Top Banner

of 12

Pilipinas Debates 2016 - Transcript

Aug 07, 2018

Download

Documents

comelectv
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    1/26

    PILIPINAS DEBATES 2016Aired: February 21, 2016

    Mike Enriquez: Maayong hapon Luzon, Visayas at sa mga Kapuso natin dito sa Mindanao. Ito

    na ang tamang panahon…palakpakan naman diyan! Magaganap na po sa entabladong ito ang

    pagdedebate sa pagkaPangulo sa eleksyon 2016.

    Jessica Soho: Ito po ang kaunaunahang COMELEC Presidential debate sa loob ng 24 na taon

    at ngayon dinala natin ang debateng ito sa tinaguriang lupang pangako, ang Mindanao. Live po

    tayo sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

    Mike Enriquez:  At kasama ang Mindanao, Pilipinas, kasama ang ating mga tagapakinig sa

    super radio DZBB lahat ng himpilan ng GMA at mga miyembro ng Kapisanan ng mga

    Broadcaster sa Pilipinas Nationwide at Worldwide.

    Jessica Soho: Pati mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nanonood live ngGMA TV nakatutok na.

    Mike Enriquez:  All present po ngayong hapon ang ating mga kandidato sa susunod na

    dalawang oras, ang kanilang mga plano ang kanilang saloobin ang kanilang posisyon sa

    nagbabagang issue inyong mapapakinggan.

    Jessica Soho:  Mahigpit po ang labanan kaya kailangang maging mapanuri wala na pong

    atrasan pakinggan at kilatisin ang susunod na pinuno ng ating bayan. Ako po si Jessica Soho.

    Mike Enriquez: Ako po si Mike Enqriquez at ito ang Pilipinas Debates 2016.

    Voice Over : Magaganap na ang pinakamasaysayang tagpo ng buongbayan. Inihahandog ngGMA News and Public Affairs, Philippine Daily Inquirer at ng Commission on Elections kasama

    ang KBP ang kaunaunahang paghaharap ng mga kandidato sa pagkaPangulo ngayong 2016

    dito sa Mindanao, Pilipinas Debates 2016.

    Jessica Soho:  Kasama po nating magtatanong sa mga kandidato ang editor-in-chief ng

    Inquirer.net na si John Nery.

    Mike Enriquez:  At kasama po natin ang nagpasimula sa Pilipinas Debates 2016 ang

    Commission on Election sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista. Welcome, Chairman.

    Huwag na po nating patagalin in alphabetical order po natin silang ipakikilala at bibigyan ng tig

    iisang minuto para sa kanilang paunang pahayag at pananalita.

    Jessica Soho: Narito po ang kandidato ng United Nationalist Alliance or UNA na si VP Binay.

    Meron po kayong 60 seconds Vice President.

    VP Binay: Mga kababatan, Asalamalaikum. Mula noon hanggang ngayon kahirapan pa rin

    ang problema ng ating bayan. Nanggaling po ako sa hirap, nakaranas po ako ng kahirapan,

    kaya naman po ako nang manungkulan sa pamahalaan, tinugunan ko po ang problema ng

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    2/26

    kahirapan. Sa Makati, napababa ko ang bilang ng mahihirap. Maraming nagkatrabaho at

    nakatikim nakatamasa ng magandang serbisyo. Nagawa kong pinakamayaman ang lungsod

    ng Makati sa buong bansa. Dahil sa kagustuhan kong maiahon tayo sa kahirapan siniraan ako

    at ang aking pamilya ng mga bagay bagay na patungkol sa amin. So ako ho ay mamumuno

    mga kababayan dito sa ating bansa, daladala ang tamang pamamahala at pagmamalasakit sa

    bayan maraming salamat.

    Mike Enriquez:  Maraming salamat po, VP Binay. Ang susunod po ay ang kandidato ng

    People’s Reform Party or PRP, Sen. Miriam Defensor Santiago. 60 seconds.

    Sen. Santiago: Maayong hapon sa inyong tanan. Ang eroplano ko kanina nalipayan gid ako

    nakalab-ot ako diri. Gusto ko na kanina magswimming na lang ako from Laguna Bay hanggang

    dito. There are many many things rich in this country. We are rich in natural resources we are

    rich in people resources and yet year after year we hear same doubtful doubt from our analysts

    and economists. We are the poorest country in the 10 asian member community. Why are we

    so poor? The answer is because everybody wants to have money of the government in his own

    pocket. Tanan sila, lahat sila. Kapag nag-Presidente ako, cancel ang aabutin nila so what ourcountry needs really? Is a sense of shared destiny.

    Jessica Soho: Narito naman po ang kandidato ng Partido Demokratiko ng Pilipinas Lakas ng

    Bayan o PDP Laban si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. meron po kayong 60 seconds

    ngayon.

    Mayor Duterte:  Good Day. It’s good that Ma’am Miriam is here she’s one of the two only

    qualified to run this country as President. Ma’am, I am here because there is so much

    criminality. Drugs is flooding the country. I have been calling the attention of the national

    government and there is so much corruption in government. I propose that if I am President I

    will get rid of criminality drugs and criminality. Just give me 3 to 6 months and I will do it for you.I will deliver. Again as I said, we cannot go for economic growth unless we start with

    government. For as long as there are incompetent and corrupt officials in our government, we

    would never reach our goal for this country. And so I say, I stand here and might consider what

    I told you this afternoon. Thank you.

    Mike Enriquez:  Maraming salamat, Mayor Duterte. Pakinggan naman natin ang independent

    candidate na si Sen. Grace Poe. 60 seconds Madame Senator.

    Sen. Poe: Maayong hapon sa tanan. Nararapat lamang na tayo ay nagtitipon tipon dito para

    mas maintindihan ng ating mga kababayan ang nangyayari sa kanilang mga kababayan dito sa

    Mindanao. Ang Mindanao po ang nagbibigay ng pinakamalaking produkto pagdating sa pinya.

    Sa mundo pangalawa po tayo pagdating po sa saging, pang apat pagdating sa niyog, pang lima

    pero hindi lang po iyon. Dito po sa Pilipinas, tayo ang umaasa ng kalahating pangangailangan

    natin sa mais at ¼ sa bigas kalahati naman para sa isda. Bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng

    ating mga kababayan sa Mindanao? Marami na pong namuno na may karanasan ngunit ganun

    pa rin ang kailangan ay isang tunay na may malasakit merong paninindigan mabilis kumilos at

    agarang nagbibigay ng solusyon. Napakaganda ng Mindanao hindi lang dapat natin puntahan

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    3/26

    ito, dapat pasalamatan ito. Pinopropose naming, 30% ng aming budget ay mapupunta dito sa

    Mindanao para sa agarang solusyon ng development. Maraming salamat.

    Jessica Soho: At ngayon naman ang kandidato ng Liberal Party si dating DILG Secretary Mar

    Roxas, 60 seconds po.

    Sec. Roxas:  Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ho ba, kapag pinasimple ang tanong,

    nagiging simple at klaro rin ang sagot? Ano ang tanong? Kung ihahambing natin ang pagpili sa

    pagkaPangulo sa kung sino ang magmamaneho ng ating mga anak sa araw araw, sino ang

    pipiliin natin? Kanino natin ipagkakatiwala ang kaligtasan ng ating mga anak? Sa isang taong

    may mga kaso ng pagnanakaw? Sa isang mainitin ang ulo na maaaring maaksidente. Sa isang

    ngayon pa lang natututong magmaneho o ipagkakaloob po natin ito sa isang taong matagal na

    po ninyong kilala, matagal nang nanilbihan at ni minsan hindi kayo pinahamak at may

    magandang rekomendasyon pa sa dati niyang pinagtrabahuhan? Buo ang loob ko sa inyong

    pagpasya, maraming salamat po.

    Jessica Soho:  Maraming salamat po saating Presidential candidates. Maaari rin pong

    makilahok sa diskusyon sa social media at gamitin ang hastag, Pilipinas Debates 2016 mag-log

    on rin sa gmanewstv/eleksyon2016.

    Mike Enriquez:  Huwag na huwag po kayong bibitiw dahil susunod na po ang round one ng

    debate ng ating mga kandidato.

    Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

    Mike Enriquez: Ito ang Pilipinas Debates 2016. Live na kuha po iyan ng GMA 360 camera dito

    sa Capitol University dito sa Cagayan de Oro, Mindanao. Espesyal na camera po iyan nakumukuha ng lahat ng anggulo at maaari po ninyong controlin sa pamamagitan po ng mga staff

    namin dito sa debate hall kung tawagin. Punta po kayo sa GMA news.tv

    GAP 1

    Mike Enriquez: Nagbabalik ang Pilipinas Debates 2016

    Jessica Soho: Sa punto pong ito sisimulan na natin ang ating debate. Ang lahat po ng tanongat paksa sa Presidential Debate na ito, dumaan sa COMELEC.

    Mike Enriquez: At may mahigpit po tayong panuntunan na susundin sa debateng ito ngayong

    hapon. Pakinggan niyo po ito.

    Voice Over:  Sa bawat round may mga pares na maghaharap. Tatanungin ang unang

    kandidato at may 90 seconds para sumagot. May 60 seconds naman ang pangalawang

    kandidato para magkomento sa sagot ng unang kandidato. Sa huli, bibigyan ng 30 seconds

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    4/26

    ang unang kandidato para sagutin ang mga komento. Maririnig ang tunog na ito sa huling

    sampung segundo ng timer at muli kapag naubos na ang oras.

    Jessica Soho: Simulan na natin ang around one. Ang ating tatalakayin ay ang track record at

    performance ng mga kandidato, pati na ang mga issue na kanilang kinakaharap.

    Mike Enriquez: Alphabetical po ang tapatan ng mga kandidato natin sa round na ito kaya ang

    una pong maghaharap ay sina Bise Presidente Jejomar Binay at si Miriam Defensor Santiago.

    Mr. VP ito po ang tanong. Meron po kayong 90 seconds Mr. VP> Sa panayam kung inyong

    natatandaan niyo sa DZBB, ipinaliwanag niyong karamihan sa real estate na pagmamayari ay

    minana ninyo mula sa inyong ina at sa iyong mga magulang pero sa inyong SALN dalawa lang

    sa 13 real estate properties ang inilista niyo bilang inheritance or mana. Paglilinaw ng inyong

    kampo Mr. Vice President, maaaring tinatawag na land area ang pinagbasehan sa inyong sagot

    at hindi po ang bilang. Pero ang hindi pa po nasasagot, kung hindi po minana, saan po

    nanggaling ang iba po ninyong 11 ariarian at paano po lumago ang inyong yaman sa loob po ng

    3 dekada bilang isang opistal ng gobyero? Mr. VP meron po kayong 90 seconds.

    VP Binay: Tatlong dekada, ang haba ng panahon na iyan, ha? Pero hindi ko natatandaan na

    sinabi ko na ang aking mga lupa e puro mana. Yung iba naman doon nabili namin at may

    kakayahan naman po kaming makabili. Hindi po porke kami ho ay nasa pamahalaan ay wala

    na ho kaming magagawa para makabili ng mga pagaari. Hindi po totoo na ako po ay maraming

    lupa. Ito ho ay either namana ko or ito ho ay nabili k. At hindi lang po sa nanay ko iyon, ha.

    Pati po sa tatay ko.

    Mike Enriquez:  Okay, salamat po Mr. VP. Senadora Miriam, ano naman po ang reaksyon

    niyo? Bilang isang opisyal ng gobyerno na mahaba ring nanungkulan, Madame Senator, sa

    tingin niyo po ba tinatawag na matter of interest ang yaman at ariarian ng opisyal ng gobyerno?

    May SALN, di ba?

    Sen. Santiago: That’s no longer matter of debate because it has already been embodied in a

    law. It’s no longer a bill, it’s a law, so sa gusto namin at sa ayaw kailangan talaga iladlad namin

    lahat ng pag-aari namin. Ngayon ang pagtatanong ko ay ito ho bang pag-aari ni Vice Mayor,

    nakuha niya nabili niya or nabigay sa kaniya bago siya naging opisyal sa Makati o pagkatapos

    na maging opisyal na siya?

    Mike Enriquez: Mr. VP, Gusto niyo pong sagutin ang tanong ni Senadora?

    VP BInay: Miriam, yung iba ay namana ko, pasensya ka na kung Miriam ang tawag ko sa ‘yo,magkaibigan naman tayo ay magkasama kami sa Student Council, eh. Yung namana ko,

    namana ko pa iyon bago ako nalagay sa pwesto. Ako ho ay nanungkulan 1986 at bago po ako

    nanungkulan nakapagpractice naman po ako ng law at ang misis ko naman po ay nakapag-

    practice ng pagkadoktora, so may panggagalingan po ang pera na aming pambili. Pero uulitin

    ko na ang propidad na iyon ay propidad na namana ko na bago pa man ako mapunta sa

    katungkulan.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    5/26

     

    Mike Enriquez: Salamat po, Vice President.

    Jessica Soho:  Maghaharap naman po ngayon sina Senador Miriam Defensor Santiago at

    Mayor Rodrigo Duterte. Senadora, narito po ang tanong para sa inyo. Senator Defensor-

    Santiago, kayo po ay nagfile ng medical leave noong 2012 dahil sa Chronic Fatigue Syndrome

    at nagpatuloy ito noong kayo ay madiagose na may stage 4 lung cancer. Sa nakalipas na 16 th 

    congress, mula 2013 hanggang 2016 wala pa hong sampung beses kayong nakadalo sa

    plenary session. Kung sa Senado po ay naging mahirap na para sa inyo ang makapasok sa

    trabaho, bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho ng pagiging Pangulo ng

    bansa? Ano po ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna po ng inyong karamdaman? 90

    seconds po, Senator Santiago.

    Sen. Santiago:  Hindi mo ba alam na ang sakit, tumataas o bumababa? O nawawala?

    Magtatanong ka bakit may sakit ka bakit tumatakbo ka direcho ko iyan o karapatan ko iyan sa

    ilalim ng ating institution wala namang constitutional provision na if you get sick of something

    you are disqualified. Ano pa ang ibang gusto niyong malaman?

    Jessica Soho: Ang sabi po ay iilang beses lang kayo nakadalo sa plenary session.

    Sen. Santiago:  I was on the height of cancer stage 4. Stage 4 is the last stage nag-aantay

    akong mamatay e hindi ako pinatay ng guardian angel ko e.

    Jessica Soho: Paano raw po iyan e mas mabigat raw po ang trabaho ng pagka-Pangulo sa

    ating bansa?

    Sen. Santago: Mabigat na mabigat pero kung tutuusin mo ang Senador, halos kapantay lang o

    sobra pa ang trabaho kung ginagawa niya ng tama ang kaniyang trabaho. ang trabaho ngPresidente kasi kung minsan, nilalabanan niya ang lahat ng Senador laban sa kaniya. Hindi

    kamukha ng Presidente na lahat sa paligid niya naghahallelujah sa kaniya.

    Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor Santiago. Mayor Duterte ano pong

    masasabi niyo? You have 60 seconds.

    Mayor Duterte:  I will not go into argument or debate with Ma’am Miriam, she’s telling you the

    truth and truth is very important I did not see senator Santiago passing away within the next 20

    years so what’s the problem? 

    Jessica Soho:  Senadora you have a chance to answer. May counter rebuttal po kayo kay

    Mayor Duterte.

    Sen. Santiago: Thank you. My only purpose is to serve out the best of my life. I’m already 70

    years old plus 6 year term as a president I would serve my country in 6 years. You don’t want

    to spend the next 6 years lying in bed I’m feeling sorry for myself. In fact I did not lie in my bed.

    I did not feel sorry for myself. I felt sorry for my country because graft and corruption is endemic.

     And everybody has speaks out but nobody has done very much except Mayor Rudy Duterte.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    6/26

    Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor Santiago.

    Mike Enriquez:  Okay, okay, magtatapatan ngayon naman si Mayor Duterte ng lungsod ng

    Davao at si Senadora Grace Poe. Mayor Duterteito po ang tanong sa inyo.

    Mike Enriquez:  Unang tanong: sa inyong talumpati noong Nobyembre 22 beses po kayong

    nagmura, Mayor. Minsan na rin kayong naharap sa reklamong acts of lasciviousness. Sa

    makatuwid nung nainterview ko po kayo, sinabi niyo rin, kayo po ay palamura, kayo po ay

    babaero kayo po ay nakapatay na ng criminal. Sa inyo po bang palagay, Mayor, dapat po ba

    kayong tularan ng mga kabataang Pilipino at ito ba ang kaugaliang kailangan ng isang

    mamumuno po ng Pilipinas? Mayor meron po kayong 90 seconds.

    Mayor Duterte: Yes most of it are true. Most of it are true. Criminals, well I go after them as

    long as I do it with accordance with the rules of law, I will continue to kill criminals. And

    President order the killings as long as I said in exercise of performance duty in accordance with

    law. I will use the military and the police to go after the criminality and drugs are flooding the

    country. Hindi ako papayag ng ganon totoo iyon I will not deny anything.

    Mike Enriquez:  Sa pangalawang bahagi po ng tanong, sa palagay niyo ba dapat kayong

    tularan ng mga kabataang Pilipino?

    Mayor Duterte: Yes. No. Extrajudicial killing? Of course not, but killings yes. If I were to be

    President, it will be bloody. Because we’ll order the killings of all criminals ang durugista at drug

    lords.

    Mike Enriquez: Yung kasong acts of lasciviousness?

    Mayor Duterte: Wala akong kaso na ganon. I don’t know who invented it but I said na meron

    lang akong inakbayan noon, ang nanay ko ang nagalit.

    Mike Enriquez:  Isa pa Mayor, sabi niyo may mga gf kayo. Dapat bang tularan iyan ng mga

    kabataan?

    Mayor Duterte: Kung hiwalay ka sa asawa, anong gagawin mo sa sarili mo? Anong gagawin ko

    sa kargakarga ko. Eh hindi mo naman maipagbili ito hindi mo nga maisangla eh. Gamitin mo

    dapat kung hindi mamatay ka.

    Mike Enriquez:  Salamat po, Mayor , salamat…malinaw. Senadora Grace Poe bilang isang

    babae at kandidato sa pagka-Presidente dalawa lang po kayo ni Sen. Miriam. Ano po ang

    pananaw niyo sa istilo na iyan ni Mayor Duterte?

    Sen. Poe: Alam niyo si Mayor Duterte, malakas ang appeal, irresistible sa ibang mga babae.

    Subalit matagal rin nating pinaglaban at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kaniyang

    nanay kaya kahit na papaano sa tingin ko, kahit ikaw ay malakas ang dating sa mga babae,

    konting pigil sapagkat siyempre malay mo yung mga lumalapit sa iyo may asawa or may bf or

    kung anupaman. Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama na ginagawa ng matanda. At

    least alam natin si Mayor Duterte minsan sinasabi naman niya yung mga hindi niya nararapat

    na nagawa noon, pero pareho lang naman kami, tao rin nagkakamali pero isusulong ko palagi

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    7/26

    ang pagrespeto anuman ang iyong kasarian babae ka man lalake, LGBT, lahat po tayo merong

    konting paggalang sa isa’t isa. 

    Mike Enriquez: Mayor meron po kayong 30 seconds para huwag magpigil o sige po.

    Mayor Duterte: Lahat naman ito you know sa kwarto iyan, hindi ko naman ginagawa sa ano, so

    what’s the problem? You don’t flaunt it on public and I said, if you have to do it, I said I am

    separated from my wife and yung isang asawa ko nasa America, yung nurse. Far and wide in

    between those years it’s biology actually it is biology.

    Mike Enriquez: Salamat po Mayor.

    Jessica Soho: Magkakaharap naman po ngayon ni Sen. Poe si dating DILG Sec. Mar Roxas.

    Senadora Poe narito ang inyong tanong. Sa lahat ng kandidato sa entablado ngayon kayo po

    ang may pinakamanipis na resume pagdating sa government service. Dalawang taon bilang

    MTRCB chairperson at nangangahalati pa lang kayo sa inyong termino bilang Senador. Sa

    tingin niyo ba ay may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo publiko para maging

    Pangulo ng Republika?

    Sen. Poe:  Jessica, alam mo talaga ipinagkakaila sa lahat sa kanila ako ang pinakabago dito

    pero sa ating mga kabataan alam ko alam ninyo ang kanta ng Gloc 9…”Kayong mga nakaupo,

    subukan nyo namang tumayo. Para maramdaman niyo ang aming kalagayan.” Ang

    kinalalagyan ko, sa tingin ko, sa lahat sa kanila ako nga ang may pinakamaikli na karanasan

    pero nakikita ko bilang isang nanay kung ano ang pangangailangan ng isang pamilya. Sa aking

    maikling karanasan sa gobyerno ako po ay nakapaghawak ng isang Executive position na maymanagement requirement at mismo na rin si Sen. Miriam ang nagsabi na ang Senado ay mas

    mahirap na trabaho kung ginagawa mo ang iyong trabaho. Ako po ay nabigyan ng pribilehiyo na

    makadebate si Sen. Miriam kaya nga naipasa namin sa Senado ang Freedom of Information.

    Yung mga batas na aming itinulak ay mga pagkain para sa mga bata. Yung mga batas o yung

    mga budget pala na aming itinulak, pagkain para sa mga bata, para sa magsasaka at higit sa

    lahat pag-iimbestiga na walang kinikilingan kaibigan man o kaaway. So para sa akin, ang aking

    karanasan bilang teacher bagamat minamaliit ng iba, hindi po tayo makakarating sa puntong ito

    kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at nagturo sa atin kung ano ang tama at mali at

    kung ano ang naaayon sa ating mga paksa. Kaya sa ating mga kababaya, parepareho lang

    naman ang problema ng Pilipinas eh, pareparehong nandiyan wala pong proof na kapag mas

    matagal ka na sa pwesto mas magaling ka.

    Jessica Soho: Sec. Roxas ano pong masasabi niyo sa sinabi ni Sen Poe? It should be recalled

    that you once asked her to be your runningmate or your Vice Presidential candidate?

    Sec. Roxas; Tama ka diyan, Jessica no. Inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil

    nga sa pagkilala tulad nga ng sinabi ninyo ay manipis ang kaniyang karanasan sa pamumuno at

    siguro ipagpaumanhin ng aking kaibigang si Senadora Grace Poe na ang pagiging Pangulo ay

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    8/26

    hindi OJT. Kinabukasan, kaunlaran ng 100M Pilipino ang nakasalalay dito kaya may tamang

    panahon para sa lahat. At para sa akin yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian

    para sa pagiging Pangulo. Paano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Paano mo pipiliin sa

    dalawang rekomendasyon ng dalawang Cabinet Secretary ang pagdedesisyunan ito yung

    malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na Pangulo at mahalaga ang

    karanasan. Malinis na karanasan para diyan.

    Jessica Soho: Senadora Poe, ang inyong counter rebuttal. Meron po kayong 30 seconds para

    diyan.

    Sen. Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi. Kahit na maikli ang aking

    panunungkulan sa gobyerno, tama si Sec. Mar nakatatlong administrasyon na siya diyan

    nabigyan na ng ilang responsibilidad sa gobyerno. Pasensya na rin po pero marami na rin po

    akong inimbestigahan tulad ng DILG at sa DOTC sa MRT at sa tingin ko naman hindi mo

    kailangan ng napakahabang karanasan para malaman kung kulang ang tulong ng gobyerno sa

    transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng gobyerno para magkaroon tayo ng

    kapanatagan.

    Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe.

    Mike Enriquez:  At ngayon naman ang one on one po nina dating Sec. Mar Roxas at Bise

    Presidente Jejomar Binay. Secretary Roxas ang tanong para sa inyo: sa inyong mga panayam,

    ipinagmamalaki ninyo ang nagawa ng daang matuwid katulad ng pagpapatayo ng mga silid

    aralan o mga classroom, yung programa ng DepEd, ang Pantawid Pamilyang Pilipino programna pinamumunuan ng DSWD. Pero sa inyo namang panunungkulan bilang Secretary ng DOTC

    at DILG, iniuugnay at nangyari raw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT. At sa di

    umano’y mabagat na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nang tumama ang super bagyong

    Yolanda, base sa inyong track record sa DOTC at sa DILG, paano po niyo patutunayan na

    kayo ay epektong Presidente ng Pilipinas, meron po kayong 90 seconds, Mr. Secretary.

    Sec. Roxas: Salamat Mike. Simulan natin sa DOTC, noong ako po ay nasa DOTC mahigit 100

    kontrata sa halagang humigit kumulang 100B ang napa-bid namin na walang anomaly, walang

    alingawngaw, walang kontrobersiya iyan. Nangyari lahat iyan, ports airports at iba pang

    infrastraktura na ginawa hanggang sa ngayon. Pangalawa sa MRT, bakit ko tinanggihan ang

    proposal ng pribadong sector na mapagpatuloy ang kailang kontrata sa MRT? Dahil gustonilang pahabain ng 15 dagdag na taon itong maanomalyang kontrata na ngayon ay sanhi ng

    problema natin. Plus daragdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero. Kaya tinaggihan

    ko iyan. Diyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong pamamaraan para

    magkaroon tayo ng bagong mga tren. Ang mga tren ay nandiyan na, parating na at sa ngayon

    sa susunod na mga buwan ay mapakikinabangan na ng ating mga kababayan. Pagdating

    naman sa DILG ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    9/26

    buong gobyerno ay nandoon. Nandoon ako bago, habang at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako

    bumitiw hanggang nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako tulad ng iba na dumating naka-

    helicopter umalis at marami na ngayong sinasabi. Maraming salamat po.

    Mike Enriquez: Mabalikan po natin si VP BInay. Sang-ayon po ba kayo sa sinabi ni Secretary?

    Matagal kayong naging miyembro ng gabinete ha, kasama niyo siya. Sige po Mr. VP.

    VP BInay: Eh alam po ninyo, hindi po mangyayari kung ako po ang napalagay sa pwesto ni

    Sec. Roxa…yun bang analysis paralysis. Ako ho, is a decisive effective leader. Hindi ho ako

    paulit ulit walang dinedesisyunan. Yung PPP iisa pa lang o dadalawa pa lang e kailangang

    kailangan po natin ng PPP na yon para magkaroon ng pagbabago sa infrastructure needs.

    Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Sec. Roxas sa pagkakahelicopter. Aba, yung helicopter

    marami akong nakita. Eh siya nasaan ho siya? Pagkatapos lumindol at nangyari sa Leyte

    nawala na siya kaya naman ho grabe ang galit sa kaniya ng mga taga Leyte sa kapalpakan niya

    sa paghawak ng problema ng Yolanda.

    Mike Enriquez: Sec Roxas meron pa ho kayong 30 seconds pa ho, sige po.

    Sec. Roxas: Nandoon po ako 16 na araw. Hindi ko binitiwan hindi ko tinigilan o hindi ko phinoto

    op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandoon ako simula bago pa dumating ang Yolanda

    at ginawa ko ang lahat. Matitignan kita Mike o kahit sino mata sa mata at sabihin lahat ng

    maaaring magawa sa kapanahunang iyon ay nagawa.

    Mike Enriquez: Maraming Salamat po, Secretary. At diyan po nagtatapos ang round 1 pa lang

    na ito. Mas mainit sa round 2 dahil ang susunod nating tatalakayin, mga Kapuso ay kahirapan

    at ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

    Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyog pipiliin.

    Mike Enriquez: nagbabalik mo o magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016.

    Jessica Soho:  Samantala makikita niyo po ngayon ang ating twitter heat map kapag mas

    marami pong bilog na pula sa lugar mas marami po ang tweets na nagmumula diyan at makikita

    po natin na umuulan na ng tweets tungkol sa debate sa Metro Manila. Umiinit na mismo ang

    tweet sa Cagayan de Oro City, na mismo kung saan tayo naroon. Ayan po ang twitter heat

    map.

    GAP 2

    Jessica Soho: Live pa rin po tayo sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

    Mike Enriquez: At round 2 na po tayo ang susunod na issue po na pagdedebatihan ng mga

    kandidato ay ang lagi nating nagiging paksa tuwing eleksyon: ang kahirapan partikular na po na

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    10/26

    tututukan natin, paano ba natin mapabubuti ang buhay ng ating mga kababayan lalo na yung

    mga mahihirap?

    VO: Sa mga nakalipas na taon, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas pero hindi nabawasan ang

    poverty incidence o kahirapan sa bansa. Pinakamahirap na sektor ang agrikultura, kabilang ang

    mga mangingisda at magsasaka. Sa kasalukuyan, milyung milyon pa rin ang Pilipinong walang

    trabaho, paano ito tutugunan ng susunod na Pangulo?

    Jessica Soho :  Para sa round 2 nagbunutan na po ang mga kinatawan ng kandidato ng

    kanilang pagkakasunod sunod. At ang una pong maghaharap: sina VP Binay at si Senadora

    Poe. Sa round na ito, bubunutin rin natin ang mga taong sa kandidato.

    Mike Enriquez: sisimulan na po natin mga Kapuso. Ang unang tanong po ay para kay VP

    BInay at ito po at bubunutin natin ang tanong mula dito sa sisidlan yung bilog na tambiolong

    gawa sa Kristal. Mr. VP meron po kayong 60 seconds

    Jessica Soho: 90 seconds.

    Mike Enriquez:  90 seconds, sorry po. Maraming magsasaka ang baon po sa utang

    pagkatapos ng anihan dahil sa hiniram nila na pambili ng abono, pag-upa sa lupa, pag-upa sa

    sasakyan para maibaba ang kalakal nila. Patuloy naman ng pag-angkat natin ng mas murang

    bigas at mas murang gulay. May plano ba kayo para matulungan an gating magsasaka na hindi

    nadedehado naman ang mga mamimili? 90 seconds Mr. VP.

    VP Binay:  I-momodernize po natin ang ating agrikultura. Ang iba naman ang agrikultura

    napakaliit ng contribution sa GDP natin. Yun hong ating magsasaka kunin na po natin ang

    CARP. Yung CARP po maganda po ang intensyon doon pero among others, to make the land

    productive o kasama na ho diyan yung mga magsasaka na sinasabi ho ninyong naghihirap

    dahil sa parte ng CARP na iyon tutulungan, susubsidize aasistehan ng ating pamahalaan … fertilizer at iba pang post harvest requirements. Pangalawa, yung irrigation fee po dapat

    tanggalin na po natin yon. Pangatlo, iyon pong post harvest problem. Alam niyo po mga

    kababayan mas malaki po ang nawawala sa post harvest kesa doon sa kinikita? Pangatlo,

    dapat ho tayo mangakit pa ho tayo ng mangangapital para meron po tayong makakatulong

    doon sa infrastructure requirements. Iyan po ay ginawa namin sa Makati ginawa po namin sa

    Makati, maiahon po ang kahirapan, suportado po ng pamahalaan.

    Mike Enriquez: Salamat po Mr. VP. Senadora Grace Poe, ano po ang reaksyon niyo sa sinabi

    ni Bise Presidente? You have 60 seconds, Senadora.

    Sen. Poe:  Importante po para sa ating magsasaka, intindihin natin kung magkano ang kinikitanila. P17,000 magtatanim ng palay sa 1 hectare so kung tatlo ang binigay sa kanila ng

     Agrarian Reform, kikitain nila siguro mga P152/day talagang napakaliit. Dapat libre na ang

    irigasyon. Dapat may crop insurance, pero hindi lang iyon pero hindi lamang iyon dapat

    magkaroon ng Agro industrial zones kung saan magkasama ang DTI at DA para naman ma-

    market ang products ng mga magsasaka. Mag-soil testing tayo, anong mga added value na

    puwede para dito sa lupa nila? Anong mas kikita sila? Palay ba? O kape o ano pa man?

    Tandaan natin, sa niyog ang average age sa mga puno ay 6 years old na kaya konti na lang

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    11/26

    ang binubunga nito kailangan ng replanting gamitin natin ang pondo ng coconut levy para dito

    sa magsasaka ng niyog. Importante rin isipin natin pwedeng coco wine pwedeng virgin coconut

    oil pwedeng coco waste pwedeng kung anu anong mga programa na pwedeng gamitin para

    dito, added value para sa magsasaka.

    Mike Enriquez:  Mr. Vice President may 30 seconds po kayo tumugon kay Senadora kung

    meron man.

    VP Binay:  Wala naman ho dahil pareho naman kami ni Senadora doon ho sa assistance at

    subsidy. Ang idaragdag ko lang po kung ako ay makakapagdagdag ay yung high yield crops

    dapat po magshift na rin po tayo doon kasi po anmg crops natin is basically corn rice and

    coconut. Marami po tayong lupa na angkop sa high yield crops.

    Jessica Soho: Up next ay ang paghaharap nina Senadora Grace Poe at ni Senadora Miriam

    Defensor Santiago. Sen. Poe, ito po ang inyong tanong, meron po kayong 90 seconds… 

    sandali lang po ito ang inyong tanong. Ano po ang gagawin ng inyong administrasyon para

    matiyak na may pagkain ang 2.5 o 2.6 na Milyong pamilyang Pilipino na nagsabi sa SWS na

    sila ay nagugutom araw araw.

    Sen. Poe: Ang una talaga para sa akin ay dapat talaga magkaroon ng libreng pananghalian sa

    ating public schools dahil iyan po ang derecho sa tiyan ng ating mga bata. Hindi po matututo

    ang mga bata at hindi po tatalino kung sila po ay nagugutom, iyan ang pinakauna. Pangalawa

    po, ang pinakamahihirap nating mga kababayan ay nasa sector ng agrickultura at alam naman

    po natin na ang mismong nagtatanim ng palay at bigas sila po mismo bumibili pa ng bigas sa

    palengke. Kailangan talaga ay bigyan ng tamang subsidiya at least paumpisa man lang sa

    irigasyon at iba pa para naman mas maging competitive sila. Kailangan po ng replanting ng

    ating mga niyog sapagkat tayo po siguro ang 5

    th

      largest producer ng niyog sa buong mundopero hindi natin sila binibigyan ng sapat na suporta nasa lagpas 70B na po ang nandiyan

    nakatengga lamang na coconut funds na dapat mabigyan ng scholarships itong mga

    nagtatanim ng niyog para bumaba ang presyo at importante rin na an gating gobyerno ay

    bantayan naman sapagkat kung bibigyan natin ng added value yung matataas na value ng

    crops ng ating magsasaka at magaangkat tayo ng ibang bagay huwag nating kalilimutan na

    huwag nating pababayaan ang sector ng agrikultura kung tayo ay magaangkat ng mga ibang

    mga pagkain so importante po iyan sapagkat habang may nagugutom sa ating bansa hindi

    natin pwedeng sabihin na nagiging matagumpay ang ating ekonomiya.

    Jessica Soho: Sno po ang inyong tugon dito Sen. Miriam Defensor Santiago? 60 seconds po

    Sen. Santiago: Well, promises are very easy to make. But which President of our country just

    like us presidentiables 2016 has ever abolished or at least reduced the incidence of poverty in

    our country? None. I say this as a conviction, as the former Agrarian Reform Secretary. Eh

    pangako lang ng pangako, saan natin kukunin lahat ng pera na ito? Para igagastos sa

    sinasabing mga plano nila? That is the question.

    Jessica Soho: Senator Poe ang inyo pong counter rebuttal you have 30 seconds.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    12/26

    Sen. Poe: Kaya siguro napapanahon na magkaroon ng may bagong perspektibo marami diyan

    ang namuno na noon bilang Pangulo matagal na sila sa gobyerno marahil hindi na sila nag-iisip

    ng ibang paraan para makatulong sa ating bayan at sa ating ekonomiya. Noong panahon ni

    Pangulong Marcos nagkaroon ng Nutri bun. Hindi iyan kumpleto sa pagpapakain sa mga bata

    pero kahit papaano nagkaroon ng feeding program sa ating pamahalaan. Noong panahon ni

    Pangulong Erap yun lamang ang panahon kahit papaano tumaas ang yield ng agrikulturameron po tayong pag-asa kaya lang kailangang tapat, hindi nangungurakot at mabilis kumilos.

    Jessica Soho: Maraming salamat po Senator Poe.

    Mike Enriquez:  Ang makakaharap naman po ni Sen. Miriam Defensor Santiago ay si dating

    DILG Sec. Mar Roxas , Sen. Santiago bubunutin ko po ang tanong para sa inyo masikip ang

    butas nitong kung anuman ito.

    Jessica Soho: Parang Miss Universe iyan.

    Mike Enriquez:  Lumago po ang ekonomiya ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon. Walang

    kaduda duda, ang sabi ng nakakarami at sa pagtatapos ng 2015 umangat ang ating ekonomiyang 6.3%. Sa kabila nito, malaking porsyento ng ating mga kababayan ang naghihirap. Kung

    kayo po ang susunod na Presidente ng Pilipinas, Senadora, paano niyo ibababa ang mga

    nagdarahop sa pag-unlad ng ekonomiya at paano niyo iyon sisiguraduhin yung yaman ay hindi

    mananatili..si Sen. Poe no? Senadora Grace?

    Jessica Soho:  Senator Miriam.

    Mike Enriquez: Si senator Miriam po ang kausap ko. Siya po ang tinatanong ko. Okay ito

    pong tanong Senadora. Papaano niyo sisiguraduhin yung yaman ay hindi mananatili sa ilan

    lamang kung hindi bababa sa mas nakakaraming mga Pilipino? Senadora 90 seconds.

    Sen. Santiago: Una, pagandahin natin, ibig sabihin ibig sabihin bigyan natin ng maraming pera

    sa budget itong mga factors na ito number 1 health ang kalusugan ng mga mahihirap

    karamihan sa kanila may sakit e hindi na rin makapagtrabaho. Pangalawa, education.

    importante sa tao na edukado siya kaya siguro hindi tama ang ating mga pag pili noon dahil

    Maraming hindi edukado na boboto. Pangatlo, rural infrastructure or social welfare

    improvements. Lahat ng ito nangangailangan na ang ating taxes should always be lowered or

    raised. Wala tayong eskapo diyan so we either have to concenturate taxes or we should lower

    taxes hindi naman papayag ang ating gobyerno na kulang sa pera ang ating budget kaya the

    remedy would be to decrease taxes. For example, the estate tax should be erased, panggulo

    lang iyan e. Naging judge ako marami akong estate taxes cases 10 taon na hindi pa

    maresolbahan. Pangalawa, real estate tax will be abolished law should be piggy-banked with areal property tax on a national level kaya dalawang beses magbabayad kaya mahirap labanan

    ito kaya ang kailangan diyan is the will to win.

    Mike Enriquez: Salamat po Senadora si Sec. Roxas may reaksyon kayo sige po, Secretary.

    Jessica Soho: 60 seconds.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    13/26

    Sec. Roxas:  Ang masasabi ko lang no tama lumago ang ating ekonomiya. In fact, fastest

    growing, itong ating mga kababayan mahigit 2M na mga tao ay naitawid mula sa poverty line to

    above the poverty line. magkwestyon man sa datus pero iyan ang datus ng ating NEDA o

    National Statistics Office. 2M families ang ngayon ay hindi na tinatawag na mahihirap dagdag

    pa doon ay yung tinatawag nating safety nets. May safety nets tayo sa Philhealth. Noong

    nakaraang taon, kung magkasakit ka kasama ang 6 at kalahating milyon na pasyentenatulungan ka ng Philhealth sa halagang P75B. Kung dati rati bawal magkasakit ngayon may

    kasangga ka, ang iyong gobyerno para hindi na mauubos ang laman ng bulsa mo sa

    pagbabayad ng pagpapagamot iyan ang inihatid ng daang matuwid. Iyan ang itutuloy ko

    sakaling mabigyan ako ng pagkakataon.

    Mike Enriquez: Salamat Secretary. Senadora Santiago you have 30 seconds to reply to react

    kung gusto niyo po.

    Sen. Santiago: As I said, these are all promises way up in the sky. Promises in the sky is the

    program of government, of many officials for public office, saan natin kukunin ang pera? Iyon

    ang tinatanong ko, saan? Sinong magbibigay magdodonate? Mga mayayaman ba?Daragdagan natin dahil sa mayaman sila? Malaking problema iyan where to source the fund. I

    can make the entire list from here to there of all my promises but you will each cost taxes.

    Mike Enriquez:  Mga Kapuso, hindi pa po tapos ang round 2 pero ngayon pa lang po

    pinapaalam na namin sa inyo na number one trending topic sa Pilipinas at sa buong mundo ang

    hashtag Pilipinas Debate 2016.

    Jessica Soho: Magandang pangitain iyan, Mike, kasi ibig sabihin maraming kababayan tayong

    intresadong intresado sa sasabihin ng ating kandidato.

    Mike Enriquez: Opo maganda ito sa ating bayan kaya lahat tayo hihinga muna ng saglit dahil

    tumitindi po ang talakayan ngayong hapon.

    Jessica Soho: Kilatisin busisiin ang inyong pipiliin.

    Mike Enriquez: At magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016, diyan lang po kayo.

    Jessica Soho: makikita po ninyo ang heat map ng facebook naman. Kanina twitter, ngayon

    po heat map ng facebook. Ang Davao City at Ilocos Norte ang pinakaaktibo ngayon sa

    diskusyon sa facebook tungkol sa eleksyon.

    GAP 3

    Jessica Soho: Ang inyo pong napapanood ay ang mga nanonood sa gymnasium dito rin sa

    Capitol University sa Cagayan de Oro City. Nasa 1500 tao ang kasalukuyang nanonood doon

    live ng ating Presidential Debate.

    Mike Enriquez:  At patuloy ang pagkilatis sa mga tumatakbo sa pagka- Presidente dito sa

    Pilipinas Debates 2016.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    14/26

    Jessica Soho: Nasa round 2 pa rin tayo para talakayin ang kahirapan at pagpapabuti ng buhay

    ng ating mga kababayan.

    Mike Enriquez:  Okay si dating DILG Sec. Mar Roxas naman po ang sasalang at ang

    makakaharap niya po Mayor Rodrigo Duterte. Binubunot ko na po para sa inyo biglang

    lumuwag ang butas nang sa inyo na o ito po. Paunti na ngpaunti ang nahuhuli ng nga

    mangingisda natin. Maswerte na po kung kumita ang mga magingisda ng P220/araw. Ano ang

    magiging programa ng inyong administrasyon para maiangat ang kabuhayan ng mga

    mangingisda at mapangalagaan ang ating karagatan meron po kayong 90 seconds para

    sumagot.

    Sec. Roxas:  Para sa ating mangingisda, ang pinakamahalaga ay ang murang pautang.

    Nauubos ang kanilang capital. Ang kanilang kinikita sa pagbabayad ng interest amortization sa

    kanilang pagutang hindi pa nga sila nagpapalaot iniuutang na nila ang kanilang huhulihin.

    Murang pautang, isa sa pinakaunang susi para sa kanilang kaginhawaha. Pangalawa,

    makabagong teknolohiya importante ito. Doon lang sa Dagupan sa bottom up budgeting

    importante na gagawin natin ito sakaling ako ang maging Pangulo, sa buong Pilipinas na bigyannatin ng fish finder ito, yung mga radar para sa ating mga mangingisda. Nakikita nila agad kung

    nasan ang mga isda, hindi naaksaya ang panahon at pera sa kabibili ng gasoline, derekta sila

    kung nasaan ang isda, direkta na ito, sariwa pa naibebenta nila sa magandang presyo.

    Pangatlo, post catch facilities. Ito yung mga chiller, ito yung mga packaging na mahalaga para

    mas mataas ang kikitain nila kesa sa kikitain nila ngayon. Sa ngayon limitado ang kanilang kita

    dahil nabubulok ang kanilang mga isda. Kapag nagkaroon ng post catch facilities tulad ng mga

    chiller tulad ng mga ref vans, dadalhin ang kanilang mga huli sa mga pamilihan, gaganda ang

    kanilang kita at panghuli at ang infrastraktura para mas madali nilang maparating ang kanilang

    huli sa mga pamilihan.

    Mike Enriquez: Maraming salamat po Secretary, Mayor Duterte meron, po kayong 60 secondspara mag-react. Agree ba kayo kay Sec. Roxas?

    Mayor Duterte:  Yeah I will not rebut on what he said because it ’s all true. Gusto ko ngang

    kopyahin e kung papayag siya e idagdag ko na lang yung akin.

    Mike Enriquez: Payag ba kayo?

    Sec. Roxas: Oo naman bakit hindi.

    Mike Enriquez: Tuloy niyo, Mayor.

    Mayor Duterte: As I said this is true in every program of the government. Ang problema langho kasi dito marami tayong problema. In the past we have a lot of problems to help our

    fellowmen fisheries and farmers and all. Ang nagkakaproblema ho dito is the implementation

    along the way because if you are incompetent and corrupt, officials would be the same.

    Biyayang dagat is the greatest program of any government but along the way sumabog

    because there was corruption wala akong debate sa lahat nila ang incompetence sa mga tao o

    corruption e hinid iyan nacocorrect e.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    15/26

    Mike Enriquez:  Salamat po, Mayor. Sec. Roxas, 30 seconds. Incompetence and corruption,

    Secretary?

    Sec. Roxas: Nasa sentro ng programang matuwid, nasa sentro ng diwa ng pagkatao ni Mar

    Roxas yung anti-corruption. Sa mahigit 20 taon ng panungungkulan, ni minsan hindi nabahiran

    ang ating pangalan ng kahit anong anomaly. Ako galit sa mga corrupt at hindi ko papayagang

    magkaroon ng kurapsyon sa aking panunungkulan. Ang importante dito ay itong mga nasabi ko

    ay nasimulan nang magawa nasimulan nang matamasa n gating mangingisda at itutuloy ko iyan

    palalawakin ko iyan para mas marami pa ang giginhawa sa ating mga programa.

    Mike Enriquez: Salamat po, Sec. Roxas.

    Jessica Soho: Ang nabunot naman ni Mayor Duterte ay VP Jejomar Binay. Mayor Duterte ito

    po ang inyong tanong: meron po kayong 90 seconds para po sagutin ito. Ang tanong: isa sa

    problema ng magsasaka at mamimili ang pagkakaroon ng rice cartel na nasa likod ng

    smuggling at rice manipulation. Paano babanggain ng administrasyon ninyo ang mga rice

    cartel na ito?

    Mayor Duterte: Sus, Ma’am, iyan lang? I’ll do it in in three ways, hulihin ko lang yung gagong

    na I testified in the Senate, I undentified somebody there mga iyan, those are the ones

    smuggling rice. Yung cartel nila madali iyan as President. Sabi ko nga 3-6 months tapos na

    lahat ito e. No really, I am willing to stake my honor, my position and my life. 3-6 months

    malinis po itong bayan na ito, pati yung cartel cartel na iyan, pati itong 5-6 ang ginagawa

    nagpapahiram pa doon sa mga farmers tapos binebentahan pa ng appliance. Eh ako sa Davao

    sabi ko, stop it do not oppress the people kaya lahat ganito we would like to build food terminals

    and we would like to many banks to come in and give money to the farmers then allow them,

    Department of Trade to allow them establish their trade of credit unions, cooperatives. Doon

    maghirap as I said P1B per region doon sila magtayo ng kooperatiba para kanila angbinabayaran nila.

    Jessica Soho: VP BInay ano po ang tugon ninyo sa sinasabi ni Mayor Duterte?

    VP Binay:  Alam po ninyo, problema ng smuggling, nakikita ho ninyo ang leader. Doon ho

    nagsisimula ang problema kasi ang leader, hindi decisive, hindi effective. Alam ang problema

    eh. Bakit hindi masolusyunan? Kasi hindi marunong mamuno. Ako yung problema lang sa amin

    hindi kami masyadong naproblemahan ng crime at kung anu ano pa dahil sa ako ho, I’m a

    decisive leader I hit the ground running. Haharapin ko ho ang problema ditto. Halimbawa may

    problema sa Mindanao dahil sa kuryente, eh wala eh indecisive, ineffective, walang aksyon,

    may problema hindi sinosolusyonan. Kaya ho nagkakaroon ng walang nagagawa sa

    smuggling.

    Jessica Soho: Turn po ni Mayor Duterte para magbigay po ng kaniyang counter rebuttal.

    Mike Enriquez: 30 seconds po.

    Mayor Duterte:  I am nothing to rebut into that statement when it’s just matter of rebutting . It’s

    useless because it’s so good problems that I said is the money because the fundamental duty of

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    16/26

    the President is see to it that food is available and food is affordable, iyan po ang problema

    talaga.

    Jessica Soho:  Maraming salamat, Mayor Rodrigo Duterte. Sarado na po ang round 2. Sa

    ating pagbabalik…ang third and final round. Ang issueng sunod nating hihimayin, sunod

    lamang po. Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

    Mike Enriquez: Magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016. Ito po ang inyong nakikita ngayon

    ay ang ating discussion trend sa facebook naman po na mas marami pong mga babae kesa sa

    mga lalake ang nakikilahok sa diskusyon. Sa facebook edad 18 hanggang 25 anyos ang

    pinakaaktibo, mabuhay ang mga kabataan. Wala ba kayong mga kamay para sa mga

    kabataan?

    GAP 4

    Mike Enriquez:  At ito po muli ang isang kuha ng GMA 360 camera maaari niyong kontrolin

    iyan para makasilip kayo sa loob ng debate hall. Ayan mga Kapuso, punta lamang kayo sa

    gmanews.tv. Live po iyan mga Kapuso. Tuloy ang ating pagkilatis at pagbusisi sa mgakumakandidato sa pagkaPangulo dito sa Pilipinas debates 2016. Round 3 na po tayo mga

    Kapuso. Dito mga issue po na kinahaharap natin sa mga sandaling ito, Mindanao tututukan ng

    kasama natin na magtatanong po mula sa social media.

    Voice Over:  Itinuturing na food basket ang Mindanao pero dito rin matatagpuan ang 5 sa 10

    pinakamahirap na probinsya sa bansa. Dekada na rin ang kaguluhan ilang usaping

    pangkapayapaan ang sinimulan pero bigo pa ring makamit ang kapayapaan ano ang susunod

    na magiging hakbang ng susunod na Pangulo?

    Jessica Soho: Makakasama po natin sa pagtatanong sa mga kandidato sa pagka-Pangulo, si

    John Nery ang Editor-in-chief ng inquirer.net. Nag-ikot po sila sa Mindanao, kumalap ng mga

    tanong mula sa publiko at ilan nga po riyan ay posibleng kasama sa matanong sa ating

    kandidato. Katulad sa round 2, bubunutin pa rin natin ang mga tanong sa mga kandidato at

    gaya rin sa round 2, nagbunutan na rin ang mga kinatawan ng kandidato ng kanilang sequence

    o pagkakasunod sunod.

    Mike Enriquez: Ito nap o mga Kapuso ang unang sasabak mula sa Mindanao si Mayor Rodrigo

    Duterte na ang makakatapat po ay si dating Secretary Mar Roxas. Pero bago po iyang

    dalawang iyan, si John Nery muna.

    John Nery: maayong gabi Mike, Mayor Duterte..

    Mayor Duterte: Yes, sir?

    John Nery:  Kayo po ang kandidato mula sa Mindanao. Ito po ang inyong tanong: may

    nagpadala sa amin ng litrato sa social media makikita rito ang isang maputik na kalsada at

    isang ilog na walang tulay sa Zamboanga. Galit na raw ang katulad ni Ken Sharif dahil matagal

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    17/26

    na nilang hinihiling ang maayos na tulay at kalsada. Kung ikaw ang magiging Pangulo, paano

    mo tutunugin ang katarungan ni Ken? At paano mo maiiwasan ang irregularities sa

    infrastructure projects? Meron po kayong 90 seconds.

    Mayor Duterte: Yes, sir. I will have to tell you that 65%, 64% of infrastructure projects are here

    in Manila. I also want you to know that 19% lang ang binigay sa region 19. Of course that is

    the disparity and that is why the Mindanaoans are asking you, now galit na galit sila kasi ang

    aming share sa taxes hindi ibinibigay. Remember that Mindanao contributes to the country’s

    coffers, 54% of the total export earnings in dollars it depends but ang Mindanao kasi ang

    nagbibigay sa agricultural products nassa mga ito 19B only for region 11. I don’t know how the

    others are getting iyan ho, it is the disparity and this is why people are clamoring for a federal

    government. I-dissipate na muna natin ang central powers. After all this is the symbol of our

    being oppressed as a people a long time ago. You have to give us our share and we will of

    course, we have to restore law and order.

    Mike Enriquez: Sec. Roxas, ano po ang reaction niyo sa sinabi ni Mayor Duterte? Meron po

    kayong 60 seconds, sige po.

    Sec. Roxas: Salamat, unang una ay tutugunan natin ang pagtayo ng anumang tulay doon sa

    kung saan mang bayan iyon pero habang totoo na napag-iwanan ang Mindanao, hindi na po

    iyan ang nangyayari ngayon. In fact Mindanao today it has twice the amount of infrastructure in

    the last 5 years than it had in the last 12 years. P260B ang dumating sa Mindanao sa

    nakaraang 5 taon kumpara sa P255M noong 12 taon ni Erap sorry ni Gloria at ni Erap.

    Hinahabol na natin, lumalaki na ang ating pagtugon ang paglaban sa Mindanao, is this enough?

    Hindi pa kaya tuloy tuloy ang ating programa kung saan mas maraming infrastructure tulad ng

    nakita natin paglanding sa Laguindingan papunta ditto. Iyan nangyari sa daang matuwid

    halimbawa ng infrastructure na pinarating natin sa Mindanao.

    Mike Enriquez: Maraming salamat, Secretary. Mayor Duterte meron ba kayong reaksyon? 30

    seconds.

    Mayor Duterte: Wala naman akong nakitang tuwid na daan puro kulubot naman iyan no. I said

    this year the budget given to Manila the largest portion it was 54% ang binigay sa region 11

    P19M kanila 64 so can you expect Mindanao to develop? Kukwestyunin iyan, you do not count

    the accounts that was given us 5 years e naubos iyan sa kurapsyon.

    Mike Enriquez: Salamat po, Mayor.

    Jessica Soho: Ang susunod naman po ay si Sec.Roxas at ang makakaharap niya si VP Binay. Ang tanong mula pa rin kay John Nery.

    John Nery:  Daghang salamat, Jessica. Ginoong Roxas, ang tanong po sa inyo…  sa

    pinakahuling Pulse Asia Survey lumalabas na ang pangunahing issue ng mga kabataan sa

    Mindanao, ang problema sa droga. Sa buong bansa P1.7M ang lulong sa droga. Kapag ikaw

    ang naging Pangulo, paano mo tutugunan ang problemang ito? Ano ang gagawin sa mga drug

    cartel? Kailangan bang ibalik ang death penalty para masolusyonan ang problema?

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    18/26

    Mike Enriquez: 90 seconds, Secretary.

    Sec. Roxas: Ang droga ay isa sa problema na hinaharap natin bilang isang lipunan. Walang

    pamilya sa ating buong bansa na hindi tinamaan sa problema ng droga. Tututukan natin ito,

    natutukan na natin ito at tututukan natin ito sa pamamagitan ng sa taas paghabol kumbaga sa

    sibat, yung tinatawag nating lambat sibat, sibat ang drug cartel tulad ng ginawa namin sa PNP

    noong ako po ay DILG. Mahigit 20 mahigit P20B na halaga ng droga ang nahuli noong

    kapanahunan ko. Sa ibaba naman sa ibaba ng cartel sa pamamagitan ng lambat pulisin, street,

    sitio at house level pulisin ang kinakailangan diyan. Ganunpaman hindi natin malulutas ang

    problema ng droga kung aasahan natin ay pulis lang ito ay problema ng buong lipunan it takes

    all of us coming together mga guro mga magulang mga kapitbahay lahat po ng lipunan ay dapat

    magtulong tulong para malutas po ang problema ng droga hindi po madali malaking pera ito

    kasama na ang mga corrupt iba pulitiko, iba mga police so anti-corruption pa rin ang

    pinakamahalagang sandata para malabanan natin ang droga.

    Jessica Soho: Ang inyo pong reaction VP Binay, 60 seconds.

    VP Binay: Unang una diyan ang problema po diyan ay mahina ang enforcement. Nandiyan po

    nalalaman ang illegal drug syndicates, ano ang ginawa? E wala masyadong nahahabla kung

    may nahahabla naman wala masyadong nangyayari. Isa pa hindi ho effective hindi decisive

    ang ating leadership. Ako ho sa Makati inabutan kong problema iyan. Yung problema ng droga

    pero ako po ay decisive. Wala tayong papayagan, yung mga kaso ng illegal drug syndicates.

     Ako tuwing maghaharap harap kami, “Uy ano na ba ang mga kaso? Wala na ba? nasolusyonan

    na ba?” Uulitin ko ang banggit po sa death penalty hindi ho ako naniniwala sa death penalty

    gawa po ng Diyos iyan e, hindi ho natin kailangang gawin iyan. Uulitin ko kailangan lang ho

    decisive ang pagharap sa problema iyon ang wala kaya ho nagiging problema.

    Jessica Soho: Counter rebuttal Secretary Roxas 30 seconds po.

    Sec. Roxas: Nabanggit ni VP Binay ang Makati pero po di ba ang totoo, dalawa ang Makati?

    Makati ng mga Ayala na maunlad, maraming trabaho. At Makati ng mga Binay na mahirap pa

    rin, Komembo, Rembo diyan pa rin ang mga mahihirap. Nandiyan pa rin ang droga. In fact

    Makati, it was the highest drug rate lahat ng mga mayayaman diyan lahat ng clubs bawat

    Biyernes sabado nandiyan laganap ang droga sa Makati.

    Jessica Soho: Maraming salamat po, dating DILG Sec. Mar Roxas.

    Mike Enriquez: Mabilis lang po, sige po, Vice President.

    VP Binay: Ewan ko ho kung saan nakuha ang statistics ni Mr. Roxas. Hindi ho naging problema

    sa amin ang droga. Yung rembo, naku masaya po ang mga tao doon kasi yung mga lupa doon

    naibigay ko at malaki ang halaga. Wala hong kahirapan sa Rembo, sa buong Makati

    nakapagdeliver po kami at naiangat namin ang buhay.

    Mike Enriquez: Maraming salamat po Vice President.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    19/26

    Mar Roxas: Sa housing nilagay para mailipat nila para Makita kung gaano kahirap pa rin ang

    mga tao na inilipat nila.

    Mike Enriquez: Sige po, magbabalik po tayo sa ating sequence mamaya po, huwag po kayong

    mag-alala itutuloy po nila iyan. Gusto niyo? Palakpak kung gusto niyo. Ayun ayun o.

    Jessica Soho:  Si VP BInay nman ngayon makakaharap si Sen. Miriam Defensor Santiago

    tanungin uli natin si John Nery, John..

    John Nery: Salamat, Jessica. Mr. VP ito po ang tanong para sa inyo. Sa pag-iikot namin sa

    Mindanao lumalabas na nais ng mga kabataan na ipasa ang anti-political dynaty bill. Kayo po

    ay kabilang sa isang political dynasty. Paano nyo bibigyan ng prayoridad na ipabatas o

    ipasabuhay ang constitutional provision laban sa political dynasty? Meron po kayong 90

    seconds.

    VP Binay: Unang una po ay kailangang maipaliwanag ko kung ano po ba talaga ang dynasty

    na tinutukoy oo nga at nandiyan sa saligang batas, iyang labanan ang anti-dynasty pero hindi

    po magkasundo kung ano ba ang definition ng dynasty. Pangalawa, bakit naman po magkaroonng batas para pagbawalan yung gustong magtrabaho? Qualified naman at mahahalal naman sa

    isang malinis at marangal na halalan. Hindi naman po guarantee na porket kamag-anak e

    mananalo. Ang Maynila tadtad po anak, asawa lahat po natatalo. Uulitin ko lamang kailangan

    lamang po magkaroon ng malinis at marangal na halalan palagay ko nagsimula itong issue ng

    dynasty dahil sa unang panahon magkakamag-anak, overspending, patayan at iba pa. Pero

    kung qualified gustong magtrabaho aba bakit hindi naman ho? Basta daraan lamang sa isang

    marangal at malinis na halalan. Salus populi   sabi nga e, gusto ng tao o bakit naman ninyo

    haharangin? Dahil lamang sa kamag-anak?

    Mike Enriquez:  Salamat po, Mr. VP. Sen. Miriam Defensor Santiago, reaction please, you

    have 60 seconds.

    Sen. Santiago:  The anti-dynasty provision is found most of all in our Constitution and it is a

    basic principle of law that anything written in the Constitution without more or without less

    should be literally applied if possible. Sinabi na ng Constitution eh, hanggang ngayon hindi pa

    naisasabatas yung aking bill ng anti-dynasty kaya hindi nadedefine kung sino ang mga

    members ng dynasty ano ang patakaran para masubsume sila ma form, part sila na miyembro

    ng dynasty dapat may batas na ganon na miyembro ng Kongreso na malabo. Ang totoo diyan,

    may self interest sila, gusto nila ang dynasty kasi dynasty ang pinanggalingan nila o

    pupuntahan nila. Ngayon kung ayaw nila noon, they have to amend the Constitution but while

    it’s there, it must be obeyed the Constitution is always and always supreme.

    Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Mr. Vice President, ano po ang masasabi niyo diyan?

    30 seconds.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    20/26

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    21/26

    Mike Enriquez: Ito na po ang susunod na magtatapatan, Senadora Miriam Defensor Santiago

    at Sen. Grace Poe, ang dalawang babaeng kumakandidato sa pagka-Presidente. Balikan natin

    si John Nery, John...

    John Nery: Salamat Mike. Ito po ang susunod na tanong para po kay Sen. Santiago. May mga

    nagsasabing para depensahan ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, kailangan natin

    ng EDCA or Enhance Defense Cooperation Agreement ang pinangangamba naman ng ilang

    kausap namin lalo na dito sa Cagayan De Oro na ang mga lugar katulad ng Lumbia Airport ay

    gagamitin para sa EDCA ay magiging militarized. Kayo po ba ay pabor sa EDCA? Kung hindi,

    ano ang nakikita niyo para madepensahan ang Pilipinas laban sa bansa mula sa China?

    Jessica Soho: 90 seconds po.

    Sen. Santiago:  I am against the EDCA, in fact I was the author and the sponsor of the

    resolution of the past Senate expressing the sense of the Senate that the EDCA should past

    first the Senate which is what happens to all other treaties. Bakit ito pinirmahan lang ng

    opisyales ng Department na hindi binigay sa Senado lahat ng ibang mga treaty ganoon ang

    paraan doon kaya galit talaga ako diyan dahil nagsusunod sunuran tayo. Itong dalawang

    higante, ang China at ang US parehong gustong kontrolin ang Pilipinas. Bayaan mo na kung

    ano ang gusto nila sa sarili nila huwag na nila tayong idamay kaya pareho lang iyan na mga

    ganiyan. Ang China gusto niya lahat ng produce kaniya na kaya ayaw makipag-usap sa atin

    ang China ng one on one, Pilipinas halimbawa and China, Vietnam and China. Ganon ang atin

    namang gusto ay collective lahat ng Asians, magkasamasama sila 10 sila at kausapin nila ang

    China. Ngayon ayaw ng China iyon kaya hindi na talaga maresolba iyan pero ang katotohanan

    diyan ay parehong gusto na kontrolahin itong South China Sea na tinatawag o West Philippine

    Sea nitong dalawang bansa na ito. Let us stand for our sovereign rights I am willing to join any

    movement to declare independence for imposed sovereignty.

    Mike Enriquez: Salamat po Senadora. At Senadora po, meron po kayong 60 na segundo, 60

    seconds para sa inyong reaction.

    Sen. Poe: Sang-ayon ako kay Sen. Miriam na dapat talaga dumaan ito sa Senado para masuri

    kung ito ba ay bagong kasunduan o hindi. Ito po ang ilagay natin sa ating isip, wala pong bayan

    ang mag-iisip kung ano po ang mas maganda para sa kanilang kapitbahay o para sa kanilang

    kaalyado. Ang unang una nilang isiipin ay ang ating sarili ngayon, isipin natin ang ating sarili

    ano ang pwede nating makuha sa kasunduang ito. Oo bigatin pero naalala ba ninyo noong

    nandito ang base military kahit papaano binabayaran tayo ng Amerikano pero ngayon dahil sa

    EDCA libre ang kanilang pagdating dito. Ito ang masasabi ko, kahit na maliit na bansa tayo

    ikumpara natin sa China bakit ang Singapore kaya nilang palakasin ang kanilang military hindi

    sila basta basta inuuto ng ibang bansa. Kaya rin natin iyan ngayon. Unti unti palakasin natin

    ang ating military. Kausapin natin ang China constructively pero let’s take a leadership role in

     Asean so we can follow a particular code and conduct followed by other countries by the Asean.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    22/26

    Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Salamat po, Madam Senator. Senadora you have 30

    seconds.

    Sen. Santiago: Yes, different levels of negotiations in the Philippines and other foreign contries

    to deal with. The first track is always to exchange notes for example the Philippines already

    contested on the activities of China that’s the first track that’s had no effect walang epekto pero

    we have to go to the second track we have to negotiate with China together with other Asian

    countries.

    Mike Enriquez: Maraming salamat po, Senadora Santiago.

    Jessica Soho: Ausunod po ay ang paghaharap ni Sen. Grace Poe at ni Mayor Rodrigo Duterte,

    babalikan po natin muli si John Nery.

    John Nery:  Salamat, Jessica. Ito po ang tanong para kay Sen. Poe: hindi naipasa ang

    Bangsamoro Basic law dahil na rin siguro sa nangyari sa Mamasapano. Kapag kayo po ang

    nahalal, isusulong niyo ba uli ang BBL o meron kayong ibang programa? Yung nangyaring

    pagpatay kay Marwan kasama po ba iyan sa solusyon?

    Mike Enriquez: 90 seconds.

    Sen. Poe: Mr. Nery ang nais ko po ay magkaroon ng transparent at inclusive at sustainable na

    pag-uusap at saka kasunduan. Kailangan talaga sa pagbuo ng bagong kasunduan at pagtulak

    nito ang lahat ng mga grupo MILF, MNLF l,ahat ng mga grupo hindi lamang Maguindanaoan

    kundi Maranawan, Tausug, Badjao, at iba pa. Pati mga Kristiyano sa Mindanao na bumubuo

    nito. Pangalawa, habang naguusap tayo, kailangan ay sundan natin ito ng mga proyekto para

    sa Mindanao ako po ay isa sa gustong magtulak talaga na magkaroon tayo ng Mindanao rail.

    Noong 1992 pa po ito pinag-uusapan. Siguro nasa lagpas P70B ito. Kaya na natin itong

    tugunan sa mga panahon na ito kailangan rin nating ayusin ang problema sa kuryente dito saMindanao. Kailangan rin nating i-rehabilitate ang Angus at Pulangi dam sapagkat ito po ay

    heavily silted na. Imbes na 900 megawatts nagiging 600 megawats of power lamang ang

    nabibigay dito. Importanteng magkaroon ng trabaho dito sa Mindanao kaya nga sa aming

    budget kasama ang infrastraktura 2000km na kailangan naging ipasemento at ipaayos.

    Magbibigay ng temporary na trabaho pero pagkatapos noon mahihikayat natin ang turismo at

    mamumuhunan dito na pumunta dahil mas maayos na ang mgakalsada kasama sa usap ng

    kapayapaan ay ang development.

    Jessica Soho: Rebuttal Mayor Duterte, 60 seconds.

    Mayor Duterte: Let me focus on Mindanao, on what it is happening today with the failure ofBBL there is a great great hurt there unless I say we can come out another card which is

    Federalism nothing at all can a peace Mindanao iyan ang nangyayari diyan and that is why it is

    very important na kung ako ang pupunta diyan, I will not offer the BBL which is the same

    configuration. But I will offer Federalism to all pati kay Nur Misuari, that would maybe a peace

    everbody very Moro pulitiko would like to see Federalism kasi pumalpak nga ang BBL and we

    have to do this because nothing, nothing short will a peace to bring peace Mindanao. Iyan ang

    importante sa lahat diyan you have to right a historical wrong against the Moro people.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    23/26

    Jessica Soho: Counter rebuttal, reaksyon, Senadora Grace Poe, ano po ang inyong reaction?

    Sen. Poe: Ginagalang ko po ang sinasabi ni Mayor Duterte. Kailangang pag-usapan natin kung

    makakabuti pa ang federalism ng ating bayan ang pinakamalapit na example ng federalism sa

    ating bayan ngayon gawin natin ito sa umpisa ng termino ng isang Pangulo kung ano ang

    makakabuti pero sa tingin ko ang kailagan ng ating mga kababayan ay devolution of powers

    kung saan ang people of Mindanao ay mas may prerogrative sa paggasta ng kanilang pondo.

    Sa ngayon po ay dapat 40% pero less than 30 or 30% lang ang nabibigay sa local government

    mali po iyon, kailangan taasan natin.

    Jessica Soho: Maraming salamat, po Sen. Poe.

    Mike Enriquez: Tapos na po ang round 3, mga Kapuso. Susunod mapapakinggan niyo na po

    ang mga huling salita ng mga kandidato para sa hapon na ito.

    Jessica Soho: Closing statement

    Mike Enriquez: Tawag po nila diyan, closing statement mga Kapuso, gusto niyo pa? Sige posandali lang.

    Mayor Duterte:  One hour each? We are good until 9. Let us explain further our side to the

    people.

    Jessica Soho: Patay, one hour daw. Kilatisin, busisiin po ang inyong pipiliin.

    Mike Enriquez: Magbabalik po mga Kapuso ang Pilipinas Debates 2016. One hour?

    GAP 6

    Jessica Soho: Magandang gabi na, mga Kapuso. Narito uli tayo live mula sa Capitol University

    sa Cagayan de Oro City para sa huling bahagi na po ng Pilipinas Debates 2016. Kasama pa rin

    po natin lahat ng mga kandidato sa pagka-Pangulo.

    Mike Enriquez: Mga Kapuso, nitong nakaraang lingo, nagpunta po kami dito sa barangay Pikit

    dito po sa Mindanao. Nakilala po namin ang isang estudyante sa grade 5 nakikita niyo po iyan

    si Nornissa po iyan malungkot po ang kwento niyang si Nornissa dahil hawak po siya ng

    kaniyang ama nang siya ay nabaril sa isang rido.

    Jessica Soho: 3 km lang naman ang layo sa ating kinaroroonan natin ngayon, nakilala ko si

    Nanay Nening 71 years old. Ang tanging kinabubuhay nilang mag-asawa ay pagbebenta ng

    panggatong. Kada buwan, P300 ang kanilang kita sabi niya, kung mahirap sila noon, mahirap

    pa rin po sila hanggang ngayon kasama sina Nornisa at nanay Nening sa mahigit 100M Pilipino

    na nais po ninyong pamunuan.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    24/26

    Mike Enriquez:  at para po sa pangwakas na pananalita, closing statement ngayong gabi e

    pakisabi na rin po sa mga nakikinig sa Pilipinas at sa buong mundo bakit kayo ang dapat na

    susunod na kandidato na Presidente ng Pilipinas.

    Jessica Soho: Bibigyan po namin kayo ng tig isang minute. Para riyan alphabetical ulit po ang

    ating sequence, ang ating pagkakasunod sunod.

    Mike Enriquez: Ito na po mga kapuso ang uunahin natin si VP Binay, Mr. VP, 60 seconds po.

    VP Binay:  Batay po sa aking karanasan at tamang pamamahala pagmamalasakit sa ating

    kapwa lalong lalo na sa mahihirap, iyan hong pagharap sa problema ng kahirapan ay dapat pa

    rin po nating harapin sapagkat problema pa rin po iyan. Kaya po tigilan na po natin iyang under

    spending ang sinasabi ko kapag underspending, under performance. Hindi nagagamit yung

    dapat paggamitan. Pagkamaraming namamatay kasi hindi nabibigyan ng gamut, hindi

    makapagpapasok sa ospital. Nakakaapekto po iyan nade-delay ang performance. Yung mga

    infrastructure project po natin nakakatulong po iyan dahil sa pagparami ng kabuhayan e hindiho nagagawa kaya po kailangang kailangan po tayo na magdagdag gastusin, ang pera para

    mabago po ang ating buhay.

    Jessica Soho: Sunod po naman si Senadora Miriam Defensor Santiago, 60 seconds po.

    Sen.Santiago: We are here looking for a real leader of the Philippines who will implement all

    the valuable suggestions made here in this evening. But this is not a personality contest. This

    is not a show for entertainment this is a show to educate the Filipino voters to what their

    responsibilities are in addition to those being assumed as Presidential candidates. One, there

    should be academic excellence. Dapat naging head of the class at least naging honor student

    kasi kung hindi marunong iyon, anong dunong ngayon ang ibibigay sa atin? Pangalawa, mayprofessional excellence. Kung may professional, iyon dapat binigyan iyon ng mga awards ng

    kapwa professional niya dahil sa hanga sila sa kaniya. But third and most important, we should

    have moral excellence. Dapat yung binoboto natin yung walang bahid sa kaniyang record.

    Inimbento man masyadong hindi kapanipaniwala so good luck to you and good luck to all of us I

    hope this country will deserve to be what God meant it to be, a happy prosporous nation.

    Mike Enriquez: Salamat po Senadora, 60 seconds po sa huling pananalita ngayong hapon ni

    Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayor..

    Mayor Duterte: nganong dia dire (speaking his dialect) Why am I here? I am here because I

    love my country and a people of the Philippines I am a native from the Philippines. There are somuch corruption. there are so much crime, so much drugs flooding the country and it seems no

    one is minding this. Matagal nang I am raising the problem and I said everytime on the forum I

    talk about this and that e kung bigyan niyo ako ng pagkakataon, only if God’s will, also I said

    this is an imposed restriction on me. Hindi ako nagpapablib sa inyo. I will get rid drugs,

    suppress crime, stop corruption in government in a matter of 3-6 months, because I believe

    without peace without corruption we cannot really survive and develop as a nation.

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    25/26

    Jessica Soho:  Si Senadora Grace Poe naman ang susunod na magbibigay ng closing

    statement. Sen. Poe 60 seconds.

    Sen. Poe: Maraming, salamat sa inyong pakikinig. Nararapat lamang na pinag-uusapan natin

    ang lahat ng ito. Ito po ay hindi tungkol sa mga kandidato kundi tungkol sa inyo. Hindi po ang

    mahalaga sa amin kundi ang mahalaga sa inyo, dahil ito ay tungkol sa Mindanao nais nating

    balikan ang nais nating gawin sa Mindanao. Unang una kailangan talagang magkaroon ng

    sapat na kuryente na mura ang halaga para sa ating mga kababayan. Iyan ay ating gagawin ire-

    rehabilitate natin ang lahat ire-rehabilitate natin nag transmission grids para ito naman ay sapat

    ang kuryenteng maibibigay. Pangalawa, trabaho para sa inyo. 30% budget ng national

    government ilalagay natin dito. Pangatlo, kailangan rin na magkaroon ng pakikipaglaban sa

    kurapsyon. Kapag ako po ang naging Pangulo, unang executive order magkakaroon ng

    freedom of information na matagal na ating ginugusto sa Pilipinas o sa mindanao man ang

    pinakaimportante ay isang lider na mapagkakatiwalaan. Oo nga bago nga ako pero hindi na rin

    bago ang ating problema pero marami nang matagal diyan pero paulit ulit pa rin ang kanilang

    mga lumang solusyon.

    Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Pakinggan naman natin si DILG Sec. Mar Roxas.

    Sec. Roxas: Bakit ko gustong maging Pangulo? Maraming pagkakataon sa buhay ko, alam ko

    wala sa mamamayang Pilipino, nagtrabaho ako nakaipon ako, alam kong maayos ang

    kinabukasan ng anak ko, makakapag-aral siya. Kapag may nagkasakit sa pamilya namin

    kampante ako na may gagamot sa kanila, hindi ko pinoproblema ang kakainin ko sa bukas.

    Bakit ko gustong maging Pangulo? Dahil gusto kong maging ganito rin ang buhay niyo. Malaya

    sa gutom. Malaya sa takot at malayang mangarap. At nahihiya akong gawin mahihiya akong

    harapin ang aking magulang, ang aking anak, kayo mismo kung hindi ko gagawin lahat para

    mangyari ito, maraming salamat.

    Jessica Soho:  Maramig maraming salamat sa ating mga kandidato, sa Philippine Daily

    Inquirer, sa GMA ,sa paghahatid sa inyo ng Pilipinas debates 2016. Thank you sa Editor-in-

    Chief ng inquirer.net na si John Nery, sa team bahay na masipag magtweet, magpost sa

    facebook at nakibahagi sa diskusyon sa GMAnews.tv, sa super radio DZBB at sa lahat ng

    RGMA stations nationwide, thank you rin po.

    Mike Enriquez:  Salamat rin po sa Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas. Maraming

    salamat po sa COMELEC, maraming maraming salamat at lalo na lahat, maraming salamat po

    sa milyun milyong Pilipino na tumutok ngayong hapon at gabi, kumilatis at bumusisi sa mga

    kandidatong ito.

    Jessica Soho: Maraming salamat po uli sa ating kandidato, sabi nga nila, walang personalan

    pulitika lang. Kaya aanyayahan namin kayong pumunta sa harapan ng entablado at

    magkamayan po alang alang sa bayan. Naway nakatulong po kami sa inyong pagdedesisyon

  • 8/20/2019 Pilipinas Debates 2016 - Transcript

    26/26

    sa eleksyon 2016. iisa lang po ang inyong boto kaya pag-isipan ng husto. Ako po ang inyong

    Kapuso, Jessica Soho.

    Mike Enriquez: Mga kandidato pakitaas lang ang mga kamay para sa Pilipinas. Mga Kapuso,

    isa sa kanila ang magiging susunod na Presidente ng Republika ng Pilipinas. Ako po si Mike

    Enriquez, maraming salamat po sa inyong pagtitiwala, magandang gabi. Ay meron pa sa

    Visayas at Mindanao, magandang gabi mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay!

    END