Top Banner
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
39

Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

Aug 28, 2014

Download

Documents

Kar Regis
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

Page 2: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

KALIGIRANG KASAYSAYANKALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.

Page 3: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

PAKSA NG PANITIKAN:

1. Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

2. Diwang makabayan.3. Pag-asam o pagnanais ng kalayaan

Page 4: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

ANG KILUSANG PROPAGANDAPROPAGANDA

Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito

Page 5: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA

1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.

2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng

kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.4. Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa

pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

Page 6: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

ANG MGA PROPAGANDISTA

A. JOSE RIZAL –gumamit ng dalawang sagisag-panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang ( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA

= ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861, bayan ng Kalamba

= namatay noong ika-30 ng Disyembre 1896 = ang kanyang mga AKDA : **NOLI ME TANGERENOLI ME TANGERE – akdang nagbigay daan

sa himagsikan laban sa Espanya; inilantad ang kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas.

Page 7: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

** EL FILIBUSTERISMO – akdang nagsisiwalat ng mga kabulukan ng pamahalaang umiiral** MI ULTIMO ADIOS – (Ang Huli Kong Paalam); ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago. Ipinalalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.** SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINAS- (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino ). Ito’y isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad** FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS-(ANG Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon ). Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Rizal; kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.

Page 8: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

** A LA JUVENTUD FILIPINO- ( Sa Kabataang Pilipino ). Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas.** EL CONSEJO DE LOS DIOSES- ( Ang Kapulungan ng mga Bathala). Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.** JUNTO PASIG – ( Sa Tabi ng Pasig ). Isinulat niya ito nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang.** ME PIDEN VERSOS- ( Hinilingan Nila Ako ng mga Tula ).-1882 at A LAS FLORES DE HEIDELBERG ( Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882 ). Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

Page 9: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

B. MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng iba’t ibang sagisag-panulat tulad ng PLARIDEL; PUPDOH;PIPING DILAT; at DOLORES MANAPAT= isinilang sa Cupang,San Nicolas Bulakan noong ika-30 ng Agosto,1850=itinatag ang DIARIONG TAGALOG noong 1882=hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng pahayagang LA SOLIDARIDAD

Page 10: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI MARCELO H. DEL PILAR

•PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- salin sa tulang Kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa Diariong Tagalog.•CAIIGAT KAYO – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni Padre Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores Manapat” sa akda niyang ito.•DASALAN AT TOCSOHAN- akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona noong 1888.

Page 11: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

• ANG CADAQUILAAN NG DIOS – ito’y isang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilahathala sa Barcelona. Isang sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay ng pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa kalikasan.•SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS- isang tulang nagsasaad ng pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.•DUPLUHAN..DALIT..MGA BUGTONG- ito’y katipunan ng maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.•LA SOBERANA EN FILIPINAS- sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di-makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino

Page 12: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

GRACIANO LOPEZ-JAENA= isinilang noong Disyembre 18, 1856= kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan at Pananalumpati”= itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal na bibig ng “Asociation Hispano Filipina”= nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa ospital ng Barcelona noong ika-20 ng Enero 1896

Page 13: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI G.LOPEZ-JAENA

•FRAY BOTOD (1876)- tinutuligsa ang mga prayle na masisiba, ambisyoso at imoral ang pagkatao•LA HIJA DEL PRAILE- ipinaliliwanag ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.•SA MGA PILIPINO (1891)- isang talumpati na ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan•MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS- tinutukoy rito ni Lopez Jaena ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas-1887

Page 14: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

IBA PANG MGA PROPAGANDISTA

1. ANTONIO LUNA2. MARIANO PONCE3. PEDRO PATERNO4. JOSE MA. PANGANIBAN5. PASCUAL POBLETE

Page 15: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

ANTONIO LUNA= isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya.= sumanib sa kilusang PROPAGANDA= ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila= ginamit niyang sagisag-panulat – TAGA-ILOG= namatay sa gulang na 33 noong ika-7 ng Hunyo, 1899

Page 16: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI A. LUNA• NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay Filipino•SE DIVIERTEN – (Naglilibang Sila)- isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw•LA TERTULIA FILIPINA- (Sa Piging ng mga Pilipino)-naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na ipinalalagay niyang lalong mabuti kaysa kaugaliang Kastila•POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo

Page 17: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

• LA CASA DE HUESPEDES – (Ang Pangaserahan)- naglalarawan ng isang pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita’ kundi upang maihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak•IMPRESIONES- ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal

Page 18: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MARIANO PONCE

= naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.= mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG; KALIPULAKO at NANING= tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay= inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan

Page 19: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI M.PONCE

•MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang bayang sinilangan•PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan•SOBRE FILIPINA•ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

Page 20: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

PEDRO PATERNO= isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda= sumapi sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino= unang manunulat na nakalaya sa sensura sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila

Page 21: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI PEDRO PATERNO

• NINAY – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino•A MI MADRE (Sa Aking Ina)- nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito•SAMPAGUITAS Y POESIAS VARIAS – katipunan ng kanyang mga tula

Page 22: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

JOSE MA. PANGANIBAN

= itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA= kilala sa pagkakaroon ng “MEMORIA FOTOGRAFICA”=kabilang sa mga kilusang makabayan

Page 23: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI JOMAPA• ANG LUPANG TINUBUAN• SA AKING BUHAY• SU PLAN DE ESTUDIO• EL PENSAMIENTO

Page 24: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

PASCUAL POBLETE= isinilang sa Naic Kabite noong Mayo 17, 1858= kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano= mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at mananalaysay= itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang “EL RESUMEN”= sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL GRITO DEL PUEBLO” at “ANG TINIG NG BAYAN”= kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal= kinilalang “Ama ng Pahayagang Tagalog”

Page 25: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

ANG PANAHON NG TAHASANG

PAGHIHIMAGSIK

Page 26: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

Page 27: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG TAHASANG

PAGHIHIMAGSIK:

== pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan

== pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan

Page 28: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

ANDRES BONIFACIO• kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN”• hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng karanasan”• umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA• lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat

Page 29: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI A. BONIFACIO

1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito

2. HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios”

3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar

4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG –bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila

Page 30: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

• KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS

Page 31: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

EMILIO JACINTO-isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875-gumamit ng sagisag-panulat na “DIMASILAW”-Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”-Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio-Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN-Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN

Page 32: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI E.JACINTO

= KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan= LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng pag-ibig sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala= A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina= A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra

Page 33: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

APOLINARIO MABINI= nagmula sa maralitang angkan= isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas= nagtapos ng pagka-manananggol= tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”= ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano= namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

Page 34: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA AKDA NI A. MABINI

= ANG HIMAGSIKANG PILIPINO –isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban= SA BAYANG PILIPINO –isang tulang handog sa bayan= ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto= EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA-Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino= PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO= EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung Utos

Page 35: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

JOSE PALMA= isinilang noong ika-6 ng Hunyo1876 sa Tondo= nag-aral sa Ateneo de Manila= lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “MELANCOLICAS” ( Mga Panimdim)= pinakadakilang ambag ay ang pagkakalapat ng titik sa tugtuging pambansa na pinamagatang “FILIPINAS”

Page 36: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

JULIAN FELIPE= ang may-akda ng Pambansang Awit= kinikilala bilang “AMA NG MARCHA NACIONAL”= isinilang noong Enero 28,1861, Kabite

Page 37: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN

Page 38: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

1. HERALDO DELA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan

2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas

3. LA REPUBLICA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898

4. LA LIBERTAD – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta

5. UNANG GASETILYA – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES bagamat isang polyeto ay ipinalalagay na kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas

Page 39: Panitikan Sa Panahon Ng Himagsikan

6. DEL SUPERIOR GOBIERNO – kauna-unahang pahayagang regular na inilathala sa Pilipinas.Ang naging unang editor ay si Manuel Fernandez del Folgueras

7. LA ESPERANZA – kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte at Evaristo Calderon

8. DIARIO DE MANILA – unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan

9. EL RESUMEN – magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes at Baldomero Hazanas. Kauna-unahang pahayagang lantad sa pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino

10. ANG KALAYAAN – ang opisyal na pahayagan ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan ni E. Jacinto