg. 85, S. 1990 (Marso 21, 1990)1991 Memorandum Pangkagawaran Blg.
115, S. 1991 (Agosto 14, 1991)1992 Resolusyon Blg. 3-92 (Disyembre
9, 1992)1993 Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993).1994 Resolusyon
Blg. 3-94 (Oktubre 19, 1994)1996 Memorandum Pangkagawaran Blg. 46
S. 1996 (Abril 11, 1996) CHED Memorandum Order (CMD) No. 59, S.
1996 Resolusyon Blg. 96-2 (Disyembre 18, 1996)1998 Memorandum
Pangkagawaran Blg. 80, S. 1998 (Marso 3, 1998)1999 Memorandum
Pangkagawaran Blg. 36, S. 1999 (Pebrero 3, 1999)2000 Memorandum
Pangkagawaran Blg. 323 S. 2000 (Hulyo 28, 2000) Memorandum
(Setyembre 13, 2000)
KomunikasyonAng komunikasyon (galing sa salitang Latin
nacommnicre, na ang ibig sabihin ay ibahagi) ay aktibidad ng
pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at
batas semayotiko. Ang komunikasyon sabiologyay kadalasang
nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sabiochemicalna
paraan. Ang komunikasyong pang tao naman ay kakaiba dahil sa
malawak na gamit ng lenggwahe. Ang hindi pang taong komunikasyon
naman ay inaaral sa biosemiotics. Ang hindi berbal na komunikasyon
ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa
pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita.
Ang mga halimbawa ng hindi berbal na komunikasyon ay anghaptic
communication, chronemics communication, gestures, body language,
facial expressions, eye contact, at kung paano manamit ang isang
tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng
hindi berbal na komunikasyon tulad ngparalanguage, e.g. ritmo,
intonasyon, tempo at istres. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa
komunikasyon ng tao ay hindi berbal nafacial expressionsat ang iba
pa ay 38% naparalanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay
naglalaman din ng mga elemento ng hindi berbal na komunikasyon
tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ngemoticonsupang
maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga
imahe.Katuturan ng WikaBinanggit ni Austero et al (1999) mula kay
Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na
pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay
may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito
ang midyum na ginagamit sa maayos napaghatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.Kahalagahan ng WikaMahalaga ang
wika sapagkat:1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o
komunikasyon;2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong
maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;3. sumasalamin ito sa
kultura at panahong kanyang kinabibilangan;4. at isa itong mabuting
kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
PROSESO NG KOMUNIKASYONMay ibat ibang hulwaran o modelo ng
proseso ng komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri
sa kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT
(nagpapadala-mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang
modelong ito sa pagpapaliwanag sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang bawat kaganapan sa
nagaganap na proseso ng komunikasyon.Kung titingnan natin ang
larawan sa itaas, makikita natin na may 5 salik (essence) ang
proseso ng komunikasyon; nagpapadala, mensahe, daluyan, tumatanggap
at tugon o feedback. Suriin natin isa-isa ang bawat salik sa
proseso.
NagpapadalaSa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang
bagay ang nakakaapekto sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang
nais iparating.
Kasanayang pangkomunikasyonUgaliKaalamanKatayuang
panlipunanKultura
(Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit)Ang
kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay
nakabatay sa ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication
skills). May limang kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito
ay nauukol sa kasanayan sa pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita
at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa pagtanggap, ang pakikinig at
pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay mahalaga sa kapwa
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa
pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa
natin sa mga kasanayang ito sa ating mabisang
pakikipagkomunikasyong verbal.Makikita rin ang kahusayan natin sa
komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng mga komunikasyong
di-verbal .Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng
pag-uugali. Subalit sa talakayang ito sikapin nating ituon ang
ugali sa pangkalahatang nararandaman ng isang tao tungkol sa isang
bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang ating reaction sa
opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.Nakakaapekto ang ugali sa
ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan. Sa ating sarili, sa
paksa at sa tagatanggap o kausap.Sa sarili ito ang ating
nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe. Mapapansin ng
tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa
ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan
ng tiwala sa sarili.Sa paksa ito ang ating nararandaman tungkol sa
isang bagay. Kadalasan, sa pananaw natin ibinabatay ang ating
sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang ang iyong sasabihin
tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang
iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong
pananaw o nararandaman.Sa tagatanggap o kausap ang nararandaman
natin tungkol sa ating kausap ay malaki rin ang nagagawa sa
nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating mensahe kung tayo
ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang paraan
ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa
atin at sa mga taong nakatataas ang posisyon.
Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang
bagay para sa ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang
magsasaka halimbawa ay buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag
tungkol sa pagtatanim at pangangalaga sa mga peste sa palay.
Subalit makakarandam siya ng kaba kung ang pag-uusapan ay ang
trapiko at iba pang problemang panlunsod.Katayuang panlipunan
nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala at
tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay
may katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito
ang pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.Kultura
higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may
parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay
magiging mabisa lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro
ay may parehong karanasan.
MensaheBawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at
pananaw. Sa laman ng mensahe makikita ang tema, dating at katwiran.
Halimbawa ang isang lider ng kabataan ay hihiling sa isang
kongresista na magpatayo ng isang palaruaan. Maaring maging laman
ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng palaruaan sa
kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang
benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na
proyekto.Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa
halimbawang nabanggit sa itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan
ang kanyang mensahe sa paraang higit na katanggap-tanggap sa
kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa mensahe
ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na
palaruan kaysa sa halagang magugugol.
DaluyanAyon sa mga social scientist, may dalawang anyo ng
daluyan ng mensahe. Ito ay ang pandama (sensory channels) na
kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pakirandam, at institusyonal (institutionalized channels) sa
pamamagitan ng tuwirang pakikipag-usap, sa pamamagitan ng sulat o
sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics tulad ng telepono,
computer, beeper, fax atbp.Bawat daluyang institusyonal ay
nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang pandama. Halimbawa sa
ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig, galaw sa
paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam. Ang tuwirang
pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang layunin ay
agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon.
TumatanggapAng tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng
pansin, magpakahulugan at tumugon sa mensahe. Layunin ng
komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa pinatutungkulan nito. Dapat
isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang pinakaunang hakbang
sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang pansin ng
kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang
maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at
pagpapaunawa ay pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga
bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. (kasanayang
pangwika, ugali, kaalaman, katayuang panlipunan at kultura)Matapos
maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na hakbang
ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang
pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe
na tama ang nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa
katumpakan ng mensahe subalit naniwala rin ng may mabuting
maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang aksyon o pagkilos na dapat
isagawa bunga ng mensaheng natanggap.
TugonMasusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng
tugon. Ang tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa
ibang daluyan ayon sa hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala
ng mensahe. Sa pagpaparating ng tugon dapat muling isaalang-alang
ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe.Ang tugon
ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan Sa isang bansang
demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o
komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay
sa pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o
grupong ito na sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung
walang sumuporta sa kanilang proyekto, masasabi namang silang
walang implwensya o kapanyarihan sa komunidad. Samaktwid, maari
nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan ay nakasalalay sa
kahusayan sa komunikasyon.
MGA KOMPONENT NG KOMUNIKASYONUpang maging mabisa, ang
komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay
nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng
wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang ang
konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga
sumusunod na talata.
1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook
o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan
ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng
pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng
salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng
lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng
simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon.
Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o
walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong
klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?
2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito
isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang
pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay,
katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya
sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng
nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing
Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo
maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon
sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang
angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa
kanya?
3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang
interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa
pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon,
pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan,
pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano
kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi
sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang
layunin kung ang sasabihin niyay Hoy! Pautang nga ng isanlibo!
Samantala, kung siya namay manghoholdap, makakamit ba niya ang
kanyang layunin kung sa malumanay na pananalitay sasabihin niyang
Para mo nang awa, akin na yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang
huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika, kailangan munang
isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.
4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang
tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng
pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at
malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng
magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan
maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa
di pagkikibuan o away.
5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng
isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di
kayay ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro ng
basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo
kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa
iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon,
paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong
gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan,
gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang
iyong gagamitin?
6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o
pasulat?) Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o
daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang
institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo.
Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa
sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng
bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero
kung nasusununog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang
magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka ba pa sa iyong
kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o
ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at
naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito,
kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o
limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.
7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang
din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo
na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang
nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na
lamang ang bibig kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang
nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo.
Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki
rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga
talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong
makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang
may paksang eksklusibong panlalaki.
8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito,
isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay
ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang
pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo,
katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at
damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng
pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng
impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang manghikayat,
magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng
iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag.
Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng
pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang makapagpahayag
nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat
malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at
salik-sosyal at kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong
ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan
at pamayanan..MGA ANYO NG KOMINIKASYON1. KATAWAN-Nagpapahayag ng
mga sagisag.-Naglalarawan, nagbibigay-diin onaglilinaw ng isang
kaisipan.-Kumokontrol sa daloy ngtalastasan.-Nagpapahayag ng
damdamin.-Tumutulong sa pagsasagawa ngkilos.
2. MUKHA-Nagpapahayag ng mga batayangemosyon gaya ng saya,
lungkot,galit, takot, pagkabigla at iba pa.-Ang ekspresyon ng mukha
ayhin
3. MGA MATA-Nagsisilbing tagapagpadaloy ngdamdamin ang mga
mata.-Lumilikha ito ng ugnayan sakapwa.
4. ESPASYO O DISTANSYA-Espasyong Initimate malapit ohalos
nagkakadikit na ang mgakatawan; nagpapamalas ngpagmamahal o
apeksyon sa tao.abago-bago ayon sa kultura.-Espasyong Personal 18
pulgadahanggang 4 na talampakangcomfort zone. Para itong bula
nanagsisilbing proteksyon ng isangtao at hindi bastang
dapatpinapasok ng estranghero.
-Espasyong Sosyal mga kaibiganat taong kakilala.-Espasyong
Publiko ang madlasa pangkalahatan.
5. MGA ARTIFACT-Ang mga gamit na suot ng tao nanagpapahayag ng
mensahe.
6. PAGHIPO (HAPTICS)-Ang pisikal na kontak ng mgakamay sa kapwa
o sa isang bagayna nagpapahiwatig ng ibat ibangkahulugan, gaya
ngpakikisimpatya, paghanga sakagandahan, at iba pa.
7. PARALANGUAGE-Angnamgatunognakaakibatng pagsasalita at may
angkinding kahulugan, gaya ng pagtaaso pagbaba ng tono, pagbilis
opagbagal ng pagsasalita, at ibapa.
8. PANANAHIMIK-Ang sadyang hindi pagsasalita opagtigil sa
pagsasalita nanagpapahayag ng ibat ibangkahulugan, gaya ng
pagpapakitang sama ng loob, pagkuha ngatensyon, at iba pa.
9. ORAS O PANAHON(CHRONEMICS)-Ang konsepto ng panahon na
maykaugnayan sa komunikasyon.Hal., ang pagdating nang maagaay
nagpapahiwatig ng pagigingresponsable at ang pagkahuli ngpagiging
pabaya
10. PANG-AMOY-Ang amoy ng isang tao nanagpapahiwatig ng
isangmensahe o nagdudulot ng bisa sakanyang kapwa, gaya ng
pagigingelegante, pagkagaling sa isangtrabaho, at iba pa.
Modelo ng Komunikasyon
Modelo ni Aristotlebatay sa kanyang Retorika nagbigay ng 3
sangkap ng komunikasyon1. nagsasalita2. ang sinasabi3. ang
nakikinigAristotle
Modelo ni Claude Shanman at WeaverAyon kay Claude Shanman at
Weaverlima(5) ang sangkap ng komunikasyon1. Pinanggalingan2.
Tagapaghatid (transmitter)3. Senyas o Kodigo4. Tagatanggap ng
pahatid (reciever)5. Distinasyon6. Modelo ni Shanman at Weaver
Batay sa pag-aaral ni Shanman at Weaver, mayroong pinagmulan ng
mensahe o sino ang tagabigay ng mensahe. Ikalawa sino ang
tagapahatid ng menshae o sino ang nagdadala o naghahatid ng
mensahe. Pangatlo, saan nagdadaan ang mensahe, sa celfon, telepono,
senyas ba o nagsasalita? Malinaw ba o magulo ang linya? Senyas,
simbolo o salita ang pinagdadaanan ng mensahe? Marami bang tao o
maingay ang kapaligiran? Ayon kay Shanman at Weaver, ang inga ay
malaking epekto sa pagkakaunawa ng mensahe. Dapat malinaw at
maliwanag ang pinagdadaanan ng mensahe upang maunawaan ang
komunikasyon.
Modelo ni Berlo
May apat na elemento ng komunikasyon
1. Painagmumulan2. Mensahe3. Tsanel4. Tagatanggap
Ayon kay Berlo, apat ang elemento ng Komunikasyon1. Pinagmumulan
ng mensahe maaring isang tao, grupo ng mga tao, tagapagsalita o
tagapanayam kung may pulong o seminar, professor sa loob ng klase o
estudyante na nagpapaliwanag. Maaari ring isang brodkaster, sa
radio o telebisyon. Manunulat sa isang pahayagan o magasino o aklat
o anumang babasahin o karaniwang usapan ng mag-ama o mag-ina o
mag-pamilya.2. Mensahe anumang ideya, opinion, kaisipan: maaaring
ito ay nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng impormasyon formal o
di-formal.3. Tsanel o daluyan ng mensahe saan dumdaan ang mensahe,
gaya ng fax machine, celfon, telepono, radio, telebisyon,
advertisement, sulat, e-mail, senyas, anumang daanan, verbal o
di-verbal. Tinaggap ang mensahe sa pamamagitan ng pagbasa ,sa
pakikinig, paningin, pandama at iba pa.4. Tagatanggap ng mensahe
ang taong tumatanggap at nagpapakahulugan ng mensahe. Halimbawa :
ang taong nakabasa ng pahayagan, paano tinanggap ang mensahe, ang
taong nakarinig, paano tinanggap ang narinig na mensahe; ang taong
nakapanood, ano ang reaksyon sa pagpapakahulugan ng mensahe.
SiWilder Schramaay nagsasabing tatlo rin ang elemento ng
komunikasyon.
1. Ang pinanggalingan2. Ang mensahe3. Ang distinasyon
Ayon kay Wilder Schrama
1. Ang Pinanggalingan - Halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat,
gumuguguhit, palimbagan, estasyon ng radio at telebisyon o mula sa
tanghalian.2. Ang Mensahe Halimbawa: porma ng tinta sa papel, usok
buhat sa siga, tunog ng tambol o kampana, tunog na dala ng hangin,
kampaw ng kamay, bandilang iwinawagayway, kodigong morse.3. Ang
Distinasyon Halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa,
pangkat ng nagtatalakayan, pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat
na nanonood ng basketball, nagbabasa ng pahayaganm nanonood n
gtelebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.
Modelo ni Swanson at Marquard
Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquard, 1974limaang
sangkap ng komunikasyon.
1. Pinanggalingan mensahe (sumulat/nagsasalita).2. Ideya o
mensahe3. Kodigo (Wika, kumpas, ekspresyon ng mukha).4. Paraang
paghahid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad).5. Tumanggap ng
mensahe (bumasa o nakinig) Pinanggalingan ng mensahe.
Layunin pagbibigay ng kabatiran, manghikayat, manlibang o
magbigay aliw.
Ang modelo ay maaring maipakita ang kabuuan sa pamamagitan ng
ilustrasyong ito.
May anim (6) na mahalagang elemento sa proseso ng komunikasyon:
ang tagabigay, ang mensahe, ang daluyan o daanan ng mensahe, ang
tagatanggap, ang tugon at ang mga maaaring sagabal sa
komunikasyon.
Mga Batayang Kaalaman sa at mga Teorya ng DiskursoAno nga ba ang
diskurso? Si Webster (1974) ay may ibat ibang depinisyon para sa
terminong ito. Ayon sa kanya,ang diskurso ay tumutukoysa berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang
pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o
pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang
diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa
komunikasyon.Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at
pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at pangangailangan
(requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay
higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo
ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.Ano ang
komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang mga
huling akda bilang pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na
nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na
barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang
konseptong ito ay tinatawag din minsan bilang sosyolinggwistiks.
Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o
rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng
pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga
pangyayaring panlipunan at iba pa.Tinukoy ni Lyle Bachman ang
dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: ang
tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at
organisasyon, at ang ilukyusyonari kompitens o ang abilidad na
magamit ang wika para saideation, manipulasyon, heuristik
(halimbawa, pagkatuto olearning) at imahinasyon.Ano naman ang
linggwistik kompitens? Ito naman angmental grammarng isang
indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin
ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng maraming linggwista
bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na
gramatikal kompitens, na para sa kanya ay nagsasangkot ng
di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at
bokabularyo.Konteksto ngDiskursoAng isang tao ay
nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto.
Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga
partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay
maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa,
interkultural at pangkasarian.Halimbawa:Konstekstong Interpersonal
usapan ng magkaibiganKontekstong Panggrupo pulong ng pamunuan ng
isang samahang pangmag-aaralKontekstong Pang-organisasyon
memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng
empleyadoKontekstong Pangmasa pagtatalumpati ng isang pulitiko sa
harap ng mga botanteKontekstong Interkultural pagpupulong ng mga
pinuno ng mga bansangASEANKontekstong Pangkasarian usapan ng
mag-asawaNgunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na
mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na
proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang
hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap
uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob
ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong
pangkasarian ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may
magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang
konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga
midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang
kultura, nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural.Mga
Teorya ng Diskurso: Pahapyawna PagtalakayAng mga teorya ng diskurso
ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang mga teoryang ito
ay maaaring maging susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng
pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong
upang tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang
tao ay maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon batay sa mga saliksik ng mga teorista.Ngunit
kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may
kani-kaniyang kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring
mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang
mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.Pinakapopular na
marahil sa mga teoryang ito angspeech act theoryat angethnography
of communication.Angspeech act theoryay isang teorya ng wikang
batay sa aklat naHow to DoThings with Wordsni J.L. Austin (1975).
Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isangmode of
actionat isang paraan ng pagko-conveyng impormasyon. Wika nga ni
John Seale,All linguistic communication involves linguistic acts.
Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong
linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo,
kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o
pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag naspeech acts.Hinati
ni Austin ang mga aktong linggwistik na ito sa tatlong komponent.
Ang una ay ang aktong lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang
bagay. Ang ikalawa ay ang aktong ilokyusyonari o ang
pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikatlo
ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na
kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa
damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging
ng ibang tao. Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalaway
may pwersa at ang ikatloy may konsikwens.Samantala, angethnography
of communicationay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito
ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng
imersyon sa isang partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais
natingpag-aralan angglossolalia(speaking in tongues) na karaniwang
makikita sa mga Kristyanong sekta, kailangan nating dumalo sa mga
pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at
kung maaariy maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng
gayon. Sa pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo
magiging pamilyar sa konteksto ngglossolaliaupang maipaliwanag ang
tungkuling sosyal nito.May ibat ibang teknik na maaaring magamit sa
partisipant- obserbasyon:1. Introspectiono ang paggamit
ngintuition,2. Detached Observationo ang di-partisipatoring
obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,3. Interviewingo ang
istraktyurd na interaksyong berbal sa mga myembro ng komunidad,4.
Philologyo ang paggamit ng mga pasulat na materyales,5.
Ethnosemanticso ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,6.
Ethnomethodologyo ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon,
tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista, at ang7.
Phenomenologyo ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang
problemang penomenolohikal.Sa website nahttp://www.mcgraw-hill.com,
pahapyaw na tinalakay ang iba pang mga teorya. Dalawa sa mga ito ay
angcommunication accomodation theoryat ang teorya ngnarrative
paradigm.Sacommunication accomodation theory, sinusuri ang mga
motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay
nagbabago ng istilo ng komunikasyon. Ang mga teorista nito ay
naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang
iakomodeyt o i-adjustang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa
iba. Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang
paraan:divergenceatconvergence. Ang mga grupong may malakas na
pagmamalaking etniko ay madalas na gumagamit ngdivergenceupang
ihaylayt ang kanilang identidad. Samantala, angconvergenceay
nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para
sasocial approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga indibidwal na
walang kapangyarihan.Angnarrative paradigmnaman ay naglalarawan sa
mga tao bilang mgastorytelling animals. Ang teoryang ito ay
nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na
lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting
katwiran ay nagmumungkahi na husgahan ang kredebilidad ng isang
ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya. Isang
demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman
kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang
makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens at pideliti.Ponolohiya
(Phonology) -Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in
Speaking)1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na
hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)2.
Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang
pantinig (Vocal)3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog.
Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies
the sound. The mouth and nasal passageway are considered as
resonators.)
Ponolohiya ng FilipinoPONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang
tunog.
Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang
patinig"katinig means consonant and patinig means vowel"
Mga katinig:Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P,
MPangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, TPanggilagid
(sounds produced by the gums) - L, R, SPangngalangala (sounds
produced by the throat) - K, G, Ng, WPasutsot (sounds produced by
exhaling) - HMga Patinig:A, E, I, O, U
Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng
malapatinig na w at y.
Halimbawa (Example):aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.
Halimbawang salita (Example word):bahaw, bahay, okoy, baliw
Morpolohiya (Morphology) - pag-aaral ng mga morpema ng isang
wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.
Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o panlapi.
Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko (Types of Morphophonemic
Change)1. Asimilasyon (Assimilation) - pagbabagong nagaganap sa
huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na ponema. Kung
ang ponemang pang ay ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa
b, p ang n ay nagiging m.Halimbawa:pang + balabal = pambalabalpang
+ panitikan = pampanitikanpang + kuha = panguhapang + tabas =
pantabas2. Metasis - ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y
pag nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng
posisyon.Halimbawa:in + layo = nilayoin + yakap = niyakap3.
Pagpapalit ng ponema - kapag ang ponema ay nasa unahan ng salitang
(d) ito ay karaniwang napapalitan ng ponemang (r) kapag ang huling
ponema ng unlapi ay patinig.Halimbawa:ma + damot = maramotma +
dungis = marungis4. Paglilipat-diin - ang mga salita ay nagbabago
ng diin kapag nilalapian.Halimbawa:basa + hin = basahinlaro + an =
laruan5. Pagkakaltas ng ponema - nagaganap kung ang huling ponemang
patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag nilalagyan ng
hulapi.Halimbawa:takip + an = takipan - takpansara + han = sarahan
- sarhan
May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.
1.Ponemang segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at
patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit
isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay
itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang
kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o
maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo
sa ponemang katinig
Halimbawa:ba: tah - housedresstub: boh - pipeba: ta? - childtub:
bo? - profit
c) Ang ponemang patinig aylima: a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/,
gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng
salita.
Halimbawa:babae - babaikalapati - kalapatelalaki - lalakenoon -
nuon
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na
ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang
kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:uso - modernmesa - tableoso - bearmisa - mass
2.Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o
bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.
Halimbawa :sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig
na /may/-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog,
ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.2. Sila /LAmang/
ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.
MORPOLOHIYA AT MORPEMA
Ang Morpolohiya at ang Morpema
MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at
ngpagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupat kung
ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na
bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang
pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng ibat ibang
morpema.
Katuturan ng Morpema
Galing ang salitang morpema sa katagangmorphemesa Ingles na
kinuha naman sa salitang Griyego morph(anyo o yunit)
+eme(kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na
yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin
ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati
nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring
isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang
mababanggit ay dapat na ikulong sa { }. Ang salitang makahoy,
halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang
salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang
marami ng isinasaad ng salitang-ugat. Sa halimbawang salitang
makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nitoy maraming kahoy.
Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling
kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit
namay kahulugan. Angkaathoy, ay mga pantig lamang na walang
kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin
naman ng pantawag nahoy,ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito
sa salitang kahoy. Samantala, pansinin ang salitangbabae, bagamat
may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng
iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o
bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga
sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba,
abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba
ngunitgayang naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa
babae.
Uri ng Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa
halimbawang pangungusap sa ibaba.
Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance
olympic.
1.Mga morpemang may kahulugang leksikal.Ito ang mga morpemang
tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili.
Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa
sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng
iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga
salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay
nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga
kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan,
pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:
Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter
Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo
Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis Pang-uri:
banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami Pang-abay:
magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon
2.Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian.Ito ang mga
morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa
isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga
salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang
kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa
itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang
kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang
salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na
ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng
pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,Magaling sumayaw Rik
siya nanalo dance olympic.Kasama sa uring ito ang mga
sumusunod:
Pang-angkop: na, -ng Pangatnig: kaya, at, o saka, pati
Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay Pananda: ay, si, ang,
ng, sina, ni/nina, kay/kina
Anyo ng Morpema
May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito
batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga
sumusunod:
1.Morpemang ponema.Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o
ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang
ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang
mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang
propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa
pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang
ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
kasariang pambabae. Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang
propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba
pang halimbawa:
Doktora - {doktor} at {-a} Senyora - {senyor} at {-a}
Plantsadora - {plantsador} at {-a} Kargadora - {kargador} at {-a}
Senadora - {senador} at {-a} Ngunit hindi lahat ng mga salitang may
inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng
salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo
lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga
ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil
wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang
{-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang
panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga
salita na may iisang morpema lamang:
bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a} kusinero - na hindi
{kusiner} at {-o} o {-a} abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a}
Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a} Mario - na hindi {mari} at
{-o} at {-a}
2.Morpemang salitang-ugat (su).Ang mga morpemang binubuo ng
salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi.
Tulad nito:
tao silya druga payong jet pagod tuwa pula liit taas basa laro
aral kain sulat
3.Morpemang Panlapi.Ito ang mga morpemang ikinakabit sa
salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kayat
bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-}
ay may kahulugan pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang gawin o ginawa
ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:mag-ina - {mag-} at
{ina} maganda - {ma-} at {ganda} magbasa - {mag-} at {basa} bumasa
- {-um-} at {basa} aklatan - {-an} at {aklat} pagsumikapan - {pag-,
-um-, -an} at {sikap}
PABBABAGONG MORPOPONEMIKO
Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko1.Asimilasyon -kapag
ang kasunod na tunog ay alinman sa/ d, l, r, s, t/,
angpanlapingpang-ay nagigingpan-. Ito ay nagigingpam-namankapag ang
kasunod na tunog ay alinman sa /b,
p/.Paalala:Nananatilinngpang-kapag ang kasunod na tunog ay mga
katinig na /k,m, n, ng, w, y/ o patinig ( a, e, I, o, u ).
Nilalagyan ng gitling ( - )kapagang salitang ugat ay nagsisimula sa
patinig.Halimbawa:Pang + lunas = panglunas - panlunasPang = baon =
pangbaon - pambaonPang + kulay = pangkulayPang + isahan = pang -
isahan2.Pagkakaltas- sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa
loob ngsalitaHalimbawa:Sunod + in = sunodin - sundinTakip + an =
takipan - takpanDala + han = dalahan - dalhan3.Maypalit- may mga
ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ngsalita. Nagaganap ang
pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ay nasa pagitan ng dalawang
patinig.Halimbawa :Ma + dami = madami - maramiBakod + bakudan -
bakuran4.Pagpapaikli ng salita- Pagpapaikli at pagpapabilis ng
pagbigkas ng salita.Halimbawa :Hinatay ka =Tayka - tekaTayo na =
Tayna - tena, tanaWikain mo = Ikamo - kamoWika ko = ikako -
kakoSintaks - PangungusapSintaks - kombinasyon nga mga salita upang
makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito
ay makabuo ng pangungusap. Ito ay may dalawang bahagi, linear at
hierarchical.
Pangungusap - ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng
isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad
ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na
Sentence sa wikang Ingles.
Mga Bahagi ng Pangungusap
Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging
pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang
paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng
diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap
na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay
naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Halimbawa: Siya ay maganda.Siya - simunomaganda - panaguri
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
1. Pasalaysay (Declarative sentence) - o ang tinatawag din na
paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang
tuldok (.).
2. Patanong (Interrogative sentence) - ito ay pangungusap na
nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
3. Pautos (Imperative sentence) kung ang pangungusap ay
nag-uutos at Pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may
kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na
pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap
(.).
4. Padamdam (Exclamatory sentence) - ito ay pangungusap na
nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!).Mga Kayarian ng PangungusapPayak - ito nagsasaad ng
isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na
makapag-iisa.
Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap
Hugnayan - Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa
o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na
makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap
- Payak na Simuno at Payak na PanaguriHalimbawa: Si Lorna ay
maganda.
- Tambalang Simuno at Payak na PanaguriHalimbawa: Si Lorna at
Maria ay magaganda.
- Payak na Simuno at Tambalang PanaguriHalimbawa: Si Lorna ay
mabait at maganda.
- Tambalang Simuno at Tambalang PanaguriHalimbawa: Si Lorna at
Maria ay mababait at magaganda.
- Isang sambita na may patapos na himig sa duloHalimbawa:
Umuulan! ; Sunog!
Ayos ng Pangungusap
Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at
di-karaniwan o baligtad na ayos.
1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.Ito ay ang ayos ng
pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang
Gawain.Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng
pangungusap.
Mga HalimbawaPunung-puno ng ibat ibang damdamin / ang
musika.Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.Isang
patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang Punung-puno ng ibat ibang damdamin, Nangangahulugang
Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At
sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.
2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusapIto ang ayos ng
pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang
dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay.
Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na
ang nauuna kaysa sa mga panaguri.
Mga HalimbawaAng musika / ay punung-puno ng damdamin.Ang OPM /
ay nangangahulugang Original Pilipino Music.Ito / ay isang patunay
ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Panandang Kohesyong Leksikal-pag-uulit at pagbibigay kahulugan
sa salita o parirala sa loob ng pangungusap.
Mga uri ng panandang leksikal:1. Pag-uulit na kohesyong
leksikal2. Pagpapakahulugan (depinisyon)3. Pagbibigay ng
kasingkahulugan na kohesyong leksikalAno ang mga uri ng sugnay. Mga
uri ng panandang leksikal: 1. Pag- uulit na kohesyong leksikal 2.
Pagpapakahulugan (depinisyon) 3. ...Ano ang mga uri ng kohesyong
leksikal? Mga uri ng panandang leksikal: 1. Pag-uulit na kohesyong
leksikal 2. Pagpapakahulugan ... ... Pag-uulit na kohesyong
leksikal 2. Pagpapakahulugan (depinisyon) 3. Pagbibigay ng
kasingkahulugan na kohesyong leksikal. Ano ang mga uri ng ... mga
panandang kohesyong gramatikal 6 . Ekonomiya at Globalisasyon
Tekstong Deskriptiv (Technical) Mga panandang leksikal 7. ....
layon ( ano ang nais sabihin ), paraan ng pagkakasulat ( pagbubuo
ng ... Pagkilala sa tiyak na uri ng texto ( ekspositori, narativ,
impormativ, ... ano ang 7 kohesyong leksikal live help Halibawa ng
panandang kohesyong leksikal? kohesyong leksikal? Mga Uri ng ...
ano-ano ang mga halimbawa ng unlapi ... Ano ang mga uri ng
kohesyong leksikal_Brother Q & APagbibigay ng kasingkahulugan
na kohesyong leksikal Ano ang mga uri ng sugnay. Mga uri ng
panandang leksikal: 1. Pag- uulit na kohesyong lekskohesyong
leksikal?. Live Guide will help you on MaybeNow ... ng halimbawa ng
kohesyong gramatikal. mga uri ng panandang kohesyong leksikal . ...
Ano ang ibig sabihin ng grid? and Ano ang kahulugan ng physiocrats?
... kohesyong leksikal. Ano ang mga uri ng nobela? ang mga uri ng
nobela ay ang pwet ni patuga. Ano ang mga uri ng tula? ...
kohesyong lek. ... Web Search Halimbawa Sa Mga Ito Ay Ang Mga Uri
Ng Dulang ... uri ng mag bigay nang halimbawa ng uri ... Ano ang
panandang leksikal? Mag bigay halimbawa ng panandang . ...
KOHESYONG LEXIKAL1. inuulit na salita -inuulit sa pangalawang
pangungusap ang isang salita sa unang pangungusap2. singkahulugan-
kapareho ang kahulugan sa dalawang salita3. kasalungat na
kahulugan- magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ginagamit sa
mga pangungusap4. ibang porma ng salita -tukuying isang salitang
naunang binanggit5. kolokasyon -magkapares ang mga salita at
madalas ito ginagamit sa mga panunulat o pag-uusap6. inumerasyon
-gumagamit ito ng numero o bilang7. tansisyon - ?