Top Banner
Inihanda ng; Sa pakikipagtulungan sa; MARSO 2013 PRAYMER MGA TUNGKULIN AT PAKIKIBAKA SA HACIENDA LUISITA SA KASALUKUYANG YUGTO
12

Praymer Sa Hacienda Luisita - Marso 2013

Sep 12, 2015

Download

Documents

UMAPilipinas

Mga Tungkulin at Pakikibaka sa Hacienda Luisita sa Kasalukuyang Yugto.

Inilathala ng Unyon ng mga Mangggawa sa Agrikultura (UMA).

Layout for booklet printing.

Marso 2013
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • Inihanda ng;

    Sa pakikipagtulungan sa;

    MARSO 2013

    PRAYMER

    MGA TUNGKULIN AT

    PAKIKIBAKA SA

    HACIENDA LUISITA SA

    KASALUKUYANG YUGTO

  • Introduksyon Layunin ng praymer na ito ang mga sumusunod:

    1. Mailinaw sa lahat ng mga Manggagawang Bukid (MB) sa

    Hacienda Luisita (HL) ang antas ng pakikibaka pagkatapos ng pinal na desisyon ng Korte Suprema at paano isusulong ang laban sa gitna ng mga maniobra at sabwatan ng pami-lya Cojuangco-Aquino at DAR.

    2. Mapalakas ang hanay ng mga MB na maharap at masiguro na madedepensahan at maisulong ang mga inisyal na tagumpay.

    3. Mailinaw sa publiko, mga kaibigan at alyado ang laban sa HL para sa tuloy-tuloy na suporta at maging bahagi sila ng pakikibaka sa HL.

    4. Magsilbing gabay upang magamit sa propaganda at edukasyon sa hanay ng mga MB para sa tuloy-tuloy na pagpapalawak at pagkokonsolida ng kanilang hanay.

    5. Lubusang mailantad ang Hacienderong pangulong Aquino bilang kontra magsasaka at kinatawan ng PML at mala-laking burgesya komprador sa ating bansa.

    6. Maging tuntungan ito sa patuloy na pagkakaisa at pagkilos ng mga MB sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kolek-tibong pagbubungkal ng lupain ng HL.

    7. Mailinaw ang kabuuang pagsusuri, tungkulin at pag-susulong ng pakikibaka sa HL sa kasalukuyang yugto.

    ___________________________________________________________

    1. Paano napunta sa mga Cojuangco-Aquino ang Hacienda Luisita at ano ang maikling kasaysayan nito?

    Ang lupain ng Hacienda Luisita ay binubuo ng 6,453 ektarya. Sumasaklaw ito sa 10 baranggay sa mga bayan ng La Paz, Concepcion at Tarlac City sa Probinsya ng Tarlac. Ang Hacienda Luisita ay dating pagmamay-ari ng Com-pania General de Tabacco de Filipina o TABACALERA,

    UMA

    Office Address: # 56, K-9th St. West Kamias, Quezon City

    Contact no. (02) 426-9442

    Website: http//umaphilippines.wordpress.com

    Email: [email protected]

    Hanapin kami sa Facebook: [email protected]

    Sa mga nais tumulong sa mga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita ay maaring kumontak o magsadya

    sa UMA sa mga ss:

  • na reporma sa lupa sa buong bansa.

    Buong lakas na idepensa at ikonsolida ang mga nakamit nang tagumpay. Buong tatag na ipagtanggol at huwag payagang mabuwag ang matibay na muog ng Pampulitikang Muhon ng Bungkalan na dinilig ng dugo ng mga Martir ng HL.

    Buong giting na labanan at biguin ang lahat ng imbing pa-

    kana, mapanlinlang at mapanghating maniobra, pakana at iskema ng pamilyang Cojuangco-Aquino na naglalayong bawiin ang mga tagumpay at pahinain at gapiin ang nagka-kaisat nakikibakang hanay ng masang magsasakat mang-gagawang bukid ng HL.

    Magpursigi sa paghamig pa ng mga posibleng pinaka-

    malawak at pinakamalakas na pakikiisa at simpatiya para sa lehitimo at makatarungang pakikibaka ng masang magsasa-ka at manggagawang bukid para sa lupa, hustisya at kata-rungang panlipunan sa HL.

    Higit pang paglalantad sa katangian ng Rehimeng US-Aquino II bilang pangunahing papet ng Imperyalismo sa bansa, kinatawan ng panginoong may lupa at burgesya

    ANG ATING MGA PANAWAGAN: IPAGLABAN ANG LIBRENG PAMAMAHAGI SA LUPAIN NG

    HACIENDA LUISITA! ILANTAD AT LABANAN ANG KONTRA MAGSASAKA AT

    HACIENDERONG PANGULONG AQUINO! CARPER IBASURA! GARB ISABATAS!

    TUNAY NA REPORMA SA LUPA IPAGLABAN!

    Mga Sanggunian: Praymer ng AMBALA at sa praymer sa isyu ng HL na tinipon ng KMU

    Mga talakayan kay Atty. Jobert at SENTRA Praymer ng GARB sinulat ng KMP at ANAKPAWIS PARTYLIST

    Talakayan mula kay Ka Paeng kinatawan ng ANAKPAWIS Partylist Mga Talakayan ng UMA at HL All Leaders Conference

    isang kompanyang Es-panyol.

    1957 magkasabay na na-pasakamay ni Jose Cojuangco Sr. una, ang Central Azucarera de Tarlac (CAT) mula sa TABACALERA sa pama-magitan ng pangungutang sa Manu-facturers Trust Compa-ny mula sa New York na ginarantiyahan ng Bang-ko Sentral ng Pilipinas. Pangalawa, ang 6,453 ektaryang Hacienda Luisita na ipinangutang naman sa GSIS upang mabayaran ito.

    Sa kalaunan ay inilipat ang CAT at HL sa Tarlac Develop-ment Corporation (TADECO) na pag-aari ni Cojuangco Sr. Sa pagbili ng nabanggit na lupa ng HL, may kondisyon na pagkalipas ng sampung taon ay ipapamahagi sa malilit na mga magsasaka na siyang nakatira sang-ayon sa programa ng Hustisyang Panlipunan ng administrasyong Magsaysay. Lumipas ang 10 taon ay walang lupang naipamahagi.

    1985 nagdesisyon ang Manila RTC at inutusan ang mga pamilya Cojuangco na ilipat ang kontrol ng Hacienda Luisi-ta sa Ministry of Agrarian Reform ng rehimeng Marcos upang ipamahagi sa mga magsasaka.

    Subalit taong 1988 ay ipinawalangsaysay ng Rehimeng Cory Aquino ang utos ng korte at inatras ang kaso laban sa mga Cojuangco. Sa taon ding ito naisabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP. Sa ilalim nito imbes na ipamahagi ang lupa ng HL, ipinasok ito sa iskemang SDO.

    August 1988 nabuo ang Hacienda Luisita Incorporated o HLI. Matapos ang dalawang referendum noong 1989 dito na pinatupad ang SDO sa HL.

    UMA

  • Ang Stock Distribution Option o SDO ay isang iskema na

    mag-iiwas sa pamamahagi ng lupa dahil ginawang kom-panya ang Hacienda at naging stockholders ang mga manggagawang bukid (MB). Kaakibat sa iskemang SDO ay ang pagpapalit gamit ng lupa, kaya ang HL ay naging komersyal, residensyal at industriyal ang ilang bahagi nito.

    Dahil sa tindi ng kahirapan at pagsasamantala na idinulot ng iskemang SDO, madaling nagkaisa ang mga MB sa pa-mumuno ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hac-ienda Luisita(AMBALA) para ipaglaban ang kanilang karapatan.

    Disyembre 2003, may mahigit limanglibong (5,000+) MB na kinakatawan ng AMBALA na naghain ng petisyon sa DAR upang ipawalang bisa ang SDO at para ipamahagi ang lupa sa kanila.

    Nobyembre 2004, naglunsad ng welga ang mga MB kasama ang mga manggagawa sa loob ng Central Azucarera. Ang welga ay marahas na binuwag sa utos ng pamilya Cojuangco-Aquino gamit ang mga militar at pulis, na nagresulta sa madugong masaker sa Hacienda Luisita noong Nobyembre 16, 2004. Pito (7) ang patay at maraming sugatan at mahigit isang daan ang ilegal na ibinilanggo.

    Disyembe 2005, naglabas ang Presidential Agrarian Reform Council o PARC ng resolusyong nagpapawalang bisa sa SDO ng HLI. Inoobliga nitong ipailalim sa CARP ang lahat ng lupaing saklaw ng SDO.

    Hunyo 2006, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na pumipigil sa PARC at DAR na ipawalang bisa ang SDO. Tumagal ang TRO ng halos li-mang taon. Pinakamatagal na TRO sa kasaysayan ng Pilipi-nas.

    August 2010 nagsagawa ng ilegal na referendum ang pami-lya CojuangcoAquino sa loob ng HL. Gamit ang panun-

    UMA

    nasanay sa cash at hindi sa matiyagang pagpapaunlad ng sakahan. Gayun man, sa tiyaga at masusing pag-aaral ng mga bago at siyentipikong pamamaraan gamit ang prin-sipyo at praktika ng sustainable agriculture, mapapangiba-bawan nila ang mga kahirapan.

    23. Ano ang mga dapat gawin para mapalawak at mapalakas ang pakikiba-ka sa HL?

    Sa nakaraang yugto ng Laban ng HL, mas lalong napatuna-

    yan na pinaka epektibo at susing pampulitikang sandata ang mahigpit na pagkakaisa na nagtataglay ng solidot konsoli-dadong lakas ng nakikibakang masa, na nagtitiwalat umaa-sa pangunahin sa sariling lakas at determinasyong lumaban at mag-tagumpay. Itoy naging inspira-syon at halimbawa na sa pakikibaka ng uring magsasaka sa buong bansa

    Mapangahas na patuloy na mag-organisa, patu-loy na pag- abot sa malawak pang hanay ng mga manggaga-wang bukid sa loob ng HL. Tipunin sila at pakilusin para isulong ang interes ng uring magsasaka at iugnay sa kabuuang pakikibaka para tunay

    UMA

  • pagkunan ng pagkain o pagkakitaan ng konti gaya ng kambing, manok, baka, baboy, bibe, gansa at itik na sa noon ay bawal ang pag-aalaga ng mga hayop bago ang welga.

    Dapat pag-aralan at kumbinsido ang mga mag-sasaka sa tinatawag na sustainable agriculture. Sustainable agriculture o natural farming ay isang paraan ng pagsasaka kung saan ang binibigyan diin ay ang pagpapayaman sa lupa gamit ang mga organikong pataba na hindi nakakasira sa mga ele-mento sa lupa at sa kalikasan.

    Ang ganitong paraan ay nagluluwal ng malulusog na tanim

    na hindi madaling tamaan ng sakit at mga peste at magan-da para sa kalusugan ng tao.

    Layunin nito na himukin ang magsasaka na umasa sa sarili

    gaya ng paggawa ng sariling seedbank, sariling organikong pataba, pampatay peste at iba pa. Taliwas ito sa agrikul-turang inilalako ng imperyalistang mga bansa at ng go-byerno na umaasa sa mga imported, GMO- hybrid seeds na nangangailangan ng napakarami at napakamahal na mga chemical fertilizers, pesticides, fungicide. Resulta nito ibin-abaon ang mga magsasaka sa utang, sinisira ang kalikasan.

    Ang sustainable agriculture o organic farming sa simula

    ay mukhang mahirap o imposibleng gawin dahil ang lupa mismo sa deka-dekadang paggamit ng mga commercial fer-tilizers ay napaka-acidic na at said na said na sa natural na pataba. Malaki ang igugugol ng mga magsasaka upang bumalik ang natural nitong sigla. Isa pa ang mga MB ay

    UMA

    uhol, matinding intimidasyon at harassment, pwersa-hang napapirma ang nakararaming mga MB na manatili sa SDO, at tinawag nila itong COMPROMISE DEAL. Subalit sa ilalim ng kasunduan na ito ay maraming hindi sinunod ang HLI. Nalantad sa mga MB ang tusong pagkilos at pan-lilinlang ng pamilya Cojuanco-Aquino, kayat sama-sama muling kumilos ang mga MB at nanawagang ibasura ang compromise deal.

    Isinumite ng HLI ang di umanoy COMPRO-MISE DEAL na ito sa Korte Suprema upang kilalanin. Subalit hin-di ito kinilala ng korte Suprema at tuluyang naibasura ito mula sa sama samang pagkilos ng mga MB.

    Taong 2010 hanggang 2011 ay nabuksan ang kaso at nagkaroon ng mga oral arguments sa Korte Su-prema. Inilibas ang pinal na desisyon ng Korte Suprema noong Abril 24, 2012.

    2. Ano ang laman ng desisyon ng Korte Suprema noong Abril 24, 2012?

    Iniutos ng Korte Suprema na ipamahagi na ang 4,915 ektaryang lupa ng Hacienda Luisita (mula ito sa sakop ng Stock Distribution Plan) sa 6,296 manggagawang bukid na nagtrabaho simula Nobyembre 21, 1989 kung saan umiral na ang SDO.

    Ayon sa korte ay dapat din na mabayaran ang mga MB sa Php 1.33 Bilyon mula sa pinagbentahan ng 500 ektarya sa RCBC at LIPCO at 80.51 ektarya sa SCTEX.

    UMA

  • Gayundin, ang magiging sukatan ng balwasyon ng lu-pa para sa kompensasyon sa pamilya Cojuangco-Aquino ay magmumula sa taong 1989 kung kailan inaprubahan ang SDO sa HL.

    Sinasabi rin ng korte na wala ng babayaran ang mga MB at hindi na maaring bawiin ng pamilya Cojuangco-Aquino sa mga manggagawang bukid ang mga Homelots na na-tanggap nila.

    3. Sino ang tunay na may-ari ng lupa ng Hacienda Luisita?

    Pinatunayan na sa kasaysayan, moral at legal na sa mga MB ang lupain ng HL. Gumamit ng mga panloloko, maniobra at pandarahas ang pamilya Cojuangco-Aquino upang patu-loy na maipagkait ito sa mga MB.

    Pinagtibay ng dalawang desisyon ng Korte Suprema noong November 2011 at April 2012 na ang pagmamay-ari ng lupain ng HL ay sa mga MB. Mula doon ay nag-uutos ang korte na dapat na itong maipamahagi sa mga MB.

    Dagdag pa pinababalik ng Korte Suprema ang Php 1.33B na pinagbentahan ng lupa sa LIPCO, RCBC at SCTEX sa pagkilalang sa mga MB ang lupa, kaya nararapat lamang na ibigay ang halagang nabanggit sa mga MB.

    Higit pa, lalong nagpatibay ang pag-angkin ng mga MB sa lupa ng HL sa huling paglalabas ng pinal na mas-ter list ng mga pangalan ng mga benipisyaryo o may-ari ng lupa. Nangangahulugan lamang ito na ipininal na ng DAR na ang 6,212 na mga benipisyaro ang mga nagma-may-ari na ng lupa at hindi

    UMA

    mga lupang sinasaka? Maliban sa pagtanim ng tubo na nakasanayan, mas ma-

    husay na magtanim gaya ng palay, mais at gulay. Ginagawa na ito ng iilan at malaki naman ang kanilang kinikita. Kailangang matutunan ito para hindi umasa sa pagsasangla o pagpaparenta ng lupa. Kapag natutunan natin ito ay mas malaki ang kikitain dahil wala nang ibang kahati sa produksyon.

    Dapat ding matutunan ng mga MB na ipinagbabawal ang sistemang arendo o pagpaparenta ng lupa. Malaking pan-gangailangn na magkaroon ng suportang serbisyo ang mga MB gaya ng credit facilities para sa kapital sa produksyon, suportang binhi, makinarya, kalabaw, irigasyon at iba pa. Gayon pa man huwag iaasa ang lahat sa mga ito sa pagpapaunlad ng produksyon. Maging mapanlikha at ma-husay sa pagpapalitaw ng mga rekurso.

    22.Mainam ba ang tinatawag na sustainable agriculture organic farming? Ano-Ano ang mga sangkap nito?

    Nasimulan na nating gaw-ing produktibo ang lupa ng iluwal ang bungkalan. Sa mga baryo ng Bantog, Asturias at bahagi ng Cutcut ay umaani ng palay mula 80-100 kaban/ekt da-hil sa natural na suplay ng tubig na nanggagaling sa sapa at bukal. Ang iba ay nakaasa sa sahod ulan at water pump. Dumami ang mga hayop na inaalagaan upang

    UMA

  • kapasidad magbungkal dahil sa maysakit at mata-tanda na o kaya wala na dito ang kanilang kapamilya.

    Ang organisasyon ng AMBALA at ULWU ang siyang may karapatan at tungkulin na maipwesto ang ganitong mga magsasaka sa kanilang komunidad.

    20. Sa oras na ipamahagi ang lupa, bakit mainam ang Collective CLOA kaysa sa Individual CLOA? Ano ang mga bentahe nito?

    Dalawa ang paraan sa pamamahagi ng lupa sa HLI, Individual CLOA o Collective CLOA. Mas mainam ang Collective CLOA dahil mas malakas ang paninindigan kung marami at kolektibong pinapahalagaan ang naangking lu-pa. Sa programang CARPER kung saan madaling mapatal-sik at mabawian ng CLOA ang isang indibidwal lalo na paghindi siya nakabayad ng amortisasyon sa loob lang ng 3 taon. Mas mahirap patalsikin at maniobrahin ang marami.

    Collective CLOA at kooperatibong produksyon ay simula

    ng isang makabuluhang sosyalisadong pag-iisip at pagkilos kontra sa maliitan at hiwa-hiwalay na sistema ng pagsasa-ka. Mas mabilis, maraming ulo ang mag-iisip at puno ng kasigasigan pag maraming tao ang kumikilos.

    Isa pa, mas superyor ang gawaing sama-sama at kolektibo sa usapin ng paglilinang sa lupa. Isabuhay natin ang siste-mang damayan, mutual na tulungan at bayanihan na na-patunayan na sa mahabang panahon na mas epektibo ito kaysa hiwa-hiwalay, maliitan at indibidwalistang sistema ng pagsaka.

    21. Paano gagawing produktibo ang

    UMA

    na ang pamilya Cojuangco-Aquino. Batay din sa makatarungan at likas na prinsipyo, kung sino

    ang nagbubungkal ay siyang may karapatang magmay-ari ng lupa.

    4. Bakit kailangan libreng ipamahagi ang lupain ng HL sa mga MB?

    Makatarungan lamang na libreng maipamahgi ang lupain ng HL sa mga MB dahil mahigit kalahating siglo na silang pinahirapan, pinagsamantalahan at pinigaan ng lakas pag-gawa ng pamilya Cojuangco-Aquino.

    Ang pagsasamantalang ito ay nagresulta ng ibayong pagyaman at paglobo ng mga ari-arian ng pamilyang Cojuangco-Aquino mula sa mga paghihirap ng mga MB. Dagdag pa, dapat naipamahagi na ang lupa sa mga MB ba-tay sa kasunduan ng pamilya Cojuangco at Banko Sentral noon pang 1957.

    Walang isinasaad sa ating konstitusyon at sa desisyon ng Korte Suprema na dapat bayaran ang lupang matatanggap ng mga MB.

    Wala ring dapat bayaran ang mga MB sa programang hus-tisyang panlipunan na reporma agraryo.

    5. Ano ang batayan bakit hindi makata-rungang bigyan ng kompensasyon o kabayaran ang mga Cojuangco-Aquino?

    Labis labis na ang pinigang yaman sa lupa at sa mga MB ng pamilya Cojuanco-Aquino sa HL sapul pa noong 1957. Mu-la dito, nakalikha ng pundasyon sa pulitika ang pamilyang ito (naging Presidente ng bansa si Cory at Noy-Noy, Gov. si Ting-ting, Cong. Si Peping). Gayundin sa ekonomiya, nagresulta ng ibayong pagsirit pataas ang mga pribadong yaman ng pamilya Cojuangco-Aquino mula sa

    UMA

  • lupa, pawis at dugo ng mga MB sa HL. Lahat ng natatamasang kayamanan at kapangyarihan ng

    pamilya Cojuangco-Aquino ay nagmula sa pang-aapi at pagsasamantala sa mga MB sa HL. Ito ang mga batayan kung bakit hinding hindi na kailangang bayaran pa ng kahit singko sentimo ang pamilya Cojuanco-Aquino mula sa kabang yaman ng ating bayan.

    Bukod pa, pinagkakitaan na ang malaking bahagi ng lupa mula sa pagbebenta sa LIPCO, Las Haciendas, DPCH atbp.

    6. Bakit walang maidudulot na kabuti-han ang CARP, CARPer sa mga MB sa HL?

    Ayon sa huwad na batas na CARPer ay kailangan kilalanin

    ng diumanoy may ari ng lupa na dito ay ang pamilya Cojuangco-Aquino ang mga magiging benipisyaryo sa lupa. Dahil dito maari niyang ipagkait ang lupa sa mga MB na lumalaban sa kanya.

    Bukod pa, kailangang magbayad ng mataas na amortisasy-on taon-taon sa lupa sa loob ng 30 taon ang mga benipis-yaryo.

    Nakaamba rin na maaring bawiin ang lupa kung hindi makakabayad sa loob ng tatlong sunod sunod na taon ang benipisyaryo nito.

    Nariyan rin ang mga mapanlinlang na iskema tulad ng SDO, Lease Back, Joint Venture at Corporative Scheme na mag-iiwas sa pisikal na pamamahagi ng lupa. Pinapayagan din ang kumbersyon mula sa agrikultural na gamit tungo sa komersyal na magpapaalis sa mga magsasaka.

    Maari pa ring kanselahin ang CLOA ng mga benipisyaryo anumang oras na gustuhin ng gobyerno para bigyang daan ang mga huwad na proyektong nais isagawa nito katulad ng minahan, tourist attraction, golf course at iba pa.

    UMA

    ng gobyerno para sa interes ng kanyang pamilya at uring kinabibilangan at pinaglilingkuran.

    18. Anu-anong dapat gawin para maging

    matibay ang paninindigan ng mga MB sa pakikibaka sa lupa sa HLI?

    Isa na dito ang BUNGKALAN bilang pampulitikang mohon ng ating pakikibaka. Ang bungkalan din ay legal na ekpre-syon ng paggigiit natin sa lupa. Nararapat lamang na bungkalin ang malawak na agrikultural na lupa ng HL para sa kapakinabangan ng libo-libong pamilya ng mga mangga-gawang bukid.

    Habang naghihintay sa walang katiyakang pamamahagi ng lupa mula sa DAR, nararapat lamang na saklawin natin sa pinakamalawak na kakayanin natin ang mga lupang atin nang nasimulang bungkalin. Ito ang magtitiyak na hindi tayo mapapaalis at magsisilbing pundasyon ito ng ating paggigiit sa karapatan sa lupa.

    Gayundin magtitiyak ito na may pagkukunan ng ikabu-buhay ang mga manggagawang bukid sa mga produktong iluluwal ng bungkalan. Habang tuloy-tuloy at determinado tayong nakikibaka para tuluyang mapasakamay natin ang lupain ng HL.

    19. Maaari bang makasama sa bungka-lan kahit ang mga hindi nakasama sa pinal na listahan ng mga benipisyaryo?

    Oo. Ang pagbubungkal ng lupa ay hindi lang sa mga MB kundi sa mga magsasakang handang magbungkal at aktibo sa pakikibaka sa HL. Maaari silang isama sa mga kolek-tibong pagsasaka lalo na sa mga MB na papasok sa Collec-tive CLOA o Certificate of Land Ownership Award. Maaari din silang magsaka sa mga lupa ng MB na wala ng

    UMA

  • ng kompensasyon ang Cojuangco Aquino dahil naangkin nila ang lupa ito sa pamamagitan ng panlo-loko, maniobra, dahas at pagsasamantala sa mga MB.

    5. Pagbabayad ng 1.33 Bilyon sa mga MB bilang kabayaran sa kanila ng lu-pang ipinagbili ng HLI sa RCBC at SCTEX. Atpagtiyak na ang mga MB ang pipili ng audit firm.

    6. Pagbabantay sa ginagawang survey. Huwag itong ipaubaya sa surveying firm lamang, bagkus ang mga MB ang siyang may malaking kaalaman sa mga hangganan ng lupa.

    7. Militanteng pagigiit sa kawalang aksyon ng DAR sa Petition to Recall Conversion Order at Petisyon para sa Cease and Desist Order sa pagbabakod ng RCBC. Sagot natin ang organisadong paggi-giit sa karapatan sa ilegal na pag-angkin ng lupa ng RCBC.

    8. Pagpapawalang bisa sa mga isinampang gawa-gawang ka-song kriminal laban sa mga lider-magsasaka sa Hacienda Luisita at pagpapalaya sa mga lider na ilegal na ibinilanggo.

    9. Hustisya para sa mga biktima ng Luisita Masaker at iba pang mga biktima ng EJK at Human Rights Violations sa Hacienda Luisita. Pagtanggal sa mga detachments ng Mili-tar sa loob ng HL at itigil ang pagrerekluta ng mga CAFGU.

    10.Masusing pagmamanman at pagsusuri ng mga nakapaing iskemang patibong tulad ng joint venture arrangement, corporative, leaseback, ARC, ang SDO- type or SDO-clone courtesy of CARPer Law (RA 9700).

    11. Pagtindi pa ng mapanghatit mapanlinlang na pakana at maniobra ng pamilyang Cojuangco- Aquino.

    12. Habang nasa pwesto ang Hacienderong Pangulong Aquino gagamitin nito ang poder pampulitika at lahat ng rekurso

    UMA

    7. Bakit kailangang ipaglaban na maisa-batas ang GARB?

    Dahil ang Genuine Agrarian Reform Bill o GARB ay isang programa upang kamtin ang pan-lipunang hustisya para sa mga mag-sasaka.

    Layunin nito ang pagbuwag sa mo-nopolyo sa lupa ng mga PML, dayuhang korpo-rasyon at libreng pamamahagi ng lupa sa mga mag-sasaka at mga manggagaang bukid.

    Layon din nitong pawiin ang pagsasamantalang pyudal at malapudal sa kanayunan at likhain ang isang sistemang magpoprotekta laban sa muling pagbawi o pag-agaw ng lupa sa mga magsasaka.

    Dagdag pa, tuloy tuloy na pagbibigay ng suportang serbisyo sa mga magsasaka upang maiangat ang antas ng pamumu-hay at pataasin ang produktibidad at kita ng mga magsasa-ka.

    8. Anu-ano ang mga maniobra ng C0juangco-Aquino para mapanatili ang kontrol sa lupa?

    Hanggat nananatili ang maka-panginoong may lupang batas na CARPer ay laging may puwang sa maniobra ang Cojuangco-Aquino para hindi maipamahagi ang Hacienda Luisita. Patunay dito ang paghingi ng malaking kompen-

    UMA

  • sasyon ng pamilya Cojuangco-Aquino kahit may de-sisyon na ang Korte Suprema na batay sa 1989 valuation ang lupa.

    Ngunit dahil ipinaubaya niya ito sa DAR maari pang mag-

    apila ang HLI hanggang sa Korte Suprema. Hindi basta pa-payag ang mga Cojuangco na hindi sila mabayaran sa pre-syong nais nila at magdudulot ito ng pagkabinbin o pag-tagal ng pamamahagi ng lupa.

    Tiniyak din ni Pnoy na kakampi nya ang Korte Suprema sa pagtalaga niya kay CJ Sereno na kahit wala na siya sa pwes-to ay maipagtatanggol pa rin ang interes nito.

    9. Ano itong kailangan pirmahang promissory note?

    Garapalang niluto ng Cojuangco-Aquino at DAR ang na-kalalasong panlalansi na kailangan umanong pumirma ng promissory note na nangangako at obligado ang bawat benipisyaryo sa lupa na magbabayad sa lupang mata-tanggap nila. Ayon pa sa HLI at DAR Kung hindi umano nila gagawin ito ay awtomatikong tatanggalin sila bilang mga benipisyaryo sa lupa.

    Walang sinasaad sa ating saligang batas at maging sa April 24, 2012 na desisyon ng Korte Suprema na kailangang pumirma ng isang promissory note upang maging benipisyaryo sa lupa ang MB.

    Kaya walang batayan na ar-bitraryo o bigla na lamang tatanggalin ang isang benipisyaryo sa lupa dahil lamang sa pagtanggi nito na

    UMA

    mahagi upang malinang at mapakinabangan sa produksyon na papakinabangan ng bawat pamilya ng mga MB.

    17. Ano ang mga hakbangin para la-banan ang mga maniobra ng mga Cojuangco-Aquino at DAR?

    Simulat-sapul ginawa ng mga Cojuangco-Aquino ang kali-

    wat-kanang mga maniobra para gipitin ang mga mag-sasaka sa HL at tuluyan ng mangibabaw ang kanilang marahas, mapanlinlang at malagim na mga plano. Ngunit nilabanan ito ng mga magsasaka hanggang makamit ang panimulang tagumpay ng magdesisyon ang korte suprema noong April 24, 2012.

    Gayunpaman, HINDI PA TAPOS ANG LABAN sa HL. Nananatili ang malalaking hamon at mabibigat na tungkulin para gawing lubos at ganap ang tagumpay habang idi-nedepensa at kinokonsolida ang mga nakamit nang tagumpay. Kailangang mapagpasyang harapin, igpawan, bak-lasin o gibain ang mga nakaharang na balakid tulad ng mga sumusunod:

    1. Pagpataw ng pagbabayad ng land amortization (Igiit natin

    ang FREE LAND DISTRIBUTION o Libreng pamama-hagi ng lupa!)

    2. Pag-reject o pagtutol sa pagpapapirma ng promissory note ng Cojuangco-Aquino at DAR.

    3. Paglaban sa mga pakanang maniobra ng HLI hinggil sa proseso ng pag-aaudit at pagpili ng auditing firm.

    4. Pinal na determinasyon sa just compensation. Tutulan at labanan natin ang ganid na 5 Bilyong piso na hinihingi ng pamilya Cojuangco-Aquino. Hindi na dapat tumanggap

    UMA

  • sa HLI? Alam na alam ng mga kumpanyang ito na may legal na

    usapin at kasong kinakaharap ang HLI. Tusong pinagkaisa-han nila sa pangunguna ng pamilya Cojuangco-Aquino ang pagbenta at pagbili ng lupa sa loob ng Luisita upang ipasok ito sa land conversionpara makaiwas sa saklaw ng ipapa-mahagi at magkaroon pa ng ibayong ganansya.

    Naganap ang bentahan katatapos pa lang ng madugong masaker sa mga manggagawang bukid ng HLI. Hindi nila pwedeng sabihin na wala silang alam na may nagaganap na tunggalian sa pagmamay-ari ng lupa samantalang alam na ito sa buong mundo. 16. Bakit makatarungan na ipamahagi at maibalik sa mga MB ang 500 ektarya na ilegal na binili ng RCBC?

    Una, hindi makatarungangan ang bentahan batay sa nasa-

    bi na sa taas. Ikalawa, bilang bahagi ang mga manggagawang bukid na

    may-ari ng HLI ay hindi sila nasabihan sa gaganaping bentahan.

    Ikatlo, hindi sinunod ng RCBC ang kondisyon na sa loob ng limang taon matapos aprubahan ang kumbersyon (1996 pa naaprubahan ang kombersyon sa lupa ay sisimulan nitong idebelop ang lupa at maglilikha ng trabaho para sa mga MB. 17 taon na ang nakakalipas subalit wala pa ring debelopment.

    Ikaapat, labag din sa batas sa Bangko ang magmayari ng lupa lagpas sa limang ektarya ng hindi nito nasasakupan at walang ginagawang debelopment.

    Panghuli, nanatiling tiwangwang at agrikultural ang lupa kayat nararapat lamang na maisama ito sa kabuuang ipapa-

    UMA

    pirmahan ang isang promissory note.

    10. Ano ang papel ng DAR sa mga mani-obra?

    Ang departamentong ito ang nagpapatupad sa huwad na batas na CARPer at ang kalihim nito ay itinatalaga ng pangulo. Bilang inaasahang kakampi at may utang na loob sa pangulong Aquino, titiyakin nito ang pagiging sunod sunuran sa mga utos nito.

    Patunay dito ang kawalang aksyon sa mga inihain nating reklamo kaugnay sa nararapat na bilang ng mga benipisyar-yo sa lupa, rebokasyon sa kumbersyon order sa RCBC, pag-pili sa auditing firm na tutuos sa Php 1.33 Bilyong piso na pera ng mga manggagawang bukid, sa gaganaping pag-sarbey at sa napakatagal na distribusyon ng lupa.

    Nakatitiyak tayong ang DAR ay laging ang interes ng hac-ienderong pangulo ang uunahin bago ang mga magsasaka. Halimbawa na lang ang mga papuring ibinibigay ng pangulong Aquino na tiwala at suportado nito ang kalihim na si Delos Reyes sa pamamalakad sa DAR.

    11. Bakit kailangang bantayan ang gina-gawang pagsa-sarbey ng lupain ng HL?

    May malinaw na planong paliitin ng DAR at Administra-syong Aquino ang ipapamahaging lupa sa mga MB. Ma-boladas nilang isinisigaw na kailangan umanong alisin pa sa ipapamahagi ang common areas tulad ng mga kalsada, kanal, at iba pang maiimbento nilang pwedeng itapyas sa lupa.

    Malinaw na isinasaad sa desisyon ng Korte Suprema na ipa-mahagi ang 4,915 ektaryang lupaing agrikultural. At nag-aatas din na hanapin pa ang mga tiwangwang na lupain na maaaring maging produktibo sa agrikultura at isama sa mga ipapamahagi.

    UMA

  • Walang inuutos na tapyasin o bawasan pa ang lu-pang agrikultural,sapagkat 1989 pa lamang ay malinaw ng natukoy at naalis sa sukat ng lupaing agrikultural ang mga dapat tanggalin. Dito pa lamang ay naihiwalay na kung alin ba ang mga komun na lugar tulad ng mga daan at residen-syal.

    Gayundin, lumitaw na overpriced ang kontrata ng DAR sa mga surveyor na kinakatawan ng F.F. CRUZ Construction Company. Dahil dito nabahiran na ito ng mga nilutong re-sulta, tiyak tayong paliliitin ang lupang paghahatian sa ga-gawing pagsasarbey.

    12. Bakit kailangang pagbayarin ang HLI ng Php 1.33 Bilyon sa mga mangga-gawang bukid?

    Kinilala sa Abril 24, 2012 sa desisyon ng Korte Suprema na sa mga mangagawang bukid ang lupain ng Hacienda Luisi-ta. Dahil dito ipinababalik ng korte ang bahagi ng mga MB at dapat silang bayaran mula sa pinagbentahan ng lupa sa LIPCO, RCBC at SCTEX.

    Para siguruhin na tama ang halagang tatanggapin ng mga MB ay inatasan ng Korte Suprema ang DAR na kumuha ng kwalipikado at mapagkakatiwalaang Auditing Firm, batay sa kagustuhan ng mga MB upang mapag-aralan ng husto ang libro ng HLI.

    13. Bakit kailangang i-audit mula 1989 ang HLI?

    Titiyakin sa gaganaping audit ang paghahanap kung

    lehitimo nga ba ang ginawang paggastos ng HLI sa Php 1.33B halaga na napagbentahan ng lupa. Dahil sa mga naunang pahayag ng mga abogado ng HLI sa Korte Su-

    UMA

    prema na nagastos na umano ang pera at wala ng natitira.

    Nais nating makita kung sa tama o lehitimo nga ba ginas-

    tos ito. Higit pa dito, nais nating hanapin kung paano makakabayad sa mga manggagawang bukid ang HLI mula sa mga natitira nilang mga ari-arian.

    14. Ano ang mga maniobra ng DAR-Aquino sa proseso ng pag-aaudit?

    Binabraso ng DAR-AQUINO ang proseso ng panuntunan ng pag audit. Nais nilang ang mag-aaudit sa HLI ay ang mga tao nila mismo sa ngalan ng REYES-TACANDONG audit firm. Ang mga tauhan nito ay dati ng nag-audit sa HLI at nagsasabing lugi at walang kinikita ang HLI.

    Sa ngayon kung ipipilit ng DAR-AQUINO na itong REYES-TACANDONG audit firm ang mag aaudit sa HLI, naka-titiyak tayong walang makukuhang 1.33 Bilyon ang mga mangagawang bukid.

    Pinipilit ng DAR-AQUINO na bahagi umano sa pipili na kung sino ba dapat ang mag-aaudit o tutuos sa HLI ay ang HLI mismo sa pamumuno ng pamilya Cojuangco-Aquino.

    Taliwas ito sa batas ng pag-aaudit na hindi dapat makiaalam o sumali sa anumang proseso ng panuntunan ng panglabas na audit ang ino-audit tulad ng HLI, dahil na-wawala ang balanse at independence ng sinumang audit firm na pipiliing tagapag-audit.

    Dapat ang ultimong may karapatang pumili kung sino dapat ang mag-audit ay ang mga benipisyaryo ng Php 1.33 B at kung gayon ang 6,212 na mga MB na kinakatawan mayorya ng organisasyong AMBALA ang siyang may karapatan.

    15. Bakit ilegal ang pagbili ng RCBC, LIPCO at LRC sa 500 ektarya na lupa

    UMA