UNANG TAON KASAYSAYAN AT PAMAHALAAN NG PILIPINAS Mga
Pangkalahatan at tiyak na Kakayahan Pagkatapos ng isang taong
pag-aaral sa antas na ito ng mataas na paarals, ang bawat magaaral
ay inaasahang makapagpapamalas ng mga sumusunod na kakayahan. I.
Ang Pag-aaral ng Kasayasayan 1. Napahahalagahan ang pag-aaral ng
kasaysayan sa pagbuo at pag-unlad ng bansa. A. Kahalagahan ng
Kasaysayan 1.1 Nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng kasaysayan
1.2 Naiuugnay ang kasaysayan sa iba pang disiplihang panlipunan.
1.3 Naiuugnay ang kahulugan ng kasaysayan sa lipuna.n II. Ang
Simula ng Bansa 2. Napapahalagahan ang kaugnayan ng heograpiya sa
pagliang ng kabihasnang Pilipino. A. Heograpiya at kasaysayan 2.1
Nasusuri ang mga lakas at kahinaan ng ibat ibang teorya tungkol sa
pinagmulan ng kapuluan. 2.2 Natutukoy sa mapa ang mga hangganan ng
Pambansang Teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas 1987. 2.3
Nasusuri ang mga implikasyon ng mga probisyon ng Doktrinang
Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine) at ng Exclusive Economic Zone.
2.4 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pagkilala sa karapatan sa mga
lupaing ninuno (ancestral domain) 2.5 Nakapagbabalangkas ng
mabisang paraan ng wastong paggamit at pangangalaga ng mga likas na
yaman sa bansa. 2.6 Nasusuri ang mga layunin at dahilan ng
rehiyonalisasyon ng Pilipinas. 2.7 Nasusuri ang epekto ng
heograpiya sa mga pag-uugali at kamalayang pangkapaligiran. 2.8
Nakikilala ang teorya at ang katotohanan sa pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas. 2.9 Nasusuri ang implikasyon ng kasalukuyang balangkas
ng populasyon sa bansa. B. Sinaunag Pamayanan 2.10 Nasusuri ang
teorya tungkol sa pinagmulan ng mga unang tao sa Pilipinas. 2.11
Nailalarawan ang kultura ng mga sinaunang pamayanan at naging
pag-unlad nito. 2.12 Naipagmamalaki ang kabihasnan ng mga sinaunag
pamayanan. 2.14 Napahahalagahn ang mga naging impluwensya mula sa
mga Asyano. III. Paglinang sa Kamalayang Pilipino
3. Napapahalagahan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino na
malinang ang amalayang Pilipino. A. Kolonisasayin at
Kritiyanisasyon 3.1 Nabibigyabg-puna ang paggamt ng krus at espada
sa pananakop ng mga Espanyol sa mga Pilipino. 3.2 Nasisiyasat ang
ibat ibang patakarang kolonyal ng Espanyol. 3.3 Nasusuri ang
bahaging ginagampanan ng katutubong kultura bilang kasangkapan sa
pananakop. 3.4 Nasusuri ang pamahalaang kolonyal at ang epekto nito
sa pamumuhay ng mga Pilipino. 3.5 Nasisiyasat ang paraan ng
pakikitungo ng mga Pilipino sa ma mananakop. 3.6 Naipapahayag ang
damdamin sa kagitingan ng mga Muslim at ng mga katutubo sa
bulubundukin ng Hilagang Luzon at iba pang pamayanan sa buong
kapuluan. B. Pilipino Laban sa Ibang Dayuhan 3.7 Nabibigyang-puna
ang reaksyon ng mga Pilipimo sa mga dayuhang nag-angkang manakop
dito. IV. Pagsibol at Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino 4.
Napahahalagahan ang pagsibol at pag-unlas ng nasyonalismong
Pilipino. A. Pagsilang ng Nasyonalismo 4.1 Nasusuri ang mga
pagbabago sa ekonomiya at lipunan ng Pilipinas noong ika-19 na
siglo na nagbigay-daan sa pagbubukas ng Plipinas sa pandaigdigang
kalakalan, pag-usbong ng mga illustrado atbp. B. Mga Kilusan Tungo
sa Reorma 4.2 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Kilusang
Propaganda at Katipunan. 4.3 Napahahalagahan ang pagsisikap at
paninidigan ng mga propagandista at mga Katiounero sa pagtatamo ng
reorma sa mapayapang pamamaraan. 4.4 Naipapahayag ang saloobin
tungo sa pamamaraan ng paggamit ng pagbabago. C. Himagsikang
Pilipino 4.5 Napag-uugna-ugnay ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa Unang Yugto ng Himagsikang: Ang Digmaang
Pilipimno-Kastila. 4.6 Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng
pagkakaisa sa hmagsikan. 4.7 Nasusuri ang probisyon ng Kasunduan ng
Biak-na-Bato. 4.8 Nabibigyabg-puna ang pagtatag bg pamahalaan ng
mga Pilipino noong 1898.
4.9 Naipahahayag ang damdamin hingil sa proklamasyon ng
kasarinlan ng Pilipinas. 4.10 Naipapaliwanag ang kahalagahn ng
Kongreso ng Malolos 4.11 Nabubuid ang mahahalagang probisyon ng
Saligang-Batas ng Malolos. 4.12 Nabibigyang-halaga ang mga nagawa
ng Unang Republika na itinatag sa Malolos. 4.13 Nabibigyang-halaga
ang pagtatag ng Iglesia Independiete ng Pilipinas. 4.14
Napag-uugnay-ugnay ang mahahalagang pangyayaring naganp sa
Ikalawang Yugto ng Himagsikang: Ang Digmaang Pilipino-Amerikano.
4.15 Naipapaliwag na ang digmaan ay walang naidudulot na kabutihan
at kapakipakinabang sa bansa. V. Paghadlang sa Nasyonalismong
Pilipino 5. Napahahalahagan ang pagsisikap ng mga Pilipino na
makapagsarili sa kabili ng pagkakatatag ng pamahalaang Amerikano.
A. Mga Patakarang Pagsupil 5.1 Nasusuri ang mga layunin ng panankop
ng Estados Unidis sa Pilipinas. 5.2 Naipapamalas ang matalinong
pagsusuri sa mga pangyayaring sumupil sa nasyonalismong Pilipino.
5.3 Nasusuri ang patajarang pampulitika, pang-ekonomiya,
panglipunan at pang-agrikultura na pinapairal ng mga Amerikano. B.
Pagpupunyagi sa Kabila ng Pagsupil 54 Nasusuri ang mga patakaran at
batas na may kinalaman sa pagsasarili ng mga Pilipino. 5.5 Nasusuri
ang mga nilalaman ng batas na gimawa ng Komisyon ng Pilipinas. 5.6
Nasusuri ang kahalagahan ng pagkakatatag ng Asemblea Filipina. 5.7
Naipaliliwang ang bahaging ginagampanan ng mga Misyong Pangkalayaan
tungo sa pagsasarili. 5.8 Nasusuri ang mga probisyon ng Batas
Hare-Hawes-Cutting at Tydings-McDuffie ukol sa pagsasarili. 5.9
Nabibigyang-puna ang mga liderato ngmga Pilipino s paghahanda sa
pagsasarili 5.10 Nakapagbabahagi ng pansariling reaksyon tungkol
sa: Bahaging ginagampanan sa Saligang Batas ng 1935 Naging tugon ng
pamahalaan sa mga suliranin sa panahon ng Komonwelt Mga
likhanh-kultural na adhikaing pagsasarili C. Pagkabalam ng Kalayaan
5.11 Nasisiyasat ang tunay at dihayag na layunin ng Hapon sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular s pananakop sa Pilipinas
. 5.12 Naipagmamalaki ang ipinakitang kagalingan ng mga Pilipino
upang mapalayang muli ang Pilipinas. 5.13 Nasusuri ang lipunan at
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Hapon. 5.14 Nasusuri ang
naging bunga ng Ikalaeang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.
VI. Pagtataguyod ng Kalayaan 6. Napahahalagan ang mga nagawa ng
ibat ibang pangasiwaan mula nang makalaya ang bansa. A. Mga Hamon
sa Kalayaan 6.1 Nasusuri ang mga suliraning kinakaharap ng malayang
PIlipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 6.2 Nasusuri
ang liderato sa ga patakaran at pangangasiwa sa pamahallas mula kay
Pangulons Roxas hanggang sa unang yugti ng administrayon ni
Pangulong Marcos. B. Ang PIlipinas sa Ilalim ng Batas-Militar 6.3
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng Batas-Militar sa buhay at
pananaw ng mga Pilipino. C. Panunumbalik ng Demokrasya 6.4
Natatalakay ang kahulugan, element at kahalagahan ng People Power.
6.5 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng People Power I at II sa
buhay at pananaw ng mga Pilipno at ng daigdig. 6.6 Nasusuri ang
liderato sa mga patakaran at pangangasiwa ng pamamahala mula kay
Pangulong Aquino hanggang sa kasalukuyan.
D. Kultura sa Pagtataguyod ng Demokrasya 6.7 Napahahalagahan ang
bahaging gigampanan ng sininig, literature at midya sa lipunan sa
pagpapanatili ng demokrasya. VII. Ang Pamahalaan at ang Mamayanan
7. Napahahalagahan na ang pamamahala ay magkabalikat na panangutan
ng pamahalaas at mamayanan. A. Ang Estado 7.1 Naipaliliwanag ang
element mg isang Estado. 7.2 Napaghahambing ang Nasyon sa Estado.
B. Saligang-Batas
7.3 Nasusuri ang uri, mga bahagi, mga katagngian at kahalagahan
ng Saligang-Batas 7.4 Nailalahad ang proseso ng pagbabalangkas ng
Saligang-Batas ng Pilipinas. 7.5 Naihahambing ang mahahalagang
probisyon ng ibat ibang Saligang-Batas. C. Pagkamamayan 7.6
Naipaliliwang ang mga proseso sa pagtatamo at pagsasawalang-bisa ng
pagkamamayanang Pilipino. 7.7 Nasusuri ang mga karapatan at
tungkulin ng isang mamayan. 7.8 Nabibigyang-proteksyon ang mga
batas ng kababaihan at manggagawa batay sa nga pang-aabuso sa
kanilang karaoatan tulad ng child ang drug trafficking, child
abuse, migrant workers, at iba pa. 7.9 Napapahalagan ang ibat ibang
karapatan tulad ng kalusugang pangreproduktibo ng mga batas,
kababaihan at manggagawa. 7.10 Naipaliliwang ang kahalagahan ng
pakikilahok ng mamayanan sa ibatibang prosesong pampulitika 7.11
Nasisiyasat na mapanri ang mga kakayahan at katangian ng isang
lider. D. Ang Pamahalaan 7.12 Nasusuri ang tungkulin at gawain ng
pamahalaan 7.13 Naiuugnay ang pag-unlad ng ekonimiya ng bansa sa
pagkakaroon ng matatag at mabuting pamahalaan 7.14 Naipapahayag ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng isang matatag na pamahalaan.
E. Mga Sangay ng Pamahalaang Nasyonal 7.15 Napahahalagahan ang
bahaging gigampanan ng mga sangay ng Pamahalaang Nasyonal at sa
pagtatamo sa isang matatag at maunlad na bansa. F. Sangay Tanggapan
7.16 Nasusri ang mga kwalipikasyon tungkulin at kapangyarihan ng
mga sumusunod: Pangulo Pangalawang Pangulo Gabinete G. Sangay
tagapagbatas 7.17 Nasusuri ang katangian at pagganap sa tungkulin
ng Kongreso. 7.18 Naipaliliwanag amg mga hakbang kung paano
nagiging batas ang isang panukalangbatas. 7.19 Naioahahayag ang
kahalagahan ng paggawa na kinakailangan at nararapat na batas
para sa katatagan ng bansa. 7.20 Natataya ang pagganap sa
pagsasabatas ng mga kasapi mg Sangay Tagapagbatas. H. Sangay
Tagaphukom 7.21 Nasusuri ang pagpapatupad ng mga batas sa pagtatamo
ng pambansang kalayaan at kapayapaan. 7.22 Nasusuri ang
organisasyon, tungkulin at saklaw na kapangyarihan ng mga hukuman
sa bansa. 7.23 Naipaliliwanag ang kahulugan at sakop ng bawat
haligi ng karuningan (5 Pillars of the Philippine Justice Sysyem).
7.25 Naipahahayag ang kahalagahan na isang Malaya, makaturungan at
matatag na sistema ng paghuhukom 7.26 Natataya ang oagganap na
tungkulin ng mga bumubuo ng Sangay Tagapaghukom. I. Komisyong
Konstitusyonal 7.27 Nassuri ang organisasyon, tngkulin at saklaw na
kapangyarihan ng mga Komisying Konstitusyonal sa pagkakaroon ng
matatag at malinis na pamahalaan. 7.28 Nakapagbibigay-reaksyon sa
tunkulin ng Komisyong Konstitusyonal sa (COMELEC, Cilvil Service
COA). J. Pamahalaamg Lokal 7.29 Nasusuri ang balangkas, tungkulin
at kapanyarihan ng pamahalaang lokal batay sa Lical Government Code
tungkol sa pagkakaroon ng isang maunlad na bansa. 7.30
Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaang lokal sa
katatagan ng bansa. 7.31 Natataya ang pagganap ng tungkulin ng
pamahalaang likal. K. Badget 7.32 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pambansang badget. 7.33 Nasusuri ang pinanggagalingan ng pondo at
pinagkakagastusan ng pamahalaan. 7.34 Nabibigyang-puna ang paraan
ng paggugol ng pamahalaan. 7.35 Napahahalagahan ang pangangalaga sa
pananalapi ng bayan sa pamaamagitan ng maayos na paggugol. L.
Pakikipag-ugnayang Panlabas 7.35 Nasusuri ang mga patakarang
panlabas ng bansa. 7.37 Nasusuri ang mga suliraning panlabas na
kasalukuyang hinaharap ng bansa. 7.38 Nabibigyang-halaga ang mga
paraang ginagamit sa suliraning panlabas tulad ng mga sumusunod:
Dialogo (Dialogue) Tratado (Treaties) Protocol
Convention
IKALAWANG TAON MGA KASANAYAN I. Naipamamalasang pang-unawa at
pagpapahalaga sa kaugnayan ng mga tao sa bansang Asyano *
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit mg mapa at globo
Katagngiang Pisikal 1.1 Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungkol
sa paghahating heograpiko ng Asya, Silangang Asya, Kanlurang Asya
Asya, Silangang Asya at Hilaga/Sentral na Asya. 1.2 Nailalarawan
ang mga katangiang kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya
katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, klima at vegetation
cover/tundra, tuiga, grassland, dessert, tropika forest, mountain
lands. 1.3 Natataya ang yamang likas ng mga rehiyon sa Asya. 1.4
Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan
ng
Agrikultura Ekonomiks Panahanan Kultura
1.5 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning
pangkapaligiran sa pamumuhay ng mga Asyano. 1.6 Naihahatag ang
kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal ng
rehiyon. Yamang-tao sa Asyano 1.7 Nailalarawan ang komposisyong
etniko ng mga rehiyon sa Asya. 1.8 Nasusuri ang kaugnayan ng
paglinang ng wika at paghiubog ng kultura ng mga Asyao. 1.9
Nasusuri ang antas ng kabuhayan ng mga bansang Asyanobatay s level
ng teknolohiya, uri ng paglilingkod na panlipunan at pangkabuhayan.
1.10 Nahihinuha ang (infer) ang implikasyon ng antas ng kabuhayan,
level ng teknolohiya at paglilingkod sa kabuuang pamumuhay ng mga
Asyano. 1.11 Nasusuri ang kaugnayan ng yamaa tao ng mga bansa ng
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang
panahon batay s ass:
Damit ng tao Komposisyon ayon sa gulang Inaasahang haba ng buhay
Kasarian Bilis ng paglaki Migrasyon Uri ng hanapbuhay Bilang ng
hanapbuhay Kita ng bawat tao Bahagdan ng marunong bumasa at
sumulat
II. Sinaunang Kabihasnang sa Asya (bago ang ika-16 na siglo
hanggang 16 na siglo)
Nasusuri ang paghubog (formation) at globo
A. Mga Batayan sa Paghubog (formation), pag-unlad/pagsuri (devt)
at kalikasan (nature) ng mga pamayanan at estado (communities &
state) 2.1 Nasusuri ang mga proseso at yugto ng ebolusyong
bayolohikal ng mga sinaunang tao sa Asya (Primates, Ramaphitheues,
Homo Habillia, Homo Sapiens). 2.2 Nasusur amg kabuhayan,
teknolohiya at pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Asya. 2.3
Naipaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Summer,
Indus, Tsina). 2.4 Nabubuo ang imlikasyon ng pag-unlad ng
kabihasnan at pagtatag ng mga Imperyo sa Asya. 2.5 Napahahalagahan
ang mga bagay at isipang pinagbatayan (Sinocentrism, Divine Origin,
Theravada) sa pagkilala sa sinaunang kabihasnan. B. Sinaunang
Pamumuhay ng mga Asyano 2.6 Nasusuri ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap saasya mula sa pagkakatatag ng sinaunang
kabihasnan hamggang ika-19 na siglo (pmahalaan, kabuhayan,
teknolohiya, pagpapahalaga, lipunan, edukasyon, paniniwala, sining
at kultura). 2.7 Nasusuri ang impluwensya ng Budismo, Hinduismo,
Confucianismo, Kristiyanismo, Islam, Shintoismo, Judaism,
Zoroastrianismo, Jainism, Sikhism, Arianismo) sa kalagayang
panlipunan, sining at kultura ng mga Asyano. 2.8 Nasusuri ang
bahaging ginagampanan ng mga pananaw at paniniwalang
relihiyon-pilosopiya at tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga
Asyano. 2.9 Nasusuri ang epekto (impact) ng sinaunang kabihasnan ng
India. 2.10 Nasusuri ang kalagayan, level at tradisyon ng mga
kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay. 2.11 Nasusuri ang
bahaging ginagampanan ng mga kababaihan pagtataguyod at
pagpapanatili ng mga Asyanong pagpapahalaga. 2.12 Naihahayag ang
paghanga at pagmamalaki sa kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnang Asyano sa sangkatauhan. A. Ang Asya at Kanluranin 3.1
Nasusuri ang mga dahilan at pamamaraan ng Imperyalismo at
Kolonyalismo ng mga kanluranin sa unang yugto(ika-16 at ika-17
siglo) ng pagdating nila sa Asya. 3.2 Nasusuri ang mga oangyayaring
nagbigay daan sa unang yugto ng Imperyalismo sa Asya. 3.3
Naihahambing ang ikalawang yugto (ika-18 at 19 siglo) ng
Imperyalismon at Kolonyalismo ng mga kanluranin sa Asya sa unang
yugto ayon sa dahilan at pamamaraan. 3.4 Natataya ang mga epekto ng
Kolonyalismo sa rehiyong Asya. 3.5 Nasusuri ang transpormasyon ng
mg pamayanan at estado ng Asya sa pagpasok ng mga kanluranin sa
larangan ng: Pamamahala Teknolohiya Paniniwala Sining Kabuhayan
LIpunan Pagpapahalaga Kultura 3.6 Nasusuri ang kakayahan ng ilang
bansang Asyano na manatili ang kalagayang pulitikal laban sa mga
bansang kanluranin at Asyano (Korea at Thailand). 3.7 Nasusuri ang
makabagong anyo ng Imperyalismo ng kanluranin sa kasalukuyang Asya.
B. Nasyonalismo sa Asya 3.8 Nasusuri ang ma salik (factors) at
pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong at pag-unlad ng
nasyonalismo sa ibat ibang rehiyon sa Asya. 3.9 Naipaliliwanag ang
ibatibang manipestasyon ng nasyonalismo. 3.10 Nasusuri ang mga
pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa pagtamo ng kalayaan mula sa
kolonyalismong kanluranin. 3.11 Nasusuri ang matinding epekto ng
Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagtatag ng sistemang
mandato s kanlurang Asya; epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa pagbuo ng mga kilusan at hukbo sa Timog Silangang Asya na
magsusulok sa kalayaan ng mga bansa dito. 3.12 Nasusuri ang
kaugnayan ng ibatibang ideolohiya sa mga malawakang kilusang
nasyonalismo sa Asya (ideolohiya ng malayang demokrasya o liberal
democracy, sosyalismo at komonismo) 3.13 Nausuri ang epekto ng
samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng mga
kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng mga
kababaihang Asyano tungo sa pagkakapantay-pantay pagkakataong
ekonomikal at karapatang pulitikal. 3.14 Naipapahayag ang
pagpapahalaga sa bahagong ginampanan ng nasyonalismo sa Asya tungo
sa paglaya ng bansa. 3.15 Nasusuri ang epekto (Impact) ng
nasyonalismo at sigalot etniko sa Asya katulad ng
partisipasyon/paghahati ng India at Pakistan.
3.16 Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng
nasyonalismo sa pagbibigay wakas ng imperyalismo. 3.17 Nabubuod ang
mga pangunahing katagian ng nasyonalisnmo sa Asya. 3.18
Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at pagka-Asyano. V. ANG ASYA SA
PANGKASALUKUYANG LIPUNANG ASYANO A. Pamahalaan, Kultura at Lipunang
Asyano 4.1 Nasusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansang
Asyano. 4.2 Napaninindigan ang karapatang magkaroon ng mabuting
pamahalaan. 4.3 Napapanindigan ang katatagan ng pamilyang Asyano
bilang batayang yunit ng lipunan. 4.4 Nasusuri ang palatuntunan na
nagtataguyod sa karapatan ng mga bata, kababaihan at manggagawa.
4.5 Naihahambing ang kalagayan ng kababaihan ibat ibang bahagi ng
Asya 4.6 Nasusuri ang mga nalabag ng mga kababaihang Asyano,
kalagayang pulitikal, sosyal at kultural. 4.7 Nasusuri ang
kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano KASANYAN A. Ang
Asya sa pangkasalukuyang Panahon 4 Naipapamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga pondong ideolohikal sa pamumuhay Asya sa
kasalukuyang panahon. 4.8 Natataya ang bahaging ginampanan ng
rehiyon sa ibat ibang aspeto ng pamumuhay ng Asyano. 4.8.1
Natatalakay ang ginampanan ng mga rehiyon sa mga Asyano. 4.8.2
Nasasabi ang kahalagahan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
4.9 Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabago pang-ekonomiya na
naganap sa kalagayan ng mga bansa sa Asya. 4.9.1 Natatalakay ang
ilang mga suliranin pang-ekonomiya sa Asya. 4.9.2 Naihahambing ang
ekonomiya ng ibang bansa sa Asya noon at sa kasalukuyan. Nasusuri
ang pagkakaiba ng antas ng pagsulong sa pag-unlad sa Asya. 4.10.1
Naiisa-isa ang mga bansang kabilang sa Newly Industrialized
Country. 4.10.2 Natatalakay ang mga pamamaraan ginagamit upang
sumulong at umunlad ang mga bansa sa Asya. 4.10.3 Naihahambing ang
pagkakaiba-iba ng pag-unlad sa Asya. Nasusuri ang anyo at tugon san
g mga Asyano sa neokolonyalismo. 4.11 Naibibigay ang kahulugan ng
neokolonyalismo. Nasusuri kung paano nakatulong ang kalakalan sa
pagbabagong ekonomikal at kultural ng mga bansang Asyano. 4.12.1
Naibibigay ang kahulugan ng kalakalan. 4.12.2 Naipaliliwanag ang
kahalagahan at peligro ng kalakalan.
Nasusuri ang pagpapahalagang asyano at mga pamaraang ginamit ng
ilang bansang Asyano (Timog Korea at Singapore) tungo sa
pangkabuhayang pag-unlad. 4.13.1 Natatalakay ang mga pamaraang
ginagamit ng South Korea at Singapore upang matamo ang kabuhayang
pag-unlad. 4.13.2 Nakikilala ang mga namumuno sa mga bansang ito
(South Kore at Singapore) nanagsulong ng kaumlaran. Naipagmamalaki
sa daigdig ang mga kontribusyon ng mga Asyano sa larangan ng
humanidades (humanities, panitikan at palakasan). 4.14.1 Nakikilala
ang ilan sa mga Asyano sa nakatanggap ng parangal para sa panitikan
at pampalakasan. 4.14.2 naiisa-isa ang mga kontribusyon ng mga
Asyano na maipagmalaki sa buong daigdig.. Naasusuri ang kinalaman
ng kultura sa asal at gawi ng mga Asyano. 4.15.1 Naipaliliwanag ang
kinalaman ng kultura sa asal at gawi ng mga Asyano. Nahihinuha ang
pagkakakilanlan ng kultura sa asa at gawi ng mga Asyano. 4.16.1
Natutukoy ang pagkakakilanlan ng kultura sa asal at gawi ng mga
Asyano. 4.16.2 Napapahalagahan ang mga asal at gawi ng mga Asyano.
Napapahalagahan ang mga isipan at mga gawaing Asyano na kapupulutan
ng aral tungo sa tagumpay ng sambayanan. 4.17.1 Naisasagawa amg mga
kaisipan at aral sa pagiging matagumpay ng bansa. B. Mga
Napapanahong isyu at pamamalasakit (Issues and Concerns)
Naipililiwanag ang mga pangunahing isyu at pagmamalasakit
(concerns) na kinakaharap ng Pilipinas dala ng kasalukuyang
pagbabagong pulitika at sosyo ekonomiko sa Asya (terorismo,
kahiraan, pagkasira ng kapaligiran, pang-aabuso sa karapatang
pang-tao, paglaki ng populasyon at iba pa). 4.18.1 Naiisa-isa ang
mga isyu na kinakaharap ng Pilipinas. 4.18.2 Nailalarawan ang
kairapan at pagkasira ng kapaligiran sa Pilipinas. 4.18.3 Natutukoy
ang mga karapatang pantao na naabuso. Nasusuri ang pananatili ng
kahirapan at paglaganap ng mga salot na sakit sa Asya sa gitna ng
mataas na antas ng pag-aaral siyentipiko, teknolohikal at
medicinal. 4.19.1 Naiisa-isa ang klasipikasyon ng sakit na laganap
sa Asya. 4.19.2 Naipaliliwanag ang dahian ng kahirapan ng iang
bansa sa Asya. Nasusuri ang pakikilahok sa pandaigdigang kalakalan
at industrialisasyon. 4.20.1 Natatalakay ang paglahok ng ilang
bansangasyano sa pandaigdigang kalakalan. 4.20.2 Nailalarawan ang
mga pagbabago sa pandaigdigang kalakalan. Nasusuri ang ugnayang
pansaigsigang kalakalan (globalizing trends) sa ekonomiya at
kultura at tradisyonal sa Asya. 4.21.1 Natatalakay ang paglahok ng
ilang bansang Asyano sa pandaigdigang kalakalan. 4.21.2 Natatalakay
ang pag-unlad ng Japan matapos amg Ikalawamg Digmaang
Pandaigdig.
4.21.3 Naipaliliwanag ang globalisasyion Naipaliliwanag ang
kaugnayan ng paglaki ng popilasyon sa pangkabuhayan at panlipunang
pag-unlad ng mga rehiyong Asya. 4.22.1 Naiisa-isa ang epekto ng
paglaki mg populasyon sa pag-unlad ng bansa. 4.22.2 Nailalarawan
ang mga programang iniliunsad upang maiwasan ang paglaki ng
populasyon. Nasusuri ang epekto impak ng organisasyon sa pamilya,
antas ng pamumuhay, kaugnayang panlipunan. 4.23.1 Natatalakay ang
epekto ng urbanisasyon sa pamilya at antas ng pamumuhay. 4.23.2
Naiisa-isa angepekto ng urbanisasyon sa lipunan at rehiyong etniko.
Nasusuri amg dahilan at epekto migrasyon sa buhay Asyano sa loob at
labas ng rehiyon. 4.24.1 Naiisa-isa anag mga dahilan at epekto ng
migrasyon sa mga Asyano Nasusuri ang epekto, kaugnayng ng
transnational crimes sa Asya. 4.25.1 Natatalakay ang mga
transnational crimes na nangyari sa Asya. 4.25.2 Naiisa-isa at
naipapaliwanag ang mga halimbawa ng mga transnational crimes.
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng konsepto ng kalayaan
(freedom) pagkapantay-pantay, katarungan at mabuting pagkamamamayan
sa buhay ng asyano 4.26.1 Naipagmamalaki amg ginagampanan ng
konsepto ng kalayaan at katarungan sa mga Asyano. 4.26.2
Naipagmamalaki ang pagiging mabuting mamayanan ng mga Asyano.
Napapangatwiranan ang kaankupan ng isang natatanging hakbang sa
paglutas ng saga lot, panrelihiyon at etniko at tulad ng sa Burma,
Indonesia, Sri lanka at iba pa. 4.27.1 Natutukoy ang mga sigalot
panrelihiton at etnikong ilang bansa sa Asya 4.27.2 Nabibigyang
kalutasan amg mga sigalot panrelihiyon at etniko Naoaoahakagahan
ang bahaging ginagampanan ng ASEAN, APEC, at iba pang mga samahang
panrelihiyon sa Asya. 4.28.1 Natutukoy ang mga organisasyon na
tumutulong uoang mapaunlad ang ekonomiya ng mga bansa sa Asya.
4.28.2 Natatalakay ang layunin ng APEC at ASEAN 4.28.3
Napahahalagahan ang tulng na ginaea ng ASEAN at APECsa mga Asyano
Naitataguyod ang pagtutulungang panrelihiyon ng mga Asyano 4.29.1
Naipagmamalaki ang pagtutulungan ng mga Asyano Napapahalagahan ang
pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga pangunahing katangian
ng mga Asya. 4.30.1 Naipagmamalaki ang ipinakitang pagkakaisa ng
mga Asyano
IKATLONG TAON KASAYSAYAN NG DAIGDIG Pagkatapos ng isang taong
pag-aaral sa antas sa antas na ito sa mataas na paaralan,bawat
mag-aaral ay inaasahang makapagpapakita ng sumusunod na
kakayahan:
Ang simula ng kabihasnan 1. Naipamamalas ang pag unawa sa
kinalaman ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang daigdig. A.
Heograpiya ng Daigdig 1.1 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at
pahayag mula sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng daigdig. 1.2
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao.
1.3 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan. B.
Mga Unang Tao 1.4 Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag
sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng tao. 1.5 Nasusuri ang katangian
ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura (paleolitiko at Neolitiko).
C. Mga Unang Kabihasnan 1.6 Nasusuri ang mga kaganapan sa
Rebolusyong Neolitiko (pasimula ng agrikultura) na naging batayan
ng mga unang kabihasnan. 1.7 Naiuugnay ang heograpiyang pisikal sa
paglinang ng mga unang kabihasnan. 1.8 Nasusuri ang pagsulong ng
mga unang kabihasnan sa Asia (Sumer/Mesopotamia, Indus at China),
Africa (Egypt), South-America (Aztec, Maya at Inca). 1.9
Napahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ng mga unang
kabihasnan. ll. Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon 2.
Napahahalagahan ang magkakasabay na pag-unlad ng mga kabihasnan sa
Asia, Africa, South-Amerika at Europe. A. Kabihasnang Klasikal sa
Asia at Europe 2.1 Nasusuri ang mga elemento ng Kabihasnang Minoan
at Mycenean 2.2 Nasusuri ang mga kaganapan sa Kabihasnang Grecco
Roman at Byzantine. 2.3 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng
kabihasnang Islamik sa ugnayang Kanluran at Silangan. B.
Kabihasnang Klasikal sa Africa at America 2.4 Nasusuri ang mga
kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa (Mali at
Songhai). 2.5 Nasusuri ang mga kaganapan sa pulo ng Pacific. 2.6
Napahahalagahan ang kontribusyon ng Africa at America sa pag unlad
ng kabihasnan ng daigdig.
C. Pag usbong ng Europe 2.7 Nasusuri ang mga salik na
nagbigay-daan sa paghina ng Imperyong Romano. 2.8 Nasusuri ang mga
pangyayaring nagbigay-daan sa pagpasok ng Gitnang Panahon. 2.9
Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng Holy
Roman Empire. 2.10 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng
Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon.
2.11 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng mga krusada sa Gitnang
Panahon. 2.12 Nasusuri ang paglaganap ng piyudalismo at
manoryalismo sa Europe. 2.13 Nasisiyasat ng mapanuri ang mga
kaganapan tungo sa paglinang ng Kabihasnang Europe. 2.14 Nasusuri
ang pasimula at paglaganap ng mga bayan at lungsod. III. Pag-igting
ng Ugnayang Pandaigdig at Pagtatatag ng mga Nation-States 3.
naipamamalas ang mapanuring pag aaral sa mga kaganapan sa daigdig
na humantong sa pagtatatag ng mga nation-states. A. paglakas ng
Europe 3.1 nasusuri ang paglakas ng mga bourgeoisie. 3.2 Nasusuri
ang pagsilang ng merkantilismo. 3.3 Nasusuri ang pagtatag ng
national monarchy. 3.4 Nasusuri ang mga salik na nagbigay-daan sa
Renaissance. 3.5 Nasusuri ang mga kontribusyon ng Renaissance sa
daigdig. 3.6 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko
sa paglakas ng Europe. 3.7 Napahahalagahan ang mga dahilan at bunga
ng Repormasyon. B. Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon 3.8
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo
at kolonisasyon sa Europe. 3.9 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng
Rebolusyong Siyentipiko 3.10 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng
Enlightment. 3.11 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong
Pampulitika at Panlipunan sa Europe (Rebolusyong Prances) at
Amerika. 3.12 Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Rebolusyong
Industriyal C. Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon 3.13
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonisayon.
D. Pagkamulat 3.14 Naiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Prances at Amerikano. 3.15 Naihahambing ang
nasyonalismong nalinang sa Europe at sa mga kolonya. 3.16 Naiuugnay
ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga
bansang sakop. 3.17 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa nasyonalismo
sa iba`t ibang bahagi ng daigdig. E. Tunggalian ng Interes 3.18
Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Digmaang
Pandaigdig 3.19 Nasusuri ang mga epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig. 3.20 Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit
ang kapayapaang pandaigdig. 3.21 Nasusuri ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 3.22 Nasusuri ang
papel na ginampanan ng mga pangunahing bansang sangkot sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. 3.23 Nasusuri ang mga epekto ng paniniwala sa
siyensiya, teknolohiya, at materyalismo sa pananaw ng mga Estadong
European ukol sa digmaan. 3.24 Nasusuri ang epekto ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa Europa, Asia, Africa at mga kolonya. 3.25
Nasusuri ang mga tagumpay at kabiguan ng United Nations.
IV. Ang Daigdig Ngayon at sa Hinaharap 4. Naipamamalas ang
mapanuring pag-aaral sa mga isyu at suliraning pandaigdig sa
kasalukuyan. A. Mga Ideolohiyang Laganap 4.1 Nasusuri ang tugon ng
mga ideolohiyang pulitikal at ekonomik sa hamon ng establisadong
institusyonn ng lipunan . 4.2 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng
ibat ibang ideolohiyang pampulitika sa buhay ng tao. 4.3 Naiuugnay
ang mga pwersang pangkabuhayan sa kalagayang pulitikal ng bansa.
4.4 Napahahalagahan ang kahandaan ng mga bansa sa pagpili ng mga
Ideolohiyang yayakapin. B Cold War at Neo-kolonyalismo 4.5 Natataya
ang epekto ng Cold War sa mga kaganapan noong ika-20 siglo. 4.6
Nasusuri ang mga epekto ng neo-kolonyalismo sa pangkalahatang
kalagayan ng
papaunlad at di-maunlad na bansa. C. Pagpaparami ng Armas 4.7
Natataya ang mga epekto ng pagpaparami ng armas sa ibat ibang panig
ng daigdig. 4.8 Nabibigyang-puna ang mga pulong at kasunduan
tungkol sa mga sandatang nukleyar. D. Panglobong Terorismo 4.9
Nasusuri ang mga isyung kaugnay ng mga suliraning pangkapayapaan at
pangkatiwasayan. 4.10 Nasusuri ang mga anyo, dahilan at bunga ng
terorismo. 4.11 Napahahalagahan ang pagkakaisang hakbang ng mga
bansa sa daigdig laban sa terorismo. 4.12 Nakapagmumungkahi ng
mabisang pamamaraan sa pagpigil ng banta ng terorismo. E.
Populasyon, Kalusugan at Pag-unlad 4.13 Natatalakay ang mga isyung
kaugnay ng mga suliraning pampopulasyon. 4.14 Nabibigyang-halaga
ang mga programang pampopulasyon sa daigdig. 4.15 nabibigyang-puna
ang mga makabagong sakit na nagbabanta sa buhay ng mga tao. F.
Teknolohiya at Kalagayang Ekolohikal 4.16 Nasusuri ang mga isyu at
suliraning may kinalaman sa paggamit ng teknolohiya (isyu at
suliraning ekolohikal, paglilipat ng teknolohiya at iba pa.) G. Mga
Karapatang Pantao 4.17 Naipaliliwanag ang mga anyo ng paglabag sa
mga karapatang pantao. 4.18 Nasusuri ang mga epekto ng paglabag sa
mga karapatang pantao. 4.19 Nakapagmumungkahi ng mabisang
pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao. H. Globalisasyon
4.20 Nasusuri ang mga dahilan at epekto na dulot World Trade
Organisation at ng globalisasyon sa mga bansang may ibat ibang
antas ng kabuhayan at pag-unlad. 4.21 Naiuugnay ang
pangkasalukuyang mga isyu na kinakaharap ng daigdig tungo sa
pandaigdigang pagkakaisa kapayapaan at kaunlaran.
IKAAPAT NA TAON EKONIMIKS Mga Pangkalahatan at tiyak na
kakayahan Pagkatapos ng isang taong pag-aaral sa antas na ito sa
mataas na paaraln, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makapagpamalas
ng sumusunos na kakayahan. I. Mga Saligan ng Pag-aaral ng Ekonomiya
1. Napapahalagahan na ang pag-nawa sa mga batayang kaisipan at
pamamaraan sa ekonomiks ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng tao. A. Ang Ekonimiks Bilang Isang Agham 1.1
Nailalapat ang kahulugan ng ekomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
blang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipuna. 1.2 Nasysuri
ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan. 1.3 Natataya ang
kahalagahan ng wkonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan. B. Pinagkukunang Yaman 1.4 Nauuri ang
pinagkukunang yaman ng Pilipinas. 1.5 Nasusuri ang mga datos
tungkol sa mga yamang likas ng Pilipinans tungo sa matalinong
paggamit nito. 1.6 Natatalakay ang bumubuo sa yamang tao ng
Pilipinas. 1.6.1 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng balangkas ng
populasyon ng Pilipinas sa ekonomiya ng bansa. 1.6.1.2 Naiisa-isa
ang pangangailangan ng populasyon ng Pilipinas. 1.6.1.3 Nahihinuha
ang implikasyon ng ibat ibang katangian ng balangkas ng populasyon.
1.6.2 Natataya ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas
paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produjtibo at mataas na
kalidad na antas ng produksyon. 1.6.3 Nagkakaroon ng pagnanais na
mapaunlad ang sanlibutan sa paghahanda sa pagiging produktibo. 1.7
Naitatangi ang mga wastong pagpapahalaga sa paggamit ng
pinagkukunang yaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa
konserbasyon, kapaligiran at likas kayang paggamit (sustainable
use). C. Kakapusan 1.8 Nakikilala ang mga palatandaan ng kakapusan
bilang isang suliraning panlipunan. 1.9 Nasusuri ang kaibahan ng
kakapusan sa kakulangan bilang sa matalinong pagdedesisyon. 1.10
Naipamamalas ang responsableng paggamit ng mga limitadong mga likas
na
yaman.
D. ALokasyon 1.11 Naisasaalang-alang ang kapakanan ng iba sa
pagbabahagi ng mga likas na yaman sa pamilya at lipunan. 1.12
Nasisiyasat ng mapanuri ang mga pamamaraan at mekanismo ng
alokasyon sa ilalim ng ibat ibang sistemang pang-ekonomiya sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. 1.13 Naipahahayag
ang damdamin tungkol sa mgahakbangin ng pamahalaan sa pagtugon sa
mga pangagailangan ng mamayanang Pilipino. E. Kagustuhan at
pangangailangan 1.14 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa
pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong
desisiyon. 1.15 Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng
pangangailangan batay sa mga teorya ng mga pangangailangan. F.
Pagkonsumo 1.16 Naipaliliwang ang konsepto ng pagkonsumo. 1.17
Nasusuri ang mga epekto ng pagkonsumo. 1.18 Nasisiyat ang mapanuri
ang mga anunsyo tungo sa matalinong pamimili. 1.19 Naipamamalas ang
talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa
pamimili. 1.20 Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan
ang mga tungkulin bilang isan pamimili. 1.21 Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng pagiging mapagmasid at mapanuri ng mga mamimili
laban sa mga tiwaling gawain ng mga nagbibili. G. Produksyon 1.22
Nasusuri ang mga salik (factors) ng produksyon bilang batayan sa
matalinong paggamit ng mga ito. 1.23 Naipahahayag ang gang
tungkulin ng ibat ibang organisasyon ng negosyo sa ekonomiya at
produksyon ayon sa pakikisapiat pananagutan sa pagkakaroon ng
matatag na ekonmiya. II. Pagsusuri ng Ekonomiya 2. Napahahagahan
ang kaugnayan ng maykro-enomiks sa buhay ng bawat isa bilang kasapi
ng lipunan. A. Maykroenomiks
2.1 Nasusuri ang saklaw ng maykro-enomiks. 2.2 Nailalapat ang
kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya. 2.3 Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand. 2.4
Nakakapagpasya nang matalino sa pagtugon sa mgapagbabago ng salik
(factors) na nakaapekto sa demand. 2.5 Nahihinuha na ang presyo ng
bibilhin ay may epekto sa demand ng mga mamimii. 2.6 Nailalapat ang
kahulugan ng suplay batay sa pang-araw-araw sa pamumuhay ng bawat
pamilya. 2.7 Nasusuri ang mga salik ng produksyon na makaapekto sa
suplay. 2.8 Nakapagpapasya nang matalino sa pagtugon sa amga
pagbabago ng salik (factors) na nakakaapekto sa suplay. 2.9
Nasusuri ang epekto ng presyo at non price sa suplay ng kalakal at
paglilingkod. 2.10 Nahihinuha na ang presyo ng bilihin ay may
epekto sa suplay ng nagbibili. 2.11 Nakapagkukuwenta ng elastisidad
ng demand at suplay. 2.12 Nauugnay ang elastisidad ng demand at
suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod. 2.13 Naipalilieanag
ang interaksyon ng suplay at demand sa kalagayan ng presyo at
pamilihan. 2.14 Nasusur ang mga epekto ng kakulungan at kalaban sa
presyo at sammi ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan. 2.15
Namumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning
dulot ng kakulangan at kalabisan. 2.16 nasusuri ang ibat ibang anyo
ng pmilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng tao. 2.17
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa pagtataksa ng
presyo sa isang pampamilihang ekonomiya. 2.18 Naoaoangatwiranan ang
pangangailangang pakikialam at regulasyon ng pamahallaan da mga
gawaing pangkabuhayan sa ibat ibang anyo ng pamilihan. B.
Makroekomiks 2.19 Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan sa
makroekomiks. 2.19.1 Nasusuri ang papel na ginagampanan at epekto
ng sambahayan, bahaykalakal, pamahalaan at palabas na sektor sa mga
sumusunod: -implikasyon -deplasyon -pamuhunan -pag-iimpok -empleyo
(employment,unemployment,underemployment) 2.20 Nasusuri ang
pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestric
Product). 2.20.1 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
pambansang produkto. 2.20.2 Nasusuri angang kahalagahan ng pagsukat
ng pambansang kita sa ekonomiya. 2.21 Nailalahad ang mga salik na
nakakaapekto sa pambansang kita at pat
pambansang prokto (GNP). C. Imlasyon 2.22 Nakikilala ang
palatandaan ng implasyon gamit ang Consumer Page Index (CPI). 2.23
Natutukoy ang dahilan at epekto ng Implasyon. 2.24 Nasusuri ang mga
paraan sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng Implasyon bilang
isang mag-aaral. 2.25 Nakikilahok ang aktibo sa paglutas ng mga
suliranin kaugnay ng Implasyon bilang isang mag-aaral. 2.26
Nakapagpapamalas ng wastong pagpapasya bilang isang mamimili at
nagbibili kaugnay ng suliranin at Implasyon. D. Patakarang Pisikal
(Fiscal Policy) 2.27 Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang
pisika.l 2.28 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan kaugnay ng mga patakarang pisikal na ipinatutupad nito.
2.29 Nasusuri ang mga pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan.
2.30 Nasusuri ang badget at ang kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan. 2.31 Nakapaghahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa mga
paggasta ng pamahalaan. 2.32 Nakapagsasanay ng tamang pagkumpyut ng
buwis. 2.33 Nakakabalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa
wastong pagbabayad ng buwis. 2.34 Nauugnay ang mga epekto ng
patakarang pisikal sa kahulugan ng pambansang ekonomiya. E.
Patakarang Pananalapi (Monetary Policy) 2.35 Nauunawaan ang
kahulugan ng patakarang (monetary) pananalapi 2.36 Naipaliliwag ang
layunin ng patakarang panamalapi. 2.26.1 Naipahahayag ang
kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik sa
ekonomiya. 2.36.2 Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi .
2.36.3 Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat sektor sa
pananalapi -mga bangko -kooperatiba -pawnshop 2.36.4 Nasusuri ang
bahaging/katungkulang ginagampanan ng intitusyon ng pananalapi sa
ekonomiya. 2.36.5 Naipaliliwanag ang uri at gamit na salapi. 2.36.6
Nasusuri ang dahilan at epekto ng pagbabago ng halaga ng salapi sa
buhay ng mga mamamayang Pilipino. 2.36.7 Nakapagsisiyasat nang
mapanuri sa mga paraan at patakaran ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapatatag ang halaga ng salapi.
2.36.8 Naiuugnay ang pandaigdigang pananalapi sa pambansang sistema
ng pananalapi. 2.36.9 Naipahahayag ang pagdang-ayon o pagtutol sa
bahagimg ginagampanan ng mga mga pandaigdigang intitusyon ng
pananalapi tulad ng internasyonal Monetary Fund at World Bank sa
pananalapi ng Bansa III. Mga Sektor ng Ekonomiya 2. Naipamamalas
ang pagpapahalaga sa bahaging ginampan ng ibat ibang sektor ng
ekonomiya para sa kapakanan ng pang lahat. A. Sektor ng Agikultura
(agrikultura, pangingisda, at panggubat) 3.1 Nasusuri ang bahaging
ginampanan ng agrikutura, pangingisda at pangubat sa ekonomiya at
sa bansa. 3.2 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
sektor ng agrikultura, pangingisda, at panggubat sa bawat Pilipino.
3.3 Nabibigyang halaga ang mga halaga ng mga intitusyon at
programang nakakatulong sa sektor ng aagrikutura (industriya ng
agrikutura, pangingisda, at paggubat). 3.4 Naitataguyod ang mga
programang may kaugnayan sa sektor ng agrikultra (repormang
pangsakahan). B. Industriya 3.5 Nasusuri ang bahaging ginagampanan
ng sektor ng insdustriya tungo sa isang masiglang ekonomiya. 3.6
Nakakapaghahanda sa mga kasanayang pang-industriya ng Pilipinas.
3.7 Naipapahayag ang opinion tunkol sa mga sasyonalisasyon ng ilang
korporasyon at pagsasapribado ng korporasyong pamahaan. 3.8
Naipaglilimbag ang papel na ginagampanan ng mga korporasyong
multinastonal sa pamumuhay ng mga Pilipino at sa Pambansamg
pangekonomiya. 3.9 Naimumungkahi ang mabisang pamamaraan sa
pagmamay-ari at pamamahala ng mga korporasyon sa Pilipinas. 3.10
Natataya ang kahandaan ng bansa sa paggamit sa makabagong
teknolohiya tungo sa pagsulong ng ekonomiya. 3.11 Nasusuri ang
pagkakaugnay ng srktor agricultural at industriya tungo sa pagunlas
ng kabuhayan. 3.12 Nasusuri ang mga institusyon at mga programng
nakatutulong sa sektor ng insustriya at ng pangangalakal. 3.13
Nasusuri ang pagpapatupad ng batas sa nasyonalisasyon kalakalang
pagtitingi. 3.14 Naihahayag ang damdaming ukol sa pagpapanatili ng
mataas na pamantayan ng sektor ng industriya at mga kalakal tungo
sa matatag na ekonomiya. C. Paglilingkod
3.15 Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod. 3.16 Nasusuri ang kahandaan at kalidad ng mga
mamggawang Pilipino sa sektor ng pglilingkod sa bansa. 3.17
Naibabahagi ang damdaming ukol sa pagpapanatili na mataas na
kalidad ng manggawang Pilipino sa sekor ng paglilingkod. 3.18
Nasusuri ang mga institusyon at mga programang nakatutulong sa
sektor ng paglilingkod. D. Impormal na Sektor 3.19 Nasusuri ang
ibat ibang anyo ng impormal na sektor ng ekonomiya. 3.20
Nakapaglalahad ng saloobin ukol sa pamumuhay ng mha Pilipinong
kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya. 3.21 Natataya ang
ambag o papel ng impormal na sektor sa kabuoang ekonomiya. E.
Kalakalang Pamlabas 3.22 Natataya ang kalakaran ng kalakalang
panlabas ng bansa. 3.23 Natitimbang ang epekto ng mga patakaran at
programa sa kalakalang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming
Pilipino. 3.24 Napapahalagahan ang kontribusyon sa ekonomiya sng
bansa ng mga padalang pera ng mga manggagawang Pilipino na nasa
ibang bansa. 3.25 Nasusuri ang kaugnayan ng Exchange Rate sa
kalakalang panlabas ng bansa. 3.26 Nasusuri ang epekto sa
kalakalang panlabas at sa ekonomiya ng pagbabago ng palitan ng piso
laban sa mga dayuhang salapi. 3.27 Nasusuri ang mga kabutihan at
di-kabutihan ng kalakalang panlabas tungo sa isang masigla st
maunlad na ekonomiya. 3.28 Napahahalagahan ang mga lokal na kalakal
at paglilingkod. 3.29 Natitimbang ang globalisasyon sa antas ng
pamumuhay ng Pilipino batay sa patakata ng -liberisasyon
-deregulasasyopn -pagsasapribado ng mga korporasyong pag-aari ng
pamahalaan 3.30 Napahahalagahan ang ugnayan ng mga bansa tulad ng
world trade organization at Asia/pacific economic cooperation tungo
sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig.