Top Banner
KAGAWARAN NG EDUKASYON REHIYON III Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis Lungsod ng San Fernando para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I
12

para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

Apr 07, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON III Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis

Lungsod ng San Fernando

para sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang I

Page 2: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

PAUNANG SALITA

Sa mga magulang at guro, ang Sariling Linangin Kit na ito ay

naglalayong maituro sa mga mag-aaral ang pagsunod sa mga

gawaing panrelihiyon at maipakita ang pagkakaroon ng pag-asa

sa anumang pagsubok sa buhay.

Ito rin ay naglalaman ng iba't ibang gawaing

magpapaunlad sa kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral na

may kaugnayan sa paggalang sa paniniwala ng iba at

pagmamahal sa Diyos.

2

Page 3: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

I. PALAWAKIN NATIN

Paksang Aralin: Pagsunod sa mga Gawaing Panrelihiyon

Layunin:

Batayang Pagpapahalaga: Pag-asa

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa

kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos, paggalang sa paniniwala

at pagkakaroon ng pag-asa.

Pamantayan sa Pagganap: Naipakikita ang pagmamahal sa

magulang at mga nakatatanda, paggalang sa paniniwala ng

kapwa at palagiang pagdarasal.

Pamantayan sa Pagkatuto: Nakasusunod sa mga gawaing

panrelihiyon.

ESPIPD-IVf-g-3

3

PAUNANG PAGSASANAY

Iguhit ang masayang mukha kung tama ang

isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung

mali.

_______1. Tumulong sa mga kamag-aral na walang baon.

_______2 . Mag-ingay sa loob ng simbahan.

_______3. Igalang ang paniniwala ng iba.

_______4. Palaging magdasal sa Diyos.

_______5. Huwag mawawalan ng pag-asa kahit nahihirapan na.

Page 4: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

4

II. PAG-USAPAN NATIN

Ang pagkakaroon ng pananalig sa Poong Lumikha ang

solusyon sa anumang suliranin sa buhay. Kahit iba-iba man ang

relihiyon ng bawat Pilipino ay iisa pa rin ang pinagkukunan ng lakas

ng loob at nagbibigay ng pag-asa sa mga pagsubok na maaaring

dumating sa pamilya.

Kilalanin natin ang tatlong batang hindi nawawalan ng

pag- asa sa kabila ng paghihirap na kanilang nararanasan.

A. Si Pepe, isang Katoliko, ang pinakabatang sakristan sa

kanilang simbahan. Tuwing Linggo, nagsisimba ang kanilang

buong pamilya.

Dalangin nila na gumaling na sa sakit na kanser ang

kaniyang ina. Tanging sa Diyos sila umaasang malalampasan ng

ina ang panganib sa kaniyang buhay.

Makaligtas kaya sa sakit na kanser ang ina ni Pepe?

Page 5: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

B. Si Ada ay isang batang Muslim na nakararanas ng takot

sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City sa Mindanao. Ang

kaniyang pamilya ay pansamantalang nakatira sa isang

evacuation center.

Ang mga magulang niya ay hindi makapaghanapbuhay

dahil sa bantang peligro ng mga teroristang sumalakay sa kanilang

lugar. Araw-gabi ay nananalangin siya kay Allah upang magkaroon

na ng kapayapaan sa kanilang lugar. Hangad niya na makabalik

na sa kanilang tahanan at makapagpatuloy na sa kaniyang

pag-aaral.

Magkakaroon kaya ng katuparan ang kaniyang kahilingan

sa kanilang Diyos na si Allah?

5

Page 6: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

C. Si Minerva, isang Iglesia ni Cristo, lumaking may takot sa

Diyos. Ang kaniyang ama ay ministro. Hindi sila nakalilimot na

magbigay ng limos sa mga batang pulubing nasa lansangan .

Naibibigay ng kanilang mga magulang ang kanilang

pangangailangan. Subalit dumating ang matinding pagsubok sa

kanilang buhay, nasunog ang kanilang bahay at walang anumang

gamit na natira.

Makapagpapatayo pa kaya sila ng bahay?

6

Page 7: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

ANO ANG NATUTUNAN?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino ang tatlong batang inilarawan?

2. Ano-ano ang relihiyon ng tatlong bata?

3. Ano ang dumating na pagsubok sa buhay nina Pepe, Ada at

Minerva?

4. Ano ang kanilang kahilingan sa Diyos?

5. Sa iyong palagay, matutupad kaya ang kanilang kahilingan sa

Diyos?

GAWAIN BILANG 1

Pag-ugnayin ang kahihinatnan ng panalangin nina Pepe,

Ada at Minerva.

1.

2.

3.

a.

b.

c.

7

Page 8: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

GAWAIN BILANG 2

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang problema?

a. paglalaro

b. pagdarasal

c. pagtakas

d. pagtatago 2. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa mga ito ang gagawin mo?

a. maglaro sa simbahan

b. kumuha ng gamit ng kamag-aral

c. pagtawanan ang paniniwala ng iba

d. mahalin at igalang ang magulang at kapwa 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?

a. pagdalo sa kanilang pagtitipon

b. pagsang-ayon na may Isang Diyos

c. pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba

d. pakikinig sa kanilang aral 4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipararamdam sa Diyos ang pagmamahal mo sa Kaniya?

a. pagsuway sa utos ng magulang

b. pagmamalupit sa mga hayop

c. pagkakalat ng basura

d. pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan 5. Ano ang gagawin mo kung may isinasagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa bahay ng iyong kapitbahay?

a. hindi papansinin ang nangyayari

b. tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba

c. manonood ng telebisyon

d. magpapatugtog ng radyo

8

Page 9: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

GAWAIN BILANG 3

Lagyan ng tsek / ang kahon ng larawan na nagpapakita ng

pagsunod sa gawaing panrelihiyon at ekis X kung hindi.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

9

Page 10: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

III. PAGYAMANIN NATIN

A. EBALWASYON

Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pagsunod sa

gawaing panrelihiyon? Ikahon ang bilang nito.

1. Pakikipagkaibigan sa may ibang paniniwala.

2. Sinusulatan ang lugar-sambahan ng iba.

3. Pagsasabuhay sa utos at aral ng Diyos.

4. Pagkakaroon ng bukas na isipan at pagrespeto sa paniniwala

ng kapwa.

5. Paggalang sa kanilang paraan ng pakikipag-ugnayan o

pagsamba.

B. PAGPAPAUNLAD NG KAALAMAN

Piliin ang tamang daan na magbibigay ng pag-asa sa

isang bata upang magkaroon siya ng magandang kinabukasan.

Pagdugtungin ang mga putol-putol na guhit.

Sanggunian: Pinagbatayan ng larawan: https://www.pinterest.com

K to 12 Learning Materials ESP 1

10

Page 11: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

This material was contextualized by the Curriculum and Learning Management Division

(CLMD)-Learning Resources Management and Development System (LRMDS)

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

ROSALINDA A. GALVEZ

Writer

MYLENE S. SILOS

Illustrator

VIRGINIA A. FADRIQUELA

Layout Artist

ALICIA M. SACDALAN

School Principal

MA. FILIPINA V. CRUZ, Ph. D.

District Focal Person

IRENE L. ELIZALDE. Ed. D.

District Supervisor

RAINELDA M. BLANCO, Ph. D.

Education Program Supervisor - LRMDS

MARIA CRISTINA H. NOGOY, Ph. D.

Education Program Supervisor - ESP

CECILIA E. VALDERAMA, Ed. D.

Assistant Division Schools Superintendent

ROMEO M. ALIP, Ph. D., CESO V

Division Schools Superintendent

DEPARTMENT OF EDUCATION - REGIONAL OFFICE III

WENDELL CABRERA

Education Program Supervisor - ESP

MA. EDITHA R. CAPARAS, Ed. D.

LRMDS Supervisor

ELIZABETH M. PERFECTO, Ed. D.

Curriculum and Learning Management Division Chief

NICOLAS T. CAPULONG, Ph. D., CESO V

OIC- Assistant Regional Director

MALCOLM S. GARMA, CESO V

OIC- Regional Director

11

Page 12: para sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang I

Bawat isa ay may kaniya-kaniyang suliranin sa buhay.

Napakahalaga na ang buong pamilya ay sama-samang

nagtutulong-tulong upang malutas ang problemang ito. Ang tunay

na pananalig at paniniwala sa Diyos ang magbibigay ng pag-asa

sa anumang hirap na dinaranas ng pamilya.

Ikaw, bilang mag-aaral, naniniwala ka ba na ang pag-asa

sa paglutas ng suliranin ay nasa awa at pagpapala ng Diyos?

Tunghayan natin ang nakapaloob sa sariling linangin kit na

ito at matututunan mo ang wastong pagpapahalaga sa pagsunod

sa mga gawaing panrelihiyon.

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)

Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)

Department of Education

Regional Office III

SYNOPSIS