Top Banner
Aralin 4 Panahong Protohistoriko Inihanda ni: Arnel O. Rivera
13

Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Jun 12, 2015

Download

Documents

Rivera Arnel
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Aralin 4

Panahong ProtohistorikoInihanda ni: Arnel O. Rivera

Page 2: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Panahong Protohistoriko

Kilala din sa tawag na Panahon Bago ang Pananakop

Nasa pagitan ng ika-10 dantaon at 1521.

Page 3: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Panahong Protohistoriko

Walang dokumentong natagpuan sa Pilipinas ukol sa panahong ito subalit may ilang tala ang natagpuan sa China at ilang bansa sa Timog-Silangang Asya na nakipag-ugnayan sa Pilipinas sa panahong ito.

Page 4: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Panahong Protohistoriko

Tinawag ni Jocano ang panahong ito na Emergent Period.

Nagkaroon ng malinaw na organisasyong panlipunan na masasabing magkakahawig sa lahat ng pamayanan sa Pilipinas.

Page 5: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Kalagayang Pangkabuhayan

Walang detalyadong mga tala ukol sa kabuhayan ng sinaunang mga Pilipino noong panahong ito subalit makikita na pangunahing ikinabubuhay ng mga tao ay ang pagsasaka, pangingisda, pangangaso, pagmimina at pangangalakal.

Page 6: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Pagsasaka

May dalawang uri ng pagsasaka ng sinaunang pamayanan; ang wet agriculture sa mga kapatagan at ang pagkakaingin sa mga maburol na pook maliban sa gitnang Cordillera kung saan isinaayos ang bundok na malahagdan.

Page 7: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Pangingisda

Ang pangingisda ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino. May iba-ibang paraan ng pangingisda ang pinaunlad ng mga Pilipino tulad ng pagbibitag (traps), paggamit ng lambat at paggamit ng lason mula sa mga halaman.

Page 8: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Pangangalakal Malawak ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino

noong ika-16 na dantaon. Ginagawa ito sa pagitan ng mga kalapit na bayan at maging sa mga dayuhan tulad ng Instik, Arabo, Malayo, Borneo at iba pa. Karaniwang ikinakalakal ay mga pagkain, ginto, alipin at mga kasangkapan tulad ng palawok, banig, produktong gubat at sandata. Karaniwang paraan ng pagbabayad ang barter at salaping ginto.

Page 9: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Paraan ng Pagsusulat

Sa panahon ding ito pinaunlad ang pagsusulat na maaring tuklas ng mga sinaunang Pilipino o impluwensya ng mga dayuhan. Ang baybayin ay maaring unang ginamit sa pagtatala ng mga transaksyong pangkalakalan sa pagitan ng mga pamayanan o sa mga dayuhan na nakaaalam ng baybayin.

Page 10: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Paraan ng Pagsusulat

Tatlong artifact ang natagpuan sa Pilipinas na naglalaman ng sinaunang pagsusulat:

A. Calatagan earthenware pot

B. Butuan silver paleograph

C. Laguna copperplate

Page 11: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Film Viewing – Part 1

Page 12: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Film Viewing – Part 2

Page 13: Q1 lesson 4 panahong protohistoriko

Para sa mga Karagdagang Kaalaman

• Bisitahin ang mga sumusunod na website:

• http://www.youtube.com/watch?v=Bv5UfJIapL

• http://www.slideshare.net/ArnelSSI