BATAS REPUBLIKA BLG. 6657
BATAS SA PAGSASATATAG NG ISANG KOMPREHENSIBONG PROGRAMA SA
REPORMANG PANSAKAHAN UPANG MAPAUNLAD ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN AT
INDUSTRIYALISASYON, PAGTATAKDA NG PAMAMARAAN PARA SA
IMPLEMENTASYON, AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNINPagtibayin ng Senado
at ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitipon sa
Kongreso.aDHScIKABANATA IPanimulang KabanataSEKSIYON 1.Pamagat Ang
Batas na ito ay makikilala bilang Batas sa Komprehensibong
Repormang Pansakahan ng 1988.SEKSIYON 2.Pagpapahayag ng mga
Simulain at Patakaran. Patakaran ng Estado na itaguyod ang
Komprehensibong Programa sa Repormang Pansakahan (CARP). Ang
kapakanan ng mga magsasakang walang lupa at mga manggagawa sa bukid
ay bibigyan ng pangunahing pagsasaalang-alang upang mapaunlad ang
katarungang panlipunan at mapasulong ang bansa tungo sa mahusay na
pagpapaunlad ng kanayunan at industriyalisasyon at ang pagtatatag
ng may-ari/nagbubungkal ng katamtamang sukat ng lupa bilang batayan
ng pagsasaka sa Pilipinas.Tungo sa layuning ito, isang higit na
makatwirang pamamahagi at pagmamay-ari ng lupa, na may nararapat na
pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng may-ari ng lupa sa
makatarungang bayad at pang-ekolohiyang pangangailangan ng bansa,
ay isasagawa upang mabigyan ang mga magsasaka at manggagawa sa
bukid ng pagkakataong mapataas ang kanilang dignidad at mapabuti
ang uri ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng higit na
pagkaproduktibo ng mga lupang pansakahan.Ang programang repormang
pansakahan ay nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at regular na
mga manggagawa sa bukid, na walang mga lupa, na tuwiran o
sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o sa
kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng
karapatang kaparte sa mga bunga niyon. Tungo sa layuning ito, dapat
mapasigla at maisagawa ng Estado ang makatwirang pamamahagi ng
lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga prayoriti at
sa matitirang sukat na itinakda ng Batas na ito, na
nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya,
pangkaunlaran, at pagkamakatarungan, at batay sa pagbabayad ng
makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng
maliliit na may-ari ng lupa, at dapat maglaan ng mga insentibo para
sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa.Dapat kilalanin ng Estado ang
karapatan ng mga magsasaka, mga manggagawa sa bukid, at mga may-ari
ng lupa, gayundin ng mga kooperatiba at iba pang malayang samahan
ng mga magsasaka, na lumahok sa pagpaplano, pagbuo, at pamamahala
ng programa, at dapat maglaan ng suporta sa pagsasaka at
pamamagitan ng angkop na teknolohiya at pananaliksik, sapat na
salaping panustos, tulong sa produksiyon at pagsasapamilihan at iba
pang mga tulong na suporta.Dapat ipatupad ng Estado ang mga
simulain ng repormang pansakahan, o pamamahala, kailanma't
mapaiiral, nang naaalinsunod sa batas sa pamamahagi o paggamit ng
iba pang mga likas na kayamanan, kasama ang mga lupaing pambayan,
na angkop sa pagsasaka sa ilalim ng pamumuwisan o konsesyon, batay
sa mga karapatang nauuna, mga karapatan sa homestead ng maliliit na
nananahanan at mga karapatan ng katutubong mga pamayanan sa
kanilang minanang mga lupain.Maaaring ipanahanan ng Estado ang mga
magsasakang walang lupa at mga manggagawa sa bukid sa sarili nitong
mga lupaing pansakahan, na ipamamahagi sa kanila sa paraang
itinatakda ng batas.Sa pamamagitan ng nararapat na insentibo, dapat
hikayatin ng Estado ang pagbuo at pagpapanatili ng katamtamang
sukat ng sakahan para sa pamilya na bubuuin ng indibidwal na
benepisyaryo at maliit na may-ari ng lupa.Dapat pangalagaan ng
Estado ang mga karapatan ng mga mangingisdang ito lamang ang
ikinabubuhay lalo na ang mga lokal na pamayanan, upang sila ang
tanging makinabang sa kayamanan sa tubig at pangingisda na para sa
lahat, kapwa sa mga tubigang panloob at sa dagat. Maglalaan ng
tulong sa gayong mga mangingisda sa pamamagitan ng nararapat na
teknolohiya at pananaliksik, sapat na tulong sa pananalapi,
produksyon at pagsasapamilihan at iba pang mga lingkuran. Dapat din
pangalagaan, paunlarin at pagyamanin ng Estado ang mga nasabing
likas na kayamanan. Dapat ding mapangalagaan para sa kapakanan ng
maliliit na mangingisda ang ating mga karagatan laban sa pagpasok
ng mga dayuhan. Ang mga mangingisda ay dapat tumanggap ng
makatwirang kaparte mula sa kanilang pagtatrabaho sa pakinabang sa
mga kayamanan sa tubig at pangingisdaan.Ang Estado ay dapat
patnubayan ng simulain na ang lupa ay may dapat gampanang
tungkuling panlipunan at ang pagmamay-ari ng lupa ay may
pananagutang panlipunan. Ang mga may-ari ng lupang sakahan ay may
tungkuling linangin nang tuwiran o sa pamamagitan ng pamamahala sa
paggawa ng lupang kanilang ari at sa gayon ay maging produktibo ang
lupa.Dapat maglaan ang Estado ng mga insentibo sa mga may-ari ng
lupa sa pamumuhunan ng tinanggap na kabayaran sa programa sa
repormang pansakahan upang itaguyod ang industriyalisasyon, lumikha
ng mga hanapbuhay at isapribado ang mga negosyo ng sektor publiko.
Ang mga kasangkapang pampananalapi na ginamit na kabayaran para sa
mga lupain ay nagtataglay ng katangian na nakadaragdag sa pagbibili
at tinatanggap sa pamilihan.Maaaring paupahan ng Estado ang mga
nakatiwangwang na lupaing pambayan samga kwalipikadong entity para
sa pagpapaunlad ng sakahang malalaki ang puhunan at pagtatanim ng
tradisyunal at paunang pananim lalo na yaong iniluluwas na
sasailalim ng naunang mga karapatan ng mga benepisyaryo alinsunod
sa Batas na ito.SEKSIYON 3.Mga Kahulugan. Para sa layunin ng Batas
na ito, maliban kung may ibang ipinahihiwatig ang nilalaman:(a)Ang
Repormang Pansakahan ay nangangahulugan ng muling pamamahagi ng mga
lupain, maging anuman ang mga pananim o inaaning bunga, sa mga
magsasaka at mga regular na manggagawa sa bukid na walang lupa, na
hindi isinasaalang-alang ang kaayusan ng pagmamay-ari, kalakip ang
kabuuang batayan at tulong na paglilingkod na nilalayon upang
mapataas ang kalagayang pangkabuhayan ng mga benepisyaryo at lahat
ng iba pang kaayusang maaaring mapagpipilian sa muling pamamahagi
ng mga lupain, gaya ng produksyon o pagpaparti ng kita,
pangangasiwa sa paggawa, at ang pamamahagi ng saping puhunan, upang
matanggap ng mga benepisyaryo ang makatwirang kaparti ng bunga ng
kanilang lupang nilinang.(b)Agrikultura, Mga Negosyong
Pang-agrikultura o mga Gawaing Pang-agrikultura ay nangangahulugan
ng paglinang ng lupa, pagtatanim ng mga halaman, pagpapalaki ng mga
bungang-kahoy, paghahayupan, pagmamanukan o palaisdaan, kabilang na
ang pag-aani ng mga produktong pansakahan, at iba pang mga gawain
sa bukid at kinaugaliang isinasagawa ng mga taong likas o huridikal
man.(k)Ang Lupang Agrikultural ay tumutukoy sa mga lupang laan
lamang sa mga gawaing pang-agrikultura na gaya ng ipinaliliwanag sa
Batas na ito at hindi inuuri bilang lupang mineral, kagubatan,
panahanan, komersiyal o industriyal.(d)Ang Sigalutang Pansakahan ay
tumutukoy sa anumang alitan na kaugnay sa kaayusan ng pagmamay-ari,
maging pamumuwisan, kasama, stewardship o pamamahala o iba pa,
dahil sa mga lupang nakalaan sa agrikultura, kabilang din ang
sigalutan hinggil sa mga samahan o kinatawan ng mga manggagawa sa
bukid, sa pakikipagkasundo, pagtatakda, pagpapanatili, pagbabago o
nagsisikap na maayos ang mga tadhana o mga kondisyon ng gayong
kaayusan ng pagmamay-ari.Kabilang dito ang anumang alitan na
nauugnay sa kabayaran ng mga lupang natamo alinsunod sa Batas na
ito at iba pang mga tadhana at mga kondisyon ng paglilipat ng
pagmamay-ari mula sa may-ari ng lupa tungo sa mga manggagawa sa
bukid kasama at iba pang mga benipisyaryo ng repormang pansakahan,
kahit ang magkabilang panig ay malapit ang ugnayan sa tagapangasiwa
at benipisyaryo, may-ari ng lupa, at kasama o nagpapabuwis at
namumuwisan.(e)Ang nakatiwangwang o pinabayaang lupa ay tumutukoy
sa alinmang lupang sakahan na tuluyang hindi nililinang,
binubungkal o pinauunlad upang makapag-ani ng anumang pananim o
hindi inilalaan sa anumang tanging layuning pangkabuhayan sa loob
ng tatlong (3) taon kagyat bago matanggap ang patalastas ng
pagkatamo ng pamahalaan gaya ng itinatakda sa Batas na ito, subalit
hindi kabilang ang mga lupaing naging permanente o palagiang
nakalaan sa mga layuning hindi pansakahan. Hindi kabilang ang
lupaing hindi naging produktibo sanhi ng mga pangyayaring hindi
maiiwasan, sa pasubali na bago ang nasabing pangyayari, ang lupain,
ay dating ginagamit na sakahan o sa iba pang layuning
pangkabuhayan.(f)Ang Magsasaka ay tumutukoy sa likas na tao na ang
Pangunahing hanapbuhay ay ang paglinang ng lupa o pagtanim ng mga
pananim pansakahan, sa kanyang sarili o sa tulong ng kanyang
malalapit na kasambahayan, maging ang lupain ay pag-aari niya, o
pag-aari ng ibang tao sa kaayusang pamumuwisan o kasamang partihan
o sa anumang pakikipag-ayos sa may-ari nito.(g)Ang Manggagawa sa
bukid ay likas na tao na nagkakaloob ng paglilingkod na binabayaran
bilang isang kawani o manggagawa sa isang negosyong pansakahan o
sakahan na hindi isinasaalang-alang kung ang kanyang pasahod ay
arawan, lingguhan, buwanan o pakyawan. Ang kabilang sa katuturang
ito ay ang isang indibidwal na ang gawain ay natigil sanhi ng o
kaugnay ng isang nabibinbing alitang pansakahan at hindi nakatagpo
ng katumbas at regular na empleo sa sakahan.(h)Ang Regular na
Manggagawa sa Bukid ay isang likas na taong nagtatrabaho nang
permanente sa isang gawaing pang-agrikultura o sakahan.(i)Ang
Pana-panahong Manggagawa sa Bukid ay isang likas na taong
nagtatrabaho nang paulit-ulit o pana-panahon sa isang gawaing
pang-agrikultura o sakahan, maging permanente o permanenteng
manggagawa gaya ng "dumaan", sacada, at iba pang katulad
nito.(l)Ang iba pang Manggagawa sa Bukid ay yaong manggagawa na
hindi kabilang sa talata (g), (h) at (i).(n)Ang kooperatiba ay
tumutukoy sa mga samahan na binubuo sa una-una ng mga maliit na
prodyuser na pang-agrikultura, magsasaka, mga manggagawa sa bukid,
o iba pang mga benepisyaryo ng repormang pansakahan na kusang
nagsama-sama para sa layuning pagsama-samahin ang puhunang lupain,
tao, teknolohiya, salapi o iba pang mga mapagkukunang
pang-kabuhayan, at pinaiiral sa panuntunan na isang kasapi, isang
boto. Ang isang huridikal na tao ay maaaring maging kasapi ng
kooperatiba, na mayroon rin mga karapatan at tungkuling bilang
isang likas na tao.KABANATA IISaklawSEKSIYON 4.Lawak. Ang Batas sa
Komprehensibong Repormang Pansakahan ng 1988 ay dapat sumaklaw sa
lahat ng mga lupang agrikultural na pampubliko at pribado, ano pa
man ang kaayusan sa pagmamay-ari at inaani, ayon sa itinatadhana sa
Proklamasyon Blg. 131 at Kautusang Tagapagpaganap Blg. 229, kasama
ang iba pang mga lupaing pambayan na angkop sa agrikultura.Ang mga
sumusunod na mga lupain ay tiyakang saklaw ng Komprehensibong
Programa sa Repormang Pansakahan:(a)Lahat ng nalilipat at
naipamamahaging lupaing pambayan na laan sa o angkop sa
agrikultura. Walang isasagawang muling pag-uuri ng lupang kagubatan
at minahan tungo sa lupang sakahan pagkaraang mapagtibay ang Batas
na ito hangga't mapagpapasyahan ng Kongreso, sa pamamagitan ng
batas na nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya,
pangkaunlaran, at pagkamakatarungan, ang tiyak na katakdaan ng
lupaing pambayan.HCaIDS(b)Lahat ng mga lupaing pambayan na labis sa
tiyak na limit na itinakda ng Kongreso sa naunang talata.(c)Lahat
ng iba pang lupaing pag-aari ng Pamahalaan na laan sa o angkop sa
agrikultura; at(d)Lahat ng mga pribadong lupain na laan o angkop sa
agrikultura anuman ang inaaning produkto o maaaring anihin
doon.SEKSIYON 5.Iskedyul ng Implementasyon. Ang pamamahagi ng lahat
ng lupaing saklaw ng Batas na ito ay dapat kagyat na ipatupad at
tatapusin sa loob ng sampung (10) taon mula sa pagkakabisa
nito.SEKSIYON 6.Mga Retensyon Limit. Maliban kung may naiibang
itinatadhana sa Batas na ito, walang sinumang tao ang maaaring
magmay-ari o magpanatili, tuwiran o di-tuwiran, ng anumang lupang
pang-agrikultura na pambayan o pampubliko, ang sukat nito ay
mag-iiba-iba alinsunod sa mga salik na kailangan para sa isang
sukat ng bukid na pampamilya, gaya ng inaaning kalakal, lupain,
imprastraktyur, at katabaan na itatakda ng Pampanguluhang
Sanggunian sa Repormang Pansakahan (PARC) na nilikha alinsunod
dito, subalit walang pangyayari na ang matitira sa may-ari ng lupa
ay hihigit sa limang (5) ektarya. Tatlong (3) ektarya ang
ipagkakaloob sa bawat anak ng may-ari ng lupa, na sasailalim sa
sumusunod na mga kwalipikasyon: (1) na siya'y labinlimang (15)
taong gulang man lamang; at (2) na aktuwal niyang binubungkal ang
lupa o tuwirang pinamamahalaan ang bukid; sa Pasubali, Na ang mga
may-ari ng lupa ay saklaw ng Atas ng Pangulo Blg. 27 ay dapat
pahintulutang manatili sa kanila ang lupa alinsunod dito: Sa
Pasubali pa, Na ang orihinal na pinagkalooban ng homestead o ang
tuwirang sapilitang tagapagmana na siya pang may-ari ng orihinal na
homestead sa panahon ng pagpapatibay ng Batas na ito ay siya pa
ring may-ari ng dating sukat hanggang sa ipinagpapatuloy nila ang
paglinang sa nasabing homestead.Ang karapatang pumili sa lugar na
ititira, na kailangan ay karatig o kalapit, ay nauukol sa may-ari
ng lupa; Sa pasubali, gayunpaman na sa pangyayari na ang lawak na
napili para itira ng may-ari ng lupa ay may kasama, maaaring mamili
ang kasama kung siya ay mananatili doon o maging benepisyaryo doon
din o ng iba pang lupang sakahan na may gayunding katangian.
Sakaling pinili ng kasama ang manatili sa natirang lupa, siya ay
ipapalagay na nangungupahan at mawawala ang kanyang karapatan na
maging benepisyaryo alinsunod sa Batas na ito. Sa pangyayari na
pinili ng kasama na maging benepisyaryo sa ibang lupang sakahan,
mawawala ang kanyang karapatan bilang isang nangungupahan sa lupang
itinira ng may-ari ng lupa. Dapat gamitin ng kasama ang kanyang
karapatan na mamili sa loob ng isang (1) taon mula sa panahon na
ipabatid ng may-ari ng lupa ang napili niyang lupa para itira.Sa
lahat ng pangyayari, dapat igalang ang katatagan ng pagmamay-ari ng
mga magsasaka o manggagawa sa bukid sa lupa bago pinagtibay ang
Batas na ito.Sa sandaling magkabisa ang Batas na ito, anumang
pagbibili, pamamahagi, pamumuwisan, kasunduan sa pamamahala o
paglilipat ng pribadong mga lupa na isinagawa ng orihinal na
may-ari na labag sa Batas na ito ay walang bisa: Sa pasubali,
gayunman, Na yaong isinagawa bago ang Batas na ito ay magkakaroon
lamang ng bisa kapag ipinatala sa Patalaan ng mga Kasulatan sa loob
ng tatlong (3) buwan pagkatapos ng pagkakabisa ng Batas na ito.
Pagkatapos nito, patatalastasan ng Patalan ng mga Kasulatan ang DAR
sa loob ng tatlumpung (30) araw ng anumang transaksyon hinggil sa
mga lupaing sakahan na labis sa limang (5) ektarya.SEKSIYON 7.Mga
Prayoriti. Ang DAR sa pakikipagugnayan sa (PARC) Pampanguluhang
Sanggunian sa Repormang Pansakahan ay dapat magplano at isaprograma
ang pagtatamo at pamamahagi ng lahat ng lupaing sakahan sa loob ng
sampung (10) taon pagkaraan ng pagkakabisa ng Batas na ito. Ang mga
lupa ay dapat matamo at maipamahagi gaya ng sumusunod:Unang Bahagi:
Ang mga palayan at maisan sa saklaw ng Atas ng Pangulo Blg. 27;
lahat ng nakatiwangwang o pinabayaang lupa; lahat ng pribadong
lupaing kusang ipinagkaloob ng may-ari para sa repormang
pansakahan; lahat ng mga lupaing nailit ng mga institusyong sa
pananalapi ng pamahalaan; lahat ng mga lupaing natamo ng
Pampanguluhang Komisyon sa Mabuting Pamamahala (PCGG); at lahat ng
mga lupaing pag-aari ng pamahalaan na laan sa o angkop sa
agrikultura, na dapat matamo at kagyat na ipamahagi sa sandaling
magkabisa ang Batas na ito, na ang pagpapatupad ay tatapusin nang
hindi hihigit sa apat (4) na taon.Ikalawang Bahagi: Lahat ng mga
maililipat at maipamamahaging pambayang lupang sakahan; lahat ng
nabubungkal na lupang sakahan na agro-forest, pastulan at
pamumuwisang pansakahan na nilinang na at natamnan na ng mga
pananim alinsunod sa Seksiyon 6, Artikulo XIII ng Konstitusyon;
lahatang lupang sakahang pambayan na bubuksan para sa bagong
pagpapaunlad at muling pananahanan; lahat ng pribadong lupang
sakahan na higit sa limampung (50) ektarya, kung ang labis na mga
ektarya ang tinutukoy, upang unang maipatupad ang karapatan ng mga
magsasaka at regular na mga manggagawa sa bukid, na walang lupa, na
magmay-ari nang tuwiran o sama-sama ng lupang kanilang sinasaka, na
kagyat na dapat ay ipamamahagi sa sandaling magkabisa ang Batas na
ito, na ang pagpapatupad ay tatapusin nang hindi hihigit sa apat
(4) na taon.Ikatlong Bahagi: Lahat ng iba pang pribadong lupang
pansakahan na magsisimula sa malaking aring lupain at kasunod ang
katamtaman at maliliit na aring lupain sasailalim ng sumusunod na
iskedyul:(a)Mga aring lupain higit sa dalawampu't apat (24) na
ektarya hanggang sa limampung (50) ektarya, na magsisimula sa
ikaapat (4th) na taon mula sa pagkakabisa ng Batas na ito at
tatapusin sa loob ng tatlong (3) taon; at(b)Mga aring lupain mula
sa retensyon limit hanggang sa dalawampu't apat (24) na ektarya, na
magsisimula sa ikaanim (6th) na taon mula sa pagkakabisa ng Batas
na ito at matatapos sa loob ng apat (4) na taon; unang maipatupad
ang karapatan ng mga magsasaka at mga regular na manggagawa sa
bukid na walang lupa na nagmay-ari ng tuwiran o sama-sama ng mga
lupang kanilang sinasaka.Ang iskedyul ng pagtatamo at muling
pamamahagi ng lahat ng lupang agrikultural na saklaw ng programang
ito ay gagawin alinsunod sa nabanggit sa itaas na mga prayoriti, na
itatakda sa mga tuntunin ng pagpapatupad na ihahanda ng
Pampanguluhang Sanggunian Sa repormang Pansakahan (PARC), na
isasaalang-alang ang mga sa mga magsasaka sa lalong madaling
panahon; ang pangangailangan upang madagdagan ang produktibo
pang-agrikultura; at pagkakaroon ng laang mga pondo at mapagkukunan
upang maipatupad at maitaguyod ang programa.Sa anumang pangyayari,
maaring ipahayag ng PARC, sa tagubilin ng Panlalawigan Komite na
Nag-uugnay ng Repormang Pansakahan (PARCCOM), ang ilang mga
lalawigan o rehiyon bilang pook na bibigyan ng prayoriti sa reporma
sa lupain, nang sa gayon ang pagtatamo at pamamahagi ng mga
pribadong lupang agrikultura ay maipatutupad ng mas maaga kaysa sa
iskedyul sa itaas.Upang maipatupad ang paglilipat alinsunod sa mga
patnubay na ito, kailangan bigyan ng prayoriti ang mga lupang may
kasama.Ang Panguluhang Sanggunian sa Repormang Pansakahan (PARC) ay
bubuo ng mga patnubay sa pagpapatupad ng mga nabanggit na prayoriti
at panukala sa pamamahagi, kabilang na ang pagtiyak kung sino ang
kwalipikadong mga benepisyaryo: Sa pasubali, Na ang may-aring
nagbubungkal ng lupa ay maaring maging benepisyaryo ng lupa na
hindi niya pag-aari subalit aktuwal niyang nilinang ang lawak ng
pagkakaiba ng sukat ng lupang kanyang pag-aari at ang ipagkakaloob
na tatlong (3) ektarya.SEKSIYON 8.Mga Korporasyon Multinasyonal.
Lahat ng lupaing bayan na inuupahan, hawak o ari ng mga korporasyon
o asosasyong multinasyonal at iba pang mga lupang pag-aari ng
pamahalaan o ng mga korporasyon ari kontrolado ng pamahalaan, mga
asosasyon, institusyon, o entidad, na laan sa umiiral na
agri-business o mga negosyong agro-industrial, na pinamamahalaan ng
mga korporasyon at asosasyong multinasyonal, ay dapat isaprograma
para sa kagyat na pagtatamo at pamamahagi sa sandaling magkabisa
ang Batas na ito, na ang pagpapatupad ay tatapusin sa loob ng
tatlong (3) taon. Ang mga lupang saklaw ng talatang kagyat na
sinundan, alinsunod sa kontrata ng pamumuwisan, pamamahala,
pagtatanim o paglilingkod, at iba pang katulad, ay dapat ipamahagi
gaya ng sumusunod:(a)Mga Kontrata sa pamumuwisan, pamamahala,
pagtatanim o paglilingkod nasumasaklaw sa nabanggit na lupain na
may kabuuang lawak na mahigit sa 1,000 ektarya ay ituturing na
sinusugan upang umalinsunod sa itinakdang limit sa seksyon 3 ng
Artikulo XII ng Konstitusyon.(b)Mga kontrata na sumasaklaw sa mga
lawak na hindi hihigit ng 1,000 ektarya, sa pangyayari na ang mga
nabanggit na tao, ay pahihintulutang magpatuloy sa ilalim ng
orihinal na mga tadhara at kondisyon subalit hindi lalampas ng
Agosto 29, 1992, o ang kanilang balidong pagtatapos, alinman ang
mas maaga, na pagkaraan nito, ang nabanggit na mga kasunduan ay
dapat magpatuloy lamang kapag pinagtibay ng nararapat na ahensya ng
pamahalaan. Gayon din ang mga kontrata ay dapat magpatuloy kahit
ang lupain ay nailipat na sa mga benepisyaryo o mga pinagkalooban
nito, na ang paglilipat ay kagyat na magsisimula at ipatutupad, at
tatapusin sa loob ng tatlong (3) taon na mga binanggit sa talata 1
nito.(c)Walang gayon mga pagpapaupa at iba pang kasunduan na
ipinatutupad sa kasalukuyan ang lalampas ng Agosto 29, 1992, kung
saan ang lahat ng tinutukoy na lupain ay ganap ng naipamahagi sa
mga kwalipikadong benepisyaryo o pinagkalooban.Ang gayon mga
kasunduan ay maaaring magpatuloy lamang sa ilalim ng bagong
kontrata sa pagitan ng pamahalaan o ng kwalipikadong benepisyaryo o
pinagkalooban, sa isang panig at ang nasabing bahay-kalakal sa
kabilang panig.Ang mga lupang inuupahan, hawak o pag-aari ng mga
korporasyong multinasyonal, pag-aari ng mga pribadong tao at ng mga
pribadong korporasyon na di ari ng pamahalaan, mga asosasyon,
institusyon at entidad, mga mamamayan ng Pilipinas, ay sasailalim
ng kagyat na sapilitang pagkuha at pamamahagi sa sandaling magwakas
ang kontrata sa pag-upa, pamamahala, pagtatanim o paglilingkod na
nagkabisa noong Agosto 29, 1987, kung hindi, sa balidong
pagwawakas, alinman ang mauna, subalit hindi lalampas ng sampung
(10) taon kasunod ng pagkakabisa ng Batas na ito. Gayunman, sa
panahon ng nabanggit na pagkakabisa, ang pamahalaan ay magsasagawa
ng mga hakbang upang matamo ang mga lupang ito para sa kagyat na
pamamahagi.Sa pangkalahatan, ang mga lupain ay dapat ipamahagi ng
tuwiran sa mga indibidwal na manggagawa-benepisyaryo. Sakaling
hindi ito maisagawa at ang paghahati ay hindi sapat na ikabubuhay,
dapat silang bumuo ng isang kooperatiba o asosasyon ng mga
manggagawa na siyang makikipag-ugnay sa mga korporasyon o asosasyon
pangnegosyo o sa sinumang nararapat na pangkat para makipagkasundo
sa pag-upa o pagtatanim at para sa lahat ng iba pang lihitimong
layunin. Hanggang sa magkaroon ng isang bagong kasunduan ang
kooperatiba o asosasyon ng mga manggagawa at ang korporasyon o
asosasyon pangnegosyo o alinmang iba pang nararapat na pangkat, ang
anumang kasunduan na umiiral sa panahong magkabisa ang Batas na ito
sa pagitan ng dati at ang naunang may-ari ng lupain ay igagalang ng
kapwa asosasyon ng mga manggagawa at o iba pang nararapat na panig.
Walang pangyayari na ang pagpapatupad o paggamit ng Batas na ito ay
magbibigay-katwiran o magbubunga ng pagbaba sa kalagayan o
pagkabawas ng anumang pakinabang na tinatanggap o tinatamasa ng mga
manggagawa-benepisyaryo, o may kaloob silang karapatan, sa panahon
na magkabisa ang Batas na ito.Ang mga tadhana ng Seksiyon 32 ng
Batas na ito, na hinggil sa produksyon at partihan ng kita ay dapat
sundin sa mga bukirin na pinamamahalaan ng mga korporasyong
multinasyonal.Sa panahon ng pagbabago ng kalagayan, dapat tulungan
ang bagong may-ari sa kanilang pagsisikap upang matutuhan ang mga
bagong teknolohiya sa produksyon. Ang mga bahay-kalakal na
nagpapakita ng pagnanais at kapangakuan at katapatan na kusang
ibahagi ang gayong makabagong teknolohiya ay bibigyan ng unang
pagsasaalang-alang.Walang pangyayari na ang isang dayuhang
korporasyon, asosasyon, entidad o indibidwal ay magtatamasa ng
anumang karapatan o mga pribilehiyo na higit sa tinatamasa ng isang
lokal na korporasyon, asosasyon, entidad o indibidwal.SEKSIYON
9.Mga Minanang Lupain. Para sa layunin ng Batas na ito, ang mga
minanang lupain ng bawat katutubong pamayanang kultural ay
kabibilangan, subalit hindi natatakdaan sa, mga lupaing aktwal,
patuloy at hayagan pagmamay-ari at inookupahan ng pamayanan at mga
miyembro nito; Sa pasubali, na dapat igalang ang Torrens System.Ang
karapatan ng pamayanang ito sa kanilang mga minanang lupain ay
dapat pangangalagaan upang matiyak ang kanilang kagalingan
pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura. Alinsunod sa mga
panuntunan ng sariling pagpapasiya at awtonomi, dapat kilalanin at
igalang ang sistema sa pagmamay-ari ng lupain, paggamit ng lupain,
at ang mga pamamaraan sa paglutas ng mga alitan sa lupain ng lahat
ng pamayanang ito.Sa kabila ng nasasalungat na tadhana ng batas,
maaaring pigilin ng PARC ang pagpapatupad ng Batas na ito hinggil
sa mga minanang lupain para sa layunin ng pagkilala at paglalarawan
ng mga nabanggit na lupain: Sa pasubali, Na sa mga nagsasariling
rehiyon, ang kani-kanilang mga lehislatura ay maaaring magpatibay
ng sarili nilang batas hinggil sa minanang lupaing bayan saklaw ng
mga tadhana ng Konstitusyon at ang mga panuntunang ipinahayag sa
Batas na ito at iba pang mga batas pambansa.SEKSIYON 10.Mga
Eksemsyon at Eklusyon. Ang mga lupaing aktwal, tuwiran at tanging
ginagamit at natuklasang kailangan para sa parke, buhay-ilang,
laang kagubatan, pagmumulinggubat, kanlungan ng isda at palabian,
mga watershed at bakawan, tanggulang-bansa, mga pook at kampus ng
paaralan kabilang ang mga eksperimental na bukid na pinamamahalaan
ng mga paaralang bayan at pribado para sa mga layuning
pang-edukasyon, sentro ng pananaliksik at pamulang produksyon ang
mga buto at binhi, lugar ng simbahan at kumbento, at kaugnay nito,
mosque at sentro ng Islam, at kaugnay nito, libingan, para sa
lahat, mga kolonya penal at bukirin penal na aktwal na nililinang
ng mga bilanggo, mga sentro ng pananaliksik at kwarantina na
pampamahalaan at pribado at lahat ng mga lupain na may labinwalong
porsiyento (18%) dahilig at higit pa, maliban yaon mga napaunlad
na, ay hindi na saklaw ng Batas na ito.SEKSIYON 11.Sakahang
Pangkomersiyal. Ang mga sakahang pangkomersyal, na pribadong mga
lupaing pang-agrikultura na laan sa mga pangkomersyal na
paghahayupan, pagmamanukan at babuyan, at acquaculture kabilang ang
asinan, palaisdaan at pangisdaan ng sugpo, taniman ng mga bulaklak,
at kakao, kape at taniman ng goma, ay saklaw ng kagyat na
sapilitang pagtamo at pamamahagi pagkaraan ng sampung (10) taon
mula magkabisa ang Batas na ito. Sa kalagayan ng mga bagong
sakahan, ang panahon na sampung taon ay magsisimula sa unang taon
ng produksyon at pagpapalakad pangkomersyo, na titiyakin ng DAR. Sa
panahon ng sampung taon, pasisimulan ng pamahalaan ang mga
kinakailangan hakbang, na matamo ang mga lupaing ito sa sandaling
mabayaran ng makatwirang bayad para sa lupa at sa mga mahora dito,
higit sa kapakinabangan ng mga naitatag na sa mga kooperatiba at
asosasyon, na siyang mamamahala pagkaraan rito ng mga nabanggit na
lupain para sa mga manggagawa-benepisyaryo.Kung pagpapasiyahan ng
DAR na ang mga layunin para sa ipinagkaloob ng pagpapaliban ay
hindi na umiiral, ang ganitong mga lawak ay awtomatikong sasailalim
sa muling pamamahagi.Ang mga tadhana sa Seksiyon 32 ng Batas na
ito, na hinggil sa produksyon at pagpaparti ng kita, ay susundin sa
pagsasakang pangkomersyal.KABANATA IIIPagpapabuti Ng Ugnayan Sa
Pagmamay-Ari At PaggawaSEKSIYON 12.Pagtitiyak sa Pag-upa. Upang
mapangalagaan at mapabuti ang kalagayang pagmamay-ari at
pangkabuhayan ng mga magsasaka sa mga lupaing may kasama sa ilalim
ng retensyon limit at mga lupang hindi pa natatamo alinsunod sa
Batas na ito, inatasan ang DAR na kagyat na tiyakin at itakda ang
halaga ng pamumuwisan doon alinsunod sa Seksyon 34 ng B.R. Blg.
3844 ayon sa pagkakasusog: Sa pasubali, Na kagyat na magsasagawa ng
pana-panahong pagsusuri at pag-aakma na kaayusan ng upa sa
iba't-ibang pananim, kabilang ang palay at mais, ng iba't-ibang
rehiyong upang mapabuti at mapasulong ang mga kalagayan ng mga
magsasaka, kasama o namumuwisan.SEcAICSEKSIYON 13.Plano sa
Pagpaparti ng Produksyon. Ang alinmang negosyo na pinatutupad ang
pamamaraang itinatakda sa Seksyon 32 nito o nagpapalakad sa ilalim
ng isang pakikipag-sapalarang produksyon, pamumuwisan, kontrata sa
pamamahala o iba pang katulad na kaayusan at ang alinmang bukid na
saklaw ng mga Seksyon 8 at 11 nito ay inaatasang sa pamamagitan
nito na sa loob ng siyamnapung (90) araw mula magkabisa ang batas
na ito, magsagawa ng isang plano sa pagparti ng produksyon,
alinsunod sa mga patnubay na itinakda ng nararapat na ahensiya na
pamahalaan.Wala rito ang ipakakahulugan na pinahihintulutan ang
pagbawas ng anumang mga pakinabang gaya ng sahod, bonus, kaloob na
mga pagliban at mga kalagayan sa paggawa sa mga kawani-benepisyaryo
alinsunod sa umiiral na mga batas, mga kasunduan, at kusang
kaugalian ng bahay-kalakal, ni ang bahay-kalakal at
kawani-benepisyaryo ay hahadlangan na makipagkasundo na may mga
tadhana na higit na pabor sa huli.KABANATA IVPagpapatalaSEKSIYON
14.Pagpapatala ng mga May-ari ng Lupa. Sa loob ng isandaan at
walumpung (180) araw mula magkabisa ang Batas na ito, ang lahat ng
mga tao, likas o huridikal, kabilang ang mga entidad ng pamahalaan,
na nagmamay-ari o nag-aangkin na may-ari ng mga lupaing
pang-agrikultura, maging ito ay nasa kanilang pangalan o sa
pangalan ng iba, maliban doon sa mga nakatala na alinsunod sa
Kautusang Tagapagpaganap blg. 229, na may karapatan sa mga
nabanggit na insentibo na maaring ipagkaloob ng PARC, ay dapat
magharap ng isang pinanumpaang pahayag ng Kagawaran ng Repormang
Pansakahan (DAR) na naglalahad ng mga sumusunod sa
impormasyon:(a)paglalarawan at sukat ng ari-arian;(b)Karaniwang
kabuuang kita mula sa ari-arian sa loob ng tatlong (3) taon;(c)mga
pangalan ng lahat ng mga kasama at manggagawa doon;(d)mga pananim
sa ari-arian at ang lawak ng taniman ng bawat pananim hanggang
Hunyo 1, 1987;(e)ang mga tadhana ng mga pagkakasangla, pamumuwisan,
at mga kontrata sa pamamahala na umiiral hanggang Hunyo 1, 1987;
at(f)pinakahuling pahayag ng halaga sa pamilihan ng lupa na
itinakda ng asesor panlungsod o panlalawigan.SEKSIYON
15.Pagpapatala ng mga Benepisyaryo. Ang DAR sa pakikipag-ugnay sa
Pambarangay na Komite sa Repormang Pansakahan na itinatag alinsunod
sa Batas na ito, ay dapat itala ang lahat ng mga pamumuwisan
pansakahan, mga kasama at manggagawa sa bukid na kwalipikadong
maging benepisyaryo ng CARP. Ang mga posibleng benepisyaryo sa
tulong ng BARC at ng DAR ay magkakaloob ng sumusunod na mga
datos:(a)mga pangalan at miyembro ng kanilang kagyat na
kasambahay;(b)mga may-ari o tagapamahala ng lupaing kanilang
sinasaka at ang haba ng panahon ng kanilang ugnayan sa
pagmamay-ari;(c)pook at lawak ng lupaing kanilang sinasaka;(d)mga
pananim; at(e)kaparti ng ani o halaga ng upa o sahod na
tinatanggap.Isang sipi ng listahan o talaan ng lahat ng posibleng
benepisyaryo ng CARP? sa barangay ang ipapaskel sa bulwagan
barangay, paaralan o sa ibang mga gusaling pambayan sa barangay na
bukas sa makatwirang oras sa lahat upang masuri ng publiko.KABANATA
VPagtamo Ng LupainSEKSIYON 16.Paraan ng Pagtamo ng mga Pribadong
Lupain. Para sa mga layunin ng pagtamo ng mga pribadong lupain, ang
sumusunod na mga pamamaraan ay dapat sundin:(a)Pagkaraan matukoy
ang lupain, dapat patalastasan ng DAR ang mga may-ari, sa
pamamagitan ng personal na paghahati ng sulat o nakarehistrong
sulat, at ipaskel ito sa isang lantad na lugar sa gusali ng
munisipyo at barangay ng pook kung saan naroroon ng ari-arian. Ang
nabanggit na patalastas ay dapat maglaman ng alok ng DAR na bayaran
ng katumbas na halaga alinsunod sa paghahalagang itinatakda sa
Seksyon 17, 18 at iba pang may kinalamang mga tadhana nito.(b)Sa
loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng pagkatanggap ng
nakasulat na patalastas sa pamamagitan ng personal na paghahatid ng
sulat o nakarehistrong sulat, dapat ipaalam ng may-ari, kanyang
tagapamahala o kinatawan sa DAR ang kanyang pagtanggap o pagtanggi
sa alok.(c)Kung tinanggap ng may-ari ng lupain ang alok ng DAR,
babayaran ng Bangko sa Lupa o Land Bank of the Philippines (LBP)
ang may-ari ng lupain sa halaga ng bilihan sa loob ng tatlumpung
(30) araw pagkaraan niyang maisagawa at maibigay ang katibayan ng
paglilipat sa kapakanan ng pamahalaan at ipagkaloob ang katibayan
ng Titulo at iba pang kaugnay na mga dokumento.(d)Sakaling tumanggi
o walang tinanggap na tugon, dapat magsagawa ang DAR ng pangwakas
na usapin pampangasiwaan upang matiyak ang kabayaran para sa lupa
na hinihingi sa may-ari ng lupain, sa LBP at sa iba pang mga
interesadong panig na maghaharap ng katibayan sa loob ng
labinlimang (15) araw pagkatanggap ng patalastas ng tungkol sa
makatwirang kabayaran para sa lupa. Pagkalipas ng naturang panahon,
ang bagay na ito ay ituturing na iniharap na sa pagpapasiya.
Pagpapasyahan ng DAR ang kaso sa loob ng tatlumpong (30) araw
pagkaraan maiharap ito upang pagpasiyahan.(e)Sa sandaling matanggap
ng may-ari ng lupain ang nararapat na kabayaran o, sakaling
tumanggi o walang tugon mula sa may-ari ng lupain, at sa pagkalagak
sa pinakamalapit na bangko na itinakda ng DAR ng kabayan na kas o
LBP bonds alinsunod sa Batas na ito, kagyat na aangkinin ng DAR ang
lupa at hihilingin sa nararapat ng Tagatala ng mga kasulatan na
magbigay ng isang Katibayan ng Paglilipat ng Titulo ng Republika ng
Pilipinas. Pagkaraan nito ay isusunod ng DAR ang muling pamamahagi
ng lupain sa mga kwalipikadong benepisyaryo.(f)Ang sinumang panig
na tutol sa pasiya ay maaaring dumulog sa nararapat na hukuman na
may nararapat na kasaklawan para sa pangwakas na pagtitiyak ng
makatwirang kabayaran.KABANATA VIKabayaranSEKSIYON 17.Pagtitiyak sa
Makatwirang Kabayaran. Sa pagtitiyak ng makatwirang kabayaran,
isasaalang-alang ang halaga ng pagkatamo lupain, ang kasalukuyang
halaga ng katulad na mga ari-arian, ang uri nito, aktwal na gamit
at kita, ang pinanumpaang paghahalaga ng may-ari, ang pahayag ng
bayad sa buwis, at ang pagtatasa na isinagawa ng asesor ng
pamahalaan. Ang mga pakinabang panlipunan at pangkabuhayan ng
naitulong ng mga magsasaka at mga manggagawa sa bukid at ng
Pamahalaan sa ari-arian gayundin ang hindi pagbabayad ng buwis o
pagkakautang na nakuha mula sa alinmang institusyon sa pananalapi
ng pamahalaan sa nabanggit na lupain ay ipalalagay na karagdagang
batayan upang matiyak ang halaga.SEKSIYON 18.Paghahalaga at Paraan
ng Pagbabayad. Dapat bayaran ng LBP ang may-ari ng lupain sa halaga
na maaaring mapagkasunduan ng may-ari ng lupain at ng DAR at ng LBP
alinsunod sa mga batayang itinatakda sa Seksyon 16 at 17 at iba
pang may kinalamang mga tadhana dito, o sa pangwakas na pagtiyak ng
hukuman sa makatwirang kabayaran para sa lupa.Ang pagbabayad na
dapat sa alinman sa sumusunod na mga paraan, ayon sa pinili ng
may-ari ng lupain.(1)Kas na bayaran, alinsunod sa sumusunod na mga
tadhana at kondisyon.(a)Para sa lupaing higit saDalawampu't limang
(25%)
limampung (50) ektarya,porsiyentong kas, ang balanse
kung ang labis na ektaryaay babayaran sa mga
ang paguusapankasangkapang pananalapi ng
pamahalaan na naipagbibili sa
anumang oras.
(b)Para sa mga lupaing higit saTatlumpung porsiyentong (30%)
dalawampu't apat (24) naporsiyentong kas, ang balanse
ektarya hanggang limampungay babayaran sa mga
(50) ektarya.kasangkapang pananalapi ng
pamahalaan na naipagbibili sa
anumang oras.
(c)Para sa mga lupaingTatlumpu't limang porsiyentong
dalawampu't apat na ektarya(35%) kas, ang balanse ay
at pababababayaran sa mga kasangkapang
pananalapi ng pamahalaan na
naipagbibili sa anumang oras.
(2)Mga saping puhunan sa mga korporasyong-ari at kontrolado ng
pamahalaan, mga saping tangi ng LBP, pisikal na ari-arian o iba
pang kwalipikadong pamumuhunan alinsunod sa mga patnubay na
itinakda ng PARC;(3)Tax credit na maaaring gamiting panagot sa
anumang pagkakautang sa buwis;(4)LBP bonds, na nagtataglay ng
sumusunod na mga katangian:(a)Halaga ng tubo sa pamilihan na
kapantay sa interes ng 91-araw na treasury bill. Ang sampung
porsyento (10%) ng nakatalang halaga ng mga bono ay dapat bayaran
taun-taon mula sa petsa ng pag-iisyu hanggang sa ikasampung (10th)
taon; Sa Pasubali ng kung pinili ng may-ari ng lupain na hindi
tanggapin ang bahaging kas, maging buo o bahagi man, siya'y
babayaran ng kaukulang LBP bonds;(b)Maaaring mailipat at
maipagbili. Ang gayon mga bono ng LBP ay maaaring gamitin ng
maylupa, ng kanyang kahalili sa pakinabang o ng kanyang
pinaglipatan, hanggang sa halaga ng kanilang nakatalang halaga,
para sa alinmang sa mga sumusunod:(i)Pagtamo ng lupain o iba pang
mga ari-ariang di-natitinag ng pamahalaan, kasama na ang mga
ari-arian na saklaw ng Programa sa Pagsasapribado ng Ari-arian at
iba pang mga ari-ariang nailit ng mga institusyon sa pananalapi ng
pamahalaan sa lalawigan o rehiyong iyon kung saan naroroon ang
lupaing babayaran ng mga bono;(ii)Pagtamo ng mga saping-puhunan sa
mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o saping-puhunan sa
pribadong mga korporasyon na ari ng pamahalaan;(iii)Pamalit para sa
panagot o piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga taong
akusado, o para sa performance bonds;(iv)Panagot para sa mga utang
ng alinmang institusyon sa pananalapi ng pamahalaan, sa pasubali na
ang makukuha sa pautang ay gagamitin sa negosyong pangkabuhayan,
kung maaari ay sa maliliit at katamtamang industriya, sa lalawigan
o rehiyon iyon kung saan nandoon ang lupain na binabayaran ng mga
bono;TDCAHE(v)Bayad para sa iba't ibang buwis at bayarin sa
pamahalaan: Sa Pasubali, Na ang paggamit ng mga bono para sa
layuning ito ay tatakdaan sa isang tiyak na bahagdan ng natitirang
utang ng kasangkapan sa pananalapi: Sa Pasubali, pa, Na dapat
tiyakin ng PARC ang bahagdan binanggit sa itaas;(vi)Bayad para sa
mga matrikula ng kagyat na pamilya ng orihinal na may-ari ng bono
sa mga unibersidad, kolehiyo, trade schools at iba pang mga
institusyon ng pamahalaan;(vii)Bayad ng mga kagyat na pamilya ng
orihinal na may-ari ng bono sa mga ospital na pampamahalaan;
at(viii)Iba pang ganitong mga gamit na maaaring pahintulutan sa
pana-panahon ng PARC.Sa pangyayaring hindi pangkaraniwang
implasyon, ang PARC ay dapat magsagawa ng mga nararapat na hakbang
upang mapangalagaan ang kabuhayan.SEKSIYON 19. Mga Insentibo sa
Kusang mga Alok sa Pagbili. Ang maylupa, maliban sa mga bangko at
iba pang mga institusyon sa pananalapi, ng kusang mag-alok ng
kanilang mga lupain para ipagbili ay may karapatan sa karagdagang
limang porsyento (5%) bayad na kas.SEKSIYON 20.Kusang Paglilipat ng
Lupain. Ang mga may-ari ng mga lupang sakahan na saklaw ng pagtamo
sa ilalim ng Batas na ito ay maaaring makipagkasundo sa isang
kusang tuwirang paglilipat ng kanilang mga lupain sa mga
kwalipikadong benepisyaryo na saklaw ng sumusunod na mga
patnubay:(a)Ang lahat ng patalastas para sa kusang paglilipat ng
lupain ay dapat iharap sa DAR sa loob ng unang taon ng pagpapatupad
ng CARP. Ang negosasyon sa pagitan ng mga maylupa at kwalipikadong
benepisyaryo na sumasaklaw sa alinmang kusang paglilipat ng lupain
na nananatiling hindi nalulutas pagkaraan ng isang (1) taon ay
hindi dapat kilalanin at sa halip ang mga nabanggit na lupain ay
tatamuhin ng pamahalaan at ililipat alinsunod sa Batas na
ito.(b)Ang mga tadhana at kondisyon ng gayong paglilipat ay hindi
kampi sa naglipat kaysa doon sa alok na pagbili ng pamahalaan mula
sa maylupa at muling ipagbili sa mga benepisyaryo, kung ang
nasabing alok ay lubos na batid at nauunawaan ng magkabilang
panig.(c)Ang kusang kasunduan ay dapat magtaglay ng mga parusa ukol
sa di-pagtupad ng alinmang panig at nararapat na nakatala at
nakamonitor.SEKSIYON 21.Pagbabayad ng mga Benepisyaryo alinsunod sa
Kusang Paglilipat ng Lupain. Ang tuwirang pagbabayad ng kas o
anumang kauri nito ay maaaring gawin ng magsasaka-benepisyaryo sa
maylupa alinsunod sa mga tadhana na magkasamang pinagkasunduan ng
magkabilang panig, na may bisa sa kanila, sa sandaling maipatala at
pagtibayin ng DAR. Ang nababanggit na pagpapatibay ay ipalalagay na
ipinagkaloob, maliban kung may natanggap na patalastas na hindi
pinagtibay ang mga magsasaka-benepisyaryo sa loob ng tatlumpung
(30) araw mula sa petsa ng pagkapatala.Sa pangyayari na hindi sila
magkasundo sa halaga ng lupain, ang pamamaraan para sa sapilitang
pagtamo gaya ng itinatakda ng Seksyon 16 ay susundin. Pauutangin ng
LBP ang mga benepisyaryo para sa mga layuning pagtamo ng
lupain.KABANATA VIIPamamahagi Ng LupainSEKSIYON 22.Mga
Kwalipikadong Benepisyaryo. Ang mga lupaing saklaw ng CARP ay dapat
ipamahagi hangga't maaari sa mga residenteng walang lupa sa
barangay na iyon, o sa mga residenteng walang lupa ng bayang iyon
sa sumusunod na kaayusan ng prayoriti.(a)namumuwisang mga kasama at
kasamang partihan;(b)regular na manggagawa sa
bukid;(c)pana-panahong manggagawa sa bukid;(d)iba pang mga
manggagawa sa bukid;(e)aktwal na naglilinang o omuukupa ng lupaing
bayan;(f)sama-sama o mga kooperatiba ng mga benepisyaryo sa itaas;
at(g)iba pang mga tuwirang nagtatrabaho sa sakahan.Sa Pasubali,
Gayunman, Na ang mga anak ng maylupa na kwalipikado alinsunod ng
Seksyon 6 ng Batas na ito ay bibigyan ng higit na pagtatangi sa
pamamahagi ng lupain ng kanilang mga magulang; At Sa Pasubali, pa,
Na ang mga aktwal na kasamang nagbubungkal sa ari-arian ay hindi
paalisin doon.Ang mga benepisyaryo na saklaw ng Atas ng Pangulo
Blg. 27 na may kasalanang nagbili, ipinamahagi, o inabandona ang
kanilang lupa ay hindi kwalipilikado para maging benepisyaryo
alinsunod sa Programang ito.Ang pangunahing katangian ng isang
benepisyaryo ay ang kanyang kahandaan, at kakayahang linangin at
gawing produktibo hangga't maaari ang lupain. Ang DAR ay dapat
magpatupad ng isang sistema ng pagmomonitor ng rekord o magawa ng
bawat benepisyaryo, ng sa gayon ang sinumang benepisyaryo na
nagpabaya o ginamit ng mali ang lupain o ang alinmang tulong na
ipinagkaloob sa kanya ay mawawalan ng karapatan na magpatuloy
bilang isang benepisyaryo. Dapat magharap ng pana-panahong ulat ang
DAR sa mga nagawa ng benepisyaryo sa PARC.Kung, dahilan sa mga
karapatan retensyon ng maylupa o sa bilang ng mga kasama,
namumuwisan, o manggagawa sa bukid, walang sapat na lupain upang
mabigyan ang sinuman o ilan sa kanila, sila'y maaaring pagkalooban
ng pagmamay-ari ng ibang mga lupain na maaaring ipamahagi alinsunod
sa Batas na ito, sa karapatan ng mga benepisyaryo na mamili.Ang mga
magsasakang maylupa na at yaon mga hindi nabigyan sa pamamahagi ng
mga lupaing pribado bibigyan ng pangunang karapatan sa pamamahagi
ng mga lupain mula sa lupaing bayan.SEKSIYON 23.Limit ng
Pamamahagi. Walang kwalipikadong benepisyaryo ang maaaring
magmay-ari ng higit sa tatlong (3) ektaryang lupang
sakahan.SEKSIYON 24.Pagkakaloob sa mga Benepisyaryo. Ang mga
karapatan at pananagutan ng benepisyaryo ay dapat magsimula sa
sandaling maipagkaloob sa kanya ng DAR ang lupa, na ang pagkakaloob
ay dapat magtapos sa loob ng isang daan at walumpung (180) araw na
magsisimula sa sandaling makuha ng DAR ang aktwal na pagmamay-ari
ng lupain. Ang pagmamay-ari ng benepisyaryo ay patutunayan ng Gawad
ng Katibayan sa Pagmamay-ari ng Lupon, na nagtataglay ng mga
katakdaan at kondisyon na itinatadhana sa Batas na ito, at dapat
nakatala sa kinauukulang Patalaan ng mga Kasulatan at may notasyon
sa Katibayang ng Titulo.SEKSIYON 25.Pinakamalaking Maipagkakaloob
sa Benepisyaryo. Ang mga benepisyaryo ay pagkakalooban ng lawak na
hindi hihigit sa tatlong (3) ektarya, na maaaring karatig na sukat
ng lupa o ilang lagay ng lupa na pagsasamahin ng hanggang sa
itinakdang ipinagkaloob ng limit.Para sa mga layunin ng Batas na
ito, ang isang benepisyaryong walang lupa ay yaong nagmamay-ari ng
wala pang tatlong (3) ektaryang lupang sakahan.Maaaring piliin ng
mga benepisyaryo ang sama-samang pagmamay-ari, gaya ng ka-may-ari o
mga kooperatiba ng mga magsasaka o ilang iba pang uri ng
sama-samang organisasyon; Sa pasubali, Na ang kabuuang lawak na
maaaring ipagkaloob ay hindi hihigit sa kabuuang bilang ka-may-ari
o kasapi ng kooperatiba o sama-samang organisasyon na pinarami ng
pinagkaloob na limit na itinakda sa itaas, maliban sa mga
karapat-dapat na pangyayari na titiyakin ng PARC. Ang titulo ng
ari-arian ay dapat ilagay sa pangalan ng mga ka-may-ari o sa
kooperatiba o sa sama-samang organisasyon alin man ang
pangyayari.SEKSIYON 26.Pagbabayad ng mga Benepisyaryo. Ang mga
lupaing ipinamahagi alinsunod sa Batas na ito ay dapat bayaran ng
mga benepisyaryo sa LBP sa loob ng tatlumpung (30) taunang hulog na
anim (6%) na porsyento ang interes bawat taon. Ang mga bayad para
sa unang tatlong (3) taon pagkaraan ipamahagi ay maaaring sa
binawasang halaga na itinatag ng PARC: Sa Pasubali, Na ang unang
limang (5) taunang pagbabayad ay hindi hihigit sa limang porsyento
(5%) ng halaga ng taunang kita sa produksyon gaya ng itinakda ng
DAR. Sakaling ang iskedyul ng taunang pagbabayad pagkaraan ng
limang taon ay higit sa sampung porsyento (10%) ng taunang kita ng
produksyon at ang pagkabigo na makapag-ani ng naaayon ay hindi
kasalanan ng benepisyaryo, maaaring bawasan ng LBP ang halaga ng
interes o bawasan ang prinsipal na pananagutan upang makayanan ang
mga pagbabayad.Ang LBP ay dapat magkaroon ng angking-legal sa
pamamagitan ng sangla sa lupang ipinagkaloob sa benepisyaryo; at
ang sanglang ito ay maaaring ilitin ng LBP kapag hindi nabayaran
ang kabuuan ng tatlong (3) taunang hulog. Patatalastasan ng LBP ang
DAR hinggil sa mga hakbang nilang isinasagawa at ipagkakaloob ng
huli ang nailit na lupain sa ibang kwalipikadong benepisyaryo. Ang
isang benepisyaryo na ang lupa, gaya ng itinatakda dito, ay nailit
ay pagkaraan nito'y palagiang walang karapatan para maging
benepisyaryo alinsunod sa Batas na ito.SEKSIYON 27.Paglilipat ng
mga Ipinagkaloob na Lupain. Ang mga lupaing natamo ng mga
benepisyaryo alinsunod sa Batas na ito ay hindi maaaring ipagbili,
ilipat o ipagkaloob maliban sa pagkasunud-sunod ng pagmana, o
pamahalaan, o sa LBP, o sa iba pang mga kwalipikadong benepisyaryo
sa loob ng sampung (10) taon: Sa Pasubali, gayunman, Na ang mga
anak o ang asawa ng naglipat ay dapat magkaroon ng karapatan na
muling bilhin ang lupain mula sa pamahalaan o sa LBP sa loob ng
dalawang (2) taon. Dapat patalastasan ng LBP ang Komiting
Pambarangay sa Reporma sa Lupa (BARC) ang barangay kung saan
naroroon ang lupang iyon. Ang Panlalawigang Komite na Nag-uugnay sa
Repormang Pansakahan (PARCCOM), na dito'y itinatadhana, ay dapat na
patalastasan ng BARC tungkol dito.Kung ang lupain ay hindi pa ganap
na nababayaran ng benepisyaryo, ang karapatan sa lupain ay maaaring
ilipat o ipagkaloob, na may paunang pagpapatibay ng DAR, sa
sinumang tagapagmana ng benepisyaryo o sa sinumang iba pang
benepisyaryo na, sa isang kondisyon para sa nabanggit na paglilipat
o pagkakaloob, ay sarili niyang lilinangin ang lupain. Ang hindi
pagtupad dito, malilipat ang lupain sa LBP na magbibigay ng
nararapat na patalastas sa pagtatamo ng lupain sa paraang tiniyak
sa kagyat na naunang talata.Sa pangyayari ng gayon paglilipat sa
LBP, dapat bayaran ng huli ang benepisyaryo nang buo para sa
halagang ibinayad niya, kasama na ang halaga ng mga mehora na
ginawa sa lupain.SEKSIYON 28.Mga Natitirang Pananim sa Panahon ng
Pamamahagi. Dapat manatili ang kaparte ng maylupa sa anumang
natitirang mga pananim na hindi pa naaani sa sandaling makuha ng
DAR ang pagmamay-ari ng lupain alinsunod sa Seksiyon 16 ng Batas na
ito, at dapat bigyan ng makatwirang panahon upang maani ang mga
pananim.KABANATA VIIIMga Sakahang Ari ng KorporasyonSEKSIYON 29.Ang
mga Sakahang Ari o Pinamamahalaan ng mga Korporasyon o ng Iba pang
mga Asosasyong Pangnegosyo. Ang sumusunod ng mga tuntunin ay dapat
na sundin ng PARC sa kalagayan ng mga sakahang pag-aari o
pinamamahalaan ng mga korporasyon o iba pang mga asosasyong
pangnegosyo;Sa pangkalahatan, ang mga lupain ay dapat ipamahagi
nang tuwiran sa mga indibidwal na manggagawa-benepisyaryo.Sakaling
hindi mabubuhay at makabubuti na hatiin ang lupain, sa gayon ito'y
dapat ariing sama-sama ng mga manggagawa-benepisyaryo na bubuo ng
isang kooperatiba o samahan na haharap sa korporasyon o samahang
pangnegosyo. Hanggang walang bagong kasunduan sa pagitan ng
kooperatiba o asosasyon ng mga manggagawa at korporasyon o
asosasyong pangnegosyo, ang anumang kasunduang umiiral sa panahong
nagkabisa ang batas na ito sa pagitan ng dati at ang naunang
may-ari ng lupain ay dapat igalang kapwa ng kooperatiba o asosasyon
ng mga manggagawa at ng korporasyon o asosasyong
pangnegosyo.SEKSIYON 30.Mga Loteng Pantahanan at Loteng Pansakahan
para sa mga kasapi ng Kooperatiba. Ang mga indibidwal na mga kasapi
ng mga kooperatiba o korporasyon binanggit sa sinundang seksyon ay
dapat pagkalooban ng mga loteng pantahan at maliit na loteng
pansakahan para gamitin ng kanilang pamilya, na kukunin mula sa
lupang pag-aari ng kooperatiba o korporasyon.SEKSIYON 31.Mga
Korporasyon Maylupa. Maaaring kusang ilipat ng mga korporasyong
maylupain ang pagmamay-ari ng kanilang mga lupaing sakahan sa
Republika ng Pilipinas alinsunod sa Seksiyon 20 nito o sa mga
kwalipikadong benepisyaryo, na sasailalim, sa gayong mga nabanggit
na mga tadhana at kondisyon, na naaalinsunod sa Batas na ito, na
maari nilang pagkasunduan, na sasailalim ng pagpapatibay ng DAR.Sa
sandaling mapagtibay ng DAR, ang mga korporasyong nagmamay-ari ng
lupang sakahan ay maaaring magloob sa kanilang kwalipikadong
benepisyaryo ng karapatan na mabili ang gayon bahagi ng saping
puhunan ng korporasyon sa lupang sakahan na laan sa mga gawaing
pansakahan, na may kaugnayan sa kabuuan ari-arian ng kompanya,
batay sa mga tadhana at babawasan ang bayad na tinanggap ng mga
manggagawa sa panahon ng pamamahagi ng saping puhunan. Gayundin mga
panuntunan ang dapat sundin sa mga asosasyon hingil sa kanilang
equity o pakikilahok.Ang mga korporasyon o asosasyong nag-alis ng
isang bahagi ng kanilang saping puhunan, equity o pakikilahok sa
kapakanan ng kanilang mga manggagawa o ng iba pang mga
kwalipikadong manggagawa alinsunod sa seksyong ito ay ipalalagay ng
nakatupad sa mga tadhana ng batas na ito: Sa Pasubali, Na ang
sumusunod na mga kondisyon ay nakatupad:CDcaSA(a)Upang
mapangalagaan ang karapatan ng mga benepisyaryo na nagmamay-ari ng
saping puhunan pati dibedendo at iba pang mga pakinabang na
pananalapi, ang libro ng korporasyon o asosasyon ay sasailalim sa
pana-panahong pag-aawdit ng mga certified public accountants na
pinili ng mga benepisyaryo;(b)Na hindi isinaaalang-alang ang halaga
ng kanilang equity sa korporasyon or asosasyon, ang mga
benepisyaryo ay nakatitiyak ng isang (1) kinatawan man lamang sa
lupon ng mga direktor, o sa pangasiwaan o asosasyon; at(c)Anumang
paglilipat ng saping puhunan ng orihinal na mga benepisyaryo ay
dapat pawalang bisa ab initio maliban kung ang nasabing transaksyon
ay sa kapakanan ng isang kwalipikado at nakatalang benepisyaryo sa
korporasyon iyon.(d)Anumang saping puhunan ng orihinal na mga
benepisyaryo ay dapat pawalang bisa ab initio maliban kung ang
nasabing transaksyon ay sa kapakanan ng isang kwalipikado at
nakatalang benepisyaryo sa korporasyon iyon.Kung sa loob ng
dalawang (2) taon mula pagtibayin ang Batas na ito, hindi natupad
ang nilalayong paglilipat ng lupain o sapi na binanggit sa itaas o
ang plano para sa nabanggit na pamamahagi ng sapi ay pinagtibay ng
PARC sa loob ng panahon ding iyon, ang lupang sakahan na pag-aari
ng korporasyon o asosasyon ay sasailalim sa sapilitang pagkasaklaw
ng Batas na ito.SEKSIYON 32.Partihan sa Ani. Habang hinihintay ang
pangwakas na paglilipat ng lupa, ang mga indibidwal o entidad na
nagmamay-ari, o namumuwisan o may kontrata sa pamamahala, ng mga
lupang sakahan ay inaatasan sa pamamagitan nito na magsasagawa ng
isang plano sa partihan ng ani sa kanilang mga manggagawa sa bukid
o sa organisasyon ng mga manggagawa sa bukid, kung mayroon, na ang
tatlong porsyento (3%) ng kabuuang benta mula sa produksyon ng mga
nasabing lupain ay ipamamahagi sa loob ng animnapung (60) araw sa
katapusan ng taong piskal bilang bayad sa mga regular at iba pang
mga manggagawa ng nasabing mga lupain sa karagdagan pa sa
kabayarang kasalukuyang tinatanggap nila: Sa Pasubali, Na ang
kabuuang pinagbilhan ng mga indibidwal o entidad ay higit sa limang
milyong piso bawat taon maliban kung titiyakin ng DAR, ang mababang
ceiling sa pamamagitan ng nararapat na kahilingan.Sa pangyayari na
tumubo ang indibidwal o entidad, may karagdagang sampung porsyento
(10%) ng netong tubo pagkaraang alisin ang buwis ay dapat ipamahagi
sa mga nasabing regular at iba pang mga manggagawa sa bukid sa loob
ng siyamnapung (90) araw sa katapusan ng taong piskal.Upang
maiwasan ang anumang pagkabalam sa normal na operasyon ng mga
lupaing ipagkaloob sa mga manggagawa sa bukid/mga benepisyaryong
binanggit sa itaas, itatag ang isang panahong lilipas, na ang haba
ay titiyakin ng DAR.Sa panahong ito na itinatag ng DAR, isang
porsyento (1%) man lamang ng kabuuang benta ng entidad ay dapat
ipamahagi sa pangkat ng mga mamamahala, superbisor at grupong
teknikal na naroroon na sa panahong magkabisa ang Batas na ito,
bilang kabayaran para sa mga nabanggit na pansamantalang mga
tungkuling pamamahala at teknikal, alinsunod sa kasunduang
isinagawa ng mga manggagawa sa bukid-benepisyaryo at ang pangkat ng
mga namamahala, superbisor at tekniko, na sasailalim sa
pagpapatibay ng DAR.SEKSIYON 33.Bayad ng Sapi sa Kooperatiba o
Asosasyon. Ang sapi sa kooperatiba o asosasyon na natamo ng mga
magsasaka benepisyaryo o mga manggagawa-benepisyaryo ay ganap na
babayaran sa halagang katumbas ng halagang tiniyak sa kagyat na
kasunod na seksyon. Tutulungan ng maylupa at LBP ang mga
magsasaka-benepisyaryo at manggagawa-benepisyaryo sa pagbabayad sa
nasabing sapi sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pautang.SEKSIYON
34.Paghahalaga ng mga Lupain Ang pamamaraan sa paghahalaga para sa
lupain ay dapat buuin ng PARC, na isasaalang-alang ang mga batayang
inisa-isa sa Seksyon 17, bilang karagdagan pa sa pangangailangan na
mapasigla ang pagunlad ng mga kooperatiba at ang layunin itaguyod
ang may pananagutang pakikilahok ng mga manggagawa-benepisyaryo sa
paglikha ng kayamanan.Upang malaman ng PARC ang halaga na hindi
lamang makatwiran sa indibidwal kundi pati sa lipunan, ganap na
sasangguniin nito ang may-ari ng lupain at ang
manggagawa-benepisyaryo.Sakali na hindi nagkasundo, ang halaga na
pinagpasyahan ng PARC, kung tatanggapin ng mga
manggagawa-benepisyaryo, ay dapat sundin, na hindi makapipinsala sa
karapatan ng maylupa na magharap ng petisyon sa Tanging Hukuman
Pansakahan (Special Agrarian Court) upang lutasin ang usapin na
paghahalaga.KABANATA IXLingkurang PantulongSEKSIYON 35.Paglikha ng
Tanggapan ng Lingkurang Pantulong. Sa pamamagitan nito'y nililikha
ang Tanggapan ng Lingkurang Pantulong sa ilalim ng DAR na
pamumunuan ng isang Pangalawang Kalihim.Ang tanggapan ay
magkakaloob ng pangkalahatang tulong at lingkurang
pakikipag-ugnayan sa pagpapatupad ng programa, lalo na sa
pagpapatupad ng mga tadhana ng sumusunod na mga paglilingkod sa mga
magsasaka-benepisyaryo at mga may lupang naapektuhan:(1)Mga
pasilidad sa patubig, lalo na iyong panghaliling pananim o mga
pasilidad sa patubig kung tag-araw;(2)Pagpapaunlad sa inprastrakyur
at mga proyekto sa pagawaing bayan sa mga lugar at panahanan na
saklaw ng repormang pansakahan, at para sa layuning ito, ang
paghahanda ng plano sa pagpapaunlad na pisikal ng nasabing
panahanan na naglalaan ng naangkop na mga lugar ng barangay,
mapagkukunan ng malinis na tubig at koryente, sistema sa patubig at
iba pang pasilidad para sa isang tumpak na plano sa pagpapaunlad
pansakahan;(3)Mga tulong na pananalapi ng Pamahalaan para sa gamit
ng mga pasilidad sa patubig;(4)Importa at garantiya sa presyo para
sa lahat ng aning pansakahan:(5)Pagpapaabot sa mga maliliit na
maylupa, magsasaka at mga samahan ng magsasaka ng kinakailangang
pautang, gaya ng pagpapautang na konsesyonal at walang kolateral,
para sa agro-industrialization batay sa pangkalahatang kolateral
panlipunan gaya ng garantiya ng mga organisasyon ng
magsasaka;(6)Pagpapalaganap, pagpapaunlad at pagpapaabot ng tulong
pananalapi sa mga maliliit at katamtamang laking industriya sa mga
lugar ng repormang pansakahan;(7)Pagtatalaga ng sapat na bilang ng
mga mangagawa sa pagpapalawak ng sakahan sa mga organisasyon ng mga
magsasaka;(8)Pagsasagawa ng pananaliksik, pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa repormang pansakahan at sa
mura at mahusay na mga teknolohiya at mga input pansakahan upang
mabawasan ang pag-asa sa mga mahal at inaangkat na input
pang-agricultura;(9)Pagpapaunlad ng mga kakayahan sa pamamahala ng
kooperatiba sa pamamagitan ng puspusang pagsasanay;(10)Tulong sa
pagkilala ng mga handang pamilihan para sa aning pansakahan at
pagsasanay sa iba pang aspeto ng pagsasapamilihan;
at(11)Pangangasiwa, pamamalakad, pamamahala, at pagtutustos sa mga
programa ng lingkurang pantulong at mga proyekto kabilang na ang
mga panimulang proyekto at huwaran na kaugnay sa repormang
pansakahan na ginawa ng DAR.SEKSIYON 36.Pondo para sa lingkurang
Pantulong. Upang matustusan ang mga gastusin at halaga ng
lingkurang pantulong, ang dalawampu't limang porsyento (25%) man
lamang ng lahat ng laang gugulin para sa repormang pansakahan ay
kagyat na ihihiwalay at gagamitin para sa layuning ito. Karagdagan
dito ang DAR ay bibigyan kapangyarihan na magsagawa ng magkakaugnay
na mungkahi at tumanggap ng mga kaloob, tulong at iba pang uri
tulong na pananalapi mula sa anumang mapagkukunan.SEKSIYON
37.Lingkurang Pantulong sa mga Benepisyaryo. Dapat tiyakin ng PARC
na maipagkakaloob ang mga lingkurang pantulong sa mga
magsasaka-benepisyaryo gaya ng:(a)Pagsarbey at pagtititulo ng
lupain;(b)Pagluluwag sa mga tadhana sa mga pasilidad sa pautang at
utang sa produksyon;(c)Paglilingkod na pagpapalawak sa pamamagitan
ng paglilipat ng teknolohiya sa pagtatanim, paghahalaman,
produksyon at pagkatapos maani, gayundin ang tulong sa
pagsasapamilihan at pamamahala at suporta sa mga kooperatiba at mga
organisasyon ng mga magsasaka;(d)Inprastrakyur gaya ng mga daan,
maliliit na prinsa, mga gamit pambayan, mga pasilidad sa
pagsasapamilihan at pag-iimbak; at(e)Pananaliksik, produksyon at
paggamit ng mga patabang organiko at iba pang mga lokal na sangkap
na kailangan sa pagbubukid at pagtatanim.Dapat bumuo ang PARC ng
mga patakaran upang matiyak na ang mga lingkurang pantulong sa mga
magsasaka benepisyaryo at maipagkakaloob sa lahat ng antas ng
repormang pansakahan.Ang kalihiman ng Bagong Kilusang Kabuhayan sa
Kaunlaran (BKKK) ay ililipat at isasama sa LBP, para sa superbisyon
nito kasama na ang lahat ng magagamit at umiiral na mga pondo,
tauhan, ari-arian, kasangkapan at mga kasulatan.Ang maling paggamit
o paglilinis ng tulong pananalapi at paglilingkod na itinakda dito
ay magbubunga ng pagparusa laban sa nagkasalang benepisyaryo,
kasama na ang pagbawi sa lupang inilipat sa kanya o higit
makapipigil sa paghaharap ng kaukulang sakdal.SEKSIYON
38.Lingkurang Pantulong sa mga Maylupa. Ang PARC sa tulong ng iba
pang ahensiya at kasangkapan ng pamahalaan na maaring mahilingan,
ay dapat magkaloob sa mga maylupang naapektuhan ng CARP at iba pang
naunang mga programa sa repormang pansakahan ng sumusunod na mga
tulong:(a)Tulong sa impormasyon at pagpapayo tungkol sa pamuhunan
at pananalapi;(b)Mga pasilidad, programa at pamamaraan para sa
pagpapalit ng mga bono na ipinalabas para pambayad sa mga lupang
natamo sa pamamagitan ng saping puhunan at bono na ipinagkaloob ng
Pamahalaang Pambansa, ng Bangko Sentral at iba pang mga institusyon
at kasangkapan ng pamahalaan;(c)Pagsasapamilihan ng mga LBP bono,
gayundin ang pagpapalaganap ng pagsasapamilihan ng mga nabanggit na
bono sa mga tradisyonal at di tradisyonal na financial markets at
pamilihan ng saping-puhunan; at(d)Iba pang mga paglilingkod na ang
layunin ay produktibong magamit ang pinagbilhan mula sa nabanggit
na lupain para sa industriyalisasyong pangrural.Ang isang maylupa
na namuhunan sa mga industriyang pangrural ay may karapatan sa
insentibong ipinagkaloob sa isang nakatalang negosyo na nakikilahok
sa isang nangunguna o tanging larangan ng pamumuhunan gaya ng
itinakda sa Omnibus Investment Code of 1987, o sa iba pang mga
insentibong itinatakda ng PARC, ng LBP, o ibang institusyong
pananalapi ng pamahalaan.Dapat tubusin ng LBP ang LBP bonds ng
may-ari ng lupain sa nakatalang halaga sa pasubali na ang kita dito
ay ipamumuhunan sa nakatalang kompanya ang BOI sa alinmang sa mga
negosyong agribusiness o agro-industriya sa rehiyon kung saan ang
maylupain ay may dating pamumuhunan, hanggang sa tatlumpong
porsyento (30%) ng nakatalang halaga ng nasabing LBP bono, na
sasailalim sa mga patnubay na ipalalabas ng LBP.SEKSIYON
39.Pagsasama-sama ng Lupain. Ang DAR ay magsagawa ng mga proyekto
sa pagsasama-sama ng lupain upang mapalaganap ang pantay-pantay na
pamamahagi ng mga ari-arian, makapaglaan ng kinakailangang
inprastrakyur sa agrikultura, at mapanatili ang katabaan ng lupa at
maiwasan ang pagguho ng lupa.KABANATA XMga Pag-Uukulan Ng Tanging
PagpapahalagaSEKSIYON 40.Mga Paguukulan ng Tanging Pagpapahalaga
Bilang isang mahalagang bahagi ng Komprehensibong Programa sa
Repormang Pansakahan, ang sumusunod na mga panuntunan sa mga
pag-uukulan ng tanging pagpapahalaga ay dapat sundin.(1)Mga
tawid-buhay ng pangingisda Ang maliliit na mga mangingisda,
kabilang na ang mga nag-aalaga ng halamang dagat, ay pagkakalooban
ng higit na pagkakataon upang makinabang sa mga kayamanang
tubig.(2)Konsesyon sa Pagtrotroso at Pagmimina. Saklaw ng
kinakailangan ng isang balanseng ekolohiya at pangangalaga sa
kayamanang tubig, ang karapat-dapat na mga lugar, gaya ng pagkaalam
ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan, ay bubuksan para
sa pagtrotroso, pagmimina at pastulan, para sa paninirahang
pansakahan na ang mga benepisyaryo ay kinakailangang magsagawa ng
mga pamamaraan sa muling paggugubat at pangangalaga ng produksyon.
Saklaw ng umiiral na mga batas, mga tuntunin at regulasyon, ang mga
naninirahan at mga miyembro ng mga pamayanang kultura ay dapat
pahintulutang tamasahin at gamitin ang produkto ng kagubatan
maliban sa mga kahoy na nasa loob ng konsesyon
troso.(3)Lupaing-Bayan na Pansakahan na di pa gaanong matao Ang
lupaing-bayan na pansakahan na di pa gaanong matao ay isasarbey,
ipahahayag, pauunlarin bilang mga paninirahang pansakahan para sa
mga kwalipikadong taong walang lupa batay sa programang binuo upang
matiyak ang kanilang maayos at maagang pag-unlad.Ang alokasyon ng
lupang sakahan ay dapat isagawa para sa katamtamang sukat ng bukid
na pampamilya ayon sa pasiya ng PARC. Ang mga taong unang nanirahan
at iba pang mga naninirahan ay dapat pakitunguhan ng pantay-pantay
sa lahat ng bagay.Saklaw ng mga naunang karapatan ng mga
kwalipikadong benepisyaryo, ang hindi pa nalilinang na mga
lupaing-bayan ay maaaring matamo sa paraang pamumuwisan ng mga
pangkat na interesado at kwalipikado. Ang mga pangkat na lalahok sa
pagpapaunlad na malaki ang puhunan, mga tradisyonal o mga paunang
pananim ay dapat bigyan ng prayority.Ang panahon ng pamumuwisan, na
hindi hihigit sa kabuuan ng limampung (50) taon, ay dapat katimbang
ng halaga ng pamumuhunan at hangarin sa produksyon ng mamumuwisan.
Isang sistema ng ebalwasyon at pag-aawdit ang isasatatag.(4)Mga
lupaing nakatiwangwang, inabandona, nailit at nasekwester. Ang mga
lupaing nakatiwangwang, inabandona, nailit at nasekwester ay dapat
iplano para ipamahagi bilang loteng pantahanan at sukat
pampamilyang bukirin sa mga aktuwal na naninirahan. Kung malaki pa
ang sukat ng lupain, ang iba pang mga pamilyang walang lupa ay
maaring tanggapin sa lupaing ito.(5)Mga Kababaihan sa Lalawigan.
Lahat ng mga Kwalipikadong miyembro ng kababaihan sa gawaing
pansakahan ay dapat bigyan ng pagkakataon at titiyakin na
pagkakalooban ng kapantay na karapatan sa pagmamay-ari ng lupain,
pantay na kaparti ng ani, at pagkatawan sa lupang tagapayo o sa
pagsasagawa ng nararapat na pagpapasiya.(6)Mga Beterano at Retirado
Alinsunod sa Seksyon 7 ng Artikulo XVI ng Konstitusyon, ang mga
beterano ng digmaan at beterano sa mga kilusan militar, ang
kanilang mga nabubuhay na asawa at mga naulila, retirado ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) at ang Pinagsanib na
Pambansang Pulisya (INP), mga nagsibalik, sumuko, at iba pang mga
katulad na benepisyaryo ay isasaalang-alang sa pamamahagi ng mga
lupaing pansakahan ng lupaing bayan.cHCIDE(7)Mga Nagtapos ng
Agrikultura. Ang mga nagtapos sa paaralang pang-agrikultura na
walang lupa ay tutulungan ng pamahalaan, sa pamamagitan ng DAR, sa
kanilang pagnanasa na magkaroon ng sarili at malilinang na lupang
pansakahan.KABANATA XIPrograma Sa PagpapatupadSEKSIYON 41.Ang
Pampanguluhang Sanggunian sa Repormang Pansakahan. Ang
Pampanguluhang Sanggunian sa Repormang Pansakahan (PARC) ay bubuuin
ng Pangulo ng Pilipinas bilang Tagapangulo, ang Kalihim ng
Repormang Pansakahan bilang Pangalawang Tagapangulo at ang mga
sumusunod bilang mga kagawad: Mga Kalihim ng Kagawaran ng
Pagsasaka; Kapaligiran at Likas na Kayamanan; Badyet at Pamamahala;
Pamahalaang Lokal; at Pagawain at Lansangang Bayan; Pangangalakal
at Industriya; Pananalapi; Paggawa at Empleo; Direktor-Heneral ng
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad; Pangulo ng
Bangko sa Lupa ng Pilipinas; Tagapangasiwa, Pambansang Pangasiwaan
ng Patubig; at tatlong (3) kinatawan ng apektadong maylupa na
kakatawanin ang Luzon, Visayas at Mindanao; anim (6) na kinatawan
na mga benepisyaryo ng repormang pansakahan, dalawa (2) bawat isa
mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, sa pasubali na ang isa sa
kanila ay nagbuhat sa pamayanang kultura.SEKSIYON 42.Komiteng
Tagapagpaganap. Magkakaroon ng isang Komiteng Tagapagpaganap ang
PARC na binubuo ng Kalihim ng DAR bilang Tagapangulo, at iba pang
mga kagawad na maaaring italaga ng Pangulo, na isasaalang-alang ang
Artikulo XIII, Seksyon 5 ng Konstitusyon. Maliban kung may naiibang
ipag-uutos ng PARC, ang Komiteng Tagapagpaganap ay maaaring
magpulong at magpasiya sa anuman at lahat ng bagay sa pagitan ng
mga pagpupulong ng PARC. Sa Pasubali, gayunman, Na ang kanilang
pasya ay kagyat na iuulat sa PARC at hindi lalampas sa susunod na
pagpupulong.SEKSIYON 43.Kalihiman. Sa pamamagitan nito ang
Kalihiman ng PARC ay itinatag upang magkaloob ng pangkalahatang
tulong at pakikipag-ugnayan gaya ng sanib-lupon ng iba't ibang
tanggapan, pagpahalaga at ebalwasyon ng programa at proyekto at
pangkalahatang pagmomonitor ng operasyon para sa PARC.Ang Kalihiman
ay pamumunuan ng Kalihim ng Repormang Pansakahan na tutulungan ng
isang Pangalawang Kalihim at tutulungan ng isang kalipunan na ang
kabuuan ay pagpapasihan ng Komiteng Tagapagpaganap ng PARC at ang
pasahod ay ikakarga sa Pondo ng Repormang Pansakahan. Lahat ng mga
pinuno at kawani ng Kalihiman ay hihirangin ng Kalihim ng Repormang
Pansakahan.SEKSIYON 44.Panlalawigang Komite na Nag-uugnay sa
Repormang Pansakahan (PARCOM). Sa pamamagitan nito'y nililikha ang
Panlalawigang Komite ng Nag-uugnay sa Repormang Pansakahan sa bawat
lalawigan, na binubuo ng Tagapangulo, na hihirangin ng Pangulo sa
tagubilin ng EXCOM, mga Pinunong Panlalawigan ng Repormang
Pansakahan bilang Pinunong Tagapagpaganap, at tig-isang kinatawan
mula sa Kagawaran ng pagsasaka, at ng kapaligiran at likas na
kayamanan at mula sa LBP, tig-isang kinatawan mula sa mga umiiral
na organisasyon ng mga magsasaka, mga kooperatibang pansakahan at
mga organisasyon di pampamahalaan sa lalawigan; dalawang kinatawan
mula sa mga may-ari ng lupain, at kahit isa man lamang ay produser
na kumakatawan sa pangunahing pananim ng lalawigan, at ang dalawang
kinatawan ay mula sa mga benepisyaryo na mga magsasaka at
manggagawa sa bukid, at isa man lamang sa magsasaka o manggagawa sa
bukid ng kumakatawan sa pangunahing pananim ng lalawigan, bilang
mga kagawad; Sa Pasubali, Na sa mga pook na may mga pamayanang
kultura, dapat magkaroon din ng isang kinatawan.Ang PARCCOM ay
siyang mag-uugnay at magmomonitor sa pagpapatupad ng CARP sa
lalawigan. Magkakaloob ito ng mga impormasyon tungkol sa mga
tadhana ng CARP, mga patnubay na ipinalabas ng PARC at tungkol sa
pagsulong ng CARP sa lalawigan.SEKSIYON 45.Pagpapatupad sa Bawat
Lalawigan. Ang PARC ay magkakaloob ng mga patnubay sa pagpapatupad
ng CARP sa bawat lalawigan. Ang sampung taong programa sa
pamamahagi ng mga lupaing publiko at pribado sa bawat lalawigan ay
isaayos ng taun-taon ng PARCCOM ng lalawigan alinsunod sa antas ng
operasyon na dati ng itinatag ng PARC, sa bawat pangyayari
titiyakin na ang lingkurang pantulong ay matatamo o isaprograma
bago isagawa ang aktwal na pamamahagi.SEKSIYON 46.Pambarangay na
komite sa Repormang Pansakahan (BARC). Maliban kung may naiibang
itinakda ang Batas na ito, ang mga tadhana ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 229 hinggil sa pagbuo ng Pambarangay na Komite
sa Repormang Pansakahan ay may bisa.SEKSIYON 47.Mga Tungkulin ng
BARC. Karagdagan sa mga itinakda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg.
229, ang BARC ay may sumusunod na mga tungkulin:a)Mamagitan at
payapain ang magkabilang panig na nasasangkot sa alitang pansakahan
kung ang mga bagay na nauugnay sa pagmamay-ari at kaayusan sa
pananalapi;b)Tumulong sa pagkilala sa mga kuwalipikadong
benepisyaryo at may-ari ng lupain sa loob ng barangay;c)Magpatunay
sa kawastuhan ng unang pagmamapa ng mga lagay ng lupa na nililinang
ng benepisyaryo;d)Tumulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa
pagtatamo ng pautang mula sa institusyong nagpapautang;e)Tumulong
sa pangunang pag-aalam ng halaga ng lupain;f)Tumulong sa kinatawan
ng DAR sa paghahanda ng pana-panahong ulat hinggil sa pagpapatupad
ng CARP na ihaharap sa DAR;g)Makipag-ugnayan sa paghahatid ng mga
lingkurang pantulong sa mga benepisyaryo; ath)Gampanan ang iba pang
mga tungkulin na maaaring italaga ng DAR.2)Dapat pagsikapan ng BARC
na mamagitan, payapain at lutasin ang mga alitan sa pagsasaka na
iniharap dito sa loob ng tatlumpung (30) araw, mula sa pagkabatid
dito. Kung pagkaraan na matapos ang tatlumpung (30) araw, hindi pa
nalutas ang alitan, magpapalabas ito ng isang katunayan ng
katitikan at pagkakalooban ng sipi ang magkabilang pangkat sa loob
ng pitong (7) araw pagkaraang matapos ang tatlumpung araw.SEKSIYON
48.Tulong na Legal. Ang BARC o alinmang kagawad nito kailanman
kinakailangan sa pagganap na alinman sa mga tungkulin nito, ay
maaaring humingi ng tulong legal sa DAR at sa pamahalaang
panlalawigan, panlungsod, o pambayan.SEKSIYON 49.Mga tuntunin at
Regulasyon. Ang PARC at ang DAR ay may kapangyarihang magpalabas ng
mga tuntunin at regulasyon, maging ito man ay substantibo o
prosedyural sa pagpapatupad ng mga layunin ng Batas na ito. Ang
nasabing mga tuntunin ay magkakabisa sampung (10) araw pagkaraang
mailathala sa dalawang (2) pambansang pahayagan na may
pangkalahatang sirkulasyon.KABANATA XIIPagpapasiyang
PampangasiwaanSEKSIYON 50.Mga Kapangyarihang Quasi-Huridikal ng
DAR. Sa pamamagitan nito ang DAR ay pinagkakalooban ng pangunang
kasaklawan upang malaman at pagpasiyahan ang mga bagay ukol sa
repormang pansakahan at magkakaroon ng tanging orihinal na
kasaklawan sa lahat ng bagay ukol sa pagpapatupad ng repormang
pansakahan, maliban doon sa nasa tanging kapangyarihan ng Kagawaran
ng Pagsasaka at Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Kayamanan.Hindi ito tatakdaan ng mga tuntuning teknikal ng
pamamaraan at katibayan sa halip diringgin at pagpapasyahan ang
lahat ng mga kaso, alitan o mga pagtatalo sa pinakamabilis na
paraan, gagamitin ang lahat ng makatwirang pamamaraan upang matiyak
ang katotohanan ng bawat kaso alinsunod sa katarungan at equity at
sa katotohanan ng kaso. Sa layuning ito, gagamit ito ng isang
tuntunin ng pamamaraan na di nagbabago upang matamo ang isang
makatwiran, mabilis at murang pagkaalam ng bawat hakbang o usaping
iniharap dito.May kapangyarihan itong tawagin ang mga saksi,
magpanumpa, tanggapin ang patotoo, kailanganin ang pagharap ng mga
ulat, sapilitang ipalabas ang mga libro at mga kasulatan at
pasagutin sa mga katanungan at magpalabas ng subpena, at subpena
duces tecum at ipatupad ang mga kautusan sa pamamagitan ng sheriffs
o ng iba pang may kapangyarihang mga pinuno. Gayundin ito'y may
kapangyarihan na magparusa ng tuwiran o di-tuwiran sa pagsuway sa
hukuman sa gayon ding paraan at sasailalim sa gayundin mga
kaparusahan gaya ng itinakda sa mga Tuntunin ng Hukuman.Ang mga
mapagkakatiwalaang lider ng mga magsasaka ay pahihintulutang
kumatawan sa kanilang sarili, sa kapwa nilang magsasaka, o sa
kanilang organisasyon sa anumang usapin sa harap ng DAR; Sa
pasubali, gayunman Na kung may dalawa o higit pang kinatawan para
sa alinmang indibidwal o pangkat, dapat pumili sila ng isang
kinatawan lamang upang kumatawan sa nasabing pangkat sa harap ng
alinmang usapin sa DAR.Sa kabila ng isang paghahabol sa Hukuman ng
Paghahabol, ang pasiya ng DAR ay kagyat na ipapatupad.SEKSIYON
51.Ang Pangwakas na Pagpapasiya. Ang anumang kaso o pagtatalo ay
pagpapasiyahan sa loob ng tatlumpung (30) araw pagkaraan ito iharap
upang pagpasyahan. Isang mosyon lamang para sa rekonsiderasyon ang
ipahihintulot. Ang anumang kautusan, hatol o pasya ay pangwakas na
pagkaraan ng labinlimang araw (15) mula matanggap ang sipi
nito.SEKSIYON 52.Walang-saysay na Paghahabol. Upang mapigilan ang
walang-saysay na paghahabol mula sa mga pasiya, o kautusan ng antas
na lokal o panlalawigan, maaaring magpataw ang DAR ng makatwirang
parusa, kabilang na ngunit hindi natatakdaan sa mga multa o
pagbibigay sala sa nagkasalang mga panig.SEKSIYON 53.Pagpapatibay
ng BARC. Hindi kikilalanin ng DAR ang anumang alitan o pagtatalong
pansakahan maliban kung iniharap na pagpapatibay buhat sa BARC na
ang alitan ay naiharap na para mamagitan at mapagkasundo na hindi
nagtagumpay ang pagsasaayos; Sa Pasubali; gayunman, Na kung walang
ibinigay na pagpapatibay ang BARC sa loob ng tatlumpung (30) araw
pagkaraang na ang bagay na ito o ang usapin ay naiharap para
pamagitanan o pagsasaayos ang kaso o alitan ay maaaring iharap sa
PARC.KABANATA XIIIPagsusuring PanghukumanSEKSIYON 54.Certiorari.
Anumang pasiya, kautusan, pagkaloob o pasiya ng DAR tungkol sa
anumang alitang pansakahan o sa anumang bagay na nauukol sa
pagpapairal, pagpapatupad o pagpapaliwanag tungkol sa Batas na ito
at iba pang may kinalamang mga batas sa repormang pansakahan ay
maaaring dalahin sa Hukuman ng Paghahabol sa pamamagitan ng
certiorari maliban kung may naiibang itinakda sa Batas na ito sa
loob ng labinlimang (15) araw mula sa pagkatanggap ng sipi nito.Ang
pahayag ng katotohanan ng DAR ay pangwakas at kapani-paniwala kung
batay sa mahahalagang katibayan.SEKSIYON 55.Walang Kautusang
Pipigil o Utos sa Panimulang Pagpipigil. Walang Hukuman sa
Pilipinas ang may karapatan na magpalabas ng anumang kautusang
pipigil o utos sa panimulang pagpigil laban sa PARC o alinman
nararapat na may kapangyarihang itinalagang ahensiya sa anumang
kaso, alitan o pagtatalo mula rito, kinakailangan sa o kaugnay sa
pagpapairal, pagpapatupad, o pagpapaliwanag tungkol sa Batas na ito
at iba pang may kinalamang batas sa repormang pansakahan.SEKSIYON
56.Tanging Hukumang Pansakahan Ang kataas-taasang Hukuman ay
magtatalaga ng kahit isang (1) sangay ng Panrehiyong Hukuman ng
Paglilitis (RTC) sa bawat lalawigan upang gumanap bilang Tanging
Hukumang Pansakahan.Ang kataas-taasang Hukumang ay maaaring
magtalaga ng higit pang mga sangay na bubuo sa nasabing karagdagan.
Tanging Hukumang Pansakahan na maaring kailanganin sa dami ng mga
kasong pansakahan sa bawat lalawigan. Ang kataas-taasang Hukuman ay
magbibigay ng pagtatangi sa Panrehiyong Hukuman ng Paglilitis na
humawak na sa mga kasong pansakahan o kung ang mga tagapangulong
mahistrado ay dating mga hukom ng nabuwag na Hukuman ng
Pagsasamahang Pansakahan.Ang mga itinalagang hukom sa Panrehiyong
Hukuman ng Paglilitis (RTC) ay gagampanan ang nasabing tanging
kapangyarihan bilang karagdagan sa regular na kapangyarihan ng
kani-kanilang mga hukuman.Ang Tanging mga Hukumang Pansakahan ay
magkakaroon ng mga kapangyarihan at tanging karapatan na likas sa o
angkin ng Panrehiyon Hukuman ng Paglilitis.SEKSIYON 57.Tanging
Kapangyarihan. Ang tanging mga Hukumang Pansakahan ay may orihinal
at tanging kapangyarihan sa lahat ng mga petisyon para malaman ang
makatwirang kabayaran sa mga may lupa, at ang pag-uusig sa lahat ng
mga pagkakasalang kriminal na saklaw ng Batas na ito. Ang mga
Tuntunin ng Hukuman ay susundin sa lahat ng mga paglilitis sa harap
ng Tanging mga Hukumang Pansakahan, maliban kung babaguhin ng Batas
na ito.Ang Tanging mga Hukumang Pansakahan ay magpapasiya sa lahat
ng nararapat na mga kaso na saklaw ng kanilang natatanging
kapangyarihan sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa paghaharap ng
kaso para pagpasyahan.SEKSIYON 58.Paghirang ng mga Komisyonado. Ang
Tanging mga Hukumang Pansakahan sa pamamagitan ng sarili nilang
pagkukusa o sa kahilingan ng alinmang pangkat, ay maaaring humirang
ng isa o higit pang mga komisyonado upang magsuri, magsiyasat at
tiyakin ang mga katotohanan na nauugnay sa alitan, kasama na ang
paghahalaga ng mga ari-arian, at ang paghaharap ng isang nakasulat
na ulat sa hukuman.ICTHDESEKSIYON 59.Mga Kautusan ng Tanging
Hukumang Pansakahan. Walang kautusan ng Tanging Hukumang Pansakahan
sa anumang isyu, katanungan, bagay o insidente na iniharap sa
kanila ang maitataas sa hukuman sa paghahabol hanggang ang pagdinig
ay hindi natatapos at ang kaso ay napagpasiyahan batay sa
kahalagahan nito.SEKSIYON 60.Mga Paghahabol. Ang paghahabol ay
magmumula sa pasya ng Tanging Hukuman sa Pagsasaka sa pamamagitan
ng paghaharap ng isang petisyon para suriin ng Hukumang sa
Paghahabol sa loob ng labinlimang (15) araw mula makatanggap ng
patalastas ng pasya; kung hindi, ang pasya ay magiging
pang-wakas.Ang paghahabol mula sa pasya ng Hukuman sa Paghahabol, o
mula sa alinmang kautusan, hatol o pasiya ng DAR, alin man ang
pangyayari, ay dapat sa pamamagitan ng isang petisyon para suriin
ng Kataas-taasang Hukuman sa loob ng walang palugit na panahon na
labinlimang (15) araw mula matanggap ang sipi ng nasabing
pasya.SEKSIYON 61.Pamamaraan sa Pagsusuri. Ang pagsusuri ng Hukuman
sa Paghahabol o ng Kataas-taasang Hukuman, alin man ang pangyayari,
ay pamamahalaan ng mga Tuntunin ng Hukuman. Gayunman, maaaring
hilingin ng Hukumang sa Paghahabol sa magkabilang panig na magharap
ng magkakasabay na memoranda sa loob ng labinlimang (15) araw mula
sa pagkabatid, pagkaraan nito ang kaso ay ipalalagay na naiharap na
para pagpasyahan.SEKSIYON 62.Tanging Pagpapahalaga sa Hukuman.
Lahat ng mga Hukuman sa Pilipinas, kapwa ng naglilitis at sa
paghahabol, ay dapat magkaloob ng tanging pagpapahalaga sa lahat ng
mga kasong magmumula sa o may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga
tadhana ng Batas na ito.Lahat ng kasong nakabimbin sa hukuman na
nagmula sa o may kaugnayan sa pagpapatupad ng Batas na ito ay
patuloy na didinggin, lilitisin at pagpapasyahan hanggang sa
matapos, sa kabila ng pagwawakas ng sampung taong binanggit sa
Seksiyon 5 nito.KABANATA XIVPananalapiSEKSIYON 63.Pagkukunan ng
Pondo Ang pangunang halagang kinakailangan sa pagpapatupad ang
Batas na ito sa loob ng sampung (10) taon pagkaraang mapagtibay ito
ay tutustusan mula sa Pondo sa Repormang Pansakahan na itinalaga sa
Seksyon 20 at 21 ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 229.Sa
pamamagitan nito ay pinahihintulutan ang karagdagang halaga na
ilalaan at kung kinakailangan ay idaragdag sa Pondo ng Repormang
Pansakahan upang ganap na maipatupad ang mga tadhana ng Batas na
ito.Ang pagkukunan ng pondo o laang-gugulin ay kabibilangan ng mga
sumusunod:a)Pinagbilhan ng Assets Privatization Trust;b)
Pinagbilhan mula sa ari-ariang nabawi at sa kayamanang nakuha sa
masamang paraan sa pamamagitan ng Pampanguluhang Komisyon sa
Mabuting Pamamahala (PCGG);c)Pinagbilhan mula sa ari-arian ng
Pamahalaan sa ibang bansa;d)Bahagi ng mga halagang ukol sa
Pilipinas mula sa lahat ng pinagkukunan ng opisyal na kaloob na
tulong ng ibang bansa at pananalaping konsesyonal mula sa lahat ng
bansa, na gagamitin para sa tiyak na layunin ng pagtustos sa mga
pautang sa produksyon, inprastrakyur, at iba pang tulong
paglilingkod na kinakailangan ng Batas na ito;e)Iba pang pondo ng
pamahalaan na hindi pa nailalaan.Lahat ng inilaang pondo sa
pagpapatupad ng mga tadhana ng Batas na ito ay dapat ipalagay na
patuluyang paglalaan sa panahon ng pagpapatupad nito.SEKSIYON
64.Tagapamagitan sa Pananalapi para sa CARP. Ang Bangko sa Lupa ng
Pilipinas ay magiging tagapamagitan sa pananalapi para sa CARP, at
titiyakin na ang mga layuning katarungang panlipunan ng CARP ay
magtatamasa ng pagtatangi sa mga prayoriti nito.KABANATA
XVPangkalahatang Mga TadhanaSEKSIYON 65.Pagbabago ng mga Lupain.
Pagkaraan ng limang (5) taon mula ipagkaloob ito, kung ang lupa ay
hindi na ikabubuhay at hindi na naaangkop sa mga layuning
pang-agrikultura, o ang lugar ay naging urban na at ang lupain ay
magkakaroon ng higit na halagang pangkabuhayan para sa mga layuning
panirahan pangkalakal o pang-industriya, ang DAR, sa kahilingan ng
benepisyaryo o ng maylupa, na may nararapat na patalastas sa mga
apektadong pangkat, at sasailalim sa mga umiiral na mga batas, ay
maaaring pahintulutan ang muling pag-uuri o pagbabago ng lupa at
ang pamamahagi nito: Sa Pasubali, Na nabayaran ng lahat ng
benepisyaryo ang kanyang obligasyon.SEKSIYON 66.Pagkalibre sa mga
Buwis at Bayarin sa Paglilipat ng Lupain. Ang mga transaksyon na
saklaw ng Batas na ito tungkol sa paglilipat ng pagmamay-ari,
maging ito man ay likas o huridikal na mga tao, ay libre sa buwis
na nagmula sa tubo sa puhunan. Ang mga transaksyong ito ay libre
din sa pagbabayad ng pagpapatala, at sa lahat ng iba pang mga buwis
at bayarin para sa paglipat nito: Sa Pasubali, Na lahat ng di
nabayarang amelyar, na walang multa o interes, ay babawasin mula sa
kabayaran na karapatan ng may-ari.SEKSIYON 67.Libreng Pagpapatala
ng mga Patente at Titulo. Ang lahat ng mga Tagatala ng mga
Kasulatan ay inaatasan sa pamamagitan nito na itala na walang
babayarang mga butaw at iba pang singilin ang mga patente, mga
titulo at mga dokumentong kinakailangan sa pagsasakatuparan sa
CARP.SEKSIYON 68.Laya ng mga Ahensiya ng Pamahalaan sa Di Dapat na
Paghadlang. Ang mga nakabababang hukuman ay hindi dapat mag-isyu ng
ano mang utos sa pagpigil, pagbabawal o mandamus laban sa Kagawaran
ng Repormang Pansakahan, DAR, Kagawaran ng Pagsasaka (DA),
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (DENR), at Kagawaran
ng Katarungan (DOJ) sa kanilang pagpapatupad ng programa.SEKSIYON
69.Tulong ng Iba pang mga Sangay ng Pamahalaan. Sa pagganap sa mga
tungkulin nito, ang PARC ay pinahihintulutan, sa pamamagitan nito
na humingi ng tulong at suporta sa iba pang mga sangay, kawanihan
at tanggapan, ng pamahalaan kasama ang mga korporasyon-ari o
kontrolado ng pamahalaan.SEKSIYON 70.Pamamahagi ng mga Lupaing
Pribadong Pang-agrikultura. Ang pagbibili o pamamahagi ng lupaing
pansakahan na nananatili sa may-ari ng lupa bilang bunga ng Seksyon
6 nito ay may bisa hanggang ang kabuuang ari-arian na maaaring
ariin ng pinaglipatan nito kasama na ang lupang natamo na hindi
hihigit sa ari-ariang ceilings na itinatakda sa Batas na ito.Ang
anumang pagbibili o pamamahagi ng mga lupaing pansakahan pagkaraan
magkabisa ang Batas na ito na napatunayang salungat sa mga tadhana
nito ay walang bisa.Ang pinaglipatan ng lupang pansakahan ay
magkakaloob ng nararapat na apidabit sa Patalaan ng mga Kasulatan
at ang BARC na nagpapatunay na ang kanyang kabuuang lupang
ari-arian ay bunga ng nasabing pagtatamo ay hindi hihigit sa lupang
ari-ariang ceiling. Hindi itatala ng Patalaan ng mga Kasulatan ang
paglilipat ng anumang lupang pansakahan na hindi naghaharap ng
pinanumpaang pahayag na ito kasama na ang katibayan na tinanggap
ang sipi nito sa BARC.SEKSIYON 71.Mga Sangla sa Bangko. Ang mga
bangko at iba pang institusyon sa pananalapi ay pinahihintulutan ng
batas na hawakan ang sangla o interes sa panagot sa mga lupang
pansakahan na siyang panagot sa mga utang at iba pang mga
obligasyon ng nanghihiram, maaaring matamo ang titulo ng
isinanglang ari-arian, anuman ang sukat, na sasailalim sa mga
umiiral na batas sa sapilitang paglilipat ng mga ari-ariang nailit
at pagtatamo gayong itinakda sa Seksyon 16 ng Batas na ito.SEKSIYON
72.Mga Kontrata sa Pamumuwisan, Pamamahala, Pagtatanim o
Paglilingkod, Mga Pagsasangla at Iba pang Paghahabol. Ang mga
lupaing saklaw ng Batas na ito na may kontrata sa pamumuwisan,
pamamahala, pagtatanim o paglilingkod, at katulad nito ay maaring
ipamahagi gaya ng sumusunod:a)Ang mga kontrata sa pamumuwisan,
pamamahala, pagtatanim o paglilingkod na sumasaklaw sa mga
pribadong mga lupain ay maaring magpatuloy alinsunod sa kanilang
orihinal na mga tadhana at kondisyon hanggang sa matapos nito kahit
ang mga nabanggit na lupain ay nailipat sa mga kwalipikadong
benepisyaryo.b)Ang mga sangla at iba pang mga paghahabol na
nakatala sa Patalaan ng mga Kasulatan ay pananagutan ng pamahalaan
hanggang sa halagang katumbas ng kabayaran sa may lupa gaya ng
itinakda sa Batas na ito.SEKSIYON 73.Mga Ipinagbabawal na Gawain at
Pagpapabaya. Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal:a)Ang pagmamay-ari
o paghawak, para sa layuning pag-iwas sa mga tadhana ng Batas na
ito, ng mga lupaing pansakahan na labis sa kabuuang retensyon limit
o kaloob na ceilings ng sinumang tao, likas o huridikal, maliban
doon sa saklaw ng samasamang pagmamay-ari ng mga
magsasaka-benepisyaryo.b)Sapilitang pagpasok o ilegal na paghawak
ng mga taong di kwalipikadong mga benepisyaryo alinsunod sa Batas
na ito upang samantalahin ang mga karapatan at pakinabang ng
Programa sa Repormang Pansakahan.c)Ang pagpapalit ng sinumang
maylupa ng kanyang lupang pansakahan sa anumang gamit na hindi
pang-agrikultura na may hangarin iwasan ang pag-iral ng Batas na
ito sa kanyang mga ari-arian at upang mabawi sa kanyang mga
kasamang magsasaka ang lupang kanilang sinasaka.d)Sinadyang
pagpigil o paghadlang ng sinumang tao, asosasyon o entity sa
pagpapatupad ng CARP.e)Ang pagbili, paglilipat, paghahatid o
pagbabago ng katangian ng mga lupain sa labas ng sentrong urban at
hangganan ng mga lungsod kabuuan nito o bahagi man pagkaraang
magkabisa ang Batas na ito.f)Ang pagbibili, paglilipat o paghahatid
ng isang benepisyaryo ng karapatan sa paggamit o anumang iba pang
karapatang usuprak sa lupa na natamo sa pamamagitan ng bisa ng
pagiging benepisyaryo, upang makaiwas sa mga tadhana ng Batas na
ito.SEKSIYON 74.Mga Parusa. Sinumang tao na sadya o kusang lumabag
sa mga tadhana ng Batas na ito ay parurusahan ng pagkabilanggo ng
hindi bababa sa isang (1) buwan subalit hindi hihigit sa tatlong
(3) taon o pagmumulta ng hindi bababa sa isang libong piso
(P1,000.00) at hindi hihigit ng labinlimang libong piso
(P15,000.00) o kapwa sa mabuting pagpapasiya ng hukuman.Kung ang
nagkasala ay isang korporasyon o asosasyon, ang may pananagutang
pinuno ang mananagot.SEKSIYON 75.Karagdagang Pagpapairal ng mga
Umiiral na Batas. Ang mga tadhana ng Batas Republika Blg. 3844
alinsunod sa pagkakasusog, Atas ng Pangulo Blg. 27 at 266 alinsunod
sa pagkakasusog, Kautusang Tagapagpaganap Blg. 228 at 229, serye ng
1987; at iba pang mga batas na hindi sumasalungat sa Batas na ito
ay may karagdagang bisa.SEKSIYON 76.Sugnay na Nagpapawalang-bisa.
Ang Seksyon 35 ng Batas Republika Blg. 3844, Atas ng Pangulo Blg.
316, ang dalawang huling talata ng Seksyon 12 ng Atas ng Pangulo
Blg. 946, Atas ng Pangulo Blg. 1038 at lahat ng iba pang mga batas,
atas, kautusang tagapagpaganap, mga tuntunin at regulasyon, mga
pahayag o bahagi nito na sumasalungat sa Batas na ito ay
pinawawalang-bisa o sinusugan nang nararapat.SEKSIYON 77.Sugnay na
Naghihiwalay. Kung sa anumang kadahilanan, ang alinmang seksyon o
tadhana ng Batas na ito ay ipinahayag na walang bisa, walang iba
pang seksyon, tadhana, o bahagi nito ang maapektuhan at ang naturan
ay mananatiling ipinapatupad at may bisa.SEKSIYON 78.Sugnay ng
Pagkakabisa Ang batas na ito ay kagyat na magkakabisa pagkaraang
mailathala sa dalawang (2) man lamang na malaganap na pahayagan na
may pangkalahatang sirkulasyon.