Awit 51:10
“Isang pusong tapat sa aki'y likhain,bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Genesis 4:8-10
8 Isang araw, niyaya ni Cain ang kanyang kapatid, "Abel, pumunta tayo sa bukid." Sumama naman ito, ngunit pagdating nila sa bukid ay pinatay ni Cain si Abel.
9 Tinanong ni Yahweh si Cain, "Nasaan ang kapatid mong si Abel?“
Sumagot siya, "Hindi ko alam. Bakit, ako ba'y tagapag-alaga ng aking kapatid?"
10 At sinabi ni Yahweh, "Cain, ano itong ginawa mo? Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng katarungan.
Awit 36:1
“Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama,sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika;tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.”
Kawikaan 28:13
“Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti,ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi.”
Lucas 18:9-14
9 Sinabi rin niya ang talinhagang ito sa mga taong mababa ang tingin sa iba at nag-aakalang sila'y matuwid.
10 "May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis.
11Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kanyang sarili: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito.
12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.‘
13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!'
14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbaba ay itataas."
2 Samuel 12:1-71 Isinugo ni Yahweh kay David ang
propetang si Natan. Pagdating doon ay sinabi niya, "Sa isang lunsod ay may dalawang lalaki, mayaman ang isa at ang isa'y dukha. 2 Maraming kawan at bakahan ang mayaman,
3 samantalang ang dukha ay may isa lamang munting babaing tupa. Inalagaan niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. Kinakalong niya itong parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinapainom.
4 Minsan, may manlalakbay na naging panauhin ng mayamang lalaki. Sa halip na sa kanyang kawan kumuha ng hayop na papatayin, ang kaisa-isang tupa ng dukhang iyon ang kinuha ng mayaman. At iyon ang inihanda niya para sa kanyang panauhin."
5 Napasigaw sa galit si David, "Saksi si Yahweh, ang Diyos na buhay, a dapat mamatay ang taong iyan!
6 Kailangang magbayad siya nang apat na beses sa kanyang ginawa, sapagkat inapi niya ang dukha."
7 Sinabi agad ni Natan kay David, "Ikaw ang lalaking iyon! Ito ang ipinapasabi sa iyo ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Ginawa kitang hari ng Israel, iniligtas kita mula sa mga kamay ni Saul.
2 Samuel 12:13-14
13 Sinabi ni David kay Natan, "Nagkasala ako kay Yahweh."
Sumagot si Natan, "Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay.
14 Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay."
Awit 51:1-91 Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang- loob;mga kasalanan ko'y iyong pawiin,ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
2 Linisin mo sana ang aking karumhan,at patawarin mo'ng aking kasalanan!
3 Mga pagkakasala ko'y kinikilala,di ko malilimutan, laging alaala.
4 Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan;kaya may katuwiran ka na ako'y hatulan,marapat na ako'y iyong parusahan.
5 Ako'y masama na buhat nang isilang,makasalanan na nang ako'y iluwal.
6 Nais mo sa aki'y isang pusong tapat;puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
7 Ako ay linisin, sala ko'y hugasanat ako'y puputi nang lubus-lubusan.
8 Sa galak at tuwa ako ay puspusin;butong nanghihina'y muling palakasin.
9 Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin,lahat kong nagawang masama'y pawiin.
God Bless