AFP
Anu-ano ang mga paraan para maipagtanggol ang pambansang teritoryo?
SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINASArmed Forces of the Philippines (AFP)
-Ayon sa artikulo II, Seksyon 3Sila ang tagapangalaga ng sambayanan.
SANDATAHANG LAKASItinatag sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 o kilala bilang
National Defense Act.
Pangunahing layunin: Ipagtanggol ang bansa laban sa rebelyong lokal
at mga dayuhang nais sumakop sa bansa.
Mga Sangay ng Sandatahang lakas ng
Pilipinas
Hukbong Panlupa o Hukbong Katihan (Philippine Army)
-nagatatanggol sa panahon ng digmaan
-tanod laban sa mananakop
-lumalaban sa mga nais magpabagsak sa pamahalaan
Hukbong Dagat (Philippine Navy)
- Batay-Dagat
- Hinuhuli ang mga smuggler
o mga taong nagpupuslit ng mga produktong walang karampatang buwis.
Hukbong Himpapawid(Philippine Air Force)-Tanod ng himpapawid
-walang kaaway na makakapasok sa bansa dahil sa kanilang pagbabantay.
Dapat sumailalim sa ganap na kontrol o superbisyon ng estado ang pangangalaga
at pagpapaunlad ng mga likas na kayamanan
Artikulo XII, Seksyon 2
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayaman
-Department of Environment and Natural Resources (DENR)
-Nangangasiwa sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa
Tungkulin ng DENRPangalagaan ang gubat laban sa pagtotroso,
at pagkakaingin
Pagpapatupad ng reporestasyon
Pangangasiwa sa industriya ng pagmimina
Pag-ingat sa mga yamang-dagat
Pagpapatupad ng Clean Air Act at Clean Water Act of 2004
Pagsamsam mula sa mga smuggler at pet shop ng mga hayop na nanganganib na.
Kagawarang Ugnayang Panlabas
Pagtatanggol sa hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
Pagdalo sa mga usapin o isyung panteritoryal
Mga Isyung Pateritoryo
Ang pag-aangkin sa Sabah at Spartly Islands
Upang hindi mawala ang mga mahahalagang bagay sa atin, dapat natin ito bantayan at
pahalagahan.
Paano mo binabantayan/ inaalagaan ang mga bagay na
mahalaga sayo?
Ang ating Sandatahang lakas ang pangunahing nagtatanggol sa teritoryo ng bansa ngunit tungkulin parin ng bawat mamamayang
pangalagaan ang ating nasasakupan laban sa mga gustong sumira nito.
Ano ang iyong gagawin para maalagaan ang ating teritoryo?
Bilang mamamayan ng Pilipinas, paano mo mapangangalagaan
ang ating teritoryo at soberanya?
Mga Isyung Pateritoryo
Ang pag-aangkin sa Sabah at Spratly Islands
Kung ikaw ay may kakayahang gumawa ng batas na sasagot sa isyung panteritoryo ng Pilipinas,
anong batas ang iyong ipatutupad upang maibalik ang
Sabah at Spratly Islands na nasasakupang teritoryo ng
bansa?
Paano natin aalagaan ang ating teritoryo?
Katulad ng pagpapahalaga natin sa ating teritoryo, paano mo
igagalang ang teritoryo o pag-aari ng ibang tao?