Pagsupil sa Nasyonalismong Pilipino E.O. Lansangan PILIPINISASYON Q3 M2 L2-3
Balik-aral
NOYPISALIPISNI
- Unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino
PILIPINISASYON
- Unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino
Pagganyak
Pagsusuri ng Awit: BAYAN KO
Ang awiting ito ay mula sa tula na isinulat ni Jose Corazon de Jesus noong 1929 at na pinasikat ng mang-aawit na si Freddie Aguilar.
Ang bayan kong hinirangPilipinas ang pangalanPerlas ng Silangan sa taglay niyang kariktanNgunit sawimpalad sa mimimithing paglayaLaging lumuluha sa pagdaralita
Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto’t bulaklakPag-ibig ang kanyang paladNag-alay ng ganda’t dilagAt sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nahalinaBayan ko binihag ka nasadlak sa dusaIbon man may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilagAng di magnasang makaalpasPilipinas kong minumutyaPugad ng luha ko’t dalitaAking adhika, makita kang sakdal layaKay sarap mabuhay sa sariling bayanKung walang alipin at may kalayaanAng bayang sinikilBabangon lalaban dinAng Silanga’y pupula sa hudyat ng paglaya
Sagutin ang mga tanong batay sa awit na Bayan Ko.1. Ano ang mensahe ng awit?2. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang maiiugnay sa mensahe?3. Paano nagpunyagi ang mga Pilipino upang makamit ang kalayaan?
KALAYAAN
Pamahalaang Komonwelt 1946
Batas Tydings-Mc Duffie 1934
Batas Hare –Hawes- Cutting 1931
Batas Jones 1916
Philippine Bill 1902
Kontekstong Historikal
Kampanya para sa KALAYAN
Philippine Bill 1902 (Batas Cooper) - unang batas na nilikha ng Kongreso ng
Estados Unidos tungkol sa pamamahala sa Pilipinas.
- paglikha ng Lehislatura ng Pilipinas (mataas na Kapulungan at Asemblea ng Pilipinas)
Batas Jones 1916 - Kauna-unahang batas na pangako ng
United States tungkol sa pagkilala ng kalayaan ng Pilipinas.
- Pagkakaroon ng Tatlong sangay ng Pamahalaan ( ehukatibo, lehislatibo at hudikatura.)
Batas Hare-Hawes-Cutting 1931 - itinatadhana sa batas ang pagbibigay
ng kasarinlan sa Pilipinas pagkaraan ng 10 taon .
- pagpapanatili ng mga base militar ng United States sa bansa at pagpapataw ng buwis sa produktong iluluwas ng Pilipinas sa United States.
Batas Tyding –Mc Duffie 1934 - Sampung Taong pamahalaang
Komonwelt bilang paghahanda sa pagkilala sa kasarinlan ng Pilipinas na itinatadhana ng batas sa Hulyo 4, 1946.
- Pagtatatag ng saligang – batas 1935. - Paghahalal ng mamumuno sa
pamahalaang Komonwelt.
Pamahalaang Komomwelt 1936 mga nagawa: - Karapatan bumoto ng mga kababaihan at
makilahok sa pulitika. - Libreng edukasyong pamprimarya sa
buong bansa. - nagtatdhana na magiging batayan ng
Wikang Pambasa ay ang Tagalog.
3. Pagpapadala ng mga misyong pangkalayaan ng PilipinasA. Misyong Os-Rox
-Sergio Osmenia-Manuel Roxas
-Humingi ng batas sa United States na magpapalaya sa Pilipinas.
-ipinagkaloob ang Batas Hare-Hawes-Cutting-Ngunit tinanggihan ito ng mga mambabatas na Pilipino na pinangunahan nina M.L. Quezon, C.M. Recto, Agilpay, Sumulong, Aguinaldo at Bacobo sa kadahilanang:a. Walang katiyakan ng panahon ng paglaya;b. Hindi sinasang-ayunan ang probisyon tungkol sa pagpapanitili ng base-militar ng U.S. sa bansa.-Binasura ng Asemblea ng Pilipinas ang batas na ito.
B. Misyong Kalayaan ni Manuel L. Quezon
Manuel L. Quezon
-Paghingi ng mas maliwanag na batas tungkol sa kasarinlan ng Pilipinas
-Pinagtibay at ipinagkaloob ng Kongreso ng United States ang Batas Tydings- McDuffie, 1934(Hinango kina Sen. Milliard Tydings at Cong. John McDuffie)-Tinanggap ito ng mga Pilipino at ng Asemblea na nagbigay-daan sa pagtataguyod ng pamahalaang Komonwelt.
PAGSUSURI SA TEKSTO:
THE PHILIPPINE AUTONOMY ACT (JONES LAW), AUGUST 29, 1916.AN ACT TO DECLARE THE PURPOSE OF THE PEOPLE OF THE UNITED STATES AS TO THE FUTURE POLITICAL STATUS OF THE PEOPLE OF THE PHILIPPINE ISLANDS, AND TO PROVIDE A MORE AUTONOMOUS GOVERNMENT FOR THOSE ISLANDS.
GlosariWhereas – paunang talata o bahagi ng isang batas, atas, ordinansa, kautusan o resolusyonIncipiency – simula sa umiiral, kasimulaan ng kaganapanAggrandizement – pagpapalakas, pagpapalawakImpairing – baguhinFranchise – pagbibigay ng karapatan o kalayaanDomestic – panloobAffairs – ugnayan ng pamahalaanAssume – tanggapin, makuhaViolence – karahasanInvasion – paglusob
GlosariJurisdiction – saklaw ng kapangyarihanTriennially – tuwing ikatlong taonIncumbency – panunungkulanPardons – pagpapatawadReprieves – pag-uurong ng parusaForfeitures – pag-aalis ng pagkakataon o karapatanVeto – tanggihan, pagwalang-saysayMilitia – hukboImminent – napipinto o nalalapitEnacted – naisabatasAlteration - pagbabago
Gawain 1:Balangkasin Natin. Tukuyin ang hinihinging impormasyon gamit ang isang matrix ayon sa Batas Jones ukol sa mga sangay ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas.
Sangay Pinuno Kwalipi-kasyon
Pangunahing Tungkulin
Paraan ng Pagpili/Paghalal
Ehekutibo
Lehislatibo
Hudikatura
Gawain 2: Suriin Natin. Sagutin ang sumusunod na tanong. (Bumuo ng apat na pangkat at magsagawa ng peer discussion. Magtalaga ng taga-ulat sa mga naging sagot ng bawat pangkat.)1. Bakit ipinagkaloob ang Jones Law sa mga Pilipino? 2. Ano ang nais ipahiwatig ng mga Amerikano na ang “Pilipinas ay para sa mga Pilipino?”3.Ano ang iyong pananaw sa patakarang Pilipinisasyon ng United States sa Pilipinas? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.________________________.
Takda: Pilipinisasyon o Amerikanisasyon, isang Reflection. Ihayag ang iyong personal na saloobin tungkol sa nilalaman ng mga patakaran ng United States sa Pilipinas.
Suri Sipi. Sagutin ang mga tanong batay sa mga nilalaman ng Sedition Law at Flag law?
1. Ano ang sedisyon? Kailan maituturing na sedisyon ang isang gawain?2. Ano-anong kaganapan ang nagtulak sa mga Amerikano upang ipatupad ang Sedition Law at Flag Law? Makatuwiran ba ito?3. Bakit itinuring ng mga Amerikano na ilegal ang paggamit ng mga simbolo ng pagkamakabansa ng mga Pilipino?4. Makatarungan ba para sa mga Pilipino ang nabanggit na mga batas? Pangatwiranan.5. Sa kasalukuyang panahon, ipinagbabawal pa rin ba ang pagsasapubliko ng ating bandila at pagpapahayag ng damdamin tungkol sa nakikitang hindi wasto sa pamahalaan?